You are on page 1of 52

Noli me Tangere

Kabanata 1- Isang Pagtitipon Nung huling araw ng Oktubre ay nagpahayag si Don Santiago delos Santos na nag-iimbita si Kapitan Tiago ng mga tao sa kanyang bahay para sa isang hapunan. Kumalat ang balitang ito na nakarating sa buong Intramuros, Binondo at Maynila. Si Kapitan Tiago ay kakaiba dahil sa ugali nyang mapagparaya at malalapitan siya sa panahon ng kagipitan, pero ayaw niya sa mga taong mapaghimagsik at nangangalakal. Kaya kahit hindi imbitado ay makakapunta ka parin sa hapunang magaganap sa bahay ni Kapitan Tiago. Ang bahay ni Kapitan tiago sa Anloague na malapit sa pampang ng Ilog Binondo . maraming mga palamuti sa bahay ni Kapitan Tiago. May ilan ding mga antic na mga larawan doon. At sa siyahang iyon ay nakahiwalay ang mga kalalakihan sa mga kababaihan. Nandun din sa Tiya Isabel na pinsan ni Kapitan tiago. Siya ang sumasalubong sa mga panauhing babae at namamahagi ng mga hitso ay sigarilyo sa mga dayuhang babae. Humahalik sa kamay ni Tiya Isabel ang mga Filipina bilang paggalang. Masayang nag-uusap ang mga kadete habang pinagmamasdan ang mga ibang panauhin tulad nga mga prayle, mga sundalo, at mga mamamayan na tuwang-tuwa sa inihandang biskotsong Ingles at mga alak. Nandoon din si padre Sibyla na isang Dominicong pari na pormal makitungo at maingat sa pananalita. Si Padre Damaso naman ay kakaiba dahil sa siya ay isang matanda at malusog na Franciscanong palasalita at maliksi. Kausap niya ang binatang kulay pula ang buhok. At ang pinag uusapan nila ay tungkol sa kung ang dahilan ba ng pagbagal ng pag unlad ng pilipinas ay dahil sa mangmang ang mga Pilipino. Dumating din ang isang pilay na Kastila na si Doktor de Espadaa na sunud sunuran sa asawa nitong Pilipina na si Doa Victorina.

Kabanata 2- Si Crisostomo Ibarra Natigilan at namutla si Padre Damaso dahil sa kasamang ni Kapitan Tiago sa bulwagan. At ipinakilala ni Kapitan Tiago si Crisostomo Ibarra na kararating lamang sa Europa. Nakalimot na ang mga iba na batiin si Kapitan Tiago dahil sa gulat. Pati narin si Tenyente Guevarra. Unang bumati kay Ibarra ay si Tenyente Guevarra. Doon ay gumaan ang pakiramdam ni Ibarra sa sinabi ng tenyente tungkol sa kanyang ama. Dahil walang lumalapit sa kanya ay siya na ang lumapit at nagpakilala sa mga kababaihan. Pero walang kumibo sa mga babae. Ngunit nagpakilala parin siya sa lahat. Lumapit at nagpakilala sa kanya si Kapitan Tinong na iniimbitahan siyang mananghalian kasama siya bukas. Ngunit tinanggihan siya ni Ibrra sapagkat siya ay uuwi kinabukasan sa San Diego. Isang utusan mula sa Caf

La Campana, na pinakatanyag na restawran, ang pumutol sa paguusap nilang iyon ni Kapitan Tinong. Agaw-pansin doon si Padre Damaso na hindi kumikibo at parang walang narinig. Hindi matanggap ni Padre Damaso na tinawag siya na matalik na kaibigan ng kanyang ama kaya iniurong niya ang kanyang kamay sabay tingin ng may halong pagtataka. Sa kanyang pagtalikod ay nakaharap niya si Tenyente Guevarra at tinanong siya na kung siya ba talaga ang anak ni Don Rafael Ibarra. Yumuko si Ibarra bilang paggalang habang nakatitig ang pari sa tenyente.

Kabanata 3- Sa Hapunan Nang dumulong na sila sa hapag-kainan ay wala silang tigil sa kapupuri non kahit di pa nila iyon natitikman. Nag unahan sila Padre Damaso at Padre Sibyla pero sabay sila dumating tumigil sila at medyo nagtalo kung sino sa kanila ang uupo sa kabisera. Nang uupo na si Padre Sibyla ay pinigilan siya ni Padre Damaso na halata namang nagkukunwari.inalok naman ni Padre Sibyla si Tenyente Guevarra ngunit ito ay tumanggi dahil ayaw niya mapagitna sa pag upo sa kabisera. Hindi inalok ng dalawang pari si Kapitan Tiago pero halos lahat na ay nakaupo ng akmang tatayo si Ibarra para ibigay ito sa kanya. Ngunit pinigilan siya nito dahil sa ito daw ay pasasalamay sa Mahal na Birhen dahil sa kanyang pagdating. Pinahain na ni Kapitan Tiago ang tinola na sadyang ipinaluto niya para kay Ibarra. Inihain na ang tinola at ipinamahagi na. sadya man o hindi ay puro upo at sabaw, kapirasong leeg, at maganit na pakpak ang napunta kay Padre Damaso samantalang kay Ibarra naman ay puro pitso, hita at mga lamang-loob. Nagpakita na nagtatampo siya dahil dun pero parang walang nakapansin sa kanya. Habang kumakain sila ay nagtanong na sila ng kung ano-ano kay Ibarra tungkol sa pamamalagi niya sa Europa. Lalo nat nasabi din nya ang tungkol sa kanyang ama na hindi nya alam kung pano namatay. Pati si Doa Victorina ay sumingit na rin. Sumingit naman bigla si Padre Damaso na ipinahihiya naman si Ibarra sa maraming tao dahil kahit daw batang eskuwela ay alam na ang mga kasaysayan ng Europa.kinabahan ang iba na baka mapunta sa pag aaway ang pag uusap nilang iyon pero nagtimpi na lamang si Ibarra. Nagkuwento na lamang si Ibarra kung gaano kabait sa kanilang mag-ama si Padre Damaso. Napansin naman ni Padre Sibyla na nangingig si Padre Damaso pero di nya alam kung bakit. Pagkatapos ay nagpaalam na si Ibarra dahil my lakad pa ito kinabukasan papuntang San Diego at my aasikasuhin pa siyang ibang mahalagang bagay. Pero pingilan parin siya ni Kapitan Tiago dahil dadationg daw si Maria Clara, sinundo lamang daw ito ni Tiya Isabel. Ngunit umalis parin siya dahil mayroon siyang dapat gawin na dapat hindi ipagpaliban. Pagkaalis ni Ibarra ay kinausup agad ni Padre Dmaso ang lalakeng may pulang buhok at nagsalita ng mga bagay na hindi mganda tungkol kay Ibarra at sa mga indio.

Kabanata 4- Erehe at Filibustero Oktubre noon, nakarating na si Ibarra sa Liwasang Binondo. Habang naglalakad siya sa Kalye Sacristia ay napansin niyang wala parin nagbabago sa lugar na iyon. Sinabihan siya ng isang tenyente ng guwardiya sibil n asana ay wag sana matulad ang kapalaran nya sa kanyang ama na namatay sa bilangguan. Kahit dawn a mabait ang kanyang ama ay marami parin dawn a Kastila ang may kimkim na galitat pagkainggot sa knayang ama. Pinagbintangan ni Padre Damaso ang kanyang ama na hindi nangungumpisal pero hindi naman daw nito iyon ginagawa nung magkaibigan pa ang mga ito. Pinasasaringan din nip Padre Damaso si Don Rafael Ibarra tuwing itoy nagsesermon. Nagkuwento naman yung tennyente tungkol sa isang Kastila na mangmang at may masamang ugali ang natanggal sa trabaho bilang artilyero ng hukbo. Kaya pumasok daw ito bilang isang kolektor ng buwis. Isang araw habang nagbabsa daw yung kolektor ng buwis ng mga papeles ng pabaligtad ay napansin agad iyon ng mga grupo ng mga bata at tinukso ito. Sa inis, pinukol nito ng baston ang mga bata at isa ang natamaan at pinagsisisipa ito. Kahit nakita na nga iba ay walang my lakas ng loob na awatin ang tagapaningil sa gingawa nito sa bata. Sinugod ni Don Rafael Ibarra ang tagapaningil na nagging sanhi para bumagsak sa kalye at mabagok ang ulo kaya pinaratangan si Don Rafael Ibarra na erehe at filibustero. Maraming kaso ang binintang kay Don Rafael Ibarra.sinubukan niyang tulungan ang kanyang ama pero nung lumapit na daw siya sa Kapitan Heneral, sa abogadong Pilipino at sa Kastila ay tinanggiohan siya ng mga ito sa takot nab aka mapatay sila. Namatay daw ang kanyang ama dahil habang nasa bilangguan ay dinapuan daw ito ng sakit at doon na namatay ng nag-iisa. Sabi pa nito na alamin nalang niya ang iba pa kay Kapita Tiago sabay talikod at sumakay na ng karwahe.

Kabanata 5- Bituin sa Karimlan Pagal na dumating si Ibarra sa kanyang tinutuluyang silid sa Fonda de Lala na isang sikat na hotel pagmamay-ari ni Lala Aie. Namintana siya at kanyang rinig na rinig ang kasiyahang nagaganap sa kabilang tabi ng ilog na bahay ni Kapitan Tiago at ninais niya n asana ay kasama siya ngunot siya ay abala. Makikita pa naman sana niya ang kaakit-akit na si Maria Clara na kararating lamang mula sa kumbento. Biglang naglaro sa kanyang gunita na ang kanyang ama ay naghihirap sa kulungan at malapit ng mamatay habang tintawag siya samantalang siya naman ay umiinom lamang ng mamahalinh alak at nagpapakasaya.yun ang kanyang nakita sa kanyang pag-iisa at sinisisis niya ang kanyang sariling dahil wala man lang siyang nagawa para sa kanyang ama kaya titawag niya ang sarili niya na isang duwag.

Kabanata 6- Si Kapitan Tiago Kung titignan si Kapitan Tiago ay mukhang bata pa ito kahit siya ay trentay singko na. siyay mataba, at kayumanggi ang kulay. Sinasabi din ng kanyang mga kaibogan na siya daw ay pinagpala ng Panginoon kaya siya ay malusog. Pero kinokontra ito ng kanyang mga kaaway. Itinuturing siya na pinakamayaman sa Binondo. Marami siyang lupain sa ibat ibang lugar na nagging dahilan ng knyang pagyaman pati narin ang illegal niyang Gawain, ang pagtutulak ng opyo o apya, kasosyo ang mga Intsik. Ipinagmimisa din siya ng mga pari dahil tumutulong siya sa simbahan. Hindi din siya lumalabag sa batas. Lagi siyang nagreregalo ng mga imported na mga pagkain na galling sa China dahil tingin niya sa sarili niya ay isang Kastila at hindi Pilipino. Nung naging gobyernadorsilyo siya ay nakasira siya ng 10 parak, 10 sombrero de copa, at mga 6 na baston de borlas. Para sa ibang Kasitla ay mabait, masunurin at tahimik na tao siya. Pero ang tingin sa kanya ng mga kaaway niya ay siya ay isa ring indio, masama ang ugali, walang awa sa mga taong nagigipit. Ngunit ang kanyang m,ga magulang ay maramot ang kanyang mga magulang dahil hindi siya pinag aral ng mga ito kaya siya ay namasukang katulong sa isang paring Dominico at tinuruan siya ng mga bagay na dapat niyang malaman. Napangasawea naman niya si Pia Alba na isang magandang babae. Magkatulong sila sa paghahanapbuhay hanggang sila ay yumaman at naging kilala. Bumili sila ng lupain sa San Diego at doon ay nakilala nila si Padre Damaso at naging matalik nila itong kaibigan. Pati narin si Don Rafael Ibarra. Ngunit kahit matagal na silang nagsasama ay hindi sila pinalad na magkaroon ng anak. Nagnobena si Pia at pumunta sa Birhen ng Kasaysayan sa Taal. Sumayaw siya sa harap ng Birhen ng Tumuba na kilala sa pangalang Birhen Delos Dolores na pintakasi sa Pakil,Laguna. Sinabihan siya ni Padre Damaso na sumayaw sa kapiyestahan ng Obanda. At ginawa nga niya iyon kaya dali-dali siyang naglihi. Ngunit siya ay naging malungkutin at dahil doon ay nangayayat siya. Kaya dinupuan siya agad ng sakit at namatay pagkatapos ipanganak si Maria Clara. Inanak ito ni Padre Damaso at siya din ang nagpangalan kaw Maria Clara. Si Tiya Isabel ang nag alaga sa kanya. Lumake si Maria Clara na minamahal siya ng mga tao sa paligis niya na kahit ang mga prayle ay natataranta din dahil sa pag aayos sa kanya tuwing sumasama siya sa prusisyon. Sila kasi ang nag aayos sa kanya na ikinatutuwa ni Kapitan Tiago kaya kanyang hinahandungan ng kanyang makakaya ang simbahan. Ipinasok naman siya ng kura sa kumbento sa Santa Catalina. Kaya siya ay nagpaalam na sa kanyang kaibigan at kababata na si Crisostomo Ibarra at sa kanyang inaama na si Padre Damaso. 7 taon nanatili sa kumbento si Maria Clara. Alam din niya na kapag nakipag-usap siya sa kanyang dalaw ay my nakapagitan na rehas at nakabantay ang Madre Escucha. Ramdam din nina Don Rafael Ibarra at Kapitan Tiago sila Crisostomo at Maria Clara. At hindi sila tumutol. Napagkasunduan din nila na ipakasal ang dalawa pagkaraang maglakbay ang binat papuntang Europa. Dahil doon ay naging maligaya sila at hindi sila makakalimot sa isat isa kahit na magkalayo sila.

Kabanata 7- Pag-uusap Sa Balkonahe Maagang- maaga nagtungo sina Tiya Isabel at Maria Clara sa simbahan upang magsimba. Pagkatapos ay nagyaya an agad si Maria Clara na umuiw na ikinataka ni Tiya Isabel. Pagkatapos mag-agahan ay lumabas agad siya at naiinip na naghihintay doon. Kahit abala si Kapitan Tiago ay napansin parin niya si Maria Clara na namumutla at parang may sakit kaya tinanong niya ito kung sa Malabon o San Diego siya magbabakasyon. Pinamulahan lanh siya ng mukha nung nabanggit ang San Diego. Sinabihan siyang huwag ng bumalik sa kumbento pero kukunin na lamang ang mga damit niya doon at pupunta na sila sa Malabon na tinanggihan ni Tiya Isabel. Mas mabuti daw sa San Diego dahil malalpit na daw ang kapiyestahan doon. Yayakapin n asana niya ang tiya ng biglang sabihin ni Kapitan Tiago na dumating na si Ibarra. Nagtago siya sa silid at pagkapasok ng tiya ay naglambitin siya dito sa sobrang saya. Nang magkita na sila ni Ibarra ay dumiretso na sila sa balkonahe. Nakasimangot si Maria Clara ng tanungin niya si Ibarra kung naalala pa ba siya nito. At sinabi naman ni Ibarra na kahit kelan ay hindi siya nito makakalimutan kahit yung pangako niya na siya lang ang iibigin nito habang buhay. Si Maria Clara naman ay kahit nasa kumbento siya ay di din niya makakalimutan si Ibarra kahit inutusan siya ng padre kumpesor na limutin siya. Nilabas ni Ibarra ang sambong na tanging alaala sa kanya ni Maria Clara. Nilabas naman ni Maria Clara ang sulat ni Ibarra bago pa ito umalis ng Pilipinas. At habang binabasa niya ang sulat ay di mapakali, namumutla at balisa si Crisostomo. Tumigil si Maria Clara at tinanong si Crisostomo kung bakit. Sinabi nito na kailangan niyang bumalik ng San Diego dahil kinabukasan ay Araw ng mga Patay na. hindi kumibo si Maria Clara at pumitas na lamang ng mga bulaklak at sinabing iyon ang ialay sa mga magulang nito. Pinuntahan naman siya ni Kapitan Tiago at inutusang magtulos ng dalawang kandilang tigbebente-singko, isa sa mga Poong Sna Rocque at Poong San Gabriel, ang pintaksi ng mga manlalakbay para sa kaligtasan ni Crisostomo.

Kabanata 8- Mga Alaala ng Lumipas Habang sakay si Ibarra sa karuwahe ay nakatanaw siya sa labas at pinagmamasdan ang mga nakikita niya. Pansin niya na ganoon parin ang daan dahil hindi parin ito nasesementuhan. Habang binibagtas ni Ibarra ang liwasan ng San Gabriel or Plaza Cervantes ay napansin din niya ang ibang mga puno at ang mga taong may mga sari-sariling pupuntahan. Namataan din niya ang sasakyang Victoria na ang nakasakay ay si Padre Damaso na nakatingin sa kanya ng galit. Magkasabay non ang karuwahe niya at ang karitela ni Kapitan Tinong. Payuko siyang binate ng matanda at lumiko na ang karuwahe patungong Subana. Nang mapadaan siya sa Hardin ng Botanika o Melan Garden ay inihambing niya ito sa

hardin botanika sa Europa na ginugugulan ng maraming salapi para mapangalagaan ng husto. Nang lumingon siya sa kanan ay natanaw niya ang matandang Maynila. At pinagmasdan iyon. At bigla niyang naalala ang Europa, ang bansang patuloy sa walang-tigil niyang pag-unlad.

Kabanata 9- Ibat ibang pangyayari Pumunta si Padre Damaso kay Kapitan Tiago. Sakto, paalis non sina Tiya Isabel at Maria Clara. At binate niya ang magtiyaga. Sinabi ni Maria Clara na papunta silang kumbento para kunin ang mga gamit niya at nagbulong-bulong si Padre Damaso na napansin naman ni Tiya Isabel at sinabi na siguro may sinasaulong sermon ang pari at sumakay na sila ng karuwahe. Pagsiagw na sinabi ni Padre Damaso kay Kapitan Tiago na may pag-uusapan silang mahalagang tanggapan. Kahit hindi iniabot ni Padre Damaso ang kamay ay sapilitan siyang yumuko at nagmano sa pari. Natakot si Kapitan Tiagong mariing sinara ng kura ang pino. Bago umalis si Padre Damaso ay sinabihan niya si Kapitan Tiago na dapat munang kumunsulta sa kanya ito bago ito gumawa ng kung ano-ano. Pero kahot wala na si Padre Damaso ay balisa parin si Kapitan Tiago at hindi mapakali. Tinungo niya agad ang bahay dalanginan at piata niya ang mga kandila at lamparang sinindihan niya.

Kabanata 10- San Diego Ang bayan ng San Diego ay saganang-sagana sa biyaya ng lupa at ito ay nasa baybay-lawa na napapaikutan ng malawak na bukirin. Sa simboryo ng simbahan ng san Diego, ditto ay natatanaw na ang buong kabayanan. Pero ang pinaka kapansinpansin sa lahat ay ang gubat doon na pinangingilagan ng mga tao dahil sa mga alamat na bumabalot dito. Katulad nalang ng alamat na noon ay hindi pa talaga ganap na baryo ang San Diego ay may isang kastilang matanda ang biglang dumating doon. Pumunta sa gubat at nag-ikot-ikot siya doon. Kaya tinanong nito kung kani-kanino kung sino ang may-ari ng gubat. Nagpananggap ang iba kaya binayaran sila ng mga ito ng damit, alahas at mga salapi. Pero gulat sila ng biglang naglaho ang matandang Kastila. Isang araw, may kakaibang amoy na naaamoy ang mga pastol mula sa gubat kaya pinuntahan nila ang pinagmumulan non at laking gulat nila dahil nakabitin ang matandang Kastila sa puno ng balite. Lahat ay sobrang natakot. Sabi ng isang matandang babae na kahit noong nabubuhay pa ang matandang Kastilang iyon ay nakakatakoy na dahil sa boses, tawa at nanlilisik niotng mga mata. Kaya tinapon nila ang salapit hiyas sa ilogat sinunog ang mga damit na nagmula sa Kastilang iyon. Nilibing nila ang bangkay nito sa puno ng baliti. Mula noon, iniiwasan na ng mga taoang punong iyon dahil sa tuwing gabi ay may nakikitang ilaw sa punungkahoy at nakakarinig din sila ng mga panaghoy na nanggagaling doon. Lumipas ang ilang taon, amy mestisong Kastila na binata ang dumating na nagngangalang saturnine na anak ng matandang Kastila na si

Eibarramendia. Nagpakasal sa dalagang taga- Maynila at nagkaroon ng isang anak, at ito ay si Rafael na ama ni Crisostomo. Pinaunlad ni Don Rafael ang lugar na iyon kaya madaming tumira doon at naging baryo na ito. Nagkaroon ng kurang indio at itoy naging nayon. Nung mamatay ang indio ay si Padre Damaso naman ang pumalit.

Kabanata 11- ang mga Makapangyarihan Dahil sa tuloy-tuloy na pagsulong ng San Diego ay ibat iba ang naghari-harian ditto. Si Don Rafael Ibarra, pinakamayaman sa San Diego. Kahit takbuhan ng lahat ay hindi siya kabilang sa makapangyarihan ng San Diego. Si Kapitan Tiago ay mayaman din. Kapag dumarating siya ay sumasalubong sa kanya ang mga may utang at nagreregalo ng kung ano-ano. Pero kapag siya ay nakatalikod ay pinagtatawanan siya at tinatawag na Sakristan Tiago. Kabilang sa makapangyarihan dahil malapit samga prayle at nagpapautang sa mga mahihirap. Siya ay isang kapitan pero imbis na siya ang nag-uutos ay siya ang pinag-uutusan pero hindi siya nagagalit kahit madalas siyang kagalitan. Lagi siyang sumusunod sa mga pinaguutos ng alkalde mayor. Pero dahil doon hindi siya maituturing na makapangyarihan sa San Diego. Dalawa lang ang talagang makapangyarihan sa San Diego. Ito ay si Padre salvi. Siya ay masigasig sa pagtupad sa kanyang tungkulin at maingat sa pagkilos dahil ayaw marumihan ang kanyang pangalan. Di tulad ni padre Damaso. Siya ay mahinay pero si Padre Damaso ay mapusok. Payat si Padre Salvi samantalang si Padre Damaso ay mataba. Ang isa pang makapangyarihan sa San Diego ay ang alperes na kilala sa pagiging malas sa pag-aasawa, si Doa Consolacion, isang may edad na Pilipina, ang asawa niya. Isang impyerno daw ang buhay niya ditto dahil lagi silang nag-aaway, minsan nagkakabati. Madalas sialng magbugbugan at naghahabulan sa kalye. Madami siyang pinagbabalingan ng galit pero madalas ay si Padre Salvi na sinisiraan niya. At para makaganti ang kura ay iuutos niya sa mga sacristan na isara ang pinto kapag nakita na niya ang alperes sa loob at magsesermon ng napakahaba. Pero kahit sila ang pinakamakapangyarihan sa San Diego ay plastik sila sa isat isa.

Kabanata 12- Todos Los Santos Araw ng mga patay o Todos Los Santos. Ito ang kaugaliang paggalang at pagalala sa mga yumao na ipinagdiriwang tuwing unang araw ng Nobyembre. Sa gawing kanluran ng San Diego matatagpuan ang sementeryo kung saan nagsisilbing galaan ng mga alagang hayop. Pero binulabog sila ng dalawang lalaki. Ang isa ay nakabantay sa kasama at ang kasam niyang iot ay ang sepulterero, na naghuhukay ng mga oras na iyon. At habang naghuhukay ay naikwento ng sepulterero na dati ay may hinukay siyang bangkay. Sinabi na iutos lamang iyon sa kanya ng kurang malaki. Iniutos daw sa kanya na ibaon ang bangkay na iyon sa

libingan ng mga Intsik, pero hindi niya magawa dahil malakas ang ulan noon at napakalayo ng libingan ng mga Intsik.

