You are on page 1of 60

1

SINESOSYEDAD

Yunit I Pagkilala sa Iba’t Ibang Halimbawa ng Uri ng Pelikula

Bakbakan o Aksiyon
Ang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story ay isang pagsasadula ng
buhay at kapanahunan ng gang leader na si Nicasio Salonga na naghari sa Tondo mula
noong dulo ng mga 1940s hanggang Oktubre 1951, nang siya ay paslangin ilang araw
bago dumating ang kanyang ika-27 taong kaarawan. Lagi na lamang ipinag-aalala si
Asiong (George Estregan, Jr.) ng kanyang maybahay na si Fidela (Carla Abellana), at
ng kanyang mga magulang (Robert Arevalo at Perla Bautista), nguni’t hindi
magpapaawat si Asiong. Gusto niyang patalsikin ang ibang mga siga sa Maynila na
diumano’y nang-aapi sa mga mamamayan ng Tondo. Kabilang sa mga ito ay sila
Totoy Golem (John Regala) at Boy Zapanta (Ronnie Lazaro). Nahuhulog ang loob ng
mga taga-Tondo, lalo na yaong mga kinikikilan ng mga karibal ni Asiong na kilala
naman bilang matulungin sa mahihirap, isang makabagong “Robin Hood”.
Mamaliitin nila Golem at Zapanta ang bagitong si Asiong, ngunit hindi susuko si
Asiong, gagamitin ang husay niya sa baril at basag-ulo upang mangibabaw at
taguriang “Hari ng Tondo”.
Ito ang ikaapat na bersiyon ng kuwentong-buhay ni Asiong Salonga na isina-
pelikula na mula pa noong taong 1961. Hindi kami pinalad na mapanood ang mga
naunang bersiyon, pero marami kaming masasabi tungkol dito sa pang-apat na siya
namang nanalong Best Picture sa MetroManila Film Festival (MMFF). Sa larangang
teknikal, malaki ang lamang ng Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story sa mga
katunggali nito sa MFF; anupa’t halos lamunin na nito ang iba’t ibang awards ng
MMFF 2011. Sadyang mahusay ang pagkakagawa ng Manila Kingpin: The Asiong
Salonga Story subali’t hindi ito nangangahulugan na walang kapintasan ang pelikula.
Maganda siyang panoorin, basta’t hindi ka na mag-iisip o magtatanong.
Ginawang black and white ang pelikula para mas maging mukhang lumang
istorya talaga—tipo bang kapani-paniwala, parang documentary noong wala pang
Technicolor, okey. Nagsilbi din yung black and white para hindi masyadong maging
mukhang madugo ang pelikula—dahil ang istorya’y pulos barilan, saksakan, patayan,
umaagos ang dugo na tila ba galing sa sirang boke-sendyo. Kung nagkataong
Technicolor ang pelikula, baka masuka na ang manonood sa dami ng dugo, kahit na
nga ba isiping mong ketsap lang yung dugong iyon.
2
SINESOSYEDAD
Kahanga-hanga ang galing at tamang-tamang paglapat ng sounds at lighting:
hindi tulad ng karaniwang pelikulang Pilipino na minsa’y sobrang dilim at minsan
nama’y nakakabulag na sa liwanag na wala sa lugar, at magkaminsay biglang
nakakabingi sa lakas ng tunog, maging salita man o musika. Wala ang mga
kapintasang iyan sa Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story.
Kapansin-pansin din ang mga piling-piling tugtugin na inilapat sa iba’t ibang
bahagi ng pelikula. Sa totoo lang, hanggang ngayo’y humuhuni pa kami ng Mad
World—isang tugtuging paborito namin lalo na’t kung instrumental piano and cello
ang pakikinggan—na siyang background music sa libing ni Asiong. Editing at script,
maayos din, makinis, tulad ng screenplay.
Sa pagganap naman ng mga pangunahing mga tauhan ay wala din kaming
masasabi kundi tila “kinarir” na talaga ng mga artista ang pagiging mga sanggano:
totoong-totoo. Pero si Carla Abellana, magaling sana mula simula pero nasira sa
bandang huli, noong nakaupo siya sa tulay at nasa kandungan niya ang pinaslang na
asawang si Asiong: umiiyak siya pero parang masyadong maingat, kulang sa
emosyon, parang ayaw maduguan, o kaya’y ayaw pumangit sa hagulgol, halata mo
tuloy na umaarte lang, artipisyal ang hinagpis. Kasi naman, masyadong pinorma ng
direktor ang eksenang iyon, nagmistulang pekeng Pieta tuloy. Minsan, sa
kagustuhang maging perfect ang cinematography, nasisira ang katotohan.
Ang tinutukoy naming mga pagkukulang ng pelikula ay, una, ang takbo ng
istorya: parang ang daming nilaktawang mahahalagang parte, kaya nagmukhang
patse-patse. Walang hibla na magdudugtong-dugtong at magbibigay saysay sa takbo
ng mga pangyayari. Sana, nilapatan man lamang nila ng konting mga petsa, para
nasusundan ng manonood ang mga tunay na pangyayari. Hindi rin maliwanag kung
ano ang tunay na motibo ng mga tauhan, kung bakit nila ginagawa ang mga ginagawa
nila (maliban sa gusto nilang maghari), o kaya’y kung saan napupunta ang salaping
nakikikil nila (Golem at Zapanta).
Pagtatakhan mo rin kung ganoon bang kagarbong magbihis ang mga sanggano ng
Tondo nung panahon ni Asiong—paki-research nga. Si Asiong mismo ay mahilig
mag-Amerikanang puti at tango shoes, walang pinagkaiba sa isang asendero. Paki-
research nga ulit.
Parang hindi rin kapani-paniwala na ang babae ni Asiong ay isang takilyera
lamang sa sinehan samantalang sa ganda niyang mala-Paraluman ay puwede na
siyang maging artista sa Hollywood noong mga panahong iyon.
3
SINESOSYEDAD
Pero ang talagang “pinaka” sa aming mga pintas sa pelikula ay ang idad at hitsura
ng gumanap na Asiong. Ilang taon na ba si George Estregan, Jr.? Kahit na may
hawig siya sa tunay na Asiong, kahit na kulapulan mo pa siya ng makeup, ay hindi pa
rin siya magmumukhang 27 anyos—edad ng pagkamatay ni Asiong Salonga. Mukha
tuloy silang mag-ama ng asawa niyang si Fidela. Dahil dito, nakasira sa pagiging
makatotohanan ang pelikula. Galit ang mga nakatatandang gang leaders kay Asiong,
na sa simula pa lang ng pelikula ay nilalait na nila dahil may gatas pa ito sa labi ay
nag-aambisyon nang maging hari. Pero ang tinuringang may gatas pa sa labi ay
mukhang 48-anyos na. Ang epekto ng eksenang ito sa manonood ay, “Teka, hindi ba
27 namatay yung Asiong; eh di, mga 20-23 pa lang siya dito siguro nung binubugbog
siya ng mga gang leaders at hindi pa siya kingpin?”
Sa gawing moral naman, gusto lamang balaan ng CINEMA ang mga manonood
hinggil sa pagiging “makinis” ng pelikula. Maaaring dahil sa ganda ng pagkakasa-
pelikula ng buhay ni Asiong ay tingalain na siya bilang isang dakilang karamay ng
mga dukha. Tandaan natin na ang “bida” sa pelikula ay isa ring “kontrabida” sa tunay
na buhay; katulad ng mga katunggali niyang sanggano, siya ay mamamatay-tao rin
kahit na ipinta pa siya ng pelikula bilang isang “mabait” na gang leader o kampiyon
ng mga naaapi. Ang mga kriminal na walang pasubaling pumapatay ng tao para
busugin ang kanilang mga ambisyon ay hindi dapat itinataguyod bilang mga bayani.
Pagkat ang sarili lamang nilang mga pagnanasa ang mahalaga sa kanila, ayaw nilang
pasaklaw sa batas, at nagiging sanhi sila ng kaguluhan sa lipunan. Kung papaslangin
mo ang iyong mga kaaway (para lamang “makatulong” ka sa mahihirap), paano
naman yaong mga pamilya at mahal sa buhay ng mga taong pinaslang mo?
Matapos ang panonood, narinig namin ang isang lalaki na nagsabing, “Para ka
lang nanood sa television!” Tuloy naisip namin, bakit kaya gumagawa tayo ng
ganitong mga pelikula na gumagawang kaakit-akit sa krimen?

Animasyon

Matagal ng pinangarap ng labing-isang taong gulang na si Bubuy (Nash Aguas)


ang lumipad sapagkat inisip niyang paraan ito upang matakasan ang lahat ng kanyang
problema, lalo na ang mga nang-aaway sa kanya sa eskwela. Isang araw, dahil sa
pagbabanta ng mga ito ay napilitan si Bubuy na sindihan ang paanan ng punong balete
sa kahuyan malapit sa kanilang bahay. Hindi niya inakalang babalikan siya sa
4
SINESOSYEDAD
kanyang ginawa sa pamamagitan ng pagdukot ng lamang lupa sa kanyang lolo at lola.
Matapos mangyari ito ay kaibigang nagpakilala sa kanya si Anna (Katrina Legaspi),
isang mabait na batang manananggal, na nangakong tutulungan siyang hanapin ang
nawawala niyang lolo’t lola. Dinala siya ni Anna sa mundo ng Elementalia upang
makausap si Lolo Nano, isang matulungin at pantas na paham na siyang nagturo kay
Bubuy kung paano makuha muli ang kanyang lolo at lola. Marami siyang
nakasagupang iba’t ibang nilalang tulad ni Narsi (Michael V.), isang tikbalang na
kanilang naging kaibigan ni Anna, mga sirena at syokoy, kapre, mga tsyanak, at
maging kampon ng mga aswang. Maraming napagdaanang pagsubok si Bubuy bago
niya nailigtas ang kanyang lolo at lola ngunit matagumpay siyang nakalagpas sa mga
ito at nakabalik nang ligtas sa mundo ng mga tao. Marami siyang natutunang mga aral
at natupad din ang kanyang pangarap makalipad, hindi para takasan ang problema
ngunit para abutin ang kanyang makakaya, dahil sa kanyang naging pambihirang
karanasan at mga bagong kaibigan.

Sa pagsuri ng pantematikong aspekto ng ‘Dayo’, masasabing kapuri-puri ang


pinaikutang mensahe ng kwento. Nagawa ng pelikulang magpahiwatig ng sari-saring
mensaheng makabuluhan tulad ng pag-aalaga sa kalikasan, pagpapahalaga sa pamilya,
at paniniwala sa sariling kakayahan. Namukod-tangi ang mga dalang tema ng Dayo sa
ibang pelikulang pinalabas ngayon dahil sa mararangal na mensaheng dala nito na
ipinakita sa simpleng paraan. Ang kwento ay hindi kinailangang lagyan ng romansa o
anumang pinagkaugalian nang hilig na panoorin ng madla. Nakagawa ng isang
magandang istoryang pakikipagsapalaran na gamit lamang ang mga pangkaraniwang
aspekto ng pagiging Pilipino sa panahon ngayon na may paniniwala pa rin sa
katutubong mitolohiya. Tunay na pangkasalukuyan ang daloy ng kwento kahit na
kasabay pa ring ipinakita ang mga lumang paniniwala, tradisyon, at kultura natin sa
kilos, pananalita, pakikitungo sa kapwa, at pagharap sa mga problema. Naging
makatotohanan ang istorya sa normal na takbo ng buhay ng masang Pilipino.
Sa pang-estetikong pananaw, mahusay na naipadama ang mga saloobin at
kaisipan ng istorya. Madaling ilagay ang sarili sa puwesto ng mga tauhan dahil sa
mga kahawig na pagsubok at hangarin mula sa kwento na karaniwang nararanasan din
ng lahat sa totoong buhay. Madaling iugnay ang mga pangyayari sa mga karanasan ng
mga Pilipino, lalo na ang plot tungkol sa kahalagahan ng pamilya. Hindi man aktwal
na ama at ina ni Bubuy ang kanyang lolo’t lola, sila na ang gumanap bilang mga ito
5
SINESOSYEDAD
nang pumanaw ang mga magulang ni Bubuy noong siya’y bata pa lamang. Sa aspekto
pa lamang na ito ay marami na ang mahahabag at makikiugnay dahil hindi na
panibagong realidad sa mga Pilipino ang mamuhay kasama ng ibang minsa’y
malalayo pang kamag-anak. Usap-usapin din ngayon ang pangangalaga sa kalikasan
na isa sa mga pinaikutang tema sa buong pelikula, at nangangalabit sa isipan ng mga
tao sa kasalukuyan dahil sa lahat ng pangamba ukol sa global warming at climate
change. Hindi naman mapag-aalinlanganan na bukod tangi at kauna-unahan sa
ganitong uri ang pelikulang Dayo, kung susuriin sa spectacle na aspekto. Ang
pagiging unang lokal na animated film nito ay kitang-kitang pinagbuhusan ng buong
talento at kakayahan ng mga gumawa. Ang visual effects ay kapansin-pansin dahil sa
pagkamalikhain nito at sa ginawang madetalyeng pagguhit, lalo na sa mga
background ng bawat eksena. Bawat maliit na bagay ay pinagtuunang pansin. Kung
tutuusin, maihahalintulad ang pamamaraan ng animation nito sa pelikulang Hercules
ng Disney. Mahusay din ang paglapat ng sound effects, lalo na ang mga napaka-
natural na lagaslas, kaluskos, at hagunot, na mga tunog-kalikasan. Maging ang
kabuuang musika ay maganda at akmang-akma sa partikular na damdamin o temang
ipinapakita sa bawat sandali. Halimbawa na lamang siyempre ang theme song na
Lipad na kinanta ni Lea Salonga, at ang awit na Elementalia ni Joey Ayala na
mahusay na nabigyang-kahulugan ang paghanga at pamimitagan ni Buboy sa kanyang
unang pagdating sa Elementalia. Nakapupukaw ito ng alaala tungkol sa awiting Under
the Sea, muli ng Disney, mula sa The Little Mermaid.
Hindi naman sa paulit-ulit na paghahambing, ngunit iginigiit lamang na
naipamalas at napatunayan ng Dayo na may kakayahan din tayong tapatan ang mga
nangungunang animated films ng mga dayuhan kung bibigyan lamang ng sapat na
pagkamalikhain at kahusayan ang sining na ito. Kung talento lamang ang pinag-
uusapan ay tiyak na hinding hindi nahuhuli ang Pilipino.

Sensuwal/Bomba
Ang kontrobersyal na pelikulang Serbis ni Direk Brillante "Dante" Mendoza sa
Robinson's Galleria, kung saan palabas din ang nabanggit na pelikula na naging
official Philippine entry sa nakaraang Cannes International Film Festival sa France.
Ang style ay parang semi-documentary na ang mga eksena kung ano mahagip ng
kamera, yun ang lababas. Yung point of realism ang iniintindi hindi yung dahil lang
may hubad na katawan ng artista.May naghuhubad kasi may katotohanang
6
SINESOSYEDAD
ipinapakita, at hindi lang dahil makakapag-titillate. Ang butt exposures niya na
nagpapakita ng boil (pigsa) na mayroon ding ibig ipahiwatig sa narrative ng pelikula.
CONTROVERSIAL FILM. Naging controversial among foreign critics ang
Serbis dahil sa impresyong willing daw talagang makipag-sex ang mga artista sa
harap ng kamera.
"Walang pulitika, magic o kung anu-anong gaya sa sinasabi o pinaniniwalaan ng
iba sa industriya kung bakit nakalusot ang pelikula. After so many years, may isang
local film na pumasok for competition sa Cannes. Napansin ang Masahista sa
international filmfests, followed by Tirador, which got very good reviews. "Then
Foster Child which was part of last year's Directors Fortnight sa Cannes. It paved the
way for me to do Serbis.
He's only three years old in the field of film directing. Hindi gaya nina Joel
Lamangan at Chito Roño, baka wala pang mga ganitong usapin. After the Directors
Fortnight, puwede na sa competition.

Basahin ang paliwanag ng Direktor sa isang pag-aaral na isinagawa ng mga


mananaliksik ng DLSU sa link na ito https://www.dlsu.edu.ph/wp-
content/uploads/pdf/conferences/arts-congress-proceedings/2019/PACM-02.pdf

Dokumentaryo

Ang dokumentaryong Ekstra na pinagbibidahan ni Vilma Santos ay


nagpapamulat ng isipan hinggil sa kalagayan ng mga ekstra sa mga pelikula. Sa mga
sakripisyiong ginagawa nila upang kumita ng kakarampot na bayad, kapalit ng
kanilang natatapakang dignidad. Sila yaong naghihintay ng matagal nang walang
reklamo, tumatanggap ng sampal, suntok at kung anupamang pananakit, at nilalagay
ang buhay sa panganib.
Gaano man kaliit ang kanilang papel sa tauhang gingampanan, malaki naman ang
kanilang kontribusyon sa buong produksiyon.

