You are on page 1of 12

RIZAL HIGH SCHOOL

Dr. Sixto Antonio Ave. Brgy. Caniogan, Pasig City

Taong Panuruan 2019-2020

Setyembre 11-15, 2019

IKALAWANG MARKAHAN

I.PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
A. ARALIN 2.7 MAIKLING KWENTO

A. Panitikan: Aginaldo ng mga Mago


Maikling Kwento (Mula sa Ustados Unidos)
Isinalin sa Filipino ni Rufino Alejandro ng
“Gift of the Magi”ni O. Henry (William Sydney Porter)
B. Gramatika: Pokus sa Ganapan at Pokus sa Sanhi
Gamit sa Pagsasalaysay ng mga Pangyayari
C. Uri ng Teksto: Nagsasalaysay
D. Pagdulog: Pananaw Romantisismo
Pokus na Tanong:
Panitikan:
Gramatika:

B. PAMANTAYANG PAGGANAP

Pagbuo ng isang tableau sa pangkalahatang klase na nagtatampok sa Maikling

Kwento na may temang Pag-ibig.

UNANG ARAW

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto

1. Nalalaman ang kasaysayan ng bansang tatalakayin.

2. Naihahambing ang kaligirang kasaysayan ng Maikling Kwento sa

pamamagitan ng iba’t ibang pamamaraan sa pag-uugnay sa pinagmulan nito.

3. Nakapagbabahagi ng sariling saloobin o ideya sa paksang tatalakayin.

II. NILALAMAN (PAKSANG ARALIN)

Panitikan:
Kaligirang Kasaysayan ng Maikling Kwento
Katuturan ng Maikling Kwento
Mga Uri at Banghay ng Maikling Kwento

III. KAGAMITANG PANTURO


A. Sanggunian:
Panitikang Pandaigdig-Filipino 10
Pahina 216
Internet Sources
B. Iba Pang Kagamitang Panturo
Smart TV o Projector, Laptop, Visual Aid,
PowerPoint Presentation (Sariling Katha)

IV. PAMAMARAAN

A. Balik-aral/ Panimulang Gawain


Pagbibigay ng “REKAP” sa mga tinalakay sa nakaraang aralin.

R E K A P
B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin (Pagganyak)
Pagbuo ng mapa ng USA mula sa mga ginulong bahagi nito.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin (Paglalahad ng Aralin)


Gawain 1: Alamin Mo!
Paghambing at pagtulad ng kultura ng bansang Amerika at Pilipinas.

KULTURA NG KULTURA NG
AMERIKA PILIPINAS
TUNGKOL SA TUNGKOL SA
PAGBIBIGAYAN PAGBIBIGAYAN
NG REGALO NG REGALO

Gawain 2: Palawakin at Iugnay


Pagbigay ng kaugnay na kaisipan sa pahayag na nasa kasunod na strips. Iugnay
sa sariling karanasan sa pamamagitan ng pagsasalaysay ng sariling karanasan.

Mas mabuting nagbibigay kaysa tumatanggap

KAISIPAN

KAISIPAN

KAISIPAN

D. Pagtalakay sa bagong konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan


Pagtalakay sa Katuturan, Pinag-ugatan, Uri at Banghay ng Maikling Kwento.
PANGKATANG GAWAIN
Pangkat 1- Pinag-ugatan ng Maikling Kwento, Iulat Mo!

Isasalaysay ang Pinag-ugatan ng Maikling Kwento sa pamamagitan ng


paggamit ng graphic organizer.

Pinag-uagatan ng Maikling Kwento

Panahon ng Katutubo

Panahon ng Kastila

Panahon ng Amerikano

Panahon ng Hapon

Pangkat 2- Katuturan ng Maikling Kwento,


Paghahambing ng regalo sa katuturan ng Maikling Kwento.

Pangkat 3- Gam,e Show: Who Wants to be a Millionaire?


Ibigay ang mga Uri ng Maikling Kwento sa pamamagitan ng game
show na Who wants to be a millionaire.

