You are on page 1of 2

Shea Cherisse G.

Ibanez

Journal sa Filipino 9
Journal #16. Bakit hindi tamang pag-isipan ng masama o kutyain ang isang tao dahil
siya ay nagtataglay ng kilos o ugaling naiiba sa karaniwan?

Dahil hindi natin sila kilala at hindi natin alam ang nangyayari sa buhay nila o ang
pinagdadaanan nila. Ayon sa kasabihang "Do not judge the book by it's cover" na sa
tagalog ay Huwag mong husgahan ang isang tao sa kanyang panlabas na anyo.
Kahit na sila ay nagkakamali, hindi pa rin natin alam ang wastong pangyayari.

Journal #17. Bakit mahalagang gampanan ng bawat miyembro ng pamilya ang kani-
kanilang tungkulin sa tahanan?

Mahalaga ito dahil dito nag papakita ang kanilang matibay at pagmamahalan ng
samahan at nagpapakita ito ng pagtutulungan sa isa’t isa sa bawat miyembro ng
pamilya. Upang maipakita ng bawat miyembro ang pagmamalasakit at pagmamahal
nila sa isat isa.

Journal #18. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng mabuting reputasyon o pangalan


ng mga magulang? Ikaw, paano mo iniingatan ang reputasyon ng inyong pamilya?

Sapagkat ito ang nagbibigay ng batayan ng respeto ng mag-anak sa lipunan.


Nagiging maganda ehemplo ang magandang reputasyon ng mga magulang sa
kanilang mga anak. Ang mga magulang ang nagluwal sa atin dito sa mundo. Sila
ang mga taong nagiging malaking impluwensya. Sila nag kadalasang nagiging
basahin ng kung ato man tayo. Malaki ang kanilang ambag sa ating pagkatao tulad
ng ating mga pangangailang basic; pagkain, damit, pasilungan at ang pagmamahal.
Magiging mabait ako at hindi ko sasawayin ang mga utos ng aking pamilya.
Sasabihin ko ang totoo at makikinig sa mga payo ng aking mga magulang.
Tutulungan ko ang aking mga lolo at lola sa iba't ibang bagay. Sasabihin ko ang
aking mga problema at hindi ko iyon isasarili. Hindi ko aawayin ang aking kapatid at
irerespeto ko ang aking pamilya. Mamahalin ko sila ng walang hanggan at hindi ako
susuko para sa kanila. Gagawin ko ang lahat para makatulong sa kanila. Hindi ko
hahayaang masisira ang aming pagmamahal sa isa't isa.

Journal#19. Paano mo maipadarama sa iyong mga guro ang paggalang at


pagpapahalaga mo sa kanilang mga ginagawa?

Makinig at sumunod sa lahat ng turo ng guro sapagkat ang nais nila ay matuto ang
kanilang mga mag-aaral. Huwag dumagdag ng ingay o problema sa loob ng
paaralan sapagkat ang guro ay halos 24 oras nagtatrabaho. Mahalin ang guro sa
simpleng pagbati sa kanila.

Journal #20. Bakit kailangang maging mulat ang isipan sa mga pangyayaring
nagaganap sa lipunan? Paano ito makatutulong sa pagkamit ng katarungan?

Kailangan maging mulat ang mga pinoy sa pagmomolestya ng gobyrno sa lipunan.


Makatulong ito upang makamit ang katarungan sa pamamagitan ng pagkakaisa ng
mga tao sa mga ginagawa ng gobyerno sa sambayanang pilipino. Lalo na kung
mamumulat ang pinoy sa ginagawang pambubulag ng gobyerno sa mga pilipino.

Journal #21. Bakit mahalagang ingatan ang pangalan lalo na kung ikaw ay isang
lider o pinuno?

Para sa akin, maraming mga tao ang kumikilala sa iyo dahil isa kang
lider.Inaasahan ka na maging isang role model, kaya ang iyong gagawin o ginagawa
ay maaaring makaapekto sa iyong pinamumunuan na maaaring ikasama o ikabuti
nila.

You might also like