Drama
Ang Dalawang Mrs. Reyes
Parehong nagdududa sa pagkalalaki ng kani-kanilang mga mister ang dalawang
Mrs. Reyes na sina Lianne (Judy Ann Santos) at Cindy (Angelica Panganiban). Sa
7
SINESOSYEDAD
kanilang di inaasahang pagtatagpo ay makukumpirma nila na bakla nga ang asawa ni
Lianne na si Gary (Joross Gamboa) at asawa ni Cindy na si Felix ( JC De Vera).
Matutuklasan din nila ang mas masaklap na katotohanan na magkarelasyon ang mga
bakla nilang asawa. Sa tuluyang pag-iwan ng dalawang Mr. Reyes sa kani-kaniyang
pamilya ay magsasanib pwersa sina Lianne at Cindy at uupa ng private invetigator
upang malaman ang mga plano at ginagawang magkasama ng mga asawa nilang bakla
pati ang balak na pagpapakasal ng dalawa sa Taiwan. Magkahalong sakit at galit ang
nararamdaman ng dalawang Mrs. Reyes lalo na kapag nakikita nila na masaya ang
mga asawa nilang bakla samantala sila ay miserable. Gagawa sila ng mga paraan para
magkahiwalay ang dalawa katulad ng pakikisabwatan sa isang macho dancer,
pagbubuking sa biyenan at pagpo-post ng open letter na magba-viral sa social media.
Kumplikadong kwento na binigyan ng mahusay na trato ang Ang Dalawang Mrs.
Reyes. Mabigat ang tema pero naihatid ng magaan. Magaling ang direktor at ang
mga artistang ngsiganap lalo na sina Santos at Panganiban. Bagamat maraming
eksenang nagpatawa sa mga manonood, epektibo din nahugot ng pelikula ang iba’t
ibang reaksyon at damdamin ng mga manonood katulad ng galit, paninisi, awa, unawa
at simpatiya. Nakakalibang at nakaka-relate pakinggan ang mga diyalogo. Kuhang-
kuha naman ng kamera ang mga emosyon ng mga karakter ng dalawang Mrs. Reyes
pati ang mga detalye ng mga ginagawa ng mga asawa nilang bakla na magkalaguyo.
Maganda rin ang mga kuha ng kamera sa isang festival sa Taiwan. Sa kabuuan ay
maayos ang mga teknikal na aspeto at nakakaaliw panoorin ang pelikula.
May kasabihan na sa pagiging totoo sa sarili at pagkatao nagiging malaya ang isang
tao. Subalit may kaakibat na responsilidad ang pagiging malaya. Ito ang hindi
isinaalang-alang ng mga karakter na bakla sa pelikula. Sa halip ay ginamit ang
pagpapakasal upang subukang makapagtago sila sa katotohanan. Sa kulturang Pilipino
na malaki ang pagpapahalaga sa kasal at bilang bansang Kristiyano na sagrado ang
turing dito, Ang Dalawang Mrs Reyes ay salungat sa pagpapahalagang ito. Ang pag-
aasawa ay isang panghabambuhay na pagtatalaga ng sarili sa isang relasyon kaya
dapat ay buo ang loob at isipan sa pagpasok dito. Kung may isyu sa pagkatao, hindi
dapat magpakasal ang isang tao dahil siguradong madadamay ang iba. Sa pelikulang
ito biktima ang mga babae na nagmistulang desperado at miserable samantalang
nagpapakasaya ang mga dahilan ng pagka-miserable nila. Sa gitna ng kumplikadong
sitwasyon ay unti-unting nagkaroon ng pagtanggap, pang-unawa at pagpaparaya sa
parte ng mga biktimang babae. Maselan at seryoso ang kabuuang tema na tinalakay sa
8
SINESOSYEDAD
pelikula katulad ng adultery, deceit, investigative scheme, at same sex marriage.
Pawang may mga negatibong epekto ang mga nabanggit na tema sa pamilya at sa
lipunan. Nakababahala na tinalakay ang mga ito sa tratong nakaaaliw at maaring
isipin ng mga taong may murang isipan na katanggap-tanggap ang mga ito.

Ang Anak ay isang pelikula noong 2000 na handog ng Star Cinema na ang may
akda ay sina Ricardo Lee at Raymond Lee at director na si Rory B. Quintos. Ginawa
nila ito para sa mga OFW sa iba’t ibang panig ng mundo.
Sa natatanging pelikula na ito na sumikat sa takilya ay pinagbibidahan nina
Vilma Santos at Claudine Baretto. Ang pelikulang ito ang pinakatanyag na pelikula sa
kasaysayan ng pelikula sa Industriyang Pilipino dahil sa laki ng binatak nito sa
takilya.
Ang anak ay isang pelikula na tungkol sa pamilya na kung saan makatotohanan at
nagaganap sa henerasyong ito. Ang bawat pangyayari ay nakakaantig ng damdamin
kung saan ikaw ay magiging emosyonal dahil sa mga makabagbag damdaming mga
eksena na ginampanan nila:
Vilma Santos(Josie),Claudine Beretto(Carla),Joel Torre(Rudy),Amy Austria(Kaibigan
ni Josie),Baron Geisler(Michael),Cherry Pie Picache(Mercy),Sheila Mae
Alvero(Daday),Leonardo Munoz(Brian).
Ang isang babaeng nagpupumilit na gumawa ng mas mahusay na buhay para sa
kanyang pamilya ay napag-alaman na ang kanyang mga pagsisikap ay nagdulot ng
isang problema sa pagitan niya at ng kanyang mga anak sa pababang drama ng
pamilya. Si Josie ay isang ina ng tatlong anak (Carla, Michael, at Daday) mula sa
Pilipinas na nagtatrabaho sa Hong Kong bilang isang nars para sa isang mayamang
mag-asawa sa loob ng maraming taon.
Alam niya na makakagawa siya ng mas maraming pera sa Hong Kong kaysa sa
magagawa niya sa bahay, ngunit mayroon ding mga kwalipikasyon tungkol sa kung
paano makakaapekto ang kanyang kawalan sa kanyang mga anak, lalo na kapag
namatay ang kanyang asawa hindi nagtagal pagkatapos umalis. Kapag umuwi si Josie,
mayroon siyang mga regalo para sa lahat at makatipid mula sa kanyang suweldo, na
plano niyang gamitin upang magsimula ng isang negosyo.
Gayunman, ang kanyang mga anak ay hindi tinatanggap ang kanilang ina na may
bukas na bisig. Ang mga nakababatang bata, sina Daday at Michael, ay binabantayan
sa paligid ni Josie, at habang kalaunan ay inayos nila ang kanilang relasyon sa
9
SINESOSYEDAD
kanilang ina, ang pinakaluma na si Carla, ay walang ginagawa upang maitago ang
kanyang sama ng loob sa kanyang nakikita bilang napakahalagang pag-abandona ng
kanyang pamilya.
Malinaw na hinamon ni Carla ang awtoridad ni Josie, nagsisimula nang makipag-
date sa mga batang lalaki na alam niyang hindi papayag ang kanyang ina, na
ipinapakita ang kanyang burgeoning sekswalidad, nagsisimula gamit ang mga gamot
at maraming mga pagpapalaglag.
Sa huli, napagtanto ni Carla kung ano ang nagawa niya at naiintindihan ang dahilan
kung bakit hindi na siya umuwi ng kanyang ina sa pagkamatay ng kanyang ama,
pinatawad siya at binago ang kanyang mga paraan at nangako sa kanya na alagaan
ang kanyang mga nakababatang kapatid kapag siya ay nagpunta bumalik sa
Pilipinas.Malalim ang istorya sapagkat hindi ito pangkaraniwan lamang na may mag-
aaway at magbabati. Ipinapakita ng kwento ang detalyado at eksaktong mga
pangyayari kung bakit nagkaganoon ang kanilang pamilya. Hindi paligoy-ligoy ang
istorya sapagkat pokus nito ang mga pangyayari kung bakit kinamumuhian siya ng
kanyang anak na si Carla.
Ang pangunahing tauhan na ginampanan ni Vilma Santos ay nagpapakita ng
katapangan sa pagharap niya sa suliranin-ang paglayo ng loob ng kaniyang anak sa
kanya. Hindi niya tinakbuhan bagkus ay hinarap niya ito ng buong lakas.
Pananalita
May mga pagkakataon na nagmumura ang karakter ngunit itoy nagdadala sa mas
mataas na antas ng tunggalian sa pagitan ng mga karakter. Ang mga salitang ginamit
ay hindi malalalim na naghatid sa mas malalim na pag-unawa ng mga manonood.
Direktang ipinahahayag ng mga tauhan ang kanilang saloobin ng walang paligoy-
ligoy.
Tema o Paksa
Ito ay patungkol sa isang ina na nagtratrabaho bilang OFW sa Hong Kong at
tinitiis na malayo sa pamilya upang mabigyan ito ng magandang buhay. Naglalayon
ito na ipaintindi sa mga kamag-anak ng mga OFW na hindi sila umalis para takasan
ang kanilang mga responsibilidad at obligasyon.
Pamagat
Ang pamagat ay angkop sa pelikula sapagkat sa kanya nagsimula ang problema,
noong pinipilit niyang lumayo ang kaniyang ina sa kanilang magkakapatid. Ito rin ay
sumisimbolo sa mga paghihirap makuha lang ulit ang loob ng kaniyang mga anak.
1
SINESOSYEDAD 0

Sinematograpiya
Ang mga anggulong kinunan ay angkop sa bawat pangyayari. Ang pagpapalipat-
lipat ng anggulo at pokus ng camera ay mas nagbigay ng kulay sa buong kuwento.
Katulad din ng Visual effects. Mas napaigting nito ang bawat pangyayari, mas
nagkaroon ng malawak na access sa mga pangyayari.
Aspektong Teknikal
Sa mga ganitong klaseng pelikula, nangangailangan ito ng mga musika upang
mas maantig ang damdamin ng mga manonood. Ang mga eksena ay hindi putol-putol,
sunod-sunod ang mga pagkalahad ng mga impormasyon.
Mayroon ring koordinasyon sa ilaw at tunog kaya’t hindi ito magulo tignan. Ang
editing ay napakahusay sapagkat sunod-sunod ang pagkakadugtong mga mga
pangyayari at ito ay nakabuo ng maganda at epektibong pelikula

Ang Dekada 70 pelikula ay nagpapahiwatig ng mataas na lebel ng


diskriminasyon sa relasyon ng isang babae at lalake. Na silang kalalakihan ang dapat
na magtrabaho at sumoporta sa pangangailangan ng kanilang pamilya.
Ipinahihiwatig ng pelikula na mas angat ang kalalakihan kaysa sa mga
babae.Pinahihiwatig nito ang babaeng karakter na pilit na gumagawa ng paraan upang
magkaroon siya ng sariling pagkakakilanlan.
Naipakita dito ang kabataan kapag nagkamaly na guamagawa na sila ng desisyon
na hindi sang-ayon sa pasya ng kanilang mga magulang.Namumulat sila sa kanilang
mga karapatan.
Sa mg anak ng bida mababakas ang pagkakaiba-iba nila ng paniniwala at
tunguhin. May isang mahilig s apolitika. May nakabuntis ng maaga at natali ng
responsibilidad na walang tiyak na hanapbuhay. May pa chill lang. May nadadamay
lang. May seryoso sa pag-aaral. May pariwara may pakialam. Sa pelikula ay isang
henerasyong nais manghimasok dahil lang sa kuryosidad. Isang henerasyong
naniniwlang sila ang kinabukasan Isang henerasyong malupit at magulo.
Ang pagsasadya ng direktor na gawing puro lalake ang mga anak ay upang
maipakaita ang kalagayan ng isang babae sa loob ng tahanan na pawang lalake ang
dominanteng nakakasama nito araw-araw.
Ang pelikula ay may maayos na storyline at mahusay na pagpili ng mga
nagsiganap na artista
1
SINESOSYEDAD 1

Visual effect-hindi masyadong malinaw pero nagpapakita malakas na kabig ang


bawat salita na ginamit ng manunulat.
Gaya ng mga salitang;
A man who is not meant to die for is not fit to live. -Julian
Huwag mong pasanin nag problema ng mundo, You’re just a kid.-Julian
It’s a man’s world-Julian
Ang iyong anak ay hindi ninyo anak. Nagmula man sila sa inyo,..Jules
Mabibigyan mo ng tahanan ang kanilang katawan, ngunit hindi ang
kanilang kaluluwa.
Hindi ko daw anak iyon nagdaan lang sa akin-Amanda
Tayo ang nagpapahirap sa ating buhay-Evelyn

Pantasya

Si Agimat at Si Enteng Kabisote

CAST: Bong Revilla, Vic Sotto, Gwen Zamora, Sam Pinto, Oyo Boy, Amy Perez;
DIRECTOR: Tony Y Reyes; MUSICAL DIRECTOR: Jesse Lasaten; PRODUCER:
Marlon Bautista, Marvic Sotto, Orly Ilacad, Aneth Gozon; DISTRIBUTOR: Imus
Production, M-ZET, APT, GMA Films, Octo Arts; GENRE: Comedy; LOCATION:
Manila Philippines; RUNNING TIME: 110 minutes
Sa pagtugis ni Agimat (Bong Revilla) sa kalaban ay mapapadpad siya sa
Enkantasya kung saan kasalukuyang sinusundo ni Enteng (Vic Sotto) ang kanyang
asawa na si Faye (Gwen Zamora). Sa simula ay mapapagkamalan ni Enteng na
kalaban si Agimat subalit mamamagitan si Ina Magenta (Amy Perez) at matatanto ni
Enteng na magkakampi sila sa pagsupil sa kasamaan. Upang matupad ang pagsasanib-
puwersa nina Agimat at Enteng ay sabay silang magbabalik sa mundo ng mga tao
upang magbigay ng proteksyon laban sa paghahasik ng lagim ng mga kampon ng
kadiliman. Sa maikling pamamalagi ni Agimat sa tahanan ni Enteng nakadama si
Agimat ng magkahalong kasiyahan at panibugho dahil sa nakita niyang magandang
samahan ng pamilya ni Enteng. Naisip niya na dahil sa pagtupad niya sa kanyang
misyon na paglaban sa kasamahan ay hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na
magkapamilya. Lingid sa kaalaman ni Agimat, si Samara (Sam Pinto), isang babaeng
mandirigma, ang matagal nang humahanga at inaasam na maging asawa niya.
1
SINESOSYEDAD 2

Magiging tulay ang batang si Bebeng (Jillian) na kapwa nila nailigtas mula sa kamay
ng mga halimaw upang magkalapit sina Agimat at Samara. Katulad ni Enteng ay
nakasumpong din si Agimat ng masayang pamilya sa piling nina Samara at ng ulilang
si Bebeng na itinuring nilang anak. Samantala nagsanib din ng mga pwersa ang mga
mortal na kalaban nina Enteng at Agimat. Mula sa taglay na kapangyarihan ng mga
kampon ng kadiliman ay ginaya ang anyo ng dalawa upang kidnapin sina Faye at
Samara at pagbintangan ang isa’t isa. Dahil dito ay magiging magkalaban sina Enteng
at Agimat.

Maganda ang ideya ng produksyon ng Ang Agimat at si Enteng na pagsamahin sa


isang pelikula ang dalawang malaking tauhan sa pelikula. Ang karakter ni Agimat ay
may misyon na pagsupil sa kasamaan samantala simpleng tao naman ang karakter ni
Enteng na hindi sinasamantala ang kapangyarihang enkantado ng kanyang asawa at
mga anak. Nabigyan ng patas na pagtatampok ang dalawang karakter bilang mga
alagad ng kabutihan sa pelikula. Bagamat umiinog sa mga kaaway ni Agimat ay
markado ang partisipasyon ng orihinal na kalaban ni Enteng na si Satana. Maliban
naman kay Sotto ay wala ng masyadong inihain sa pag-arte ang iba pang nagsiganap.
Gayunpaman ay nakapagbigay-aliw ang mga “special effects” ng mahika at ang
disenyo ng produksyon. Patok sa mga batang manonood ang mga eksenang tulad nito.
Maganda rin ang mga kuha ng kamera at iba’t ibang komposisyon na nagpapakita ng
magagandang tanawin.
Pagbubuklod ng pamilya at pagwawagi ng kabutihan laban sa kasamaan ang tema
ng Ang Agimat at si Enteng. Isang pamilyang nagkakabuklod sa pananalangin,
suporta at proteksyon sa bawat isa at sa kapwa. Isang amang nakakaunawa at handang
tiisin na malayo ang anak bilang paggalang sa hangarin nito na abutin ang pangarap.
Pinakita rin ang pagiging responsable at paggamit sa taglay na kapangyarihan sa
tamang paraan. Bilang tao ay mas matamis ang tagumpay kung patas at
pinaghihirapan ang lahat. Ang isang may misyon ay nakitaan ng focus at dedikasyon.
Bagamat ginamitan ng teknik na walang pinakitang dugo sa mga eksena ng espadahan
ay dapat pa ring gabayan ang mga bata na kathang isip lamang ang kwento at
delikadong maglaro ng matalim na bagay tulad ng espada. Sa kabuuan ay positibo ang
pelikula sa mga aral ng buhay. –Ni Imelda Benitez

Katatakutan
1
SINESOSYEDAD 3

"Bulong" - Ang Unang Pelikula ng Star Cinema sa Taong 2011


Sa pelikulang Bulong ng Star Cinema, tatalakayin ang isa sa maraming pamahiin
ng mga Pilipino. Ito'y ang paniniwalang madaling magkatotoo ang isang hiling na
ibinulong sa patay.
Ang mga bida ng naturang horror-comedy ay sina Vhong Navarro, Angelica
Panganiban, at Bangs Garcia. Kasama rin nila sina Jon Avila at Teddy Corpus na
siyang kasamahan ni Vhong sa talent search na Showtime.
Si Chito S. Rono ang direktor ng Bulong, na gumawa rin ng mga pelikulang
tumalakay din sa mga pamahiin, tulad ng Feng Shui (2004) at Sukob (2006).
Reaksiyon ng mga Kasangkot sa Pelikula
Ipinahayag ng direktor at ng cast ang kanilang pag-aalinlangan sa pamahiin ng
bulong.
Ayon kay Angelica, narinig niya sa kanyang pamilya ang pamahiing ito, at
nagawa niya na ito para mawala ang kanyang mga sakit.
"Gumagaan naman ang pakiramdam ko," saad ng sexy comedienne.
Ayon naman kay Bangs, hindi siya naniniwala sa pamhiing ito.
"Relihiyoso po kasi ang pamilya ko," saad niya. "Kaya sa amin, mas mabuti pa
pong magdasal."
Natatakot naman si Vhong kapag iisiping bubulong siya sa patay.
"Parang nakakatakot bumulong, e. Kaya tulad nga ng sinabi namin sa presscon,
pag bumulong ka sa patay, nakakatakot, baka sumagot, e... So, parang hindi ko carry
yung ganun," sagot ng TV host-actor.
Dagdag pa ni Vhong, kay Direk Chito niya lang nalaman ang pamahiing ito.
"Hindi ko alam ang bulong. Nalaman ko na lang kay Direk Chito ang bulong, na
may mga ganun palang mga pamahiin," pahayag niya.
"Na-excite ako kasi, a, meron pala tayong ganun. Marami pala tayong
mga pamahiin na wala ang ibang bansa. Yun yung lamang natin."
Pagpapatuloy niya, "Ang alam ko lang kasi pag may patay, hinahakbang ang
bata, di ba, yung mga ganun, para hindi raw dalawin o bisitahin. O pag pupunta ka sa
lamay, wag ka muna umuwi kasi baka sumunod. Pagpag, di ba? Yun yung mga alam
ko."
1
SINESOSYEDAD 4

Paglilinaw ni Vhong, hindi raw siya takot sa patay, kundi sa multo."Hindi naman
patay. Takot ako sa multo. Naniniwala ako sa multo. Kaya medyo hindi ko kayang
gawin na bumulong sa patay."
Pahayag naman ni Direk Chito, maging siya ay hindi naniniwala sa pamahiin na
bulong. Kamakailan niya rin lang raw ito nalaman.
Paliwanag niya, "Personally kasi, hindi ko talaga habit yung bumubulong. In fact,
nasa personal experience ko, kumbaga, it was more of expressing your love for... the
departed one, kung family siya o friend. Nagpapasalamat ako't nagdadasal, na nakilala
ko kunwari siya, or whatever.
"Anyway, itong sa Bulong, from friends, mga kilala ko, naririnig ko. And, I know
that they do it, but its not something na, siguro, binubulong lang nila sa may kakilala
nila. Pero I guess, it's still a form of prayer. I guess ganun pa rin sila. And, its another
Filipino [custom], kumbaga, ating kinaugalian na gumagawa tayo ng paraan para mas
mapadali yung ating mga hinahanap o wini-wish, o pinapangarap."
Saad pa ni Direk Chito, pipiliin na lang niyang magdasal kaysa bumulong sa
patay.
"Pero personally, I've heard of it but it's not a habit of mine to do it. Usually,
nagdadasal lang ako," sabi ng direktor.

