You are on page 1of 6

SAN JOSE NATIONAL HIGH SCHOOL

Division Leader School


San Jose

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 10

I. Layunin :
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-una wa at pagpapahahalaga sa mga akdang
pampanitikan ng Africa at Persia.
B. Pamantayan sa Pagganap-aaral
Ang mag-aaral ay nakapanghihikayat tungkol sa kagandahan ng alinmang bansa batay sa
binasang akdang pampanitiikan.
C. Kakayahan sa Pagtuturo
F10PN-IIIa-76 - Naipaliliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mitolohiya ng
Africa at Persia.
F10PB-IIIa-80 - Nasusuri ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya batay sa: -
suliranin ng akda kilos at gawi ng tauhan - desisyon ng tauhan.
F10PT-IIIa-76 - Naibibigay ang pinagmulan ng salita (etimolohiya)
F10PD-IIIa-74 - Nabibigyang-puna ang napanood na video clip.
F10PS-IIIa-78 - Napangangatuwiranan ang sariling reaksiyon tungkol sa akdang binasa
sa pamamagitan ng debate/ pagtatalo)
F10PU-IIIa-78 - Nakasusulat ng isang pagsusuri tungkol sa binasa.

Integrasyon ng mga Aralin:

 Sipnayan – Paggamit ng Addition at Subtraction


– Paggamit ng Bar graph
 Ingles – Celebrating Diversity through World Literature, English 10, The Battle
of Wits, pp. 243-244– EN10RC-IIIi-3.1.12: Examining Biases.
 Araling Panlipunan – Kasaysayan ng Africa at Persia
 Filipino – Radio Broadcasting – Panitikang Pilipino, Filipino 8, Ang
Boadcasting Media; Mekanismo ng Pagbabago at Pag-unlad ng Kultuang
Pilipino, pp. 139-141– F8PB-IIId-e-30 Naiisa-isa ang mga positibo at
negatibong pahayag.
 ESP - Mga salik na nakaaapekto sa pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng kilos
at pasya – EsP10MK-IId-6-4

II. Nilalaman
Paksa: Liongo
Mitolohiya mula sa Kenya
III. Pamamaraan

i. Pang-araw-araw na Gawain

a. Panalangin
b. Pagbati
c. Pagsasaayos ng kapaligiran
d. Pagtatala ng Liban.

ii. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin.

Nais ko ng dalawang representante na gagamit ESP - Mga salik na


ng mga bagay na nasa loob ng mga ng kahong ito. Aalamin ng nakaaapekto sa
mga mag-aaral kung ano ang papel ng dalawa, kung ang mga pananagutan ng tao sa
ito ay mga karakter mula sa pelikula. kahihinatnan ng kilos at
pasya – EsP10MK-IId-6-
4

Kahon 1 Kahon 2

Paglalahad ng pokus na tanong:

1. Paano susuriin ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya na may iba’t ibang batayan?
2. Paano naiba ang mga akdang pampanitikan buhat sa Africa at Persia (Iran) sa iba pang akda
mula sa ibang panig ng mundo?

Gawain 2: Pangkatang Gawain

Gagamitin ng mga mag-aaral ang pangunahing Sipnayan – Paggamit ng


panuntunan sa Matematika o Sipnayan na pagdaragdag at Addition at Subtraction
pagbawas. Kung ano man ang resulta ng inyong pagkakakalkula
ay hahanapin niyo ang katumbas na letra no’n sa inihanda kong
paskil.
Hanay A Hanay B

6+6= B- 2 I- 9

11- 2 = E- 5 J- 10
= Liongo
F- 6 L- 12
10+5 =

20-6 = G- 7 N- 14

3+4 = O- 15

8+7 =
B. Paghahabi ng Layunin sa Aralin

a. Pagtatanong sa mga mag-aaral ng kanilang nakaraang kaalaman patungkol sa katuturan


ng mitolohiya.
b. Pagpapagamit sa mga mag-aaral ng isang Venn Diagram upang
F10PN-IIIa-76 –
ipakita ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mitolohiya ng Africa at Naipaliliwanag
Persia. ang pagkakaiba at
Ang unang pangkat ang magsusulat ng mitolohiya sa pagkakatulad ng
bansang Africa, pangalawang pangkat naman ang magsusulat ng mitolohiya ng
mitolohiya ng bansang Persia at ang pangatlong pangkat ang Africa at Persia.
magsusulat ng pagkakatulad ng mitolohiya ng dalawang bansa.

Pagkakaiba
Pagkakaiba

Pagkakatulad

c. Panonood ng video clip ng Liongo.

