You are on page 1of 2

SONNY BOY A.

SAJONIA
BSBA 2B
Aktiviti
Magtala ng sampung pelikulang banyaga man o local na gustong-gusto mo. Isulat ito sa talaan sa
ibaba. Ilagay sa bilang 1 ang pinakapaborito at 10 ang pinakahuli.
1. Your Name
2. The Da Vinci Code
3. A Silent Voice
4. Five Feet Apart
5. Spirited Away
6. Weathering With You
7. The Notebook
8. The Fault in Our Stars
9. Paper Towns
10. Can’t Help Falling in Love

Analisis
1. Ano ang naging batayan mo sa pagraranggo?
1. Kwento
2. Tema
3. Artista
2. Bakit ito ang iyong naging batayan?
Kwento ang naging unang batayan ko sa pagraranggo dahil para sa akin ito ang
pinakaimportanteng elemento na kung saan umiikot ang pelikula. Kahit gaano man kasikat,
kaganda at kagaling ang mga artista na gumanap o kahit gaano man kaganda ang tema ng
pelikula kung hindi naman maganda ang kwento ay parang mawawalan ng saysay ang
kagandahan ng tema at kagalingan ng artista at hindi na ganun kaganda ang pelikula para sa akin.
Mas gusto ko at mas interesado ako pag maganda at maayos ang daloy ng kwento. Sa kwento ng
pelikula nakakakuha din ako ng inspirasyon at mga aral na maaari kong gamitin sa sarili kong
buhay. Pangalawang naging batayan ko ay ang tema na siyang tumutukoy sa pangkalahatang
konsepto at kung saan din nakikita ang dyanra. Pangalawa ito sa aking batayan dahil hindi ko
masyadong binibigyan ng pansin ang tema ng pelikula, kahit ano mang tema o dyanra ng
pelikula ay gusto ko. Panghuli na naging batayan ko ay ang mga gumanap na artista dahil hindi
naman masyadong importante para sa akin kung sino ang mga gumanap, ang importante ay
maayos ang pagpapahayag nila sa kanilang karakter. Para sa akin kahit sino na ang mga
SONNY BOY A. SAJONIA
BSBA 2B
gumanap basta't ang mahalaga ay maganda ang kwento. Dagdag puntos na lang kung
magaganda, sikat, magagaling o mahuhusay ang mga artista.

You might also like