You are on page 1of 6

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA


MARAWOY LIPA CITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Masusing Banghay Aralin Para sa Pakitang-Turo sa Filipino 7

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
- Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng
Luzon
B. Pamantayan sa Pagganap
- Naisasagawa ng mag-aaral ang komprehensibong pagbabalita (news casting)
tungkol sa kanilang sariling lugar
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto

- Nagagamit ang wastong mga panandang anaporik at kataporik ng pangngalan.


1. Naipakikilala ang tamang paggamit ng panglngalan at panghalip bilang
anapora at katapora.
2. Napahahalagan ang tamang paggamit ng pangngalan at panghalip
bilang anapora at katapora.
3. Nakabubuo ng isang dula na ginagamitan ng mga pangungusap na
anaporik o kataporik

II. NILALAMAN
A. Paksa: Anaporik/Anapora at Kataporik/katapora
B. Sangunian: Panitikang Rehiyonal
C. Kagamitan: Laptop
III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

1. Paunang Gawain
1.1 Panalangin
Manatiling nakatayo ang lahat para sa
panimulang panalanging ngayong araw.

(pagdarasal ng mga mag-aaral)

1.2 Pagbati
Isang magandang araw sa inyong lahat mga
bata!
Magandang araw din po.

Competence. Tenacity. Excellence. Page 1


REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
MARAWOY LIPA CITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

1.3 Pagsasaayos ng silid aralan

Panatilihin na malinis ang inyong silid-aralad


kaya kung maaari ay pulutin ang mga kalat na
malapit sa inyo at siguraduhin na nasa tamang
hanay ang inyong mga upuan. (Tahimik na pagsasaayos ng mga
upuan ng mga mag-aaral)

1.4 Pagtatala ng Liban

Para sa pagtatala ng liban ngayong araw,


sabihin lamang ang katagang “narito po” kung
kayo ay naririto ngayon at sabihin lamang na
“liban po” kung ang pangalan na aking (Pagsagot ng mga mag-aaral kapag
mababanggit ay wala ngayon. narinig ang kanilang pangalan)

A. Aktibiti
Pagganyak
Hanapin at piliin ang mga ginamit na pangngalan
at panghalip sa mga pangungusap.

1. Sina Peter at Hector ay halimbawa ng mga


estudyante sa Paaralang ABC Elementary. Sila Peter at Hector, Sila
ay mga honor student.

2. Ang kultura ay nagbibigay sa atin ng


pagkakakilanlan. Ito ay maituturing na
Kultura, ito
kayamanan ng isang bansa.

3. Patuloy nilang binabalikan ang Bantayan


Beach Resort sa dahil ang mga turista’y totoong
namamangha sa kagandahan nito. Bantayan Beach Resort, nito

4. Ito ay isang dakilang lungsod. Ang


Ito, Maynila
Maynila ay may makulay na kasaysayan.

5. Ito ay isang dakilang paaralan. Ang ABC Ito, ABC Elementary


Elementary ay may makulay na kasaysayan.

Magaling mga bata tama ang inyong mga naging


kasagutan. Ang lahat ng inyong mga ginawa ay

Competence. Tenacity. Excellence. Page 2


REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
MARAWOY LIPA CITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

mayroong kaugnayan sa ating magiging


talakayan ngayong araw.

B. Analisis
Anaporik/Anapora
- ang panghalip ay nasa hulihan bilang pananda
sa pinalitang pangngalang binanggit sa unahan.

Mga Halimbawa:
A. Sa pagiging tahimik ng batang babae
sa ipinalagay ng kaniyang mga kaklase
na siya ay kanilang talu-talunan kaya
lalong sumidhi ang kanilang pang-aasar.
B. Nalulungkot ang batang babae dahil
wala siyang kaibigan.
C. Hindi nahabag ang mga kamag-aaral
niya dahil wala silang alam tungkol sa
kaniya.

Kataporik/Katapora
- panghalip na ginagamit sa unahan ng teksto o
pahayag bilang pananda sa pinalitang
pangngalan sa hulihan ng teksto o pahayag.

