You are on page 1of 7

Indang Berta

ni Liwayway Arceo

Isang araw…

Binati ako ng balita sa biglang pagkamatay ni Indang Berte nang uagang yaon. Ang kanyang
pagkamatay ang pinag-uusapan sa buong looban – isang pag-uusap na walang panghihinayang.

May nagsasabing parusa iyanng Diyos. Ang kanyang pagkamatay ay bunga ng pagkakaipit niya
sa isang poste ng ilaw sa tabi ng isang humahagibis ng jeepney, na hindi napogilan karaka ng
tsuper.

May nagsasabing iyon lamang ang dapat kahinatnan ng inang katulad niya. At may nagsasabing
mabuti na nga ang gayong nangyari, upag huwag nang magtanim sa isipan ng kanyang mga anak
ang kasalanan at ginagawa na hindi kinaggigiliwan ng marami.

Sa aking mga mata ay isang dakilang ina si Indang Berta. Labis kong hinahangaan ang kaniyang
pakikipagtunggali sa buhay. Siya’y isang babaing sarat ang ilong at makapal ang labi at maitim
ang mahahaba niyang buhok, na lagging nakapusod sa may ipit na suklay. Hahop nguni’t lagging
malinis ang kaniyang pananamit.

Nguni’t iyan ang aking pansin. Hindi pa nalalaunang naniniraha sa looban nasabi, nang makilala
ko si Indang Berte. Ang loobang nabanggit ay pinaninirahan ng mga taong, kung hindi man
masasabing mariwasa ay tiyak naman hindi nabibilang sa mababang uri na marahil ay siyang
mga udyok ng igaling pagmamataas.

Nakilala ko si Indang Berte sa isang pagkakataong hindi sinasadya. Isang umagang mabigat ang
aking katawan ay hindi ako pumasok sa Gawain. Hind naman ako masiyahan sa pagpasok
lamang kaya’t nanaog ako sa entresuwelong aming bahay upang dalawin an gaming labandera,
na ang anak ay inaanak ng isang nakababatang kapatid ng tao ko.

Doon ko nakita si Indang Berta. May dala siyang maliit na latang may bitbitan.

“Siya ang kamukyga ng kaning-baboy natin, Kumare!” ang sabi ng aking dinalaw.

Hindi kumibo ang tinukoy, nguni’t naguhit nang buo sa aking isipan ang kanyang anyo.
“Tagahanga ninyo si Indang Berta.” Ang patuloy ng aking kausap, at inginuso ang kaniyang
tinukoy. Kahit hindi sila kumaing mag-asawa, makabasa lamang iyan ng kwento ninyo ay …” sa
pagkakataong yaon ay hinangaan ko si Indang Berta. Humalaklak na tila sa isang batang walang
kamalayan sa takbo ng panahon, isang halakhak ng kawalang malay. Ngunit hindi maikubli ng
kanyang halakhak ang bahid ng lungkot sa kaniyang mga mata.

“Aba, si Kumare. Oo,” ang pagtiyak ng kausap ko. Saka ko pa lamang narinig ang tinig ni
Indang Berta.
“Iyan lang libangan ko, lalo na kung hindi ako makatulog sa gabi.”

“E, ako na lang po ba naman ang nagsusulat?” ang tugon ko.

“Ang ibig kong sabihin ay ang pagpapabasa ang libangan ko, at nagkataong nakakagiliwan ko
ang mga sinusulat ninyo…”

Dinampot ni Indang Berta ang lata ng kaning baboy.

“Huwag na ninyo akong pupuin, batang-bata pa ako.”

At narinig kong muli ang kanyang naiibang halakhak… Ang kanyang halakhak ang umakit sa
akin, upang maipaglapit sa kaniya. Natiyak ko agad na sa likod ng kaniyang karaniwang any ay
nakakubli ang isang kaluluwang hindi pangkaraniwan. Atmula noon ay namagitan sa amin ang
mataos sa pagkakaibigan, naipunla ko sa pagkakaloob sa kaniya ng mga babasahin.

Nabuksang aklat sa akin ang malungkot sa nabuhay ni Indang Berta, na siyang dapat maging
batayan sa pagkilala sa kaniya – sa kaniyang kadakilaang ikinubli ng karaniwan niyang anyo.

“Wala rito ang asawa ninyo?” Minsan ay naitanong ko sa kanya, sa isa naming pag-uusap.

“Wala akong kasama kundi ang anak kong panganay na may labindalawang taon…” ang
kaniyang sabi na hindi nagbabago ang tinig, bagama’t nangingilid ang luha. “Kaya nga kung
hindi ako makatulog ay basa na lang ako ng nang basa ng mga lingguhan.”

Matagal ko siyang tiningnan, at nang mapansin niya ang aking ginawa ay nangiti na kasunod ang
pamumungkahi.

“Ano kaya’t sulatin moa ng aking buhay?” ang kaniyang sabi na sinundan ng halakhak na
kaniyang-kaniya lamang.