Mabisang tugon : Pangkatang Gawain


Mga katanungang nakapamahagi na bawat  F10PB-IIIa-80 - Nasusuri
ang mga kaisipang
pangkat.
nakapaloob sa mitolohiya
Unang pangkat:
batay sa: - suliranin ng
1. Tungkol saan ang iyong napanuod na bidyo?
akda kilos at gawi ng
2. Sa kabila ng kakaiba’t natatanging katangian ni Liongo, siya
tauhan - desisyon ng
ay may kahinaan din. Ano kaya iyon?
tauhan.
3. Pinamumunuan niya ang dalawang tribo. Ngunit sa kabila
noon ay hindi nakontento si Liongo, sinakop niya ang isla ng  F10PD-IIIa-74 -
Pate. Sa pangyayaring ito, sino ang nagtanim ng galit sa Nabibigyang-puna ang
kaniya? napanood na video clip.
4. Sa tingin mo ba’y tama ang naging desisyon ni Liongo na
sakupin ang lupaing pinamumunuan ng kaniyang pinsan?
Pangalawang pangkat:
5. Nagtagumpay ba si Haring Ahmad sa kaniyag masamang balak na burahin sa mundo si
Liongo?
6. Matapos makatakas ay nanirahan si Liongo sa Watwa, ano-ano pa kayang ang mga suliraning
kaniyang kinaharap?
7. Sa tingin mo ba’y makatwiran ang desisyog ginawa ni Haring Ahmad na tangkain niya pa ring
ipadakip si Liongo, sa kabila ng matiwasay na paninirahan ni Liongo sa Watwa?
8. Sa inyong palagay klas, kung kayo ang nasa katayuan ni Haring Ahmad, mapapatawad niyo
kaya agad si Liongo o ang isang taong nagkasala sa inyo?
Pangatlong pangkat:
9. Napakaraming digmaan ang napagtagumpayan ni Liongo, ngunit sa kasamaang palad klas,
kaninong mga kamay ang kumitil sa kan’yang buhay?
10. Kung kayo ay nasa katayuan ni Liongo, magsisisi ka ba na minsan ay binigay mo ang iyong
tiwala sa isang tao ngunit sa huli ay hindi ito pinahalagahan?
11. Sa kasalukuyang panahon, sino kaya sa tingin niyo ang tao o personalidad na may
pagkakatulad sa mga katangian ni Liongo?

d. Paglinang ng talasalitaan.
Ang susunod nating gawain klas ay isang pangkatang gawain.
F10PT-IIIa-76 -
Ang lahat ng inyong tamang sagot ay magiging puntos ng
Naibibigay ang
bawat pangkat. pinagmulan ng salita
(etimolohiya)
Unang pangkat – Aalamin ang etimolohiya ng mga salita.
Pangalawang pangkat – Aalamin ang katuturan ng mga
sumusunod na di-pamilyar na salita.
Pangatlong pangkat – bubuo ng mga pangunguap gamit ang mga di-pamilyar na
salita.

1. e.Matri
1. linear 2. Patri linear
f.

3. Faza 4. Ozi 5. Gala

C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin

Magpapaliwanag ng pagkakaiba at pagkakatulad ng mitolohiya Filipino - Pagbabago at Pag-


ng Africa at Persia sa pamamagitan ng isang Radio unlad ng Kultuang Pilipino,
Broadcasting. pp. 139-141– F8PB-IIId-e-30
Naiisa-isa ang mga positibo at
negatibong pahayag.
D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglahad ng bagong
English - The Battle of Wits,
kasanayan
pp. 243-244– EN10RC-IIIi-
Pangangatwiranan ang sariling reaksiyon tungkol sa akdang binasa 3.1.12: Examining Biases.
o napanuod, ang mitolohiyang Liongo sa pamamagitan ng debate Gamit ang Oxford Oregon.
gamit ang katanungan na, “Kung ikaw si Liongo, sasabihin mo ba
ang pinakatatago mong lihim sa iyong anak?”

E. Pagtalakay ng bagongkonsepto at paglalahad ng bagongkasanayan

Magsasagawa ng isang pagsusuri sa naging impluwensiya ng mitolohiyang Liongo sa sarili


maging sa mga kinapanayam na mga mag-aaral. Gagamit ang pangkat ng isang Bar graph upang
ipakita sa klase ang resulta ng kanilang pakikipanayam.

Pamantayan sa Pagmamarka

Kalinawan ng mga ideyang


pinapahayag – 10 puntos

Pagkakaisa ng pangkat – 10
puntos

Kabuuhan – 20 puntos

F. Paglinang sa Kasanayan tungo sa Formative Assessment.

Panuto: Lagyan ng puso ( ( ) )sa inilaang –patlang


Kabuuhan kung ang sumusunod na pangunguap ay tama
20 puntos
at bilog ( ) naman kung hindi. Kung mali ang iyong sagot isulat ang salitang tatama sa diwa ng
pangungusap.

1. Si Liongo ay malakas at walang kahinaan. _____


2. Ang mga manunulat na mula sa Africa at Persia ang nagpakilala sa paniniwalang Sufism.
_____
3. Pinamumunuan ni Liongo ang Ozi at Ungwana sa Tana Delta at ang isla ng Pate. _____
4. Ang Matrilinear ay pamamahala ng kalalakihan. ____
5. Si Liongo ang pinakamahusay na makata sa kanilang lugar. ____

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay


H. Paglalahat ng Aralin

Sagutin ang pokus na tanong sa sagutang papel.

I. Pagtataya ng Aralin

J. Karagdagang gawain para sa takdang aralin at remediation

1. Pumili ng isang talata mula sa ano mang mitolohiyang naisulat sa Africa o Persia at
isalin ito sa Filipino.

You might also like