You are on page 1of 6

ABELLADA, CARLA A.

GAWAIN: PAGSUSURI NG ISANG PELIKULA

I.

PAMAGAT NG PELIKULA

DIE BEAUTIFUL
Ang pamagat ng pelikula sapagkat ito ay hango sa kwento ng buhay
ng isang transgender woman na si Trisha Echevarria na ang pangarap ay
koronahan bilang Beauty Queen at ang kanyang huling kahilingan ay
magiging kamukha ng iba't-ibang artista sa kanyang lamay bawat gabi.

II. PAGKILALA SA MAY AKDA


JUN ROBLES LANA
Jun Robles Lana ay ipinanganak bilang Rodolfo R. Lana Rr. Isinilang
noong October 10,1972 siya ay kilala sa buong mundo na Pilipinong
gumagawa ng pelikula. Mula pagkabata ay interesado na siya sa pagsulat
at ang pangalang Jun Lana ang ginamit nya bilang ngalan sa larangan ng
pagsulat. Sa edad na 19 nagsimula siya magsulat at mag sumite ng mga
tula sa wikang Filipino sa mga kompitisyon. Sa edad 19 ay nakatanggap
siya ng isang "Honorable Mentions" sa 1991 Palanca Award sa
kategoryang dulang may Isang Yugto ( One act play in filipino) para sa
kanya ng dulang Eksodo.
Si Jun Robles Lana ay nagwagi ng dalawang Palanca Awards sa
Panitikan at kinilala bilang pinakabatang miyembro ng Palanca Hall of
Fame. Noong
2005

pinangunahan niya ang Multi-iginawad ng pelikulang "Shadow Behind The


Moon" at nagwagi bilang pinakamahusay na direktor . At sa 20th tokyo
International Film Festival Audience Choice Award ang kanyang 2016 film
na Die Beautiful.
I. MGA TAUHAN

Patrick/ Trisha Echevarria - Ang pangunahing tauhan sa pelikula. Isang bakla


at naging transgender na mahilig lumahok sa mga pageant at pangarap na
koronahan bilang Beauty Queen. Siya ay pinalayas at itinakwil ng kanyang
ama matapos malaman na ito'y bakla .at lumalahok sa mga pageant
Barbs - Ang matalik na kaibigan ni Trisha. Mula pagkabata siya ang taong
laging maasahan at masasandalan ni Trisha at hanggang sa huling Pageant
ay kasama siya ni Trisha. Ang taong tumupad ng huling kahilingan ni
Trisha.
Beth - Ang nag iisang kapatid ni Trisha na nakakaalam ng kanyang mga
ginagawa.
Papa ni Trisha - Tatay ni Trisha Echevarria na tutol sa kanyang pagiging
bakla at ang nagpalayas at nagtakwil kay Trisha buhat ng malaman nitong
sumasali ito sa mga Pageant.
Shirley Mae - Ang batang namatayan ng ina na inampon at inaruga ni
Trisha na parang tunay na anak.
Migs - Ang basketbolistang crush ni Trisha noong high school at ang
gumawa ng kalapastanganan sa kanya.
Jessie - Naging kasintahan ni Trisha ngunit may asawa na. Isa sa mga
gumawa ng kalapastanganan sa katawan ni trisha noong siya'y nasa
Highschool.
Flora - Baklang may ari ng punerarya na pinagburulan ng labi ni Trisha.
SIMULA

