You are on page 1of 5

PELIKULA HINGGIL SA TEKNOLOHIYA.

MODERNISASYON AT IBA PA

A. INTRODUKSYON

Layunin ng ano mang lipunan ang mapaunlad ang kalagayan nito. Ibig sabihin ng kaunlarang ito ang
pagkakamit ng kakayahang isuplay ang pangangailangan ng mga mamamayan at makapagprodyus din
ito ng mga kalakal, produkto at serbisyo hindi lamang sa panloob na pangangailangan kundi para rin sa
pangangailangan ng ibang mga bansang may kakulangan sa naturang produkto o serbisyo. Karaniwang
mauugnay ang pag-unlad na ito sa konsepto ng modernisasyon. Sa konteksto ng aralin, titingnan ang
konsepto ng modernisasyon sa tanaw ng Sosyolohiya. Ang modernisasyon ay tumutukoy sa
transpormasyon ng lipunan mula sa estadong tradisyonal, rural o agrayian tungo sa isang lipunang
sekular, urban at industriyal (Kumar, 2009). Higit namang holistiko ang pagtanaw ni Martinelli (2005) sa
modernisasyon. Ayon sa kanya, by modernization we mean the sum of the processes of large- scale
change through which a certain society tends to acquire the economic, political, social and cultural
characteristics considered typical of modernity. Ibig sabihin, dapat inklusibo at pangkabuuan ang mga
modernisadong pagbabago sa isang lipunan.

Sa iba't ibang lugar sa mundo, ang modernisasyon sa iba't ibang larangan ng lipunan ay pangunahing
dulot ng pag-unlad sa syensya at teknolohiya. Ito marahil ang dahilan kung bakit pinagtutuunan ng
pansin ng mga pinakamauunlad (developed) na bansa sa daigdig ang mga larangang ito. Sa pag-unlad ng
syensya at umuunlad din ang edukasyon, agrikultura, kapaligiran, komunikasyon, kalusugan at
sanitasyon, imprastraktura at maging ang pamahalaan (Naikoo, 2018). Kung gayon, mahalagang
mapagtuunan din ng pansin ng mga mahihirap (underdeveloped) o umuunlad (developing) na bansa
tulad ng Pilipinas ang pagpapaunlad sa mga larangang ito para sa higit na paglago ng iba pang aspektong
panlipunan.

Sa kaso ng Pilipinas, tinatanaw nito ang isang mas maunlad na lipunan ayon sa Development Plan 2017-
2022 ng National Economic and Development Authority. Sa planong ito, may tatlong muhong uunan: 1)
pagpapaunlad sa panlipunang malasakit (malasakit), 2) pagpapababa sa 'di pakapantay-pantay sa
lipunan (pagbabago), at 3) pagpapataas ng akses sa patuloy na pag-unlad (patuloy na pag-unlad). Sa mga
tuong ito, nais ng pamahalaan na magkaroon ng transpormasyon' sa kalagayan ng bansa. Partikular na
nais bigyang-pansin ang sumusunod sa ilalim bg bawat tuon:

Malasakit

a. Pagtiyak ng isang makatao, malinis at episyenteng pamamahala;


b. Pagpapatuloy ng isang maayos at walang pagkiling na implementasyon Ng katarungan; at
c. Pagsusulong sa kultura at pagpapahalagang Pilipino.
2. Malasakit

a. Pagpapalawak ng mga ekonomikong oportunidad sa pagsasaka at pangipangingisdag


b. Papalawak ng mga ekonomikong oportunidad sa industriya at Serbisyo sa tulong ng trabaho at
negosyo;
c. Pagpapabilis sa paglinang sa kakayahan ng mga tao;
d. Pagpapababa sa mga kaugnay ng tao at pamilya; at
e. Pagtiyak ng isang tahimik na komunidad.