Mga halimbawa:
A. Ipinapalagay ng kaniyang mga
kaklase na siya ay kanilang talu-talunan
kaya lalong sumidhi ang panunukso sa
batang babae.
B. Sila ay nasiyahan kapag umiiyak ang
kanilang kaklase kaya ipinagpatuloy ng
mga kamag-aaral niya ang panunukso
sa kaniya.
C. Ipinakita niya ang kaniyang
katapangan nang sinabi ng batang babae
na mayroon siyang isang daang damit.

Naunawaan na po ba? Opo.

Mayroon po ba kayong mga katanungan? Wala na po.

Competence. Tenacity. Excellence. Page 3


REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
MARAWOY LIPA CITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

C. Abstraksyon
Gamit ang mga pangungusap na ating ginamit
sa pagganyak ngayon ay atin itong babalikan
upang alamin kung ang mga pangungusap na ito
ay kabilang sa Anapora o Katapora.

1. Sina Peter at Hector ay halimbawa ng mga


estudyante sa Paaralang ABC Elementary. Sila Anapora
ay mga honor student.

2. Ang kultura ay nagbibigay sa atin ng


pagkakakilanlan. Ito ay maituturing na
Anapora
kayamanan ng isang bansa.

3. Patuloy nilang binabalikan ang Bantayan


Beach Resort sa dahil ang mga turista’y totoong
namamangha sa kagandahan nito. Anapora

4. Ito ay isang dakilang lungsod. Ang


Maynila ay may makulay na kasaysayan.
Katapora
5. Ito ay isang dakilang paaralan. Ang ABC
Elementary ay may makulay na kasaysayan.
Katapora

Magaling tama ang inyong mga naging


kasagutan.

D. Aplikasyon
Ngayon ay dadako naman tayo sa inyong
pangkatang gawain.

Ang bawat pangkat ay bubuo ng isang maikling


dula. Gamit ang mga pangungusap na anapora
at katapora.

Pangkat Isa: “Panayam”


- Bubuo ang pangkat ng isang interview tungkol
sa pangangalaga ng kalikasan.
Pamantayan sa Pagmamarka:
Pangkat Dalawa: “Patalastas” *Kaangkupan sa paksa 10 puntos
- Bubuo ang pangkat ng isang patalastas sa *Kabuuang Presentasyon 10 puntos
telebisyon. *Kaisahan at Kaayusan 5 puntos
*Pagkamalikhain 5 puntos
Kabuoan 30 puntos
Pangkat Tatlo: “Drama”

Competence. Tenacity. Excellence. Page 4


REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
MARAWOY LIPA CITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

- Bubuo ng isang maikling drama na nagpapakita


ng pagpapahalaga sa magulang.

Pangkat Apat: “Kuro-Kuro”


- Bubuo ang pangkat ng isang usapan na may
pagpapalit ng opinyon ang bawat miyembro ng
pangkat.

IV. Pagtataya
Panuto: Gamit ang mga gabay na pangngalan at panghalip sa pangungusap.
Sabihin kung ang pangungusap ay Anapora o Katapora.

1. Siya ang dahilan kung bakit nabasag ang salamin. Tumatakbo si Marc
sa loob ng silid kanina.
2. Umi iyak ang baby niya kanina kaya pinakain ito ni Manang
Rosa.
3 . Sina Jose Rizal at Andres Bonficio and mga bayaning Pilipino. Sila
ay mga dakilang Pilipino.
4. Si Mina ay naglalakad sa kalye ngunit nadapa siya.
5 . Sina Jared at Jake ang mga batang nangunguna sa klase. Sila ay
mahilig magbasa ng libro.

Susi sa pagwawasto
1. Katapora
2. Katapora
3. Anapora
4.Anapora
5. Anapora

Bahagdan ng pagkatuto:__________

V. TAKDANG-ARALIN

Panuto: Bumuo ng 5 pangungusap na nauuri sa anapora at katapora.

Competence. Tenacity. Excellence. Page 5


REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
MARAWOY LIPA CITY
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Inihanda ni:

NICO A. CAGUIMBAL
Gurong Nagsasanay

Iwinasto ni:

SHARINA JOY A. TOLENTINO

Gurong Tagapagsanay

Competence. Tenacity. Excellence. Page 6

You might also like