Kabanata 13- Ang Babala ng Unos Bumaba si Crisostomo kasama ang kanyang utusan sa karuwahe at lumakad sila patungo sa loob ng libingan at pinuntahan nila ang libingan ng kanyang mga magulang. Nakita nila ang sepulterero at tinanong kung saan makikita ang libingan na may isang krus. Alam ng sepulterero ngunit sinabi niyang kanya ng sinunog ang mga bulaklaking halaman at sinabiing uots iyon ng kurang malaki na ang tawag nila ay Padre Garote, ang paring namamalo. Ipinaturo din ni Crisostomo kung nasaan ang libingan ngunit sinabi niyang wala na ang patay doon. At sinabing may nilibing na siya doon na isang babae at ito daw ay utos din ng kurang malaki. Iniutos din dawn g kura na libing sa libingan ng mga Instisk ang bangkay. Natakot na ang sepulterero dahil hinawakan siya ni Crisostomo at tinanong kung ano ang ginwa nito sa bangaky. Umamin naman ang sepulterero an itinapon nalang niya ang bangaky sa ilog imbis na inilibing sa libingan ng mga Intsik. Kahit nanggigigil ay hindi niya sinaktan ang sepulterero sabay nilisan na nila ang sementeryo. At habang papalapit na sa bahay ay nakita niya si Padre Salvi at agad na nilapitan ito at hinawakan sa magkabilang balikat. Pinagtatanong niya ito kung ano ang ginawa nito sa kanyang ama pero ang sabi ng kura ay baka ang hinalinhan niyang pari na si Padre Damaso. Natauhan si Crisostomo at agad tinungo ang kanyang bahay.

Kabanata 14- Baliw o Pilosopo Kinikilalang pinakamatalino sa San Diego si Don Anastacio o Pilosopo Tasyo. Pilosopo Tasyo ang tawag sa kanya ngmga taong may pinag-aralan pero para sa mga walang pinag-aralan ang tawag sa kanya ay Tandang Tasyo, ang baliw. Nang hapong iyon ay makikita na may paparating na unos. Nakasalubong niya ang isang mayamang lalaki na napansin na masaya siya kaya sinabi niya na kaya siya ay Masaya ay dahil may nakikita siyang pag-asa sa paparating na unos. Ng pagkasabi na pagkasabi niya na bawal tumugtog ang kmapana tuwing kumikidlat at kumukulog ay biglang dumagundong ang pagkalakas-lakas na kulog dahilan para magkrus at manalangin ang mayamang lalaki. Natatawang umalis na lamang si Pilosopo Tasyo. Pagpasok sa simbahan ay nakasalubong niya ang dalawang sakristan. Niyaya niyang sumabay na ang mga ito sa kanya ngunit sabi ng mga ito na hindi pa sila pwedeng umuwi hanggang ikawalo ng gabi ayon sa kura. At lumabas na lamang siya pagkatapos bantaan ang mga ito na wag lalapit sa kampana kapag kumukulog dahil pupunta ang mga ito sa kampanaryo. Nilapitan niya si Don Filipo na noon ay may binabasang aklat at biglang napag-usapan nila ang tungkol kay Crisostomo at Rafael Ibarra. Pero sa kagustuhang baguhin ni Aling Dora yang paksa ng pinag uusapan ay bigla niyang ipinasok ang tungkol sa

purgatory. Pero hindi naniniwala sa purgatory si Don Anastacio ayon kay Don Filipo pero nagpaliwanag si Pilosopo Tasyo tungkol sa purgatoryo samanatalang ang unos ay palakas ng palakas.

Kabanata 15- Ang mga Sakristan Patuloy ang pagsungit ng panahon. Ang dalawang batang nakasalubong ni Pilosopo Tasyo ay nasa ikalawang palapag ng kampanaryo. Magkatabi sila at hawak ang lubid na nakatali sa batingaw na nasa ikatlong palapag. Ito ay sina Crispin at Basilio. Ninais ni Crispin na magkasakit silang dalawa para hindi na bumalik sa kumbento dahil pinapalo sila. Ngunit umayaw si Basilio sa isip na iyon ng bunsong kapatid. Hindi na lamgn kumibo si Crispin sabay kung magkano sasahurin niya. Nanghinayang si Crispin dahil hindi siya ang nagnakaw ng tatlumput dalawang piso na nanakaw sa simbahan. Kaso sabi ni Basilio na masama daw iyon. Inisip nila an magdahilan na lamang sa ina para hindi sila mapagalitan kaso pag nagsabi si Padre Damao, tiyak na mas paniniwalaan ito ng ina dahil hindi nagsisinungaling ang kura kaya lalong natakot si Crispin. Habang umiiyak ay sinisi ni Crispin ang lahat kay Pedro ang kanilang ama dahil masama at maraming bisyo ito. Naputol ang sasabihin ni Crispin ng dumating ang sakristan mayor kaya lalo silang natakot. Minultahan nito si Basilio ng bente singko at sinabihan si Crispin na hindi pwedeng umuwi. Sumagot si Basilio kaya sinigawan siya ng Sakristan mayor na alas-diyes pa siya uuwi. Kahit hindi pwede ay walalng siyang nagawa. Hinatak at kinalakad na ng Sakristan mayor si Crispin, sinusubukang pigilan pero walang nagawa si Basilio dahil malakas ang Sakristan mayor. Gumuwa ng paraan si basilio para makatakas at mukhang nakikisama ang panahon dahil tumigil na ang pagbuhos ng ulan at umaaliwalas na ang kalangitan.

Kabanata 16- Si Sisa Gabing-gabi na noon at natutulog na ang lahat. Ang Ina nina Crispin at Basilio ay naninirahan sa labas ng bayan na aabutin ng isang oras pag nilakad. Isang walang puso at gahaman si Pedro, na ang inatupag ay pag bibisyot pagsasabong. Dahil sa sobrang pagmamahal ay tiniis ni Sisa ang pagmamalupit sa kanya ni Pedro. Para sa kanya kasi ito ang Diyos niya at ang kanyang mga anak ay ang kanyang mga anghel. Nang malaman ni Pedro na ganun ang tingin sa kanya ni Sisa ay mas lalo siyang naging malupit ditto. Masaya si Sisa dahil alam niyang uuwi na ang magkapatid kaya inihanda niya ang mga pabortio nito. Dumating ang asawa at kumain nalang at kinuha ang tinali nitong manok at umanyo ng aalis. Binalitaan ni Sisa si Pedro tungkol sa dalawa pero sinabi lang ng ama na tirahan na lamang siya ng pera at umalis na. Inihanda ni Sisa ang pagkain at naghintay at dumating na nga si Basilio.

Kabanata 17- Si Basilio Nagulat si Sisa dahil mag-isa lang si Basilio at may sugat pa sa noo. Sa sobrang pag-aalala ay niyakap at hinagkan niya ito. Isinalaysay ni Basilio ang nangyari sa kanyat kau Crispin pati narin sa kanyang noon a nadaplisan dahil binaril siya ng guwardiya sibil. Kumuha naman ng tubig, suka at basahan si Sisa para magamot ito. Tinanong ni Sisa si Basilio kung nasaan si Crispin at sinabi naman nito ang lahat imibis lang doon sa sinaktan siya ng Sakristan mayor. Umiyak at sinisi ni Sisa na silay maralita kaya sila ay piang bibintangan. Niyaya niyang kumain si Basilio pero ayaw sinabi din ni Sisa na inihanda niya ang mga paborito nila kaso kinain na halos lahat iyon ng kanyang ama. Tinanong ni Basilio kung kinamusta ba sila ng ama pero dahil gusting ipagtakpan ang asawa ay nagsinungaling siya kay Basilio pero halata nag alit ito sa ama at sinabing mas mabuti kung silang tatlo na lamang at wala na si Pedro. Iniba ni Sisa ang usapan at sinabing matulog na lamang sila. Nagdasal at pagkatapos ay natulog na magkatabi ang mag-ina. Nanaginip si Basilio an pinahihirapan ng Sakristan mayor. Nilalatigo. Pilit na lumalaban si Crispin pero patuloy parin ang hagupit ng kura. Ginawang pangga ang kamay niya na sugatsugat na at nagdurugo. Kinagat ni Crispin ang kamay ng Sakristan mayor pero nakahagilap ito ng isang tungkod at inihataw iyon sa ulo ni Crispin. Dumugo ang ulo at napahandusay siya sa sahig. Sinamantala ng kura ang pagkakataon, sinipa at tinadyakan si Crispin hanggang sa mawalan ng malay. Umuungol si Basilio at umiiyak kaya ginising siya ng ina at pinakalma. Sinabi niya ang kanyang panaginip pero ibang panaginip. Sinabi niyang ayaw na niyang magsakristan at papakiusapan nalang niya si Ibarra na magtrabaho sa bukid. At pagmalaki na siya ay makikiusap ulit siya kay Crisostomo na bigyan siya ng lupa na pwedeng gawing sakahan. Iyon ang pangarap at balak niya para makaahon sila sa hirap. Para hindi na rin maglalamay sa pananahi ang kanyang ina. Natutuwa si Sisa sa balak ng anak ngunit nagdamdam parin dahil hindi kasama doon ang ama nito.

Kabanata 18- Nagdurusang mga kaluluwa Pagkatapos ng huling misa ay kapansin-pansin ang pananamlay ni Padre Salvi. Bago siya umakyat ng kumbento ay may naraanan siyang mga pito o walong babae at isang lalaki na naghhintay sa kanya upang humalik ngunit dinedma niya ito. Alam niyang ang sadya ng mga ito ay tanunin siya kung sino ang magsesermon sa araw ng kapiyestahan, si Padre Damaso, Padre Martin o ang coadjuator. Habang naghihintay ay nagpaligsahan sila kung paano makakamit ang pinkamaraming indulgencia plenaria, ito ang siyang kailangan ng mga kaluluwa sa purgatoryo para mahango sila dito. Di nagtagal at dumating si Sisa na may isang surong ng isang bakol. Bumati at tsaka umakyat sa kumbento. Habang umaakayt ay biglang kinabahan si Sisa. Nag-iisip siya ng paraan para mawala ang galit ng kura kay

Crispin at paano niya ipagtatanggol si Crispin. Ngunit wala siyang nakita ni tinig ni Crispin ay hindi niya narinig. Kaya sa kusina siya pumunta ngunit hindi siya pinansin doon. Inihilera ni Sisa ang mga dala niyang gulay sa lamesa. Kinausap niya ang isa sa mga utusan at tinanong kung nasaan ang kura at ang sabiy may sakit daw ito. Tinanong niya din kung nasaan si Crispin na ikinagulat ng utusan dahil pagkatapos daw magnakaw ay tumakas na si Crispin at marahil ay nandoon na ito sa bahay nila pati narin ang mga guwardiyang sibil. Hindi makapagsalita at makapaniwala si Sisa sa nalaman. Sinabihan siya ng kusinero na malas siya sa mga anak dahil nagmana ang mga ito sa ama lalo na ang bunso na baka mas masama pa. napaiyak at pabagsak na napaupo si Sisa ngunit ipinagtulakan siya ng mga naroon habang siya ay umiiyak. Ng nasa kalye, nagpalinga-linga at maliksing naglakad na parang may binabalak gawin.

Kabanata 19- Mga Suliranin ng Guro Nagkita si Crisostomo at ang guro sa ibabaw ng isang talampas kung saan ay doon daw itinapon ang bangkay ng kanyang ama. Laking pasasalamat din ni Crisostomo dahil sa sinabi ng guro. At nagpasalamat ang guro dahil sa kabaitan at tulong na ginagawa ni Don Rafael Ibarra dati. Kinamusta ni Ibarra ang mga batang tinutulungan dati ng kanyang ama at sabiy medyo maayos naman kaso talagang nahihirapan parin. Itinanong ni Ibarra kung ano-ano ba ang mga suliranin sa edukasyon para makatulong din siya na ipinagpasalamat ng guro. Una ay nawawalan ng hilig ang iba na mag-aral. Kung may nasisipagan naman ay nahihirapan parin dahil kapos sa pangangailangan. Ang isa pa ang kailangan ng mga mag-aaral ng paaralan dahil kadalasan nagaganap ang klase sa silong ng kumbento o sa tabi ng karuwahe ng kura dahilan upang itoy magalit dahil ito ay naiistorbo kaso pa pinapagalitan siya ng kura ay hindi niya magawang ipaglaban ang sarili niya mula sa kura. Sinabi din niya na nagturo siya ng kastila sa mga bata at naging matagumpay naman iyon. Pero inikwento din niya na sa harap ng Sakristan mayor ipinahiya siya ni Padre Damaso dahil nagtutro siya ng Kastila. Ng akmang lalabanan niya ang kura ay pinigilan siya ng Sakristan mayor at binantaan siya ng kura. Pero naisip din niya na paano siya lalaban sa isang taong makapangyarihan kung bago siya swelduhan ay kailangan muna ng pirma ng kura? Kaya dahil doon ay mas nagpursigi siyang mag aral ng kastila.

Kabanata 20- Pulong ng Bayan Nagkatipun-tipon sa bulwagang pulungan ng tribunal ang mga miyembro ng dalawang partido ng bayan. Ang Partido Conservadona puro matatanda at ang Partido Liberal na puro kabataan. Pinag-usapan ng Partidong Liberal ang tungkol sa

gastusin sa kapiyestahan pero naisip bigal na mahirap talunin ang mga matatanda. Pero kahit ganon ay sinabi parin ni Don Filipo, ang tenyente mayor at lider nila, na mauy paying ibinigay si Pilosopo Tasyo. Sinabi ni Pilosopo Tasyo na mag balak sila ng isang mungkahi na matatalo ng mga matatandaat kapag natalo na sila ay magsasabi sila ng isang mungkahi na hindi matatalo ng ga matatanda para sila ay manalo. Pinasya rin niya na siya ang magmumungkahi sa matatalong mungkahi nila at iba naman ang magsasabi ng mungkahing maipapanalo nila. Dumatng naman si Ibarra at ang guro. Binuksan niya ang pulong at sinabing na ang layon niyon ay pagusapan ang mga bagay-bagay para lalong maging Masaya ang kapiyestahan ng San Diego gayundin ang mga gugugulin dito. Tumayo at humingi ng pahintulot si Kapitan Basilio upang una ng magsalita dahil napakaimportante daw nun at kailangang pag-isipang mabuti. Nagsimula ng antukin ang lahat dahil sa walang kawawaang talumpati ni Kapitan Basilio. Ng matapos ay agad tumayo si Don Filipo at sinabu na dapat pag-usapan ang gastusin para sa piyesta ngunit tutol agad ang isang matandang conservador. Iminungkahi ni Don Filipo na ang budyet nila ay 3,500 at nais niyang magpatayo ng entablado na nagkakahalaga ng 100 piso. Ngunit kinalaban sila ng mga conservador at sa bandang huli ay iniurong niya ng kanyang mungkahi na ikinatuwa ng mga matatanda. Tumayo ang isang kabesa at iminungkahi na imbis na gumastos sa kung ano-ano ay magpalabas na lamang sila ng isang palabas na naglalarawan ng mga kaugalian nila upang maitama at maunawaan ang kanilang masasamang bisyot kapintasan at mapahalagahan ang kanilang mga katangian ng mga tao. Itoy ikinatuwa ng mga kabataan at matatanda. Sang-ayon na ang lahat. May mga nagboluntaryo din na maging isa sa mga tauhan ng mga dulang iyon pero ang kapitan ay balisa, pinagpapawisan at uutal-utal kung magsalita. Sinabi ng kapitan na may ibang balak ang kura at dapat itong sundin. Medyo nagalit ang mga matatanda ngunit wala silang magagawa dahil baka ipakulong sila ng alkalde. Nais bawiin ng mga kabataan ang mga inabuloy nila kaso napagkaloob na daw ang mga abuloy kaya wala talaga silang magagawa. Samantala, kinausap ni Crisostomo ang guro. Tinanong kung may ipagbibilin ito sa kapitolyo dahil pupunta siya doon ngayon.

Kabanata 21- Kasaysayan ng Isang Ina Ng malaman ni Sisa na wala na ang kanyang anak na si Crispin sa kumbento ay gulong-gulo ang kanyang isip na umuwi. Sa paglalakad ay natanaw niya ang mga guwardiya sibil a halatang galling sa bahay nila. Sinalubong niya ang mga ito ngunit parang hindi siya nakilala o napansin man lang. hindi pa siya nakakalayo ay tinawag na siya ng mga ito ngunit hindi niya pinansin at tuloy tuloy lang siya. Tinawag siya ulit ng may kasamang pagmumura at nakatutuok na sa kanya ang baril. Tinanong siya kung siya ba ang ina ng mga magnanakaw at hinanap din sa kanya ang mga perang nanakaw pero ano ang maibibigay nya kung wala naming pera na ibinibigay sa kanya. Sinabi din niya na matagal na din niyang hindi nakikita si Crispin. Hiningi na lang sa kanya ang mga pera ngunit naglumaban siya na wala sa kanila ang pera

at sinabing hindi sila magnanakaw. Sinabi na lang ng guwardiya sibil na isasama na lang siya sa kuwartel. Nakiusap si Sisa na mauuna na lang sa paglalakad ngunit hindi uto pumayag. Sa bayan ay pwede na siyang mauna sa kanila. Sa kanilang paglalakad ay nakatakip ang kanyang panyo sa kanyang mukha sa sobrang hiya. Pag dating sa bayan ay mas lalo na siyang nahiya dahil pinagtitinginan siya ng mga tao. Mga dalawang oras ng nasa bilangguan si Sisa ng dumating ang alperes at ng malaman ang ibinibintang sa kanila ay pinalaya niya si Sisa dahil alam niyang gawagawa lamang iyon ng mga alperes. Ayaw ng lumabas ni Sisa sa sobrang hiya kaya pinagtulukan siyang inilabas ng mga guwardiya sibil. Pagkatapos ay tumakbo na ito pauwi at umkayt na parang may hinahanap sa bahay. Tapos lumabas at pinagsisigaw ang pangalan ng kanyang mga anak. Bumalik ulit si Sisa sa bahay at kinuha ang damit ni Basilio na nakasabit sa dingding. Lumabas ulit siya at tumakbo at inabot na siya sa labas ng gabi. Naging palaboy na siya simula noon. Umiiyak, tumatawa at nakikipag-usap sa kalikasan.

Kabanata 22- Liwanag at Dilim Tatlong araw na ang lumipas. Naging usap-usapan sa mamamayan ang pagdating nina Maria Clara at Tiya Isabel. Kapansin-pansin din na si Padre Salvi ay nagbago na. sa ugali at sa pisikal. Lalo na kapag dumadalaw ito kay Maria Clara tuwing gabi. Lalong lumala ang alingasngas ng kaguluhan ng dumating si Crisostomo kasabay si Padre Salvi kila Maria Clara. Nagbabalak ng isang kasiyahan sina Maria Clara at Crisostomo ngunit ayaw isama ng dalaga si Pdre Salvi dahil ayaw niya dito dahil sa mga kinikilos nito. Dumating ang kura noon at nag-usapusap sila. Nagdahilan naman si Maria Clara para makalabas. Ng makalabas na si Maria Clara ay inimbitahan naman ni Crisostomo si Padre Salvi sa kasiyahang binabalak nila. Tinggap naman iyon ng kura at hindi nagtagal ay umalis narin si Crisostomo dahil gabing-gabi na non. Sa kanyang pagkakakad ay may lumapit sa kanyang isang lalaking di niya kilala an humihingi ng tulong sa kanya dahil nawawala ang kanyang mga anak at ang kanyang asawa ay nabaliw.

Kabanata 23- Pangingisda Maagang-maaga silang umalis silang lahat sakay ng dalawang bangkaang isa ay puro babae at ang isa ay puro lalaki. Ng malaman na may butas pala sa Bangka ng mga lalaki ay lumipat sila sa Bangka ng mga babae at kumuha ng kani-kanilang kapareha. Papunta na sila sa baklad na pag-aari ni Kapitan Tiago. Inutusan ni Tiya Isabel si Andeng na ihanda ang sabaw na may paasim. May nagsabi naman na isa na para hindi mainip ay may tutugtog. Una nilang pinapakanta ay si Victoria kaso nagdahilan ito para si Maria Clara naman ang kulitin nila. Pumayag naman si Maria Clara kahit na malunkot na kanta lang ang alam niya. Lahat ay tulala pagkatapos niyang kumanta dahil napakalambing at maganda ang boses niya. Natauhan lang

ang lahat ng bulabugin sila ni Albino. Ng malaman nila na kumukulo na ang sabaw ay sabik na ang lahatsa isdang mahuhuli sa baklad dahil limang araw na iyon hindi sinalok. Ngunit gulat ang lahat dahil kahit maliit na isda ay wala silang mahuli. Iba naman ang sumalok at sinabing may buwaya dahil natatamaan ng salok. Kumuha ng lubid at tumalon sa tubig ang bangkero. Takot na takot ang lahat samantalang si Crisostomo ay may hawak ng patalim. Naiahon ng bangkaero ang buwaya sa baklad. Ng bubusulan na ng bangkero ay buong lakas na pumalag ang buwaya at kasama ang bangkero ay tumilapon sila sa baklad. Biglang tumalon si Crisostomo sa tubig na ikinagulat ni Maria Clara. Kinabahan ang lahat dahil namula ang tubig. Dalawa pa ang tumalon sa tubig ngunit sakto noon ay umahon na ang bangkero at si Crisostomo kasama ang buwaya na napaslang. Natapon na lahat ng sabaw dahil sa pagkulo dahil nakalimot na si Andeng dahil sa nangyari. Natauhan din si Maria Clara ng kausapin siya ni Crisostomo. Ayaw ng tumuloy ng iba sa susunod na baklad ngunit sinabi ni Ibarra na wala namang mapapahamak. Pag dating sa susunod na baklad ay nagpakulo nanaman si Andeng ng sabaw. Nung sasalok na ay kabado aty tahimik ang lahat ngunit laking tuwa nila ng halos mapuno ang pang salok ng isda. Iba-iba ang ginawa nilang luto doon. Tumuloy sila sa pampang na may kalapit na gubat na pag mamay ari ni Crisostomo at doon na sila kumain.

Kabanata 24- Sa Gubat Pagkatapos mag misa ni Padre Salvi ay pumunta siya sa gubat na pinagdarausan ng piknik. Dahil hindi na masyadong maipasok ang karuwahe kaya naglakad na lamang si Padre Salvi papasok. Sa paglalakad ay narinig niya ang boses ni Maria Clara kaya nagtago at nakinig si Padre Salvi. Nakarinig siya ng mga masasakit na salita mukla sa tatlong babae na sina Maria Clara, Victoria at Sinang. Nang makalayo na ang tatlo ay napagpasyahan nalalng niyang pumunta sa ibang kasamahang pangkat. Madami ang sumalubong sa kanya pati narin ang alaperes. Dumating na din sila Maria Clara na bagong ligo lamang. Oras na ng pananghalian ay dumulong na ang lahat sa mesa. Napag usapan nila bigla ang taong nambugbog kay Padre Damaso nang biglang lumitaw si Sisa. Inutusan ni Crisostomo na pakain ito ngunit nung nakita nito ang alperes ay bigla itong kumaripas ng takbo kaya ipinahanap niya ito sa mga katulong. Medyo nagkaroon ng pagtatalunan sina Oadre Salvi at ang alperes kaya pumagitna na si Ibarra at sinabi na balak niyang ipagamot si Sisa at ipahanap ang mga anak nito. Pagkatapos ay nagkaniya-kaniya na silang lahat ng lalaruin. Ang iba ay ahedres, ang iba ay baraha at ang iba naman ay sa Gulong ng Kapalaran naglaro. Habang naglalaro ng ahedres si Crisostomo at Don Basilio ay may iniabot na telegrama ang katulong kay Crisostomo ngunit ibinulsa na

muna niya ito. Pagkatapos ay pumunta si Crisostomo sa Gulong ng Kapalaran at nagtanong kung magtatagumpay ang kanyang binabalak. Ang lumabas na sagot ay Ang panaginip ay panaginip lamang.

