You are on page 1of 10

Sektor ng industriya - layunin nito ay maiproseso ang mga hilaw na materyal o sangkap na

materyal upang makabuo ng mga produktong ginagamit ng tao.

Subsector

Pagmimina - Ang sekondaryang sektor na kung saan ang mga metal, di-metal, at
enerhiyang mineral ay kinuha at dumadaan sa proseso upang gawing tapos na produkto.

Pagmamanupaktura - Ayon sa diksiyonaryong Macquarie, ito ay tumutukoy sa paggawa ng


mga produkto sa pamamagitan ng manual labor o ng mga makina.

Konstruksiyon - Kabilang dito ang mga gawaing tulad ng pagtatayo ng mga gusali,
estruktura at iba pang land improvements.

Utilities - Ito ay binubuo ng mga kompanyang ang pangunahing layunin ay matugunan ang
pangangailangan ng mga mamamayan sa tubig, kuryente, at gas.

INDUSTRIYALISASYON

Tumutukoy sa pagbabagong teknolohikal na sinasabayan ng mga pagbabagong pangkultura,


panlipunan at pang sikolohiya.

Epekto ng Industriyalisasyon

- Polusyon
- Hindi pagkakapantay-pantay sa kalagayang pang-ekonomiya

Ayon kay Williamson (1999) dahil sa industriyalisasyon ay maari ding maging dahilan
ang bilang ng mga mag-aaral na naghihikayat na magtrabaho sa halip na tapusin ang

Sektor ng Paglilingkod

- Ito ang sektor na gumagabay sa buong yugto ng produksyon, distribusyon, kalakalan at


pagkonsumo ng mga produkto sa loob o labas ng bansa.

- maaring pampamayanan, panlipunan, o personal.

Sa pangkalahatan, ang paglilingkod ay ang pagbibigay ng serbisyo sa halip na bumuo ng


produkto

ANO ANG ESPESYALISASYON?

- Ito ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman, kasanayan at kagamitan upang gawin


ang isang kalakal o paglilingkod.
- Nagiging mas mura at mas kapakipakinabang (efficient) ang paggawa ng ibang tao sa
isang kalakal o serbisyo sa halip na gawin ng nangangailangan.

SUB-SEKTOR NG PAGLILINGKOD

Transportasyon, komunikasyon, at mga Imbakan

- Kalakalan
- Pananalapi
- Paupahang bahay at Real Estate
- Paglilingkod na Pampribado- lahat ng mga paglilingkod na nagmumula sa pribadong
sektor.
- Paglilingkod na Pampubliko- lahat ng paglilingkod na ipinagkakaloob ng pamahalaan.

BUSINESS PROCESS OUTSOURCING (BPO) - Ang sistema ng pagkuha ng serbisyo ng


pribadong kompanya upang gampanan ang ilang aspekto ng operasyon ng isang kliyente ng
kompanya.

MGA AHENSYA NA TUMUTULONG SA SEKTOR NG PAGLILINGKOD

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT (DOLE)

Nagsusulong ng malaking pagkakataon para sa pagtatrabaho, humuhubog sa kakayahan ng


mga manggagawa, nangangalaga sa kapakanan ng mga manggagawa, at pagpapanatili sa
kaayusan sa industriya ng paglilingkod sa bansa.

OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINISTRATION (OWWA)

Ahensya ng pamahalaan na tumitingin sa kapakanan ng mga oversea Filipino workers.

PHILIPPINE OVERSEAS EMPLOYMENT ADMINISTRATION (POEA)

Itinatag sa bisa ng noong 1982 Executive Order 797 na may layuning isulong at paunlarin
ang mga programa ukol sa paghahanapbuhay sa ibayong-dagat at pangalagaan ang kapakanan
ng Overseas Filipino workers.

Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)

Itinatag sa bisa ng Republic Act 7796 noong 1194. Isinusulong ng batas na ito na hikayatin
ang buong partisipasyon ng industriya, paggawa, mga lokal na pamahalaan, at mga
institusyong teknikal at bokasyonal upang sanayin at paunlarin ang kasanayan ng mga
manggagawa sa bansa.

Professional Regulation Commission (PRC)


Nangangasiwa at sumusubaybay sa gawain ng mga manggagawang propesyonal upang
matiyak ang kasaysayan sa paghahanda ng mga serbisyo ng propesyonal sa bansa.

Commission on Higher Education (CHED)

Nangangasiwa sa gawain ng mga pamantasan at kolehiyo sa bansa upang maitaas ang


kalidad ng edukasyon sa mataas na antas

Katangian ng Impormal na Sector:

- Hindi nakarehistro sa pamahalaan.


