You are on page 1of 4

I.

Layunin:
a. Naiisa- isa at naipapaliwanag ang katuturan ng salita ayon sa antas.
b. Napahahalagahan ang mga pananalitang ginagamit sa pakikipagkomunikasyon.
c. Nakasusulat ng maikling usapan o dayalogo na ginagamitan ng mga salita ayon
sa antas.
II. Paksang- Aralin :
Antas ng Wika ( Ayon sa Pormalidad )
Kagamitan: Computer
Sanggunian: Yaman ng Wika at Panitikan

III..Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
a. Panalangin
b. Pagbati
c. Pagtala ng lumiban sa klase
d. Balik- aral:
1. Ano ang wika?
2. Ano ang kahalagahan ng wika?
B. Pagganyak:
Magpaparinig ng isang awitin na pinamagatang T.L AKO SAYO mula sa grupong Cinderella.
Ipapasuri sa mga mag- aaral ang ilang salitang ginamit sa liriko ng awitin dahil ito ay konektado
sa aralin.Magtatanong ang guro sa mga mag- aaral tungkol sa awiting napakinggan.
1. Tungkol saan ang awitin?
2. Ano ang napansin nyo sa ilang salitang ginamit sa awitin?
C. Paglalahad:
Ang wika ay nahahati sa ibat’t ibang kategorya ayon sa antas na ginagamit ng tao batay sa
kanyang pagkatao, lipunang kanyang ginagalawan, lugar na tinitirhan, panahon, katayuan sa
buhay at okasyong kanyang dinadaluhan.Mayroon tayong tinatawag na Antas ng Wika, at ito ay
nahahati sa dalawa ang tinatawag nating Pormal at di Pormal.

Pormal: ito ang mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na
nakararami lalo na ng mga nakapag-aral
ng wika.

Pambansa: mga salitang ginagamit sa mga aklat at babasahing ipinalalabas sa buong kapuluan at
lahat ng paaralan.

 Wikang ginagamit sa pamahalaan at wikang panturo sa mga nagsisipag- aral.


Halimbawa:
ina
ama
anak
tahanan
Pampanitikan o Panretorika : mga salitang mata
tayog, malalalim, makukulay at sadyang matataas
ang uri.
 Mga salitang ginagamit ng mga manunulat at
Dalubwika..
Halimbawa:
Ilaw ng tahanan
Haligi ng tahanan
Bunga ng pagmamahalan
Pugad ng pagmamahalan

2. Di Pormal- mga salitang karaniwan, palasak, pang araw-araw na madalas nating gamitin sa
pakikipag-usap at pakikipagtalastasan sa mga kaibigan.

a) Lalawiganin- ito ang mga wikang ginagamit sa isang pook o lalawigan, karaniwan ito ay
may punto o tono.

Halimbawa:
Iniibig kita (tagalog)
Ay- ayaten ka (Ilocano)
Kaluguran da ka ( kapangpangan)
Nahigugma ko nimo ( cebuano )

2. Kolokyal : pang araw-araw na ginagamit na salita,pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang titik
sa salita.

Halimbawa:
Nasaan - nasan
Paano - pano
Sa akin - akin
Mayroon - mayron
Doon – don

3. Balbal - mga salitang kalye o pinakamababang


uri na wikang ginagamit ng tao, nabuo sa kagustuhan ng isang partikular na grupo na magkaroon
ng sariling pagkakakilanlan.

Halimbawa:
Parak - pulis
Chibog - busog
Repapips - tatay
Mudrabels - nanay
Utol – kapatid
D. Pagsubok:
ALAMIN NATIN
PANUTO:
Tukuyin ang Antas nng Wika ang napapaloob sa mga sumusunod na pangungusap.

1. “ Sa mata ng bata, ang mali ay nagiging tama kapag ito’y ginagawa ng matanda”.
2. “ Japorms ka ba o hindi? Magpakatotoo ka!”.
3. “ Ayokong maging dukha”.
4. “ Ang aking ditse ay umalis upang mamili ng pagkain”.
5. “ Pa'no na natin tatapusin ang ating gawain kung kulang tayo sa pondo.”
E. Paglalapat:
Bubuuin ang klase sa limang pangkat. At ang bawat pangkat ay may kani-kaniyang gawain
batay sa aralin.
Panuntunan sa Pagbibigay ng Marka sa Pangkatang Gawain.
1. Nilalaman – 40 puntos
2. Presentasyon – 30 puntos
3. Kooperasyon – 10 puntos
4. Takdang – oras –10 puntos
5. Preparasyon - 10 puntos
Kabuuan 100 puntos

Mga Gawain bawat pangkat:

1. Gumawa ng isang maikling sanaysay na binubuo ng sampu o higit pa na ginagamitan ng


2. salitang Pambansa.
3. Bumuo ng sariling tula na may malayang taludturan na ginagamitan ng mga salitang
pampanitikan.
4. Magtanghal ng isang awitin mula sa iba’t ibang lalawigan. Dapat maitanghal ito ng wasto
at angkop ang tono para sa ikaaayos ng presentasyon.
5. Gumawa ng isang katawatawang sitwasyon gamit ang mga salitang balbal
6. Gumawa ng isang makabagong tula gamit ang 2 kategorya ng antas ng wika ang pormal
at di pormal.
IV. Paglalagom:
Gaano kahalaga ang wika sa pakikipagtalastasan o pakikipag- usap?

V. Takdang- Aralin:

Gumawa ng isang komik strip gamit ang ibat”t ibang antas ng wika.

You might also like