Kabanata 25- Tahanan ng Pantas Pagkaraang libutin ni Ibarra, nagsadya ito sa bahay ni Mang Tasyo. Inabutan niya ito ng nagsusulat ng heroglipiko sda wikang Pilipino. Abala ito, kaya ninais niyang huwag ng gambalain ang matanda. Pero napuna nito ng siya ay papanaog na. Pinigilan si Ibarra, Sinbi ni Mang Tasyo na ang sinusulat niya ay hindi mauunawaan ngayon. Ngunit, ang mga susunod na salin- lahi ay maiintidahan ito sapagkat ang mga ito ay higit na matalino at malamang hindi nahihimbing sa panahon ng kanilang mga ninuno.Ipinalagay ni Ibarra na siya ay dayuhan sa sariling bayan at higit namang kilala si Mang Tasyo ng mga tao.. Kung kayat isinangguni niya ang kanyang balak tungkol sa pagpapatayo ng paaralan. Pero, sinabi ng matanda na huwag siyang sangguniin sapagkat itinuturing siyang baliw ni Ibarra, at sa halip ay kanyang itunuro sa binata ang Kura, ang kapitan ng bayan at ang lahat ng mayayaman sa bayan. Ayoon pa rin sa kanya, ang mga taong kanyang tinutukoy ay magbibigay ng masasamang payo subalit ang pagsangguni ay hiindi nangangahulugan ng pagsunod. Sundin lamang kunwari ang payo at ipakita ni Ibarrang ang kanyang ginagawa ay ayon sa mga pinagsangunian.Tinugon ni Ibarra si Mang Tasyo na maganda ang kanyang payo peero mahirap gawin sapagkat kinakailangan pa bang bihisan ng kasinungalingan ang isang katotohanan. Maagap na tumugon din ang matanda na higit pa sa pamahalaan ang kapangyarihan ng isang uldog, nagtagumpay lamang ang binata kung ito ay tutulungan at kung hindi naman. Ang lahat ng kanyang mga pangarap ay madudurog lamang sa matitgas na pader ng simbahan. Matindi ang paniniwala ni Ibarra na siya ay tutulungan kapwa ng bayan at pamahalaan.Nagpatuloy na magkaroon ng tunggalian ng paniniwala sina Mang Tasyo at Ibarra. Ayon pa rin kay Mang Tasyo ang gobyerno ay kasangkapan lamang ng simbahan. Na ito ay matatag sapagkat nakasandig sa pader ng kumbento at ito ay kusang babagsak sa sandaling iwan ng simbahan.Sinabi ng binata na kasiyahan na niyang masasabi ang dipagdaing ng bayan. Ito ay hindi naghihrap tulad ng sa isang bansa sapagkat dati rati tinatangkilik tayo ng relihiyon at ng pamahalaan. Pero, sinabi naman ni Mang Tasyo na pipi ang bayan kaya hindi dumaraing. Katunayan, anya darating ang panahong magliliwanag ang kadiliman at ang mga tinimping buntunghiningay magsisiklab. Ang Bayan ay maniningil ng pautang at sa gayoy isusulat sa dugo ang kanyang kasaysayan. Ipinaliwanag ng binata na ang Pilipinas ay umiibig sa Espanya at alam ng bayan na siya ay tintangkilik. Kaya ang Diyos, ang Gobyerno at ang relihiyon ay di- papayag na sapitin ang araw na sinabi ni Mang Tasyo. Ikinatwiran naman ng matanda na tunay na mainam ang mga balak sa itaas ngunit hindi natutupad sa ibaba dahil sa kasakiman sa yaman at sa kamangmangan ng bayan. Sa palagay niya, ang dahilan ay sapat ang utos ng Hari ay nawawalang silbi sapagakat walang

nagpapatupad. Dahil dito, ang aatupagin ng pamahalaan rito kundi ang magpayaman sa loob lamang ng tatlong taong panunukungkulan. Sa puntong ito, napuna ni Mang Tasyo na lumalayo na sila ni ibarra sa usapan. Inungkat muli ni Ibarra ang paghingi niya ng payo. Ang payo ng matanda ay kailangang magyuko muna si Ibarra ng ulo sa mga naghari-harian. Hindi naatim ni Ibarra ang payo ng matanda at sa halip ayy sunod-sunod na tanong ang kanyang pinakawalan. (1)Kailangan bang magyuko at mapanganyaya? (2)Kailangan bang maapi upang maging mabutiing kriistiyano at parumihin ang budhi upang matupad ang isang layunin? (3)Bakit ako mangangayupapa kung ako ay nakapagtataas ng ulo?Direkto sa punto naman ang sagot ni Mang Tasyo na "Sapagakat ang lupang pagatatamanan ninyo ay hawak ng inyong mga kaaway. Kayo ay mahina upang lumaban. Kailangang humalik muna kayo ng kamay!" Mariing sinalungat naman ni Ibarra ang pahayag na ito ng matanda sa pagsasabing:"humalik pagkatapos nilang patayin ang aking ama at hukayin sa libingan. Akoy hindi naghihiganti sapagakat mahal ko ang aking relihiyon. Ngunit ang ank ay hindi nakaklimot!"Sa sinabing ito ni Ibarra, Inimungkahi ng matanda na habang buhay sa ala-ala ng binata ang sinapit ng kanyang ama ay limutin muna niya ang tungkol sa kanyang balak na papapatayo ng paaralan. Kinakailangang gumawa na lamang siya ng ibang paraan na ikagagaling ng kanyang mga kababayan. Naunawaan ni Ibarra ang payo ng matanda, pero kailangang gawin niya abng naipangakong handog sa kasintahang si Maria. Humingi pa si Ibarra ng payo kay Mang Tasyo.Isinama ng matanda ang binata sa may tabi ng bintana. Ang ibinigay nitong payo ay mga halimbawa. Itinuro ni Mang Tasyo kay Ibarra ang isang rosas na sa deami ng bulaklak ay yumuyuko sa lakas ng hangin. Kung ito ay magpapakatigas ng tayo, ang tangkay niya ay tiyak na mababali. Ang sinunod niyang itinuro ay matayog na puno ng makopa. Dati-rati, anya, ay isang maliit na puno ang itinanim. Ito ay tinukuran niya ng mga patpat hanggang sa kumapit ang mga ugat nito sa lupa. Kung ang puno ay itinanim niya ito ng malaki ay hindi mabubuhay sapagkat ibubuwal ng hangin. Ito ay ipinaparis niya kay Ibarra na parang isang punong inilipat sa isang lupaing mabato mula sa Europa. Kaya, kailangan nito ang sandalan. Isa pa, hindi kaduwagan ang pagyuko sa dumarating na punlo. Ang masama ay sumalubosdfng sa punlong iyon, upang hindi na muling makabangon.Tinanong ng binata kung malilimot ng kura ang ginawa niya. Nag-aalala na baka pakitang tao lamang ang pagtulong sa kanya dahil sa ang pagtutujro ay magiging kaagaw ng kumbwento sa kayamanan ng bayan.Binigyan diin ni Mang Tasyo na hindi man magtatagumpay si Ibarra, ito ay maroon ding mapapala sapagkat tiyak na may lalabas na bagong pananim mula sa mga itinanim nito. At ang binata ay magsisilbing isang mabuting halimbawa sa iba na natatakot lang magsimula. Kinamayan ni Ibarra si Mang Tasyo at sinabing kakausapin niya ang kura na marahil ay hindi naman kastulad ng umusig sa jkanyang ama. Ipakikiusap din niya sa kura na tangkilikin ang kaawa-awang balo at ang mga anak. Ilang saglit pa, tuluyang umalis na si Ibarra.

Kabanata 26- Ang Bisperas ng Piyesta Ika-10 ng Nobyembre ang bisperas ng pista sa bayan ng San Diego.Naging masigla sa paghahanda ang kilusan sa lahat ng dako.Ang mga bintana ng bahay ay napapalamutian ng ibat-ibang dekorasyon. May nagpapaputok ng kuwitis at may nagtutugtugan ng mga banda ng musiko.Sa bahay ng mga nakakariwasa, nakaayos ang minatamis na bungang kahoy,may nakahandang pagkain ,alka na binili pa sa Maynila na katulad ng hamon at ng relyenong pabo,serbesa,tsanpan at iba pang klase ng alak na inangkat pa mula sa Europa.Ang mga pagkain ganito ay inuukol sa mga banyaga,kaibiganokaaway,at sa mga Pilipino, mahirap man o mayamanupang masiyahan sila sa pista. Ang mga ilawang globong kristal na minana pa sa kanilang mga kanununuan ay inilalabas dinkabilang na ang kanyong binurdahan ng mga dalaga, belong. Ginansilyo, alpombra, bulaklak na gawang kamay, banehang pilak na lalagyan ng tabako, sigarilyo, hitso at nganga.Dahil sa sobrang kintab ng sahig ay pwewdeng ng makapanalamin.Puno ng kurtinang sutla ang mga pinto at at pati ang mga santo at imahen ay nagagayakan din. Ang mga masasayang lugar ng San Diego ay tinayuan ng arkong kawayan. Naglagay naman ng malaking tolda at mayroong tukod sa may paligid ng patyo ng simbahan. Ang tolda ay mayroong tukod na kawayan upang makadan ang prusisyon. Sa liwasang bayan naman ay itinayo ang magandang tanghalan siyang pagdarausan ng komedya ng mga tagaTundo. Madalas na tinutogtug ang kampana kasdunod ang mga putok ng mgha kuwitis at bomba. Lahat-lahat ay mayroong limang banda ng musiko at tatlong oirkestra ang inihanda sa para sa pagdiriwang ng pista. Sina Kapitan Tiyago at Kapitan Juaquin na may dalawang 18,000, ang intsik na si Carlos na siyang naglalagay sa sugal na liam-po at mga mamamayan buhat pa sa Lipa, Tanauan, Batangas at Sta.Cruz ang inaasahang na darating. Batay sa mga balita Si Padre Damaso ang magsesermon sa umaga at magiging bangkero naman pasgdating ng gabi. Ang mag magbubukid at taga bundok ay naghahanda ng manok, baboy bungangkahoy at mga gulay na dadalhin sa mayayamang may-ari na kanilang sinasaka. Sa isang lugar naman na malapit sa bahay ni Ibarra, tinatapos ng mga trabahador ang katangang semento na siyang pagtatayuan ng bahay paaralan. Si Nol Juan, ang nangangasiwa sa mga manggagawa. Habang abala ang mga manggagawa, ipinaliliwanag ni Juan ang kanilang itatayo ay isang malaking paaralan. Ang isang panig ay para sa mga lalakiat ang ikalawa naman ay para sa mga babae. Ang paaralan ay magiging kauri ng mga modernong paaralan sa Alemenya. Batay sa planong ginawa ni Ginoong A, na siyang arkitekto, ang tagiliran ng eskwela ay tatamnan ng maraming puno at gulay, magkakaroon ng bodega at piitan para sa mga batang tamad na mag-aral. Sa proyekto ni Ibarra ay naghandog ng tulong ang mga mayayaman samantalang ang kura ay humiling na siya angn gawing padrino at magbabasbas sa paglalagay ng unang batosa huling araw ng pista. Sa mga pag-alok ng pagtulong ay tumanggi si Ibarra sapagkat hindi naman simabahan ang kanyang ipinagagawa. Sasagutin niya ang klahat ng gastos. Dahil dito, siya ay hinangaan ng mga binata at nag-aaral sa Maynila. Ginawa siyang huwaran, ngunit karaniwan, ang atin lamang natutularan sa kanila ay maliliit na

bagay na kanilang ginagawa at ang mga kasiraan ay napupuna tulad ng ayos ng kurbata, tabas ng kuwelyong damit, bilang ng butones ngtsaleko o amerikana. Nawala sa isipan ni Ibarra ang mga natatakot na hinala ni Mang Tasyo, at ito ay kanyang nasasbi ngunit tinugon siya nng matanda sa isang aral ni Balagtas na "Kung ang isalubong sa iyong pagdating may masayang mukhat pakitang gilliw, lalong pag-ingatat kaaway na lihimsiyang isaisip na kakabakahin.

Kabanata 27- Dapithapon Sa lahat ng may handaan sa pista ng San Diego, isa kay Kapitan Tiago ang pinakamalaki. Sinadya niyang higtan sa dami ng handa ang mga taga lalawigan dahil kay Maria at Ibarra na kanyang mamanugangin.Dahil si Ibarra ay pinuri pa ng isang tanyag na diyaryo sa Maynila sa pagsasabing siya ay bihasa at mayamang kapitalista, Kastilang-Pilipino at iba pa. Bago pa mang dumating ang talagang pista, ilang araw nang dumarating ang sari-saring inumin at pagkaing galing sa Europa sa tahanan ni Kapitan Tiago. Sa pagdating ng Kapitan sa bisperas may pasalubong ito kay Maria na isang agnos na may brilyante at esmeralda at kapirasong kahoy na mula sa bangka ni San Pedro. Kalugod-lugod ang pagkikita nina Kapitan Tiago at Ibarra. May mga ilang kaibigang dalaga si Maria na kinumbidang mamasyal si Ibarra. Humingi ng pahintulot si Maria sa ama nito at siya ay pinahintulutan naman. Gayunman, nagbilin ang ama na kailangang umuwi bago maghapunan si Maria sapagkat darating si Padre Damaso. Mahigpit na inanyayahan naman ni Kapitan Tiyago si Ibarra na sa kanilang tahanan na siya maghapunan. Pero, nagdahilan si Ibarra na mayroon siyang hinihintay na bisita. Pumanaog na ng bahay si Ibarra kasunod ang mga dalaga. Si Maria Clarta ay napagitna kina Iday at Victoria at naglalakad siyang kasunod si Tiya Isabel. Siyang-siya si Maria Clara sapagkat nakadama siya ng kalayaan sa labas ng kumbento. Ang mga naglalakad ay napatapat sa bahay ni Sinang. Nanaog kaagad ito at sila ay inimbitang pumanhik muna. May bumati kay Ibarra kay at pinuri naman si Maria Clara. Nakita ni Ibarra si Kapitan Basilio, na naging kaibigan at tagapagtanggol niya na sumama ito sa kanya kinagabihan. Sinabi niyang maglalagay ng isang munting bangka sa monte si Padre Damaso. Napangiti lamang si Ibarra. Hindi masigurado kung ano ang ipinahihiwatig ng ngiting yaon, kung oo, o hindi. Nakarating sila sa liwasang bayan. Nakita nila ang isang ketongin na nakasalakot at umaawit sa saliw ng kanyang gitara. Pinandidirihan at nilalayuan siya ng mga tao sapagkat natatakot silang mahawa ng sakit nito. Ang ketongin ay pinarusahan ng maraming palo dahil lamang sa pagliligtas niya sa isang batang nahulog sa mababaw na kanal. Pagkakita ni Maria sa ketongin, sinagilahan siya ng pagkahabag. Kinuha ni Maria Clar ang suot na agnos at nilagay sa bakol ng ketongin, sa pagtataka ng kanyang mga kasama. Kinuha ng ketongin ang agnos sa bakol at ito ay kanyang hinagkan. Sumunod ay lumuhod ito sa sa may harap ni Maria Clara at isinubsob ang ulo at hinagkan ang mga bakas ng yapak ni Maria. Nagtakip ng mukha si Maria at pinahid ng panyo ang lubhang namamalisbis sa mukha. Kamukat- mukat ay biglang lumapit ang baliw na

si Sisa at hinawakan sa bisig ang ketongin. Ipinatanaw ni Sisa sa ketongin ang ilaw sa kampanaryo at sinabing naruroon ang anak niyang si Basilio na bumababa sa lubid. Itinuro rin niya ang ilaw sa kumbento at sinabing nandoroon naman ang anak niyang si Crispin. Binitiwan ni Sisa ang ketongin at umalis na kumakanta. Umalis na rin ang ketongin na dala ang bakol. Sa gayong pangyayari, naibulong na lamang ni Maria Clara na mayroon palang mga taong kulang-palad.

Kabanata 28- Mga Sulat Inilathala sa isang malaganap na pahayagan sa Maynila ang tungkol sa pista. Ginawa ito upang malaman ng banyaga na interesadong mabatid ang mga pamamaraan ng pagdaraos ng pista ng mga Pilipino. Nakasaad sa dyaryo na walang makakatulad sa karangyaan ng pista ng pinangangasiwaaan ng mga paring fransiscano, pagdalo ni Padre Hernando de la Sybila, mga kakilala at mamamayang Kastila at ginoo ng gabinete, Batangas at Maynila. Kabilang din sa balita ang pagkakaroon ng dalawang banda ng musiko noong bisperas ng pista. Ang pagsundo ng maraming tao at at mga makapangyarihan sa kura sa kumbento; ang paghahanda ng hapunan ng Hermano Mayor at ang pagtungo sa tahanan ng madasaling si Don Santiago De los Santos upang kaunin si Parde Salvi at Padre Damaso Verdolagas. Nasabi din sa dyaryo ang pag-ganap sa dula ng mga balitang artistang sina Ratia, Carvajal at Fernandez na kapwa hinahangaan ng lahat pero dahil sa kastila ang kanilang usapan, ang marurunong lamang ng espanyol ang mga nakakaintindi sa palabas. Higit na nasiyahan ang mga Pilipino sa komedyang tagalog. Ang hindi pag dalo ni Ibarra naman ay ipinagtaka ng lahat. Alas once ng umaga, kinabukasan, idinaos ng birhen ang prusisyon ng Birhen de la Paz. Dumaan ito sa paligid ng simbahan, na kasama ang karong pilak nina Santo Domingo at San Diego. Isinunod naman kaagad ang misa kantada sa saliw ng orkestra at awit ng mga artista. Siyang-siya ang lahat sa sermon ni Padre Manuel Martin. Nagkaroon din ng sayawan at ang pinakamaringal ay ang pagsayaw ni Kapitan Tiago. Ang nakita kay Maria Clara na nakasuot mestisa at nagniningning sa brilyante ay humanga sa ganda. Isang liham naman ni Kapitan Martin Aristorenas kay Luis Chiquito ang nag-anyaya na itoy dumalo sa pista upang makisaya at makipag-laro ng monte sa mga batikan tahur na sina Kapitan Tiago, Padre Damaso, Kapitan Joaquin, Kabesang Manuel at ang konsul. Samantala, Tumanggap din ng liham si Ibarra na dinala ni Andeng. Anang liham: Crisostomo: Ilan araw na ng hindi tayo nagkita. Ikaw raw ay may sakit, kayat ipinagdasal kita at ipinagtulos ng kandila kahit sinabi ni itay na hindi naman malubha. Kagabi, pinilit nila akong tumugtog at sumayaw kaya nayamot ako. May ganyan palang mga tao. Kung hindi lang talaga ako kwinentuhan ni Padre Damaso ay talagang iiwan ko sila.

Ipaabot mo sa akin ang kanyang kalagayan at ipapadalaw kita kay Itay.. Ipaubaya mo na kay Andeng ang paglalagay ng iyong tsa, mahusay siya kaysa sa iyong katulong. Maria Clara: Habol: Akoy dalawin mo bukas, upang dumalo ako sa paglalagay ng unang bato sa paaralan. Paalam

Kabanata 29- Ang Umaga Maagang pumasiyo sa lasangan ang mga banda ng musiko. Nagising ang mga nututulog. Muling narining ang tuong kampana at mga paputok. Ang mga tao ay nagbihis na ng mga magara at ginamit ang mga hiyas na itinatago nila. Tanging si Pilosopo Tasyo lamang ang hindi nagpalit ng bihisan. Binati siya ng tenyente mayor. Sumagot ang Pilosopo na Ang magsaya ay dinangangahulugan ng paggawa ng mga kabaliwan. Ang pagsasaya, anya pagtatapon ng pera at tumatakip sa karaingan ng lahat. Si Don Filipo at sumang-ayon sa pananaw na ito ni Pilisopo Tasyo subalit wala siyang magawa sa kagustuhan ng kapitan at ng kura. Punongpuno ng tao ang patyo. Ang mga musiko ay walang tigil sa kalilibot. Binabatak naman ng mga Hermana Mayor ang mga tao upang tumikim ng kanilang inihandang pagkain. Dahil sa mga tanyag na tao, mga kastila at alkalde ang magsisimba ng araw na iyon, si Padre Damaso, kaya nagpahiwatig siya na hindi makapagbibigay ng sermon kinabukasan. Pero, hindi siya natatanggi sapagkat sinabi ng mga kasama niyang pari na walang ibang nakakaalam at nakapag-aral sa buhay ni San Diego kundi tanging siya lamang. Dahil dito, siya ay ginagamot ng babaing nangangasiwa sa kumbento. Siya ay pinahiran ng langis sa leeg at dibdib, binalot ito ng pranela at hinilot. Pagkaraan ay nag-almusal si Padre Damaso ng ilang itlog na binati sa alak. Eksaktong alas otso ng umaga, nang simula ang prisisyon. Ito ay dinaan sa ilalim ng tolda at inilawan ng matatandang dalaga na kausap sa kapatiran ni San Francisco. Naiiba ang prusisyon kaysa sa nagdaang araw sapagkat ang mga nagsisilaw ay nakaabitong ginggon. Sa suot na abito ay kaagad na makikilala ang mayayaman at mahihirap. Natatangi ang karo ni San Diego na sinusundan ng kay Francisco at ang Birheng de la Paz. Maayos ang prusisyon, ang tanging nagbago lamang ay si Padre Salvi ang nasa ilalim ng palyo sa halip na si Padre Silyla. Ang prusisyon ay sinasabayan ng mga paputok ng kuwitis, awitin at tugtuging pangsimbahan. Huminto ang karong sinusudan ng palyo sa tapat ng bahay nina Kapitan Tiago. Nakadungaw sa bintana ang alkalde, si Kapintan Tiago, si Maria, si Ibarra at ilan pang kastila. SiPadre Salvi ay hindi bumati sa mga kakilala. Ito ay nagtaas lamang ng ulo mula sa kanyang matuwid na pagkakatayo.

Kabanata 30- Sa Simbahan Punong-puno ng tao ang simbahan. Bawat isa ay gustong makasawsaw sa agua bendita. Halos hindi na humihinga ang mga tao sa loob ng simbahan. Ang sermon ay binayaran ng P250, ikatlong bahagi ng ibinayad sa komedya na magtatanghal sa loob ng tatlong gabi. Naniniwala ang mga tao na kahit na mahal ang bayad sa komedya, ang manonood dito ay mahuhulog sa impyerno ang kaluluwa. Ang mga nakikinig naman sa sermon ay tuloy-tuloy sa langit. Habang hinihintay ang alkalde, walang tigil na nagpapaypay ng abaniko, sumbrero at panyo ang mga tao. Nagsisigawan at nag-iiyakan naman ang mga bata. Ang iba ay ina-antok sa may tabi ng kumpisalan. Ilang saglit lang dumating ang alkalde kasama ang kanyang mga tauhan. Ang suot niya ay napapalamutian ng banda ni Carlos III at ng limang medalya sa dibdib. Inakala ng ilang tao na ang alkalde ay isang sibil na nagsuotkomedyante. Sinimulan ang pagmimisa ni Padre Damaso. Humandang makinig ang lahat. Ang pari ay pinangungunahan ng dalawang sakristan sinusundan ng prayleng may hawak na kuwaderno. Pumanhik sa pulpito si Padre Damaso at at Padre Sibyla. Pero, tanging palibak ang inukol niya kay Padre Martin, na ang ibig sabihin ay higit na magaling ang isesermon niya kaysa kahapon. Binalingan ni Padre Damaso ang kasamang prayle at pinabuksan ang kuwderno upang kumuha ng tala.

