Professional Documents
Culture Documents
Tungkol sa Pelikuka
Si Marlon Rivera ay isang direktor at artista, na kilala sa Ang babaeng sa septic tank
(2011),
Ang mga prodyuser ng pelikula ay sina Chris Martinez, Marlon Rivera at Josabeth
Alonso
Pangunahing tema ng pelikula ang kahirapan sa ating bansa. Pangalawa rito’y ang
ambisyon ng taong makilala sa lipunang kanyang ginagalawan. Palasak na ang mga
temang nabanggit at hindi ito nabigyan ng bagong pagpapakahulugan sa pelikula ni
tinalakay sa isang maayos at makahulugang pamamaraan. Malinaw na ginamit lamang
ang mga isyung ito upang makagawa ng isang palabas na manlilibang lang sa manonood.
Walang bahid ng pagtatangka ang pelikula upang itaas ang panlipunang kamalayan ng
manonood nang sa gayon ay gumanyak ito sa isang kolektibong pagkilos upang harapin
at lunasan ang problema. Sa kabila ng paglalahad ng isyu ukol sa kahirapan, tumatawag
ng pansin ang makasariling pangarap/ambisyon ng magkaibigan upang maging bantog sa
kanilang larangan nang hindi alintana ang paggamit sa buhay, dangal at kalagayan ng
mga taong sangkot sa kuwento.
E. Buod ng Pelikula
F. Suri
Sa pelikulang ito, pinakita ng grupo nila Bingbong ang iba’t ibang pamamaraan sa
paggawa ng isang pelikula, tulad ng musical, indie style, dramatic style, meron at walang
narration na movie, at pelikula na puno ng iba’t ibang advertisement. Nakakamangha
dahil napakita nila iyon lahat sa isang pelikula lamang. Pinakita rin dito ang pagtatalo ni
Bingbong at Rainier sa kung ano ang maaari nilang gawin sa kanilang pelikula para ito ay
maging isang award winning movie kung saan pwedeng makilala ang mga Pilipino sa
buong mundo dahil dito
Ang istorya ng pelikula na ginagawa nila Bingbong ay umiikot sa buhay ni Mila, isang
ina sa kanyang pitong anak na nakitira sa isang depressed area, at ang kanyang mga
sakripisyo sa buhay upang makaraos sa kanilang pangunahing problema, ang kahirapan.
Ilan sa kanyang mga nagawa ay ang ibenta ang sarili nyang katawan sa iba, pumasok sa
iba’t ibang trabaho, at ibenta katawan ng sarili nyang anak sa mga dayuhan, lahat ay
upang kumita ng pera.
Noong una ang akala ko sa pelikulang ito ay puno lamang ng comedy dahil dito ko
naman talaga nakilala si Eugene Domingo bilang isang aktres. Ako’y namangha ng tunay
dahil nagawa ni Ms. Domingo na umarte sa iba’t ibang point of view ng iba’t ibang
tauhan sa istorya. Sa pelikulang ito nashowcase ang tunay na talent ni Ms. Domingo
bilang isang mahusay na alagad ng sining. Ang Indie film na ito ay isang malinaw na
istorya na maaaring mahalitulad sa totoong buhay di lang ditto sa Pilipinas kung hindi sa
ibang bansa narin. Dahil una, pinakita sa pelikulang ito ang mga mabubusising hakbang
upang makabuo ng isang istorya o pelikula na pwedeng mailaban sa iba’t ibang bansa sa
mga kompetisyon at maaring bumenta commercially at bilang isang ganap na indie film.
At pangalawa, dahil pinakita nga nito ang mga komon na problema ng mga magulang o
pamilya sa ating bansa.
Ang pelikulang ito ay napakaganda para sa akin. Dahil napaka komplikado nung
pagkakagawa at nung pagpapakita nung istorya. Talagang kailangan mapaisip ang mga
manonood upang maunawaan ang istorya. Maganda ang pagkakomplikado nito dahil di
sya sobra sobra. Talagang sakto lang, walang labis, walang kulang. Kaya kudos sa mga
tao sa likod ng pelikulang ito at sa mga artistang gumanap sa mga tauhan sa kwento dahil
ang “Ang Babae Sa Septic Tank” ay isa sa mga pinaka kilalang Indie Film ditto sa
Pilipinas at dahil narin sa mga gantimpalang mga nakamit nito.
A. Sinematograpiya
Sa pangkalahatan, maganda ang kinalabasan dahil tumutugma ang pag-iilaw sa bawat
eksena. May napansin lamang ako na may parte na kung saan ay dumidilim at tila
nakulangan ng ilaw. Ung parte na iyon ay nasa loob ng bahay. Mas mabuti sana kung
mas maliwanag ang eksena dahil masaya sila at kumakanta. Sa aking opinion mas
maganda kung mas maipapakita ng maliwanag ang pagsasalosalo ng pamilya para mas
dama ang bawat pangyayari. Bukod doon wala na akong iba pang komento ukol sa pag-
iilaw pero ang napansin ko sa unang bahagi ng kwento medyo magulo ang pagkakakuha
ng kamera yun yung tinatawag nila na “shaky”. Para sa akin hindi maganda yung ganung
“effects” kasi magulo siya tignan at medyo nakakaapekto rin ito sa pag-iilaw dahil hindi
gaano natuunan ng pansin ang sentro kung saan talaga ang sakop ng inyong paksa.
