You are on page 1of 8

Mga Gabay para sa Pagsusuri ng Isang Pelikula

1. Tauhan Malinaw ba ang karakterisasyon ng mga tauhan. Lumutang ba ang mga katangin ng
tauhan upang makilala ang bida (protagonista) at ang kontrabida (antagonista)?
2. Istorya o Kwento May kaibahan ba ang istorya sa mga dating napanood mo na o itoy isang
gasgas na kwento lamang? Malinaw bang naihanay ang mga pangyayari sa pelikula upang lubos na
maunawaan ng mga manonood?
3. Diyalogo Matino ba o bulgar ang mga salitang ginamit sa kauuan ng pelikula. Angkop ba ang
lenggwahe sa takbo ng mga pangyayari?
4. Titulo o pamagat Mayroon ba itong panghatak o impact? Nakikita ba kaagad at nauunawaan ng
manonood ang mga simbolisno na ginamit sa pamagat?
5. Sinematograpiya Mapusyaw ba o matingkad ang kabuuang kulay ng pelikula? Nakatulong ba
ang paggamit ng visual effects sa paglutang ng mga pangyayari sa kwento?
6. Tema o paksa Mayroon bang puso ang pelikula? May taglay ba itong kaisipan at diwang
titimo sa isip at damdamin ng mga manonood na kaugnay ng kanilang mga karanasan sa buhay?

Pormat ng Panunuring Pampelikula


I.

Pamagat

II.

Mga Tauhan

III.

Buod ng Pelikula

IV.

Banghay ng mga Pangyayari (story grammar)


a. Tagpuan
b. Protagonista
c. Antagonista
d. Suliranin
e. Mga Kaugnay na Pangyayari o Mga Pagsubok sa Paglutas ng Suliranin
f. Mga ibinunga

V.

Paksa o Tema

VI.

Mga Aspektong Teknikal


a. Sinematograpiya
b. Musika
c. Visual effects
d. Set Design

VII.

Kabuuang Mensahe ng Pelikula

Sa Direksyon ni :

Maryo J. Delos Reyes

I. Mga Tauhan

Magnifico a.k.a. Pikoy Jiro Manio

Ang bida sa kwento. Isang batang namulat sa kahirapan sa murang edad.

Edna Lorna Tolentino

Ang Ina ni Pikoy na walang trabaho

Gerry Albert Martinez

Ang ama ni Pikoy na isang Karpintero

Lola Magda Gloria Romero

Ang Lola ni Pikoy na may Stomach Cancer

Helen Isabella De Leon

Ang bunso sa magkakapatid na may Cerebral Palsy.

Miong Danilo Barrios

Ang panganay sa magkakapatid na natanggalan ng Scholarship

II. Tagpuan

Lumban, Laguna Sa kanilang Tahanan

III. Buod

Bata pa lamang ay namulat na sa kahirapan si Pikoy. Isang kahid, isang tuka ang kanilang pamilya. Madalas
nyang nakikitang nag aaway ang kanyang magulang nang dahil sa pera at sa gagastusin sakaling mamatay
ang kanyang Lola Magda. Pasan pa nya ang pag aalaga sa kanyang kapatid na may sakit at hindi makalakad,
natanggalan pa ng scholarship ang kanyang kuya.

Sa murang edad ay nagsikap sya upang makatulong sa araw-araw na gastusin sa abot ng makakaya nya.
Gumawa si Pikoy ng paraan upang unti-unting buuin ang kabaong ng kanyang Lola sa tulong ng kanyang
mga kaibigan. Walang reklamong narinig sa kanya ang kanyang magulang.

Sa huli, hindi inaasahan ang mga nangyari. Nasagasaan si Pikoy at sya ang gumamit ng ginawa nyang
kabaong para sa kanyang Lola. Naging inspirasyon ang butihing bata sa mga nagawa nya.

IV. Aral

Ang aral sa pelikulang ito ay ang kamulatan sa mga totoong nangyayari sa buhay ng isang tao. Mayaman
man o mahirap, bata man o matanda. Pati narin ang kabusilakan ng puso sa pagtulong at mamagandang
loob ay hindi natatawaran ng anuman bagay.