Kabanata 31- Ang Sermon Pinatunayan ni Padre Damaso na kaya niyang magsermon sa wikang kastila at Tagalog. Ang pambungad na sermon ay hinalaw sa Aklat II, Kabanata IX, Salaysay 20 mga salitang winika ng Diyos sa pamamagitan ni Estres ng nagsasaad ng:Ibinigay mo sa kanila ang iyong mabuting espiritu upang silayy turuan, hindi mo inaalis sa kanilang bibig ang iyong tinig at binigyan mo sila ng tubig mapawi ang kanilang pagkauhaw". Humanga si Pari Sibyla sa pagkabigkas ni Padre Damaso at si Padre Martin ay napalunok ng laway dahil sa alam niyang higit na magaling ang pambungad na iyon sa kanyang sariling sermon. Nagpugay ang ari sa mga nagsimba. Lumingon siya sa likod at itinuro ang pintong malaki. Inakala ng sakristan yaon ay isang pagturo sa kanya upang isara ang lahat ng mga pintuan. Nagalinlangan ang alperes, iniisip niyang tatayo at aalis na. Ngunit, hindi niya magawa sapagkat nagsisimula ng magsalita ang predikador. Sinabi ni Padre Damaso na kanyang binitiwan ang mga pananalita ng diyos upang maging kapakikapakinabang na tulad ng isang binhing umuusbong at lumalaki sa lupain ng banal na si Francisco. Hinikayat niya ang mga makasalanan na tularan ang mapagwaging si Gideon, ang matapang na si David, ang mapagtagumpay na si Roldan ng kakristiyanuhan, ang guwardiya sibil ng langit. Nakita ni Padre Damaso na napakunotnoo ang alperes sa kanyang tinuran. Kung kayat sa malakas na tinig, sinabi ni Padre Damaso na "opo, ginoong Alperes, higit na matapang at

makapangyarihan bagamat walang armas kundi isang krus na kahoy lamang. Natatalo nila ang mga tulisan ng kadiliman at lahat ng kampon ni Lucifer. Ang mga himalang likhang ito ay tulad ng paglikha kay Diego de Alcala." Ang mga bahaging ito ng sermon ay ipinahayag ni Padre Damaso sa wikang Kastila, kaya hindi maiintiihan ng mga Indio. Ang tanging naunawaan ng karamihan ay ang salitang guwardiya sibil, tulisan, San Diego at San Francisco. Umasim din ang mukha ng alperes, kaya inakala ng marami na pinagalitan siya ni Padre Damaso dahil sa hindi pagkakahuli nito sa mga tulisan. Nang mabanggit naman niya ang tungkol sa patente upang tukuyin ang pagwawalangbahala ng mga tao sa kasalanan, isang lalaki ang namumutlang tumindig at nagtago sa kumpiskalan. Nagbebenta kasi siya ng alak at madalas na usigin siya ng mga karabinero dahil sa hinihingan siya ng patente. Inaantok ang mga nakikinig. Si Kapitan Tiago ay napahikab. Samantala, si Maria Clara ay hindi nakikinig sa sermon sapagkat abala siya sa pagtingin sa kinaroroonan ni Ibarra na malapit lamang sa kanya. Nang simulan na sa tagalog ang misa, ito ay tumagal ng tumagal. Lumilisya na si Padre Damaso sa sermon niya sapagkat puro panunumbat, sumpa, at pagtutungayaw ang isinasumbulat niya. Dahil dito, pati si Ibarra ay nabalisa lalo nang turulin ng pari ang tungkol sa makasalanang hindi nangungumpisal na namamatay sa bilangguan na walang sakramento sa simbahan. Hindi rin nakaligtas sa pag-aglahi ng pari ang mga mistisilyong hambog at mapagmataas, mga binatang salbahe at pilosopo...ang mga parinig na ito ay nadadama ni Ibarra. Pero, nagsawalang kibo na lamang siya. Naging kabagot-bagot na ang sermon, kung kaya nagpakuliling na si Padre Salvi upang huminto na si Padre Damaso. Pero, sumabak pa rin sa pagsasalita ng may kalahating oras. Habang isinasagawa ang misa, isang lalaki (ito ay si Elias) ang lumapit kay Ibarra at nagbabala tungkol sa gagawing pagdiriwang sa paaralan. Kailangang maging maingat, anya si Ibarra sa pagbaba sa hukay at huwag lalapit sa bato sapagkat maaari siyang mamamatay. Nakilala ni Ibarra si Elias na kaagad namang umalis.

Kabanata 32- Ang Panghugos Ipinakita ng taong madilaw kay Nol Juan kung paano niya mapapagalaw ang pampakilos ng kalong ang kanyang itinayo. Ito ay mayroong walang metro ang taas, nakabaon sa lupa ang apat na haligi. Sa haligi nakasabit ang malalaking lubid

kaya tila napakatibay ng pagkayari at napakalaki. Ang bandang itaas naman ay mayroong banderang iba-iba ang kulay. Tinignang mabuti ni Nol Juan kung paano itinataas at ibinababa ang batong malaki na siyang ilalapat sa ilalim sa pamamagitan ng pag-aayos ng kahit isang tao lamang. Hangang hanga si Nol Juan sa taong madilaw. Nagbubulungan sa pagpuri ang mga taong nasa paligid nila. Sinabi ng taong madilaw kay Nol Juan na natutuhan niya ang paggawa ng makinarya kay Don Saturnino na nuno ni Don Crisostomo. Ito pa anya ay maraming nalalaman. Hindi marunong mamalo at magbilad sa araw ang kanyang mga tauhan, marunong ding gumising ng mga natutulog at magpatulog ng gising. Sa kabilang dako, malakihan ang paghahanda ni Ibarra sa pagbabaon ng panulukang-bato ng bahay-paaralan. Sa ilalim ng maraming habong na itinayo ay pawang puno ng pagkain at inumin aalmusalin ng mga panauhing isa-isang sinudo ng mga banda at musiko. Ang mga naghanda sa almusal ay mga guro at mag-aaral. Nagsimulang magbasbas si Padre Salvi sa pamamagitan ng pagbibihis ng damit na pangokasyon. Ang mga mahahalagang kasulatan naman pati na ang mga medalya, salaping pilak at relikya ay inilulan na sa isang kahong bakal. Ang kahong bakal ay ipinasok naman sa bumbong na yari sa tingga. Hindi kumukurap si Elias sa pagkakatitig sa taong madilaw na siyang may hawak ng lubid. Ang lubid ay nakatali naman sa isang kalo na magtataas at magbaba ng batong na ilalapat sa nakatayong bato sa ibaba. May uka sa gitna ang bato, Sa ukang ito ilalagay ang bumbong na tingga. Bago simulan ang pagpapalitada, nagtalumpati muna sa wikang Kastila ang alkalde. Pagdakay isa-isa ng bumaba ang kura, mga prayle, mga kawani, ilang mayayamang bisita at Kapitan Tiago para sa pasinaya. Dahil sa biro ni Kapitan Tiago at amuki ng alkalde, napilitan ding bumaba si Ibarra. Hustong nasa ibaba ito, nang bigla na lamang humalagpos ang lubid sa kalo. Nagiba ang buong balangkas at umalumbukay ang makapal na alikabok. Nang mapawi ang usok, si Ibarra ay nakitang nakatayo sa pagitan ng bumagsak na kalo at ng batong buhay. Ang taong madilaw ay namatay. Itoy natabunan ng mga biga na nasa paanan ni Ibarra. Gusto ng alkalde na ipahuli ang nangasiwa sa pagpapagawa, na walang iba kundi si Nol Juan. Pero, nakiusap si Ibarra na siya na ang bahala sa lahat. Makaraang ipagtanong niya si Maria Clara, kaagad na umuwi si Ibarra upang magpalit ng damit. Isa si Pilosopong Tasyo sa nakasaksi sa maganap na pangyayari. Yaon daw ay isang masamang simula.

Kabanata33- Kalayaan ng Isipan Panauhin ni Ibarra si Elias. Hiningi ni Elias sa binata na ipaglihim nito ang pagbibigay niya ng babala sa kanya. Isa pa, si Elias ay nagbabayad lamang ng utang na loob sa kanya. Ipinaliwanag din niya na dapat pa ring mag-ingat si Ibarra sapagkat sa lahat ng dako ito ay mayroong kaaway." Batas ng buhay ang di pagkakasundo. Lahat tayoy may kalaban, mula sa pinakamaliit na kulisap hanggang sa tao; mula sa pinakadukha hanggang sa lalong mayaman at makapangyarihan," pagdidiin pa ni Elias. Ang mga kaaway ni Ibarra ay naglilipana

sa halos lahat ng lugar, dahil sa kanyang mga ninuno at ama na nagkaroon don ng mga kagalit, dahil na rin sa kanyang balak na pagpapatayo ng paaralan. Isa sa mga kaaway ni Ibarra ay ang taong madilaw. Umanoy narinig ni Elias ang taong madilaw ng sinundang gabi nakikipag-usap sa di kilalang tao at sinabing "hindi kakanin ng isda ang isang ito (Ibarra) tulad ng kanyang ama, makikita ninyo." Ang ganitong natuklasan ni Elias ay kanyang ikinabahala sapagkat kahit na ipinagmamalaki ng taong madilaw ang kaalaman sa trabaho. Hindi ito humingi ng mataas na sahod ng magprisinta kay Nol Juan. Binanggit ni Ibarra na nanghihinayang sa pagkamatay ng taong dilaw sapagkat marami pa sanang mababatid buhat sa kanya. Pero, ikinatwiran ni Elias na maski na mabuhay ang taong madilaw inakala niyang matatakasan ang pag-uusig ng bulag na hukuman ng tao. Subalit sa kamatayan ng Diyos ang humatol at naging hukom. Sinikap ni Ibarra na tuklasin ang tunay na pagkatao ni Elias, kung ito ay nakapag-aral o hindi. Ang sagot ni Elias ay: Napilitan akong maniwalang lubos sa Diyos sapagkat nawalan na ako ng tiwala sa Diyos. Alam ni Elias na marami pa ang mga taong gustong kumausap kay Ibarra kaya nagpaalam na ito. Pero, nangako siyang anumang oras na kailangan siya ay babalik siya sapagkat mayroon pa siyang tinatanaw na utang na loob kay Ibarra.

Kabanata 34- Ang Naganap sa Pananghalian Ang mga kilalang tao sa San Diego ay magkaharap na nanananghalian sa isang malaking hapag. Nakaluklok sa magkabilang dulo ng mesa sina Ibarra at ang alkalde. Nasa bandang kanan ni Ibarra si Maria Clara at nasa kaliwa naman ang eskribano. Sa magkabilang panig naman nakaluklok sina Kapitan Tiago, kapitan ng bayan, mga prayle, kawani at kaibigang dalaga ni Maria Clara. Ganadong kumain ang lahat ng makatanggap ng telegrama sina Kapitan Tiago, siyay kaagad na umalis. Darating ang Kapitan Heneral at magiging panauhin ni Kapitan Tiago sa kanyang bahay. Hindi nasasabi sa kable, kung ilang araw na mananatili ang Kapitan Heneral sapagkat ito umano ay mahilig sa bagay-bagay na kataka-taka. Kung saan napasuot ang usapan ng mga kumakain. Ang hindi pag-imik ni Padre Salvi, ang hindi pagdating ni Padre Damaso, kawalan ng kaalaman ng mga magbubukid ng kobyertos at kung anong kurso ang ipapakuha nila sa kanilang mga anak.Patapos na ang tanghalian nang dumating si Padre Damaso. Lahat bumati sa kanya, maliban kay Ibarra. Umiinit na ang usapan noon sapagkat nagsisimula ng ilagay ang mga tsampan sa kopa. Nahalata ng alkalde na panay ang pasaring ni Padre Damaso kay Ibarra. Sinikap na ibahin nito ang usapan, pero patuloy ang kura sa pagsasaring. Walang kibo na lamang si Ibarra. Pero, nang ungkatin ni Padre Damaso ang tungklol sa pagkamatay ng ama ni Ibarrang may kasamang pag-aglahi. Sumulak ang dugo ni Ibarra. Biglang dinaluhong niya si Padre Damaso at sasaksakin nito sa dibdib. Pero, pinigilan siya ni Maria Clara. Gulo ang isip ni Ibarra na umalis at iniwan ang mga kasalo sa pananghalian.

Kabanata 35- Haka-haka Ang mga pangyayaring namagitan kina Ibarra at Padre Damaso ay madaling kumalat sa buong San Diego. Sa mga usapan, hindi matukoy kung sino ang may katwiran sa dalawa. Nagkakaisa ang lahat na kung naging matimpi si Ibarra, hindi sana nangyari ang gayon. Pero, ikinatwiran ni Kapitan Martin na walang makapigil kay Ibarra sapagkat wala itong kinatatakutang awtoridad. Handa ang binata na dungisan ang kamay nito sa sinumang lumapastanganan sa kanyang ama. Dahil sa maagap na pagsansala ng kanyang itinatangi at minamahal na si Maria Clara. Kaya, hindi niya itinuloy ang balak na kitilan ng hininga si Padre Damaso. Ipinapalagay naman ni Don Filipo na hinihintay daw ni Ibarra na tulungan siya sa taumbayan bilang pagtanaw ng utang na loob sa kabutihang nagawa niya at ng kanyang ama. Nanindigan naman ang kapitan ng bayan na wala silang magagawa sapagkat laging nasa katwiran ang mga prayle. Ang ganito, anang Don Filipo ay nangyayari sapagkat hindi nagkakaisa at watak-watak ang mga taumbayan samantalang ang mga prayle at mayayaman ay nagkakabuklod-buklod. Sa kabilang dako, karamihan naman sa mga babae ay takot na mawalay sa grasya ng simbahan. Tanging si Kapitana Maria lamang at pumili kay Ibarra at sinabing karangalan niya ang magkaroon ng anak na magtatangol at mangangalaga sa sagradong alaala ng yumaong ama. Sakmal naman ng matinding pagkatakot ang mga magsasaka na hindi matuloy ang pagpapatayo ng paaralan sapagkat bawat isa sa kanila ay naghahangad ng anak na makatapos ng pag-aaral. May nagsabing hindi na matutuloy ang pagpapatayo ng simbahan sapagkat tinawag na filibustero ng prayle si Ibarra. Hindi naman maintindihan ng mga magsasaka ang kahulugan ng filibustero.

Kabanata 36- Suliranin Isang malaking gulo ang nangyayari sa bahay ni Kapitan Tiago dahil sa hindi inaasahang pagdating ng Kapitan Heneral. Si Maria Clara ay panay ang pagtangis at hindi pinakikinggan ang payo ng kanyang ale at ni Andeng. Paano nga, pinagbawalan si Maria Clara ng kanyang ama na makipag-usap kay Ibarra habang hindi pa inaalis ang excommunion sa binata. Saglit na umalis si Kapitan Tiago sapagkat pinapupunta ito sa kumbento. Pinatuloy na inaalo naman ni Tiya Isabel si Maria Clara sa pagsasabing susulat sila sa Santo Papa at magbibigay ng malaking limos. Madali namang mapapatawad si Ibarra sapagkat nawalan lamang ng ulirat si Padre Damaso. Si Andeng ay nagboluntaryong gagawa ng paraan para magkausap ang magkasintahan. Nasa gayon silang pag-uusap nang bumalik si Kapitan Tiago. Sinabi nito na inutusan siya ng pari na sirain ang kasunduan ng pag-iisang dibdib ng magkasintahan. Si Padre Sibyla ay nagsabi naman na huwag tanggapin si Ibarra sa kanyang tahanan at ang utang ni Kapitan Tiyago na P50,000 sa binata ay huwag ng

pabayaran kundi mawawala ang kanyang buhay at kaluluwa. Inalo ni Kapitan Tiago si Maria Clara sa pagsasabing ang ina raw nito ay nakita lamang niyang umiyak nang itoy naglilihi. Isa pa, anito, may kamag-anak si Padre Damaso sa nakatakdang dumating mula sa Europa at siyang inilalaan ng maging panibagong katipan ni Maria. Sindak ang mga kausap ni Kapitan Tiago lalo na si Maria Clara na napailing lamang, umiiyak at tinakpan ang mga tainga. Pati si Tiya Isabel ay nagalit at sinabihan ang kapitan na ang pagpapalit ng katipan ay hindi parang nagpapalit lamang ng baro. Dahil kaibigan ni Kapitan Tiago ang Arsobispo. Iminungkahi ni Tiya Isabel na sulatan ito. Pero, sinabi ng Kapitan na mawawalang kabuluhan lamang sapagkat ang arsobispo ay isang prayle rin at walang ibang paunlakan kundi ang mga kapwa prayle. Pagkaraang pagsabihan ng Kapitan si Maria Clara na tumigil na ito sa kangangalngal at baka mamugto ang mga mata. Hinarap na niya ang paghahanda sa bahay. Pamaya-maya dumating na nga ang Kapitan Heneral. Ang buong kabahayan ni Kapitan Tiago ay nagsimula ng mapuno ng mga tao. Si Maria Clara naman ay tumakbo sa silid at nagdasal sa Mahal na Birhen. Nasa ganito siyang kalagayan ng pumasok ang kanyang Tiya Isabel at sinabing gusto siyang makausap ng Kapitan Heneral. Mabigat man sa loob ay unti-unti na siyang nag-ayos ng katawan.

Kabanata 37- Ang Kapitan Heneral Pagkadating ng Kapitan Heneral, ipinahanap niya kaagad si Ibarra. Samantala, kinausap muna niya ang binatang Taga-Maynila na nagkamaling lumabas habang nagsesermon sa misa si Padre Damaso. Ang paglabas ng binata sa simbahan ay ikinagalit ni Padre Damaso. Namumutla at nginig ang buong katawan ng binata ng pumasok siyang kausapin ng Heneral. Ngunit, ng lumabas na ito, nakangiti na siya. Ito ay tanda ng mabuting ugali ng Kapitan Heneral. Mayroon siyang panahon basta sa katarungan. Pagkalabas ng binata, ipinapasok na ng kagawad ang mga reverencia na sina Padre Sibyla, Padre Martin, Padre Salvi at iba pang mga prayle. Yumuko ang mga ito at nagbigay galang sa HeneralDahil hindi kasama si Padre Damaso, hinanap siya ng heneral. Sinabi nina Padre Sybila at Padre Salvi na may sakit ang hinahanap. Ang sumunod na nagbigay galang sa heneral ay sina Kapitan Tiago at Maria Clara. Pinapurihan ng Heneral si Maria Clara dahil sa ginawa nito sa pananghalian. Kung hindi dahil sa kanya, maaring nautas na si Ibarra si Padre Damaso. Sinabi ng Heneral na kailangang tumanggap ng gantimpala si Maria Clara na kagyat namang tumutol. Samantala, ipinahayag ng kagawad na dumating na si Ibarra at nakahanda na siyang humarap sa Heneral. Napansin ng Heneral na medyo nabalisa si Maria Clara, kaya sinabi niyang nais itong makaharap bago umalis patungong Espanya. Sinabi naman niya sa alkalde na samahan siya nito sa paglilibot. Hindi matiis ni Padre Salvi na ipaalala sa Heneral na si Ibarra ay excommunion. Pero, hindi siya pinapansin nito at sa halip sinabi ng Heneral na ipaabot kay Padre Damaso ang pangangamusata na gumaling ito kaagad. Napamaang ang mga reverencia at sabay sabay na nagpaalam. Nakasalubong nila

ang pagpanaog ni Ibarra. Ngunit hindi sila nagkakibuan. Mata lamang ang nag-usap. Pagkakita ng Henaral kay Ibarra mabilis niya itong kinamayan at sinabing tama lang ang kanyang ginawa lalo na ang ginawang pagtatanggol sa ala-ala ng ama. Tiniyak niya na kakausapin ang arsobispo tungkol sa pagkakaexkomunikado ni Ibarra. Sa pagkukuwento, lumitaw na nagkapalad si Ibarra na makatagpo ang pamilya ng kapitan Heneral noong siya nagpunta sa Madrid. Tinanong ng Heneral kung wala man lang liham na tagubiling dala si Ibarra para sa kanya. Hindi na kailangan ito, ani Ibarra sapagkat lahat daw ng mga Pilipino ay tinagubilin sa Heneral. Sa pagpapahayag ni Ibarra ng kanyang sariling pananaw sa buhay, nagpamuni ng Heneral na matalino ang binata. Inamuki niya itong ipagbili ang lahat lahat na ariarian at sumama na sa kanya sa Espanya sapagkat hindi nababagay ang kanyang kaisipan sa Pilipinas. Pero, sinasabi ni Ibarra na higit na matamis ang mamuhay sa bayang sinilangan at pinamuhayan din ng mga magulang nito. Pinahalagahan ng Heneral ang paninindigan ni Ibarra sapagkat inaakala niyang higit nga niyang kilala ang Pilipinas kaysa sa kanya. Nang maalala niya si Maria Clara, sinabi ng Heneral kay Ibarra na puntahan na niya ang kanyang kasintahan at itagubilinang paparoonin sa kanya si Kapitan Tiago.Ipinagugunita niya kay Ibarra na samahan siya sa pamamasyal. Tumango si Ibarra at umalis na. Kapagdaka, tinawag ng Heneral ang mga kagawad at sumunod ang alkalde. Sinabihan ng Heneral ang alkalde na hindi na kailangang maulit pa ang naganap na pananghalian at ibigay ang lahat ng kaluwagan kay Ibarra sa pagsasakatuparan ng kanyang mga mabubuting layunin. Huwag ding pakialaman si Ibarra, mariing pautos pa ng Heneral. Tumango ang Alkalde sa tinuran ng Heneral. Nangako siyang pangangalagaan din ang kaligtasan ni Ibarra. Nang dumating siKapitan Tiago kaagad na binati siya ng Heneral dahil sa pagkakaroon ng kapuri-puring anak at marangal na manunungangin.Nagprisinta pa ang Heneral na maging ninong sa kasal. Samantala, kaagad na hinanap ni Ibarra sa Maria Clara. Kumatok siya sa silid ni Maria Clara sapagkat naririnig niya ang boses nito. Pero, hindi binuksan ang pinto at sa halip ay si Sinang ang sumilip. Sinabi ni Sinang na isulat na lamang ni Ibarra ang sasabihin sapagkat papunta sila sa dulaan. Nagtaka si Ibarra.

Kabanata 38- Ang Prusisyon Ang nakakatulig na paputok at sunod-sunod na pagdupikal ng mga batingaw ay nagbabadyang inilabas na ang prusisyon. Ang mga binata na halos lahat ay mayroong dalang sinding parol. Kasamang naglalakad ni Kapitan Heneral ang mga kagawad, si Kapitan Tiago, ang alkalde, ang alperes at si Ibarra at patungo sa bahay ng kapitan. Nagpatayo ang kapitan ng isang kubol sa harap ng kanyang bahay upang pagdausan ng pagbigas ng tulang papuri o loa sa pintakasi ng bayan. Kung hindi lamang sa imbitasyon ng Kapitan Heneral, mas gusto ni Ibarra na manatili na lamang sa tahanan ni Kapitan Tiyago upang makasama niya si Maria Clara. Nangunguna sa prusisyon ang taltong sakristan na may hawak na mga seryales na pilak. Kasunod nila ang mga guro, mag-aaral at mga batang may dala-dalang parol

na papel. Ang mga agwasil at tinitini naman ay may dalang mga pamalo upang gamitin sa sinumang maniksik o humiwalay sa hanay. Mayroon din silang kasama na namimigay ng libreng kandila para gamiting pang-ilaw sa prusisyon. Ang mga santong pinuprusisyon ay pinangungunahan ni San Juan Bautista. Sumunod si San Francisco, Santa Maria Magdalena, San Diego De Alcala at ang pinakahuli ay ang Mahal na Birhen. Ang karo ni San Diego ay hinihila ng anim na Hermano Tercero. Inihinto ang mga karo at andas ng mga santo sa tapat ng kubol sa pagdadarausan ng loa. Mula sa tabing may isang batang lalaking may pakpak, nakabotang pangabayo, nakabanda at may bigkis ang lumabas. Pagkatapos na bumigkas ng papuri ang bata sa wikang Latin, Kastila at Tagalog ay pinagpatuloy ang prusisyon hanggang sa mapatapat sa bahay ni Kapitan Tiago. Ang lahat ay natigilan sa magandang pag-awit ni Maria Claria ng Ave Maria ni Gounod sa saliw ng kanyang sariling piyano. Kung napatigil si Padre Salvi sa ganda ng tinig ni Maria Clara. Higit na nakadama ng kalungkutan si Ibarra. Nadarama niya ang mensahe ng tinig ng kasiphayuan ng kasintahan. Saglot na naputol ang pagmuni-muni ni Ibarra nang palalahanan siya ng kaptian Heneral tungkol sa imbitasyon nitong makasalo sa pagkain upang pag-usapan ang pagkawala nina Basilio at Crispin.

