You are on page 1of 5

Monologo ni Elias

Inay…Itay…! Ate…! Huwag niyo akong iwan. Huwaaaaaag! (Nagising na may takot sa

kanyang mukha si Elias)

Nakasisiguro akong hindi natutuwa ang aking pamilya sa aking tinatahak. Ngayon pa

lamang ay kailangan ko na agad silang bigyan ng hustisya! Napakarami ko nang

pinagdaanan sa buhay. Nilibak, napagbintangang erehe at pilubustero ngunit ‘di ko ito

pinansin. Naglagalag sa iba’t ibang lugar mahanap ko lang ang nagtulos ng tanikala sa

aking pamilya.

Ngunit nang minsang ako’y magawi sa bayan ng San Diego, naging piloto ng Bangka.

Isang trahedya ang naganap, sa inaakalang isda ang masisima ng lambat, ito pala’y isang

buwaya. Agad kong nilundag upang patayin ang dambuhala ngunit ito’y nagpupumiglas,

nakaramdam ako ng takot. Sa muli kong pagsisid may isang binatang nagtarak ng punyal

sa lalamunan ng buwaya.

“Utang ko sa’yo ang aking buhay” agad kong pinasalamatan ang binata.

Ang kanyang naging tugon sa akin ay isang paalala.

Aniya, “Mapusok kang lubha at huwag ninyong bibiruin ang tadhana.”

Sa pangyayaring iyon ay nais kong suklian ang kabutihang loob niya sa akin. Aking

narinig ang sinambit ng taong dilaw “Hindi siya kakainin ng isda tulad ng kanyang

Ama” binalaan ko agad ang binata tungkol sa gaganapin na paghuhugos. Hindi

mawawaksi na ang binatang ito’y maraming kaaway sa itaas man o sa ibaba.


‘Di ko alintana ang pag-uusig sa akin, sapagkat mas mahalaga pa rin ang kapakanan ng

aking bayan. Nakikita ko ang hangarin ng binata’y nakaayon sa aking pangarap.

Batid ko na maaari niya akong tulungan sa aking mga layon.

Oo, nawalan ako ng tiwala sa aking kapwa at kumapit sa Diyos, ngunit nang iligtas ako

ni Ibarra sa bingit ng kamatayan ay natuto akong magtiwala muli.

Utang ko sa kanya ang aking buhay at handa akong suklian pa ito.

Maraming beses na hinamak ang kanyang buhay, ngunit kung wala ako? Paano na

Ang aming pangarap? Paano na ang paaralan, ang Inang Bayan?

Alam ko na may mas magagawa si Ibarra sa akin, kaya hangga’t kaya ko ay bibigyan ko

siya ng proteksyon.

Nakatanggap muli ako ng isang balita, ang binata raw ay isusuplong na pinuno ng isang

pag-aalsa. Agad koi tong ipinabatid sa kanya, lahat ng mga papeles na maaaring gawing

ebidensya laban sa kanya ay kailangan kong sunugin. Ngunit sa aming paghahanap, may

isang sulat na nagpatigil sa aking mundo. Bumilis ang tibok ng aking puso.

“Kaano-ano mo si Pedro Eibarramedia?” Ang tahimik kong tanong kay Ibarra.

“Siya ang aking kalolololohan,” sagot ni Ibarra.

“Kalolololohan mo si Don Pedro Eibarramedia?” Ang muling tanong ko, kumukulo na ang

aking dugo.

“Oo,” ang sabi ni Ibarra,”pina-ikli namin an gaming apelyido sapagkat masyadong

mahaba.”

“Isa ba siyang Basque?”

“Oo, siya’y isang Basque- pero ano ang problema roon?”


Nag-alab ang galit sa aking dibdib. “Hindi mob a alam,” ang sabi ko, boses ko’y

nanginginig sa kapootan. “Si Pedro Eibarramedia ang nag-akusa sa aking lolo at

nagpahirap sa aking buong pamilya! Matagal kong hinanap ang pangalang ito at ngayo’y

natagpuan ko na! Ngayon ay makukuha ko na ang aking paghihinganti!”

