You are on page 1of 12

9

ARALING PANLIPUNAN
QUARTER 4 – MODULE 5
SEKTOR NG PAGLILINGKOD
ALAMIN
MAGANDANG ARAW!
Ano ang iyong pananaw sa mga manggagawang Pilipino? Obserbahan ang iyong paligid at tignan
ang nakapaligid na establisyemento sa inyong lugar. Napansin mo ba ang mga manggagawa rito?
Ang kanilang halaga ay hindi matutularan. Mula sa serbisyo ng,transportasyon,komunikasyon at
edukasyon. Sila ay may importanteng papel sa takbo ng pambansang ekonomiya.

Sa Modyul na ito ay iyong matututunan ang Sektor ng Paglilingkod; kung saan, iyong malalaman
ang kahalagahan ng bawat manggagawa sa ekonomiya ng ating bansa.

MELC (Pinakamahalagang Pamantayan sa Pagkatuto)


Nabibigyang halaga ang mga gampanin ng sektor ng paglilingkod at mga patakarang pang-
ekonomiyang nakatutulong dito.

Sa araling ito, inaasahang matututuhan ang mga sumusunod:


1. natutukoy ang bahaging ginagampanan ng sektor ng paglilingkod sa pambansang ekonomiya;
2. naiisa-isa ang mga patakarang pang-ekonomiya na nakakatulong sa sektor ng paglilingkod;
3. napahahalagahan ang mga gampanin ng sektor ng paglilingkod sa pagtamo ng pambansang
kaunlaran..

TUKLASIN AT SURIIN
ANG SEKTOR NG PAGLILINGKOD

Sa ekonomiya ng isang bansa, hindi lamang mga produkto tulad ng


mga damit, kasangkapan, gamot, at pagkain ang kinokonsumo ng mga
mamamayan. May mga pangangangailangan din sila bukod sa mga
produktong agrikultural at industriyal. Ang sektor ng paglilingkod ay
binubuo ng sub-sektor sa pananalapi, insurance, komersiyo, real
estate, kalakalang pakyawan at pagtitingi, transportasyon, pag-iimbak,
http://clipart-library.com/juiyu6-cliparts.html
komunikasyon, at mga paglilingkod na pampamayanan, panlipunan,
at personal. Ang mga sektor na nabanggit ay may mahalagang papel sa kabuuang ekonomiya ng
bansa. Importante ang sektor ng kalakalan ng pagtitingi (retail) at pamamakyaw (wholesale) upang
tiyaking makarating sa mga mamimili ang mga produkto mula sa sakahan o pagawaan. Malaki
rin ang naiaambag ng sektor ng paglilingkod sa GDP ng Pilipinas. Sa kasalukuyan, ang paglakas
ng Business Processing Outsourcing (BPO) lalo na ang call center na nagbibigay ng trabaho sa
maraming Pilipino ay malaki ang naitutulong sa ekonomiya .

Ang pormal na industriyang bumubuo sa sektor ng paglilingkod ay ang sumusunod:


● TRANSPORTASYON,KOMUNIKASYON, AT MGA IMBAKAN
A. Ito ay binubuo ito ng mga paglilingkod na nagmumula sa pagbibigay ng publikong
sakayan, mga paglilingkod ng telepono, at mga pinapaupahang bodega.
(Balitao, B. et. al., Ekonomiks. Philippines: DepEd-IMCS (2015) p. 461)

1
● KALAKALAN
Ito ang mga gawaing may kaugnayan sa pagpapalitan ng iba’t-ibang produkto
● PANANALAPI
Ito ay kabilang ang mga paglilingkod na binibigay ng iba’t ibang institusyong pampinansiyal tulad
ng mga bangko, bahay-sanglaan, remittance agency, foreign exchange dealers at iba pa.
● PAUPAHANG BAHAY AT REAL ESTATE
Tumutukoy sa mga paupahan tulad ng mga apartment, mga developer ng subdivision, town
house, at condominium.
● PAGLILINGKOD NG PAMPRIBADO
Tumutuloy sa lahat ng mga paglilingkod na nagmumula sa pribadong sektor ay kabilang dito.
● PAGLILINGKOD PAMPUBLIKO
Tinutukoy ang lahat ng paglilingkod na ipinagkakaloob ng pamahalaan.