V. Mga Tanong

A. Ano ang pinapaksa ng pelikula? Ano ang mensaheng dala nito? Maliwanag ba ang tema at matagumpay
na napatunayan?

Umiikot ang pelikulang ito sa kamunduhan ng kahirapang natatamasa ng isang ordinaryong tao. Na sa kabila
ng patong-patong na problema ay nagagawa parin nilang solusyunan ito sa simpleng paraan at sa abot ng
kanilang makakaya. Maliwanag ang daloy nito sa simula hanggang dulo. Pahapyaw din dahil hindi mo
aakalaing ganun ang magiging wakas.

B. Makatwiran ba ang balangkas? Wasto ba ang nangyari sa mga particular na tauhan?

Sakto lamang sa kwento ang balangkas o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Dahil dito, may naiiwang
tanong sa isipan ng bawat manunuod kung anong mga posibleng mangyari na eksena. Isang trahedya ang
nag iwan sa kamulatan ng manonood ang sinapit ng bida sa kwento na hindi karaniwang makikita sa ibang
pelikula.

C. Ang mga tauhan bay kumikilos at may pag uugaling tulad ng karaniwang nakikita? Ito bay pawing
ikabubuti o nagpapakita rin ng kani-kanilang kahinaan?

Tulad ng isang karaniwang tao, ganun din ang mga tauhan dahil sa makatotohanan nga ang nagaganap sa
mga pangyayari. Bawat tauhan ay may kani-kanilang karakter na ginagampanan gayun din ang kanilang
papel sa pelikula. Tulad ng isang karaniwang tao, ang bawat-isa ay may kani-kanilang kalakasan at kahinaan.

D. Maayos ba ang dayalogo? Ipinapakita ba sa pamamagitan ng pagsasalita ang kani-kanilang tauhan? Ang
pag-uusap ba ay madadala sa kwento upang patuloy na kumilos? O ang pag-uusap ay binababa ngunit
walang kinahihinatnan?

Maayos ang pagkakalapat ng bawat salitang kanilang isinasambit. Payak at nadadala nito ang bawat eksena
sa kwento. Bawat tauhan ay may kani-kanilang paraan upang ideliber ang mga salita at naaapektuhan nito
ang kwento.

E. Buhay ba ang tagpo, panahon at lugar? Nakikita mo ba ang larawan sa iyong pag-iisip? Maliwanag ba ang
paglalarawan?

Nakatulong ang tagpo, panahon at lugar upang mailarawan ng maayos ang kwento. Dahil dito nabigyang
kahulugan kung anong estado ng buhay meron ang mga tauhan.

F. Bagay ba ang estilo sa balangkas a paksa? Ito bay tiyak at maliwanag? Magaan ngunit kawili-wili? O
mabigat at masalita? Marami bang tayutay?

Ibat ibang estilo ang ginamit sa bawat eksena. Naka depende kasi ito sa mga nangyayari sa kwento. Pero
ang pinakaginamit ay ang pagiging payak at maliwanag na estilo. Detalyado at naging mahusay ang director
sa pagpili at pagsipi sa kung anu-ano ang kinakailangan sa pelikula. Marami ring tayutay ang ginamit upang
makadagdag ng kabuluhan sa bawat dayalogo ng mga karakter.
Mga Tauhan sa Pelikula:
Jiro Mao- Siya si Magnifico ang pangunahing tauhan sa pelikula. Isang bata na magalang, masunurin at
mapagmahal ngunit mahina sa pag-aaral.
Danilo Barrios- Kapatid na panganay ni Magnifico. Isang matalinong anak ngunit nasira ang pag-aaral dahil sa
barkada.
Albert Martinez- Ang ama sa pelikula. Isang contractual.
Lorna Tolentino- Ang ina sa pelikula.
Gloria Romero- Ang lola nina Magnifico.
Cherry Pie Pecache- Ang kaibigan ng pamilya nina Albert at Lorna.
Mark Gil- Bus driver na lihim na minamahal ni Cherry Pie.
Ton-Ton Gutierez- Ang may-ari ng paggawaan ng muebles na pinagtatrabahuhan ni Albert at ama ng kalaguyo ni
Danilo.
1. Silang lahat ay makatotohanan sa pagganap ng kanilang rule sa pelikula. Nakikita ko mula sa pelikula na may
katulad ako nang ugali sa ilang tauhan na gumanap.
2. Madaling masakyan ang bawat eksena dahil litaw na litaw ang tunay na ugali ng pinoy sa isang partikular na
sitwasyon.
3. Ang sitwasyon ng pamilya nina Magnifico ay isang maralita ngunit nagsusumikap na makaahon sa kahirapan.
Ang bawat Pilipino na nakapanood nito ay madaling maaantig ang damdamin sa nais ipahatid ng bawat eksena.
4. Ipinapakita ng bawat tauhan sa pelikula ang ibat ibang larawan nang buhay ng mga Pilipino at ang ibat ibang
mukha ng tao sa lipunan.
Evaluating the Conflict

