Professional Documents
Culture Documents
I. Pamagat
The Panti Sisters
May Akda
Juan Robles Luna
Kahulugan ng Pamagat
Ang pamagat na 'Panti Sisters' ay kung ating titignan ng mababaw ay aakalain natin na ito
ay dahil lamang sa apelyido ng kanilang pamilya na 'Panti'. Ngunit kung titignan natin
itong pamagat sa mas malalim na kahulugan, ito ay nagpapakita na ang palabas ay
tumatalakay tatlong magkakapatid na lalaki na may pusong babae. Ang panti o 'panty' ay
damit pambaba na ginagamit ng mga kababaihan at napakatalino ng nakaisip na gawin
itong pamagat para sa isang pelikula para maipahayag ang unang mensahe ng pelikula na
ang ating mga bida ay kasapi sa ating sinasabi na LGBTQ.
II. Buod
a. Mga tauhan
Gabriel Panti (Paolo Ballesteros)- Ang palaban na panganay na anak ni Don Emilio y Panti na
naglayas dahil hindi matanggap ang kasarian.
Daniel Panti (Martin del Rosario)- Ang pangalawang anak na mahilig sa K-pop at kasintahan
si Zernan.
Don Emilio y Panti (John Arcilla)- Ang ama ng Panti Sisters na mahigpit at ayaw sa mga
bakla.
Nora Panti (Carmi Martin)- Ang asawa ni Don Emilio at ina nina Gabriel at Daniel Panti.
Vilma Panti (Susana Roces)- Ang kabit ni Don Emilio at ina ni Samuel Panti.
Kat (Roxanne Barcelo)- Best friend ni Gabriel na kaniyang kinausap na maging nanay ng
kaniyang anak.
Chiqui (Via Antonio)- Ang una at huling kasintahan ni Samuel na naging madre.
Joy (Ali Forbes)- Ang buntis na kapitbahay ni Daniel at kinausap niya na magpanggap na sa
kaniya ang batang nasa sinapupunan nito.
Buod ng Pelikula
Ibinalita ni Don Emilio na siya ay may kanser at meron na lamang na mahigit isang taon
para mabuhay at hiniling sa kaniyang mga anak na manirahan sa kanilang mansyon at iwasan
ang mga kabaklaang bagay. Kasunod nito ay ang paghahati ng mana na kaniyang ibibigay na 300
milyon para sa tatlong anak. Ang bawat isa ay makakatanggap ng 100 milyon kung ang bawat
isa sa kanila ay magbibigay ng apo ka Din Emilio.
Labag man sa kalooban ng tatlo ang makipagtalik sa mga babae ay kanilang sinubukan
dahil na rin sa pangangailangan. Si Gabriel ay sumubok na makipagtalik sa kaniyang matalik na
kaibigan na kalaunan ay nabuntis. Si Daniel ay hindi nagwagi na makahanap ng babae na
puwedeng mabuntis ngunit may isang buntis na kaniyang kapitbahay ang binubugbog ng
kaniyang asawa at kaniya itong pinagtanggol at kinalaunan ay napag desisyonan na magpanggap
na sa kaniya ang batang nasa sinapupunan. At si Samuel na laki sa hirap at ang mas mag
pangangailangan ang nagsumikap na mabuntis ang kaniyang babaeng kasintahan na kalaunan ay
nabuntis rin.
Tuwang-tuwa si Don Emilio sa balita na siya ay magkakaroon nang mga apo sa kaniyang
tatlong anak sa pagdiriwang ng kaniyang birthday. Upang nasigurado na totoong mga Panti nga
ang nasa sinapupunan ng mga kababaihan, ito ay kaniyang pina-DNA test at ang resulta ay ang
batang nasa sinapupunan Kat ay hindi kay Gabriel kundi sa dating kasintahan nito. Ang lihim na
pilit itinago ni Daniel ay nabunyag habang tuwa naman ang naramdaman nina Samuel ay
kaniyang ina.
Dahil sa pangyayaring iyon, nagdesisyon ang ina nina Gabriel na sila ay aalis na at
iniwan sa mansyon si Samuel, Chiqui, Don Emilio at ang kabit nito. Sinubukan ni Chiqui na
maging masaya kahit na hindi madama ang pagmamahal na nais niyang matanggap mula kay
Samuel. Isang gabi ay nakita niya si Samuel na nakikipaglandian sa isang lalaki at sobra itong
nasaktan kaya nag desisyon na maglayas. Sa pagsubok ni Chiqui na maglayas, pinigilan siya ni
Daniel ngunit laking gulat noong siya ay matumba sa hagdan at makunan.
