You are on page 1of 5

San Isidro National High School Grade 7

Mrs. Rhea Rapsing Quarino KASAYSAYAN NG ASYA


Petsa/Oras : June 10 , 2019 Lunes

G8 - INRAWAN 2:50 - 3:50


G8 - BIRI 3:50 - 4:50
G8 - SAN LUIS 4:50 - 5:50
G8 - San ROQUE 5:50 - 650

I. LAYUNIN:
Naipaliliwanag ang konsepto ng Asya tungo sa paghahating –heograpiko: Silangang
Asya, Timog-Silangang Asya, Timog -Asya, Kanlurang Asya, at Hilagang Asya

1.1 Nasusukat ang paunang kaalaman sa mga paksa sa Unang Yunit ng


Araling Panlipunan 7 – Araling Asyano
1.2 Natutukoy ang mga espesyal na guhit sa mapa.
1.3 Nailalarawan ang Asya batay sa lokasyon, sukat, kinaroonan, hugis at
anyo.

II. NILALAMAN:
A. Paksa : Yunit I Heograpiya ng Asya
Aralin 1- Katangiang Pisikal ng Asya
B. Sanggunian : Mateo, G. E., et. al., Asya Pag – usbong ng
Kabihasnan pp. 4 - 5
C. Kagamitan : Mapa ng Asya, mga larawan

III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain:
1. Panimulang Pagsusulit
Panuto:
a. Ang mga mag – aaral ay magkakaroon ng diagnostic test.
b. Isusulat ang sagot sa ½ bahagi ng papel.
c. Gagawin ito sa loob ng 20 minuto.
d. Ang mga tanong sa diagnosttic test ay nasa pahina ____ ng module na
ito.
e. Pagkatapos ng 20 minuto ay iwawasto ang pagsusulit
f. Ang susi sa pagwawasto ay ang mga sumusunod:
1. D 6. C 11. A 16. D
2. B 7. B 12. C 17. C
3. D 8. D 13. A 18. D
4. B 9. A 14. C 19. D
5. A 10. D 15. D 20. D
g. Kukunin ng guro ang index of mastery.

2. Pagganyak –MAPAnuri at MAPAgmatyag


a. Maglalagay ng outline / grid ng mapa ng mundo ang guro sa pisara.
b. Bigyan sila ng isang (1) minuto upang magsuri.
c. Itanong: “Ano ang inyong napapansin sa mapa?”
d. Tumawag ng mga mag – aaral para ibigay ang kanilang kasagutan.
e. Itala sa pisara ang mga kasagutan.
Pinagkunan: https://www.pinterest.com/pin/128493395597602740/

B. Paglinang ng Aralin:Inquiry - Based Approach/Cyclic Inquiry Model and


Practical Inquiry Model
1. Kahulugan ay Alamin, Teksto ay Suriin
a. Susuriin ng mga mag – aaral ang tesktong: Lokasyon ng Asya sa
pahina 4 at 5 ng Sangguniang Aklat.
b. Ipahanap ang kahulugan at kasagutan ng mga sumusunod sa gagawing
pagsusuri. Ipasulat ang kanilang sagot sa isang buong papel.
1. longitude
2. Prime Meridian
3. latitude
4. equator
5. Tropic of Cancer
6. Tropic of Capricorn
7. tiyak na lokasyon ng Asya
8. lawak ng Asya
9. hangganan ng Asya

c. Gumamit ng mga pantulog na larawan sa gagawing talakayan.


Mga Larawan.
Pinagkunan: http://mrkash.com/activities/latitudelongitude.html

Pinagkunan:http://tinyurl.com/mfj2o6n

2. MgaGabay na Tanong
a. Anu – ano ang mga guhit sa globo sa pagtukoy ng lokasyon?
Ibigay angkahulugan ng mga ito.
b. Ano ang lokasyong absolute ng Asya?
c. Ano ang kabuuang lawak ng Asya sa longitude at latitude?

C. Paglalahat :
(Maaaring gumawa ng sariling tanong ang guro batay sa ginawang talakayan.
Ang nasa ibaba ay ang mga inaasahang sagot)
a. Ang mga espesyal na guhit sa globo at mapa ay tumutulong sa pagtukoy
ng lokasyon ng isang lugar.
b. Ang tiyak na lokasyon ng Asya ay nasa humigit – kumulang 10° South
hanggang 90° North latitude at mula naman 11° hanggang 175° East
longitude°.
c. Ang lawak ng Asya ay umaabot ng hanggang sa 164° longitude at
hanggang 85° latitude.
d. Ang longitude, latitiude, Prime Meridian, equator, Tropic of Cancer at
Tropic of Capricorn ay ilan laman sa mga espesyal na guhit sa globo at
mapa

D. Paglalapat:
a. Bilang mag – aaral, bakit dapat magkaroon ka ng kaalaman sa mga guhit sa
globo at mapa?
IV. PAGTATAYA :
Panuto: Tukuyin kung anong guhit ang inilalarawan ng pahayag. Piliin ang sagot
sa kahon. Isulat ang sagot sa papel.
Latitude longitude Prime Meridian equator

1. Ito ang distansiyang angular na natutukoy sa silangan at kanluran ng Prime


Meridian.
2. Ito ang itinalagang zero degree longitude.
3. Ito ang distansiyang angular na natutukoy sa hilaga at kanluran ng equator.
4. Ito ang itinalagang zero degree latitude.
5. Hinahati ng guhit na ito ang globo sa hilaga at timog hemisphere

Susi sa Pagawawasto
1. longitude
2. Prime Meridian
3. laltitude
4. equator
5. equator

Bahagdan ng Pagkatuto

Baitang at 5 4 3 2 1 0 Bilang ng Kabuuang Bilang %


Pangkat Pumasa ng Mag – aaral

V. KASUNDUAN:
1. Gamit ang mga espesyal na guhit sa globo at mapa, tukuyin ang ekstakong
lokasyon ng mga sumusunod. Isulat sa kuwaderno ang sagot.
a. Philippines f. Malaysia
b. Japan g. China
c. Mongolia f. Afghanistan
d. India g. Maldives
e. Saudi Arabia f. Turkey
2. Ilista ang mga rehiyon sa Asya at ibigay ang mga bansang nakapaloob dito.
Isulat sa kuwaderno.

Mga Sanggunian:
Blando, R. C., et. al, Asya:Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba LM, p. 16
Mateo, G. E., et. al., Asya Pag – usbong ng Kabihasnan pahina 7
Maaari ring magsaliksik sa ibang aklat o sanggunian at internet

RHEA R. QUARINO MARIVEL M. MURILLO NIXON C. MAXIMO


AP TEACHER TAGAPANGULO NG AP PRINCIPAL II

You might also like