Pangkat 4- Banghay ng MK, Poootpooot!


Ilahad ang mga Banghay ng Maikling Kwento sa pamamagitan ng mga
istasyon ng MRT3.
Rubriks: Pamantayan sa Pangkatang Gawain

E. Paglalahat ng Aralin (Sintesis)


Dugtungan ang mga pahayag:

F. Pagtataya ng Aralin
Pagsulat ng sariling tula na natatampok ang temang “Pag-ibig”

G. Kasunduan (Takdang-Aralin)
Basahin ang Aginaldo ng mga Mago sa pahina 219-222. Sagutin ang Paglinang
ng Talasalitaan, Gawain 5 sa pahina 222.

IKALAWANG ARAW

I. MGA KASANAYAN SA PAGKATUTO


1. Nalalaman ang kahalagahan ng dulang tatalakayin.
2. Naiisa-isa ang mga sangkap ng dula sa akdang pampanitikan na
tatalakayin.
3. Nakasasagawa ng sariling wakas sa pamamagitan ng pagsasadula.

II.NILALAMAN (PAKSANG ARALIN)

Panitikan: Aginaldo ng mga Mago


Maikling Kwento (Mula sa Ustados Unidos)
Isinalin sa Filipino ni Rufino Alejandro ng
“Gift of the Magi”ni O. Henry (William Sydney Porter)
III. KAGAMITANG PANTURO

A. Sanggunian:
Panitikang Pandaigdig-Filipino 10
Pahina 219-222
B. Iba Pang Kagamitang Panturo
Smart TV o Projector, Laptop, Visual Aid
PowerPoint Presentation

IV. PAMAMARAAN

A. Balik-aral/ Panimulang Gawain


Pagbibigay ng “REKAP” sa mga tinalakay sa nakaraang aralin.

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin (Pagganyak)


1. Pagpakita ng dalawang klase ng kahon, isang nakabalot sa magandang pambalot
at ang isa ay simpleng kahon lamang.
2. Pagtanong sa mga mag-aaral kung alin ang kanilang nais na matanggap.

Pangganyak na Tanong:

1. Kung kayo ay bibigyan ng pagkakataon na pumili sa


dalawang kahon, ano ang nais ninyong piliin? Bakit?
2. Bakit kaya sa tuwing sasapit ang pasko, kinakailangan na
magkaroon tayo ng tinatawag na pagpapalitan ng regalo?

C. Pag-uugnay ng mga hugot lines o #HOTD sa bagong aralin (Paglalahad ng Aralin)


1. Pagtalakay sa Maikling Kwentong “Aginaldo ng mga Mago”.
2. Pagkilala sa May-akda.

William Sydney Porter (Sety


embre 11, 1862 - Hunyo 5,
1910), na kilala sa pangalan
ng kanyang panulat na si O.
Henry , ay isang manunulat
ng maikling kuwento sa
Amerika. Ang kanyang mga
kwento ay kilala sa kanilang
mga natapos na sorpresa.
D. Pagtalakay sa bagong konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan
Pagpanood ng maikling tagpo na galling sa youtube tungkol sa Maikling Kwentong
Aginaldo ng mga Mago.

MGA GABAY NA TANONG:


1. Ano ang kaisipan ang nais ipahiwatig sa atin ng Aginaldo ng
mga Mago?
2. Dala ng kahirapan kaya naging suliranin nina Jim at Della ang
paghahanda ng pamasko sa isa’t isa. Sa inyong palagay, makatwiran
ba ang ginawa nilang paraan upang malutas ang kanilang mga
suliranin? Pangatwiranan.
3. Naging mapanghamon bas a iyong isipan ang wakas ng kwento?
Patunayan.
4. Ano ang makabuluhang kahulugan ng pagbibigayan ng regalo sa
Pasko ang ipinakita sa maikling kwento? Patunayan.
5. Sa iyong palagay, maisasakripisyo mo ba ang mga bagay na
mahalaga sa iyo mapaligaya lamang ang iyong minamahal?
6. Bakit pinamagatang Aginaldo ng mga Mago ang akda?
7. Ano ang mahalagang mensahe ang ibinibigay ng may-akda?

