You are on page 1of 14

ANG PARABULA NG MANGHAHASIK

THE PARABLE OF THE SOWER

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles


Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-8 ng Nobiyembre taon 2015

Ngayon ipangangaral ko ang pangaral na ito sa ibang paraan mula


sa karaniwan kong ginagawa. Gusto kong buksan ninyo ang Bibliya ninyo
sa Marcos kapitulo 4. Ipaliliwanag ko sa inyo ang Parabula ng
Manghahasik. Ito’y mahahanap sa Mateo, Marcos, at Lucas. Ngunit pag-
aaralan natin ang Marcos ngayong gabi. Ang isang parabula ay isang
kwento na sinabi ni Hesus upang ilarawan at gawing simple ang isang
espiritwal na katotohanan.
Ano ang pangunahing katotohanan ng parabulang ito? Ito’y ito –
ang dakilang karamihan ng mga tao na nakaririnig ng Ebanghelyo
ay hindi maliligtas! Sa pinaka dakilang antas, ang pinaka malaking bilang
ng mga taong nakaririnig kung paano
maligtas ay hindi maliligtas. Sila’y magpupunta sa Impiyerno! Ang mga
pulong ng mga tao ay magpupunta sa Impiyerno. Maliit na bilang lamang
na mga tao ay maliligtas. Nagugulat niyan ang maraming mga tao ngayon.
Sinasabi nila, “hindi ako naniniwala na ang Diyos ay magpapadala ng
kahit sino sa Impiyerno.” Sasabihin mo gayon, “Ngunit ang Diyos ng
Bibliya ay nagpapadala ng mga tao sa Impiyerno.” Sinasabi nila, “hindi
ako naniniwala sa Diyos. Ang aking Diyos ay di kailan gagawin iyan.”
Ang ibig nilang sabihin ay ang diyos na nilikha nila sa kanilang sariling
mga isipan ay di gagawin iyan. Ngunit hindi namin tinutukoy ang tungkol
sa diyos na nilikha mo sa iyong sariling isipan. Ang “Labin Dalawang
Hakbang” na mga tao ay tumutukoy sa “Diyos gaya ng pagka-intindi mo
sa Kanya.” Ngunit hindi ko tinutukoy ang huwad na diyos na iyan. Ang
diyos na “nilikha mo” sa iyong sariling isipan ay isang huwad na diyos.
Ang “Diyos gaya ng pagka-intindi mo sa Kanya” ay isang huwad na diyos.
Ang tinutukoy ko ay ang tungkol sa isang Diyos gaya na di mo pagka-
intindi sa Kanya! Siya ay isang Diyos na inilantad ang Kanyang Sarili
natatangi sa Bibliya. Siya ang Diyos ng Bibliya! At walang iba! Hindi ko
tinutukoy ang tungkol sa huwad na diyos na pinaniniwalaan mo. Ang
tinutukoy ko ay isang tunay na Diyos – na nailantad sa atin sa Bibliya.
Ang iyong huwad na diyos ay hindi nagpapadala ng mga tao sa
Impiyerno. Ngunit ang tunay na Diyos ay nagpapadala ng mga tao sa
Impiyerno. Sa Mateo 7:13 sinabi ng Panginoong Hesu-Kristo na ang
karamihan sa mga tao ay nagpupunta sa “pagkasira” sa Impiyerno. Sa
sunod na berso ang Panginoong Hesu-Kristo ay nagsabi na iyong mga
ligtas ay “kaunti” sa bilang – napaka kauntin sa katotohanan. At iyan ang
pangunahing punto ng parabulang ito.
Ito’y isang simpleng kwento ng sinabini ni Hesu-Kristo. Sinabi
niya na isang magsasaka ay nagpunta upang maghasik ng mga buto.
Habang siya’y nagkakalat ng mga buto, ang ilan sa mga ito ay bumagsak
sa mabatong mga lugar kung saan wala masyadong lupa. Ang buto ay
madaling lumaki, ngunit noong ang araw ay lumabas ang halaman ay
naluto at namatay, dahil wala itong malakas ng mga ugat. Ang iba ay
bumagsak sa matitinik na mga damo. Ang mga damo ay lumaki at nasakal
ang mga halaman, kaya hindi sila nagkaroon ng kahit anong bunga. Huli
sa lahat, ang ilan ay bumagsak sa mabuting lupa, ito’y lumaki at nagbunga
ng isang mainam na ani. Iyan ang parabula. Ito’y isang simpleng maliit na
kwento – ngunit ipinapakita nito sa atin na isang napaka halagang
katotohanan – napaka kaunting mga tao na nakaririnig ng Ebanghelyo ay
kailan man naliligtas!
Ang apat na mga uri ng lupa sa parabula ay kinakatawan ng apat na
mga uri ng mga taong nakarinig ng Ebanghelyo. Ang buto ay ang Salita
ng Diyos, ang Bibliya, ang mensahe ng kaligtasan sa pamamagitan ni
Kristo Hesus. Ang bawat tao na nagpupunta sa simbahang ito ay naririnig
ang Ebanghelyo. Ang gagawin nila tungkol rito ay kinakatawan ng apat
na mga uri ng mga lupa sa parabula.