Kabanata 39- Doa Consolacion Kahit na napatapat ang prusisyon sa baahay ni Doa Consolacion ay pinid na pinid. Nang umagang iyon, ang asawa na alperes at paraluman ng mga guwardiya sibil ay hindi nakapagsimba. Paano hindi siya pinayagang lumabas ng kanyang asawa. Ikinahihiya ng alperes ang katawa-tawang pagdadamit nito. Ang kanya namang amoy katulad ng kalaguyo ng mga guwardiya sibil. Pero, para sa sarili ni Doa Consolacion siya ay higit pa ngang maganda kaysa kay Maria Clara. Ang ipinagpuputok pa ng damdamin ng Doa bukod sa siya ay hindi pinayagang lumabas ng bahay ay ang pangyayaring sobra kung alipustain at murahin siya ng alperes. Suklam na suklam ang Donya at iniisip kung paano makapaghiganti. Ang pagdili-dili niya ay nakapagbigay sa kanyang ng ibayong ngitngit. Nang araw ngang iyon, bago dumaan ang prusisyon, ipinasara niya sa bantay ang lahat ng mga bintana at nagpasindi pa ng ilaw. Inutusan din nitong huwag magpapasok maski sinuman. Pinakandado niyang mabuti pati pintuan. Habang nag-iisip ang Doa narinig niyang umaawit si Sisa na dalawang araw ng nakukulong sa kwartel. Pinapaakyat ng Doa si Sisa upang pakantahin. Palibhasa, sa wikang kastila ang utos ng Doa, hindi ito maunawaan ni Sisa. Isa pa hindi matino ang isip, isa na siyang baliw. Kinuha ng Doa ang latigo ng alperes at muling inutos na kumanta si Sisa. Pero, hindi sumunod si Sisa. Dahil dito, inutusan ng Doa ang sundalo na sabihin kay Sisa ang gusto nitong mangyari. Kumanta si Sisa ng Kundiman ng Gabi. Ang awit ay tumalab sa damdamin ng Doa at nakapagsalita ng Tagalog. Napamaang ang sundalo, hindi niya sukat akalain na marunong ng Tagalog ang

Doa. Napansin ng Doa ang pagkamaang ng kawal, kaya galit na pinaalis ito. Binalingan ng Doa si Sisa at sa pilipit na pangangastila ay inutusan itong magbaile o sumayaw. Nang hindi sumunod si Sisa, pinalo niya ito sa binti at paa. Nabuwal si Sisa at nagisi ang manipis nitong damit kasabay ng paglabas ng dugo mula sa nabakbak na sugat. Nasisiyahan ang Doa sa gayong tanawin. Ang kanyang galit ay naibunton niya kay Sisa. Hindi napansin ng Doa ang pagdating ng alperes na pasikad na binuksan ang nakasarang pintuan. Pagkakita ng alperes kay Sisa, sinagilahan ito ng pangangatal ng katawan sa galit at namutla. Bumalasik ang kanyang mukha. Ngunit, parang walang anuman ito sa Doa. Tinanong pa niya ang alperes kung bakit hindi man lang daw bumati ito sa kanya. Hindi sumagot ang alperes. Inutusan niya ang bantay na bigyan ng damit at pagkain si Sisa. Kailangang gamutin din ang mga sugat nito, bigyan ng magandang higaan at huwag lalapastanganin. Ang dahilan si Sisa ay nakatakdang ihatid sa tahanan ni Ibarra kinabukasan din. Sa kabilang dako, kung magkaroon man ng kagaspangan ng ugali si Doa Consolacion yaon ay bunga ng kanyang kawalan ng sapat na edukasyon. Siya ay dating labandera lamang ng mga sundalo na mapangasawa niya ang alperes na noon ay isa lamang kabo. Ito ang dahilan kung may plastik na paguugali. Pilit siyang nag-aastang may pinag-aralan, marunong ng kastila at may ugaling Europeo.

Kabanata 40- Ang Karapatan at ang Lakas Mag-iikasampu na ng gabi ng paisa-isang sindihan ang mga kuwitis. Ang huling pailaw ay parang bulkan habang ang daan ay naliliwanagan ng luces de Bengala na siyang nagsisilbing ilaw sa mga taong naglalakad patungo sa liwasang bayan. Malaki ang entabladong pagdarausan ng dula. Ang nangasiwa sa palabas ay ang Tenyente Mayor na si Don Filipo sapagkat ang Kapitan ay nasa sugalan. Kausap ngTenyente si Pilosopo Tasyo at nakasentro ang kanilang pag-uusap na nagbibitaw na ang Don sa kanyang tungkulin. Dangat nalamang hindi tinanggap ng alkalde ang pagbibitiw nito. Saglit naputol ang pag-uusap ng dalawa ng dumating si Maria Clara kasama ang mga kaibigan. Kasunod nilang dumating ang kura at ilang kastila. Isa-isa silang inihatid sa upuan ng tenyente. Nagsimula na ang palabas sa pamamagitan ng tambalang tinig nina Chananay at Marianito ng Crispino dela Comare. Ang pansin ng lahat ay nasa entablado maliban kay Padre Salvi na walang kurap na nakatitig kay Maria Clara. Tapos na na ang unang bahagi ng dula nang pumasok si Ibarra. Umugong ang bulungan, pero hindi ito pinansin ni Ibarra. Malugod na binati niya ang kasintahan at ang mga kasama nito. Tumindig si Padre Salvi o ang Kura at hiniling kay Don Filipo na paalisin si Ibarra. Ngunit, hindi sumunod ang Don at sinabing hindi niya magagawa ang gayon sapagkat nag-abuloy ng malaki si Ibarra. Isa pa, anang Don hindi siya natatakot sa gagawin ng kura sapagkat maghapong kau-kausap ng Kapitan Heneral at ng Alkalde ng lalawigan si Ibarra. Kaya, wala itong dapat ipangamba. Napilitan umalis ang Kura at ang mga kasama nito. May ilang tao na lumapit kay Ibarra at sinabing huwag pansinin ang paglisan ng kura, sapagkat ang mga ito ang nagsasabing si Ibarra ay ekskomunikado. Dahil dito, naitanong ni Ibarra na sila ay nasa panahon pa ng edad Media. Nilapitan ni Ibarra ang mga dalaga at nagpaalam na ilang sandali siyang

mawawala sapagkat mayroong nalimutang tipanan. Pinigilan siya ni Sinang subalit nangako si Ibarra na babalik na lamang siya. Papalabas na si Yeyeng upang sumayaw, nang lumapit ang dalawang sibil kay Don Filipo at ipinatitigil ang palabas dahil hindi raw makatulog sa ingay ang alperes at si Doa Consolacion. Pero, hindi pinagbigyan ang kahilingan ng mga sibil at natapos na ang dula. Pero, bigla na lang nagkagulo. May dalawang sibil na hinagad ang mga musikero upang pigilin ang palabas pero ang mga ito ay nahuli ng mga kuwadrilyero na katulong ni Don Filipo. Tiyempo naming nakabalik na si Ibarra. Kaagad na hinanap niya si Maria. Kumapit na sa bisig ni Ibarra ang mga nasindak na dalaga. Walang tigil naman sa kauusal ng letania sa latin si Tiya Isabel. Ang mga sibil na inihatid ng mga kuwaddrilyero sa tribunal ay pinagbabato ng mga tao. May mga pulutong ng mga kalalakihan na nagbabalak ng masama sa mga sibil. Pero, pinakiusapan sila ni Don Filipo na huwag ng palalain pa ng pangyayari. Ngunit, hindi siya pinansin. Kaya kay Ibarra siya nakiusap. Sinabi ng binata na wala siyang magagawa. Pinakiusap ni Ibarra si Elias na puntahan ang mga kalalakihang nagbabalak ng masama. Napahinuhod naman ng piloto ang mga lalaki na huwag ng ituloy ang kanilang mga binabalak. Isa-isa ng nagsialisan ang mga tao. Mula naman sa kinaroroonan ni Padre Salvi, nakita niya ang buong pangyayari sa liwasan. Dumating din ang kanyang utusan na nagbalita rin tungkol sa nangyaring kaguluhan. Bigla na lamang nakita ni Padre Salvi sa kanyang pangitain na si Maria Clara ay walang malay-tao, pangko ni Ibarra at nawala sila sa kadiliman. Halos nagkandahulog siyang bumaba sa kumbento at nagtuloy sa liwasan. Ngunit, wala ng tao. Binubulyawan siya ng mga kastila, pero hindi niya alumana. Mabilis na tinungo niya ang bahay ni Kapitan Tiago. Sa nakapinid na durungawan nabanaagan niya ang mga anino nina Maria Clara at Tiya Isabel. Ang pagkabahala sa dibdib ng pari ay unti-unting nawala. Ligtas sa kapahamakan si Maria. Bumalik na sa kumbento si Padre Salvi. Kabanata 41- Dalawang Panauhin Hindi makatulog si Ibarra dahil naiisip niya ang lahat ng nangyari sa kanya. Nagulat si Ibarra dahil biglang dumating si Elias dahil mayroon itong mahalagang ginagawang pagsubok. Pumunta ito dahil baka may ipagbibilin ito dahil pupunta ito ng Batangas at may ibabalita sa kanya na masama at iyon ay may sakit si Maria Clara. Sinabi din ni Elias na ang gumawa ng gulo ay walang iba kundi ang magkapatid na ang ama ay namatay sa palo ng guwardiya sibil na may utang na loob sa kanya dahil iniligtas niya ang mga ito sa muntik na kapahamakan dahil papatayin din pala ito ng mga guwardiya sibil sa palo. Sinabi niyang nakausap niya kagabi ang magkapatid at sumuwata ito sa pangkat. Nakadama ng kalungkutan si Ibarra ng umalis na si Elias. Umalis noon si Ibarra at sa kanyang paglalakad ay nakasalubong nya ang isang lalaking may peklat sa kaliwang pisng a kapatid pala ng lalaking namatay kahapon at siya daw ay si Lucas. Sinisingil nito si Ibarra sa pagkamatay ng kanyang kapatid. Kahit nagmamadali na siya ay nagpupumilit parin ang lalaki. Sinabi ni Ibarra na may sakit siyang pupuntahan ngunit mapilit parin pero pumayag na ito ay babalik sa hapon. Sa paglalakad ni Ibarra ay bubulongbulong si Lucas ng masamang bagay tungkol kay Ibarra pero magiging magkaibigan daw sila pag nagbayad na si Ibarra.

Kabanata 42- Ang Mag-asawang de Espadaa Malungkot sa bahay ni Kapitan Tiago sapagkat may sakit si Maria. Pinag-uusapan ng magpinsang Tiya Isabel at Kapitan Tiago kung alin ang mabuting bigyan ng limos, ang krus sa Tunasan na lumaki, o ang krus sa Matahong na nagpapawis. Nais malaman ni Tiago kung alin sa dalawang ito ang higit na mapaghimala. Napagdesisyonan na parehong bigyan ng limos ang dalawang ito upang gumaling kaagad ang karamdaman ni Maria. Natigil ang pag-uusap ng magpinsan nang mayroong tumigil sa harap ng bahay. Ang dumating ay sina Dr. Tiburcio de Espadana, na inaanak ng kamag-anak ni Padre Damaso at tanging kalihim ng lahat ng ministro sa Espanya. Inaasahan ni Tiago ang mga dumating na panauhin. Pagkatapos na maipakilala ni Victorina si Linares, sinamahan sila ni Tiyago sa kanikanilang silid. Sa biglang tingin, aakalain na si Doa Victorina ay isang Orofea. Siya ay isang ginang na may edad na 45, pero ipinamimiltang siya ay 32 taong gulang lamang. Nuong bata at dalaga pa siya at kapani-paniwalang maganda ito. Kaya, hindi siya nagpasilo sa mga lalaking Pilipino at ang pinangarap niyang mapangasawa ay isang dayuhan. Isa siyang social climber at ibig na mapabilang sa mataas na antas ng lipunan. Ngunit, ang bitag na inihanda niya ay walang nasilo. Nalagay siya sa pangangailangan na kailangang makapangasawa siya ng dayuhan. Napilitan siyang masiyahan sa isang maralitang Kastila na taga-Espanya itinaboy ng baying Extremadura at ipinadpad ng kapalaran sa Pilipinas. Ang kastilang ito ay si Tiburcio de Espanada na may 35 taong gulang, ngunit mukha pang matanda kay Donya Victorina. Nakarating siya sa Pilipinas sakay ng barkong Salvadora. Sa barko dumanas siya ng katakot-takot na pagkahilo at nabalian pa ng paa. Nahihiya na siyang magbalik sa Espanya, dahil ipinasya na niyang manatili sa Pilipinas. Eksaktong 15 araw siya sa bansa nang matanggap siya sa trabaho dahil sa tulong ng mga kababayang Kastila. Sapagkat hindi naman siya nag-aral pinayuhan siya ng mga kababayan na humanap nang magandang kapalaran sa mga lalawigan at magpanggap na isang mediko na ang tanging puhunan ay ang pagiging kastila. Ayaw sana niyang sumunod dahil nahihiya siya, pero dahil sa gipit na gipit na siya, wala siyang mapagpipilian kundi sumunod sa payo. Siya ay dating nagtatrabaho sa pagamutan ng San Carlos bilang tagapagbaga ng mga painitan at tagapaspas ng alikabok sa mga mesa at upuan pero wala talagang kaalam-alam sa panggagamot. Sa una mabana ang singil. Lumalaon pataas ng pataas, sinamantala niya ng husto ang pagtitiwala ng mga Indio. Dahil dito, umaasa siya na tuloy-tuloy na ang kanyang pagyaman. Ngunit, nagsumbong ang mga tunay na medico sa Protomediko de Manila na siya ay pekeng doktor. Nawalan na siya ng pasyente. Babalik na sana siya sa pamamalimos sa mga kakilalat kababayan subalit napangasawa nga niya si Donya Victorina. Pagkakasal, lumipat sila sa Santa Ana at dito idinaos ang kanilang pulut-gata. Ilang araw ang nagtagal bumili ng aranya at karomata si Donya Victorina at matutuling kabayo mula sa Albay at Batangas para sa gamit nilang mag-asawa. Binihisan din niya ng husto ang asawa para magmukhang kagalang-galang. Ang Donya ay nagsimulang maging ilusyunada bilang isang Orofea. Nagpusod-Espanyola at naglagay ng mga palamuti sa katawan. Ilang buwan ang lumipas, Ipinamalita niyang siya ay naglilihi at sa Espanya manganganak sapagkat ayaw ipanganak ang anak na tatawaging rebolusyunario. Ang kanyang pangalan ay dinagdag din ng de, kayat nakalimbag sa mga tarheta nito ang Victorina delos Reyes de Espanada. Dumaan ang tatlong buwan, ang

inaasahang pagbubuntis ng Donya ay naunsyami kayat wala siyang magawa kundi ang manatili sa "lupaing ito ng mga salvaje." Ang ginawa niya ay nagpatingin sa mga hilot at manggagamot, ngunit wala ring nangyari. Hindi siya nagkaanak. Dahil siguro nadisperada ang Donya sa hindi pagkakaroon ng anak, naibunton niya ang kanyang ngitngit sa asawa nito. Parang maamong kordero ang Don, kahit na ano ang gawin ng Donya hindi ito nakakarinigan ng reklamo, kapag nagagalit ang Donya, nilalabnot niya ang pustiso ng asawa at kung minsan namay hindi niya ipinapahintulutan lumabas ng bahay. Isang araw, naisip ng Donya na ang asawa ay dapat na maglagay ng titulong medicina at cirugia. Tumutol ang Don sapagkat pamemeke na naman ang gagawin niyang panggagamot. Ngunit, wala siyang magawa at sumunod na lamang sa Donya. Tunay na aminit hindi, siya ay Ander de Saya. Nagpaukit sa marmol ang Donya ng karatulang may nakasulat na: DOCTOR DE ESPADAA, ESPECIALISTA EN TODA CLASE DE ENFERMEDADES at ito ay ikinabit sa kanyang bahay. Naisip din ng Donya na kumuha ng tagapangasiwang kastila sa kanyang mga ari-arian sapagkat hindi niya pinagkakatiwalaan ang mga Pilipino. Ipinakaon naman ng Don ang pamangkin si Linares na nag-aaral ng pagkamananggol, sa gastos ng Donya. Samantala sila ay nagmimiryenda ay dumating si Padre Salvi. Dati ng kakilala ng mag asawa ang pari, kaya si Linares na lamang ang kanilang ipinakilala. Kaagad sinabaka na ni Donya Victorina ang pamimintas sa mga tag-lalawigan at pinangalandakan na kaututang dila nila ang alkalde at ng iba pang nasa mataas na poder sa estado. Pero, namangha ang Donya nang sabihin ni Tiago na kadadalaw lamang ng Kapitan Heneral sa kanilang tahanan. Halos hindi makapaniwala ang Donya. Gayunpaman, dahil sa wala na siyang magawa sinabi na lamang na nanghinayang siya at hindi kaagad nagkasakit si Maria Clara disin sanayy nakadaupang palad nila ang Heneral. Nang matapos ang kanilang pag-uusap, pinuntahan nila si Maria na noon ay nakahiga sa isang kamagong na nakaukurtinahan ng husi at pinya. Ang ulo ni Maria ay may taling panyo na basa ng agua colonia at nakakumot ng puti. Nasa tabi ang dalawang kaibiganng babae at si Andeng na may hawak ng punpon ng azucena. Naitanong naman ni Linares kay Padre Salvi kung saan si Padre Damaso, sapagkat may dala itong sulat-tagubilin para rito. Sinabi ni Padre Salvi na dadalaw ito kay Maria kaya napanatag ang loob ni Linares. Pinulsuhan ng Don si Maria, tiningnan ang dila at sinabing may sakit ito, ngunit mapapagaling. Ang iniresetang gamot niya ay: Sa Umaga ay liquen at gatas, Jarabe de altea at dalawang pildoras de Cinaglosa. Sinamantala ito ng Donya at ipinakilala si Linarez na nabigla sapagkat nakatuon ang kanyang mga mata at isip kay Maria na lubhang nagagandahan. Saglit na nautol ang walang kurap na pagkakatitig ni Linarez sa magandang mukha ni Maria nang sabihin ni Padre Salvi na dumating na si Padre Damaso. Ang pari ay kagagaling lamang niya sa sakit, siya ay putlain mabuway kung lumakad, payat at hindi masalita. Ang una niyang ginawa ay dumalaw nga kay Maria Clara. Kabanata 43- Mga Balak Tuloy-tuloy si Padre Damaso sa kamang kinahihigan ni Maria at luhaang sisnabi sa "Anak ko, hindi ka mamamatay."Nagtaka si Maria sa nakitang anyo ng pari. Ang mga nakakakilala sa prayle ay halos hindi rin makapaniwala na ang paring may magaspang na ugali at matipunong anyo ay mayroon palang gayong kalambot na

damdamin ang pari. Tumindig si Padre Damaso at nagpunta sa silong ng balag sa ilalim ng balkonahe at umiyak na parang batang ibunulalas ang lahat ng sama ng loob. Dahil dito, nasabi ng lahat na talagang mahal na mahal ng pari ang inaanak na si Maria. Nang kumalma na ang damdamin ng pari, ipinakilala ni Donya Victorina si Linares. Sinabi ni Linares na siya ay inaanak ng bayaw ni Padre Damaso na si Carlicos. Ibinigay ni Linares ang sulat sa pari na binasa naman niya. Lumitaw na si Linares ay nangangailangan ng trabaho at mapapangasawa. Ayon kay Damaso madali niyang maihanap ng trabaho ang binata sapagkat ito ay tinanggap na abogado sa Universidad Central. Tungkol naman sa pag-aasawa, sinabi ni Damaso na kakausapin nila si Tiyago. Naiwan si Pari Salvi na malungkot at nagmumunimuni. Nagitla na lamang siya nang batiin ni Lucas, na hinihingi umano ng payo tungkol sa pagkamatay ng kanyang kapatid. Nagdrama ng husto si Lucas, pilit na nagpapatulo siya ng luha nang isalaysay niya ang pakikipagkita niya kay Ibarra at binigyan lamang ng P500.00 para sa pagkamatay ng kanyang kapatid. Nagalit ang pari sa kadramahan ni Lucas, kaya pinagtabuyan niya ito at pasalamat siyat hindi siya ipinabilanggo ni Ibarra. Umalis na bumubulong-bulong si Lucas. Kabanata 44- Paggunita sa Kasalanan Nabinat si Maria pagkatapos na makapagkumpisal. Sa kanyang pagkahibang walang sinasabing pangalan kundi ang pangalan ng kanyang inang hindi man lamang nakikilala.Siya ay binabantayang mabuti ng kanyang mga kaibigang dalaga. Si Tiago naman ay nagpamisa at nangako na magbibigay ng tungkod na ginto sa Birhen ng Antipolo. Unti-unti namang bumaba ang lagnat ni Maria. Takang-taka naman si Don Tiburcio sa naging epekto ng gamot na inireseta niya sa dalaga. Sa kasiyahan ni Donya Victorina hindi niya nilabnot ang pustiso ng asawa. Isang hapon napag-usapan ang nakatakdang pag lipat ng parokya ni Padre Damaso sa Tayabas. Sinabi ni Kapitan Tiyago na ang ganitong pagkakalayo ng pari ay labis na daramdamin ni Maria sapagkat para na rin niya itong ama. Ipinaliwanag din niya na ang pagkakasakit ng dalaga ay bunga ng mga pangyayari noong pista. Sinabi naman ng kura na mabuti nga ang di pag papahintulot ng kapitan na mag kausap ang anak at si Ibarra. Pero, tinutulan ng Donya ang ganitong pananaw ng dalaga sapagkat matibay ang kanyang paniniwala, na si Don Tiburcio ang nakapagpagaling kay Maria. Hindi pinansin ni Padre Salvi ang Donya at sa halip sinabi niya na malaki raw ang nagawa ng pangungumpisal sapagkat daig ng isang malinis na budhi ang lahat na mga gamot na gaya ng pinatutunayan na ng maraming pagkakaton. Dahil dito, nabanas ang Donya at iminungkahi niya kay Padre Salvi na gamutin ng kanyang kumpisal Si Donya Consolacion na asawa ng alperes. Hindi umimik ang pari at sa halip ay tinagubilinan niya si Kapitan Tiago na ipahanda kay Tiya Isabel si Maria sa isang pangungumpisal muli sa gabing iyon at bibigyan niya ng viatico kinabukasan upang tuloy-tuloy na ang kanyang paggaling. Samantala, pinainom ni Sinang si Maria ng isang pildoras na mula sa bumbong na kristal at bilin ng doktor ay itigil ito kapag nakakaramdam siya ng pamimingi. Itinanong ni Maria kay Sinang kung hindi sumulat si Ibarra. Sumagot si Sinang na abala si Ibarra sa pag-aasikaso na mapatawad ng arsobispo ang kanyang ekskomunikasyon. Saglit na natigil ang kanilang pag-uusap sapagkat siyang pagpasok ni Tiya Isabel upang ihanda muli si Maria na sulatan niya si Ibarra at sabihing limutin na niya ito. Di nakapag tanong si Sinang dahil nagsisimula na si Tiya Isabel, si Maria naman ay nag-iisip ng mga kasalanan. Binasa ni Tiya Isabel ang sampung utos. Pagkaraan ay nagtulos ng isang

malaking kandila sa harap ng altar ng Mahal na Birhen. Nagtagal ang kumpisalan sa gabing iyon. Napansin ni Tiya Isabel na sa halip na makinig ang pari sa sinasabin ni Maria, tila ba binabasa ang nasa isip ng dalaga. Nung lumabas ng silid si Padre Salvi, ito ay namumutla at nakapangagat labi, kunotang noo at pawisan. Sa malas, siya ang kinumpisalan na di nagtamo nag patawad.