3. Patuloy na Pag-unlad. Pagpapaunlad sa syensya, teknolohiya at inobasyon.

Ayon sq Mga nabanggit na tuong ito, may mga hakbang ang pamahalaan upang abutin ang mga plano
para pangkalahatang pag-unlad ng Pilipinas. Isa na rito ang CARS o Comprehensive Automotive
Resurgence Strategy. Ang programang ito ay naglalayong isulong ang pagmamanupaktura ng mga
bahagi ng mga sasakyan (Santos, 2017).

Ayon sa inilabas na E.O. 182, s. 2012, ang CARS ay naglalayong palakasin ang industriya sa paggawa ng
mga sasakyan at itampok ang Pilipinas bilang sentro ng pagawaan ng sasakyan sa rehiyon. Sa layuning
ito, mabibigyan ng higit na maraming oportunidad ang mga Pilipinong propesyonal at mga skilled worker
sa trabaho. Noong 2014, sa buong Southeast Asia, pumangatlo ang Pilipinas sa produksyon ng mga
sasakyan dahil nakagawa ito ng 27,070 pampasaherong sasakyan at 61,750 komersyal na sasakyan.
Nanguna naman ang Indonesia at Malaysia bilang mga prodyuser ng sasakyan (Asean Automotive
Federation; sa Santos, 2017). Dito nagmumula ang pagnanais na lalo pang mapaunlad ang kakayahan ng
bansa sa larangang ito at makapag-ambag ng higit na debelopment para sa mga Pilipino at bansa sa
kabuuan.

Kaugnay pa rin ng industriyalisasyon, matunog ang iskemang Build, Build, Build ng administrasyong
Duterte. Sa Metro Manila pa lamang, may 293 proyektong nakaplano na nagkakahalaga ng PhP180.4
bilyon. Sinundan naman ito ng ARMM na may 955 proyektong may halagang PhP 50.7 bilyon. Marami
ring natukoy na proyekto sa iba pang rehiyon tulad ng Northern Mindano (117: PhP50.3 bilyon), Eastern
Visayas (147; PhP19.8 bilyon), Caraga (66; PhP28.8 bilyon), at iba pang mga rehiyon (2,892; PhP598
bilyon). Sa kabuuan, aabot ng PhP 3.6 trilyong piso ang halaga ng grandiosong proyekto (Padilla, 2017).
(Ang pondo sa mga proyektong ito ay inutang/uutangin sa Tsina nang may napakalaking interest)
Ngunit, ang kalakhang bahagi ng mga proyekto ay hindi pa naisasagawa at ito ay isang malaking
kabiguan dahil sa mabagal na pagkakatupad ng mga proyekto. Malaki sana ang naiaambag ng mga ito sa
paglikha ng mga trabaho, kahit pansamantala lamang. Inaasahang mas magdudulot din naman ang mga
proyekto ng higit na maayos na serbisyong panlipunan lalo na sa mga mahihirap na Pilipino, kunh hindi
sana inepisyente ang mga tagapagpatupad nito at ayon sa marami, kung hindi kinukurakot ang mga
pondo para sa mga proyektong ito. Halimbawa, ang proyektong MRT7 at iba pang proyekto ng MRT/ LRT
na puno ng maraming kontrobersya, ay inaasahang makagiginhawa sa daan libong pasahero sa Maynila
at mga karatig na probinsya tulad ng Bulacan at Rizal Kung mas mapapadali ang byahe at galaw ng mga
tao, mas makalilikha rin ito sana ng mas malalaking oportunidad para sa marami, kung ang pangako ng
pag- unlad ay hindi napapako.