1. Ipinapakita ng pelikulang ito kung papaano natutukso na gumawa ng mali sa gitna ng kahirapan sa buhay. Ganon
din naman ay ang epekto ng masyadong pagpapahalaga sa barkada. Ngunit higit sa lahat, kung papaanong ang
isang minting bata ay magpakita ng pag-asa sa buhay bagamat siya ay isang mahina at musmos lamang.
2. Sa gitna ng problema at pagsubok sa buhay, napakahalaga nang suporta at tulong ng sariling pamilya. Ganon din
naman ay ang pagpapanatiling buo ang loob sa pagharap sa mga balakid sa pagtupad ng mga pangarap.

Evaluating the Development of the Story


1. Makatotohanan ang pelikulang ito magbuhat pa sa pasimula hanggang sa katapusan. Minsan ang tao upang
matauhan sa kanyang pagkukulang at pagwawalang bahala sa maliliit ay kailangan pang makaranas ng sakit o
pagkawala ng isang taong bahagi ng kanyang buhay.
2. Wala naman masyadong karahasan na nangyari sa pelikula maliban sa pagkamatay ni Magnifico dahil sa
aksidente.
3. Tumatagos sa puso at damdamin ang baway eksena. Walang halong pagkukunwari na ipinapakita.
Specific Criteria for Areas of Special Concern
A. Relationships
1. Sa kabila ng pagkakaiba-iba ng ugali at maging sa estado ng buhay ang Pilipino ay may angking kakayahan na
makisalamuha sa kahit anong uri ng tao.
2. Nakikipag-ugnayan ang baway tauhan mula sa simula at hanggang sa wakas sa pamamagitan ng pagpapakita
nila ng tunay nilang pagkatao na walang halong pagkukunwari.
B. Sexuality
Ang pelikulang ito ay hindi hayagang nagpapakita o nangbibigay ng pagtinging sekswal maliban lamang sa
relasyon ng isang babae at isang lalaki.
C. Women
Si Lorna Tolentino bilang ina;
Ipinapakita dito ang kanyang pagiging ulirang ina sa kanyang mga anak at ulirang asawa kay Albert Martinez.
Ngunit bilang bahagi ng buhay ng isang Pilipina ay ang pagkahilig ng mga ito sa tsismis at ganoon siya ngunit hindi
naman tipikal.
D. Family
1. Sinasabi ang damdamin ng bawat isa sa pamamagitan ng pagpapahayag nito at kung minsan naman at sa
pamamagitan ng kilos. Makikita pa rin ang takot sa magulang ng isang anak na ipahayag ang kanyang
nararamdaman at maging ang kanyang mga karanasan.
2. Sa hirap ng buhay mababakas ang tunay na pagsasakripisyo ng isang magulang para sa kanyang mga anak at
ganito ang sitwasyon sa pelikula.
3. Sa kabila ng kahirapn nakukuha pa rin ng mga magulang na ibigay sa mga anak ang kailangan ng mga ito.
E. Religion
Ipinapakita sa pelikula ang paniniwala ng isang tao sa Diyos. Sa kabila ng mga balakid sa buhay ay nandiyan pa rin
ang kanilang pananalig sa Lumikha. Ngunit sa pelikula ipinakita ang pananampalatayang ito sa isang sitwasyon
doon na kung saan ay nananalangin ang mga tao para sa kaluluwa ng namatay.
F. Work
Mahalaga ang paggawa, ang pagtatrabaho upang kumita ng pera dahil ito ay ang pangunahing pinagkukunan nang
ikinabubuhay ng bawat tao. Sa mga Pilipino, isang nakatutuwang makita sa ugali nila na kahit pagod na ay
nakangiti pa rin.
G. Possessions
1. Oo mahalaga ang salapi lalot higit sa mga mahihirap na nagnanais na makatikim ng kahit na munting kaalwanan
sa buhay.
2. Hindi
3. Hindi lamang pera ang makapagpapaligaya sa tao kundi pati ang kanyang kapwa tao lalot higit ay mga taong
malapit sa kanyang puso.