Kabanata 45- Ang mga nagrerebelde Nagpunta sa Kagubatan si Elias at hinanap si Kapitan Pablo. Siya ay sinamahan ng isang lalaki sa yungib na tila nasa ilalim ng lupa. Nag makita ni Elias ang Matandang Pablo natatalian ang ulo ng isang bigkis na kayong may bahid ng dugo. Kayat na nagkilala silang dalawa. May anim na buwan na nang huli silang magkita. Noon, ayon kay matandang Pablo siya ang naaawa Kay Elias. Subalit, ngayon nagkapalit sila ng puwesto. Si Elias ay malakas samantalang ang matanda ay sugatan at lugami sa hirap ng katawan at kalooban. May 15 araw na araw na naibalita kay Elias ang sinapit ni Kapitan Pablo. Katunayan, pinaghanap siya nito sa kabundukan ng dalawang lalawigan. At ngayon nga ay kanyang natagpuan. Ipinaliwanag ni Elias sa Kapitan na nais niya itong isama sa lupain ng mga dibinyagan upang doon na manirahan nang payapa kahit na malayo sa sibilisasyon, yaman din lamang daw walang nangyari sa kanyang paghahanap sa angkang nagpahamak sa kanyang pamilya. Binigyang diin ni Elias na magturingan na lamang silang dalawa bilang mag-ama yayamang pareho na silang nag-iisa sa buhay. Umiilig lamang ang matanda sa kahilingan ni Elias at sinabing wala siyang dahilan para magpanibagong buhay sa ibang lupain. Kailangan niyang maipaghiganti ang kalupitang sinapit o pagkamatay ng kanyang dalawang anak na lalaki at isang babae sa kamay ng mga buhong. Nuon anya, siya ay isang duwag ngunit, dugo at kamatayan ang isinisigaw ng kanyang budhi dahil sa kaapihang kanyang natamo. Karumal-dumal ang sinapit ng kanyang mga anak kaya ganito na lamang ang kanyang pagpupuyos. Ang kanyang anak na dalaga ay pinagsamantalahan at inilugso ang kapurihan ng isang alagad ng simbahan. Dahil dito, nagsiyasat ang dalawa niyang anak na lalaki. Pero, nagkaroon ng nakawan sa kumbento at ang isa niyang anak ay sinuplong. Ang anak niyang ito ay ibinitin sa kanyang buhok at narinig niya ang sigaw, daing at pagtawag sa kanya, pero siya ay nasanay sa buhay na tahimik ay naging duwag at hindi nagkaroon ng lakas ng loob na pumatay o magpakamatay. Ang paratang na pagnanakaw sa kanyang anak ay di napatunayan, isa lamang malaking kasinungalingan. Ang kurang nagparatang ay inilipat sa ibang lugar.Pero ang kanyang anak ay namatay sa sobrang pahirap na dinanas. Ang isa naman niyang anak ay hindi duwag at pingambahan na siya ay maghihiganti dahil sa sinapit ng dalawamg kapatid. Ito ay hinuli ng mga awtoridad dahil nakalimutan lamang niyang magdala ng sedula. Ito ay pinahirapan din hanggang sa magpatiwakal na lamang. Ngayon, wala ng nalalabi sa kanya kundi bababa ng bayan upang maghimasik at makapaghiganti. Hindi naman siya nag-iisa, marami siyang kaanib na kapwa rin pinag-uusig ng awtoridad. Ang mga ito ang bumubuo sa kanyang pangkat na pinamumunuan. At sila ay naghihintay lamang na tamang tiyempo at araw upang lumusob. Naunawaan ni Elias ang paninindigan ni kapitan Pablo, siya man daw ay tulad nito na sa pangambang makasugat nang walang

kinalaman, kinalimutan niya ang paghihiganti. Pero, para sa kapitan, ang paglimot ay lubhang napakahirap. Kaya ang ganang kay Elias ay napakadali sapagkat siya ay bata pa, hindi namatayan ng mga anak at hindi nawawalan ng pag-asa. Nangako ang matanda na hindi rin siya susugat sa sinumang walang kasalanan tulad ng ginawa nitong pagkakasakit na naging sanhi ng kanyang pagkakasugat at huwag lamang ang isang kuwadrilyong tumutupad lang naman ng kanyang tungkulin. Ipinahayag ni Elias Kay Matandang Pablo na siya ay nagkapalad na makilala at makatulong sa isang binatang mayaman, matapat, may pinag-aralan at nag-iisang anak ng isang taong marangal na hinamak din ng isang pari, maraming kaibigan sa Madrid kabilang na ang Kapitan-Heneral. Bilang pagbibigay diin, tiniyak ni Elias sa matanda na makakatulong daw ang binatang ito sa kanilang pagnasang maipaabot sa heneral ang mga hinaing ng bayan. Tumango ang matanda. Dahil dito, ipinangako ni Elias na malalaman ni Kapitan Pablo ang magiging resulta ng kanyang lakad o pakikipag-usap sa binata (si Ibarra) sa loob ng apat na araw. Sa mga tauhan ng kapitan ang kakatagpuin niya sa may baybayin ng San Diego at sasabihin niya ang sagot. Kapag pumayag ang binata, may maasahan at makakapagtamo sila ng katarungan at kung hindi naman, si Elias ang unang kasama niyang maghahadog ng buhay. Kabanata 46- Ang Sabungan Katulad din ng iba pang bayan ng Pilipinas, may sabungan din sa San Diego. Ito ay nahahati sa tatlong bahagi. May pasukan ito sa pinto na binabantayan ng isang babaeng naniningil ng bayad sa pagpasok. Nakahanay naman sa magkabilang daraanan na mga tao ang mga tindera na nagtitinda ng kung anu-ano na katulad ng pagkain, gamit na maliliit sa bahay, sigarilyo at iba pa. Kalapit ito ng isang may kalakihan ding lugar na kinaroroonan ng mga tahur, magtatari at mga sobra ang hilig sa sabong. Dito nagpapalipat-lipat nang mabilis ang kuwarta sa kamay ng mga tao at pakikipagsunduan. Ang tawag sa lugar na ito ay ulutan. Ang ikatlong bahagi naman ng sabungan ay tinatawag na ruweda. Dito dinaraos ang mga sultada. Makikita sa lugar na ito ang mga taong may matataas na tungkulin, mayayaman, ang mga tahur at sentensyador. Nasa loob ng sabungan sina Kapitan Pablo, Kapitan Basilio at Lucas. Nagtanong si Kapitan Basilio tungkol sa manok na isasabong ni Kapitan Tiago samantalang papasok ito sa sabungan na kasunod ang dalawang alalay o utusan na may dalang isang lasak na manok at isang malaking puting tinali. Bulik naman ang manok ni Kapitan Basilio. Nagkaroon muna ng batian tungkol sa pagkakasakit ni Maria Clara, pagkaraan nagkasundo ang dalawa na paglabanin ang bulik at ang lasak sa pustang P 3,000. Parang apoy na kumalat ang paglalaban. Nagkaroon ng pustahan ang mga sabungero. Lumilitaw na dehado ang pula at lamado naman ang puti. Habang hindi magkamayaw sa pagpusta ang ilang sabungero sa gagawing pagsusultada, ang dalawang binatang magkapatid na sina Tarsilo at Bruno ay naiinggit sa mga pumupusta. Sila ay matamang pinagmamasdan ni Lucas.Pamayamaya ay lumapit ang pinakabata sa dalawa kay Lucas at nakiusap na pautangin ito ng pera para may maipusta. Sina Bruno at Tarsilo ay may masaklap na karanasan sa mga sibil, ang kanilang ama ay pinatay sa palo ng mga ito. Tinanong ni Lucas ang magkapitd kung payag na sila sa kondisyong kanyang

ibinigay. Ayaw ng nakatatanda. Dahil dito, sinabi ni Lucas na kahit kilala man niya ang magkapatid na ayaw ipaghiganti ang pagkamatay ng kanilang ama, hindi niya mapapautang ang mga ito ng perang hindi niya pag-aari. Ang Pera, anya ay kay Don Crisostomo Ibarra. Gayunman, kung papayag sila sa kanilang amuki, madali niyang mabibigyan ng pera ang mga ito. Ikinatwiran ng dalawa, na kundi lamang sa kanilang kapatid na babae ay matagal na siguro silang nabitay. Pero, sinagot sila ni Lucas na mga nabibitay ay mga duwag lamang, walang salapi at mahihina at kung sakali ay malapit lamang ang bundok. Samantala, pinagsalpuk na ang dalawang manok, na ilang sandali lang ay kapwa sugatan. Pero matindi ang sa puti. May tarak ito sa dibdib samantalang ang sa pula naman ay sa pakpak lamang. Gayunman, unang bumulagta ang puit na nagkikisay at sumunod naman ang pula na ipinipikit ang mga mata. Ang nanalo sa labanan ay ang pula. Hiyawang umaatikabo ang sumunod. Nanghinayang sina Tarsilo at Bruno at hindi sila nakapusta disin sanay nanalo ng tig-P100 bawat isa. Sa di kalayuan, nakita nila si Pedro, ang asawa ni Sisa na binibilangan ng pera ni Lucas. Naisip nilang pumusta sa susunod na laban. Tiyempo namang ang isusunod na paglalabanin ay ang bulik ni Kapitan Basilio at ang lasak ni Kapitan Tiago. Nakalimutan ng magkapatid ang tungkol sa kanilang kapatid na babae. Naisip nilang walang mangyayari sa kanila kung kukunin nila ang inaalok na pera ni Lucas sapagkat si Crisostomo ay kaibigang matalik ng heneral at kasama pa nito sa pamamasyal. Nang lumapit ang magkapatid kay Lucas, hindi sila nabigo. Sila ay binigyan ng tig- P30.00 sa kasunduang sasama sila sa pagsalakay sa kuwartel. Kapag sila ay nakapagsama pa, tig-sasampu uli sa bawat maisama nila. Kapag nagtagumpay sila sa gagawing pagsalakay, may tig-P100 at ang mga kasama nila at sila naman ay tig- P200 ang tatanggapin. Tumango sila pareho sa lahat ng kondisyon. Kaagad na tinanggap ang perang hinihingi nila.Tinagubilinan ni Lucas ang magkapatid na kinabukasan ay darating ang mga sandatang padala ni Ibarra. Sa ikawalo naman ng gabi sa makalawa ay kailangan magtungo sila sa libingan upang tumanggap ng utos. Ito lamang at naghiwalay na silang tatlo. Tuloy ang sabong. Kabanata 47- Ang Dalawang Doa Habang nakikipaglaban ang lasak ni Kapitan Tiago, magkaakbay naman na namamasyal sina Donya Victorina at Don Tiburcio upang malasin ang bahay ng mga Indio. Ayon sa Donya pangit ang mga bahay ng mga Indio. Sa kanilang paglakad, nababanas siya ng husto kapag hindi nagpupugay sa kanila ang mga nakakasalubong. Dahil dito, inutos niya sa Don na mamalo ng sumbrero. Pero, tumanggi ang Don bunga raw ng kanyang kapansanan. Nang mapadaan ang Donya sa tapat ng bahay ng alperes nagkatama ang kanilang mga paningin ni Donya Consolacion. Parehong matalim. Tiningnan ni Consolacion si Victorina mula ulo hanngang paa, ngumuso at dumura sa kabila. Sinugod ni Donya Victorina si Donya Conosolacion at nagkaroon ng mainitang pagtatal Binanggit ng Donya ang pagiging labandera ng alperesa samantalang pinagdidikdikan naman ng huli ang pagiging pilay at mapagpanggap na asawa ng Donya. Puyos sa galit, Habang hawak na mahigpit ang latigo ng alperes na nanaog si Donya Consolacion, upang daluhugin si Donia Victorina. Pero, Bago magpang- abot ang dalawa, dumating ang alperes. Umawat si Don Tiburcio. Ang pangyayari ay sinaksihan ng maraming tao na nakatawag pansin ng kanilang pagtatalakan. Dumating ang kura at pinatitigil ang dalawa, ngunit pasinghal na binulyawan siya ngi Consolacion kasabay sa pagtawag

ditong mapagbanal-banalang Carliston. Nagalit naman ng husto si Victorina at sinabi kay Tiburcio na kailangan hamunin niya ang alperes sa pamamagitan ns sabelo o rebolber. Tumanggi si Tiburcio, kaya nahablot na naman ng di oras ang kanyang pustiso ng nagtatalak na asawa. Pagdating sa bahay ng mag-asawa, inabutan nilang kausap ni Linares si Maria at ang mga kaibigan nito. Kay Linares nabaling ang atensyon ng Donya, inutusan nito na siya ang humamon sa Alperes sa pamamagitan ng baril o sable at kung hindi ibubulatlat nito sa madla at kay Kapitan Tiago ang tunay nitong pagkatao. Namutla si Linares at humingi ito ng paumanhin sa Donya. Siya namang pagdating ni Kapitan Tiago na lugo-lugo sapagkat natalo ang kangyang lasak. Hindi pa nakapagpapahinga si Tiago, Tinaltalan kaagad siya ng Donya. Sinabi niya sa Kapitan na hahamunin ni Linares ang alperes at kapag hindi niya ito nagawa, di dapat itong magpakasal kay Maria. Sapagkat ang duwag ay hindi nababagay sa inyong anak, pagdidiin pa ng Donya. Dahil sa narinig nagpahatid si Maria sa kanyang silid. Kinagabihan, bago umalis sina Donya Victorina at Don Tiburcio iniwan nila ang kuwenta sa paggagamot kay Maria at itoy umaabot sa kung ilang libong piso. Naiwan naman si Linares na nasa gipit na kalagayan. Kabanata 48- Mga Talinghaga Dumating kinabukasan si Ibarra na gaya ng pagkakabalita ni Lucas sa magkapatid na Tarsilo at Bruno. Ang unang sinadya ng binata ay ang tahanan ni Kapitan Tiago upang ibalita na siya ay hindi excomugaldo. at dalawin si Maria. May dala siyang sulat mula sa arsobispo na ibinigay nito sa kura at nagsasaad na inaalis na ang excomunion. Tuwang- tuwa si Tiya Isabel, sapagkat boto siya kay Ibarra at ayaw din niyang mapangasawa ng kanyang pamangkin si Maria ang kastilang si Linares. Tinawag ni Tiya Isabel si Maria at pinatuloy si Ibarra. Ngunit biglang naumid ang dila ng binata sapagkat nakita niyang kalapit ng kasintahan si Linares na nasa balkon. Nakasandig sa silyon si Maria at may hawak na abaniko. Sa may paanan nito ay nandoroon si Linares na nagkukumpol ng rosas at sampaga. Namulat si Linares ng makita si Ibarra samantalang si Maria ay namula at hinayaang malaglag na lamang ang tangang pamaypay. Sinikap nitong tumayo, pero hinang-hina siya dahil nga sa pagkakasakit. Si Linares ay waring napapatda at hindi makapagsalita. Sinabi ni Ibarra sa kasintahan ang dahilan ng kanyang di ipinasabing pagdalaw. Nakatingin lamang sa kanya si Maria na parang inuunawa ang bawat katagang namutawi sa kanyang labi. Malungkot si Maria, kaya nakuro ni Ibarra na bukas nalamang siya dadalaw.Tumango ang dalaga. Umalis si Ibarra na ang puso ay ginugutay ng matinding pag-aalinlangan, gulo ang kanyang isip. Sa paglakad niya, humantong siya sa ipinapagawang paaralan. Binati siya ni Nol Juan at manggagawang dinatnan niyang abalang gumagawa. Binigyang diin ni Ibarra sa mga dinatnan na wala ng dapat ipangamba sa kanya ng sinuman sapagkat siya ay hindi na excomugaldo. Pero, tinugon siya ni Nol Juan na hindi nila pinapansin ang excommunion sapagkat silang lahat ay pawang excomulgado. Nakita ni Ibarra si Elias na kasama ang mga manggagawa. Yumukod si Elias at ipinahiwatig sa pamamagitan ng tingin na mayroon siyang gustong sabihin sa kanya. Dahil dito, inutusan ni Ibarra si Nol Juan na kunin at ipakita sa kanya ang talaan nito ng mga obrero upang kanyang tignan. Nilapitan ni Ibarra si Elias na nag-iisang nagkakarga ng bato sa isang kariton. Sinabi ni Elias na nais niyang makausap ang binata nang ilang oras. Ipinakiusap nitong mamangka sila sa baybay ng lawa sa bandang hapon

upang pag-usapan ang isang napakahalagang bagay. Tumango lamang si Ibarra nang makitang papalapit na sa kanila si Nol Juan. Si Elias naman ay lumayo na. Nang tignan ng binata ang talaan ng mga obrero, wala ang pangalan ng pilotong si Elias. Kabanata 49- Tinig ng Pag-uusig Nang lumulan si Ibarra sa bangka ni Elias, waring ito ay hindi nasisiyahan. Kaya, kaagad na humingi ng paumanhin si Elias sa pagkagambala niya sa binata. Sinabi ni Ibarra ang dahilan, nakasalubong niya ang alperes at gusto nitong muli na magkausap. Dahil nag-aalala siyang makita si Elias, nagdahilan na lamang siya. Nanghinayang naman ang binata ng sabihin ni Elias na di siya matatandaan ng alperes. Saglit na napabuntonghininga si Ibarra sapagkat biglang pumasok sa kanyang isip ang kanyang pangako kay Maria. Hindi na nag-aksaya ng panahon si Elias sinabi niya kaagad kay Ibarra na siya ang sugo ng mga sawimpalad. Ipinaliwanag niya ang napagkasunduan ng puno ng mga tulisan (Si Kapitan Pablo) na hindi na binanggit pa ang mga pag-aalinlangan at pagbabala. Ang kahilingan ng mga sawimpalad, ani Elias ay (1) humingi sila ng makaamang pagtangkilik sa gobyerno na katulad ng mga ganap na pagbabago sa mga kawal na sandatahan, sa mga prayle, sa paglalapat ng katarungan at sa iba pang pangangasiwa ng gobyerno (2) pagkakaloob ng kaunting karangalan sa pagkatao ng mga tao, ang kanilang kapanatagan at bawasan ang lakas at kapangyarihang taglay ng mga sibil na madalas na nagiging punot dulo ng paglapastangan sa karapatang pantao. Tumugon si Ibarra na anumang pagbabago na sa halip na makakabuti ay lalo pang makakasama. Sinabi nitong maaari niyang pakilusin ang kanyang mga kaibigan sa Madrid sa pamamagitan ng salapi at pati na ang Kapitan-Heneral ay kanyang mapapakiusapan, ngunit lahat sila ay walang magagawa. Siya man ay hindi gagawa ng anumang pagkilos ukol sa mga bagay na iyon sapagkat kung may kasiraan man ang korporasyon, ay matatawag naman nilang masasamang kailangan. Nagtaka si Elias, hindi niya sukat akalaing ang isang tulad ni Ibarra ay naniniwala sa tinatawag na masamang kailangan na para bang nais palabasin nito na kailangang gumawa muna ng masama upang makapagdulot ng mabuti. Naniniwala siya na kapag ang sakit ay malala, kailangang gamutin ng isang mahapding panlunas. Ang sakit ng bayan ay malubha kayat kailangan ang kaparaanang marahas kung ito ay makakabuti. Ang isang mabuting manggagamot, anya ay sinususri ang pinagmulan ng sakit at hindi ang mga at hindi ang mga palatandaan nito na sinisikap na bigyan ng lunas. Katulad ng mga sibil na sa pagnanais daw na masugpo ang kasamaan, itoy iniinis sa pananakot, paggawa ng marahas at walang habas na paggamit ng lakas. At kapag pinahina ang guwardiya sibil ay malalagay naman sa panganib ang katahimikan ng bayan. Paano raw magkakagayon gayong 15 taon nang may mga sibil, ngunit ang mga tulisan ay patuloy pa rin sa pandarambong. Ang mga sibil ay walang naidudulot na kabutihan sa bayan sapagkat kanilang pinipigil at pinahihirapan ang isang tao kahit na marangal dahil lamang sa nakalimutan ang cedula personal, at kapag kailangang malinis ang kanilang mga kuwartel, ay manghuhuli sila ng mga kaawaawang mamamayan na walang lakas na tumutol. Napag-usapan pa nila na bago itatag ang guardia civil nanunulisan ang mga tao dahil sa matinding pagkagutom. Binigyang diin naman ni Elias na ang mga sawimpalad na hinihingi ng bayan ang pagbabago sa mga palakad ng mga prayle at ng isang pagtangkilik laban sa korporasyon. Pero, sinabi naman ni Ibarra na may

utang na loob na dapat tanawin ng bayan sa mga paring pinagkakautangan ng pananalig at patangkilik noon laban sa mga pandarahas ng mga maykapangyarihan. Lumitaw sa pagpapalitan ng kuro-kuro ng dalawa na kapwa nila mahal ang bayan. Pero, hindi napahinuhod ni Elias si Ibarra tungkol sa pakiusap ng mga sawimpalad. Kaya, ipinahayag niya kay Ibarra na sasabihin na lamang daw niya sa mga ito na ilipat na sa Diyos o sa kanilang mga bisig ang pagtitiwala na sa kapwa tao na di magtatamong-pala. Kabanata 50- Ang mga Kamag-anak ni Elias Isinalaysay ni Elias ang kanyang kasaysayan kay Ibarra upang malaman nito na siya ay kabilang din sa mga sawimpalad. May 60 taon na ang nakakalipas, ang kanyang nuno ay isang Tenedor de Libros sa isang bahay-kalakal ng kastila.Kasama ng kanyang asawa at isang anak na lalaki, ito ay nanirahan sa Maynila.Isang gabi nasunog ang isang tanggapang pinaglilingkuran niya. Isinakdal ang kanyang nuno sa salang panununog. Palibhasay maralita at walang kayang ibayad sa abogado, siya ay nahatulan. Ito ay ipinaseo sa lansangan na nakagapos sa kabayo at pinapalo sa bawat panulukan ng daan. Buntis noon ang asawa, nagtangka pa ring humanap ng pagkakakitaan kahit na sa masamang paraan para sa anak at asawang may sakit. Nang gumaling ang sugat ng kanyang nuno, silang mag-anak ay namundok na lamang. Nanganak ang babae, ngunit hindi nagtagal namatay ang anak nito. Hindi nakayanan ng kanyang nuno ang sapin-saping pagdurusang kanilang natanggap. Nagbigti ito. Hindi ito naipalibing ng babae. Nangamoy ang bangkay at nalaman ng mga awtoridad ang pagkamatay ng asawa. Nahatulan din siyang paluin. Pero, ito ay hindi itinuloy at ipinagpaliban sapagkat dalawang buwan siyang buntis noon. Gayunman, pagkasilang niya, ginawa ang hatol. Nagawang tumakas ng babae mula sa malupit na kamay ng batas, lumipat sila sa kalapit na lalawigan. Sa paglaki ng anak na panganay, ito ay naging tulisan. Gumawa siya ng panununog at pagpatay upang maipaghiganti nila ang kaapihang natamo. Nakilala siya sa tawag na balat. Ang lahat ay natakot sa kanyang pangalan. Ang ina ay nakilala naman sa tawag na haliparot, delingkuwente at napalo at ang bunso dahil sa mabait at tinawag na lamang anak ng ina. Isang umaga, nakagisnan na lamang ng anak ang ina na patay na. Ito ay nakabulagta sa ilalim ng isang puno at ang isang ulo ay nakatingala sa isang bakol na nakasabit sa puno. Ang kanyang katawan ay ibinaon samantalang ang mga paa, kamay ay ikinalat. Ang ulo naman ay siyang dinala sa kanyang ina. Walang nalalabing paraan sa nakakabata dahil sa kalunoslunos na pangyayaring ito kundi ang tumakas. Siya ay ipinadpad ng kapalaran sa Tayabas at namasukang obrero sa isang mayamang angkan. Madali naman siyang nakagiliwan sapagkat nagtataglay nga ito ng magandang ugali. Siya ay masikap at ng nagkaroon ng puhunan, napaunlad niya ang kanyang kabuhayan hanggang sa makakilala siya ng isang dalagang taga-bayan na kanyang inibig ng tapat. Gayunman sinasagilahan siya ng matinding pangamba na mamanhikan. Nangangamba siyang matuklasan ang tunay niyang pagkatao. Mahal palibhasa ang babae, minsan ay nailugso nito ang puri at desidido siyang panindigan ang nagawa. Ngunit, dahil sa mayaman ang ama ng babae at wala siyang kayang ipagtanggol ang sarili. Siya ay nakulong sa halip na makasal siya sa babae. Bagamat hindi nagsama ang magkasuyo, ang kanilang pagtatampisaw sa dulot ng pag-ibig ay nagkaroon ng bunga. Ang babae ay nanganak ng kambal, isang babae at isang lalaki. Ang lalaki ay si Elias. Bata pa sila ay iminulat sa kanilang patay na ang

kanilang ama. Naniniwala naman sila sapagkat musmos pa lamang ay namatay ang kanilang ina. Nang magkaroon ng sapat na isip, palibhasay may kaya ang nuno si Elias ay nag-aral sa mga Heswitas samantalang ang kapatid na babae ay sa Concordia. Nagmamahalan silang magkapatid at ang pag-igkas ng panahon ay hindi nila namamalayan. Namatay ang kanilang nuno kayat umuwi silang magkapatid upang asikasuhin ang kanilang kabuhayan. Maganda ang kanilang hinaharap, ang kanyang kapatid na babae ay nakatakdang ikasal sa binatang nagmamahal sa kanya, ngunit ang kanilang kahapon ang nagwasak sa kanilang kinabukasan. Dahil sa kanyang salapi at ugaling mapag-mataas, isang malayong kamag-anak ang nagpamukha sa kanilang kahapong nagdaan. At ito ay pinatunayan ng isang matandang utusan nila. Iyon pala ang kanilang ama. Namatay na naghihinagpis ang kanilang ama dahil sa pag-aakalang siya ang naging dahilan ng kasawian nilang magkapatid. Pero, bago ito namatay naipagtapat niyang lahat ang kahapon ng magkakapatid. Lalong binayo ng matinding kalungkutan ang kapatid ni Elias nang mabalitaan niyang ikinasal sa iba ang kanyang kasintahan. Isang araw nawala na lamang itot sukat.Lumipas ang anim na buwan nabalitaan na lamang ni Elias na mayroong isang bangkay ng babaing natagpuan sa baybayuin ng Calamba na may tarak sa dibdib. Ito ang kanyang kapatid. Dahil dito siya ay nagpagala-gala sa ibatibang lalawigan bunga ng ibat-ibang pagbibintang tungkol sa kanya na hindi naman niya ginagawa. Dito natapos ang salaysay ni Elias. Nagpalitan pa ng ibatibang pananaw ang dalawa hanggang sa sabihin ni Ibarra kay Elias na sabihin niya sa mga sumugo sa kanya na siya (Ibarra) ay taos-pusong nakikiisa sa kanilang mga damdamin. Lamang, wala siyang magagawa kundi ang maghintay pa sapagkat ang sama ay di-nagagamot ng kapwa sama rin. Dagdag pa rito, sa kasawian ng tao siya man ay mayroong kasalanan din. Nang makarating na sila sa baybayin, nagpaalam na si Ibarra at sinabi kay Elias na siya ay limutin na at huwag babatiin sa anumang kalagayang siya ay makita nito. Nagtuloy si Elias sa kutani Kapitan Pablo at sinabi sa kapitan na siya kung di rin lamang mamamatay ay tutupad sa kanyang pangako na aanib sa kanila sa sandaling ipasiya ng pinuno na dumating na ang oras ng pakikibaka sa mga Kastila.