:
PANGKATANG GAWAIN

Pangkat 1- Katangian ng Tauahan, Kilalanin!

Ilarawan ang mga katangian ng dalawang tauhan sa kwento. Paano nila ipinamalas ang

pagmamahal sa isa’t isa?


Pangkat 2- Mensahe Ko, Show Mo!

Anong mahalagang mensahe o kaisipan ang ibinigay ng akda? Magbigay ng


tiyak na mga halimbawa kung paano mo ito isasabuhay. Gamitin ang dayagram sa
pagsagot.

MAHALAGANG KAISIPAN

AGINALDO NG MGA MAGO

MAHALAGANG KAISIPAN PAANO ISASAGAWA?

Pangkat 3- Pag-isipan Mo!


Itinuring na marurunong ang tatlong haring mago na nag-alay sa sabsaban. Ihambing
ang Kaugnayan ng mga tauhang inilarawan sa maikling kwento sa Talong Haring
Mago na Pinagbatayan ng akda. Ipakita ito sa pamamagitan ng Comparison
Organizer.

PAGKAKATULAD
TATLONG DELLA AT
HARING
JIM
MAGO
PAGKAKAIBA

Pangkat 4- Tara! Usap Tayo!

Pag-usapan ito sa pamamagitan ng Talkshow.


E. Paglalahat ng Aralin (Sintesis)
#POTD-Hashtag Pulot Of The Day

F. Pagtataya ng Aralin
Panuto: Ilahad ang banghay ng Maikling Kwentong “Aginaldo ng mga Mago”.
Gamitin ang graphic organizer.

G. Kasunduan (Takdang-Aralin)
Basahin ang Sa Loob ng Love Class sa pahina 225-226
Pag-araln ang mga salitang may salungguhit sa kwento.

Ikatlong Araw

I.MGA KASANAYAN SA PAGKATUTO

1. Nalalaman ang dalawang Pokus ng Pandiwa.


2. Nakapagbabahagi ng sariling karanasan sa paksang tinalakay.
3. Nakagagawa ng sariling halimbawang pangungusap batay sa paksang tinalakay.

II. NILALAMAN (PAKSANG-ARALIN)

Pokus sa Ganapan at Pokus sa Sanhi


Gamit sa Pagsasalaysay ng mga Pangyayari

III. KAGAMITANG PANTURO

A. Sanggunian:
Panitikang Pandaigdig-Filipino 10
Pahina 211-214
B. Iba Pang Kagamitang Panturo
Smart TV o Projector, Laptop, Visual Aids
IV. PAMAMARAAN

A. Balik-aral/ Panimulang Gawain


Pagbibigay ng “REKAP” sa mga tinalakay sa nakaraang aralin.

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin (Pagganyak)


1. Pagpakinig ng isang “Audio Story” na pinamagatang Sa Loob ng Love Class
2. Pagtatanong ng mga opinyon hinggil sa napakinggang audio story.

C. Pag-uugnay ng pinanood na balita sa bagong aralin (Paglalahad ng Aralin)


1. Pagpakilala sa may-akda, Eric O. Carino sa pamamagitan ng LinkedIn.
2. Pagpapabasa ng Maikling Kwentong “ Sa Loob ng Love Class”
D. Pagtalakay sa bagong konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan
1. Pagpakinig ng isang pagsasalaysay sa mga mag-aaral.
2. Pagtalakay sa Dalawang Pokus ng Pandiwa.

GAWAING PANG-UPUAN

Pagsasanay 1: Bumuo ng mga pangungusap na ginagamit ang sumusunod na lunan o


ganapan sa pagsasalaysay ng isang pangyayari. Gumamit ng iba’t ibang
panlaping makadiwang Pokus sa Ganapan.