Musikal
Ang “I Do Bidoo Bidoo: Heto nAPO Sila", na idinirehe ni Chris Martinez, ay
isang pelikulang musikal na puno ng komedya at drama na nagtatampok ng all-time
hits na mga kanta ng Apo Hiking Society. Ang pelikulang ito ay isang kuwento ng
buhay at pag-ibig, tulad ng mga kanta ng Apo.
Pinagbibidahan ito nina Rocky Polotan (Sam Concepcion) at Tracy Fuentebella
(Tippy Dos Santos), dalawang batang nagpasyang magpakasal matapos ang hindi
planadong pagbubuntis ni Tracy. Gayunpaman, ito ay hindi nangangahulugan na ang
kanilang mga magulang na sina Rosie at Pol (Eugene Domingo at Ogie Alcasid),
magulang ni Rocky at sina Nic at Elaine (Gary Valenciano at Zsa Zsa Padilla),
magulang ni Tracy ay hindi makakapagdulot ng malaking problema sa kanilang
dalawa. Mas lumalim ang kwento nang nagkukumpetensya at nagkaka-awayan na ang
mga pamilya dahil sa pagkakaiba nila sa kanilang social class na nagresulta sa
pagkagulo ng isip sa dalawang bata.Ang sinematograpiya ng pelikulang ito ay
nagpatunay na isa itong pangunahing kadahilanan sa tagumpay ng pelikula. Mas
1
SINESOSYEDAD 5

nagkaroon ng katuturan ang pelikula dahil sa sinematograpiya nito. Mas naiintindihan


at namamangha ang mga tao dahil sa linaw at ganda ng mga kuha at mas
naipaparamdam sa tao kung ano ang gustong maiparamdam ng direktor at ito ang
essence ng pelikula. At kapag napakaganda ng sinematograpiya, minsan nailalagay ng
mga tao ang sarili nila sa sitwasyon na pinapakita at hindi ito nakakayamot.Sa
"Batang-Bata Ka Pa" na eksena, talagang ako ay namangha sa mga kuha ng camera.
Mahusay talaga ito at ang paglipat mula sa isang eksena sa sunod ay sobrang swabe.
Naging mas kapani-paniwala ang mga eksena at nakatulong sa pagkaemosyonal ng
eksena. Sa eksena naman sa lumang simbahan at kinakanta nila ang “Panalangin”,
napakahusay ang pagkakuha ng mga camera shots, ang pagpa-panning ng camera, ang
kulay sa mga kuha at ang pagzoom-out. Dahil sa mga kuhang ito, mas nakita ng mga
tao ang pagkaimportante ng eksena at ang kagandahan ng background na shot. Sa
lahat ng mga musical numbers, mga visual effects at kahit yung mga normal lang na
eksena, naipakita ang pagka-dalubhasa at pagka-malikhain ng isipan ng mga
sinematograper. Nabighani talaga ako sa transitions ng mga kuha ng camera. Hindi ko
inakalang mga Pilipino ang gumawa nito, nakakabighani naman kasi talaga ang galing
nila. Para akong nanonood ng isang banyagang palabas dahil sa galing ng
sinematograpiya ng pelikulang ito.
Kung magiging matapat ako, para sa akin, hindi magiging ganoon ka ganda ang
pelikula kung hindi dahil sa napakamahusay na sinematograpiya nito. Pinataas nito
ang kalidad ng pelikula at pinatunayan ang kalidad ng mga sinematograper ng ating
bansa. Ito siguro ang pinakamagandang Pilipinong pelikulang musikal para sa
ngayong taon kaya tamang tama lang na Graded A ng Cinema Evaluation Board ang
pelikulang ito. Sobrang naging matagumpay ang unang pelikulang musikal dito sa
Pilipinas. Mabuhay ang “I Do Bidoo Bidoo: Heto nAPO Sila"!

Epiko
Ang Urduja ay isang pelikulang animasyon tungkol sa alamat ng mandirigmang
prinsesang si Urduja ng Pangasinan. Ito ang una sa dalawang pelikulang animasyong
ginawa sa Pilipinas, at ang isa naman ay ang Dayo. Ang Urduja ay binuo ng isang
pangkat ng puro Pilipinong mga animador at ginawa sa pamamagitan ng ng
tradisyunal na proseso ng pagpinta ng animasyon (pagpinta gamit ang kamay).Ang
mga boses ay ginampanan din ng mga purong Pilipinong aktor. Ang Urduja ay
inilabas noong Hunyo 18, 2008.
1
SINESOSYEDAD 6

Buod ng Pelikula
Itinakda sa ika-13 siglo, ito ay nagsasaad na ang kuwento ng pelikula ay tungkol
sa isang maalamat na prinsesang mandirigma na nagngangalang Urduja. Bilang nag-
iisang tagapagmana ng trono ng tribung Tawilisi, si Urduja ay lumaki kasama ang
kanyang ama upang maprotektahan ang kanilang mga tao mula sa kanilang karibal na
tribo, ang Badyaw. Subalit, tradisyon na nila na isang lalake ang maghari sa kanilang
tribo, pinili ng ama ni Urduja na ipaksal siya kay Simakwel--ang mapagmataas na
lider ng mga magdirigma ng Tawilisi (ang pangalan ng kanilang tribo).
Samantala, kapalaran ang gumawa upang si Limhang (isang piratang Intsik) at
ang kanyang mga tao ay mapadpad sa tribo/lugar ng mga tawilsi. Naging malapit ang
mga kalooban ni Urduja at Limhang. Subalit, naging problemado si Simakwel sa pag-
iisip na mawawala ang korono at si Urduja sa kanya, kaya naman nag-isip siya ng
mga masasamang plano. Gayunman, walang makakapigil sa pag-iibigan nina Urduja
at Limhang.

Tignan ang pagsusuri na isinagawa sa link na ito:


http://ohmytanya.blogspot.com/2009/11/review-of-movie-urduja.html

Science Fiction
Si Kokey ang alien character na naging bida sa 2007 primetime series ng ABS-
CBN. Pero unang nabigyan ng buhay si Kokey sa pelikula.Two kids discover an
extra-terrestrial being whose space ship is destroyed upon landing on earth. They keep
it with them without the knowledge of their parents and soon the three become good
friends. It also helps them with his powers.

Pakikipagsapalaran/Adbentura

Ang T.G.I.S. ay isang palabas sa telebisyon sa Pilipinas ng GMA Network.

Mulawin: The Movie isang sequel ng Mulawin na serye sa telebisyon na


ipinalabas ng GMA Network.Ito ay pelikulang mula sa Regal Films at opisyal na
entry sa 31st Metro Manila Film Festival.
1
SINESOSYEDAD 7

The spectacular film saga begins where the groundbreaking tele-fantasy ends...
Aguiluz and Alwina's plan for a peaceful life as mortals is disrupted when their boat
to the realm of man is caught in a violent storm. They wash up on separate shores, a
young man and woman living without memories of who they are, and living separate
lives. Aguiluz is adopted by a humble farmer and Alwina becomes the surrogate
daughter of a wealthy family and is engaged to be married. But when Ravenum is
resurrected by Pirena, his evil army wreaks havoc on Abila, threatening the survival
of the entire Mulawin race. Their fate now hinges on the valor of two of its two
greatest champions, Aguiluz and Alwina. But will remember who they are before it is
too late?

TAKDANG GAWAIN:
Paghahambing ng realidad at sining (pangyayari sa totoong buhay at pelikula;
real at reel.)
Pumili lamang ng isang pelikula.Ilagay ang inyong sagot sa google classroom
natin.

Yunit II Dulog sa Pagsusuri ng Pelikula

Teorya/Dulog-pormulasyon ng palilinawing simulain ng mga tiyak na kaisipan upang


makalikha ng malinaw at sistematikong paraan ng paglalarawan o pagpapaliwanag
ukol dito.

Realismo
-Nagpapahayag ng pagtanggap sa katotohaan o realidad ng buhay
-layunin dito na maipakita ang mga karanasan at nasaksihan ng may-akda sa
kanyang lipunan sa makatotohanag pamamaraan.
-Katotohanan kaysa kagandahan

Iba’t Ibang Pangkat ng Pagsusuring Realismo


1
SINESOSYEDAD 8

Pinong Realismo-may pagtitimping ilalahad ang kadalisayan ng bagay-bagay at


iwinawaksi ang anumang pagmamalabis at kahindik-hindik
Sentimental na Realismo-mas optimistiko at inilalagay ang pag-asa sa damdamin
kaysa kaisipan sa paglutas ng pang-araw-araw na suliranin
Sikolohikal na Realismo-inilalarawan ang internal na buhay o motibo ng tao sa
pagkilos.
Kritikal ma Realismo- inilalarawan ang gawain ng isang lipunang burgis upang
maipamalas ang mga aspektong may kapangitan at panlulupig nito.
Sosyalistang Realismo-ginabayan ng teoryang Marxismo sa paglalahad ng kalagayan
ng lipunang maaring na bago tungo sa pagtatayo ng mga lipunang
pinamumunuan ng mga anak pawis.
Mahiwagang Realismo- pinagsanib na pantasya at katotohanan nang may kamalayan.
Higit na mahalaga ang katotohanan kaysa kagandahan.

• Paano inilarawan ng pelikula ang mga pangyayari sa totoong buhay?


• Matapat ba ito o subersibo sa realidad?
• Paano nito “hinubog” o “minolde” o “iprinisenta” ang realidad?
• Dulog 1: realismo = kapani-paniwala ang mga karakter at pangyayari (parang totoo,
pwedeng totoo)
• Dulog 2: realismo = totoo ang nirereprodyus na imahe sa kamera (realistiko,
makatotohanan ang pagsalamin o paglalarawan sa realidad)

Marxismo
-pinukaw ng dalawang Alemang Pilosopo sina Karl Marx at Freidrich Engels
ang kaisipang Marxismo noong kalagitnaan hanggang huling bahagi ng ika-19 na
siglo.
-Sa paniniwala ni Karl Marx habang patuloy na sumusulong ang puwersang
produktibo at teknolohiya, magbibigay-daan ang sosyalismo sa isang yugto ng
komunismong pagbabago ng lipunan. Ang komunismo ay magiging isang
makataong lipunan na walang kaurian o estado at naninindigan sa panlahatang
pagmamay-ari at sa prinsipyong
“Mula sa bawat isa ayon sa kanyang kakayahan,
para sa bawat isa ayon sa kaniyang pangangailangan.”
1
SINESOSYEDAD 9

umiikot ito sa pang-ekonomiya, sosyolohikal, metodong pilosopikal, at


panghimagsikang pananaw ng pagbabago ng lipunan
-Isang pandaigdigang pananaw at pagsusuri ng lipunan na tumutuon sa
ugnayan at hidwaan ng mga antas ng lipunan na gumagamit ng isang materyalistang
interprestasyon ng takbo ng kasaysayan, at diyalektibong pananaw ng pagbabago ng
lipunan.
- gumagamit ng ekonomiko at sosyo-politikal na pag-uusisa ang
metodolohiyang Marxista na siyang ginagamit sa analisis at kritika ng pag-unlad ng
kapitalismo at ang ginagampanan ng tunggalian ng uri sa sistematikong pagbabagong
pang-ekonomiya.
-itinataguyod ng tepryang ito nag materyalistang pag-unawa ng pag-unlad ng
lipunan, simula sa gawaing pag-ekonomiko na kinakailangan ng sangkatauhan.
-ayon dito nagaganap ang tunggalian ng mga uri sa kapitalismo dahil sa
paglala ng mga kontradiksiyon sa pagitan ng produktibo, mekanisado at maayos na
paggawa ng proletariat, at ng pribadong pagmamay-ari at pribadong paglalaan ng
labis na produkto sa anyo ng labis na halaga (o kita) ng iilang pribadong nagmamay-
ari na tinatawag na burges.
-ilang anyo ng Marxismo ay nakatuon sa pagpapasiya sa pag-unlad ng
lipunan-gaya ng paraan ng produksiyon, klase, ugnayang pangkapangyarihan, o pag-
aari-arian.
-ang Marxistang pag-unawa ay ginagamit sa mga disiplinang arkeolohiya at
antropolohiya, araling pangmidya, agham, pampulitika, teatro,
kasaysayan,sosyolohiya, kasaysayan at teoryang pansining, araling pangkultura,
edukasyon, ekonomiks, heograpiya, kritisismong pampanitikan, estetika, sikolohiyang
kritikal, at pilosopiya.
-tumatalakay sa mga pangyayari at mangayyari sa hinaharap.
-tumutuligsa sa mga puppet na gobiyerno
-Tunggalian ng mayaman at mahirap, mahina at malakas, makapangyarihan at
api.

• Paano nagtunggalian ang mga uring panlipunan sa pelikula?


• Sino ang nang-api at inapi; nagsamantala at pinagsamantalahan?
• Paano inilarawan ang mga karakter: bida ba o kontrabida ang nang-api o
inapi, ang nagsamantala o pinagsamantalahan?
2
SINESOSYEDAD 0

• Paano bumangon sa kaapihan o sitwasyong mapagsamantala ang mga


karakter?
• Paano nagsamantala sa iba ang ilang karakter?
• Aling uri ang nagtagumpay sa huli?

Pormalismo
- tanging pisikal na katangian ng akda ang pinakabuod ng pagdulog na ito
-tunguhin ng teoryang ito na matukoy ang nilalaman, kaanyuan o kayarian at
paraan ng pagakakasulat ng akda.
-kailangang msuri sa akda ang tema o paksa ng akda, ang sensibilidad at pag-
uugnayan ng ma salita, istruktura ng wika, metapora, imahen at iba pang elemnento
ng akda.
-nakilala noong 1910 at yumabong noong deakada 50 at 60 ang teoryang ito ay
may pananaw na
ang akda o teksto ay dapat suriin at pahalagahan kung ibig talagang masukat ang
kagandahan ng akda.
-tunguhin ng pormalistiko na matukoy ang nilalaman, kaanyuan o kayarian at
paraan ng pagkakasulat ng akda
-pagsusuri ng mahalaga sa teoryang ito
-dapat ang mailantad lahat ng mahhalagang bagay mula sa simula patungo sa
iba’t ibang elementong magakakaugnay hanggang sa katapusan
-dapat ay makita ang ironya o paradox o may kalabuan o may iba pang elemento
ng akda
- binibigyang atensiyon din ang salita o bokabularyo at ang kaibahan ng mga
salitang pampanitikan sa pang-araw-araw na salita.