Samantala, sa isang ulat sa Inquirer.net, sinasabing bumilis ang Internet bandwith sa bansa mula 7.9
mbps. Noong 2016 sa 19.28 mbps noong 2019. Nagtala ito ng 143.74% na pagbilis ng internet speed
(Mercado, 2019). Dahil sa pagbuting ito, mas mabilis na ang Internet sa Pilipinas kumpara sa ibang
kapitbahay na bansa sa ASEAN tulad ng Brunei, Myanmar, Indonesia at Cambodia. Inaasahan ding
bababa ang presyo nito dahil inendorso ng pamahalaan ang pagpasok ng ikatlong Telco para
manyutralisa ang paghahari at monopolyo ng mga kompanya ng komunikasyon. (Ngunit, saan
manggagaling ang ikatlong Telco? Naaayon ba sa batas at tamang proseso ang pagpasok nito sa bansa?)
Magandang balita raw ito lalo na’t ang Pilipinas ay pangunahing Internet user sa buong mundo. Mas
mabibigyan daw ng akses ng ganitong pag-unlad ang mga mas mahihirap para sa mga impormasyong
mahalaga sa edukasyon, mga propesyon at iba pa. Maliban dito, ang mas malawak na akses at mas
mabilis na speed ng Internet ay magpapabuti rin daw sa lagay ng elektronikong komunikasyon ng mga
Pilipino. Karaniwang anyo ng komunikasyon na ang e-mail at ang mga messaging system ng mga social
media na may voice at text messaging pa. Paraan din daw ito ng mas malawak na ugnayan ng mga
Pilipino sa iba’t ibang bansa at ng pagpapalaganap sa kultura at promosyon ng turismo ng Pilipinas.
Ngunit ang tanong, sino nga ba ang mas nakikinabang sa pagbabagong ito?

Sa kaso ng agrikultura, huling huli na ang Pilipinas kumpara sa mga karatig- bansa sa ASEAN. May mga
pagsususmikap pa rin namang ginagawa raw ang pamahalaan sa pagpapaunlad nito. Ilan diumano sa
tuon ng pamahalaan kaugnay sa pagpapaunlad sa agrikultura ang farmer empowerment at agricultural
modernization. Kaugnay ito ng Agriculture and Fisheries Modernization Act noon pang 1997 na
naglalayong imodernisa ang produksyon, pagbebenta at mga pantulong na serbisyo. Kasama rin dito ang
patuloy na ekstensyon para sa research and development, enterprise development, value addition,
pagproseso sa mga produkto, pakikipagpalitan at eksport (Dar, 2019). May mga inisyatiba rin diumano
sa pananaliksik para sa pagpapaunlad sa mga pangunahing produkto ng Pilipinas gaya ng kape, niyog,
saging at iba pa. Patuloy rin ang mga pananaliksik sa pagpapabuti ng ani ng palay at mais. Halimbawa,
nagpanukalang magtayo ng isang coffee research, development, and extension center sa Cavite State
University ang Senado ng Pilipinas. (Ngunit, sa isang Senate hearing, binatikos ng isang senadora ang
isang kagawaran ng pamahalaan dahil diumano sa pagkahumaling sa research)) Ilang mekanismo rin
daw sa pagpapaunlad ng kagamitang pangpagsasaka ang isinusulong gaya ng paggamit ng modernong
kagamitan sa pagbubungkal ng lupa, pagtatanim at paggapas. Ang tanong Sapat na ba ang mga
pagbabagong ito upang makaagapay sa mga kapitbahay nating bansang nag-aral sa Pilipinas ng
agrikultura ngunit milya-milya na ang layo sa ating bansa sa larangang ito?

Patuloy rin daw ang modernisasyon ng sangay ng hukbong militar ng bansa. Kaugnay ito ng AFP
Modernization Act. Ilan diumano sa mga naitalang pagbabago sa sangay na ito ang pagkakaroon ng
kauna-unahang amphibious assault vehicle, pagbili ng mga submarine, pagbili ng mga helicopter at
maging mga bagong armas. (Saan at kanino kaya gagamitin ang mga ito? Saan galing ang pondo? Sino
ang nakinabang?) Sa anibersaryo ng AFP noong 2019, ipinagkaloob ng administrasyon ang Air Defense
Radar System at ang FA-50 Flight Simulator na sinamahan pa ng anim na A-29B Super Tucano Aircraft.
Ilan pa lamang ang mga nabiling ito para sa inilaang budget na PhP 139 bilyon para sa ikalawang yugto
ng Revised Armed Forces of the Philippines Modernization Program (The Manila Times). Sa kabila ng
samu’t saring ispekulasyon at kritisismo, inaasahang makapag-aambag daw ito para sa depensang
militar at mas makabuluhang intelligence information para sa seguridad ng bansa.