MGA AHENSIYANG TUMUTULONG SA SEKTOR NG PAGLILINGKOD

Department of Labor & Employment(DOLE)- nagsusulong ng malaking


pagkakataon para sa mga pagtatrabaho, humuhubog sa kakayahan ng mga
manggagawa.Pinapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa industriya ng
paggawa sa bansa.
Source:dole.gov.ph

Overseas Workers Welfare Administration(OWWA)- ahensiya ng pamahalaan


na tumitingin sa kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers

Source:owwa.gov.ph

Philippine Overseas Employment Administration (POEA) itinatag sa bisa ng


Executive Order 797 noong 1982 na may layuning isulong at paunlarin ang
mga programa ukol sa paghahanapbuhay sa ibayong-dagat at pangalagaan ang
kapakanan ng mga OFW.
Source: poea.gov.ph

Technical Education and Skills Development Authority(TESDA)- Itinatag sa


bisa ng R.A.7796. Hinikayat nito ang buong partisipasyon ng mga institusyong
teknikal at bokasyonal upang sanayin at paunlarin ang kasanayan ng mga
manggagawa sa bansa.

Source: tesda.gov.ph

Professional Regulation Commission(PRC)- nangangasiwa at sumusubaybay


sa gawain ng mga manggagawang propesyonal.

Source: prc.gov.ph
h

Commission on Higher Education(CHED)- nangangasiwa sa Gawain ng mga


pamantasan at kolehiyo sa bansa upang maitaas ang kalidad ng edukasyon
sa mataas na antas.( Balitao,B. et. al.Ekonomiks.Philippines:DepEd-IMCS (2015) pp.
461 at 467)

Source:ched.gov.ph
2
MGA BATAS NA NANGANGALAGA SA KARAPATAN NG MANGGAGAWA
SALIGANG BATAS NG 1987– ARTICLE 13
KATARUNGANG PANLIPUNAN AT MGA KARAPATANG PANTAO SA PAGGAWA

Sektor ng Paglilingkod
Seksyon 3 Dapat magkaloob ang estado ng
lubos naproteksyon sa paggawa, sa lokal at sa
ibayong dagat, organisado at di organisado, at
dapat itaguyod ang puspusang employment at
pantay na mga pagkakataon sa trabaho empleyo
para sa lahat.
Ang Handbook ng Bureau of Working
Conditions ng Department of Labor and
Employment ay ukol sa mga benepisyo ng mga
http://clipart-library.com/clipart/bpiqMzqc9.html manggagawa ayon sa batas. Ito ang
magsisilbing gabay at makapagbibigay ng
dagdag kaalaman tungkol sa mga umiiral na batas sa larangan ng paggawa. Narito ang ilan sa
mahahalagang probisyon ng nasabing handbook.
• Republic Act No. 6727 (Wage Rationalization Act)
– nagsasaad ng mga mandato para sa pagsasaayos ng pinakamababang pasahod o minimum wage
na naaangkop sa iba’t ibang pang-industriyang sektor na kinabibilangan ng sumusunod: hindi
pang-agrikultura (non-agriculture), plantasyong pang-agrikultura at di-pamplantasyon,
cottage/sining sa pagyari sa kamay, at pagtitingi/serbisyo, depende sa bilang ng mga
manggagawa o puhunan o taunang kita sa ilang mga sektor.
• DAGDAG NA BAYAD TUWING PISTA OPISYAL (Holiday Pay - Artikulo 94) - tumutukoy
sa bayad sa isang manggagawa na katumbas ng isang (1) araw na sahod kahit hindi pumasok sa
araw ng pista opisyal.
• DAGDAG NA BAYAD TUWING ARAW NG PAHINGA O SPECIAL DAY (Premium Pay -
Artikulo 91-93) - karagdagang bayad sa manggagawa sa loob ng walong (8) oras na trabaho sa
araw ng pahinga at special days
• DAGDAG NA BAYADPARA SA TRABAHO NG LAMPAS SA WALONG ORAS (Overtime Pay
- Artikulo 87) - karagdagang bayad sa pagtatrabaho na lampas sa walong (8) oras sa isang araw
• DAGDAG NA BAYAD SA PAGTATRABAHO SA GABI (Night Shift Differential - Artikulo
86) - karagdagang bayad sa pagtatrabaho sa gabi na hindi bababa sa sampung porsiyento (10%)
ng kaniyang regular na sahod sa bawat oras na ipinagtrabaho sa pagitan ng ikasampu ng gabi at
ikaanim ng umaga
• SERVICE CHARGES (Artikulo 96) - Lahat ng manggagawa sa isang establisimyento o
kahalintulad nito na kumokolekta ng service charges ay may karapatan sa isang pantay o tamang
bahagi sa walumpu’t limang porsiyento o bahagdan (85%) na kabuuang koleksiyon. Ang service
charges ay kadalasang kinokolekta ng halos lahat ng hotel, kainan o restaurant, night club,
cocktail lounges at iba pa.
• SERVICE INCENTIVE LEAVE (SIL – Artikulo 95) - Ang bawat manggagawa na
nakapaglilingkod nang hindi kukulangin sa isang (1) taon ay dapat magkaroon ng karapatan sa
taunang service incentive leave (SIL) na limang (5) araw na may bayad.
• MATERNITY LEAVE (RA 1161, as amended by RA 8282) - Ang bawat nagdadalang-taong
manggagawa na nagtatrabaho sa pribadong sektor,kasal man o hindi, ay makatatanggap ng
maternity leave na animnapung (60) araw para sa normal na panganganak o pagkakunan; o
pitumpu’t walong (78) araw para sa panganganak sa pamamagitan ng caesarian section, kasama
ang mga benipisyong katumbas ng isang daang porsyento (100%) ng humigit kumulang na
arawang sahod ng manggagawa na nakapaloob sa batas .
(Balitao, B. et. al., Ekonomiks. Philippines: DepEd-IMCS(2015),pp.469-472