• Paano nakatulong o nakasama ang liwanag/ilaw, tunog/sound track, presentasyon ng


mga eksena (shot composition), disenyo ng set, (mga) kulay ng eksena, editing ng
mga eksena sa kasiningan ng pelikula?
• Paano nakapukaw ng damdamin (o hindi nakapukaw ng damdamin) ang
liwanag/ilaw, tunog/sound track, presentasyon ng mga eksena (shot composition),
disenyo ng set, (mga) kulay ng eksena, editing ng mga eksena sa kasiningan ng
pelikula?
• Paano nagko-complement o nag-aaway-away ang mga nabanggit na elemento?
2
SINESOSYEDAD 1

Feminismo
-sagisag babae ang pangunahing tauhan ay ipninapayagpag ang mabubuti at
magagandang katangian ng tauhan.
-ang mga abbae ng panitikan ay inilalarawan ng ilang manunulat bilang mahina,
marupok, tanga, sunod-sunuran, maramdamin, emosyonal , pantahanan at masama.
-Ito ang sistemang pangkababaihan bilang mga indibiduwal na di-kapantay ng
kalalakihan
-apat na panahon ng Feminismo
1. Mga aklat nina Kate Millen, Germaine Greer, Eva Figes
2. Pagkakalathala ng mga aklat nina Showalter, Gilbert at Gubar
3. Ang tuwirang pakikipag-ugnayan ng Feminsimo sa post Istrukturalismo
4. Ang Feminismong may kaugnayan sa post modernismo

• Sinu-sino o anu-anong pwersa ang humahadlang sa plano o pagtatagumpay ng


babaeng karakter?
• Paano inilarawan ang mga babaeng karakter: bida ba o kontrabida ang nang-api o
inapi, ang nagsamantala o pinagsamantalahan?
• Paano bumangon sa kaapihan o sitwasyong mapagsamantala ang mga babaeng
karakter?
• Paano nila sinalansang ang sistemang patyarkal?
• Paano sila nagpaalipin sa sistemang patyarkal?
• Mapagpalaya ba sa aspektong pangkasarian ang pelikula?

Feministang Pagsipat sa “Everything About Her”


• Hadlang: kanser
• Babae (Vilma): Kontrabidang naging bida
• Babae (Angel): Nagpursige sa trabaho
• Sinalansang ang sistemang patyarkal sa pagtatagumpay sa career (Vilma), at
pagtataguyod sa pamilya (Angel)
• Mapagpalaya…

Sosyolohikal
2
SINESOSYEDAD 2

- ang pananaw na ito ay nagbibigay ng pangunahing halaga sa tao, dahil dito ang
tao ang sentro ng daigdig, at ang sukatang bagay at panginoon ay kanyang kapalaran
-ang indibidwal na pagsusuri ng akda ay nagkakaroon ng higit na matibay na
kapit sa ugnayang namamagitan sa buhay ng mga tauhan at ng mga puwersa ng
lipunan o umiiral na suliraning panlipunan.
-ang tao at ang kanyang saloobin at damdamin ang naging pangunahing paksa
rito.
-pinahahlagahan ang kalayaan at isipan, ang ganap na kagalingan ng henyo, at
mga natatanging talino at kakayahan ng tao at kalikasan.
-naniniwala ang mga tagapagtaguyod nito na ang manunulat ay produkto ng
kanyang panahon, lugar, mga kaganapan, kultura at institusiyon sa kanyang
kapaligiran kung saan itinuturing silang boses ng kanyang panahon
-ang indibiduwal na pagsusuri ng akda ay nagkakaroon ng higit na matibay na
kapit sa ugnayang namamagitan sa buhay ng mga tauhan at ng mga puwersa ng
lipunan o umiiral at isipan sa suliraning panlipunan
-konteksto ang sinusuri halimbawa ang talambuhay ng may-akda, kalagyang
politikal nang maisulat ang akda, tradisyon na nakaimpluwensiya dito, uri ng
kinabibilangan,sekssuwalidad, istrukturang panlipunan, sosyalisasyon, buong lipunan
(politika, etika, kultura, ekonomiya, pilosopiya at iba pa)

Takdang Gawain
Mag-isip/gumawa ng sariling teorya o pagdulog na maaaring gagagamitin sa
pagsusuri ng isang pelikula. Ibatay ito sa sariling gawi, kilos, pag-uugali at
kinalakihang tradisyon.

YUNIT III Mga Pangunahing Elemento sa Pagsusuri ng Pelikulang Filipino

Karakterirasyon/Mga Tauhan
Ilarawan ang bawat katauhan ng isang actor o aktres
Talakayin ang katauhan kung siya ay dati ng gumaganap sa mga ganitong
karakter sa pelikula malimit na obserbahan ang pagbabago-bago ng pag-uugali
Pansinin ang mga malayang paglalahad ng actor /aktres sa bawat emosyon at
kilos ng katauhan nito sa pelikula
2
SINESOSYEDAD 3

Mga Tanong:
(Sino-sino ang mga karakter?; Anu-ano ang positibo at negatibo nilang
katangian?)

Banghay/Plot
Ang pelikula ay isang kuwento –may simula, gitna at wakas
Itinatala ang mahahalagang eksena
Maaaring maging buod ng pelikula ang ilalagay sa banghay
Ilalahad ang masusing pagkakawakas ng pelikula
Mga Tanong:
(Ano ang pokus ng salaysay at tunggalian? Paano ito nalutas o nanatiling walang
kalutasan? Ano ang kinahinatnan ng mga pangunahing karakter?)

Sinematograpiya
Ito ang sining ng pagkuha o pagrekord ng eksena gamit ang kamera na
isinasaalang-alang ang mahusay na pagpili ng lokasyon at paggamit ng ilaw.
Ang magagandang lokasyon o mga angkop na lugar para sa mga eksena ang
siya ring nagpapatingkad sa imortalidad ng pelikula.
Inoobserbahan sa bahaging ito ang bawat paggalaw ng kamera ilaw at lokasyon
Mga Tanong:
(Formalistikong pagsipat: maaaring magpokus sa isa o 2 elemento)
Tema
Tumutukoy ito sa pangkalahatang konsepto ng palabas at ang inaasahang epekto
nito sa manonood.
Ang tema ang nagsisilbing tulay upang mapakilos ang manonood o
makapagnilay-nilay sa mga kalagayan sa buhay.

Kabuuang direksiyon / kahusayan ng direktor

Siya ang kapitan sa produksiyon ng pelikula, ang utos at kumpas niya ang
nasusunod sa shooting at maski na usaping teknikal, iskoring, sinematograpiya at
editing.
Ngunit hindi niya pag-aari ang buong pelikula.
2
SINESOSYEDAD 4

Ang director ang dakilang interpreter ng iskrip at artistikong tagapamahala ng


prodyuser.
Ang scriptwriter pa rin ang maestro ng naratibo at ang prodyuser ang nagmamay-
ari ng buong produksiyon at komersyal na aspekto ng pelikula.

Iskoring ng musika
Ang iskoring ang nilalapat na musika, instrumental man o may liriko sa pelikula
Istrumental kung walang liriko o titik ang awitin, ginagamit ang gitara, piano o
isang buong orchestra.
Sa kasalukuyan uso ang paggamit ng mga sikat na awitin bilang musika rin ng
pelikula.
Kadalasan ito na rin ang titulo ng pelikula o ang mang await ang bida tulad ni
Sarah G.

Lunan/ Panahon
Ilalarawan dito ang kaangkupan ng lugar at akmang panahon sa paggawa ng
pelikula
Pansinin kung ito ay ginastusan ng husto o kaya ay matipid matipid lamang ang
mga gastusin ng pelikula
Naging makatotohanan ba ang araw, hapon at gabi, tag-ulan, tag-init dahil
dalawang panahon lamang ang mayroon sa Pilipinas

Impluwensiya ng Pelikula

Kapupulutan ng aral
Nagtuturo sa tao kung paano lutasin ang katulad suliranin
Nagsisilbing inspirasyon, gabay,huwaran, at modelo
Nahahasa at nalilinang ang kaisipan ng manonood
Nagpapakita ng magagandang asal at pag-uugali ng isang tao

Panlipunang Nilalaman ng Pelikula/ Social Content

Makatotohanang paglalarawan ng tao mula sa pananaw ng kalagayan ng tao mula


sa pananaw ng Pilipino
2
SINESOSYEDAD 5

Tumatalakay sa karanasang Pilipino na makahulugan sa higit na nakararaming


manonood

(Marxista, Feminista, o Realistang pagsipat)

Mga Sangandaan ng Filipino at Adbokasing Panlipunan


• Mga awit ng/sa protesta
• Tulansangan; tulagalag
• Posisyong papel, resolusyon, manipesto, praymer ng mga kilusang panlipunan
• Teatrong panlansangan
• Mga pelikulang may kabuluhang panlipunan (social relevance) at nagpapataas sa
kamalayang panlipunan (social consciousness)

TAKDANG GAWAIN:

Yunit IV Panonood/Pagtatalakay at pagsusuri sa mga Uri ng Pelikulang Filipino

A. Pelikula Hinggil sa Isyung Pangkasarian

Ang “Everything About Her” (2016) ay isang pelikula na handog ng Star


Cinema para sa mga pamilyang may malaking pinagdadaanan na problema sa buhay.
Si Joyce E. Bernal ang nagdirektor dito. Ang pelikula na ito ay pinagbibidahan nina
Vilma Santos, Xian Lim at Angel Locsin.
Ang storya ay tungkol kay Vivian (Vilma Santos) na isang successful na
businesswoman, bigla niya nalaman na may stage 3 cancer na pala siya pero
tinanggap niya ito, tumanggap siya ng private nurse. Kahit alam niyang may sakit na
siya, hindi niya ito masyadong inintindi. Isa siyang napakalakas na tao pero may
kahinaan din siya ito ay ang kanyang anak na si Albert (Xian Lim) na pagkatapos ng
maraming mga taon ay umuwi uli ng Pilipinas para sa isang project proposal ng
kumpanya ng nanay niya. Hindi alam ni Albert na may sakit ang nanay niya kaya
sinabi ito ni Jaica(Angel Locsin) ang private nurse ni Vivian. Si Jaica ang magiging
tulay kay Vivian at Albert upang maayos ang problema ng mag-ina.
2
SINESOSYEDAD 6

Mahusay at marami ang tumangkilik ng pelikula. Madaming pinaiyak na mga


manonood at madami kang matututuhan katulad na lamang ng pagpapahalaga sa
pamilya na kahit anong mangyari ang pamilya ang nandyan para sa iyo.

Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa


Si Marlon (Paulo Avelino) ay may lihim na pagtingin sa kanyang guro sa
Literatura na si Karen (Jean Garcia). Nang minsang subukin niya ito, malalaman
niyang si Karen pala ay nagtuturo rin ng sayaw sa isang maliit na dance studio. Sa
kagustuhang mapansin ng kanyang guro (na hindi niya magawa sa klase dahil hindi
niya lubos na nauunawaan ang mga pinag-uusapang tula sa klase), maiisipan niyang
mag-enroll sa dance class ni Karen. Ngunit upang makapag-pakitang gilas pa,
magpapaturo muna siya sa kaklaseng si Dennis (Rocco Nacino) na nagtatrabaho
naman kay Karen bilang assistant choreographer. Dito magsisimulang mabuo ang
masalimuot na relasyon ng tatlo sa saliw ng sining ng tula, musika at sayaw.
Isang matapang na produksiyon ang Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa sa
pagsusubok nito na isapelikula at pag-isahin ang iba’t ibang sining upang makabuo ng
obra na tatangkilin ng masang manonood. Sa simula’y tila dinadala ang manonood sa
silid-aralan upang aralin at pag-usapan ang layon at anumang nais ipahiwatig ng iba’t
ibang tula na hango sa mga panulat ng ilang kilalang babaeng makata. Matagumpay
na naihatid ng pelikula ang mensahe, gaano man ito kalalim at ka-komplikado. Simple
ang kuwento ngunit pinaigting ito ng pag-iisang dibdib ng tula, sayaw at arte.
Lumutang din ang husay ng mga tauhan na bagama’t bilang ang dayalogo ay mas
marami namang sinabi ang mga mata nila at galaw. Dahil sa kanilang kahusayan,
naiparating ang mensahe sa gitna ng mga patlang at katahimikan. Sa pagnanais nitong
pasayawin sa indayog ng kuwento ang mga manonood, nagawa nitong dalhin sila sa
direksiyon na kung saan hindi lamang basta manonood ang mga manonood kundi
mapag-iisip din.
Sa kabila ng masining na pagkakagawa ng pelikula ay hindi maitatangging ang
kalakip na mensahe nito ay ang pagsasabing ang sining ay likas na “amoral” o walang
kinikilalang moral o imoral. Nakatutok ito sa estitiko, sa emosyon at hindi naka-
angkla sa kung ano pa mang pagpapahalaga bukod sa pagpapahalaga sa kinikilala
nilang “sining”. Ngunit maari pa ring maituring na katanggap-tanggap ang pelikula
dahil nagawa nitong ihain ang mensahe ng hindi kinikiliti ang sensibilidad ng
manonood. Hindi rin nito minamaliit ang lawak ng pang-unawa ng madla. Hindi ito
2
SINESOSYEDAD 7

nagpakita ng anumang kalaswaan sa kabila ng tema ng sekswalidad na ninais nitong


talakayin. Hindi rin pinalangoy ng pelikula sa pagkakasala ang mga tauhan, bagkus,
ang mga ito’y ginawa pa ring mga tauhang nag-iisip, marunong magnilay at tulad sa
tunay na buhay, itinatawid ang mga suliranin at sumasayaw ng naaayon sa tugtugin.
Kung minsa’y kontra-tiyempo, ngunit nagagawa pa ring itama ang mali. Binigyang
dignidad ng pelikula ang karangalan ng isang guro, pati na rin ng mga makata, mga
artista at mga mananayaw…sayang nga lang at hindi malinaw ang lugar ng Diyos na
siyang tunay na may likha ng lahat ng sining at Siyang nagbibigay ng talento na
nararapat lamang gamitin sa kabutihan at sa ikakalaganap ng Kanyang pagmamahal.

Mga Kuwentong Barbero: Di Kuwentong Kutsero

Pagpapalaya sa kababaihan:Mga artista Eugene Domingo, Shamaine Buencamino


at Gladys Reyes.
Tanaw sa lokal na danas tungong pambansa ang hatid ni Jun Lana sa pelikulang
Mga Kuwentong Barbero o Barber’s Tales (APT Entertainment and Octobertrain
Films, 2013). Pagpahayag din ito sa pagsilang ng indibidwal na malay tungong
kolektibong kamalayan.
Naging ganap ang mga ito sa pinagtagping mukha at damdamin ng anim na babae
sa baryo sa gitna ng katikasan ng Batas Militar ni Marcos noong 1975.
Gaya ng inaasahan sa babae ng kanyang panahon, walang pangarap at sariling
desisyon si Marilou (Eugene Domingo). Nakasanayan niya na ang maging anino at
utusan ng kanyang asawang barber na si Jose (Dan Fernando). Kaya naman nang
pumanaw ito, ang una niyang naisip ay mamasukan sa Manila kaysa subukin ang
trabahong bagamat angkin ng asawa ang karangalan nito, ang panggugupit naman ay
nakabisado na ng kanyang kamay. Katunayan, lumalabas na higit pang pulido ang
kanyang likhang gupit na ikinamangha ng mga suking sina Fr. Arturo (Eddie Garcia)
at Mayor Alfredo (Nonie Buencamino).
“Ganyan na lang ba? Kung hindi asawa ay katulong ang papel ng babae sa
lipunan?” Mula sa simpleng retorika na ito na ipinahayag ng matandang dalaga na si
Tessie (Shamaine Buencamino), ang problema ng komunidad sa kawalan ng barbero
ay kinilala ni Marilou. Ngunit ang kultura ng pagtinging mababa ang babae ay isang
pwersang humahadlang sa pamamayagpag ng kakayanan ng isang babae.
2
SINESOSYEDAD 8

Sa henyong twist ni Jun Lana, di mo akalaing ang Magdalena ng kanyang asawa


ang magiging anghel sa unang hakbang ng pagkilala ni Marilou sa kanyang sarili.
Maitatalang ang prostitusyon ay isang arketipo ng lipunang may krisis at nabubulok
habang sa sentido-kumong aksyon, ipinakilala ang dekadenteng karakter ni Rosa (Sue
Prado) bilang matalino at buo ang dignidad bagamat ang kanyang papel ay maging
maganda at magbigay-aliw lamang sa kasa ng mga lalaking nangangaliwa.
Ganito ring kasangkapan sa kama ang tauhan ni Susan (Gladys Reyes) na
inakalang sa pagkaroon sa wakas ng lalaking sanggol ay makapagpahinga na siya sa
gabi mula sa buong araw na pagtitinda ng kakanin.
Samantala, si Cecilia na mula sa mayamang uri ay di magampanan ang
pagbubuntis at pag-alay ng anak kay Mayor Alfredo, isang kapansanan tuloy na
nagbigay katwiran sa pagpaling ng kanyang asawa sa mga kerida at pag-ambon ng
pasá sa kanyang mukha at pag-iisip.
Tahimik na tagapagkinig, tagamasid at tagatanggap ng mga insidente si Marilou
na animo’y sumasang-ayon lamang sa kapalaran, masama man ito o mabuti, ngunit sa
mga serye ng komplikasyon ng pelikula ay unti-unti niyang nahalaw ang tamsik ng
tapang mula kay Tessie na nag-aruga sa pag-aaral ng pamangkin nitong si Edmund
(Nicco Manalo); kay Susan na nagtadtad ng sili sa ari ng kanyang asawa upang turuan
ito ng leksiyon; at kay Cecilia na tumapak sa lupa, nakiwiswis sa ilog at tumuring sa
gaya niyang mahirap bilang kaibigan at maaaring higit pa dito ay bilang karelasyon sa
pahiwatig niyang mga haplos at pamamaalam nang halik sa labi.
Sa unang pagtuklas ni Marilou kay Edmond bilang aktibong miyembro ng kilusan
ng mga itinuring na rebelde, natural na pag-aalala sa kaligtasan nito ang kanyang
reaksyon. Pangalawa ay ang panghihinayang sa sakripisyo ni Tessie bilang tumayong
ina nito. Kaya naman noong una ay sarado ang pinto ng barberong barbera para sa
mga NPA.
Gayunpaman, mabilis na napagtanto ni Marilou ang lohika ng pag-aarmas laban
sa pang-aalipusta bilang hindi simpleng kapusukan ng kabataang nilisan ang pag-aaral
upang tugunan ang panawagan ng armadong paglaban. Bumulagta sa kapilya ang mga
bangkay ng mga pinaghinalaang rebelde kasama si Fr. Arturo na ang tanging
kasalanan ay buksan ang tahanan ng Diyos para sa sinumang nangangailangan ng
masilungan, pagkain o gamot.
Maalalang ang pagkilala ni Fr. Arturo kay Marilou bilang mahusay na barbero ay
pagbigay-galang sa pag-angat ng antas ng babae sa lipunan. Ang simbolikong pag-
2
SINESOSYEDAD 9

