You are on page 1of 6

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO GRADO

10
PAGNILAYAN AT UNAWAIN
I. LAYUNIN

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F10WG-IIIh-i-76)


 Nagagamit ang angkop na mga pang-ugnay sa pagpapaliwanag sa panunuring
pampelikula nang may kaisahan at pagkakaugnay ng mga talata.
Unpacking: Natututkoy ang gamit ng mga piling pag-ugnay para sa mabisang
pagpapaliwanag.

II. PAKSA
Wika : Pang-ugnay na gamit sa Pagpapaliwanag
Kagamitan : Videoclip mula sa youtube, pantulong na biswal
Sanggunian : Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral
Edisyon 2015
Konsultant: Magdalena O. Jocson et.al.
Bilang ng Araw : 1 Sesyon

III. PROSESO NG

PAGKATUTO Gawaing

Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon
Pagpapanood ng bahagi ng pelikulang “Sarah ang Munting Prinsesa”
https://youtu.be/uRs7c9RRCQs

Gabay na Tanong:
a. Ilahad ang pinapaksa ng napanood na video.
b.Batay sa napanood na bahagi ng pelikula,anu-anong kahanga-hangang katangian
ang ipinamalas ng batang si Sarah?
2. Presentasyon
Sarah ang Munting Prinsesa
Sanggunian: Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Edisyon 2015
Konsultant: Magdalena O. Jocson et.al.
pahina 326-327

Gabay na Tanong:
Pangkat I: Anong mga damdamin ang nangingibabaw sa kabuuan ng akda?
Pangkat II: Isa-isahin ang mga salitang ginamit upang mapag-ugnay ugnay ang
mga kaisipan sa pangungusap at talata sa binasang iskrip.Paano ito nakatulong sa
pagpapaliwanag?
Pangkat III: Kung kayo ang tatanungin paano niyo paano niyo babaguhin ang kapalaran ni
Prinses Sarah?

ANALISIS

1. Ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagsusuri ng pelikula?


2. Bakit mahalagang ihanda muna ang iskrip ng isang nobela bago ito isapelikula?
3. Ano-ano ang dapat na nilalaman ng isang iskrip?

 Pagbibigay ng Input ng Guro

D A G D A G K A A L A M A N - ( F O R Y O U R I N F O R M A T I O N)

Sa pagsusuri o pagbibigay ng ebalwasyon sa isang iskrip may mga bagay tayong


dapat bigyan ng pansin. Ayon kay Ricky Lee sa kaniyang aklat na Trip To Quiapo
Scriptwriting Manual Una, kailangang maging malinaw muna ang konseptong pinag-
uusapan. Ikalawa, malaman ang major concepts ng materyal. Ikatlo, dapat konektado ang
lahat ng gustong sabihin ng sumulat ang kung tungkol saan ba talaga ang istorya.
Kailangang masagot ang anumang mga tanong tungkol dito. Kailangang ang bawat
bahagi ay magkakaugnay. Makakamit naman ang maayos na paghahanda ng iskrip kung
masusing bibigyang- tuon hindi lamang ang pagkakaugnay ng mga pangyayari kundi sa
pagbuo ng mga diyalogo. Malaki ang maitutulong ng mga pang-ugnay sa pagbuo ng mga
diyalogong ito.
Sa pagsusuri naman ng isang pelikula, bumubuo ka ng pagpapaliwanag sa mga
detalyeng nais na bigyan ng pansin. Maaaring pagpapaliwanag sa magandang nakita sa
iskrip at o sa pelikulang pinanood gayundin naman sa pagpapaliwanag ng mga naging
kahinaan ng iskrip at o ng pelikulang pinanood. Ayon sa aklat na Gramatikang
Pedagohikal ng Wikang Filipino ni Vilma M. Resuma, maipaliliwanag ang isang
argumento o punto sa tatlong paraan: (1) pagpapalawak at/o pagpapaliwanag ng
kahulugan, (2) pagbibigay ng mas tiyak, detalyado at higit na maliwanag na deskripsiyon,
kabilang na sa puntong ito ang mga paggamit ng pang-ugnay. pagtutulad at pag-iiba-iba,
at (3) pagbibigay ng halimbawa.
Makatutulong nang malaki ang paggamit ng mga pang-ugnay upang maging
mabisa ang pagpapaliwanag? Ilan sa mga ito ay ang mga pang-angkop na ginagamit
bilang pang-ugnay upang mapadulas ang pagbigkas ng salita. Ang pang-angkop na na,
ng, g. Ginagamit ang na kapag ang salitang aangkupan ay nagtatapos sa katinig, ang g
naman ay ginagamit sa mga salitang nagtatapos sa n at ginagamit naman ang ng sa mga
salitang aangkupan na nagtatapos sa patinig.Maliban dito, ang mga pangatnig na
bagamat, upang, at, tulad ng, kapag,kung at iba pa ay magagamit din sa mahusay na
pagpapaliwanag.

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya: AMBUSH INTERVIEW


Paano nakatutulong ang wastong paggamit ng mga pang-ugnay sa pagpapaliwanag ng
panunuring pampelikula nang may kaisahan at pagkakaugnay ng mga talata?

APLIKASYON

Bumuo ng isang talatang pagsusuri sa isang pelikulang naibigan. Bilugan ang mga ginamit
na pang-ugnay sa ginawang pagsusuri.

3. Ebalwasyon
Lagyan ng angkop na pang-ugnay ang mga patlang upang mabuo ang
talata.

Sa katayuan ating bansa, iilan na lamang sa gobyerno ang


mapagkakatiwalaan. Totoo nga bang may pagmamahal sa kapwa nila mamayang
Pilipino at ang kahalagahan ng bayang sinilangan ang hangad nila para maglingkod
bilang isang pinuno o ang hangad nila ang salapi at yaman ng bansa? Siguro kung ang
lahat ng mamayan ng buong Pilipinas ay may karapatan ding mag-talaga ng isang
batas na siyang sasalungat sa mga taong namamahala sa Gobyerno ng ating bansa.
Bigyang ng kaukulang parusa ang sinumang nakatayo _ gumagawa ng mga
anumalya _ naghahangad lang sa kaban ng yaman ng bayan. Sa ganitong paraan
masasabing Demokrasya
ang umiiral sa isang bansa naririnig ang hinaing ng bawat
mamamayan.Marami sa ating mga Pilipino ay di likas ang pagiging isang
tunay na Kristiyano at nabubulag ng materyal na bagay dito sa mundo.Para sa akin
kawawa pa rin ang mga tulad nilang mga bulag sa mga aral ng Diyos.Walang
pagmamahal sa kanilang mga sarili kung kaya't walang pagmamahal sa kanilang
kapwa.Tandaan ang tao ay nilikha ng Diyos ang pera ay ginawa
lang ng tao. Buhayin natin sa ating puso at isipan ang pagiging isang
anak ng Diyos na may pagmamahal sa Kanya at pagmamahal para sa ating kapwa.

Susi sa Pagwawasto

1. ng 2. na 3. at 4. sapagkat 5. subalit

Index of Mastery

SEKSYON Blg. Ng Mag-aaral INDEX

IV. KASUNDUAN

1. Bumuo ng isang iskrip bilang paghahanda sa itatanghal na puppet show.


Salungguhitan ang mga pang-ugnay na ginamit.
2. Humanda para sa gagawing pagtatanghal.

You might also like