4. May mga mayayaman sa gumagalang sa mga mahihirap dahil nakikita nila na kahit dukha ay kapwa din nila.
H. Authority
1. Makatao pa rin ang pagtrato ng isang nagmamay-ari ng pagawaan sa kanyang kapwa o sa kanyang tauhan at ito
ay ipinapakita sa pelikula.
2. Mahalaga ang may namumuno sa isang grupo.
I. Violence
Oo, minsan ay kailangan din ang karahasan upang ang tao ay mamulat sa kanyang pagkakamali. Maraming
pagkakataon na kailangang may mangyaring sakuna upang makita ng tao ang kahalagahan ng ibang nilikha na
hindi niya lubos binibigyan ng tamang pagtingin at pagpapahalaga.

Ang Scriptwriter
Ang Magnifico ay isang sentimental family-oriented melodrama mula sa Pilipinas, na
isinulat ni Michiko Yamamoto S. bilang unang gantimpala sa isang scriptwriting contest.
Ang Direktor
Sa direksyon ni Maryo J. de los Reyes isang batikang director at isa rin sa mga award
winnings at nominado sa ibat ibang parangal. Maayos at maganda ang pagkakadirek
niya sa pelikulang ito. Napakaepektib ng ginawa niya at nagging makatotohanan at
sobrang nakakaiyak ang istoryang ito. Kaya masasabi kong isa ito sa pinakamagandang
drama na aking napanood. Dahil sa ganda at maayos na kinalabasan ng pelikula ito
masasabi kong 5/5 ang direksyon nito.
II. Buod
Si Magnifico ay lumaki sa mahirap na pamilya. Kahit bata pa lang siya ay tinutulungan
niya ang mga may nangangailangan. Tumutulong siya sa kanyang pamilya tulad ng
pag-aalaga sa kanyang lola at kapatid na may sakit. Dahil sa kahirapan ng kanilang
pamilya, naging malaking problema sa kanila ang pagkakaroon ng sakit ng kanyang
lola. May taning na rin ang buhay ng kanyang lola, kaya sa pagnanais niyang
makatulong sa kanyang pamilya gumawa siya ng paraan upang paghandaan ang burol
ng kanyang lola. Siya ang gumawa ng kabaong at siya ang naghanda ng kasuotan
kapag namatay na ang kanyang lola na may taning na ang buhay. Sinikap niyang
tugunan ang pangangailangan ng kanyang pamilya tulad ng kanyang kapatid na babae
na pinapasan niya sa likod at ang nakatatandang kapatid na natanggalan ng
iskolarship. Marami ang natulungan ni Magnifico tulad nila Ka Doring na galit na galit sa
mundo at sina Cristy at Fracing na may tampuhan ngunit sa huli ay nagbati rin.
Punumpuno ng kabutihan si Magnifico. Ngunit sa kasawiang-palad ay nahagip siya ng
isang sasakyan dahil sa pagliligtas niya kay Domeng. Ito ang naging dahilan ng
kanyang maagang kamatayan. Maraming tao ang nakiramay sa pagkamatay ni
Magnifico. Ang paghahandang burol para sa kanyang lola ay gimanit para sa kanyang
pagpanaw. Ang kabutihan ni Magnifico ay mananatili sa puso at isip ng mga taong
kanyang natulungan at nakasama.
III. Paksa