abot nito ng Pulang Aklat ay maihalintulad sa seremonya ng pagwaksi sa


kamangmangan gaya ng paghandog ni Jose Rizal sa taumbayan ng Noli Me Tanghere
at El Filibusterismo, maging sa pagkaroon ni Andres Bonifacio ng liberal na mga
babasahin mula sa Europa o kaya ay ang popularisasyon ng mga ipinagbawal na
publikasyong pasa-bilis ng Partido Komunista ng Pilipinas.
Ang aktitud na ipinamalas ni Fr. Arturo ay taliwas sa ipinapairal ng Simbahang
Katoliko sang-ayon sa pagtayo ng kolonyang imperyo at kaisipang mababa/alipin.
Ang masaker sa mga alagad ng simbahang nagtataguyod ng mapagpalayang tradisyon
at paniniwala ay umiral noon pang panahon ng pananakop sa kaso ng masaker ng
Cofradia de San José kasama si Hermano Puli (Apolinario dela Cruz, 1815-42) at sa
pagbitay sa GomBurZa Brothers noong 1872. Sa kasalukuyan, nariyan ang mga kaso
ng pamamaslang at sapilitang pagkawala ng mga taong relihiyoso na pawang alagad
ng kalikasan at karapatang pantao gaya nina Bishop Alberto Ramento (1937-2006,
Tarlac), ang Itlayanong si Fr. Fausto Tentorio (1952-2011, North Cotabato) at ang
misyonaryong Dutch na si Willem Geertman (1945-2012, Pampanga).
Sa bandang huli, naisigaw din ni Marilou ang kipkip na ngalit sa pagkitil sa
sariling buhay ni Cecilia, isang pangyayaring swabeng naisisi sa NPA ng bayarang
midya: seksing kasinungalinang nakatawag tuloy sa pansin ni Pang. Marcos bilang isa
sa makinarya nito ng pagkamoplahe ng karahasan ay ang industriya ng aliw gaya ng
pelikulang bomba at ang umaatikabong boxing match nina Muhammad Ali at Joe
Frazier.
Sa tulak ng kampanyang anti-insurehensiya ni Mayor Alfredo, ang mga baluktot
na pala-palagay hinggil sa rebelyon ay namutawing usapan sa tindahan, ilog, kalye,
kapilya, tahanan at barber shop. Sa isang punto, sadyang pumapagting ito sa tenga ng
umaangkin sa katotohanan. Naibulalas ni Susan ang tagumpay ng Batas Militar sa
pag-iral ng takot sa komunidad. Aniya, “di lahat ng tao ay kayang tanggapin kung ano
ang dapat tama”. Sa pelikula, ito ay mistulang pansamantalang estado lamang ng
mamamayan.
Wala nang talab ang takot kay Marilou na hinasa na ng mga pangyayari at
magkaugnay na kalupitan. Gaya ng dulang Sweeney Todd: The Demon Barber of
Fleet Street (Christopher Bond, 1973; musikal na bersyon nina Stephen Sondheim at
Hugh Wheeler, 1979), ang instrumento ng barbero ang siyang armas sa pagtupok sa
pwersa ng kalupitan na sa pagkakataong ito ay mismong ang ginintuang gunting ni
Mayor Alfredo.
3
SINESOSYEDAD 0

Sa alok ng Mayor na simpatiya at katahimikan, malinaw na pinili ni Marilou ang


direksyon ng liwanag sa pag-aklas.
Maaaring ang aksiyong ito ay hindi ang unang pagkakataon para kay Marilou
kung mapatunayang hindi misteryoso ang pagkamatay ni Jose sa unang bahagi
sapagkat sa ganitong kaso ay may motibasyon siya nang mapagtanto ang pang-aapid
ng asawa. Ngunit lampas sa paghihiganti, ang resolusyon sa pelikula ay may
makauring katwiran.
Bagamat ang aksyon ay gawa ng isang indibidwal, ang walang pag-aalangan ni
Marilou ay maipagtatanggol sa konteksto ng isang Hustisyang Bayan ng mga
katutubo at ng rebolusyonaryong kilusan kung saan ang may utang na dugo sa
Taumbayan ay nararapat lamang maparusahan gaya halimbawa ni Jovito Palparan na
kilalang sangkot sa daan-daang pampolitikang pamamaslang sa kontemporaryong
pasismo.
Isang manipestasyon ng hustisya ang resultang pagbuklod ng kababaihan upang
bigyang proteksyon si Marilou. Sa puntong ito naidiin ang pakikibaka bilang hiblang
nag-ugnay sa mga nakaranas ng pang-aapi at pagsasamantala.
Maraming pala-palagay hinggil sa huling yugto ng paglalakbay ni Marilou. Mga
tagpi-tagping posibilidad gaya ng pagkaranas ng tortyur, pagkabaliw o pagkamatay.
Ngunit nakakahangang sa huli ay nag-iwan ng pag-asa ang pelikula sa pagpapakita ng
isang mapagpasyang katotohanan: ang binyag ni Marilou bilang Luz sa Kilusang
Mapagpalaya. Ang pangalang ito na nangangahulugang liwanag ang pangarap na
maisilang ni Cecilia.
Kaiba sa komposisyon ng naunang pulong ni Edmond na pawang kalalakihan,
ang huling ritwal ay pinamunuan ng Babae (Nora Aunor) at makikitaan ng
partisipasyon ng kababaihan. Sadya man o hindi ang Quezon bilang lokasyon ng
pelikula, may impresyon ng pagtagpo nina Marilou at Lorena Barros (1948-76) sa
eksena. Si Barros ay isa sa tagapagtatag ng MAKIBAKA o ng Malayang Kilusan ng
Bagong Kababaihan at nag-alay ng buhay bilang Pulang Mandirigma. Mula sa mga
speech ni Barros noong dekada 70, naging popular ang sinabi nitong “Ang babae ay
hindi pangkama o pangkusina lamang… ang puso ng babae ay nasa pakikibaka…”
Bagamat ang tauhan ni Marilou ang sentro sa pelikula, ang ibang tauhang Babae
naman ay sumasalamin sa isang aspeto ng karanasan ng sektor at uri. Bawat Babaeng
tauhan sa pelikula kung gayon ay may potensyal na maging lider gaya ni Marilou na
naging bukas sa pagtataka, pagtatanong, pakikinig, pag-aaral at pagkilos. Ang mga ito
3
SINESOSYEDAD 1

ay susi sa panumbalik ng kapangyarihang Babaylan sa katutubong katawan ng


mamamayan at pagsapi tuloy ng dalisay na papel nito bilang tagapagtanggol ng lupa
at ng karapatan.
Sa pelikula, umiral din ang suporta ng mga batikang aktor gaya nina Gladys
Reyes at Shamaine Buencamino upang mapatunayan ni Eugene Domingo na ang
artistang nakaranas ng dugo’t pawis ng entablado ay kayang gumampan ng seryosong
drama at di lamang ng papel ng komersyal na katatawanan.
Handog ni Lana ang ikalawa sa kanyang proyektong Trilohiya kay Marilou Diaz
Abaya (1955-2012), ang direktor na naghatid sa atin ng makabuluhang pelikula gaya
ng Bagong Buwan (2001), Muro Ami (1999), Jose Rizal (1998) at sa Pusod ng Dagat
(1997).
Higit dito, ang Mga Kuwentong Barbero ay nararapat lamang mapanuod ng
pamilyang Pilipino bilang isang materyal na ambag sa paghubog ng progresibong
kultura. Ang halagang pang-edukasyon nito ay nailulugar sa dokumentasyon ng isang
bahagi ng ating kasaysayang lokal at pambansa at bilang pagkilala sa papel ng
kababaihan para sa pagbabago gaya ng ipinamalas sa Ka Oryang (Sari Dalena at
Keith Sicat, 2011), Andrea, paano ba ang maging isang Ina? (Ricky Lee at Gil Portes,
1990), Sister Stella L (Mike de Leon, Jose Lacaba at Jose Almojuela, 1984), Gabriela
Silang (Jun Aristorenas, Ding de Jesus at Greg Macabenta, 1971) at Tandang Sora
(Lamberto Avellana, 1947).

B. Pelikula Hinggil sa Migrasyon at Diaspora

CAREGIVER
Ito ay tungkol sa buhay ng isang babaeng nagtatrabaho sa ibang bansa. Si Sarah
(Sa katauhan ni Sharon Cuneta) ay isang mahusay na guro sa Pilipinas. Kasabay ng
kangyang pagtuturo ay ang pag-aaral ng caregiver. Dahil isa siya sa pinakamahusay
na guro ay mapopromot sana siya bilang English head teacher sa kanilang department
ngunit siya ay nakapagdisesyon na sundan ang kanyang asawa na si Teddy ( sa
katauhan ni John Estrada) sa London. Naibenta niya ang kanyang bahay dahil sa
pagnanais na makapunta ng London. Naiwan ang kaisa-isa niyang anak sa kanyang
ina at lola sa Maynila. Hinidi matanggap ni Paolo na siya ay maiwan kung kaya’t siya
ay nagrerebelde sa pamamagitan ng pag-alis na hindi humihingi ng pahintulot sa
magulang. Siya naman ay pinaliwagan ni Sarah kung bakit niya iiwan at kung
3
SINESOSYEDAD 2

magkapera na siya ay kukunin niya ito. Nagkaroon sila ng nasinsinang pag-uusap at


pagkatapos ay namasyal silang dalawa. Nang si Sarah ay nakarating sa London ay
naman siyang sinalubong ni Teddy. Puno nang galak ang pagkikita ng dalawa. Hindi
inakala ni Sarah na malaki pala ang inuupahang bahay ng kanyang asawa. Ang dom
ni Sarah na nurse ang hanapbuhay niya doon kung kaya’t malaki ang sahod. Buon
puso naman agad siyang nagtiwala sa mga sinasabi ng kanyang asawa. Para makuha
niya agad ang kanyang anak na si Paolo sa Pilipinas ay nagtatrabaho siya bilang
caregiver sa isang orphanage kasama si (Rica Paralejo) na naging kaibigan niya nang
siya ay nawili sa tindahan ay nakita niya si Shan (Makisig Morales) na nagnanakaw
ng pagkain. Agad niya itong pinagsabihan na “Ang bata pa niyang magnakaw at hindi
ito tama”. Binigyan niya ito ng aral, ngunit ay tumakbo. Sa nagdaang araw naging
kaibigan niya si Shan at nawal ang pangungulila na kanyang nadasama para kay
Paolo.
Sa kabilang dako, ang tunay na trabaho pala ni Teddy ay isang nurse aid. Habang
si Sarah ay naghihirap sa pag-aaruga kay Lily, napamahal na niya ito. Dama ni Sarah
kung ano ang hirap ng isang Filipino worker doon. Naranasan niyang murahin at
tapunan ng pagkain ng isang matanda. Kahit na gawon ay nalampasan na niya ito.
Hanggang sa namatay si Lily ( Ang matandang kanyang inaalagaan) dahil sa
pangyayaring iyon ay nasasaktan si Sarah kung kaya’t ninais na niyang magretiro sa
trabaho. Hindi natuloy ang naisipan niyang paraan dahil sa nais niyang makuha si
Paolo at dahil rin sa hirap ng buhay na kanyang dinaranan. Naging magulo ang buhay
ni Sarah nang nalaman niya ang lihim na trabaho ng kanyang asawa. Nakita niya ito
nang nadisgrasya si Shan at na ospital. Doon ay nasaksihan niya na si Teddy pala’y
isang nurse aid at hindi tunay na nurse. Yaon ang hakbang kung bakit mas malakas ng
umiinom at naninigarilyo si Teddy. Minsan na itong pinagsabihan ni Sarah ngunit
lalong nagulo ang sitwasyon dahil nawalan na ito ng trabaho. Isang araw, nakilala ni
Sarah ang Anak ni Nurse Morgan na si David. Hanggang si G. Morgan na ang
matandang inaalagaan ni Sarah. Mainitin ang ulo ni G. Morgan, pinahihirapan niya si
Sarah ngunit pinalawakan ng bida ang kanyang pasinsya dahil batid niya ang
kahirapang nadarama nito. Umabot rin sa kasukdulan ang pasensyang kanyang
nabitawan hanggang sa napagsabihan niya ito kung ano ano ang kanyang saloobin
maging mga paghihirap na kanyang nadarama haabang wala sa kanyang piling ang
anak na si Paolo. Naliwanagan si G. Morgan sa mga sinasabi ni Sarah. Naging
malapit na magkaibigan sila kaya dinalani ni CM si Sarah sa kanilang bahay. Masaya
3
SINESOSYEDAD 3

sila sa panahong iyon. Nang dumating ang kapatid na babe ni David ay nagkaroon ng
masinsinang pag-uusap ang dalawa. Hindi nagdalawang isip si Sarah na unalis,
nagbilin na lang ng mensahe. Ikanasama ito ni G. Morgan at lalong lumubha ang
kanyang kondisyon. Dahilan ito na hinahanap siya ni David at nang silay nagkita ay
painakiusapan niya si Sarah na puntahan ang kanyang Ama. Hindi rin sila nagtagal
dahila namatay rin si G. Morgan habang naglalaro sila ni Sarah at david sa bakuran ng
saranggola nagdudulot ito ng kalungkutan sa buhay ni Sarah. Kaya’t naisipan niya
umuwi sa Pilipinsa kasama si Teddy-uuwi dahil wala siyang mukhang maiihahharap
nkay paolo. Nagpaiwan nalangsiya sa London at nagtrabaho habang umuwi si Teddy
kasam ang kanyang kabigoang tinatamasa. Sakatapusan ay natupad ang minimithi ni
Sarah. Nakuha niya ang kanyang anak na si Paolio at nadala niya ito sa London.
Naging masay at makabuluhan ang buhay niya kasama ang kanyang anak.

Pansinin ang pagsusuri sa pelikulang Caregiver sa link na ito:


http://jmsinoy.blogspot.com/2016/12/pagsusuri-ng-pelikulang-caregiver.html

C. Pelikula Hinggil sa Isyung Pampamilya, Panrelasyon at Pampag-ibig

Ang Pelikulang Honor thy Father tungkol sa isang pamilya na iba’t ibang
trahedya ang nangyari. Pinapakita din dito ang pagmamahal ng isang Ama na si Egay
sa kanyang pamilya na handa siyang gawin ang lahat upang maitaguyod at
maprotektahan ang kanyang pamilya. Ipinapakita rin ang iba’t ibang problema sa
pelikula mapa problema sa relihiyon,pera o maging Problema sa tao/sarili. Ipinapakita
na ang problema ay nagsimula nang namatay ang kanyang biyenan dahil sa systemang
pyramiding na negosyo na Hindi nila malaman kung saan itinago o idinala ng
kanyang biyenan kaya ang mga taong nag invest ay nagalit dahil sa tingin nila ay
ninakaw ang kanilang perang ibinigay kay Kaye (asawa ni egay). Ipinapakita din sa
pelikula ang napakalaking impluwensya ng relihiyon sa ating mga tao kagaya saatin
mapa ano mang relihiyon mo mayroon itong epekto sa ating mga gawi at pag-iisip. At
Ang problemang umakit saakin ng pansin sa pelikula ay ang pagkapit sa patalim ng
bida na si Egay. Dahil sa takot na mawala ang kanyang pamilya dahil nagbabanta ang
isang mag asawa na kapag hindi nabayaran ang utang na anim na milyon sa sa
ibinigay na deadline ay papatayin Ang kanyang pamilya. Sa takot na mangyari ito ay
kumapit siya sa patalim at gumawa ng mga bagay na ikabubuwis niya ng buhay.
3
SINESOSYEDAD 4

Kagaya na lamang ng pagnanakaw niya sa isang bangko ngunit wala siyang napala.
Isa pa sa ginawa niyang pagnanakaw ay ang pagnakaw niya sa isang simbahan ng
church of yeshua. Sa panahon ngayon kapag tayo ay nagiging desperado tayo ay
gumagawa na minsan ng mga bagay na nakaka apekto na ng masama sa ating kapwa
kagaya nablamang ng aking naranasan sa isang pila sa isang limited edition na isang
gadget may isang tao na sumingit sa pila Hindi niya inisip Ang mararamdaman ng
taong siningitan niya basta lamang makabili siya. Ito ay isa lamang sa mga nangyayari
na nagpapakita ng ugali na pagiging desperado sa buhay. Isinisimbolo ko si Egay
bilang isang baril dahil sa oras na may humila ng gatilyo ay papatayin niya kung saan
siya nakaturo kagaya ng pagtulak sa kanya ng pagnanakaw. Ang problema na
pagbabanta ng mag-asawa sa kanyang pamilya ay nagsilbing gatilyo para gumawa
siya ng masama.

Ang Buod ng pelikulang Seven Sundays ay tumatalakay sa pamilya Bonifacio.