1. plasa 3. lansangan 5. eskwelahan

2. unang palapag 4. lungsod 6. bukid

Pagsasanay 2: Basahin ang sitwasyon. Kumuha ng kapareha. Pagkatapos, sumulat ng

isang salaysay na ipinopokus ang lunang pinaggaganapan at ang sanhi o

dahilan ng pagkakaganap ng pandiwa.

1. Iniwan si Aldrin ng ina at siya ay nagtrabaho sa ibang bansa.


2. Si Sarah ang nakatutulong ng inang nagtatrabaho sa bukid.
3. Paulit-ulit na piangmamalupitan ng amain si Jessa sa sarili
nilang tahanan.
4. Gabi-gabing nagpupuyat si Miguel sa pagtitinda sa plasa.
5. Pinagtanghalan nila ang bagong gawang entablado.

E. Paglalahat ng Aralin (Sintesis)


Pagwawasto sa pamamagitan ng boardwork.
F. Pagtataya ng Aralin
Bumuo ng mga pangungusap na ginagamit ang sumusunod na Gamit/Instrumento. Gumamit
ng iba’t ibang panlaping makadiwa sa pagbuo ng mga pagpapahayag.

1. Gamot 3. Basag na Bote 5. Posas

2. Tseke 4. Kalat na bubog 6. Baril

G. Kasunduan (Takdang-Aralin)
Maghanda ng mga kagamitan para sa gagawing pangkatan.

Ikaapat na Araw

I.MGA KASANAYAN SA PAGKATUTO

1. Nakabubuo ng konsepto sa pagsasagawa ng tableau.


2. Nakapagbabahagi ng puna sa bawat produktong natapos ng bawat
pangkat.
3. Nakagagawa ng awtput o produkto tungkol sa paksang tinalakay.

II. NILALAMAN (PAKSANG-ARALIN)

Pagsasagawa ng Tableau o Pakitang-larawan

III. KAGAMITANG PANTURO

A. Sanggunian:
Panitikang Pandaigdig-Filipino 10
Pahina 229
B. Iba Pang Kagamitang Panturo
Smart TV o Projector, Laptop, Visual Aid
PowerPoint Presentation

IV. PAMAMARAAN

A. Balik-aral/ Panimulang Gawain


Pagbibigay ng “REKAP” sa mga tinalakay sa nakaraang aralin.

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin (Pagganyak)


Pagpanood ng maikling bidyo tungkol sa Maikling Kwento.
C. Pag-uugnay ng pinanood na maikling bidyo sa gagawing presentasyon ng
pangkalahatang klase. (Paglalahad ng Aralin)

Pakitang-Larawan:

Isa kayo sa mga Artists Guild at kayo ay inatasang

magpakita ng isang tableau tungkol sa temang

“Ang Pasko sa Mata ng isang Bata” na

maipamamalas ang ang isang masining na

pagkakahanay ng mga tauhan. Walang kilos o

salitaan. Isang buong klase ang pangtutulong-

tulong sa gawaing ito.

D. Pagtalakay sa bagong konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan


Paglahad ng Rubriks o Pamantayan sa pagbuo ng maikling dula na natatampok
ang nasabing paksa.

A. Kaangkupan sa tema/paksa 20 puntos

B. Sining/ Estilo ng Paglalarawan 20 puntos

C. Paggamit ng musika/kasuotan/props 20 puntos

D. Kawilihan 40 puntos

KABUUAN 100 puntos

E. Paglalahat ng Aralin (Sintesis)


Ang bawat pangkat ay magbibigay-puna sa mga isinagawang pagsasadula.

F. Pagtataya ng Aralin
Magkakaroon ng Pagsusulit tungkol sa pangkalahatang paksa.

G. Kasunduan (Takdang-Aralin)
Basahin ang susunod na aralin.

Inihanda ni: Binigyang-pansin ni:

G Cris Exequiel B. San Pedro Gng. Myline Matundan

You might also like