You are on page 1of 7

Pangalan: Julia Jaffa Q.

Chavez Petsa: 06/19/2022


Kurso: BSCE 2B Marka:

ARALIN 2: Pelikulang Hinggil sa Isyung Migrasyon at Diaspora


Gawain 7: Pumili ng dalawang pelikula sa mga pelikulang nakalista sa ibaba hinggil sa
Migrasyon at Diaspora at suriin sa pamamagitan ng balangkas ng pagsusuri.

A. Anak
I. Pamagat - Anak
Direktor - Rory B. Quintos
II. Mga Tauhan
 Vilma Santos bilang Josie Macalalag
 Claudine Barreto bilang Carla Macalalag Joel Torre bilang Rudy Macalalag
 Baron Geisier bilang Michael Macalalag
 Sheila Mae Alvero bilang Daday
 Amy Austria bilang Lyn
 Cherry Pie Picache bilang Mercy helper
III. Buod ng Pelikula
Ang pelikula ay tungkol sa isang ina na si Josie na nagtatrabaho bilang isang domestic
helper sa Hongkong. Kinailangan nyang magtrabaho at tiisin ang mga pagsubok doon kahit na
mahirap na kondisyon at maliit na sweldo sa kanyang pinagtatrabahuhan. Kahit na ganon pa man
ay ginagawa nya pa rin ito upang makatulong at makapagpadala ng pera sa kanyang mga
naiwang anak at upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan. Matapos ang ilang taon
ay nakauwi rin si Josie at napagdesisyunan na hindi na sya babalik muli sa ibang bansa. Ngunit
sa kanyang pagbalik hindi ang inaasahan nyang pagsalubong ng mga anak dahil hindi na sya
kilala ng mga ito katulad ni daday ang kanyang bunso pati na rin si Michael na walang imik at si
Carla na hindi man lang sya binigyang respeto. Maraming mga hindi magagandang gawain at
bisyo ang nalaman nya sa kanyang mga anak katulad ng bisyo ni Carla na paninigarilyo at ang
mpagkawala naman sa scholarship ni Michael. Sa matagal na pagkalayo ni Josie, ay marami
syang mga naging pagkukulang dahil nawalan sila ng ina sa kanilang tabi upang gabayan ang
kanyang mga anak. Nagkaroon ng alitan si Josie sa kanyang anak na si Carla at doon ay
naipaliwanag ng maayos ng kanyang ina ang mga rason kung bakit sya nagtrabaho sa ibang
bansa. Pagtapos nito ay naunawaan na ni Carla ang kanyang ina at nagbago upang maging
magandang impluwensiya sa iba nyang kapatid.
IV. Banghay ng mga Pangyayari (Story Grammar)
a. Tagpuan
Ang tagpuan ay ginanap sa Hongkong kung saan nagtrabaho si Josie. Sa Maynila naman nakatira
ang kanyang pamilya.
b. Protagonist
Ang protagonist sa istorya ay si Josie dahil pinakita ang lahat ng sakripisyo nya bilang isang
OFW upang maitaguyod ang kanyang pamilya.
c. Antagonista
Ang antagonista sa istorya ay ang panganay na anak ni Josie na si Carla sapagkat hindi nya
naipakita ang pagkagalak noong dumating ang kanyang Ina galing ibang bansa sa halip ay
pinakita nya ang pagkawalang respeto at pagkadismaya sa pagdating nito.
d. Suliranin
Ang suliranin sa pelikula ay nang hindi naging malapit ang loob ng mga anak ni Josie sa kanya
noong umuwi sya mula sa ibang bansa. At marami syang mga nalaman na hindi magagandang
gawain ng kanyang anak na si Carla at ang pagkawala Ng scholarship ng kanyang anak na si
Michael.
e. Mga Kaugnay na Pangyayari o Mga Pagsubok sa Paglutas ng Suliranin
Nahirapan si Josie na muling magkaroon ng malapit na relasyon sa kanyang anak dahil sa
matagal na wala ang kanyang presensya. Kaya sa una ay nahirapan syang kausapin ngunit sa huli
naipaliwanag nya lahat ng mga rason nya bilang isang magulang.
f. Mga Ibinunga
Dahil sa pagkakaroon ni Josie ng maayos na komunikasyon sa kanyang mga anak mas
nagkaroon sila ng pagkakaunawaan sa isa’t isa at nawala ang sama na loob na naramdaman ng
mga anak nya nang iwan sila ng kanilang Ina upang magtrabaho sa ibang bansa.
V. Paksa o Tema
Ang Pelikulang Anak ay patungkol sa isang ina, bilang Overseas Filipino Worker, na napilitang
umalis ng bansa upang mabigyan ng maayos na buhay ang kanyang pamilya.
VI. Mga Aspektong Teknikal
a. Sinematograpiya
Ang sinematograpiya ng pelikula ay maayos na naipamalas sa mga manonood at maganda ang
naging kinalabasan ng bawat eksena. Naging mas realistiko ang pagpapakita sa lugar kung saan
nagtrabaho ang gumanap.
b. Musika
Ang musika na ginamit ay angkop sa tema at paksa ng istorya na tungkol sa anak na talagang
pumupukaw sa damdamin g manonood.
c. Visual Effects
Ang visual effects ng pelikula ay simple lang at naaayon sa mga eksena na ipinapakita kaya may
kulay at buhay ang palabas.
d. Set Design
Ang set Design ng bawat eksena ay binigyan ng maayos at angkop sa ginaganapan ng mga artista
kaya naging makabuluhan ang mga ito.