Si Manuel Bonifacio ang ama ng tahanan, isang balo at dating kapitan ng


kanilang Baranggay. Ang tanging kasama sama lang sa bahay ay si Jun.
Siya ay mayroong apat na anak na sina Allan,Bryan,Cha, at Dex. Sa kanyang
kaarawan ang mga ito ay di nakapunta. Malaking kalungkutan sa ama na hindi
makasama ang kanyang mga anak sa mahalagang okasyon ng kanyang buhay, ngunit
ano ang kanyang magagawa may kanya kanya ng buhay ang mga ito.
Isang gabi pumunta ang kanyang kaibigan doktor. Dito ay napag-alaman niya na
siya ay mayroong malubhang karamdaman ( Lung kanser). Ito ay dagli nyang
ipinagbigay alam sa kanyang mga anak.
Dumating ang kanyang mga anak at pinag-usapan ang problemang kinahaharap.
Hindi na pumayag si Manuel na siya ay ipagamot pa ng kanyang mga anak kaya’t
siya ay humiling sa mga ito na sila ay magkasama-sama ng Pitong Linggo habang
siya ay nabubuhay. Pumayag ang mga ito, Ang mga anak at ang pamilya ng mga ito
ay pumupunta tuwing araw ng Linggo upang makapiling ang amang may sakit.
Masalimuot man ang naging umpisa ng kanilang pagsasama-sama ito ay naging
maayos din kung kaya’t ang ama ay nanghihinayang na mawala ang masayang
pangyayari sa kanyang pamilya. Hindi nya maamin na nagkaroon ng pagkakamali sa
naging resulta ng kanyang medikal.
3
SINESOSYEDAD 5

Isang gabing di pagkakasundo ng kanyang mga anak, lumabas ang mga hinanakit
ng bawat miyembro sa bawat isa’t isa. Dito napag alaman din na ang kanilang ama
pala ay walang malubhang karamdaman. Nagulat ang lahat at isa isang nagsi alisan
ang mga ito.

Sa paglalabasan ng mga hinanakit napagtanto nila na sila ay mayroong kamaliang


nagawa. Kung kaya’t pinasimulan ng panganay na anak na si Allan na buuin uli ang
pamilyang binalot ng hinakit. Pinuntahan nya ang kapatid na si Bryan upang humingi
ng paumanhin at makipagkasundo dito. Nagkapatawaran ang magkapatid at
nagkasundo sila na puntahan ang iba pa nilang kapatid upang ayusin ang gusot sa
pamilya.
At sa huli ang kanilang ama naman ang kanilang pinuntahan. Nagkaroon ng
pagkakasundo sundo ang bawat isa. Kaya’t ang sulirinanin kanilang kinahaharap ay
nalutas na. Nagtulungan ang bawat isa sa paglutas nito.
Nagkaroon man ng di pag kakaunawaan sa pamilya ito kanilang inayos upang sila
ay magkasundo sundo.
Pagmamahal,pagkakaunawaan at pagkaka-isa ng bawat miyembro, ang siyang
solusyon upang ang mabigat na suliranin ay malagpasan.

Maaari ring palawakin pa ang kaalaman tungkol sa pelikula sa link na ito: Brainly.ph
- https://brainly.ph/question/1589454#readmore

Pamilya Ordinaryo (2016) na idinerehe ni Eduardo Roy Jr. Usap-usapan ito


ngayon ng maraming direktor at kritiko sa industriya ng pamimilikula sa bansa.
Kakaiba kasi ang pagkakagawa ng pelikula, mula sa makabagong sinematograpiya
nito hanggang husay sa pagaarte ng mga gumanap dito. Maganda din ang naging
feedback mula sa mga manonood kung kaya hindi kaduda-duda kung bakit mainit ang
mga papuring natatanggap nito.
Ang pelikula ay tumanggap ng pinakamaraming parangal sa Cinemalaya Indie
Film Festival ngayong taon kung saan ito nagwagi ng Best Film, Best Direction, Best
Actress, Best Editing at Netpac (Network for Promotion of Asian Cinema) Prize.
Namayagpag din ang pelikula sa ika-73 Venice International Film Festival sa Italya
kung saan nasungkit nito ang BNL (Bank National Labor) People’s Choice Award
3
SINESOSYEDAD 6

matapos makamit ang 70.3% ng mga boto na mula sa mga manonood doon na
ikinagulat ng direktor ayon sa ulat ng Philippine Daily Inquirer.
Ang kuwento ay tungkol sa dalawang menor de edad na magkasintahang sina
Aries (ganap ni Ronwaldo Martin) at Jane (ganap ni Hasmine Killip) na dumidiskarte
sa mga lansangan ng Quiapo upang buhayin ang kanilang bagong silang na sanggol
na wala pang nagiisang buwan sa mundo. Sira ang kanilang kinabukasan dahil
parehas silang walang pinag-aralan at sumisinghot ng rugby upang makalipas ng
gutom. Nakatira sila sa tabi ng kalye sa labas ng isang lumang gusali. Namumuhay
sila sa paglalatag ng mga kumot sa kariton at duyan para sa baby nilang si Arjan.
Upang mabuhay, sila’y dumidiskarte sa pamamagitan ng pagnanakaw ng mga
cellphone at wallet. Agad nilang ibinebenta ang mga nakaw na gadget sa mga dealer
upang kumita ng perang pangtawid sa mga pangangailangan ng kanilang anak. Ngunit
nabulabog ang kanilang mundo nang kidnapin ang kanilang sanggol ng isang baklang
nagngangalang Ertha. Halos lahat ay gawin at halughugin nila mahagilap lang ang
nawawalang sanggol. Hindi pangkaraniwan ang pagtatapos ng pelikula dahil sa
pagiging “open ended” nito na sumisimbolo din sa pagkadesperado ng marami sa
lipunan.
Kung pagsasalarawan at simbolismo ang pag-uusapan, mayaman ang pelikula sa
mga isyung panlipunan na tinatalakay. Sa pamagat pa lamang ng pelikula ay
malalaman na nating puno ito ng ironiya. Sa mga tanggapan ng gobyerno kung saan
humingi ng tulong sina Jane at Aries ay palagi silang nakakatanggap ng panlalait o
masasakit na komento at pinagpapasa-pasahan ng mga opisyales. Pati mga pribadong
sektor ay wala ring maibigay na tulong bukod sa maliit na donasyon o paggamit sa
kanilang kuwentong buhay. Walang pakialam ang barangay kagawad sa hinanakit ng
magkasintahan nang malamang sa kalye sila nakarita at nagpasyang iendorso na lang
sila sa DSWD na agad nilang inayawan dahil parang kulungan daw ang buhay doon.
Mas maiinis ka sa asal ng isang pulis sa Police Station dahil imbis na tulungan o
payuhan si Jane ay ginawa pa niya itong katatawanan at pinahubad upang idemonsrate
kung paano siya magpasuso ng bata sa mura niyang edad. Kahit ina ni Jane (ganap ni
Maria Isabel Lopez) na nalulong sa droga ay wala ring maibigay na tulong sa kanila at
nagpayong kalimutan na lamang ang sanggol dahil tiyak na ibinenta na iyon sa
mayamang pamilya na makakapagbigay dito ng magandang kinabukasan na hindi nila
kayang ibigay. Tinatalakay dito ang mga isyu ng kahirapan, kalusugang sekswal,
3
SINESOSYEDAD 7

droga, krimen, kakulangan sa reproductive health awareness, kapalpakan ng hustisya


at mga serbisyo sosyal, mga batang lansangan at sinayang na yamang tao sa bansa.
Bakit hindi sila kayang tulungan ng mga instutusyong nakaatas na tumulong sa
mga katulad kanila? Ganito kasi ang buhay ng mga ordinaryong Filipino ngayon.
Pinapabayaan. Mayaman lang ang binibigyan ng tamang pansin. Bakit nga naman
hindi ganito ang imahe ng karaniwang Filipinong isinasalarawan sa ating media – ang
pamumuhay na palaging agrabyado? Kung makatotohanan lang tayo sa ating lipunan,
pinakamarami naman talaga ang populasyon ng mga mahihiriap sa ating bansa kung
ikukumpara sa mga mayayaman na nasa minorya lang. Ngunit sino ba ang tunay na
mayorya at may kapangyarihan sa ating bansa? Kanino napupunta ang hustisya?
Kahanga-hanga ang pagsasabuhay ng mga gumanap sa dalawang pangunahing
karakter ng kwento dahil sa mga emosyong ipinapahiwating nila sa bawat eksena.
Kapansin-pansin kasing sa mga mukha nila kadalasang nakatutok ang kamera upang
maipalabas ang tunay na saloobin ng mga karakter. Dito pinatunayan ng dalawang
batang gumaganap na kaya nilang makipagtunggali sa mga beteranong aktor at aktres
sa industriya. Hindi pang-karaniwan ang pagtalakay nila sa kuwento. Bihira lang kasi
tayo nakakapanood ng pelikulang sumasalarawan sa personal na buhay at adhikain ng
mga taong lansangan.
Sa husay ng pagkonsepto nito, nagkaroon tuloy ng nostalgia at pagnanasa ang
maraming manonood. Nostalgia mula sa kapanahunan nina Ishmael Bernal at Lino
Brocka dahil sa mga de-kalidad na mga pelikula noon na umani ng pagkilala mula sa
iba’t ibang panig ng daigdig. Pagnanasa dahil sa pananaw na ito ang tamang
direksyon na dapat tahakin nga mga pelikulang Filipino ngayon, mga gawang sining
na hindi lalayo sa mga realidad ng ating lipunan. Mismong sa puso ng Maynila ang
kaganapan ng kwento kung kaya ordinaryo din ang tanawin sa mga eksena para sa
mga Filipinong manggagawa na araw-araw nagko-commute sa Maynila gamit ang
bus, jeep o LRT. Hindi umasa ang direktor sa paglagay ng maraming sound effects.
Sa dami ng mga kabalastugang nangyayari sa kuwento ay ipinalabas ang iilang mga
eksena sa pamamagitan ng CCTV surveillance camera.
Pinatunayan ng Pamilya Ordinaryo na hindi kailangan ng malaking pera o ang
pinakaabanseng teknolohiya upang makapaglikha ng obramaestrang pelikula. Paalala
din ito sa atin na dapat tayong gumradweyt mula sa ng mga feel good na pelikula na
wala namang kaugnayan sa tunay na buhay. Sigurado akong sa pag-usbong ng
napakaraming indie films sa bansa nitong mga nakaraang taon, marami sa mga
3
SINESOSYEDAD 8

Filipinong manonood ngayon ay natuto nang tumingin at humusga kung ano ang
maganda at de-kalidad na pelikula.
Masasabi kong ground-breaking ang pelikula sa pagtalakay nito sa personal na
buhay ng mga mga nasa laylayan ng ating lipunan na pinabayaan at hindi nabibigyan
ng tamang pansin. Mga ordinaryong Filipinong bumubuo sa mayorya ng ating lipunan
at mga pangunahing sumisimbulo sa kahirapan ng Filipinas. Ito ang initsapwerang
antas ng lipunan na nais mabigyang boses ni Direk Ed kahit sa larangan ng
pamimilikula man lang.

D. Pelikula Hinggil sa Isyung Pangkultura

“Thy Womb” (Sa Iyong Sinapupunan) Ni Direktor Brillante Mendoza


Buod: Matagal nang mag-asawa sina Shaleha at Bangas-An. Kumadrona si
Shaleha at mangingisda naman ang asawa niya. Subalit damang-dama nilang
mayroong puwang sa kanilang pagsasamahan. Ito ay dahil hindi kayang bigyan ng
anak ni Shaleha si Bangas-An. Tatlong beses na rin siyang nakaranas ng pagkalaglag.
Sa tuwing mag-aampon sila ng mga sanggol, kinukuha naman ang mga ito ng
kanilang mga tunay na magulang kapag lumaki na. Araw-gabi, walang palya si
Bangas-An sa paghahanap ng babaeng makapagbibigay sa kanya ng anak. Kaya
imbes na magloko ang asawa, si Shaleha na mismo ang naghanap ng babaeng
maaaring pakasalan ni Bangas-An. Masakit man ay kaya niyang tiisin ang hapding
nararamdaman kung iyon lamang ang makapagpapasaya sa kanyang asawa.
Tumatanda na siya at ito lamang ang tanging paraan para matugunan niya ang
pangarap ng kanyang asawa na magkaroon ng anak sa paniniwalang ito ang
magpapala sa kanila at siyang simbolo ng banal na grasya ni Allah.
Ilang babae rin ang kanilang tinungo hanggang sa natagpuan nila si Mersila na
agad namang pumayag sa kanilang alok sa tulong ng isang tagapamagitan. Inubos nila
ang lahat ng kanilang ari-arian upang matugunan ang dowry ni Mersila. Maluha-luha
man, inialay rin ni Shaleha ang mga gintong alahas niya para sa pangalawang asawa
ng kanyang asawa. Maging ang motor ng kanilang naghihingalong bangka ay ibinenta
nila para makalikom ng napakalaking halaga— isang daan at limampung libong piso.
Subalit isang kagimbal-gimbal na rekisito ang nakapaloob sa dowry ni Mersila.
Iyon ay sa oras ng kanyang panganganak, kailangang hiwalayan ni Bangas-An si
Shaleha. Sa pagtatapos ng pelikula, nagluwal ng isang malusog na sanggol si Mersila.
3
SINESOSYEDAD 9

Si Shaleha mismo ang nagpaanak sa kanya. Nasiyahan si Shaleha sa iyak na kanyang


naulinigan. Subalit nabalot din siya ng kapanglawan dahil alam niyang ang iyak na
iyon ang hudyat na kailangan na niyang lumisan.
Muli, hiniling niya kung maaaring mapasakanya na lang ang pusod ng sanggol.
Pinahintulutan naman siya ni Mersila. Sa tuwing pangangasiwaan niya ang
panganganak ng mga buntis, lagi niyang hinihingi ang mga pusod ng mga sanggol.
Dahil malinaw kay Shaleha na hindi niya kayang magsilang ng anak, ang mga pusod
ng mga sanggol, kahit paano, ay nakapagbibigay sa kanya ng pakiramdam na siya ay
isang nanay rin. Isang pakiramdam na pinaaalalahanan siyang, sa dami ng sanggol na
dumaan sa kanyang mapaglingkod na mga kamay, isa na rin siyang ina kahit sila man
ay hindi nagmula sa kanyang sariling sinapupunan.

Sundan ang pagsusuri sa link na ito:


https://stvensonsays.wordpress.com/2013/03/24/a-review-of-thy-womb-tagalog-got-a-
100-grade-here/

Debosyon
Mapangahas ang pelikulang Debosyon (Alvin Yapan, 2013). Ang bitbitin ang
manonood sa mapanganib na laylayan ng mga paniniwala ay nakababahala. Subalit,
nasa engkuwentrong ito ang mga posibilidad ng interbensiyon.
Deboto ni Ina (Birhen ng Penafrancia) si Mando (Paulo Avelino). Dadayuhin
niya ang simbahan sa Naga at mag-aalay ng bulaklak at dasal para protektahan ang
tanim na palay. Habang hinihintay ang tag-ani, tutungo siya sa gubat upang pumitas
ng mga orkidya na ibebenta sa palengke. Sa kasukalan ng kagubatan, susubukang
niyang angkinin ang pulang bulaklak na orkidya na umagaw sa kaniya ng pansin.
Pero mahuhulog siya at mawawalan ng malay. Magigising siya sa kubo ni Saling
(Mara Lopez), at sa kaniyang pananatili, mapapamahal siya sa dalagang namumuhay
nang mag-isa. Iimbitahan ni Mando si Saling sa bayan upang mabigo lamang ito
dahil isinumpa ang babae na manatili sa kagubatan. Kung bakit ay isisiwalat niya kay
Mando na siya si Oryol na tunay namang ikagugulat ng binata. Tatakbo siyang
palayo pero upang bumalik lamang din na bitbit ang mananalangin sa kubo ni Saling.
Wala itong magagawa sa kondisyon ng dalaga kundi ang ipaalala kay Mando na
4
SINESOSYEDAD 0

magpanata kay Ina. Sa araw mismo ng parada ng Penafrancia, walang pag-


aalinlangan siyang hahangos pabalik ng kagubatan upang makapiling ang minamahal.
Kuwento ng pag-ibig ang pelikula. Dito hindi magulang o kayamanan o matalik
na kaibigan ang dakilang hadlang kundi ang nararapat at ang tinatanggap sa lipunan.
Ang diskurso ng pag-ibig ay pinasisigla ng mga praktika sa paniniwala, ng institusyon
ng pamilya, simbahan, at lipunan. Pero sa halip na maging sagabal, nagiging
posibilidad ang engkuwentro ni Mando kay Ina upang maisakatuparan ang bawal na
pagmamahal. Kaya’t magpupursige si Mando na hanapan ng lunas ang sakit ng
minamahal. Bakit hindi na lang talikuran si Saling gaya ng kuwento ng lalaking
nagmahal sa babae? Bakit hindi na lang manatiling magdusa sa babaeng hindi niya
maangkin? Dahil nga nagmamahal. Sa una’t una pa lamang, isinisiwalat sa
pagkakasaksi ni Mando sa lihim ni Saling ang posibilidad ng mga imposibilidad.
Hindi sa hindi matatag ang kaniyang paniniwala kaya’t madali itong nagambala kundi
ang pagpapaigting pang lalo ng paniniwala sa katotohanan ng mga himala. Kaya’t
nang makita ni Mando sa mata ni Ina ang mata ni Saling, hindi sapat na tapusin ang
pelikula sa paghahawakan ng kamay o paghahalikan sa kagubatan o kahit na sa kasal
saksi ang ilang na kapaligiran, kailangang maramdaman ang katotohanan ng pagniniig
sa katawan ng minamahal. At mabibigo kang hindi makita ang pagkawala ng sumpa.
Dalawa na silang isinusumpa ngayon. Pero napatunayan na ni Mando ang
kaniyang debosyon kay Saling, at mula sa mga laylayang gaya nito ipinapanukalang
sisibol ang hustisyang ipinagkait sa mga nilalang na naisantabi sa kanayunan at
kagubatan. Nasa laylayan na si Mando pero bakit pipiliin pa ang pinakalaylayang
kinalalagyan ni Saling? May kakayahang hanapin ni Saling ang hustisya sa
pananalanta sa bayan para paghigantihan ang mga lalaking nagmahal at nanloko sa
kaniya. Pero pagod na si Saling. At isa pa, hindi ito ang pelikulang halimaw na
nakasanayan natin.
Dahil sa pagtawid ni Mando sa kagubatan ni Saling, pinipili niya ang espasyo ng
laylayan nang hindi tuluyang tinatalikuran o kinakalimutan ang naging engkuwentro
sa sentro. Hindi tulad ng tagalabas na militar na manghihimasok sa kagubatan ng
Kabikulan upang “linisin”ang lipunan ng masasamang elemento, makikipagniig si
Mando sa mga nilalang (Agta, rebelde, Saling) na itinulak palabas ng bayan at
makahahanap ng tahanan sa mga laylayan. Hindi pagsuko at hindi lugar ng kawalan
ng kapangyarihan ang laylayan, kundi lugar ng posibilidad para sa mas mabuti at
katanggap-tanggap na hinaharap. Saan nagmumula ang kalungkutan at kapaguran ni
4
SINESOSYEDAD 1

Saling? Hindi sa kabiguan sa pag-ibig na dinanas niya kundi sa kasaysayang


nanamantala mismo sa mga katulad niya. Kaya’t si Saling ay hindi na lamang din si
Oryol. Naroon sa kanyang pag-alaala at pagpapaalala ang bakas ng mga karahasang
ginawa ng lipunan. Isinasakatawan niya ang mga pinatahimik dahil nakagagambala.
Sa paglalantad, binubuksan niya ang espasyo ng laylayan para sa mga tunay na
naniniwala. Paano ngayon makikisangkot sa mga hindi pinagsasalita ng lipunan?
Nasa pelikulang Debosyon ang mapangahas na interbensyong kailangang gawin
sa opisyal na kasaysayang pinapaniwala sa atin ng Kapangyarihan.