- Hindi nagbabayad ng buwis mula sa kinikita sa operasyon ng negosyo.
- Hindi nakapaloob sa legal at pormal na balangkas na inilatag ng
pamahalaan para sa pagnenegosyo.

Mga halimbawa ng Impormal na Sektor:

Sidewalk vendors, nagtitinda ng sigarilyo sa lansangan, nagpapasada ng


pedicab,naglalako ng gulay at isda, nagbebenta ng prepaid cell card, naglalako
ng kakanin at iba pa. Ang mga sumusunod ay mga dahilan kung bakit pumapasok ang
mamamayan sa ganitong trabaho
- Upang makaligtas sa pagbabayad ng buwis sa pamahalaan
- Upang makaiwas sa masyadong mahaba at masalimuot na proseso ng pakikipag
transaksyon sa pamahalaan
- Upang makapag hanapbuhay na hindi kakailanganin ang masyadong malaki ang
kapital o puhunan
- Upang mapangalagaan ang matinding kahirapan

Kahalagahan ng Impormal na Sektor:

- Sinasalo nito ang mga mamamayan na hindi makapasok bilang mga regular na
empleyado sa isang kompanya.
- Nabibigyan ng pagkakataon ang maraming Pilipino na makapag hanapbuhay.
- Nagbibigay ng karagdagang kita sa mga mamamayan.
- Nagsisilbing tagasalo ng mga mamamayang may mahigpit na pangangailangan.
- Malaki ang naitutulong nito ng mga kalakal at serbisyo nito dahil sa murang
halaga.
Dahilan ng Paglaganap ng Operasyon ng Impormal na Sektor:

- Kawalan ng sapat na regulasyon mula sa pamahalaan.


- Labis na regulasyon mula sa pamahalaan

Ano ang Konsepto ng Pag-unlad?

Diksiyonaryong Merriam-Webster - ang pag-unlad ay pagbabago mula sa mababa tungo


sa mataas na antas ng pamumuhay. Isa itong kaisipang maaaring may kaugnayan din sa
salitang pagsulong.

Pagkakatulad at Pagkakaiba ng Pag-unlad at Pagsulong


Ang mga salitang “Pagsulong” at “Pag-unlad” ay parehong nagsasabi ng pag-angat ng isang
bagay o isang tao mula sa kanyang kasalukuyang kinatatayuan. Ang pinagkaiba naman nilang
dalawa ay sa kung paano ito nasasaisip o naipapakita o naisasagawa ng mga tao.
PAGKAKAIBA NG PAGSULONG AT PAG-UNLAD AYON KAY FELICIANO R. FAJARDO
(ECONOMIC DEVELOPMENT 1994)
DALAWANG MAGKAIBANG KONSEPTO NG PAG-UNLAD AYON KINA MICHAEL P.
TODARO AT STEPHEN C. SMITH (ECONOMIC DEVELOPMENT 2012)

TRADISYONAL NA PANANAW- Binigyang-diin ang pag-unlad bilang pagtatamo ng patuloy


na pagtaas ng antas ng income per capita nang sa gayon ay mas mabilis na maparami ng
bansa ang kanyang output kaysa sa bilis ng paglaki ng populasyon nito.

MAKABAGONG PANANAW - Sinasabi na ang pag-unlad ay dapat na kumakatawan sa


malawakang pagbabago sa buong sistemang panlipunan. Dapat na ituon ang pansin sa
iba’tibang pangangailangan at nagbabagong hangarin ng mga tao at grupo sa nasabing
sistema upan masiguro rin ang paglayo mula sa di-kaaya-ayang kondisyon ng pamumuhay
tungo sa kondisyon na mas kasiya-siya.

Sa akdang “Development as Freedom” (2008) ni Amartya Sen, kanyang ipinaliwanag na


ang kaunlaran ay matatamo lamang kung “mapaunlad ang yaman ng buhay ng mga tao
kaysa sa yaman ng ekonomiya nito”. Upang matamo ito, mahalagang bigyang-pansin ang
pagtanggal sa mga ugat ng kawalang kalayaan tulad ng kahirapan, diskriminasyon at
hindi pagkakapantay-pantay at ng iba pang salik na paglilimita sa kakayahan ng mga
mamamayan.

MGA PALATANDAAN NG PAG-UNLAD AT PAGSULONG


Sa librong Economics, Concepts and Choices (2008) nina Sally Meek, John Morton at
Mark Schug, inisa- isa nila ang iba pang mga salik na maaaring makatulong sa pagsulong ng
ekonomiya ng isang bansa.