3
• PATERNITY LEAVE (RA 8187) - maaaring magamit ng empleyadong lalaki sa unang apat
(4) na araw mula ng manganak ang legal na asawa na kaniyang kapisan; Para sa layuning ito, ang
“pakikipagpisan” ay tumutukoy sa obligasyon ng asawang babae at asawang lalake na magsama
sa iisang bubong.
• PARENTAL LEAVE PARA SA SOLONG MAGULANG (RA 8972) - ipinagkakaloob sa
sinumang solong magulang o sa indibidwal na napagiwanan ng responsibilidad ng pagiging
magulang
• LEAVE PARA SAMGA BIKTIMA NG PANG-AABUSO LABAN SA KABABAIHAN
ATKANILANG MGA ANAK (Leave for Victims of ViolenceAgainst Women and their Children -
RA 9262) –Ang mga babaeng empleyado na biktima ng pang-aabusong pisikal, seksuwal,
sikolohikal, o anumang uri ng paghihirap, kasama na rin dito ang hindi pagbibigay ng sustento,
pagbabanta, pananakit, harassment, pananakot, at hindi pagbibigay ng kalayaang makisalamuha
o makalabas ng tahanan mula sa kaniyang asawa, dating asawa o kasintahan ang may
karapatang gumamit ng leave na ito.
• SPECIAL LEAVE PARA SA KABABAIHAN (RA 9710) - Kahit sinong babaeng manggagawa,
anoman ang edad at estadong sibil, ay may karapatan sa special leave benefit kung ang
empleyadong babae ay mayroong gynecological disorder na sinertipikahan ng isang competent
physician.
• THIRTEENTH-MONTH PAY (PD 851) - Lahat ng empleyo ay kinakailangang magbayad sa
lahat ng kanilang rank-and-file employees ng thirteenth-month pay anumang estado ng kanilang
pagkakaempleyo at anoman ang paraan ng kanilang pagpapasahod. Kinakailangan lamang na
sila ay nakapaglingkod nang hindi bababa sa isang buwan sa isang taon upang sila ay
makatanggap ng proportionate thirteenth-month pay. Ang thirteenth-month pay ay ibinibigay sa
mga empleyado nang hindi lalagpas ng ika-24 ng Disyembre bawa’t taon.
• BAYAD SA PAGHIWALAY SA TRABAHO (Separation Pay - Artikulo 297-298) - Kahit sino
mang manggagawa ay may karapatan sa separation pay kung siya ay nahiwalay sa trabaho sa
mga dahilan na nakasaad sa Artikulo 297 at 298 ng Labor Code of the Philippines. Ang karapatan
ng manggagawa sa separation pay ay nakabase sa dahilan ng kaniyang pagkakahiwalay sa
paglilingkod. Maaaring mahiwalay sa trabaho ang manggagawa kung may makatwirang
kadahilanan (i.e., malubha o palagiang pagpapabaya ng manggagawa sa kaniyang mga tungkulin,
pandaraya, o paggawa ng krimen), at iba pang mga kahalintulad na dahilan na nakasaad sa
Artikulo 296 ng Labor Code. Sa pangkalahatan, maaari lamang magkaroon ng bayad sa
paghihiwalay sa trabaho kung may mga awtorisadong kadahilanan.
• BAYAD SA PAGRERETIRO (Retirement Pay - Artikulo 3015) - Ang sinumang
manggagawa ay maaaring iretiro sa sandaling umabot siya sa edad na animnapung (60) taon
hanggang animnapu’t limang (65) taong gulang at nakapagpaglilingkod na ng hindi kukulangin
sa limang (5) taon.
• BENEPISYO SA EMPLOYEES’ COMPENSATION PROGRAM (PD
626) - isang programa ng pamahalaan na dinisenyo upang magbigay ng isangcompensation
package sa mga manggagawa o dependents sakaling may kaganapang pagkakasakit na may
kaugnayan sa trabaho, pinsala, kapansanan, o kamatayan.
• BENEPISYO SA PHILHEALTH(RA 7875,as amended by RA 9241) - Ang National Health
Insurance Program (NHIP), dating kilala bilang Medicare, ay isang health insurance program para
sa mga kasapi ng SSS at sa kanilang dependents kung saan ang walang sakit ay tumutulong sa
pananalapi sa may sakit, na maaaring mangangailangan ng pinansiyal na tulong kapag sila ay
na-ospital.
(Balitao, B. et. al., Ekonomiks. Philippines: DepEd-IMCS(2015),pp.469-472)
• BENEPISYO SA SOCIAL SECURITY SYSTEM(RA 1161, as amended by RA 8282) -
nagbibigay ng isang pakete ng mga benepisyo sa pagkakataon ng kamatayan, kapansanan,
pagkakasakit, pagiging ina, at katandaan ng empleyado. Ang Social Security System(SSS) ay
nagbibigay bilang kapalit sa nawalang kita dahil sa mga nabanggit na contingencies.