E. Pelikula Hinggil sa Kalikasan

Ang Muro Ami ay isang pelikula noong 1999 na inilabas ng GMA Films sa
direksiyon at panulat ni Marilou Diaz-Abaya at pinagbidahan ni Cesar Montano.
Tungkol ang pelikula sa isa sa mga malalang uri ng trabahong pambata sa ilegal na
paraan ng pangingisda, ang muro-ami.
Nagkamit ito ng labing-anim na mga nominasyon (labing-tatlo nanalo) sa
Paligsahan ng mga Pelikula ng Kalakhang Maynila noong 1999 kabilang ang
Pinakamahusay na Batang Artista (Rebecca Lusterio), Pinakamahusay na Kuwento
(Marilou Diaz-Abaya, Ricardo Lee, at Jun Lana), Pinakamahusay na Senaryo
(Ricardo Lee at Jun Lana), Pinakamahusay na Direktor (Marilou Diaz-Abaya) at
Pinakamahusay na Pelikula. Nakatanggap din ito ng Parangal na Pinili ng Hurado at
Publiko sa Pista ng Pelikula sa Bénodet sa Pransiya.

PELIKULANG “ORO” TAMPOK SA MMFF 2016


Lubos ang kasiyahan ng mga nasa produksyon at mga artista ng pelikulang “Oro”
dahil sa pagkapasok nila sa magic 8 ng Metro Manila Film Festival 2016.
Ang pelikulang “ORO” ay mula sa direksyon ni Alvin Yapan. Hango ang
pelikula sa isang undocumented massacre sa Brgy. Gata, Caramoan,Camarines Sur
kung saan apat na minero ang pinaslang.
Tampok sa kwento, kung paano ang ginawang paglaban ng apat na minero alang-
alang sa isa sa pinagkukunan ng kabuhayan ng kanilang barrio.
Ito ang unang MMFF movie ni Irma Adlawan, na lubos naman nitong
ikinatutuwa.
4
SINESOSYEDAD 2

Ginampanan naman ni Sandino Martin ang karakter ng isang witness na kung


saan siya ang nakasaksi sa pamamaslang.
Ginampanan naman ni Joem Bascon ang isa sa apat na minerong pinatay at si
Mercedes Cabral bilang kasintahan nito na isang guro.
Bukod sa hango sa totoong pangyayari ang pelikula, napapanahon din umano ang
pelikula sa ngayon.
Punong- puno din ng aral ang pelikula na kailangang malaman at matuklasan ng
mga pilipino.Ito ang katotohanan na hindi natin maitatago sa panahon ngayon.

The Lorax: Movie Review


Isang pelikula na nagpakita ng sa pangyayari sa kalikasan. Basahin ang positibo
at negatibong reaksiyon.
“Di ko alam kung pagod o puyat lang talaga ako nung pinanood ko ito kaya
naapektuhan ako at naluha. Pero nagulat rin ako sa sarili ko nang bigla akong maiyak
dahil sa panonood ng pelikulang ito. Kasi naman, di gaya ng aking nakababatang
kapatid, di naman ako environmentalist. Alam kong maling magtapon ng basura and I
make it a point that I don’t, pero di ako umiiyak sa tuwing may pinuputol na puno.
Alam ko naman kasing kung may isserve na mas mabigat na purpose ang pagkawala
niya ay isa itong necessary evil. Kiling man ako sa pagiging mas maka-kalikasan lalo
na dahil sa onset ng global warming, di naman matindi masyado ang kapit ko dito
dahil I believe in the inevitable doom of man.
Di ko rin naman masyadong na-enjoy yung pelikula. It’s one of the few movies
that I had to stop watching every now and then dahil di ako naaliw sa paglalahat ng
kwento. Gayunman, it made its point kaya siguro na-move parin ako. It must’ve been
Dr. Seuss who got to me.”

Pansinin din ang pagsusuri sa link na ito:


https://pilingpelikula.wordpress.com/2012/12/18/thelorax/

F. Pelikula Hinggil sa Teknolohiya, Modernisasyon at iba pa

In Time, tampok sina Timberlake at Seyfried.


Sa mundo ng pelikulang In Time, lahat ng tao’y tumitigil sa pag-edad pagsampa
ng 25. Pagkatapos nito, kailangan nilang bilhin ang kanilang oras sa pamamagitan ng
4
SINESOSYEDAD 3

pagtatrabaho. Oras din ang kanilang pambayad para sa mga batayang


pangangailangan tulad ng pagkain at transportasyon, at mistulang alipin ang
nakararami dahil lagi silang kulang dito.
Kahit magtrabaho nang mabuti ang bidang si Will (ginampanan ni Justin
Timberlake) at mapantayan niya ang hinihinging quota sa pabrika, hindi pa rin
tumataas ang kanyang sahod dahil tumaas ang quota. Ang kanyang kaibigang si Borel
(ginampanan ni John Galecki), hindi na nakikitaan ng halaga ang sariling buhay at
nilulunod na lang ang sarili sa pag-inom (ito ang magiging dahilan ng kamatayan ni
Borel, iiwan niya ang kanyang asawa para alagaan ang kanilang sanggol na anak).
Ang ina ni Will na si Rachel (ginampanan ni Olivia Wilde), laging umuutang ng
panahon. Isang beses ay mayroon na lang itong isa’t kalahating oras at hindi
nakasakay ng bus dahil naging dalawa imbes na isang oras lang ang pamasahe.
Tinakbo niya ang lugar kung saan sila magkikita ng anak ngunit hindi sila
nagkaabutan, namatay si Rachel. Ito ang isa sa pinakamagandang eksena sa pelikula,
hindi dahil may namatay kundi dahil malakas ang emosyonal na dating kung kaya
napaparating ang kritisismo ng anyong sining sa sosyo-ekonomiko at pulitikal na
kaayusan.
Estruktura ang problema, kahit subukan ng mga pamilya na magkaroon ng
espasyo ng kalayaan sa isang mapang-aping sistema, argumento ng pelikula na
masisira pa rin ang mga mag-anak ng estruktural na pananamantala. Sinubukang
makiusap sa tsuper ng bus ni Rachel, kung papasakayin siya nito’y babayaran ng
kanyang anak ang kulang na treinta minutos pagdating sa babaan. Tumanggi ang
tsuper. Tumingin si Rachel sa ibang pasahero, nakikiusap ang mga mata. Yumuko
lamang ang mga ito. Sa isang sistema kung saan sinusukat ang pagkatao sa
pamamagitan ng dami ng oras na mayroon siya, sinong gipit ang tutulong sa kapwa?
Mas mahalaga ang oras kaysa sa kapwa sa In Time, katulad ngayon sa sitwasyon
natin na mas mahalaga ang pera kaysa sa tao.
Isang mayaman ang iniligtas ni Will mula sa mga magnanakaw, at ito ang
nagsabi sa kanya ng sikreto ng mga mayaman sa panahon: “Para maging imortal ang
iilan, kailangang mamatay ng marami.” Sadya ang pagdarahop nila Will, hindi ito
hulog ng langit o disenyo ng kalikasan. Bago magpakamatay ang mayamang ito,
ibibigay niya kay Will ang kanyang isang siglo. Papasukin ni Will ang mundo ng mga
mayaman, at dito niya makikilala si Philippe (ginampanan ni Vincent Kartheiser), na
4
SINESOSYEDAD 4

lampas 80 taon nang 25 anyos. Lampas siyam na libo pa ang taong mayroon ito, at sa
may dulo ng pelikula ilalantad na mayroon itong milyong oras na nakatago.
Makikilala rin ni Will si Sylvia (ginampanan ni Amanda Seyfried), na anak ni
Philippe. Dudukutin ni Will ang babae, pero magkakaroon ito ng simpatya sa kanya
pagkatapos maranasan ang buhay na isang oras lang ang mayroon, at nang tumanggi
si Philippe sa hingi ni Will na magdonasyon ito ng isang libong oras sa isang charity
bilang ransom para kay Sylvia. Naging magkasama sa pagnanakaw si Will at Sylvia,
binibigay nila ang mga nakukuha mula sa bangko ng oras sa mga mahirap, naging
Robin Hood sila ng panahon. Palaki nang palaki ang kanilang ninanakaw ang
pinamimigay, at sa dulo nakuha nila ang nauna na ngang nabanggit na isang milyong
itinatago ni Philippe. Ang huling eksena ng pelikula’y nagpapahiwatig na tuloy-tuloy
lang ang kanilang himagsik, at mas lalo pang makapangyarihan at mayaman ang
kanilang puntirya.
Mayaman na talinghaga ang oras at mahalaga ang paggalugad ng In Time sa
bagay na ito. Sa kanyang pagsusuri sa estruktura ng kapitalismo, inilarawan ni Karl
Marx na sa pagtatrabaho ng manggagawa sa pang-araw-araw, umaabot na ang
kanyang nalilikhang yaman nang sapat para mabuhay siya, ngunit patuloy pa rin
siyang nagtatrabaho at ang yamang nalilikha niya sa panahong ito’y hindi napupunta
sa kanya kundi sa kapitalista. Ang labis na halagang ito ang ayon kay Marx ay lihim
na pinagmumulan ng yaman ng kapitalismo.

“Pana-panahon ang pagkakataon,” tanong sa kantang “Kanlungan,”


“maibabalik ba ang kahapon?” Ang sagot ay hindi, dahil sa patuloy na
pagsasamantala ng kalikasan (halimbawa, ng mga multinasyunal na kompanya ng
pagmimina) ay hindi na makabawi ang daigdig, tuluyan na itong nagiging salat. Sa
pagyuko lamang habang nasisira ang mundo, ninanakaw natin ang kinabukasan natin
at ng mga susunod sa atin. Pruweba ang pagkatunaw ng mga dambuhalang tipak ng
yelo at ang pagkatorete ng tag-init, tag-ulan at tagbaha na malapit nang maging hindi
maaaring tirhan ng tao (at hayop at halaman) ang ating planeta.
Ayon kay Giles Fraser, iskolar at pari sa Simbahan ng Inglatera, mayroong
dalawang salita ang mga sinaunang Griyego para sa panahon, ang chronos (ang
panahon ng mga relo at kalendaryo) at kairos (ang panahon ng pagkakataon). Ang
chronos ang panahong sinusukat, ito ang panahon na umiipit sa mga tauhan sa In
Time. Ang kairos ang panahon ng pagdedesisyon, ng oportunidad. Sa mga sandali ng
4
SINESOSYEDAD 5

kairos, nagkakaroon ng kaliwanagan na ang sinasabing hindi maaari ay maaaari, na


ang mukhang hindi magigibang kaayusan ay mukha lamang hindi magigiba. Walang
panahon, sabi ng isang patalastas noon. Sa totoo, wala na tayong panahon. O, mas
maganda: eto na ang panahon. Oras na para ang buwis na ating binibayad ay mapunta
sa edukasyon imbes na sa pang-aaliw ng mga kongresman sa panonood ng suntukan
at karahasan. Oras na para ang lupang sinasaka ay mapunta sa nag-aalaga nito imbes
na sa mga asenderong pulitiko’t artista. Oras na para baguhin ang mundo.
“Pagdating ng panahon,” awit ni Aiza Seguerra, “baka ikaw din at ako.” “Kung
hindi ngayon, kailan?” tanong ng mga aktibista. Pamagat ng isang pelikula ni Sharon
Cuneta: Bukas, Luluhod ang mga Tala. Bakit hindi sa mismong araw na ito?

Si Volosinov Valentin ay nagtuturo ng popular na kultura sa Departamento ng


Filipino at Panitikan ng Pilipinas sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman.

G. Pelikula Hinggil sa Ekonomiya, Politika at Kasaysayan

Ang pelikula ay pinamagatang Sigwa, na ang ibig sabihin ay bagyo. Ang direktor
nito ay si Joel Lamangan. Ito ay tumutukoy sa pakikibaka ng mga kabataang
makabayan (KM) laban sa gobyerno noong 1978 sa ilalim ng pamumuno ni
Pangulong Marcos sa Pilipinas. Maihahalintulad sa bagyo ang nangyari dahil ang
pakikibaka ng mga kabataang makabayan laban kay Pangulong Marcos ay madugo,
kung saan marami ang namatay at maramiang pinahirapan. Ang pelikula ay nag
umpisa noong 1972 nang idineklara ni Pangulong Marcos ang martial law dahil sa
pag dami ng mga kabataang makabayan at kadalasan sa kanila ay sumasalim sa New
People’s Army (NPA). Batay sa kwento ng pelikulang Sigwa nagkaroon kami ng
pananaw. Una naming pananaw ay ang pang-aapi ng gobyerno sa mga nakikibaka.
Nakita namin na hindi dapat pinahihirapan, ginagahasa, at pinapatay ang mga taong
nakikibaka laban sa gobyerno. Dahil sila ay mga tao na ipinapahayag lamang ang
kanilang pananaw sa gobyerno, na hindi makatarungan ang ginagawa ng gobyerno sa
Pilipinas. Nais lamang ng mga nakikibaka ng panahoon ni Pangulong Marcos na
ipakita na dapat ayusin ang pagkakamali ng gobyerno sa Pilipinas. Ang aming
ikalawang pananaw ay ang opinyoin ni Cita. Sa pelikula may punto rin si Oliver na ok
lamang na sumapi sa kabilang panig dahil sa panahong 2009, tapos na ang bangugot
4
SINESOSYEDAD 6

ng Pilipinas sa kadahilanang hindi na si Marcos ang namumuno sa Pilipinas. Kaya


pwede na silang tumigil sa pakikibaka o pag rerebelde.

Ang Patikul
Inilahad sa isang pelikula ang kahirapan ng mga mamamayan na naninirahan sa
bayan ng Patikul sa bandang Mindanao ng ating bansa. Ang layo ng kanilang paaralan
sa kani-kanilang tahanan ay hindi nagsilbing dahilan upang ang mga bata sa Patikul
ay hindi na pumasok sa kanilang paaralan. Ang mga guro ay nagtutulungan sa
kanilang tungkulin na turuan at gabayan ang mga mag-aaral. Bagamat ang kanilang
lugar ay delikado dahil sa mga sundalo at mga rebelde na patuloy ang pag-aaway, na
natilisilang matatag at dedikado s kanilang mga gawain. Ngunit ang kaba nila ay hindi
maitatago dahil sa kanilang pakiramdam na kahit saan ay maaari silang mamatay.
Bawat magulang ng mga bata ay nagtatrabaho ng mabuti upang mabigyan ng sapat na
edukasyon o kaalaman ang kanilang mga anak. Sinuportahan nila ang mga ito sa
kanilang pag-aaral. Kahit malayo, madilim, at delikado ang daan patungo sa paaralan
ng Kan-Ague. Sa ipinakitang katatagan ng kanilang prinsipal na magturo ay
nabigyanng pag-asa ang mga bata at kanilang mga magulang. Ngunit nawala ang pag-
asang ito ng patayin ng mga rebelde ang kanilang principal. Natakot ang mga guro at
nawalan ng paaralan at edukasyon ang mga bata. Hindi sumuko ang kanilang mga
magulang bagamat, ipinaglaban nila at ginawan ng paraan upang makapag-aral ang
kanilangmga anak. Mabigyan ng magandang kinabukasan ang anak ay isang
kayamanan ng magulang na kahit kailan man ay hindi makukuha, mapapatay o
maluluma.
Sabi nga nila, ang impluwensya, yaman at kapangyarihan ay nakapagbabago ng
tao, isang paniniwalang pinatunayan gamit ang sitwasyon ng Pilipinas. Hanggang
hindi nagbabago ang sistema ng pamumuno, hindi gagaling ang ating bansa.

Ang Pagsusuri sa katauhan ni Sister Stella L.