Ang pelikulang Magnifico ay tungkol sa buhay ng isang batang musmos na namulat


ang isipan dahil sa kahirapan. Inilarawan dito ang mga pagsisikap at tagumapay,
kabutihang loob, bawat pagmulat ng kanyang mata sa mga bawat bagong umagang
darating sa kanya at lalong-lalo na ang mga pagbabagong naganap noong kamatayan
niya.
IV. Mga Artista
Magnifico (Jiro Manio) ay isang bata mula sa mahihirap na bayan ng Lumban, Laguna,
na sumusubok na tumulong sa kanyang mga magulang (Albert Martinez at Lorna
Tolentino) sa pamamagitan ng pagtataas ng pera upang ibaon ang kanyang lola (Gloria
Romero), na ang naghihingalo ng kanser. Samantala, ang kanyang kapatid na mas
matanda (Danilo Barrios) ay nawalan ng kanyang scholarship, at ang kanyang kapatid
na babae Ellen (Isabel De Leon) ay naghihirap mula sa pagkakaparalisa.
V. Iskrip
Sa pag-andar ng kwento ipinakikilala ang bawat tauhan ayon sa mga sitwasyong
nagaganap. Ang paglalahad ng kwento ay makikita sa pamamaraan ng pagsasalita ng
bawat taong nariyon sa isang eksena.
Nagiging dalisay ang takbo ng usapan. At angkop ang bawat damdamin sa mga
pangyayaring nagaganap. Mas naiintindihan ang mga ito ayon sa pagkakasunod-sunod
ng magandang paglalahad ng kwento at pagganap ng mga artista dito.
Sa mga halos eksena, ipinapakita ang bawat opinyon ng tao ukol kay Magnifico. Ang
pagiging relasyon nito sa bida at ang mga bagay na magpapakita kung sino at ano ba
talaga ang bida.
VI. Suliranin/Mensahe
Ang pelikulang itoy pumapaloob tungkol sa pagkamulat ng isipan ng isang musmos na
bata. Ipinapakita dito ang mga pagsubok na dinaraanan niya sa buhay ng kahirapan.
VII. Kasuotan at Kagamitan na Ginamit

Angkop at bumabagay sa kwento ang kasuotang ginamit. Simple pero tugma sa tema
ng pelikula. Angkop sa panahon ang bawat kasuotang ginagamit.
Sa paraang maayos at naktitipid, tama lang ang mga gamit na ginamit. Sadyang
kapansin-pansin dahil sa pagkakalarawan ng kwento.
XI. Anyo ng Teatro
Simple at angkop na angkop sa pelikula na siyan nagpaganda ng kinalabasan ng
dramang ito dahil halos lahat ay bumagay sa tema. Napagukulan din ito ng pansin kaya
gumanda ang pelikulang ito dahil din sa set o sa lugar na ginawa ang pelikulang ito.

Tunay na kahanga-hanga ang pelikulang ito. Naging isa sa mga magandang pelikulang
nabigayan rin ng pansin hanggang sa ibang bansa.
XII. Ilaw
Ang ilaw ay may pagkamadilim. Sumisimbolo rin ito sa kahirapang angkop at nararapat
sa kwento.
XIII. Sinematograpiya
Ang anggulo nito ay nasa ayos at maganda ang mga kuha upang maging
makatotohanan.
Ang kalinawan nito sa bawat senaryo ay napakasimple at napakadramatic. Kitang-kita
ang lahat ng pagkilos at ang mga bagay na maaring magpagalaw ng pelikula sa
paraang makatotohanan at may sistema.
XIV. Tunog

Maganda ang nilapat na tunog kapag ang bida ay umiiyak naging angkop ang tunog
nito at naging nakakaiyak.
VIII. Musika
Maganda at mahusay ang musika nito. Bumagay ito sa genre ng pelikula. Si Lutgardo
Labad ang naglagay ng mga sound effect na pakasimple at dramatic ang mga nilagay
niyang tunog.

VI. Panahon
Angkop ito sa bawat panahon. Maayos na nailahad ng editor ang nilalaman ng istoryang
ito at napakadramatic ng pelikulang ito. Kung susuriin ang iba pang pelikula, ito na ata
ang pinaka malungkot na pelikulang Pilipinong maaaring magpaantig ng puso ninoman.

You might also like