Payapang nakahimlay ang labi ni Trisha Echeverria sa kanyang puting


higaan suot ang isang magarang damit, katabi nito'y ang kanyang matalik
na kaibigan na si Barbs na pilit nilalabanan ang pagkawala ng mga luhang
pilit niyang pinipigilang wag pumatak, habang siya'y nasa tabi ng kanyang
matalik na kaibigan ay inaayusan niya ito gamit ang nag gagandahan
kolorete. Sa bawat pagdampi ng malambot na palamuti sa mukha ay inalala
ni Barbs ang mga araw na kasama niya ang kanyang matalik na kaibigan.
Patrick ay isang transgender siya ay mas nakilala sa katawagang Trisha
Echeverria. Simula High School ay sumasali na siya sa iba't-ibang Beauty
Contest. Pangarap ni Trisha na koronahan at makuha ang titulong Beauty
Queen subalit tinutulan ito ng kanyang ama na naging dahilan sa
pagpapalayas nito kay Trisha. Mabigat man sa kaloob ay nilisan ni Trisha
ang kanilang tahanan upang patunayan na may karapatan siya bilang isang
bakla at gagawin niyan ang lahat upang maabot ang rurok ng kanyang
pangarap. Si Tricia ay tumuloy sa kanyang kaibigan na si Barbs kasama
ang ina nito.
GITNA
Lumipas ang panahon at nakapundar ng bahay si Trisha kasama ang
kanyang anak-anakan na si Sherly Mae. Ngunit bago maabot ni Trisha ang
rurok ng kanyang tagumpay ay marami itong nakilalang tao na sumubok sa
kanya tulad na lamang ni Migs. Si Migs ang unang natipuhan ni Trisha
noong nasa high school pa lamang ito. Isa itong basketball player sa
kanilang paaralan. Isang araw ay niyaya siya nito kasama ang barkada na
sumama sa kanila ngunit naging dahilan ito ng pagkakatrauma niya dahil sa
kalapastanganan ginawa sa kanya. Ang pangalawang nag paibig sa kanya
ay si Mico isang Macho Dancer sa Bar ngunit matapos ipagawa ni Trisha
ang ilong nito ay niloko at iniwan siya nito. Ang huling kanyang minahal ay
si Jessie isang pamilyadong tao. Buong akala ni Trisha ay mahal siya nito
ngunit lingid sa kanyang kaalaman ay sangkot ito sa mga lumapastangan sa
kanya. Konsensya at hindi pagmamahal ang nag udyok kay Jessie upang
paibigin si Trisha.
WAKAS
Sa huling kabanata ng buhay ni Trisha ay naabot niya ang rurok ng
kanyang tagumpay. Sumali siya sa isang kilalang Beauty Pageant ngunit
bago ito sumalang sa entablado ay humiling siya sa kanyang matalik na
kaibigan na kung mamamatay siya ay sa pitong araw ng burol ay aayusan
at bibihisan siya ng iba't ibang mukha ng mga artista. Matapos ay tinawag
na si Trisha sa entablado upang sagutin ang tanong. Laking pagkagulat
niya ng ang tanong na nakuha niya ay ang tanong na buong buhay ay
kanyang menemorya ang sagot at sa wakas ay nasungkit ni Trisha ang
matagal niyang inaasam at pinapangarap ngunit ilang sandali pa lamang
ang lumipas ay binawian siya ng buhay dahil sa Aneurysm at ang huling
kahilingan niya ay tinupad ng kanyang matalik na kaibigan. Bawat gabi ng
kanyang lamay ay ibat ibang mukha ng artista ang inaayus sa kanya ni
Barbs gamit ang mga kolorete. Malungkot may pilit na nilalabanan ni Barbs
ang pagpatak ng kanyang mga luha upang tuparin ang huling kahiligan ng
kanyang matalik na kaibigan.

V. PAGSUSURI

a.) Panahong Kinabibilangan

Ang pelikula ay na bibilang sa panahong Milenyo na kung saan


kakikitaan ito ng mga pangyayaring nagaganap sa kasalukuyang panahon
tulad na lamang ng pagpapalit ng kasarian na kung tawagin sa wikang
Ingles ay Transgender. Ipinapakita sa pelikula ang mga kaganapan ating
nasasaksihan sa kasalukuyan lipunan at kung paano iangat ng mga LGTB
ang kanilang bandera.

b.) Sariling Puna


Ang Die Beautifual ay isanag pelikula na napapanahon kakikitaan ito ng
mga eksenang ating nasasaksihan sa kasalukuyang panahon. Bawat
esksena ay kakitaan ng ibat-ibang pangyayari na nagbibigay aral sa lahat
ng manonood nito. Ngunit ang pelikula ay kakikitaan ng maraming
flashback na maaring magbigay ng kalituhan kaya’t mainam na
masubaybayan mo ito upang maiwasan ang kalituhan.

c.) Aral na Nakapaloob sa Pelikula

Mahalin at tanggapin mo ang iyong sarili at ang mga taong nasa paligid
mo na handang tumulong sa oras ng iyong pangangaiilangan at handing
tanggapin ang kasariang pinili mo.
Hindi sukatan ang kasarian sa pagiging mabuting tao.

d.) Mungkahi

Ang pelikula ay mas lalong gaganda kung ito ay lalapatan ng


madamdaming mga musika sa bawat eksenang malungkot upang mas
madama ng mga manonood ang damdaming nais ipahiwatig ng tauhan.

You might also like