You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

LAGUNA STATE POLYTECHNIC UNIVERSITY

Lopez Satellite Campus

Hondagua, Lopez, Quezon

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN V

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ng ika-limang baiting ay inaasahang:
a. Natutukoy ang kinalalagyan ng Pilipinas at ang mga imahinaryong guhit ng globo.
b. Napapahalagahan ang nilalaman tungkol sa kinalalagyan ng Pilipinas.
c. Nakalalahok sa indibiduwal at pangkatang gawain.

II. PAKSANG ARALIN

a. Paksa: Ang Kinalalagyan ng Aking Bansa


b. Sanggunian: Kagamitan ng Mag-aaral (pahina 8-14 & 402),
https://www.slideshare.net/joansherbie/araling-panlipunan-grade-5-1st-quarter-
week-1-day-1, https://youtu.be/PKQ71iGSAck,
c. Kagamitan: Laptop, mapa, globo, larawan ng compass, jigsaw puzzle

III. PAMAMARAAN

A. PANIMULANG GAWAIN

1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtsitsek ng mga dumalo sa klase
4. Balik aral

Magbabanggit ang guro ng mga nagsasaad na pakikilahok sa mga programa o


proyekto. Itataas ng mga mag- aaral ang kanilang kamay kung ito ay
pakikilahok at nakababa naman ang kamay kapag hindi.

1. Pag-aaral ng mabuti
2. Pagbili ng mga mamahaling gadget
3. Pagtatapon ng basura sa ga kanal
4. Paggawa ng poster laban sa pagputol ng mga punongkahoy
5. Pagkain ng watong pagkain
B. PANLINANG NA GAWAIN

1. Pagganyak

JIGSAW PUZZLE

Lilikha ng dalawang grupo ang guro mula sa klase, at ang bawat grupo ay
bibigyan ng jigsaw puzzle na kanilang bubuuin sa pamamagitan ng pagdidikit
ng mga ito. Bibigyan ng limang (5) minuto ang mga mag-aaral para buuin ito
at ididikit sa pisara.

- Sa puzzle na kanilang binuo, sasabihin ng mg mag-aaral kung ano ang


kanilang nabuo at iuulat ito sa klase

UNANG GRUPO IKALAWANG


GRUPO

2. Gawain
Isasaayos ng mga mag-aaral ang mga pinaghalo-halong mga titik sa bawat
bilang upang mabuo ang natatagong salita. Isusulat ang sagot sa katapat
nitong kahon.

1.
a a
m p

A y
2.
s a

3. e r
d w k
o a
4.
t i
t u d
l a
5. P n a
i l s
p i i

3. Pagsusuri
1. Alin kaya sa mga nabanggit ang ginagamit ng tao upang matukoy ang
lokasyon?
2. Saang kontinente ng matatagpuan ang Pilipinas?
3. Bakit mahalagang malaman ng mag-aaral na tulad mo ang kinalalagyan ng
Pilipinas?
4. Naging madali ba para sa iyo na pag-ugnay- ugnayin ang mga salita sa
gawain? Ipaliwanag.

4. Talakayan

Ang Pilipinas ay bahagi ng pinakamalaking kontinente sa daigdig---- ang


Asya. Nahahati ang Asya sa limang rehiyon, ang Hilagang Asya, Silangang
Asya, Timog Silangang Asya, Kanlurang Asya, at ang kinabibilangan ng
Pilipinas, ang Timog-Silangang Asya.

Pagtukoy sa Kinalalagyan ng Pilipinas


1. Absolute na lokasyon- ay paraan ng pagtukoy sa kinalalagyan ng
Pilipinas sa pamamagitan ng latitud at longhitud

2. Relatibong Lokasyon- ay paraan ng pagtukoy sa kinalalagyan ng


Pilipinas batay sa mga anyong lupa at anyong tubig na nakapaligid sa
isang lugar.
Mahalaga ang paggamit ng mga pangunahin at pangalawang direksyon sa
pagtukoy ng lokasyon. Ang mga pangunahing direksyon ay binubuo ng
hilaga, timog, silangan, at kanluran, samantala ang mga pangalawang
direksyon naman ay ang hilagang-silangan, timog-kanluran, at timog-
silangan.

 Mga katabing bansa ng Pilipinas


Hilaga: Taiwan, China, at Japan
Silangan- Micronesia at Marianas
Timog: Brunei at Indonesia
Kanluran: Vietnam, Laos, Cambodia at Thailand
 Ang Pilipinas ay napapaligiran ng mga sumusunod.

Pangunahing Anyong Lupa Anyong Tubig


Direksiyon
Hilaga Taiwan Bashi Channel
Silangan Karagatang Pasipiko
Timog Indonesia Celebes Sea at Sulu
Sea
Kanluran Vietnam South China Sea

Ang globo ay modelo o representation ng daigdig na hugis bilog o


spherical na naglalarawan ng tamang anyo ng ating mundo. Gamit ito sa
pag-aaral ng heograpiya. Ang mapa naman ay ang patag na
representasyon ng isang lugar.
Ang Heograpiya ay ang pag-aaral ng pisikal na daigdig at atmospera nito
pati na ang mga tao rito at ang kanilang ugnayan sa paligid.