I. Una, iyong mga narinig ang Ebanghelyo at nalimutan ito


agad-agad ay nawawala.

Tignan ang Marcos 4:15,

“At ang mga ito'y yaong nangasa tabi ng daan,


na doon nahahasik ang salita; at nang kanilang
mapakinggan, pagdaka'y pinaroroonan ni
Satanas, at inaalis ang salita na inihasik sa
kanila” (Marcos 4:15).

Ito ay ang mga tao na nagpupunta upang bumisita sa ating simbahan isang
beses o dalawa. Narinig nila ang Salita ng Diyos, ang mensahe ng
kaligtasan. Ngunit “nagsidating ang mga ibon at kinain ito” (Marcos 4:4).
Ang mga ibon na kumain ng mga buto ay kumakatawan kay Satanas at
kanyang mga demonyo. “Pagdaka'y pinaroroonan ni Satanas, at inaalis
ang salita na inihasik sa kanila” (Marcos 4:15)
Sinasabi namin sa kanila na si Kristo ay namatay sa sa Krus upang
magbayad para sa kanilang mga kasalanan. Sinasabi sa kanila ng Diablo,
“Wala kang kahit anong kasalanan. Ika’y isang mabuting tao.” Kaya ang
Salita ay inaalis agad ng Diablo na kumikilos sa kanilang mga isipan.
Sinasabi namin, “Si Kristo ay bumangon mula sa pagkamatay upang
bigyan ka ng walang hanggang buhay.” Sinasabi ng Diablo, “Huwag
mong paniwalaan iyan! Iyan ay isang gawa-gawa, isang katakataka.”
Kaya ang salita ay kinukuha agad-agad ng Diablo sa kumikilos sa kanilang
mga isipan. Sinabi ni Hesus na ang Diablo ay isang “sinungaling” (Juan
8:44). Sinasabihan ka niya ng isang kasinungalingan upang pigilan ka
mula sa paniniwala sa Ebanghelyo at maging ligtas. Gusto ka nilang
panatilihing kanyang alipin!
Nagdadala kami ng maraming mga nawawalang mga tao upang
madinig ang Ebanghelyo kada Linggo. Karamihan sa kanila ay di kailan
man bumabalik. Binibigyan natin sila ng mensahe ng kaligtasan.
Binibigyan natin sila ng tanghalian (o hapunan) at ng isang malaking salu-
salong pangkaarawan. Ginagawa naming madali upang magpunta sa
simbahan. Ngunit karamihan sa kanila ay walang natatandaang isang
bagay na aking ipinangangaral. Bakit? Dahil “pagdaka'y pinaroroonan ni
Satanas, at inaalis ang salita na inihasik sa kanila,” iyan ang dahilan! Ang
ilang mga tao ay nagpupunta ng maraming beses na hindi nagkakaroon ng
epekto ang pangagaral sa kanila. Bakit? Dahil bawat beses sila’y nakikinig
sa Diablo, at kinukuha niya ang Salita mulasa sa kanilang mga puso.
Binibigyan pa nga namin sila ng isang salita-kada-salitang manuskrito ng
pangaral upang iuwi at basahin. Binabasa mo ba talaga ang mga ito at
pinag-iisipan itong masinsinan? Hindi, hindi nila ito ginagawa. Alam ko
ang ilan sa kanila ay itinatapon lamang ang manuskrito sa basurahan
kapag sila’y umuuwi. Alam ko iyan. Ngunit ginagawa pa rin namin ito na
parehas lamang. Bakit namin ito patuloy na ginagawa? Dahil sinabi ni
Hesus, “Pumaroon ka sa mga daan at sa mga bakuran, at pilitin mo silang
magsipasok” (Lucas 14:23). Dahil sinabi ng Diyos sa atin,