LIKAS NA YAMAN, YAMANG, TAO, KAPITAL, TEKNOLOHIYA AT INOBASYON


Malaki ang naitutulong ng mga likas na yaman sa pagsulong ng ekonomiya lalong-lalo na ang
mga yamang-lupa, tubig, kagubatan at mineral. Mas maraming output ang nilikha sa isang
bansa kung maalam at may kakayahan ng mga manggagawa nito. Sa tulong ng mga kapital
tulad ng mga makina sa mga pagawaan ay nakalilikha ng mas maraming produkto at serbisyo.
Nagagamit nang mas episyente ang iba pang pinagkukunang- yaman upang mas marami
pa ang mga nalilikhang produkto at serbisyo.
Masasabing ang pagsulong ay isa lamang aspekto ng pag-unlad. Sa pagsulong, sinusukat ang
halaga ng mga produkto at serbisyong nalikha sa loob ng isang panahon. Sa pagsukat nito,
ginagamit ang:
● Gross Domestic Product (GDP)
● Gross National Product (GNP),
● GDP/ GNP per capita -
● Real GDP/ GNP.
Sa kabilang banda, hindi sapat na panukat ang kabuuang halaga ng mga produkto at serbisyo
dahil hindi nito naipakikita kung paano ipinamahagi ang kita at yaman ng bansa sa mga
mamamayan nito. Samakatuwid, hindi sapat ang mga numero, makabagong teknolohiya, at
nagtataasang gusali upang masabing ganap na maunlad ang isang bansa. Higit pa rito ang
kahulugan ng pag-unlad. Higit pa ito sa mga modernong kagamitan at mga makabagong
teknolohiya sapagkat kasama rito ang mga pagbabago sa lipunan at paraan ng pamumuhay ng
mga tao.
- Ayon kay Feliciano R. Fajardo, ang pagsulong ng isang ekonomiya dulot ng mga
dayuhang mamumuhunan at ang pag-unlad na inangkat ay walang kahulugan sa
masa kung ang mga ito ay hindi nararamdaman ng mga pangkaraniwang tao.
- Ayon kina Todaro at Smith sa kanilang aklat na Economic Development, ang pag-
unlad ay isang multidimensional na proseso ang kinapapalooban ng malaking
pagbabago sa istruktura ng lipunan, gawi ng mga tao at mga pambansang institusyon,
gayundin ang nagpapalakas ng pagsulong ng ekonomiya, pagbabawas sa di
pagkakapantay- pantay at pag-alis ng kahirapan.

HUMAN DEVELOPMENT INDEX (HDI)


Ito ay tumutukoy sa pangkalahatang sukat ng kakayahan ng isang bansa na matugunan
ang mahahalagang aspekto ng kaunlarang pantao: kalusugan, edukasyon at antas ng
pamumuhay.

- Sa pagsukat ng aspetong pangkalusugan, ginagamit na pananda ang haba ng buhay at


kapanganakan. Ipinapahiwatig dito ang bilang ng taon na inaasahang itatagal ng isang
sanggol kung ang mga umiiral na dahilan o sanhi ng kamatayan sa panahon ng kanyang
kapanganakan ay mananatili habang siya ay nabubuhay.
- Sa aspekto naman ng edukasyon, ang mean years of schooling at expected years of
schooling ang mga ginagamit na pananda. Ang mean years of schooling ay
tinatayang United Nation Educational, Scientific, and Cultural Organization
(UNESCO) batay sa mga datos mula sa mga surbey at sensus ukol sa antas ng pinag-
aralan ng mga mamamayan na may 25 taong gulang. Samantala, ang expected years
of schooling naman ay natataya base sa bilang ng mga nag-aaral sa lahat ng antas ng
edukasyon. Itinakda ang 18 taon bilang expected years of schooling ng UNESCO.
- Ang aspekto ng antas ng pamumuhay ay nasusukat gamit ang gross national income
per capita.

agrikultura - ay nagmula sa salitang Latin na agricultura; ager na nangangahulugang field


at cultura na ang ibig sabihin ay cultivation o growing

- Ito ay isang agham at sining na may kinalaman sa pagpaparami ng mga hayop at mga
tanim at halaman.

Ano-ano ang bumubuo sa sektor ng agrikultura?

Pagsasaka (Farming). Tumutukoy ito sa produksyon ng aning pagkain (food crops) o aning
pambenta (commercial crops).

- Ang mga aning pagkain ay karaniwang sumasaklaw lamang sa mga binibiling pagkain ng
kabahayan, bagaman maari din itong tumutukoy sa mga sobrang produksiyon na
ibinebenta ng mga magsasaka. Halimbawa nito ay bigay, mais,pananim na lamang lupa,
at mga gulay.
- Ang aning pambenta o komersiyal ay ginagamit sa pangangalakal. Ilang halimbawa nito
ay mangga, niyog, saging, at pinya.