D. Tagpuan
Ang unang tagpuan na ipinakita sa pelikula ay ginanap sa isang “Coffee Shop”
kung saan nag salin-salin ang kanilang mga ideya para sa ikagaganda ng
pelikulang kanilang ginagawa. Ang tagpuan ng ginagawa nilang pelikula na
pinamagatang “Walang-wala” ay sa “Payatas Dumpsite” kung saan maipapakita
ang kalunos-lunos na kalagayan ng kahirapan. Pati sa magulong kalye ng Maynila
kung saan matatagpuan ang gusali na tinitirahan ng pedophile na si Mr.
Smithberger. Mayroon ding mga eksena na kinunan sa sasakyan, habang
naglalakbay sila. May eksena rin mula sa bahay ni Eugene Domingo. Dahil
nangyari ang kaawa-awang pagsira at pagnanakaw sa kanyang kotse kaya
mayroon ding ipinakitang eksena sa himpilan ng pulis. Ang pinakahuling tagpuan
ay ang pagkuha nila sa septic tank scene.
Napahanga ako sa tapang nila na pumili ang ganoong klase ng pelikula kung saan
ang tagpuan ay magulo, marumi, mabaho at malapit sa kapahamakan. Hindi nila
alintana ang maaaring idulot sa kanila ng papunta sa mga ganoong klase ng lugar.
Mas mahalaga sa kanilang na magawa ng maganda at maayos ang pelikula para
maipahatid ang damdamin na naroroon sa lugar upang mas madama ang
kahirapan na naroroon sa tagpuang kanilang pinili.
III. Mga Kahalagang Pantao
B. Kahalagahan o Aral
Ang aral na natutunan ko sa pelikulang ito ay “Sa gitna ng kahirapan may pagsubok tayo
na dapat harapin at lampasan dahil ang buhay ay hindi puro sarap at kasaganahan, sa
halip ang totoong buhay dito sa ating mundo ay puno ng pagsubok na malalampasan
natin kung tayo ay haharap ng matatag sa mga problemang ating nararanasan dahil sa
katagalan magtuturo ito sa atin ng leksyon at pangaral para sa ikabubuti ng ating
kapakanan.”
Ang babae sa septic tank ay isang pelikulang nagpapatungkol sa Philippine cinema. Isa sa mga
nagustuhan ko dito ay kung papaano nila inilathala ang kwento. Kung mapapansin nagmukha
siyang a story within a story. Kung saan habang ipinapakita nila kung papaano nila ginagawa ang
isang pelikula kasabay noon ang pag papakita ng pangyayari nito sa ibat ibang posibleng aspeto
nito. Ipinakita dito na ang dalawang film makers na si Rainier (Jm de Guzman) at Bingbong
(Kian Cipriano) ay hindi magkamayaw sa ginagawa nilang indie film na pinamagatang “walang
wala” na pinagdesisyunan nila na ilalaban daw nila sa international at aabutin sila sa cannes at
oscar. Si rainier ang naging producer at si bingbong naman ang direktor at isang production
manager na si Jocelyn (Cai Cortez). Ang kwento ay tungkol kay Mila na nahihirapan tustusan
ang mga pangangailangan ng pito niyang anak kung kaya’t napilitan siyang ibenta sa isang
pedopilya ang isa niyang anak. Simpleng simple ang takbo ng kwento ipinakita nila kung gaano
Ka walang wala si mila. Si Eugene Domingo ang panghunahing artista na gaganap bilang mila
ayon sa napagkasunduan ng mga batang film makers. Habang ginagawa ang pelikulang ito Ibat
ibang persperktibo at posibilidad ng “walang wala” ang naisip nila. Maari daw itong maging
isang dokumentaryo para mas mukhang true to life story o kaya naman isang musical o soap
opera.
– Napakatalino ng produksyong ang ” Ang babae sa septic tank”. Nagawa nitong makuha ang
kiliti ng imahinasyon ng mga manonood sa maraming posibilidad ng isang materyal
pampelikula. Sa pagsilip sa mundo ng paggawa ng independent film ay makikita at maraming
realidad ang napakaloob dito. Kaya naman masasabi kong napaka ganda ng pagkakalathala dahil
dinala kami ng palabas na ito sa kung ano ang totoong kalagayan ng Philippine Cinema sa
kasalukuyan. Bagama’t simpleng maiituturing ang kwento ay hitik naman ito sa mensahe
patungkol sa pang aabuso ng sistema ng sining na siya mismong kinabibilangan ng pelikula. Sa
kabuuan ay pulido ang pagkakagawa ng pelikula sa kabila ng kakulangan nito ng tunay na
kwento. Ang mga komentaryo nito sa lipunan ay sapat na makapukaw at makiliti ang mga
manonood gaya ko. Kung mapapansin gumamit din sila dito ng kahirapan kung saan ipinakita
nila ang ibat ibang uri ng kahirapan.Itong sakit sa lipunan na inihayag ay siyang ipinamalas sa
mata ng mga banyaga. Sa prosesong ito, nagiging mababa ang tingin sa atin bilang lipunan
kapalit ng pagkilala sa mga indipendent film makers na para bang ang Philippine Cinema ay
nagiging “dumi” nalamang sa mata ng nakararami dahil din sa implwensiya ng mga banyaga.