“At iyong sasalitain ang aking mga salita sa


kanila, sa didinggin, o sa itatakuwil man;
sapagka't sila'y totoong mapanghimagsik”
(Ezekiel 2:7).

Habang tayo’y pailalim sa “huling mga araw” ang mga tao ay


lumalagong mas mapaghimagsik laban sa Diyos. Kung gayon ang Diablo
at kanyang mga demonyo ay mas higit na mas magagawang mapitas ang
Salita ng Diyos mula sa mga puso at isipan ng mga tao. Apat na pung taon
noon makalalagay ng ka ng isang karatula na nagsasabi, “Pag-aaral ng
Bibliya rito ng 7:00 PM.” Mga kabataan ay magsisidating, at marami sa
kanila, mula sa pagbabasa ng karatula laman ganoon lang. Alam ko.
Nagsimula ako ng isang simbahan malapit sa San Francisco sa mga Hipi.
Sila’y mga makasalanan. Tiyak sila nga. Ngunit kasing sama man tulad
nila, sila’y malayo, mas malayong mas mainam kaysa ng mga kabataan
ngayon! Ngayon karamihan nsa mga kabataan ay mayroong matitigas na
mga puso na hindi ka makapapasok sa kanila gamit ng isang malaking
martilyo! Gayon nagpapatuloy pa rin kami, “makinig man sila o hindi” –
dahil sinabi ng Diyos sa amin na gawin ito! At pa minsan nakahahanap
kami ng isang tao na kabilang mga nahirang, na nadirinig ang Ebanghelyo
at naliligtas. Ngunit ito’y nagiging mas mahirap at mas bihira habang ang
panahong ito ay papalapit sa isang pagsasara, at ang kasalukuyang
mundong ito ay papunta na sa katapusan. Ako’y kumbinsido, rito sa
Amerika sa pinaka kaunti, na ang Diyos ay hinuhusgahan ang aming mga
tao sa pagpapadala ng “ang paggawa ng kamalian, upang magsipaniwala
sila sa kasinungalingan” (II Mga Taga Tesalonica 2:11). Gayon alam natin
na ang Diyos, sa pamamagitan ng di mapaglalabanang biyaya, ay
magdadala papasok ng mga nahirang, kahit rito sa masama at demonikong
mga araw na ito! Hindi kami naghahanap ng dakilang karamihan ng mga
tao. Naghahanap kami, rito at doon, para doon sa kaunti na pinili ng Diyos
upang maligtas. Dahil sinabi ni Hesus, “Ako'y hindi ninyo hinirang,
nguni't kayo'y hinirang ko” (Juan 15:16). Dadalhin ng Diyos iyong mga
Kanyang hinirang sa pamamagitan ng pinakamataas na punong biyaya!
Aleluya! Ngunit iyong mga hindi pinili ng Diyos ay magkakaroon si
“pagdaka'y pinaroroonan ni Satanas, at inaalis ang salita na inihasik sa
kanila” (Marcos 4:15). Paano ka? Ikaw ba ay isa sa mga nahirang ng
Diyos – o hahayaan mo si Satanas na pitasin ang Salita mula sa iyong puso
– at lumayo upang mabuhay at mamatay sa iyons kasalanan? Sinabi ni
Hesus, “Sapagka't marami ang mga tinawag, datapuwa't kakaunti ang mga
nahirang” (Mateo 22:14).