4
• BENEPISYO SA PAG-IBIG(Republic Act No. 9679) - Ang Home Development Mutual Fund,
na kilala bilang Pag-IBIG (Fund ay isang a mutual na sistema nang pag-iimpok at pagtitipid para
sa mga nakaempleyo sa pribado at pamahalaan at sa iba pang grupo na kumikita, na suportado
sa pamamagitan ng parehas na ipinag-uutos na mga kontribusyon ng kani-kanilang mga may-
pagawa na ang pangunahing investment ay pabahay.
(Balitao, B. et. al., Ekonomiks. Philippines: DepEd-IMCS(2015),pp.469-472)

MGA GAWAIN
Gawain 1: Logo Ko, Sagot Mo!

Panuto: Sundin mabuti ang mga logo sa tsart ng mga iba’t ibang ahensya ng Pilipinas. Isulat kung anong
ahensiya at ang kahalagahan nito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Pangalan ng Ahensya Kahalagahan ng Ahensya

5
GAWAIN 2: Hanap Salita
Panuto: Basahin ang mga palatandaan sa ibaba at sagutin ang crossword puzzle. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
Across
1. Ang industriyang kinabibilangan ng mga call center agent
2. Sub-sektor na kinabibilangan ng mga pinapaupahang bodega
3. Ang pangunahing “skill” ng isang manggagawa upang malinang ang kanyang kakayahan.
Down
1. Ang alternatibong pagbibigay ng produkto sa ekonomiks at malaking sektor nito
2. May kaugnayan sa pagpapalitan ng iba’t-ibang produkto
3. Sub-sektor na kinabibilangan ng mga bangko
4. Subsektor na kinabibilangan ng mga pampublikong sasakyan
5. Sub-sektor na kinabibilangan ng mga pinauupahang bahay
6. Batas na pinagmulan ng natalakay na Artikulo 13
7. Ito ang tawag sa isang manggagawa na nasa isang larangang hindi pang amateur

Gawain 3: Batas ko, Alamin Mo!