Kung ang Pelikulang Karnal (1983) ay nagpapakita ng anti-feminist, kabaliktaran
naman ito ng Pelikulang Sister Stella L. Sa pelikulang ito, matatapang ang mga
kababaihan gaya nina Soledad, Aling Auring, Sister Stella B. At Sister Stella L.
Sa pagsusuring ito,binigyang atensyon ang katauhan ni Sister Stella L. Bagkus,
bingyang pansin din sa pelikula ang pagwewelga ng mga manggagawa. Sa puntong
ito, maraming diskusyon sa mga manggawa. Wala namang pinagbago. Mula noon
4
SINESOSYEDAD 7

hanggang ngayon, pareho pa rin naman ang sistema. Natural na lang siguro ang
pagwewelga lalo pa’t may gusto ka talagang ipaglaban at makamit ang ipinaglalaban
mong iyon.
Si Sister Stella L. sa pagiging madre
Sino nga ba si Sister Stella L.? Sa kaalaman ng lahat at ang ipinapakita sa
pelikula ay isa siyang madre. Isa siyang madre na dapat ay nasa kumbento lamang,
nagdadasal, nagpapayo, at tumutulong sa mga kababaihan o kanino pa man. Subalit,
kakaibang madre ang nakita ko dito.Ngayon lang ako nakasaksi ng madre na
sumasama sa isang welga at sa pelikulang ito ko pa nakita.
At dahil nga kakaibang madre ang nakita ko dito, gayon din ang ilang tauhan sa
kwento. Pati sila, nagtaka. Madre ba talaga sya?
Ilan lamang ang mga eksenang ito na nagpapatunay na ako at ilang mga tauhan
ay nagkukwestyon sa kanyang pagkamadre:
“Anong papel niyo dito Sister?” –
“Dagdag pa riyan yung mga nakikialam sa mga bagay na hindi nila dapat
pakialaman… Yung mga madreng nanunulsol sa mga trabahador!” – May-ari ng
pabrika
Maging ang mga pulis at may-ari ng pabrika ay nagtataka kung bakit nakikisali
ang mga madre sa ganitong uri ng sitwasyon (pagwewelga) na kung tutuusin ay wala
naman silang alam sa ganitong kalagayan.
Eksena nang dinakip sina Nick at Sister Stella L. nang mga hinihinalang alagad
na goonsng management.
“Pare, madre daw.”
“Kung madre ito, bakit wala sa kumbento?”
“Bakit nagmumura?”
“Ang ginagawa nyan ay di gawain ng isang madre.”
“Madre nga ba ito pare?”
“Mukhang hindi eh.”
“Madre ka nga ba talaga, Sister?”
Bukod dito, napansin ko rin ang kalakasan ng simbahan kung saan naglilingkod
ang mga madre at pari.
Ito ang ilang mga dayalogo sa pelikula:
“Ang alam ko kase, pag may mga madre at pari sa picket line, nahihiyang
pumasok ang mga iskarol” – Sister Stella B.
4
SINESOSYEDAD 8

“Pag nalaman ng manager na may kasamang madreng gumawa niyan, tiyak


ibibigay ‘non ang hinihingi natin. Kung hindi, sisipain siya ng simbahan.” – Soledad
Sa aking pagsusuri, nakita ko ang katapangan ni Sister Stella L sa pelikula na
siyang naging instrumento ng mga welgista upang mas lumaban pa. Nakita ko rin dito
ang pabago-bagong desisyon ni Sister Stella L. Siguro ganon nga talaga ang mga
babae, pabago-bago ng iniisip.
Gayunpaman, napaisip ako. Dapat ba kung ano lang ang katayuan mo sa buhay
hanggang dun ka na lang? Parang si Sister Stella L. Kung isang madre ka, dapat ba
nasa simbahan ka lang? Hindi ba pwedeng tumulong sa iba pang nangangailangan?.
Subalit, dito naman nagkaroon ng mali si Sister Stella L., ang pumasok sa isang
sitwasyon na hindi niya pa lubos na alam.
Wala namang mali sa pagtulong at lalong walang mali sa pakikipaglaban sa kung
anong alam nating tama, siguro dapat suriin at unawain muna nating mabuti ang
sitwasyon sapagkat sabi nga ni Ka Dencio, “Kung hindi tayo kikilos, sino ang kikilos?
Kung hindi ngayon, kelan pa?

Amigo
Inulat ni Peter Torres
Sa direksyon at panulat ni: John Sayles
Pinangungunahan nina: Joel Torre, Rio Locsin, Garret Dillahunt, Chris Cooper,
Yul Vasquez, Ronnie Lazaro, at Irma Adlawan, at iba pa.
Taong Ipinalabas : 2010
Ipinapamahagi ng Variance Studios (Amerika) at ng Star Cinema (Pilipinas)
Mapayapa at simple, ito ang pamumuhay sa isang baryong matatagpuan sa Luzon
na pinamamahalaan ni Rafael o mas kilala sa ngalang Amigo. Ang mga mamamayan
sa baryong San Isidro ay namumuhay sa pamamagitan ng pagtatanim ng palay at pag-
aalaga ng hayop. Naistorbo ang mapayapang pamumuhay sa San Isidro nang
dumating ang mga sundalo mula sa Estados-Unidos. Sa pamumuno ni Koronel
Hardacre, naging bihag ang mga Pilipino sa kamay ng mga Amerikano.
Likas ang pagiging mapayapa ng Pilipino. Dahil dito, unti-unting napapalapit
ang mga sundalong Amerikano sa baryo San Isidro tulad nina Koronel Ike Compton
at Gil. Ang nagsisilbing hadlang sa kapayapaan ay ang misyonaryong Espanyol na si
Padre Hidalgo, ang kakulangan sa kaalaman sa kani-kaniyang wika sa pagitan ng
dalawang kampo, at ang pagkakasangkot ng kapatid ni Rafael sa gerilya.
4
SINESOSYEDAD 9

Pinamumunuan ni Simon Dacanay ang lokal na gerilya–isang grupong naniniwala na


lahat ng dayuhan ay may masamang balak para sa bansa. Kung sino man ang tutulong
sa kampong Amerikano ay itinuturing ding kaaway ng mga gerilya. Dahil dito,
namamangka sa dalawang ilog si Rafael. Kinakailangang mamili ni Rafael sa pagitan
ng kanyang kapatid na isang gerilya at sa kapayapaan kasama ng mga Amerikano.
Hindi pa rin natatagpuan ng mga Amerikano si Heneral Emilio Aguinaldo,
dahilan para sa mga Amerikano na pahirapan si Rafael upang malaman ang
kinalalagayan ng mga gerilya. Bibigay kaya si Rafael? Ano ang kanyang pipiliin? Ito
ang mga katanungan na mabibigyang-linaw kapag iyong pinanood itong obrang
nilikha ng isang premyadong direktor.
Nababalot ang pelikulang ito ng mga kabalintunaan o ironiya. Dumating ang mga
Amerikano upang paalisin ang mga Espanyol at mapanalunan ang mga puso’t isipan
ng mga Pilipino. Ganoon pa man, ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga
sundalong dayuhan at ng mga gerilya ay kumuha ng maraming inosenteng buhay.
Ang isang paglalakbay na sinabing magiging mapayapa ay hindi nangyari sa San
Isidro. Mahirap din para sa mga manonood na pumili ng kampong papanigan sa
pelikulang ito. Ang pagiging maunawain ng mga Amerikano ay nagsisilbing
ebidensya na hindi lahat ng sundalong dayuhan ay naghahangad ng masama sa mga
Pilipino. Ang mga gerilya ay mga Pilipinong nagnanais ng kapayapaan sa
pamamagitan ng pag-aaklas laban sa mga dayuhan; gayunman, mukhang mas
nakasama pa ito para sa mga Pilipino. Puno ang pelikula ng ironiya sapagkat ang mga
intensyon ng karakter ay may tinataglay na kabutihan ngunit sa kagustuhang makamit
ito, maraming buhay ang nabuwis at nasayang.
Ang pag-arte ng mga prinsipal na karakter ay napakahusay. Sa unang tingin,
hindi mo aakalain na magiging maganda ang ugnayan sa pagitan ng mga Pilipino at
Amerikanong aktor. Ngunit mahusay na naisadula ng mga nagsiganap ang kaguluhan
at paghihirap noong “Digmaang Pilipino-Amerikano.” Sa mga ganitong klase ng
pelikula, malaki ang pangangailangan sa mga ekstra o mga pampunong aktor.
Kahanga-hanga na pati ang mga ito ay nagbigay din ng kapani-paniwalang pagganap.
Ang direksyon, musika, at sinematograpiya ng pelikula ay napakagaling din. Si
John Sayles ay isang prestihiyosong direktor na nanalo na nang napakaraming
parangal. Masasabi ko na mahusay ang kanyang naging pagdidirek sapagkat ito ay
nasasalamin sa husay ng pag-arte ng mga aktor, galing ng paghahalo ng musika sa
pelikula, at linis ng sinematograpiya. Mahusay na naipasok ng mga editor at ng
5
SINESOSYEDAD 0

direktor ang ganda ng mga simpleng tanawin at kalikasan sa Pilipinas na mas lalo
pang nagbigay ng kulay sa sinematograpiya ng pelikula.
Ang pelikulang “Amigo.” puno ng pag-ibig, pagpili, pagtataksil, at
pagkamakabayan.

Ito ay nominated na pelikula sa Academy Award na pinamagatang A Royal


Affair isang epic Romance kung saan tungkol ito sa love triangle ng isang Reyna, na
German doctor (Mads Mikkelsen) at ang matapang na Hari ng Denmark. Nag-
aagawan sa pagtatanggol ng teritoryo nila para sa kanilang mga nasasakupan ngunit
nauwi sa makatotohang kuwento ng pag-iibigan.

Takdang Gawain:

Panuto: Ilahad ang inyong pagsusuri sa movie poster.


5
SINESOSYEDAD 1
5
SINESOSYEDAD 2
5
SINESOSYEDAD 3
5
SINESOSYEDAD 4

Paghahanda sa Paggawa ng Pelikula

Direktor at Kaagapay ng Direktor


Napamamahalaan nang sistematiko at epektibo ang buong produksiyon.
Naisasaayos ang daloy ng mga yugto ng dula nang walang nasasayang na
araw.
Napangungunahan ang koordinasyon ng iba't ibang mga komite para sa
maayos na pagtatanghal.
5
SINESOSYEDAD 5

Mga Artista
Nasasabi ang diyalogo nang wasto at may damdamin.
Naisasaulo ang diyalogo nang may ganap na pag-unawa.
Naipakikita ang kumpiyansa sa pag-arte.
Nadadala ang mga manonood sa pagiging natural ng pag-arte.
Nakasusunod sa iskrip nang wasto.
Manunulat at Iskrip
Naisusulat ang isang angkop, makabaluhan, at kawili-wiling iskrip ng dula
na itatanghal sa klase.
Naipapakita ang pagiging malikhain
Kagamitang Biswal
Nakagagawa ng angkop at kawili-wiling props para sa itatanghal na dula.
Naipamamalas ang pagiging maparaan at malikhain sa paggawa ng props
Musika at Sound Effects
Nakapipili ng angkop na background music at sound effects para sa mga
tagpo
Nakabubuo ng orihinal na awitin at natatapatan ng kawili-wiling musika.
Nakapagre-rekord ng awitin o diyalogo nang maayos.
Dokumentasyon
Nakakukuha ng mga larawan at video sa araw ng pagtatanghal.
Nakagagawa ng isang portfolio ng mga larawan, komento, istorya, at iba pa
kaugnay ng itinanghal na dula.
Kasuotan
Nakadidisenyo ng mga kasuotan para sa mga tauhan gamit ang mga payak na
materyales.
Naipakikita ang pagiging maparaan sa paghahanap ng kasuotan ng mga
tauhan.
Naihahanda ang mga kasuotang kakailanganin sa araw ng palabas.

Panuntunan sa Paggawa ng maikling Pelikula


Ito ay maaring gawing pangkatan depende sa mapagkasunduan sa loob ng klase
at nang guro
Itatakda ang isang pelikula sa bawat pangkat.
5
SINESOSYEDAD 6

Maaring gumamit ng anumang uri ng camera (Digital SLR,Micro. Four Thirds-


Camera, Digital Point & Short camera, High Definition Video Camera, Hand held
video Cameras, etc.)
Ang pelikula ay 8-10 minuto lamang ang haba (depende ito sa
mapagkakasunduan)
Ang maikling pelikula ay nararapat lamang na orihinal, hindi pa nilathala, at
aayon lamang sa tema na napagkasunduan.
Ang anumang adptasyon sa katulad na mga pelikula ay magpapawalang halaga
rito at anumang malalswa at nakasisirang puring salita na gagamitin ay
magpawawalang-saysay sa anumang pelikula.

Tuntunin sa Isusumiteng Pelikula kung sasali sa mga Patimpalak

1. Ang pelikula ay ipapasa sa pormat na flv,avi,mpeg,mov,mp4 o wmv.


2. Ang ipapasang pelikula ay dapat na naka-save sa CD o flash drive. Kalakip
dito ang ilang mahalagang impormasyon tungkol sa mga kalahok.
(kung may Entry Form na nilalaman nito ang pangunahing impormasyon ng mga
aktor/aktres at katulong sa produksiyon ay mainam na maisama)Kalakip ang kopya ng
ID/kompanya.Hard/Soft copy ng kuwento o maikling iskrip/ sinopsis ay ilalagay din.
Mapagkakasunduan ang haba/dami ng salita)
3. Ang lahat ng kinakailangang impormasyon ay ilalagay sa selyadong brown
envelop na ang pamagat ay nakasulat sa gitnang bahagi sa harap ng envelop.
4. Isusumite ang pelikula sa mapagkakasunduang oras at araw ng huling
pagpasa.

Panukatan sa Paghuhusga sa Pelikula

Nilalaman ng Kuwento 30%


Pagkamalikhain at Orihinalidad 30%
Panghikayat sa Manonood (impact) 20%
Sinematograpiya(Kasangkapang Teknikal) 20%
100%

RUBRIKS
5
SINESOSYEDAD 7

Mahusay May ihuhusay pa Kailangan ng


(10 puntos) (9-6 puntos) ibayong
pagsasanay
(5-1 puntos)
Bisa ng Kaaliw-aliw ang Di gaanong kaaliw- Hindi kaaliw-aliw
Panimula panimula. aliw ang panimula. ang panimula.
Malinaw na Hindi Gaanong Hindi tinalakay
tinalakay ang Malinaw na ang isyung
isyung pag- tinalakay ang pag-uusapan.
uusapan. isyung pag-uusapan
Kawastuhan Wasto ang mga Wasto ang mga Hindi gaanong
at Kasapatan ng impormasyon. impormasyon. Wasto ang mga
mga Impormasyon impormasyon.
Iba't iba ang Limitado ang
pinagkunan ng pinagkunan ng Walang
mga impormasyon. mga impormasyon. pinagkunan ng
mga impormasyon.
Sapat ang mga Kulang ang mga
impormasyon impormasyon Kulang na
para suportahan para suportahan kulang ang mga
ang kaisipang ang kaisipang impormasyon para
tinalakay. tinalakay. suportahan ang
kaisipang
tinalakay.
Bisa ng Nakapagbigay ng Hindi gaanong Hindi
Pangwakas malinaw na buod. nakapagbigay ng Nakapagbigay ng
malinaw na buod. malinaw na buod.

Nabigyang-diin Hindi gaanong Hindi nabigyang-


ang layunin. nabigyang diin diin ang layunin.
ang layunin.

Gamit ng Gumamit ngsapat Limitado ang Hindi gumamit ng


Pahayag na wastong ginamit na wastong pahayag
pahayag na pahayag na na nanghihikayat.
5
SINESOSYEDAD 8

nanghihikayat. nanghihikayat.

Gramatika Walang mali May bahagyang Maraming mali


sa gramatika. mali sa gramatika. sa gramatika.
Layunin Natamo ang Hindi gaanong Hindi natamo ang
layuning natamo ang layuning
makapanghikayat. layuning makapanghikayat.
makapanghikayat.
Kabuuang Puntos

Tala Hinggil sa Ilang Bagay na Teknikal

• Para magdownload ng video sa YouTube, kopyahin ang link at i-paste iyon sa


keepvid.com
• Para magdownload ng pelikula, maaaring sipatin ang xmovies8.tv gomovies.to
watchmovies.info
• Sa paghahanap ng mga dokyu, suring-pelikula atbp. midyang makabuluhan,
maaaring sipatin ang
• pinoyweekly.org o facebook.com/pinoyweekly.org
• manilatoday.net
• ibon.org
• facebook.com/tudlaproductions
• https://www.youtube.com/user/tudlaproductions
• facebook.com/altermidya
• bulatlat.com
• crossingconnection.com
• www.plarideljournal.org
• dlsu.academia.edu/lastrepublic
• www.facebook.com/TANGGOLWIKA
• www.facebook.com/act.teachers
• www.facebook.com/ACTPrivateSchools
• www.facebook.com/PSLLF
• www.facebook.com/PambansangSeminar
• www.facebook.com/liyab
5
SINESOSYEDAD 9

Sanggunian:

Aklat

Dino, Mary Grace R.(2017). Vinta Paglalayag sa Wikang Filipino 7. Salesiana Books
Don Bosco Press Inc. Makati City.
Ignacio, Jesus Joseph D. (2017)Vinta Paglalayag sa Wikang Filipino 8. Salesiana
Books Don Bosco Press. Makati City.

Online
https://www.google.com/search?
q=pagsusuri+sa+panlipunang+Nilalaman+ng+isang+pelikula&tbm=isch&ved=2
ahUKEwjs85a7vLfoAhUSEKYKHdN3AIEQ2-
cCegQIABAA&bih=657&biw=1366&rlz=1C1PRFI_enPH890PH890

https://www.dlsu.edu.ph/wp-content/uploads/pdf/conferences/arts-congress-
proceedings/2019/PACM-02.pdf

https://cbcpcinema.blogspot.com/2011/01/si-agimat-at-si-enteng-kabisote.html

http://iamshamaracasepe.blogspot.com/2012/10/pagsusuri-ng-sine-i-do-bidoo-
bidoo-heto.html

http://ohmytanya.blogspot.com/2009/11/review-of-movie-urduja.html
6
SINESOSYEDAD 0

You might also like