VII. Kabuuang Mensahe ng Pelikula


Ang kabuuang mensahe ng pelikula ay bilang isang anak kailangan natin pahalagahan
lahat ng sakripisyo na ginagawa ng ating mga magulang. Kailangan maunawaan natin ang
paghihirap na dinaranas ng mga kababayan nating OFW upang mabigyan ng maayos na
pamumuhay ang kanilang pamilya ay kinakailangan pa nilang malayo sa kanila. Sa pelikulang
ito dapat nating isabuhay ang mensahe nito bilang isang anak dapat mahalin natin ang ating mga
magulang.

VIII. Kabuuang Dating sa Sarili ng Pelikula


Nang dahil sa pelikula na ito ay mas lalong nadagdagan ang kagustuhan kong mkabawi
sa aking mga magulang dahil sa kanilang mga naging sakripisyo mabigyan lang kami ng maayos
na pamumuhay, pagkain, damit at iba pa na kailangan sa buhay. Huwag natin sila kalilimutan
dahil kung hindi isa kanila ay wala tayo ngayon sa ating inaapakan.
IX. Rekomendasyon
Ang aking rekomendasyon ay sana maiplabas lamang ito at hindi mawawala sa paglipas
nang panahon sapagkat ito ay kinapupulutan talaga ng aral. Ang pelikulang anak ay nagpapakita
ng makatotohanang kwento dahil marami sa ating mga Pilipino ang nakakaranas ng ganitong
sitwasyon. Naipamalas nito ang kahusayan sa pagganap ng mga artista sapagkat bilang isang
manonood ako ay naantig sa mensahe ng pelikula.
B. Ang Babae sa Septic Tank (2011)
I. Pamagat - Ang Babae Sa Septic Tank
II. Mga Tauhan
 Eugene Domingo
 JM De Guzman-Bing Bong
 Kean Cipriano
 Cai Cortez- Jocelyn
III. Buod ng Pelikula
Ang istorya ng pelikula na ginagawa nila Bingbong ay umiikot sa buhay ni Mila, isang
ina sa kanyang pitong anak na nakitira sa isang depressed area, at ang kanyang mga sakripisyo sa
buhay upang makaraos sa kanilang pangunahing problema, ang kahirapan. Ilan sa kanyang mga
nagawa ay ang ibenta ang sarili nyang katawan sa iba, pumasok sa iba’t ibang trabaho, at ibenta
katawan ng sarili nyang anak sa mga dayuhan, lahat ay upang kumite ng pera. Sa huli
napagdesisyunan nila Binogbong na si Eugene ang pinakaangkop na gumanap sa posisyon ni
Mila bukod kila Cherry Pie Picache at Mercedes Cabral na gumanap bilang sarili rin nila tulad ni
Eugene. Sa huli ang Payatas Dumpsite ang napili nila Bingbong na magandang tagpuan ng
kanilang pelikula dahil dito maiging pinapakita ang  istura ng kahirapan ng Pilipinas. Atsa dulo
ng pelikula, kung saan ishu-shoot na ang eksena kung saan lilinisin na ng ka-double ni Mila ang
poso negro, aksidenteng nahulog si Eugene Domingo sa loob nito, at dahil sya ay nasa loob na,
napgdesisyunan na ng buong team na ishoot ng eksenang iyon habang sya ay nasa loob at doon
na tuluyang natapos ang istorya. Noong una ang akala ko sa pelikulang ito ay puno lamang ng
comedy dahil dito ko naman talaga nakilala si Eugene Domingo bilang isang aktres. Ako’y
namangha ng tunay dahil nagawa ni Ms. Domingo na umarte sa iba’t ibang point of view ng iba’t
ibang tauhan sa istorya. Sa pelikulang ito nashowcase ang tunay na talent ni Ms. Domingo bilang