Nabalitaan nila Daniel at Gabriel ang nangyari kay Chiqui kaga nagdesisyon na bisitahin
ito sa ospital. Biglang dumating si Don Emilio at sinabi na pwede na ulit silang sumubok na
magbuntis ng babae muli at dahil sa kaniya sinabi ay mas lalong nagalit ang kaniyang tatlong
anak. Pakatapos ng pagtatagpo sa kanilang ama ay napag desisyonan nila na magpalamig sa
labas at sa daan pag-uwi ay nakita nila ang tatlong pinsan na binubugbog kaya kanila itong
tinulungan at isinugod sa ospital ngunit hindi nakasama si Daniel sapagkat maliit ang kotse na
kanilang nasakyan. Naging okay man ang kanilang pinsan ngunit sa pagkaiwan ni Daniel ay
muling bumalik ang mga lalaki at doon siya pinatay.
b. Istilo ng awtor
Ang awtor ay nagpokus sa isyung panlipunan hinggil sa kasarian . Madaming mga eksena
sa pelikula na ipinakita kung ano ang diskriminasyon na nararanasan ng ating mga kapatid na
kabilang sa LGBTQ. Una na dito ay ang pagpapakita ng awtor na ang mga miyembro ng
LGBTQ ay madalas na hindi tanggap at ginagawang katuwaan sa lipunan maging pamilya ay
hindi sila matanggap na ipinakita ng awtor sa ama ng magkakapatid sa pelikula na si Don
Emilio. Sa kabila ng mga diskriminasyon na nararanasan ng mga bakla sa ating lipunan ay
ipinakita pa rin ng awtor na mahalaga pa rin sila at kapaki-pakinabang sa ating lipunan. Una ay
ang pagpapahinto ni Samuel sa mga nag-aaway-away at ang pangalawa ay ang pagtulong ng
magkakapatid sa kanilang pinsan. Sadyang nakakapukaw ng damdamin ang naging pokus ng
awtor.
Bisang Pampanitikan
a. Bias sa isip
Ang pelikulang ito ang nagbigay puwang sa aking puso na mas mahalin ang mga nasa
LGBTQ. Awa man ang siyang namutawi sa aking puso sa panonood sapagkat ang magkakapatid
ay hindi matanggap ng kanilang ama at lipunan na sila ay bakla, ngunit ako ay humanga sa
katatagan na meron sila at sa halip na sumuko na ipakita na sila ay mahalaga din sa lipunan, sila
ay mas nagpakita ng kagandahang loob para makatulong sa kapwa. Ang pelikulang ito ay
nagbigay sa akin ng iba't-ibang emosyon sa bawat eksena na nangyayari sa pelikula.
Nakakalungkot at nakakatuwa ang pelikulang Panti Sisters.
III. Pagsusuri
a. Uri ng Panitikan
b. Istilo ng Paglalahad
c. Tayutay
Pagtutulad
"Gaya ng demonyo ang pagiging bakla, labanan mo yan Gabriel." Yan ang itinuran ni Don
Emilio kay Gabriel na maitutulong na pagtutulad sapagkat ang pagiging bakla ay kaniyang
inihalintulad sa pagiging demonyo.
"Mukha kang miyembro ng maskulados." Ito ay nasa tayutay na pagtutulad sapagkat isinatulad ni
Gabriel si Samuel sa isang maskulado.
Paghahambing
"Di hamak na mas maganda naman siya sa inyong tatlo." Ito ang tinuran ng inay ni Samuel at
kaniyang pinaghambing ang gandang taglay ng magkakapatid.
Simbolismo
"Isa akong Panti, na naka panty." Ito ang katagang ginamit ni Samuel para iparating na siya ay
bakla at hindi lalaki.
Eksaherasyon
'Lumuhod sa tala, lumuhod sa bubog, Ayan, kakaluhod, naging bakla.” Ito naman ang tinuran ni
Gabriel na kung saan ay gumamit siya ng eksaherasyon sa pagkumpara ng kaniyang kabataan.
Sariling Reaksiyon