II. Pangalawa, iyong mga nakarinig sa Ebanghelyo at


tinatanggap ito na may galak, ngunit lumalayo kapag
sila’y natukso, ay nawawala.

Tignan ang Marcos 4:16-17.


“At gayon din naman itong mga nahasik sa
batuhan, na, pagkarinig nila ng salita,
pagdaka'y nagsisitanggap na may galak; At
hindi nangaguugat sa kanilang sarili, kundi
sangdaling tumatagal; kaya't pagkakaroon ng
kapighatian o ng mga paguusig dahil sa salita,
pagdaka'y nangatisod sila” (Marcos 4:16-17).

Ang mga ito ay mababatong mga lupaing mga tao ay ang kabaligtaran ng
unang grupo. Tinatanggap nila ang Ebanghelyo na may kagalakan at
katuwaan. Nagpupunta sila sa simbahan at iniibig ito. Kumakanta sila ng
mga himno na may gana agad-agad. Nagpupunta sila sa panalanging
pagpupulong. Nagpupunta sila sa ebanghelismo. Ito’y mainam! Iniibig
nila ito! Iniuuwi nila ang manuskrito ng pangaral at binabasa itong
masinsinan.
Ngunit mayroong nawawala. Walang “nangaguugat sa kanila.”
Hindi sila nakaugat kay Kristo, “na nangauugat at nangatatayo sa kaniya”
(Mga Taga Colosas 2:7). At “kaya nagtitiis ngunit sa isang panahon.”
Sinabi ni Dr. J. Vernon McGee, “Sila’y tunay na nagiging masigasig,
ngunit wala sila’y tunay na kaugnayan kay Kristo. Ito’y isang emosyonal
na pagkataas” (Isinalin mula sa Sa Buong Bibliya [Thru the Bible], sulat
sa Mateo 13:20, 21).
Pagkatapos ng ilang panahon matatagpuan nila na ito’y nagsasanhi
ng ilang kaguluhan upang maging nasa simbahan. Mayroong dumarating
at hindi nila nararamdamang magpunta. Kapag kaguluhan at pag-uusig ay
dumarating sa kanila dahil sa pagiging nasa simbahan “agad-agad sila’y
nasasaktan.” Ibig nitong sabihin, literal, agad-agad sila’y lumalayo”
(tignan ang NIV). Iyan ay madalas na nangyayari sa panahon ng Pasko at
Bagong Taong mga “pista.” Alam nila na gusto namin silang magpunta sa
Paskong salo-salo, sa Bisperas ng Paskong paglilingkod, at sa gabing
panonood na paglilingkod ng Bisperas ng Bagong taon. Nagplaplano
silang magpunta. Ngunit mayroong dumarating, sila’y naimbita sa isa
pang salu-salo kasama ng mga di nananampalataya, o may ibang bagay na
nangyayari. Nagpapatalo sila sa mundo – at umaalis sila papunta, sa unang
beses mayroong isang kaunting “dalamhati” o gulo. Ikaw ba ay “lalayo”
kapag ika’y masusubok ng mga “pista”? Ikaw ba ay lalayo kasama ng mga
nawawalang mga kaibigan sa isang makamundong salu-salo, sa isang rayv
o isang sayawan? Ikaw ba ay tatakbo sa Las Vegas, o sa ibang lugar,
kasama ng mga nawawalang mga kaibigan? Bawat taon nakakikita kami
ng kaunting mga tao na mayroong tunay na ugat kay Kristo, na agad-agad
bumabagsak at lumalayo sa loob ng mga pista.
Si Dr. David F. Wells ay isang tanyag na Taga-Repormang
teyolohiyano. Sinabi niya, “Ang [taong ito] ay walang intension ng
pagbabayad ng halaga sa pangako sa sarili na kinakailangan kung ang
mensahe ay sa katunayan dapat pinaniniwalaan…Ang mga [tinatawag] na
mga ‘napagbagong’ na mga ito ay tumangging magkaroon ang kanilang
mga buhay na maibaligtad sa paraang ganito. Mayroong mga tulad nito sa
Amerika ngayon” (Isinalin mula kay David F. Wells, Ph.D., Ang Lakas
ng Loob upang maging Protestante [The Courage to be
Protestant], Eerdmans Publishing Company, 2008, pah. 89).
Tinawag ni Dr. J. Vernon McGee ang mga taong itong, “Alka-
Seltzer na mga Kristiyano. Mayroong maraming bula sa kanila…Wala
silang tunay na kaugnayan kay Kristo. Ito’y isa lamang emosyonal na
pagkataas. Sila ay nasa mabatong lupang mga tao” (isinalin mula sa ibid.).