“Bakit po ba hindi?” ang sagot ko, “Sige ho, simulan natin ngayon.”

“Alam mo kahapon ay nadalaw ako sa aking mga anak. May Malaki-laking kinita sa paglilinis
ng sapatos ang aking si Pepe, at nagkaroon ako ng pamasahe…” ang kanyang balita sa akin:

“Saan naroon ang mga bata ninyo?” ang tanong ko, na nagkunwaring hindi ko pa nalalaman.

Sinabi nga niyang nasa ampunan,

“Marahil ay nakadalaw ka na roon?” ang kaniyang patuloy.

“May sinulat po ako tungkol doon…” ang saki ko na dinugtungan ng isang tanong “Kumusta po
naman ang mga bata?”

“Iyon ang ikinatutuwa ko, lagi silang malinis at malusog, dahil husto ang kinakain, husto sa lahat
ng pangangailangan. Kung nasa akin sila, totoo ngang lagi ko silang makkita, nguni’t…”
napatigil sa pagsasalita. Nangislap sa luha ang kaniyang mga mata bago nagpatuloy, “Sa aking
pilng, pati ang aking pagmamahal ay hindi nila maaaring madama, sapagka’t hindi ko siaa
nadudulutan ng mga kailangan. Sa aking piling, nangangailangan sila ng iba’t ibang bagay,
ngunit magtatamo sila ng kabiguan. Sa ngayon ay tinitimpi ko ang damdaming makaniid sila sa
lahat ng sandal, pagka’t nais kong lumigaya sila. Nais kong managana sa mga sustansya ang
kanilang katawan, upang malayo sa sakit na katulad ng sa kanilang ama: Nais kong…”

Tumingin sa akin. Nguni’t hindi siya kumikibo… hindi niya dinugtungan ang kaniyang
sasabihin. Napatango lamang ako. Walang anu-ano’y mula siyang magsalita.

“Ito ang ipinipintas sa akin ng marami, natitiis ko raw na malayo sa aking piling ang mga anak
ko… A, ang pagmamahal ay mapagtiis at maalam magpasakit. Mahulaan mo na marahil, kung
gaano kabigat ang tinitiis kong sakit ng kalooban, sa paghahanap tuwina sa aking mga anak.
Nguni’t kailangang pagtiisan ko, alang-alang sa kanilang kinabukasan.”

Ngayong siya’y napapanatag na sa isang nakapanghihilakbot na kamatayan ay saka ko lamang


nakilala ang kaniyang kadakilaan. Iilan marahil ang nakakabatid ng kaniyang tunay na loobin. At
ang kaungkutan ko at panghihinayang sa kaniyang maagang kamatayan ay pinabigat ng
katotohanan… hindi ko ito nasulat noong siya’y nabubuhay pa.

Ang paggunita na sa walang kapantay na pakikipagtunggali niya sa buhay ay isang inaakala kong
lalong karapat-dapat ng pagkilala sa kaniyang kadakilaan na hindi nauunawaan ng iba!
ISANG PAGSUSURING FEMINISMO

SA MAIKLING KWENTONG “ INDANG BERTA”

NI: LIWAYWAY ARCEO

A. PAMAGAT NG AKDA:

“ INDANG BERTA” ang pamagat ay nakapanghihikayat sa mga mambabasa para


basahin ang kwento para alamin kung anong katotohanan mayroon ang pangunahing
tauhan sa kwento. Kung may katangiang di kanais – nais ang tauhan, ngunit hindi
makatotohanang walang positibong saloobin ito. Dito masasagot ng mga mambabasa
kung gaano kahirap makipagtunggali sa buhay at kung paano ito haharapin ng mga taong
salat at walang kakayahang lumaban sa hirap ng buhay. Dito makikita kung gaano
katatag ang isang babae at isang ina.
B. PAGKILALA SA MAY- AKDA:

Si Liwayway Arceo Bautista ay itinuturing na isa sa mga pinakamahusay na kuwentistang


babae. Palagiang manunulat siya sa magasing Tagalog na Liwayway. Maybahay siya ni Manuel
Prinsipe Bautista, isa ring manunulat at makata sa wikang Tagalog.
Noong 1962 ay nanalo siya ng Palanca Award sa kanyang kuwentong Banyaga. Ang kanyang
Uhaw ang Tigang na Lupa ay nagkamit din ng pangalawang gantimpala sa Palanca Memorial
Awards for Literature at nagkaroon din ng palanca award ang kwentong "Canal dela Reina".

C. TEMA/ PAKSA :

Ang kwento ay tungkol sa isang babae bilang ina at isang babae. May katangiang di
kanais – nais ang tauhan, at may positibo din namang katangian. Kahit anong sama ng
nilikha ay may maitatago itong kabutihan. Kung bibigyan ng ibayong pagpapahalaga,
magbabago ang tao. Makulay ang buhay ng tauhan kahit may natatagong kasiphayuan.

Nakasentro sa tauhan ang takbo ng akda na maituturing na nakaungos kahit papaano ang
kanyang pagkatao. Lutang na lutang ang kanyang paniniwala at paninindigan.