isang mahusay na alagad ng sining. Ang Indie film na ito ay isang malinaw na istorya na
maaaring mahalitulad sa totoong buhay di lang ditto sa Pilipinas kung hindi sa ibang bansa narin.
Dahil una, pinakita sa pelikulang ito ang mga mabubusising hakbang upang makabuo ng isang
istorya o pelikula na pwedeng mailaban sa iba’t ibang bansa sa mga kompetisyon at maaring
ang mga komon na problema ng mga magulang o pamilya sa ating bansa. Ang pelikulang ito ay
napakaganda para sa akin. Dahil napaka komplikado nung pagkakagawa at nung pagpapakita
nung istorya. Talagang kailangan mapaisip ang mga manonood upang maunawaan ang istorya.
Maganda ang pagkakomplikado nito dahil di sya sobra sobra. Talagang sakto lang, walang labis,
walang kulang.  Kaya kudos sa mga tao sa likod ng pelikulang ito at sa mga artistang gumanap
sa mga tauhan sa kwento dahil ang “Ang Babae Sa Septic Tank” ay isa sa mga pinaka kilalang
Indie Film ditto sa Pilipinas at dahil narin sa mga gantimpalang mga nakamit nito.

IV. Banghay ng mga Pangyayari (Story Grammar)


a. Tagpuan
Mayroon ding mga eksena na kinunan sa sasakyan, habang naglalakbay sila. Nangyari ang
kaawa-awang pagsira at pagnanakaw sakanyang kotse. Hindi nila alintana ang maaaring idulot
sakanila ng papunta.
b. Protagonist
Eugene Domingo bilang Mila - ang pangunahing bida sa pelikula, sya ay kilala sa pelikula
bilangisa sa pinaka magaling sa industriya ng pag arte. Makikita rin ang tapang ni mila sa
pelikulangito dahil kahit sobrang hirap na ng kanilang buhay ay nagagawa nya pa rin lumaban
para sakanyang mga anak.
c. Antagonists
Si Mila o Eugene Domingo rin ang naging kalaban sa pelikula dahil nga sa kahirapan ay nagawa
niyang ibenta ang sarili at anak sa isang dayuhan. Ibig sabihin nito ay kabilang siya sa pagiging
antagonista.
d. Suliranin
Si Mila at ang kaniyang pitong anak ay nakatira sa“Payatas dumpsite”kung saan damang
damaang kalunos-lunos na kalagayan ng kanyang pamilya. Upang makaraos mula sa labis
nakahirapan nagpasya si Mila na ibenta ang kaniyang isang anak sa pedopilya Ang “Pedophilia”
ay isang abnormal na kalagayan ng isang tao kung saan nakararamdam ng sekswal na
attractionmula sa mga bata. Binisitarin nila ang “dumpsite” na sinasabing tagpuan at
pagdarausan ng kanilang pelikula. Dahil sa sobrang pagkatuwa nila dahilsa labis na kagalakan,
nakaligtaan na nila ang katotohanan at panganib na dala ng kanilang piniling paksa.
e. Mga Kaugnay na Pangyayari o Mga Pagsubok sa Paglutas ng Suliranin
Makikita sa pelikulang ito kung paano naging ina si Mila at kung paano nyo hinaharap ang
kahirapan ng buhay, maliban sa pagbenta ng kanyang anak sa amerikano ay nagawa niya ding
ibenta ang kanyang sarili para buhayin ang kanyang mga anak at ang iba ay nagawa pang
magbenta ng mga dyaryo upang ibenta.
f. Mga Ibinunga
Ang naging bunga nito ay mas naging hindi maganda ang takbo ng buhay ni Mila dahil sa
pagbenta ng anak at sarili niya. Kaya naging bunga nito ay ang pagdurusa at pagsisisi.