MGA ESPESYAL NA GUHIT NG GLOBO


1. Ekwador- ito ang pahalang na guhit na humahati sag lobo sa
pinakagitnang bahagi nito. Ito ay may sukat na 0° (zero degree) at
tinatayang nasa 40,075.16 km ang haba. Hinahati nito ang globo sa
dalawang magkasinlaking mga bahagi na kung tawagin ay hating globo o
hemisphere; ito ay ang northern hemisphere at southern hemisphere.
2. Latitud- Ito ang tawag sa mga guhit na pahalang na mapapansin sag lobo.
Tinatawag din ang mga ito na guhit parallel na may sukat na tinatawag na
degree ( °). Umiikot ang mga ito sa globo mula sa silangan patungong
kanluran mula sa 0° hanggang sa 90° pahilaga o patimog mula sa
ekwador.
3. Longhitud- ito ang tawag sa mga guhit na patayo sa globo na nagsisimula
mula sa polong hilaga (north pole) hanggang polong timog (south pole).
Ang sukat ng degree ng longhitud ay ang sukat ng layo ng lugar
pasilangan mula sa prime meridian.
4. Prime Meridian- ito ay isang patayong linyang humahati sa dalawang
bahagi; silangan at kanluran. Ito ang longhitud na may sukat na 0 ° kaya
kilalarin ito bilang zero meridian.
5. International Date Line- ito ang linyang matatagpuan sa eksaktong tapat
ng prime meridian sa kabilang bahagi ng mundo na nasa 180°. Dumadaan
ito sa Bering Strait at nagtatapo sa kontinente ng Artarktika.
6. Grid- ito ang nabubuo sa pamamagitan ng pagtatagpo ng mga longhitud at
latitud o mga guhit parallel at meridian. Higit na napapadali ang pagtukoy
sa tiyak na lokasyon ng isang lugar sa mapa o globo dahil sa tulong ng
grid.

5. Paglalahat
Tatanungin ng guro ang mga mag-aaral:

1. Ano ang sukat ng ekwador?


2. Saang bahagi ng Asya matatagpuan ang Pilipinas?
3. Ano-anong mga anyong tubig ang nakapalibot sa Pilipinas?
4. Ibigay ang tatlong bansang katabi ng Pilipinas sa Hilaga.
5. Ito ay ang pagtukoy ng kinalalgyan ng Pilipinas sa pamamagitan ng
latitude at longhitud.

6. Paglalapat
Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa tatlong grupo.

Unang Grupo: Pag-aaralan ang mapa at isusulat sa manila paper ang mga
nakikitang nakapaligid sa Pilipinas ayon sa mga pangunahing direksiyon at sa
mga pangalawang direksyon. Kopyahin sa manila paper ang dayagram.

MGA PANGUNAHING DIREKSIYON

MGA PANGALAWANG DIREKSIYON

Ikalawang Grupo: Sa tono ng “Pen Pen de Sarapan” palitan ang liriko na


mababanggit ang mga espesyal na guhit ng globo.
Ikatlong Grupo: Iguguhit ang mapa ng Pilipinas kasama ang mga bansang
nakapalibot dito.

IV. PAGTATAYA
Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.

1. Ito ay ang paraan ng pagtukoy sa kinalalagyan ng Pilipinas batay sa mga


anyong lupa at anyong tubig na nakapaligid sa isang lugar.
A. Relatibong lokasyon C. Grid
B. Absolute na lokasyon D. Prime Meridian
2. Ito ay ang pahalang na guhit na humahati sa globo sa pinakagitnang bahagi
nito.
A. Ekwador C. Longhitud
B. Prime Meridian D. Latitud

3. Ito ay isang patayong linyang humahati sa dalawang bahagi; silangan at


kanluran.
A. Relatibong lokasyon C. Latitud
B. Prime Meridian D. Longhitud

4. Ito ang nabubuo sa pamamagitan ng pagtatagpo ng mga longhitud at latitud o


mga guhit parallel at meridian.
A. Grid C. Latitud
B. International Date Line D. Longhitud

5. Ito ay ang pag-aaral ng pisikal na daigdig at atmospera nito pati na ang mga tao
rito at ang kanilang ugnayan sa paligid.
A. Heograpiya C. Lokasyon
B. Globo D. Direksyon

6. Ito ay modelo o representation ng daigdig na hugis bilog o spherical na


naglalarawan ng tamang anyo n gating mundo.
A. Heograpiya C. Lokasyon
B. Globo D. Direksiyon

7. Ito ay paraan ng pagtukoy sa kinalalagyan ng Pilipinas sa pamamagitan ng


latitud at longhitud.
A. Heograpiya C. Lokasyon
B. Absolute na lokasyon D. Direksiyon

8. Ano ang bansang katabi ng Pilipinas sa Silangan?


A. Micronesia at Maranias C. Cambodia at Thailand
B. Brunei at Indonesia D. Vietnam at Laos
9. Ano ang bansang katabi ng Pilipinas sa Timog?
A. Micronesia at Maranias C. Cambodia at Thailand
B. Brunei at Indonesia D. Vietnam at Laos

10. Anong anyong tubig sa kanluran ang pumapaligid sa Pilipinas?


A. South China Sea C. Karagatang Pasipiko
B. Celebes Sea D. Sulu Sea

V. TAKDANG ARALIN
Iguhit sa loob ng kahon ang globo at kulayan ito.

Isinulit ni:

Princess Jessica C. Espares

BEED 1B

Isinulit kay:

Bb. Ingrid Jell Erandio

Guro

You might also like