Panuto: Isulat ang layunin ng bawat probisyon ng batas na nangangalaga sa mga manggagawa.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

6
TAYAHIN
I. Panuto: Basahin ang pahayag sa bawat bilang at isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang
papel.
1. Sektor na nagbibigay ng serbisyo sa mga negosyo at mga konsyumer.
A. Impormal na sektor
B. Sektor ng Agrikultura
C. Sektor ng Industriya
D. Sektor ng Paglilingkod
2. Pangunahing gampanin ng sektor ng paglilingkod.
A. Nagbibigay ng pagkain sa tao.
B. Nagbibigay ng materyal para makabuo ng produkto.
C. Nagkakaloob ng kitang panlabas.
D. Nagbibigay ng serbisyo na tutugon sa pangangailangan ng tao .
3. Ang serbisyong may kaugnayan sa pagpapalitan ng iba’t ibang produkto.
A. Kalakalan C. Paupahang Bahay
B. Pananalapi D. Transportasyon
4. Ang ahensiya ng pamahalaan na tumutugon sa kapakanan ng mga Overseas Filipino
Workers.
A. DOLE B. OWWA C. POEA D. TESDA
5. Alin ang nangangasiwa at sumusubaybay sa gawain ng mga manggagawang propesyonal?
A. CHED B. OWWA C. PRC D. TESDA
6. Karagdagang bayad sa pagtatrabaho na lampas sa walong (8) oras sa isang araw?
A. Overtime Pay C. Holiday
B. Performance Bonus Pay D. Sick Leave Salary
7. Ipinagkakaloob sa solong magulang o indibidwal na napag-iwanan ng responsibilidad
bilang magulang.
A. Maternity Leave C. Paternity Leave
B. Parental leave for solo parents D. Nepotic Leave
8. Programa ng pamahalaan na nagbibigay ng compensation package sa mga manggagawa.
A. Philhealth C.Employees Compensation Program
B. PAG-IBIG D. Insurance
9. Batas na nagbibigay proteksiyon sa mga pang-aabuso sa mga kababaihan at kabataan.
A. Republic Act 9255 C. Republic Act 2256
B. Republic Act 149 Republic Act 9262
10. Ang nagsisilbing gabay at nakapagbibigay ng dagdag kaalaman tungkol sa mga umiiral na
batas sa larangan ng paggawa
A. Handbook ng Bureau of Working Condition ng DOLE
B. Handbook ng Bureau of Working Condition ng POEA
C. Handbook ng Bureau of Working Condition ng OWWA
D. Handbook ng Bureau of Working Condition ng TESDA

II.Panuto: Isulat ang TAMA kung ang salitang nasalungguhitan ay angkop sa pangungusap,
MALI kung hindi angkop ang salita sa pangungusap. Isulat sa sagutang papel.
_______1. Ang sahod ay kabayarang ipinagkakaloob sa mga manggagawa.
_______2. Ang Kalakalan ay may kaugnayan sa pagpapalitan ng iba’t-ibang produkto.
________3. Ang kapulisan ay nabibilang sa pribadong sektor.
________4. Ang Department of Education ay ahensiyang nangangasiwa sa lahat ng may
kaugnayan sa edukasyon.
________5. Ang Overseas Workers Welfare Administration ay tumutugon sa kapakanan ng mga
manggagawang Filipino sa ibayong dagat.

7
III.Panuto: Sumulat ng liham sa tanggapan ng Pangulo ng Bansa tungkol sa iyong mga
natutuhan sa sektor ng paglilingkod, sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. Gamiting gabay ang
rubrik sa pagsasagawa ng gawain.

RUBRIK PARA SA BUKAS NA LIHAM


Pamantayan Puntos
Nilalaman/Orihinalidad 4
Makatotohanan ang binanggit na paraan 3
ng pagsasabuhay ng mga
pagpapahalagang natutuhan sa paksa.
Istruktura/Gramatika 3
Kabuuan 10