III. Pangatlo, iyong mga nakarinig ng Ebanghelyo, ngunit


nagsisiinis dahil sa mga sakit sa ulo sa sanglibutan at ang
pagkalinlang ng mga kayamanan, at ang mga kahalayan
ng mga bagay, ay nawawala.

Tignan ang Marcos 4:18, 19,

“At ang mga iba'y yaong nangahasik sa


dawagan; ang mga ito'y yaong nangakinig ng
salita, At ang mga pagsusumakit na ukol sa
sanglibutan, at ang daya ng mga kayamanan, at
ang mga pita sa ibang mga bagay na
nagsisipasok, ang nagsisiinis sa salita, at ito'y
nagiging walang bunga” (Marcos 4:18, 19).

Sinabi ni Dr. McGee, “Nakuha ng Diablo ang tao ng gilid ng daanan, at


ang laman ay kumuha sa mabatong lupang tao, ngunit ang sanglibutan ay
nag-iisnis sa papalabas ng Salita para sa ganitong uri ng tagapakinig. Ang
mga sakit sa ulo ng sanglibutan ay pumapasok…natatagpuan ko na
maraming mga tao ay nagpabaya sa mga sakit sa ulo ng sanglibutang
karamihan ng mga tao papalabas ng Salita ng Diyos” (isinalin mula sa
ibid.).
Nakita namin itong mangyari muli’t muli. Isang kabataan ang
nagpupunta sa simbahan at mukhang napagbagong loob. Tapos,
pagkatapos ng ilang panahon, sila’y nagtatapos sa pag-aaral at
nagsimulang magkapera. Nagkakaroon sila ng anak. Nagsisimula silang
maghangad ng mga kasakiman ng ibang mga bagay. Isisipi ko ang NIV
upang gawin itong malinaw. Sinasabi nito, “naririnig nila ang salita,
ngunit ang mga pag-aalala ng buhay na ito, ang pandaraya ng kayamaanan
at ang mga paghangad sa ibang mga bagay at dumarating at nagpapa-inis
sa salita.”
Isang karamihan ng mga tao ang umalis sa ating simbahan mga
dalawam pung taon noon. Isang lalake na nagngangalang Olivas ay
lumisan at nagsimula ng isang alternatibong simbahan. Sinabihan niya ang
mga aming mga tao na masyado akong estrikto. Hindi nila kinailangang
magpunta sa isang panggabing Linggong paglilingkod. Ang lahat na
kailangan nila ay ang pang-umagang paglilingkod, kasunod ng isang pot-
luck na hapunan. Hindi nila kanailangan na magdala ng mga nawawalang
mga tao sa simbahan. Ang lahat na kinailangan nilang gawin ay na sila
mismo ang magpunta – at kapag lamang ito’y madali. Ito’y nakatutuwa!
Sila’y malaya mula sa estriktang matandang mangangaral na ito! Ngunit
di nagtagal karamihan sa kanila ay lumisan mula sa alternatibong
simbahang iyon. Isa sa kanilang mga kalalakihan ay nagsabi kay Gg.
Prudhomme, “Ang simbahang ito ay isang lamang daanang estasyon
pabalik sa mundo.” Iyan ang nangyari sa “Olivas na paghihiwalay ng
simbahan.” Mangyayari ba ito muli? Oo, ito’y mangyayari muli – kung
ang mga sakit sa ulo ng mundong ito, ang pandaraya ng mga kayamanan,
at mga paghahangad sa ibang mga bagay ay iinis sa Salita sa iyong buhay!
Oo, mangyayari ito muli sa mga matinik na lupaing mga simabahang tao!
Oo, mangyayari ito muli!
Ngayon, pakinggan muli si Dr. J. Vernon McGee,