Sa pangkalahatan, patuloy na umuunlad ang mundo. Patuloy na nakakatuklas ng mga gamot at


prebensyon ng mga sakit. Sa transportasyon, naipapakilala ang mga fast speed train at nakaimbento na
ng mga sasakyang elektroniko o hydro- powered na napakalaking tulong sa kalikasan. Ang edukasyon
ngayon ay maaari nang makuha sa virtual na mundo o online. Patuloy naman ang inobasyon sa mga
kagamitang pangkomunikasyon tulad ng mobile phone at kompyuter at nagkakaroon ng mas mabilis na
Internet at kapabilidad nito na lubos na pinakikinabangan ng mundo. Gumaganda rin daw ang lagay ng
produksyon ng pagkain at marami pang iba. Ang tanong, gaano kadama sa Pilipinas ang mga nabanggit
na pag-unlad? Sa Mga hakbang na pag-unlad na ito ay marami ring mga puna at kahinaan. Madalas,
superpisyal ang mga ito at nagbububsod ng personal na interes ng mga namumuno o kaya ay nagiging
sanhi ng lalong marhinalisasyon ng mga mahihirap. Sa madaling salita, hindi tunay na inklusibo ang mga
pagbabagong nagaganap.

Dahil dito, dapat maging mapanuri pa rin ang taong bayan sa mga pagbabagong isinusulong ng
pamahalaan. Dapat tiyakin pa ring ito ay pinakamabuti para sa lahat o sa mas nakakararami lalo na sa
masang naghihirap at api. Ano mang haing transpormasyon sa isang larang sa lipunang hindi paborable
sa nakararaming tao ay dapat na irekonsidera sapagkat dapat na nagsisilbi nang totoo sa bayan ang ano
mang pag-unlad. Kung kaya, malaki rin ang ginagampanang tungkulin ng mga literatura at pelikula sa
pagmumulat sa mata ng bayan at paghuhulma ng kritikal na isipan nito sa kalagayan ng lipunan. Ang
mga pelikula hinggil sa pag-unlad at modernisasyon ay dapat tingnan hindi bilang pang-aliw lamang o
superpisyal na nagbibigay-impormasyon. Manapa, dapat ituring ang pelikula bilang behikulo din upang
magsuri nang kritikal sa tunguhin ng mga pag-unlad na inihahain sa at tinatamasa ng bayan.

B. IBA PANG Babasahin

Iminumungkahing Sipatin ang sumusunod na babasahin:

1. Pana-panahon ang Pagkakataon ni V. Valentin


2. Imagining Anti/Altercapitalism: A Marxist Reading of Selected Contemporary Dystopian
Films ni D.M. San Juan
3. 3. Iba pang suring pelikula sa Pinoy Weekly at Plaridel Journal

C. MGA PELIKULA HINGGIL SA TEKNOLOHIYA AT MODERNISASYON

Ilan sa mga pelikula hinggil sa teknolohiya, modernisasyon at iba pa ay ang sumusunod:

1. April and the Extraordinary World (2015)


2. Ethel and Ernest (2016)
3. RPG Metanoia (2010)
4. The Future of Work and Death (2016)
5. Ex Machina (2015)
6. Cloud Atlas (2012)
7. Snowpiercer (2013)
8. Elysium (2013)
9. In Time (2011)
10. Matrix (1999)

You might also like