Paghahayupan (Animal husbandry). Ang sangay na ito ay nakatuon sa pag-aalaga ng mga


hayop para sa mga pangkabuhayang kapakinabangan nito. Halimbawa, upang pagkunan ng
karne, hibla at leather, at bilang katulong sa mabibigat na gawain.

- Mauuri ang subsector ng paghahayupan sa dalawa : ang livestock, tulad ng baka,


kambing, at baboy; at ang pagmamanukan (poultry) tulad ng manok at pato.

Pangingisda (Fisheries). Nakatuon ang sangay na ito sa pagpapaunlad ng mga palaisdaan


sa pamamagitan ng aquaculture, recreational fisheries (local na pangingisda), at
commercial fishing.

Komersiyal na pangingisda – gamit ng bangka ay may bigat na higit sa tatlong tonelada at


dumarayo sa mahigit 7 kilometrong layo mula sa baybayin.

Lokal na pangingisda– Tumutukoy sa pangingisda sa pandagat (marine) at in land waters,


gamit ang bangkang pangisda na 3 tonelada o mas maliit pa.

Aquaculture– Sumasaklaw sa kontroladong produksiyon ng isda at yamang tubig tulad ng


talaba, tahong, at sea weeds. Halimbawa nito ang iba’t ibang uri ng palaisdaan.
Paggugubat (Forestry). Tumutukoy sa mga pang-ekonomiyang gawaing kaugnay sa
kagubatan. Kabilang dito ang pagkatas ng mga hilaw na sangkap mula sa kagubatan at
mga paglilingkod kaugnay sa kagubatan.

Kahalagahan ng Agrikultura

1. Ang agrikultura ay pangunahing pinagmumulan ng pagkain.

2. Pinagkukunan ng materyal para makabuo ng bagong produkto.

3. Pinagkukunan ng kitang panlabas.

4. Pangunahing nagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino.

5. Pinagkukunan ng Sobrang Manggagawa mula sa Sektor Agrikultura tungo sa Sektor ng


Industriya at Paglilingkod.

A. PAGSASAKA

1. Pagliit ng lupang pansakahan.

2. Paggamit ng teknolohiya

- Ayon kay Cielito Habito (2005), ang kakulangan ng pamahalaan na bumabalangkas


ng isang polisiya na nagbibigay-daan sa isang kapaligirang angkop sa pagpapalakas ng
ating agrikultura sa antas ng teknolohiya sa sektor ng agrikultura ay
nangangailangan ng agarang atensyon ng pamahalaan.

3. Kakulangan sa mga pasilidad at imprastraktura sa kabukiran

- Batas Republika 8435 (Agriculture and Fisheries Modernization Act of 1997) ay


naghahangad ng modernisasyon sa maraming aspekto ng sektor

4. Kakulangan ng suporta mula sa iba pang sektor

- Batas Republika 8435, ang pagtutulungan ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan ay


binigyang-diin bilang suporta sa implementasyon ng modernisasyon sa agrikultura.

5. Pagbibigay-prayoridad sa sektor ng industriya

6. Pagdagsa ng mga dayuhang kalakal


7. Climate Change

B. PANGISDAAN

1. Mapanirang operasyon ng malalaking komersiyal na mangingisda

- thrawl fishing na kung saan ang mga mangingisda ay gumagamit ng malaking lambat
na may pabigat

2. Epekto ng populasyon sa pangisdaan

3. Lumalaking populasyon sa bansa

4. Kahirapan sa hanay ng mga mangingisda at mga magsasaka

C. PAGGUGUBAT

1. Mabilis na pagkaubos ng mga likas na yaman lalo na ng kagubatan

a. Dahil dito, nababawasan ang suplay ng mga hilaw na sangkap na ginagamit ng mga
industriya.

b. Sa pagkawala ng mga kagubatan, nawawalan ng tirahan ang mga hayop kaya hindi sila
makapagparami.

c. Nagiging sanhi rin ito ng pagbaha na sumisira sa libo-libong ektaryang pananim taon-taon.

d. Naapektuhan din ng pagkaubos ng mga watershed ang suplay ng tubig na ginagamit sa


irigasyon ng mga sakahan.

e. Ang pagkaubos ng kagubatan ay nagdudulot din ng pagguho ng lupa. Dahil sa kawalan ng


mga puno, natatangay ng agos ng tubig ang lupa sa ibabaw, kasama ang sustansiya nito. Hindi
nagiging produktibo ang mga pananim na itinatanim dito

You might also like