Kabanata 51- Pagbabago Sakmal ng pagkabalisa at di pag-igmik si Linares sapagkat nakatanggap siya ng liham mula kay Donya Victorina na nagsasaad ng ganito: Mahal kong pinsan, Sa loob ng tatlong araw, kailangang malaman ko kung kayo ay magtuos ng alperes at naglaban. Kapag natapos na ang taning na ito at hindi mo pa siya nakakalaban ay, ipababatid ko kay Kapitan Tiago na ikaw ay di naging kalihim, hindi mo nabibiro si Canovas at hindi nakakasama ni Heneral Martinez sa anumang kasayahan. Ibubunyag ko rin ang iyong lihim kay Clarita (Maria) at hindi rin kita bibigyan ng salapi. Lahat ng magustuhan mo ay ibibigay ko basta kalabanin mo lamang ang alperes. Ako ay hindi tatanggap ng anumang paumanhin o dahilan. Ang pinsan mong nagmamahal sa iyo ng buong puso, Victorina de Los Reyes Espedana Sampaloc, Lunes ika-7 ng gabi

Alam ni Linares na hindi nagbibiro ang Donya. Kailangang hamunin niya ang alperes subalit sino naman kaya ang papayag na maging padrino niya, ang kura kaya o si Kapitan Tiago. Pinagsisisihan niya ang kanyang paghahambog at pagsisinungaling sa paghahangad lamang na makapagsamantala. Labis siyang nagpatianod sa kapritso ng Donya. Dumating si Padre Salvi at nagmano si Kapitan Tiago. Masayang ibinalita niya ang tungkol sa sulat na padala ng arsobispo tungkol sa pag alis ng excommunion kay Ibarra kasabay ng kanyang pagpupuring ang binata ay kalugod lugod ngunit may kapusukan ng kaunti. Tanging ang sagabal na lamang sa pagpapatawad ay si Padre Damaso. Pero anya ay hindi makatanggi kung si Maria ang kakausap sapagkat inaama niya ang pari. Narinig ni Maria ang usapan at nagtungo ito sa silid kasama si Victoria. Sa bahaging iyon ng usapan ng pari at Kapitan Tiago pumasok si Ibarra na kasama si Tiya Isabael. Binati niya ang kapitan at yumukod naman kay Linares. Si Padre Salvi ay buong lugod na kumamay kay Ibarra at sinabi nitong katatatapos pa lamang niyang papurihan ito. Nagpapasalamat ang binata at lumapit kay Sinang upang itanong kung galit sa kanya si Maria. Ipinasasabi raw ni Maria ani Sinang na limutin na siya ng binata ngunit sinabi ni Ibarra ng gusto niyang makausap ng sarilinan ang kasintahan. Di nagluwat, umalis na si Ibarra. Kabanata 52- Ang mga Tao sa Libingan Madilim ang gabi at malamig ang ihip ng hangin pumapaspas sa mga dahong tuyo at alikabok ng makipot ng daang patungo sa libingan. May tatlong anino na paanas na nag uusap sa ilalim ng pinto ng libingan. Itinanong ng isa kung nakausap na niya ng kaharap si Elias. Hindi raw pero siguradong kasama ito sapagkat nailigtas na minsan ni Ibarra ang buhay nito. Tumugon ang unang anino na ito nga ay pumayag na sumama sapagkat ipapadala ni Ibarra sa Maynila ang kanyang asawa upang ipagamot. Siya ang sasalakay sa kumbento upang makaganti siya sa kura. Binigyang diin naman ng ikatlong anino na kasama ng lima lulusob sila sa kuwartel upang ipakilala sa mga sibil na kanilang ama ay may mga anak na lalaki. Isa pa, sinabi ng alila ni Ibarra na sila ay magigng 20 na katao na. Saglit na huminto sa pag aasanan ang mga anino nang mabanaagan nilang may dumarating na isang anino na namamaybay sa bakod. Pagdating sa lugar ng tatlo, nagkakilala sila. Ipinaliwanag ng bagong dumating na anino na sinusubaybayan siya kayat naghiwa-hiwalay na sila at tinagubilinan ang mga dinatnan ng kinabukasan ng gabi nila tatanggapin ang mga sandata kasabay ng sigaw na "Mabuhay Don Crisostomo"! ang tatlong anino ay nawala sa likod ng pader. Ang bagong dating naman ay naghintay sa sulok ng pintuan. Nang dumating ang ikalawang anino, namasid ito sa kanyang paligid. Umaambon palibhasa, sumilong ito sa pintuan kayat nagkita sila ng unang sumilong. Naisipan nilang magsugal at kung sinuman ang manalo sa kanila ay maiiwan upang makipagsugal sa mga patay. Pumasok sila sa loob ng libingan at sa ibabaw ng puntod ay umumpog magkaharap upang magsugal. Ang mataas sa dalawa ay si Elias at ang may pilat sa mukha ay si Lucas. Nagsimula na silang magsugal sapagkat sa isang tao lamang ang nakikipagpagsugal ang mga patay. Natalo si Elias kaya umalis itong hindi kumikibo. Nilamon siya ng kadiliman. Nang gabing iyonn dalawang sibil ang naglalakad sa tabi ng simbahan. Pinag uusapan nila ang tungkol sa paghuli kay Elias sapagkat sinumang makahuli rito ay hindi

mapapalo sa loob ng tatlong buwan. Nakasalubong nila si Lucas at itinanong kung saan ito pupunta. Sa simbahan ani Lucas upang magpamisa. Pinabayaan nila sapagkat ayon sa alperes walang pilat si Elias. Ilang saglit lamamg, si Elias mismo ang nakasalubong ng mga sibil. Dinala siya sa liwanag upang kilalanin. Sinabi ni Elias na hinahabol niya ang lalaking may pilat sapagkat siyang bumugbog sa kanyang kapatid. Ang mga sibil ay patakbong nagtungo sa simbahang pinasukan ni Lucas.

Kabanata 53- Ang Pagsulong ng Isang Magandang Umaga Kinabukasan ng umaga, kumalat ang balita tungkol sa mga ilaw na nakita sa libingan ng nakaraang gabi. Sa paniniwala ng mga puno ng mga kapatiran ni San Francisco, may 20 ang nakita niyang kandila na sinindihan. Panaghoy at pahikbi naman ang narinig ni Ermana sipa kahit na malayo ang kanyang bahay sa libingan. Sa pulpito, binigyang diin naman ng kura sa kanyang sermon ang tungkol sa kaluluwa sa purgartoryo. Ang usapan ay hindi nakaligtas sa matalas na paningin nina Don Filipo at Pilosopo Tasyo na ilang araw ng naghihina. Nasabi ni Don Filipo na tinaggap ng alkade ang kanyang pagbibtiw sa tungkulin. Hindi naman mapakali si Pilosopo Tasyo sapagkat naniniwala siyang ang pagbibitiw ay hindi nararapat at napapanahon. Sa panahon ng digmaan, anya, ang puno ay dapat na manatili sa kanyang tao. Sa pag iisip ni Pilosopo Tasyo. Ayon sa kanya, nag iba ang bayan na di na katulad noon na may 20 na taon na ang nakalipas. Ang nakaraan ay nagbigay ng aralin. Namamalas na naging bunga ng pagdayo sa Pilipinas ng mga Europeo at ang pagdayo naman ng mga kabataan sa Europa ay nadadama na rin. Ang mga kabataang nakapag aral sa Europa ay nagkaroon ng malawak na kaalaman tungkol sa kasaysayan, Matematika, Agham, wika at iba pang uri ng kaalaman na ituturing na enerhiya noong una. Kaya na ng tao na pangasiwaan ang malawak na daigdig na kanyang ginagalawan at tinatahanan. Sa panitikan, nagsimula na ring lumitaw ang mga makatang nagpapahayag ng malaya at mga makaagham ng pagsubok. Hindi na rin kayang sawatain ng kumbento ang paglaganap ng mga modernong kabihasnan. Nagkaroon pa ng palitan ng katwiran ang dalawa tungkol sa bayan, sa relihiyon, sa kahihinatnan ng bayan, ugali ng mga binata at dalaga ang maglilingkod sa Simbahan hanggang sa tanungin ni Don Filipo si Pilosopo Tasyo kung hindi nangangailangan ng mga gamot sapagkat napansin nitong hinang-hina na siya. Pero tinugon sya ni Pilosopo Tasyo na ang mga mamamatay ay hindi na nangangailangan ng gamot at sa halip ang mga maiiwan ang mangangailangan. Ipinakiusap din niya sa Don na sabihin kay Ibarra na makipagkita sa kanya sa loob ng ilang araw sapagkat malapit na siyang yumao. Sa kabila ng karamdaman ni Pilosopo Tasyo ang kapakanan ng bayan ang kanyang inaalagata. Matibay ang kanyang paniniwalang ang Pilipinas ay tumatahak parin sa karimlan. Hindi nagluwat, nagpaalam na si Don Filipo. Kabanata 54- Anumang Lihim ay Nabubunyag Orasyon. Pahangos na patungo ang kura sa bahay ng alperes. Ang mga taong gustong humalik sa kanyang kamay ay hindi niya pinapansin. Tuloy-tuloy na pumanhik ito ng bahay at malakas na tinqwag ang alperes. Lumabas agad ang

alperes kasunod ang asawang si Donya Consolacion. Bago makapagsalita ang kura, inireklamo agad ng alperes ang mga kambing ng kura na naninira sa kanyang bakod. Sinabi naman ng pari na nanganganib ang buhay ng lahat. Katunayan, anya ay mayroong napipintong pag-aalsa na gagawin nang gabing iyon. Nalaman ito ng pari, anya sa pamamagitan ng isang babae na nangumpisal sa kanya na nagsabi sa kanya na sasalakayin ang kuwartel at kumbento. Dahil dito nagkasundo ang kura at alperes na paghandaan nila ang gagawing paglusob ng mga insurektos. Humingi ang kura ng apat na sibil na nakapaisana ang itatalaga sa kumbento. Sa kuwartel naman ay palihim ang pagkilos ng mga kawal upang mahuli nang mga buhay ang mga lulusob. Layunin nito na kanilang mapakanta ang sinumang mahuhuling buhay. Ika-walo ng gabi ang nakatakdang paglusob, kuna kaya nakini-kinita ng alperes at kura ang pag-ulan ng kurus at bituin sapagkat ganap silang nakahanda. Sa kabilang dako, isa naman lalaki ang mabilis na tumatakbo sa daan patungo sa tirahan ni Ibarra. Mabilis na umakyat ng bahay at hinanap sa nakitang utusan ang amo nito na kaagad naman itinuro na ito ay nasa laboratoryo. Pagkakita ni Elias kay Ibarra ipinagtapat niya kaagad ang nakatakdang paglusob at batay sa kanyang natuklasan. Si Ibarra ang kapural at nagbayad sa mga kalahok sa paglusob. Ipinasunog ni Elias kay Ibarra ang lahat ng mga aklat at kasulatan nito sapagkat di na maiiwasan na siya ay mapasangkot at tiyak na siya ang isisigaw ng sinumang mahuhuli ng mga sibil. Tinulungan ni Elias si Ibarra sa pagpili ng mga kasulatan. Sa mga kasulatan, nabasa niya ang tungkol kay Don Pedro Eibarramendia at tinanong niya kay Ibarra kung ano ang relasyon nito sa kanya. Halos nayanig ang buong pagkatao ni Elias nang sabihin ni Ibarra na iyon ang kanyang nuno na ipinaikli lamang ang apilyido. Isa pa, ito ay isang Baskongado. Natagpuan na ng piloto ang lahing lumikha ng matinding kasawian sa kanilang buhay. Biglang bumunot ng balaraw si Elias at naisip niyang gamitin iyon kay Ibarra. Ngunit, saglit lang ang pagkadimlan ng kaisipan ng biglang siyang matauhan. Binitiwan niya ang hawak na balaraw at tulirong tumingin ng tuwid kay Ibarra at saka mabilis na pumanaog ng bahay. Nagtaka si Ibarra. Itinuloy ang pagsunog sa mga mahahalagang papeles at dokumento. Kabanata 55- Ang Pagkapahamak Oras ng hapunan pero nagdahilan si Maria na wala siyang ganang kumain. Kaya niyaya niya ang kaibigan ni Sinang sa piyano. Nagbulungan silang dalawa habang palakad lakad si Padre Salvi sa loob ng bulwagan. Hindi mapakali si Maria sa paghihintay nilang magkaibigan ang pagdating ni Ibarra. Kasalukuyan kumakain noon ang argos na si Linares at isinadasal nilang umalis na ang "multong" si Padre Salvi. Nakatakdang dumating sa ikawalo ng gabi si Ibarra. Ika-walo rin ng gabi ang nakatakdang paglusob sa kumbento at sa kuwartel. Nang sumapit ang ikawalo, napaupo sa isang sulok ang pari samantalang ang magkaibigan ay hindi malaman ang gagawin. Nang tumugtog ang kampana, silang lahat ay tumindig upang magdasal. Siya namang pagpasok ni Ibarra na luksang luksa ang suot. Tinangkang lapitan ni Maria ang kasintahan ngunit biglang umalingawngaw na lamang ang sunod sunod na putok. Napapatda si Ibarra, hindi makapagsalita. Ang Kura naman ay nagtago sa likod ng haligi. Ang mga tao sa bahay ni Kapitan Tiago ay nakakarinig ng puro putokan, sigawan at pinagbuhan sa may kumbento. At mga nagsisikain na kumedor ay biglang pumasok at panay na tulisantulisan Si Tiya Isabel ay panay ang dasal samantalang ang magkaibigan ang nagyakapan. Si Ibarra ay

walang tinag sa kinatatayuan. Nagpatuloy ang putukan at silbatuhan kasabay ng pagsasara ng mga pintuan at bintana ng biglaan. Nang mawala ang putukan, pinapanaog ng alperes ang kura. Inakala ng mga nasa bahay na nasugatan ng malubha sa Padre Salvi. Tiniyak ng alperes na wala ng panganib kaya lumabas na sa pinagtataguan ang kura, nanaog ito. Si Ibarra ay nanaog din. Pinasok naman ni Tiya Isabel ang magkaibigan sa silid. Hindi nagkausap si Ibarra at Maria, basta nagpatuloy na lamang sa paglakad ang binata, mabilis. Napadaan siya sa hanay ng mga sibil na naka bayoneta pa. Sa may bandang tribunal, nangingibabaw ang tinig ng alperes sa pagtatagubilin sa kapitan na wag niyang pabayaan makatakas ang mga nahuling lumusob. Pagdating ni Ibarra sa bahay, kaagad na inutusan ni Ibarra ang kanyang katulong na ihanda ang kanyang kabayo. Tumuloy siya sa gabinete at isinilid nya ang kanyang maleta ang mga hiyas, salapi, ilang mga kasukatan at larawan ni Maria. Nagsukbit siya ng isang balaraw at dalawang rebolber. Ngunit aalis na lamang siya nakarinig sya ng malakas na pagputok sa pintuan. Tinig ng isang kawal na kastila. Lalaban sana siya ngunit nagbago ang kanyang isip. Binitawan niya ang kanyang baril at binuksan ang pinto. Dinakit siya ng Sarhento ng mga dumating na kawal. Isinama. Sa kabilang dako, gulong gulo ang isip ni Elias ng pumasok siya sa bahay ni Ibarra. Para siyang sinusurot sa sariling budhi. Naalalala niya ang sinapit ng kanyang angkan, ang kanyang nuno, si Balat, kapatid na babae at ang kanyang ama. Waring ang lahat ay tinatawag siyang duwag isang duwag. Labis na pangingipospos ang kanyang damdamin. Hanggang sa maisip niyang balikan ang bahay ni Ibarra. Dinatnan niya ang mga katulong ni Ibarra na hilong naghihintay sa kanilang amo. Nang malaman niya ang nangyari kay Ibarra, nagkunwari itong umalis. Pero lumigid lamang saka umakyat sa bintana na patungo sa gabinete. Nakita niya ang mga kasulatan, mga aklat, alahas at baril. Dinampot niya ang baril at ang iba naman ay isinilid niya sa sako at inihulog sa bintana. Nakita niyang dumating ang mga sibil. Kinuha ni Elias ang larawan ni Maria at isinilid ito sa isang supot. Nag ipon siya ng mga damit at papel, Binuhusan niya ito nga mga gas at saka sinilaban. Ang mga kawal ay nagpupumilit namang pumasok. Sinabihan sila ng matandang katulong ng walang pahintolot sa may-ari, kaya hindi maa-ari silang pumasok. Naalaska ng husto ang directocillo, sa isang hudyat niya tinabig ng kawal ang matanda at mabilis silang pumanhik. Pero sinalubong sila ng makapal na usok at ang apoy na nakarating na sa gabinete. Biglang nagkaroon ng malalakas na pagsabog. Mabilis pa sa lintik na umatras at nanaog ng bahay ang mga kawal kasama ang mga katulong ni Ibarra. Kabanata 56- Ang mga Haka-haka Hanggang sa kinabukasan sakmal pa rin ng takot ang buong bayan ng San Diego. Ni isa mang tao ay walang makitang naglalakad sa gitna ng daan. Tahimik na tahimik ang buong paligid. Pamaya-maya, isang bata ang naglakas loob na magbukas ng bintana at inilibot ang paningin. Dahil sa ginawa ng bata, nagsisunod ang mga iba na magbubukas ng bintana. Ang mga magkakapit-bahay ay nagbalitaan. Lubhang kalagim-lagim daw ang nagdaang gabi tulad noong mandambong si Balat. Sa kanilang pag-uusap, lumilitaw na si Kapitan Pablo raw ang sumalakay. Ipinapalagay naman ng iba na ang mga kuwadrilyero raw kaya dinakip si Ibarra. Ang mga lalaki ay nagpunta naman sa kuwartel at sa may tribunal. Lumitaw pa sa usapan ng mga tao na tinangka raw ni Ibarra na itanan ang kasintahang si Maria upang hindi matuloy ang pakikipag-isang dibdib niya kay

Linares. Kaya lang sinansala ni Kapitan Tiago ang kanilang pagtatanan sa tulong ng mga sibil. Samantala, nakausap ni Hermana Pute ang isang lalaking kagagaling lamang sa tribunal. Sinabi nitong nagtapat na si Bruno. Pinatunayan nito ang balita tungkol sa magkasintahang sina Ibarra at Maria. Sa ngitngit daw ni Ibarra, pati simbahay nais niyang paghigantihan, mabuti na lamang at nasa bahay ni Kapitan Tiago si Padre Salvi. Ang mga sibil daw ang sumunog sa bahay ng binata. May isang utusang babae naman ang nagpahayag na nakita niyang nakabitin sa ilalim ng puno ng santol si Lucas. Kabanata 57- Kaawa-awang mga Natalo Balisa ang mga sibil na nasa kuwartel. Panay ang kanilang pagbabanta sa mga batang sumisilip sa puwang ng mga rehas upang tingnan ang mga nadakip. Naroroon ang alperes, direktorsillo, Donya Consolacion at ang kapitan na halatang malungkot. Bago mag-ikasiyam dumating ang kura at wala sa loob na naitanong niya sa alperes sina Ibarra at Don Filipo. Kasunod niya ang isang parag batang umiiyak at duguan ang salawal. Hinarap sa kura ang dalawang tanging buhay na nabihag ng mga sibil. Tarsilo Alasigan ang tunay na pangalan ni Tarsilo. Pilit siyang tinatanong kung kaalam si Ibarra sa nasabing paglusob. Ngunit, iginigiit din niyang walang kamalay-malay si Ibarra sapagkat ang ginawa ay upang ipaghiganti ang kanilang amang pinatay sa palo ng mga sibil. Dahil dito, iniutos ng alperes na dalhin si Tarsilo sa limang bangkay, ito ay umiling. Nakita niya ang kanyang kapatid na si Bruno sa tadtad ng saksak, si Pedro na asawa ni Sisa at ang kay Lucas na may tali pang Lubid sa leeg. Dahil sa patuloy itong walang immik kahit sa sunod-sunod ang pagtatanong sa kanya. Nagpuyos sa galit ang alperes. Iniutos na paluin ng yantok si Tarsilo hanggang sa magdugo ang buong katawan nito. Hindi mapakanta si Tarsilo, kaya ito ay ibinalik sa bulwagan. Nadatnan niya ang isang bilanggo ring nagpapalahaw sa iyak at tumatawag sa mga santo. Ipinasino kay Tarsilo ang dinatnan. Sinabi niyang nuong lamang niya nakita. Dahil dito, muli siyang pinalo hanggang sa mabalot ng dugo ang buong katawan. Hindi nakayanan ng kura ang gayong tanawin kaya lumabas siya sa bulwagan na namumutla. Nakita ng kura ang isang dalagang parang nagbibilang ng mga naririnig sa loob ng tribunal, humahalinghing at nanananghoy ng malakas. Ang babaing ito ay ang kapatid na dalaga nina Bruno at Tarsilo. Samantala, nang di mapansin si Tarsilo, lalong nagngitngit ang alperes. Binulungan pa siya ni Donya Consolacion na lalong pahirapan ang binata. Pero, hiningi na lamang ni Tarsilo na madaliin ang kanyang kamatayan. Walang makuhang anumang impormasyon at di mapaamin si Tarsilo kaya ito ay itinimba sa isang balong nakakabaligtad ng sikmura ang tubig at amoy. Kung ilang bese ibinulusok ang katawan ni Tarsilo sa balon. Hindi niya natagalan ang pagpapahirap hanggang sa takasan siya ng hininga sa gayong uri ng kalupitan. Nang matiyak na patay na si Tarsilo ang binalingan naman ay ang isa pang bilanggo. Ang pangalan diumano ng bilanggong ito ay Andong luko-luko at kaya napapunta sa patyo ay upang magbawas sapagkat pinapakain ng bulok ng biyenan nito. Inaantok ang alperes sa naging sagot ng bilanggo, kaya iniutos itong ipasok na muli sa karsel. Kabanata 58- Ang Isinumpa

Tuliro at balisa ang mga pamilya ng mga bilanggo. Sila ay pabalik-balik sa kumbento, kuwartel at tribunal. Ngunit, hindi sila makapagtamo ng luna sa kanilang mga inilalakad. Palibhahsa wala silang kilalang malakas at makakapitan na makakatulong upang palayain ang kanilang kaanak na bilanggo. May sakit ang kura at ayaw na lumabas ng kanyang silid at ayaw daw itong makipag-usap kahit kanino. Ang alperes naman ay nagdagdag ng mga bantay upang kulahatin ang mga babaingh nagsusumamo sa kanaya. Ang kapitan naman ay lalong nawalan ng silbi. Nakakapaso ang sikat ng araw, ngunit ang mga babae ay ayaw umalis. Palakadlakad umiiyak ang mag-ina ni Don Filipo. Inusal-usal naman ni Kapitana Tinay ang pangalan ng kanyang anak na si Antonio. Si Kapitana Maria naman ay pasilip-silip sa rehas upang tignan ang kambal niyang anak. Ang biyenan ni Andong ay nanduroon din at walang gatol na ipinagsasabio na kaya raw hinuli si Andong ng mga sibil ay dahil sa bago nitong salawal. Amy isang babae naman ang halos mangiyak-ngiyak na nagsabing si Ibarra ang may pakana at kasalanan ng lahat. Ang suro ng paaralan ay kasama-sama rin ng mga tao. Samantalang si Nol Juan ay nakaluksa na sapagkat ipinalagay niyang wala ng kaligtasan si Ibarra. Mag-iikalawa ng hapon ng dumating ang isang kariton na hila ang isang baka. Tinangka ng mga kaanak ng mga bilanggo na sirain at kalagan ang mga hayop na humihila sa kariton. Pero, ipinagbawalan sila ni Kapitana Maria at sinabing kapag ginawan nila iyon, mahihirapan sa paglakad ng kanilang ka-anak ng bilanggo. Pamaya-maya, lumabas ang may 20 kawal at pinaligiran ng kariton. Ang sinunod na ilaban ay mga bilanggo sa pangunguna ni Don Filipo na nakuha pang batiin ng naka ngiti ang kanyang asawang si Doray ng yakapin ang asawa, pero hinadlangan siya ng dalawang sibil. Nang makita naman si Antonio ng inang si Kapitana Tinay binirahan ito ng katakot takot na hagulgol. Si Andong ay napaiyak din ng makita ang biyenan na may pasari ng kanyang pagkakakulong. Katulad ng kambal na anak ni Kapitana Maria, and seminaristang si Albano ay naka gapos na mabuti. Ang huling lumabas ay si Ibarra na walang gapos ngunit nasa pagitan ng dalawang kawal. Ang namumutlang si Ibarra ay pasuyod na tinignan ng mga maraming tao at naghahanap ng isang mukhang kaibigan. Pagkakita kay Ibarra ng mga tao, biglang umugong ang salitaan na kung sino pa ang may sala ay siya pa itong walang tali. Dahil dito ay inutusan ni Ibarra na gapusin siya ng mga kawal ng abot-siko. Kahit na walang utos ang kanilang mga pinuno ang mga sibil sumunod sin sila sa utos ng binata. Ang alperes ay lumabas na naka-kabayo at batbat ng sandata ang katawan. Kasunod ay may 15 ng kawal na umaalalay sa kanya. Sa kalipunan ng mga bilanggo, tanging kay Ibarra lamang na walang tumatawag sa kanyang pangalan sa halip siya ang binubuntunan ng sis at tinwag na siyang duwag. Pati ang kanyang mga nuno at magulang ay isinumpa ng mga tao hanggang siya ay tinawag ng erehe ng dapat mabitay. Kasunod nito ay pinagbabato si Ibarra. Naalala niya ang kwento ni Elias tungkol sa babaeng nakakita ng ulong nasa bakol at nakabitin sa punongkahoy. Ang kasay sayan ng piloto ay parang biglang naglaro sa kanyang pangitain. Waring walang ibig dumamay kay Ibarra. Pati si Sinang ay pinagbawalan umiyak ni Kapitan Basilio. Kahit na nasa gipit at abang kalagayan ang binata. Walang naawa sa kanya. Doon nya nadama ng husto ang mawalan ng inang bayan, pag-ibig, tahanan kaibigan at magandang kinabuhasan. Mula sa isang mataas na lugar, maamang nagmamasid si Pilosopong Tasyo na pagod na pagod at naka balabal ng makapal na kumot. Sundan nya ng tingin a ng papalaong kariton na sinakyan ng bilanggo. Ilang sandali pa ipinasiya na niyang umuwi. Kinabukasan, nagisnan ng isang pastol patay na si Tasyo sa may ointuan ng kanyang bahay.