Kayo, kayo ang dahilan kung bakit nasira ang aking pamilya. Kayo ang dahilan kung bakit

ako’y nag-iisa. Bakit, bakit ngayon ko lang nalaman ito. Kung mas maaga pa sana’y hindi

ko na kayo iniligtas, napagbayaran mo na sana ang kasawian ng aking pamilya.

“Tignan mo akong mabuti, akong nagdusa at ikaw namuhay sa kasaganaan!

Kasaganaan!

Ngunit sa isang iglap, may kung anong nagbago sa kilos ko, tila nawalan ako ng lakas at

nabitawan ko ang itak na sana’y itatarak ko sa binatang iyon. Wala akong nagawa kundi

kumaripas ng takbo palayo sa binata, habang tinatahak ang malawak na kaparangan,

dalampasigan, at kagubatan, ay sinusurot ako ng mga alaala ng aking ninuno.

Amama, balat, Itay, Inay, Ate! Patawarin niyo ako, hindi ko kayo mabibigyan ng hustisya

sapagkat ang binatang iyon ang sagot sa aking mga pangarap para sa Inang Bayan.

Kung ako mismo ang maghahatol sa kanya ng kamatayan, paano na ang mga

mamamayan? Paano na ang mga nakararanas ng pagmamalupit ng mga guwardiya, ng

prayle, ng mga itinuturing na makapangyarihan sa ating bayan? Patawarin niyo ako,

sapagkat kailangan ko siyang iligtas, kailangan siya ni Inang Bayan!


Nag-atubili akong magtungo sa kanyang tahanan ngunit huli na, dinakip siya ng mga

guwardiya sibil. Inakyat ko ang kanyang silid, sinunog ko ang lahat na maaaring gamiting

ebidensiya laban sa kanya. Kailangan ko siyang itakas. Kailangan ko siyang iligtas!

Kasalanan ko ang lahat. Hindi ko nahuli ang tunay na may-sala—si Lucas na siyang

nagbigti matapos ang pag-aalsa.

Sumakay ako ng aking Bangka at binaybay kung saan dinala si Ibarra. Siya’y aking

ililigtas. Nagpanggap akong guwardiya at itinakas si Ibarra. Sumama siya sa akin. Kita ko

sa kanya ang naging epekto ng pananatili sa kulungan, ang panlulumo ni Ibarra.

“Elias,” ang sabi sa akin ni Ibarra nang kami’y nasa Bangka na, “hindi mo kailangang

gawin ito…”Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy sa pamamangka.

“Bakit mo ako iniligtas? Wala kang dahilan para tulungan ang kaaway ng inyong pamilya.”

“Niligtas kita ngayon dahil ito lamang ang nararapat kong gawin.” Pinigilan kong mangyari

sa’yo ang nangyari sa aking lolo at ang nangyari sa iyong ama. Wala kang kasalanan,

hindi ka nararapat sa bilangguan at mas lalo nang hindi ka nararapat magbayad ng

kamatayan para sa kasalanan ng iba.”

Dumating na ang araw na aking kinatatakutan, nang binagtas namin ang kahabaan ng

lawa, nakita kami ng mga guwardiya sibil, gumawa ako ng paraan para ‘di mapahamak

si Ibarra. Iniligaw ko ang mga guwardiya, pinaulanan ako ng maraming bala. Wala akong

pinagsisisihan sa aking ginawa. Marapat lang na maligtas si Ibarra sapagkat siya na

lamang ang pag-asa ng aking Bayan!

Ako’y napadpad sa isang kagubatan, natanaw ko ang isang bata na umiiyak sa kanyang

namatay na Ina. Pilit kong pinagmasdan ang kawawang bata, ipinagbilin ko sa kanya na
magtipon ng mga kahoy at silaban an gaming bangkay. Dalawang araw na akong walang

kain, at hapong-hapo sa iniindang tama ng bala. ‘Di ko na namalayan na ako’y bumagsak,

humarap ako sa silangan na walang pinagsisisihan. Ngunit bago ako bawian ng buhay

ay mayroon akong isang bilin.

“Mamamatay akong hindi man lamang nasisilayan ang bukang-liwayway sa aking

bayan…Kayong makakakita, salubungin niyo siya at… Huwag ninyong kalilimutan ang

mga nabuwal sa dilim ng gabi.”

*Curtain*

You might also like