8
9
Gawain 3
-Holiday Pay - Artikulo 94
Gawain 1
tumutukoy sa bayad sa isang manggagawa na katumbas ng
isang (1) araw na sahod kahit hindi pumasok sa araw ng pista AHENSIYA Kahalagahan
opisyal.
-Premium Pay - Artikulo 91-93 Technical Hinikayat nito ang buong
karagdagang bayad sa manggagawa sa loob ng walong (8) oras Education and partisipasyon ng
na trabaho sa araw ng pahinga at special days Skills industriya, paggawa, mga
-Overtime Pay Development local na pamahalaan at
karagdagang bayad sa pagtatrabaho na lampas sa walong (8) Authority mga institusyong teknikal
oras sa isang araw (TESDA) at bokasyonal upang
-Night Shift Differential Pay sanayin at paunlarin ang
karagdagang bayad sa pagtatrabaho sa gabi na hindi bababa sa kasanayan ng mga
sampung porsiyento (10%) ng kaniyang regular na sahod sa manggagawa sa bansa.
bawat oras na ipinagtrabaho sa pagitan ng ikasampu ng gabi at
ikaanim ng umaga
Professional Nangangasiwa at
-Service Charge
Regulation sumusubaybay sa gawain
Sinisingil ng Bawat Establisyemento
Commission ng mga manggagawang
-SSS Benefit
(PRC) propesyonal.
nagbibigay ng isang pakete ng mga benepisyo sa pagkakataon ng
kamatayan, kapansanan, pagkakasakit, pagiging ina, at
Commission N nangangasiwa sa
katandaan ng empleyado.
on Higher Gawain ng mga
-PAG-IBIG Benefit Education pamantasan at kolehiyo sa
mutual na sistema nang pag-iimpok at pagtitipid para sa mga (CHED) bansa upang maitaas ang
nakaempleyo sa pribado at pamahalaan at sa iba pang grupo na kalidad ng edukasyon sa
kumikita, na suportado sa pamamagitan ng parehas na ipinag- mataas na antas.
uutos na mga kontribusyon ng kani-kanilang mga may-pagawa
na ang pangunahing investment ay pabahay
-Special Leave Overseas Ahensiya ng pamahalaan
Workers na tumitingin sa
Leave kung ang empleyadong babae ay mayroong gynecological
Welfare kapakanan ng mga
disorder na sinertipikahan ng isang competent physician. Administration Overseas Filipino Workers
-Employee's Compensation Program (OWWA)
isang programa ng pamahalaan na isangcompensation package
sa mga manggagawa
-Philhealth Benefit
ay isang health insurance program para sa mga kasapi at
dependents
Department of nagsusulong ng malaking
Labor & pagkakataon para sa mga
Employment pagtatrabaho, humuhubog
Gawain 2 (DOLE) sa kakayahan ng mga
manggagawa.Pinapanatili
ang kaayusan at
ACROSS kapayapaan sa industriya
1. Business Process Outsourcing ng paggawa sa bansa.
2. Pag-iimbak
3. Espesyalisasyon
Philippine May layuning isulong at
Overseas paunlarin ang mga
DOWN Employment programa ukol sa
1. paglilingkod Administration paghahanapbuhay sa
(POEA) ibayong-dagat at
2. kalakalan pangalagaan ang
3. pananalapi kapakanan ng mga OFW.
4. transportasyon
5. realestate
6. saligangbatas
7. professional
SAGOT SA MGA GAWAIN
SANGGUNIAN

A. Aklat
1. Araling Panlipunan 9 Curriculum Guide
2. Balitao, B. et. Al., Ekonomiks. Philippines: DepEd-IMCS (2015).

B. Larawan
1. http://clipart-library.com/juiyu6-cliparts.html
2. http://clipart-library.com/clipart/bpiqMzqc9.html
3. tesda.gov.ph
4. ched.gov.ph
5. prc.gov.ph
6. owwa.gov.ph
7. dole.gov.ph
8. poea.gov.ph

BUMUO SA PAGSUSULAT NG MODYUL


Manunulat Leonida B. Calabiao
Tagasuri
Dr. Marilex A. Tercias Alberto O. Rabang
Ma. Jocelyn J. Sotong Zosima Irene H. Fernandez
Aloha P. Molina Jo Ann B. Domaoal
Nelson T. Ocasion
Tagalapat Geni M. Sarmiento
Tagapamahala
Dr. Danilo C. Sison Dr. Arlene B. Casipit
Dr. Cornelio R. Aquino Dr. Jerome S. Paras
Dr. Maybelene C. Bautista

10
SAGOT SA TAYAHIN

I II III.

1. D 1. Serbisyo Maaaring magkaiba ang sagot ng mga bata


2. D 2. Tama basta’t ito ay naaayon sa rubriks.
3. A. 3. Pampublikong paglilingkod
4. B 4. Commission on Higher Education
5. C 5. Tama
6. A
7. B
8. C
9. D
10. A

11

You might also like