D. TAUHAN:

Indang Berta – isang babaeng sarat ang ilong, kulot ang buhok at makapal ang labi./ babaeng
hinuhusgahan ng karamihan dahil sa ilang pangyayari sa kanyang buhay.
Asawa ni Indang Berta
Anak ni Indang Berta
Mga kapitbahay

E. BANGHAY
A. SIMULA

Pinilit ipakita sa simula ng kwento ang kakaibang katangian ng pangunahing tauhan na lalong
nagpabigay katanungan sa mambabasa kung bakit ganoon na lamang ang mga di kanais- nais
komentaryo ng mga kapitbahay sa biglaang pagkamatay ni Indang Berta. May nagsasabing ang
nangyari sa kanya ay parusa lamang ng Diyos sa kanya. Sa simula pa lamang ay nasa kasukdulan na
ang kwento dahil namatay na ang pangunahing tauhan, ngunit di kakikitaan ng awa ang mga
kapitbahay nito. Malaking katanungan ito sa mga mambabasa. Ngunit may isang tao na sa kanyang
mga mata ay dakilang ina si Indang Berta, pinilit niyang inalam kung ano ang naging buhay ni
Indang Berta noong nabubuhay pa.

B. GITNA

Dito na ipinakita ang matinding dahilan kung bakit hinuhusgahan ang pangunahing tauhan sa
;kwento. Dito ipinahayag na ipinaampon ni Indang Berta ang kanyang mga anak dahil sa kasalatan
sa buhay ditto ipinahayag na nag- asawa siya ng lalaking maysakit na ikinagalit ng kanyang ina, ito
ang naging dahilan ng pagkakatakwil niya sa buhay. Dito ipinahayag ni Indang Berta ang kanyang
hinagpis na di nakakasama ang kanyang mga anak, ang kanyang pagtitimpi na makuha sila at
makasama ngunit kung paghihirap lamang daw at hindi niya maibibigay ang kaligayaan at
pangangailangan ng kanyang mga anak ay kaya niyang magtiis alang – alang sa kanilang
kinabukasan.
C. Wakas
Nang mamatay si Indang Berta ay saka lamang nakilala ang kaniyang kadakilaan. Iilan marahil ang
nakababatid ng kanyang tunay na saloobin at kwento. Ang kanyang buhay ay walang kapantay sa
pakikipagtunggali siya ay karapat – dapat ang pagkilala sa kanyang kadakilaan na hindi maunawaan
ng iba.

F. TEORYANG PAMPANITIKAN
Isang kaalaman ang FEMINISMO sa panitikan na ang tuon ay sa kalagayan ng mga kababaihan sa isang
akda. Kadalasan, ang mga tauhang babae ay larawan bilang aping asawa, walang, dunong, mahina,
masamang babae. Sa panig ng feminista, nararapat bigyan ng kaukulang pagpapahalaga ang mga babae
sa isang akda katulad ng pagbibigay halaga sa mga kalalakihan.
Nilalayon ng teoryang Feminismo na alisin ang mga de kahong imaheng ibinibigay sa babae at sa lalake.
Kung kaya mababakasan sa akdang gumagamit ng teoryang Feminismo na ang mga tauhang babae ay
aktibo at mga “ tunay na tao”.
Sa paksa, makatotohanang inilalarawan ditto ang mga karanasan ng kababaihan.

G. MGA BISA

a. BISA SA KAISIPAN
Ang iisang lipunan may mamamayang mataas ang antas ng dignidad ng pagkatao ay may higit na
potensyal sa pagpapanatili ng dignidad ng kapwa tungo sa kaganapan at kaunlaran. Ang malawak
na pananaw sa pagbabago ng mundo ay ang pagbabago sa sarili.
Sikapin nating mabuhay ng may dangal at iwaksi sa kalooban ang karahasan.
b. BISA SA DAMDAMIN
Ang damdamin na namutawi sa kwento ay ang kahangahangang pagtutunggali ng pangunahing
tauhan sa buhay isinakripisyo nya ang kanyang kagustuhan na makasama ang kanyang mga anak at
hinayaang pag- isipan ng masama ng mga tao sa kanyang paligid para sa kinabukasan ng mga anak
nito. Bagaman tunay na napakahirap liripin na ipaampon mo ang sariling anak ngunit maituturing na
nakaungos kahit papaano ang pagkatao ng pangunahing tauhan. Lutang na luting sa huling sandali
ng kwento ang kanyang paniniwala, paninindigan at pagmamahal sa mga anak nito.
c. BISA SA ASAL
“ Tunay na pagmamahal yaong mapagtiis at marunong magpakasakit”. Ito ang tunay ipinakita ni
Indang Berta sa kanyang mga anak bagamat iilan lamang ang nakakatalos ng tunay niyang dahilan
at saloobin.

H. SANGGUNIAN
FILIPINO:WIKA AT PANITIKAN SA MAKABAGONG HENERASYON IV

You might also like