Kabanata59- Ang mga Mapagpanggap Ang ginawang pagluson ng mga naapi o sawimpalad ay nakarating at napalathala sa mga diyaryo sa Maynila. Iba rin ang balitang nagmula sa kumbento. Iab-iba ang estilo ng mga balitang lumaganap. At ang pang-unawa sa mga ito ay batay sa talas ng isip, kuro-kuro, damdamin at paniniwala. Ang mga tauhan ng kumbento ay higit na naliligalig. Ang mga provincial ay palihim na nagdadalawan at gumagawa ng mga pagpapanayam hinggil sa nangyari. Ang ilan naman ay nagpunta sa palasyo at naghahandog ng tulong sa pamahalaang nasa panganib. Nabanggit pa nga na na maging ang munting heneral o generalillo daw MAGAGUERO ay napagkuro ang kahalagahan ng korporasyon. Samantala, ipinagbubunyi naman si Pari Salvi at sinabing ito ay karapat-dapat na bigyan ng isang mitra. Sa ibang kumbento naman ay iba ang pinag-uusapan. Ang mga nag-aaral daw sa mga heswita sa Ateneo ay lumalabas na nagiging pilibustero. Sa isang bahay naman sa Tundo, hindi mapakali si Kapitan Tinong dahil minsan ito ay nagpakita ito ng kagandahang loob kay Ibarra. Kaya panay ang sisi sa kanya ng asawang si kapitana Tinchang. Ang kanilang dalawang anak na dalaga ay sa isang tabi lamang at di umiimik. Nasabi pa ni Tinchang na kung siya ay naging lalaki lamang, disin sana ay haharap siya sa Kapitan-Heneral at ihahandog nito ang kanyang paglilingkod laban sa mga manghihimagsik. Malapit ng mabanas ng husto si Tinong sa kakulitan ng asawa nang dumating ang kanilang pinsan si Don Primitivo. Ito ay isng lalaking may edad at mahilig magsasalita ng Latin. Siya ay ipinasundo ni Tinchang upang hingan ng payo sapagkat marunong itong mangatwiran. Kaagad na nag-umpisa ng pagsasalita si Tinchang pagkakita sa pinsa. Ayon sa kanya, pinakain ni Tinong si Ibarra sa kanilang bahay at niyukuran pa niya ito nang makita sa may tulay ng Espanya sa gitna ng maraming tao at sinabing sila magkaibigan. Sinabi ni Don Primitivo na dapat napakilala si Tinong kay Ibarra pagkat ang mga mabubuti raw ay napaparusahan dahil sa mga masasama. Kayat walang ibang nalalabing paraan kundi ang gumawa ng huling habilin si Tinong. Nawalan ng malay ng di oras si Tinong dahil sa payo. Nang bumalik ang kanyang ulirat, dalawang payo ang ibinigay ni Don Primitivo: (1) magbigay sila ng regalo sa heneral ng kahit anong alahas at idahilan na ito ay pamasko at (2) sunuging lahat ng mga kasilulatan na maaaring makapagpahamak kay Tinong, na katulad ng ginawang pagsunong ni Ibarra sa kanyang mga kasulatan. Boto silang lahat sa payo. Sa kabilang dako sa isang pagtitipon sa Intramuros na dinaluhan ng mga dalaga, mga asawa at mga anak ng kawani ang tema ng kanilang pag-uusap ay ang tungkol din sa naganap na pagaalsa. Ayon sa isang lalaking komang galit na galit daw ang heneral kay Ibarra sapagkat naging napakabuti pa nito sa binata. Sinabi naman ng isang ginang na talagang walang utang na loob ang mga indiyo kayat di dapat silang ituring na mga tunay na tao. Kahit na araw ang itatayong paaralan ay isang pakana lamang sapagkat ang tunay na layunin ni Ibarra ay gawin lamang itong kuta na gagamitin niya sa kanyang pansariling pangangailangan. Sumabad naman ang isa pang babae at ipinaliwanag na is Tinchang daw ay nagregalo ng isang singsing na puno ng brilyante sa heneral. Napalingon ang lalaking komang at tiniyak kung totoo ang balita. Nagdahilan ang pingkok at nanaog na ng bahay. Ilang oras pa ang nakalipas, ang ilang mag-anak sa Tundo ay tumanggap ng mga paanyaya ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga kawal. Ang imbitasyon ay tungkol sa pagtulog ng ilang mayayaman at tanyag na tao sa Fuerza de Santiago na may bantay pa. Si Kapitan Tinong ay kasama sa mga inimbita.

Kabanata 60- Magpapakasal na si Maria Clara Tuwang-tuwa si Kapitan Tiago sapagkat hindi siya nahuli o natanong man lamang. Hindi rin siya nakuryente o nabilanggo sa ilalim ng lupa. Dahil dito, siya ay nagpamisa sa Mahal na Birhen sa Antipolo, Birhen del Rosario at sa Birhen del Carmen. Kung hindi naimbita si Kapitan Tiyago ng pamahalaan, masamang kapalaran naman ang dumapo kay Kapitan Tinong. Tulad ng karamihan siya ay inimbitahan ng pamahalaan. Di nakabuti ito sa kanya ang paglalakbay sa ibatibang tanggapan nito sapagkat ng siya ay lumabas. Siya ay may sakit, putlain, namamanas at di palaimik. Hindi na rin siya bumaba ng bahay, dahil nangangamba itong baka batiin siya ng isang filibustero. Alam ni Tiago ang ganitong sinapit ni Tinong. Dumating sa bahay ni Tiago si Linares at ang mag-asawang de Espadaa na kapwa itinuring na pangkat ng makapamahalaan. Sinarili ni Donya Victorina ang usapan. Sinabi na kung babarilin si Ibarra, iyon ang nararapat sapagkat siya ay isang filibustero. Bagamat namumutla at mahina si Maria, kanyang hinarap ang mga bisita. Humantong ang usapan tungkol sa pagpapakasal nina Maria at Linares. Nagkayarian din na magpapapista si Tiago. Sinabihan niya si Tiya Isabel na kung ano ang nasa loob ni Maria tungkol sa napipinto nitong pakikipag-isang dibdib. Sa wari, desidido na si Tiago na ipakasal si Maria sapagkat nakini-kinita niyang siyay maglalabas-masok sa palasyo sa sandaling maging manugang niya si Linares. Si Linares ang tagapayo ng Kapitan Heneral, kayat inaakala ni Tiago na siya ay kaiinggitan ng mga tao. Kinabukasan, ang bulwagan ni Tiago ay puno ng mga bisitang kastila at intsik. Nangunguna sa mga ito si Padre Salvi, Padre Sibyla, ilang pransiskano at dominikano, ang alperes na ngayon ay tinyente at may grado ng komandante, ang mag-asawang de Espadaa, si Linares na nagpatihuli ng dating at si tenyente Guevarra ng mga sibil. Mangyari pa, ang paksa ng mga babae ay si Maria na kahit malungkot siya ay magalang na tinanggap ang mga bisita. Sinabi ng isang babae na maganda nga raw si Maria, pero ito raw ay tanga naman. Kayamanan lang daw habol ni Linares. Sinabi rin na marunong daw siya sa buhay sapagkat kaya siya ikakasal dahil bibitayin ang unang katipan ni Ibarra. Sa narinig ni Maria lalo siyang nasaktan at naghirap ang kalooban. Iniwan niya ang mga babaing nag-uusap. Sa pulutong ng mga lalaking nag-uusap naman, lumitaw na ang kura ay lilipat na ng Maynila samantalang di tiyak ng alperes kung saan ito madedestino. Ipinaliwanag ni Guevarra na hindi mabibitay si Ibarra na katulad ng mga nangyari kina GOMBURZA at sa halip ito ay ipatatapon lamang. Binanggit din niya ang tungkol sa kaso ng binata at pagkaraan ay binati niya si Maria. Ito raw ay nakakatiyak ng magandang kinabukasan. At nagpaalam na ang tenyente. Nagtungo sa asotea si Maria. Nakita niya ang bangkang pasadsad sa may sadsaran ng bahay ni kapitan Tiago. Puno ng damo ang ibabaw ng bangka at may lulan itong dalawang lalaki. Bumaba ang isa sa lulan ng bangka at pinanhik siya, si Ibarra. Nakatakas siya sa tulong ni Elias. Dumaan lamang ang binata upang ipaalam ang damdamin nito at tuloy bigyan ng laya ang kasintahan tungkol sa kanilang kasunduan. Inilahad ni Maria ang tunay na kasaysayan at pagkatao nito. Napilitan umano itong talikuran ang kanilang pag-iibigan alang-alang sa kanyang inang namayapa at sa dalawang amang nabubuhay pa. Pero wala siyang tanging pag-ibig kundi si Ibarra lamang. Mahigpit na niyapos at pinupog ng halik ni Ibarra si Maria. Matagal. Pagkaraan, lumundag muli ito sa pader at sumakay sa bangka. Nag-alis ng sumbrero si Elias at yumukod kay Maria Sumagwang papalayo sa lumuluhang si Maria.

Kabanata 61- Habulan sa Lawa Habang mabilis na sumasagwan si Elias, sinabi niya kay Ibarra na itatago siya sa bahay ng isang kaibigan sa Mandaluyong. Ang salapi ni Ibarra na itinago niya sa may puno ng balite sa libingan ng ninuno nito ay kanyang ibabalik upang may magamit si Ibarra sa pagpunta nito sa ibang bansa. Nasa ibang lupain daw ang katiwasayan ni Ibarra at hindi nababagay na manirahan sa Pilipinas, dahil ang buhay niya ay hindi inilaan sa kahirapan. Inalok ni Ibarra na magsama na lang sila ni Elias, tutal pareho na sila ng kapalaran at magturingan na parang magkapatid. Pero, tumanggi si Elias. Nang mapadaan sila sa tapat ng palasyo, napansin nilang nagkakagulo ang mga bantay. Pinadapang mabuti ni Elias si Ibarra at tinakpan ng maraming damo. Nang mapadaan sila sa tapat na polvorista, silay pinatigil at tinanong ng bantay si Elias kung saan ito nanggaling. Ipinaliwanag ni Elias na siyay galing ng Maynila at rarasyunan niya ng damo ang hukom at ang kura. Kumbinsido ang bantay sa paliwanag ni Elias kaya ipinatuloy niya ito sa pagsasagwan at pinagbilinan na huwag magpapasakay sa bangka sapagkat katatakas pa lamang ng isang bilanggo. Kung mahuhuli raw ito ni Elias, siya ay bibigyan ng gantimpala. Inilarawan ng bantay ang bilanggong tinutukoy ay nakalebita at mahusay magsalita ng Kastila. Nagpatuloy sa pagsasagwan si Elias. Lumihis sila ng landas. Pumasok sila sa may ilog-Beatang inawit ni Balagtas upang akalaing siya ay tagaPeafrancia. Itinapon ni Elias ang mga damo sa pampang, kinuha ang isang mahabang kawayan at ilang bayong at sumige sa pagsagwan. Nagkuwentuhan muli sina Elias at Ibarra. Nakalabas na sila sa ilog-Pasig At nakarating sa may Sta. Ana. Napadaan sila sa tapat ng bahay-bakasyunan ng mga heswitas kaya hindi maiwasang manariwa sa isip ni Elias ang masasayang araw na tinamasa niya, may magulang, kapatid at maganddang kinabukasan. Namuhay nang masagana at mapayapa. Sumapit sila sa malapad na bato at nang makitang inaantok na bantay na wala siyang kasama at mahihingi, pinaraan niya si Elias. Umaga na ang sapitin nila ang lawa. Pero sa di-kalayuan nabanaagan nila ang isang palwa ng mga sibil na papalapit sa kanila. Pinahiga ni Elias si Ibarra at tinakpan niya ito ng bayong. Nahalata ni Elias na hinahadlangan sila sa baybayin. Kaya sumagwan itong patungo sa may Binangonan, ngunit nagbago rin ng direksyon ang palwa. Tinawag sila. Inisip ni Elias na magbalik sa bunganga ng Ilog-Pasig. Nakuro ni Elias na napagtatalikupan sila at walang kalaban-laban. Isa pa wala silang dala ni isa mang sandata. Mabilis na naghubad ng damit si Elias. Sinabi niya kay Ibarra na magkita na lamang sila sa noche buena sa libingan ng nuno ni Ibarra. Tumayo si Elias at tumalon sabay sikad sa bangka. Ang atensyon ng mga sibil sa palwa at nakasakay sa bangka ay natuon kay Elias. Pinaulanan nila ng punglo ang lugar na pinagtalunan nito. Kapag lumilitaw si Elias pinapuputukan ito. Nang may 50 dipa na lamang ang layo ni Elias sa may pampang, nahapo na ang humahabol sa kanya sa kasasagwan . Makalipas ang tatlong oras ay umalis na ang mga sibil sapagkat napansin nilang may bahid ng dugo sa tubig ng baybayin ng pampang.

Kabanata 62- Nagpaliwanag Si Padre Damaso

Umaga, hindi pansin ni Maria ang maraming regalo na nakabunton sa itaas ng hapag. Ang mga mata niya ay nakapako sa diyaryong nagbabalita tungkol sa pagkamatay o pagkalunod ni Ibarra. Pero, hindi naman binabasa ni Maria ang Diyaryo. Pamaya-maya dumating si Padre Damaso na hinilingan kaagad ni Maria na sirain ang kasunduan ng kanyang kasal kay Linares at pangalagaan ang kapakanan ng ama. Sinabi ni Maria na ngayong patay na si Ibarra walang sinumang lalaking kanyang pakakasalan. Dalawang bagay na lamang ang mahalaga sa kanya, ang kamatayan o ang kumbento. Napagmuni ni Padre Damaso na pinaninindigan ni Maria ang kanyang sinabi, kaya humingi ito ng tawad sa kanya. Napahagulgol pa ito ng malakas habang binibigyan diin niya ang walang kapantay na pagtingin kay Maria. Wala siyang nagawa kundi pahintulutan na pumasok sa kumbento si Maria kaysa piliin nito ang kamatayan. Umalis si Padre Damaso na sakbi ng lumbay. Tumingala ito sa langit at pabulong na sinabing totoo ngang may Diyos na nagpaparusa. Hiniling niya sa Diyos na siya ang parusahan at huwag ang walang malay niyang anak na nangangailangan ng kanyang pagkalinga. Damdam na damdam ng pari ang kasiphayuang dinaranas ni Maria. Kabanata 63- Noche Buena May isang kubo na yari sa balu-baluktot na sanga ng kahoy ang nakatayo sa libis ng isang bundok. Sa dampa ay mayroong nakatirang mag-anak na tagalog na nabubuhay dahil sa pangangaso at pangangahoy. Sa lilim ng isang puno mayroong isang matanda na gumagawa ng walis. Sa isang tabi naman mayroong isang dalaga na naglalagay ng mga itlog ng manok, gulay at dayap sa isang bilao. Sa dikalayuan, may isang batang lalaki at batang babae ang naglalaro sa tabi ng isang payat at putlain. Ang batang nakaupo sa nakabuwal na kahoy ay si Basilio, may sugat ito sa paa. Inaaliw siya ng dalawang batang naglalaro. Nang utusan ng matanda ang apong dalaga na ipagbili ang mga nagawang walis, sinabi niya kay Basilio na may dalawang buwan na ang nakakaraan nang ito ay kanilang matagpuang sugatan at kalingain pagkatapos. Isinalaysay naman ang tungkol sa buhay nilang mag-anak. Kaya, nang ito ay magpaalam na uuwi na sa kanila, siya ay pinayagan ng matanda at ipinagbaon pa niya ng pindang na usa para sa kanyang inang si Sisa. Samantala, noche buena na, ngunit ang mga taga-San Diego ay nangangatog sa ginaw bunga ng hanging amihan na nagmumula sa hilaga. Hindi katulad ng nakaraan na masayang-masaya ang mgat tao. Ngunit ngayon lungkot na lungkot ang buong bayan. Wala man lamang nakasabit na mga parol sa bintana ng bahay. Kahit na sa tahanan ni Kapitan Basilio ay wala ring kasigla-sigla. Kausap ng kapitan si Don Filipo na napawalang sala sa mga bintang na laban dito nang mamataan nila si Sisa na isa ng palaboy. Pero, hindi naman nananakit ng kapwa. Ang pinsan nitong si Victoria at si Iday. Si sinang ay tumanggap ng liham buhat kay Maria subalit hindi niya ito binubuksan sa takot na malaman ang nilalaman. Habag na habag ang magkakaibigan sa magkasintahang Maria at Ibarra. May kumalat namang balita na ang pagkakaligtas ni Kapitan Tiyago mula sa bibitayin ay utang niya kay Linares. Nakarating na si Basilio sa kanilang tahanan. Pero, wala ang kanyang ina. Paika-ika niyang tinalunton ang landas patungo sa tapat ng bahay ng alperes. Nanduon ang ina, umaawit ng walang katuturan. Inutusan ng babaing nasa durungawan ang sibil na papanhikin si Sisa. Subalit nang makita ni Sisa ang tanod, kumaripas ito ng takbo. Takot. Hinabol ni Basilio ang ina, pero binato siya ng alilang babaing nasa daan. Nasapol sa ulo si Basilio pero hindi ito tumigil sa pagsunod sa

inang tumatakbo. Nakarating sila sa may guabat. Pumasok sa pinto ng libingan ng matandang kastila si Sisa. Ito ay nasa tabi ng punong baliti. Pilit na binubuksan ito ni Basilio. Nakita niya ang isang sanga ng baliting nakakapit sa kinaroroonan ng ina. Kaagad niya itong niyakap at pinaghahagkan hanggang sa mawalan ng ulirat. Nang makita naman ni Sisa ang duguang ulo si Basilio, unti-unting nagbalik ang katinuan ng kanyang isip. Nakilala rin niya ang anak. Napatili ito ng malakas at biglang napahandusay sa ibabaw ng ank. Nawalan ng malay. Nang magbalik naman ng ulirat si Basilio at nakita ang ina, kumuha ito ng tubig at winisikan sa mukha. Dinaiti niya ang kanyang taynga sa dibdib ni Sisa. Sinakmal ng matinding pagkasindak si Basilio. Patay na ang kanyang ina. Buong higpit na niyakap niya ang malamig na bangkay ng ina at napahagulgol ng malaks, pasubsob sa ina. Nang mag-angat siya ng ulo, nakita niya ang isang taong nagmamasid sa kanya. Tumango si Basilio nang tanungin siya ng tao kung anak siya ng namatay. Hinang-hina ang lalaking sugatan, hindi niya matutulungan si Basilio na mailibing si Sisa. Sa halip pinagbilinan niya si Basilio na mag-ipon ng maraming tuyong kahoy at ibunton sa bangkay ng kanyang ina at pagkaraan sila ay silaban hanggang sa maging abo ang kanilang katawan. Itinagubilin rin ng lalaki kay Basilio ang malaking kayamanan na nakabaon sa may puno ng balite. Kay Basilio na raw ito kung walang ibang dumating na tao upang gamitin niya sa pag-aaral. Ang lalaking sugatan na kausap ni Basilio na dalawang araw ng hindi kumakain at sa wari ay malapit ng mamamatay ay si Elias. At lumakad na si Basilio upang manguha ng panggatong. Si Elias ay tumanaw naman sa dakong silangan at nagwikang higit pa sa isang dalangin. Siya ay babawian ng buhay nang di nakikita ang pagbubukang-liwayway ng bayang kanyang minamahal. Sa mga mapalad, huwag lamang daw limutin nang ganap ang mga nasawi sa dilim ng gabi. Sa pagkakatingala niya sa langit, kumibot hanggang sa unti-unting nabuwal sa lupa. Nang magmamadaling-araw, namalas ng buong bayan ng San Diego ang isang malaking siga na nagmumula sa may lugar na kinamatayan ni Sisa at Elias. Sinisi pa ni Manang Rufa ang gumawa ng siga na hindi raw marunong mangilin sa araw ng pagsilang ni Hesus. Kabanata 64- Katapusan Magmula ng pumasok sa kumbento si Maria, nanirahan na si Padre Damaso sa Maynila. Di nagtagal, siya ay inilipat ng padre provincial sa isang malayong probinsiya. Kinabukasan, siya ay nakitang bangkay sa kanyang higaan. Sa pagsusuri ng doktor, sama ng loob o bangungot ang sanhi ng kanyang ikinamatay. Sa kabilang dako, si Padre Salvi habang hinihintay niya ang pagiging obispo ay nanungkulan pansamantala sa kumbento ng Sta. Clarang pinasukan ni Maria Clara. Kasunod nito ay umalis na rin sa San Diego at nanirahan na sa Maynila. Ilang linggo naman bago naging ganap na mongha si Maria, si Kapitan Tiago ay dumanas ng sapin-saping paghihirap ng damdamin, nangayayat ng husto, naging mapag-isip at nawalan ng tiwala sa mga kainuman. Pagkagaling niya sa kumbento, sinabihan niya si Tiya Isabel na umuwi na ito sa Malabon o sa San Diego sapagkat gusto na lamang mabuhay mag-isa. Ang lahat ng mga santo at santang kanyang pinipintakasi at nalimot na niya. Ang kanyang inaatupag ay ang paglalaro ng liyempo, sabong at paghitit ng marijuana. Madalas tuwing takip-silim ay makikita siya sa tindahan ng intsik sa Sto. Cristo. Di nagtagal, napapayaan niya ang kanyang katawan at kabuhayan. Ang kanyang dating marangyang tahanan ay mayroong nakasulat sa pintuan na: Fumadero Publico de Anfion. Ganap na siyang nalimot ng mga tao. Wala

ni isa mang nakakaalala sa kanya, siya na isang tanyag at dating iginagalang. Nagdagdag ng mga kulot sa ulo si Donya Victorina upang mapagbuti ang pagbabalatkayo niyang siyay taga-Andalucia. Siya ngayon ang nangungutsero. Si Don Tiburcio ay hindi na niya pinakikilos. Nagsasalamin na ito. Hindi na rin siya natatawag bilang "doktor" para mag-gamot. Wala na rin siyang ngipin.

You might also like