You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Rehiyon V
Sangay ng Camarines Sur
Komisyon Sa Mas Mataas Na Edukasyon
ALFELOR SR. MEMORIAL COLLEGE
Poblacion Zone II, Del Gallego, Camarines Sur.

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 7


-
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa
sa mga kaisipang Asyano, pilosopiya at relihiyon na nagbibigay-daan sa paghubog ng
sinaunang kabihasnan sa asta at sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano.
B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Ang mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa mga
kaisipang Asyano, pilosopiya at relihiyon na nagbibigay daan sa paghulog ng sinaunang
kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng pagkakakilanlanbg Asyano.
C. PAMANTAYAN SA PAGKATUTO: Nabibigyan kahulugan ang mga konsepto ng
tradisyon, pilosopiya at relihiyon (AP7KSA-IIe-1.6).

I. LAYUNIN:
• Naipaliliwanag ang mga sistemang panrelihiyon ng Hinduismo, Buddismo at
Islam.
• Napahahalagahan ang mga relihiyon na nagbibigay-daan sa paghubog ng
sinaunang kabihasnang Asyano at sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano.
• Nakabubuo ng mga hinula, paglalahat at buod na magpapahiwatig ng maayos
na pag-unawa sa aralin.
II. PAKSANG ARALIN
A. Paksa: Mga Relihiyon at Paniniwalang Asyano.
B. Sanggunian: Sangguinian: Samson, Maria Camelita B., SIGLO, Pahina Blg 153-
159.
C. Kagamitan: Marker, piktyur, flashcard,kartolina, chalk, laptop.
D. Pagsasanib Saloobin:Pagkakaisa.

III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtsek ng Atendans
4. Pagtatama ng takdang Aralin
5. Pagbabalik Aral
6. Pagganyak
“Ngayon ay may inihanda akong isang gawain na may kinalaman sa ating
talakayan ngayon araw”.
Panuto: Gamit ang mga letrang nakakalat sa ilang parte ng silid aralin ay
bubuohin ninyo ang salitang may kinalaman sa ating talakayan.
Salitang bubuohin: RELIHIYON
7. Layunin
8. Paglalahad ng Aktibiti
Panuto: Ang bawat pangkat ay kukuha ng mga simbolo na may
kinalaman sa talakayan. Bibigyan ang bawat pangkat ng ilang segundo
upang pag-isipan ito. Ididikit ang bawat simbolo sa mga salitang
kanilang napili sa unahan.

Mga simbolo;

Pagpipiliang Salita: Biddismo Islam Hinduismo

9. Pagtatalakay
a. Relihiyon
b. Hinduismo
c. Buddismo
d. Islam

10. Paglalahat
“Sa iyong sariling opinyon bakit mahalagang pag aralan ang ating mga
relihiyon?”

“Paano nakatutulong ang iyong relihiyon na iyong kinabibilanagn sa


pang araw-araw mong buhay?”.

11. Paglalapat
Pangkatang Gawain; “Kulang ako, pag wala ka”.
Panuto: Punan ng tamang sagot ang hinihingi ng bawat kahon.

Saang bansa Banal na


Relihiyon Simbolo Nagtatag Nagmula Aklat

Hinduismo

Siddhartha
Gautama Tripitaka

Islam Muhhamad Medina

IV. Pagtataya
A. Panuto: Tukuyin kung anong Relihiyon ang mga simbolo.

1. 2. 3. 4. 5.
Buddismo Ganges River
Allah Hinduismo

B. Panuto: Kilalanim mo ang tinutukoy ng mga pangugusap.

1. Ang ang pinakamatandang relihiyon sa daigdig.


2. Ang relihiyong ay itinatag ni Siddhartha Gautama sa India.
3. Si ang kinikilalang Diyos at tagapaglikha ng mga Muslim.
4. Pinakabanal na ilog sa India,
5. Isulat ang iyong Kinabibilangan Relihiyon.

V. Takdang Aralin
A. Panuto: Isulat ang iyong natutuhang aral tungkol sa katawagang nakapaloob
sa kahon.

Gulong ng Batas Allah


Brahman

Sangguinian: Samson, Maria Camelita B., SIGLO, Pahina Blg 153-159.

B. Iguhit at ibigay ang bawat simbolo ng sumusunod na Relihiyon.


1. Kristiyanismo
2. Judaism
3. Sikhms

Sangguinian: Samson, Maria Camelita B., SIGLO, Pahina Blg 153-159.

Inihanda ni:
Bb. CARLA A. ABELLADA
Student Teacher
Ipinasa kay:
G. JESSIE CELZO
Guro sa Filipino 7

You might also like