You are on page 1of 1

DULOG SA PELIKULANG SEVEN SUNDAYS

(Cathy Garcia-Molina)

Alamin ang angkop na dulog para rito at magbigay


ng maikling paliwanag.
Ang angkop na dulog para sa pelikulang Seven Sundays ay ang Realismo. Dahil
ito ay nagpapakita ng pangyayari sa totoong buhay o tumatalakay sa katotohanan sa
lipunan. Pinapaksa nito ang mga pangyayari sa isang buong pamilya. Mas binibigyan
ng pansin kung paano sinasalaysay ng mga aktor ang kanilang mga salita na
bibigkasin kaysa sa kung ano ang paksa na tinutukoy, mas kaabang-abang ang mga
salita na sasabihin kaysa sa kung ano ang mangyayari. Dahil sa aking opinyon ay ang
mga  binibigkas na salita ang mas nakakapukaw sa damdamin ng isang manunuod. 
Ito ay pinaganda para mas maging makatotohanan kaya nga ito pelikula ay dahil
pinagisipan at ikinatha ng may akda sa totoong buhay kahit ang ilan dito ay hindi na
nangyayari sa totoong buhay.  Nagpapahayag ito ng pagtanggap sa katotohanan o
realidad ng buhay. Halimbawa nito ay ang ama na si Manuel Bonifacio ay
mamamatay na, lahat ng tao ay mamamatay at magkakasakit hindi natin mapipigilan
ang realidad ng buhay ng isang tao. Lahat ng mga nararanasan natin ay mararanasan
din ng iba. Kung sa kasabihan nga ay ang “Papunta ka palang pabalik na ako” ng
matatandda ya sa kasabihan na ito ibig sabihin lahat ng mga pangyayrai sa tao ay
mangyayri din sa iyo, nagkakaiba- iba lang tayo kung paano natin ito magagamit at
mapapakita sa mundo. Mas kailangan na maging bukas tayo sa realidad at katotohan
ng buhay. 

You might also like