You are on page 1of 5

Inihanda ni:

Bb. Annafer Francine F. Besana


BSED II A – Filipino
SFLE 6

BANGHAY ARALIN
FILIPINO 7

I. LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng aralin, inaasahan ang mga mag-aaral na:
1. Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang nagpapahayag ng damdamin sa
pamamagitan ng: (F7PT-IVc-d-20)
1.1 pag-ugnay ng mga salitang may kaugnay sa salitang nagpapahayag ng
damdamin gamit ang bubble map; [LO 1.1]
1.2 pagbibigay ng pagpapakahulugan sa mga salitang nagpapahayag ng
damdamin; [LO 1.2]
1.3 pagbuo ng paglalahad ng pananaw sa nabasang akda gamit ang mga
salitang nagpapahayag ng damdamin. [LO 1.3]

II. NILALAMAN:
A. Paksa: Ibong Adarna
a. Si Donya Leonora at ang Serpiyente (saknong 567-650)
B. Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7
C. Kagamitan: sipi ng kwento, graphic organizer
D. Estratehiya: 4 A’s (Activity, Analysis, Abstraction & Application)
III. PAMAMARAAN:
A. PANIMULANG GAWAIN/PAGGANYAK [LO 1.1]
Hahatiin ng guro ang klase sa dalawang pangkat. Bawat pangkat ay bibigyan ng
isang salitang nagpapahayag ng damdamin. Kinakailangan na magtala ang mga
mag-aaral ng mga salitang may kaugnay sa mga ibinigay na salitang
nagpapahayag ng damdamin. Gagamit ang mga mag-aaral ng bubble map
organizer sa pagtatala ng mga may kaugnay na salita. Maaaring magdagdag ng
m
g
a

b
i
l Labis na Di
o kasabikan mapakali
g

p
a
r
a sa karagdagang mga salita na iuugnay.

B. PAGSUSURI (Analysis)

Sasagutin ng mga mag-aaral ang sumusunod na katanungan.

Mga tanong:

a. Ano-ano ang mga salitang naitala niyo na may kaugnayan sa dalawang salitang
nagpapahayag ng damdamin?
b. Paano mo naitala ang mga salitang may kaugnay sa mga salitang nagpapahayag
ng damdamin?
c. Madali ba o mahirap ang pag-uugnay-ugnay ng mga salita? Bakit?

Pang-ugnay na Pahayag

Bilang mga mag-aaral, palagi tayo nagbabasa ng iba’t ibang akda. Sa ating
pagbabasa ay nakasasalubong tayo ng iba’t ibang salita. Ilan sa mga salitang ito
ay hindi natin agad na nauunawaan dahil sa malalim nitong kahulugan. Upang
lubusang maunawaan ang mga salita, tinitignan natin ang mga salitang
nakapaligid dito upang higit na maiintindihan ang ipinapahayag nito. Ito ay
tinatawag na konteks klu. Sa akdang babasahin natin, ay gagamit tayo ng mga
salitang palatandaan na makatutulong sa pagkilala ng mga salitang hindi ganap
na maunawaan.

C. PAGHAHALAW (Abstraction) [LO 1.2]


1. Tatalakayin ng guro ang tungkol sa konteks klu at mga salitang
nagpapahayag ng damdamin.
2. Magbibigay ang guro ng pamprosesong tanong na sasagutin ng mga mag-
aaral.
a. Magbigay ng mga salitang nagpapahayag ng damdamin na ginagamit sa
pang-araw-araw na pakikipagkomunikasyon at pakikipagtalastasan.
3. Ipapabasa ng guro ang kwento ng Ibong Adarna sa kabanata tungkol sa “Si
Donya Leonora at ang Serpiyente (saknong 567-650).
4. Magbibigay ang guro ng gawain na makatutulong sa paglinang ng kakayahan
ng pagbibigay-kahulugan ng mga mag-aaral sa mga salitang nakapaloob sa
akdang binasa.
5. Papangkatin sa limang grupo ang klase. Sasagutin ang gawaing ibibigay ng
guro bilang pangkat.
D. PAGLALAHAD (Application) [LO 1.3]
Ang mga mag-aaral ay bubuo ng isang paglalahad na kinapapalooban ng
kanilang mga pananaw base sa nabasang akda. Gagamit sila ng ang mga
salitang nagpapahayag ng damdamin.

E. PANGWAKAS NA GAWAIN
Bibigyan ng guro ang mga mag-aaral ng exit card. Pupunan ng sagot ang mga
pahayag.
Ngayong araw, natutuhan ko ang ______________________________________
____________________________. Magagamit ko ito sa ___________________
___________________. Mahalaga ito dahil _____________________________.

You might also like