You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XII
Division of South Cotabato
LAMBINGI INTEGRATED SCHOOL

BANGHAY-ARALIN SA
ARALING PANLIPUNAN 7
“ASYA”

Pamantayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang komposisyon ng populasyon at kahalagahan ng


yamang-tao sa Asya sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan sa kasalukuyang panahon
(AP7HAS-Ig-1.7)

I. Layunin:
Pagkatapos ng aralin inaasahang malilinang ang mga sumusunod na kasanayan:

1. Mabibigyang kahulugan ang mga salitang karaniwang ginagamit sa pagsusuri


ng populasyon.

2. Matutukoy ang populasyon ng mga bansa sa Asya.

3. Mapapahalagahan ang yamang tao at masusuri ang komposisyon ng


populasyon ng mga bansa sa Asya sa kasalukuyang panahon.

II. Nilalaman:
A. Paksa: Yamang Tao sa Asya
B. Sanggunian: Araling Panlipunan 7-
Siglo Araling Asyano-Batayan at Sanayang Aklat
 Pahina mula 44-59
Global Times Living History Araling Asyano Second Edition
 Pahina mula 48-64
Curriculum Guide Code: (AP7HAS-Ig-1.7)
 Pahina 47 ng 723
C. Mga kagamitan:
 Laptop, Projector, Print out papers at iba pang pantulong biswal

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtala ng Liban
4. Balik Aral
5. Pagganyak: “Past-talk”
>Magtatanong Ang guro sa klase sa Paraan ng Past-talk o pagtatanong ng
mabilisan at sasagot ang mag-aaral ng mabilisan depende sa katanungan.
Subject Integration (ICT, Values, Math, MAPEH-Health)
Magpapakita ang guro ng tanong gamit ang Projector-(ICT)
Mga Katanungan
 Ang populasyon ay tumutukoy sa bilang o dami ng tao sa isang lugar
(yes or no) Math
 Anu ang masasabi mo sa Populasyon ng Asya? (Lumalaki or Lumiliit)-
Math
 Maliit O malaking Pamilya? (Pumili na isa) Values
 Yamang Tao or Yamang Lupa?
 Mayaman ka na may sakit or Mahirap na healthy? (MAPEH-Health)
 Pera o Diploma?

B. Panlinang na Gawain

1. Gawain (activity): Activity # 2 -Balita-Suri!


Magpapakita ang guro ng isang video o balita tungkol sa populasyon sa
Pilipinas, makinig at suriin ng mag aaral ang laman ng balita. Pagkatapos ng
video magtatanong ang guro sa klase, kung sino ang makakasagot mabibigyan
ng pagkakataon na makakuha ng premyo.

2. Pagsusuri (analysis)
Video Presentation

3. Paghahalaw (abstraction)
-Isa-isahin ang mga terminong ginagamit sa pagtukoy sa populasyon sa isang
lugar o bansa.

Activity # 3 (Kaalaman ko, Ibalita Ko!)


Hatiin ang mga mag-aaral sa apat na grupo. Mabibigyan ang bawat grupo ng Task
Card na basahin at Ibalita o Iulat sa Klase. Magbibigay ang guro ng Rubrik sa
pag-uulat.

4. Paglalapat (application)
Bakit mahalagang Pag-aralan ang bilang o dami ng tao sa isang lugar o bansa.
Paanu nakakapekto sa ekonomiya o pamumuhay ang populasyon?

IV. Pagtataya: Isulat ang Titik ng tamang sagot

1. Alin sa mga sumusunod na terminolohiya ang tumutukoy sa dami ng tao na


naninirahan sa isang lugar o bansa? a. migrasyon
b. populasyon
c. literacy rate
d. population growth rate
2. Alin sa mga sumusunod ang ginagamit sa pagtukoy ng karaniwang bilang ng taon ng
tagal ng buhay ng isang mamamayan sa isang bansa? a. literacy rate
b. life expectancy
c. unemployment rate
d. population growth rate
3. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa tinatayang pagtaas ng populasyon bawat
taon? a. migrasyon
b. populasyon
c. literacy rate
d. population growth rate
4. Alin sa mga sumusunod ang ginagamit sa pagtukoy sa bahagdan ng populasyong 15
taong gulang pataas ng isang bansa na may kakayahang bumasa at sumulat?
a. literacy rate
b. life expectancy
c. unemployment rate
d. population growth rate
5. Maraming Pilipino ang nandarayuhan sa ibang bansa upang doon magtrabaho. Ano
kaya ang epekto nito sa pag-unlad ng Pilipinas?
a. Dadayuhin ang bansa dahil luluwag na ang mga pook pasyalan dito.
b. Babagal ang pag-unlad ng Pilipinas dahil kulang na ang lakas-pagawa nito.
c. Uunlad ang Pilipinas ng mas mabilis dahil liliit ang bilang ng mga taong walang
trabaho.
d. Gaganda ang bansa dahil marami ang magpapagawa ng maganda at modernong bahay
dahil sa perang ipapadala ng mga kamag-anak na OFW.

V. Kasunduan
Basahin ang ilang mahahalagang kaalaman tungkol sa dami ng Populasyon sa
bawat bansa sa Asya.

Pagninilay:
1. Bilang ng Mag-aaral__________________
2. Porsyento ng Natuto__________________
3. Malapit ng Matuto____________________
4. Kailangang magbalik-Aral______________

Inihanda ni: Iniwasto/Nagobserba:

DAN MARK P. PIANG CHRISTOPHER J. PELAYO


Teacher II Head Teacher II

You might also like