Ang tatlong uri ng lupang ito ay hindi


kumakatawan sa tatlong uri ng mga
mananampalataya – sila’y mga di
mananampalataya sa anumang paraan!
Nadinig nila ang Salita at nagdeklarang
natanggap nila ito…Sa ibang salita sila’y di
ligtas…Ikapa’t lamang ang tunay na naligtas.
Sa katunayan, sa aking sarlinig pangangasiwa
natagpuan ko na ang pursyentong iyan ay mas
mababa pa kaysa riyan (Isinalin mula kay
McGee, ibid., mga pah. 73, 75).

Sila’y magpupunta at magsasabi sa iyo na sila’y ligtas. Ngunit hindi sila


ligtas sa anumang paraan! Lubos akong sumasang-ayon kay Dr. McGee.
Sinabi niya patungkol sa mga taong ito, “ibubukod ko sila bilang mga
Katimugang Californiang mga tipo” ng mga nawawalang mga
ebanghelikal (isinalin mula sa ibid., pah. 73). Sinabi ni Dr. David F. Wells,
“Sila’y mga eksamplar [mga halimbawa] ng mga ‘Kristiyanismong
mahina lang’ na napakaraming mga ebanghelikal na simbahan ang
nagpapalaganap…mas kaunti sa isa sa sampu ay mayroong may pinaka
malabong kaisipan ng kung anong ibig sabihin na maging isang disipolo
ni Kristo sa tuntunin ng Bibliya” (Isinalin mula kay Wells, ibid., pah. 91).
Amen riyan, kapatid!

IV. Pang-apat, iyong mga nakaririnig ng Ebanghelyo,


tinatanggap ito, at nagdadala ng bunga, ay iyong mga
ligtas.

Tignan ang berso 20,

“At yaon ang nangahasik sa mabuting lupa; na


nangakikinig ng salita, at tinatanggap ito, at
namumunga ng tigtatatlongpu, at tigaanim na
pu, at tigiisang daan” (Marcos 4:20).

Sino ang mga taong ito? Ito siguro’y pinaka simple na biygan kayo ng
ilang mga pangalan. Ang mga ito ay ang mga tao na dapat mong sundin.
Ang mga taong ito ay dapat mong imodelo sa iyong buhay. Ang mga taong
ito ay mga tulad nina Dr. at Gng. Cagan, Dr. at Gng. Chan, Gg. at Gng
Griffith, Gg. at Gng. Song, Gg. at Gng. Mencia, Gng. Salazar (lalo na
siya!), Gg. at Gng. Sanders, Gg. at Gng. Olivacce, Gg. at Gng.
Prudhomme, Gg. at Gng. Lee, Gng. Hymers, Gg. Zabalaga, Sergio Melo,
Emi Zabalaga, Lara Escobar, John Samuel Cagan – mga taong tulad
niyan! Makababanggit lamang ako ng kaunti sa kanil! Sundan ang
kanilang halimbawa at hindi kayo magkakamali! Amen! Aleluya! Papuri
sa pangalan ni Hesus!
Nagsisimula ito sa pagtitiwala kay Kristo. Lumalago ito sa
pamamagitan ng pagtitiwala kay Kristo. Umaagos ito sa pagigging
disipolo sa pamamagitan ng pagititwala kay Kristo. Gaya nang paglagay
ng lumang kanta, “Pagtitiwala sa Kanya ano mang mangyari, Pagtitiwala
kay Hesus, iyan lang ang lahat!” Wala sa unang tatlong mga grupo ay
kailan man nagtiwala kay Hesus! Nagpatuloy silang nagtiwala sa kanilang
sarili. Kaya sila’y “tumiwalag” at lumisan sa aming simbahan. Hindi sila
nagtiwala kay Hesus. Nagtiwala sila sa sarili nilang pag-iisip at sarili
nilang mga pakiramdam. Huminto sa pagtitiwala sa iyong sarili – at
magsimulang magtiwala kay Kristo. Magtiwala sa Kanya ngayon, at
lilinisan ka niya mula sa lahat ng kasalanan gamit ng Kanyang mahal na
Dugo! Magtiwala sa Kanya ngayon, at ika’y agad-agad na makatatanggap
ng walang hanggang buhay! Amen! Aleluya! Papuri sa pangalan ni Hesus!
Dr. Chan, paki-pangunahan kami sa panalangin.