V. Paksa o Tema
Ang paksa ng pelikula ay patungkol sa Philippine Cinema na kung saan pinapakita ang
paggawa
ng mga kalidad na pelikula upang maipamalas at ang sakripisyo ng mga gumaganap upang
maipakita ito ng maayos sa mga manonood. Naipamalas din ang kalagayan tungkol sa kahirapan.

VI. Mga Aspektong Teknikal


a. Sinematograpiya
Gumagamit sila ng makalumang estilo ng kalidad ng vidyo at mga camera angles na angkop para
ipakita ng maayos ang mga karakter
b. Musika
Ang musika na napansin ko sa pelikula maliban sa mga “sound effects” ay yung mga orihinal
nakanta galing sa “musical scene”.
c. Visual Effects
Ang visual effects sa pelikula ay tugmang tugma sa ibang kasangkapan ng pelikula, naging mas
kapanapanabik at mas naaaliw ang manonod lalo na sa lighting effects na nagbigay buhay talaga
sa pelikula
d. Set Design
Sa Pag aayos ng pelikulang ito ay makikita mo talagang pinaghandaan lalo ma ng Direktor at sa
mga Aktor at aktress ma gumanap sa mga karakter dito.

VII. Kabuuang Mensahe ng Pelikula


Ang pelikula na ito ay nagpapakita ng buhay ng isang Ina na mayroong pitong anak sa
isang depressed area at namatayan ng anak. Araw araw, pinaghahatiian nila ang isang pakete ng
instant noodles at tinitiis ang kalam ng tiyan para mabuhay lamang araw araw. Ang storya na ito
ay nagpapakita din ng mga sakripisyo ng isang ina upang maitustos ang kanilang buhay araw
araw kahit sila ay walang wala talaga. Ibinenta niya ang kanilang lalaking anak sa isang lalaki
para lamang mag kapera. Masakit man sa kanyang loob ito, ay ginagawa niya padin. 
VIII. Kabuuang Dating sa Sarili ng Pelikula
Ang pelikulang katulad nito ay may malaking aral na kapupulutan. Dapat ay mulat ang
karamihan sa atin ang mga maaaring maging bunga ng mali nating ginagawa, huwag kang mag
anak ng marami kung hindi mo sila kayang bigyan ng maayos na buhay o kahit man lang ay
mapakain ng wasto at nabibigay ang pangunahing pangangailangan ng mga ito sapagkat hindi
pinili ng isang anak na maging magulang ka at mas lalong hindi nito piniling mabuhay. Huwag
tularan si Mila na ibenenta ang sarili at anak para solusyonan ang isang problema o kahirapan.
Dapat laging magsikap upang umangat sa buhay at huwag gumawa ng mga bagay na sa tingin
mo na ikakasama mo at ng iyong pamilya.

IX. Rekomendasyon
Ang pelikulang ito ay “must watch”, lalo na at madami kang aral na matututunan at sa
pelikulang ito ay naipapakita talaga ang kahirapan at kumakapit nalang sa mga illegal na gawain
upang umahon sa hirap.

You might also like