Kung pinagpala kayo ng pangaral na ito gustong makarinig ni Dr. Hymers mula sa iyo.
KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG
ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG
IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng
isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (iklik ito).
Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung
kaya mo.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.sermonsfortheworld.com.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.


Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Gg. Abel Prudhomme:


Lucas 8:11-15.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg. Benjamin Kincaid
Griffith:
“Kung Makuha ko ang Mundo.” Isinalin mula sa “If I Gained the World”
(ni Anna Olander, 1861-1939).

ANG BALANGKAS NG

ANG PARABULA NG MANGHAHASIK


THE PARABLE OF THE SOWER

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

I. Una, iyong mga narinig ang Ebanghelyo at nalimutan ito agad-agad ay


nawawala, Marcos 4:15, 4; Juan 8:44; Lucas 14:23;
Ezekiel 2:7; II Mga Taga Tesalonica 2:11; Juan 15:16;
Mateo 22:14.
II. Pangalawa, iyong mga nakarinig sa Ebanghelyo at tinatanggap ito na may
galak, ngunit lumalayo kapag sila’y natukso, ay nawawala, Marcos 4:16,
17; Mga Taga Colossas 2:7.
III. Pangatlo, iyong mga nakarinig ng Ebanghelyo, ngunit nagsisiinis dahil sa
mga sakit sa ulo sa sanglibutan at ang pagkalinlang ng mga kayamanan, at
ang mga kahalayan ng mga bagay, ay nawawala, Marcos 4:18, 19.
IV. Pang-apat, iyong mga nakaririnig ng Ebanghelyo, tinatanggap ito, at
nagdadala ng bunga, ay iyong mga ligtas, Marcos 4:20.
arabula
ng bansang
“SYR ”

Ang Tusong Katiwala


Ang parabulang tusongkatiwalaay
tungkolsaisangkatiwalanagustong
paalisin ngkanyang amo dahil di
umano ay hindi maganda ang
pamamalakad nito sa mgaari-arian.
Kayabagosiyapinaalisayhiningan
muna siyangulatngpangangasiwa.
Nag-alalaangkatiwaladahilwala
naman siyang ibang alam gawin
malibansapangangasiwa
kaya’
t tinipun niya lahat ng nagkautang
sa kanyang amo atginawan
ng kasulatan ang mga utangnito
ngunit sinigurado niyang mas
maliitangutangna nakatala sa
kasulatan kaysa sa tunaynautangin
nitoparakungmatanggal mansiyasa
trabahoaymayiba pang tatanggap
sakanya.Natuwanaman angkanyang
amosamganatanggapnaulatmula
sakanya.Angipinahihiwatigng
parabula ay tungkolsatiwala.Mashigit
kang pagkakatiwalaan samalalaking
mgabagaykungnaipakitamong
mahusay kakahitsamalilitlamang.

You might also like