You are on page 1of 11

DAILY LESSON LOG FOR Paaralan: Abuyog elementary school Baitang at Antas V-

Guro: Christian bravo enso Asignatura: ARALING PANLIPUNAN


IN-PERSON CLASSES Petsa ng Pagtuturo: Week 1 Markahan: UNANG MARKAHAN

LUNES
I.LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa at kaalaman sa kasanayang pangheograpiya, ang mga teorya sa
Pangnilalaman pinagmulan ng lahing Pilipino upang mapahahalagahan ang konteksto ng lipunan/ pamayanan ng mga sinaunang
Pilipino at ang kanilang ambag sa pagbuo ng kasaysayan ng Pilipinas
B. Pamantayan sa Naipamamalas ang pagmamalaki sa nabuong kabihasnan ng mga sinaunang Pilipinogamit ang kaalaman sa
Pagganap kasanayang pangheograpikal at mahahalagang konteksto ng kasaysayan ng lipunan at bansa kabilang ang mga teorya
ng pinagmulan at pagkabuo ng kapuluan ng Pilipinas at ng lahing Pilipino
C. Mga Kasanayan sa Naipaliliwanag ang kaugnayan ng lokasyon sa paghubog ng kasaysayan (No Code)
Pagkatuto/Most
Essential Learning
Competencies (MELCs)
Isulat ang code ng bawat
kasanayan.
D. Paksang Layunin a. Nasusuri ang lokasyon ng Pilipinas gamit ang mapa: a.1 Nalalaman ang kinalalagyan ng Pilipinas sa mundo gamit
ang mapa batay sa "lokasyong absolute" (longhitud at latitud). a.2 Nalalaman ang relatibong lokasyon batay sa karatig
bansa na nakapaligid dito gamit ang pangunahin at pangalawang direksiyon.
b. Nasusuri ang kaugnayan ng pisikal na kaanyuan ng Pilipinas sa paghubog ng kasaysayan.
II.NILALAMAN Ang Kaugnayan ng
Lokasyon sa Paghubog ng
Kasaysayan
KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
I. Mga pahina sa Gabay ng
pp. 5-8
Guro
II. Mga pahina sa pp. 1-17
Kagamitang Pang-mag-
aaral
III. Mga pahina sa Teksbuk
IV. Karagdagang Bondoc, K. (2021). Ang
Kagamitan mula sa portal Kaugnayan ng Lokasyon
ng Learning sa Paghubog ng
Resource/SLMs/LASs Kasaysayan [Learning
Activity Sheets].
Department of Education.

Tupas, E. Unang
Markahan – Modyul 1:
Kaugnayan ng Lokasyon
sa Paghubog ng
Kasaysayan [Self-Learning
Modules]. Department of
Education. Retrieved
( June 13, 2023) from
https://r7-
2.lms.deped.gov.ph/moodl
e/mod/folder/view.php?
id=15340

B. Iba pang Kagamitang


Panturo
III. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral sa Panuto: Isulat ang T kung
nakaraang aralin at/o ang pahayag ay tama at
pagsisimula ng M naman kung mali. Isulat
bagong aralin. ang sagot sa sagutang
papel.
1. Ang Pilipinas ay
isang bansa.
2. Hindi malaya ang
Pilipinas kaya hindi ito
isang bansa.
3. Ang Asya ang
pinakamalaking kalupaan
o lupalop sa buong
daigdig.
4. Tao, teritoryo, at
pamahalaan lamang ang
kailangan para maging
isang ganap na bansa.
5. Ang Pilipinas ay
tinatawag na Perlas ng
Silangan.
B. Paghahabi sa layunin Magbigay ng dalawang (2)
ng aralin katotohanan tungkol sa
Pilipinas?

C. Pag-uugnay ng mga Napakahalagang malaman


halimbawa sa bagong natin ang lokasyon ng
aralin. isang bansa o lugar para
maunawaan kung paano
nahubog ang nakaraan o
kasaysayan at mas lalo pa
nating mapahalagahan
ang kasalukuyan.
D. Pagtalakay ng bagong Ang Pilipinas ay
konsepto at matatagpuan sa Timog-
paglalahad ng bagong Silangang Asya. Ito ay
kasanayan #1 nasa pagitan ng mga
latitud 4°23’ at 21°25’ sa
Hilaga at sa pagitan ng
mga longhitud 116°00’ at
127°00’ sa Silangan.
Tinatawag itong arkipelago
dahil ito’y binubuo ng mga
malalaki at maliliit na pulo
at napapalibutan ng tubig
o karagatan. Makikita sa
silangang bahagi ang
Philippine Sea at
Karagatang Pasipiko,
Dagat Celebes sa timog,
Timog Dagat Tsina o
tinatawag ding Kanlurang
Dagat ng Pilipinas sa
kanluran at ang Bashi
Channel sa Kipot ng Luzon
sa Hilaga. Tinatayang may
mahigit sa 7,641 mga pulo
ang Pilipinas at nahahati
ito sa tatlong pangunahing
mga pulo ng Luzon,
Visayas, at Mindanao.
E. Pagtalakay ng bagong Ang lokasyon ng mundo
konsepto at gamit ang mapa
paglalahad ng bagong Ang mapa ay patag na
kasanayan #2 representasyon ng mundo.
Ginagamit ito bilang
sanggunian sa
paghahanap ng lokasyon.
Makikita rito ang ilang mga
simbolo, compass rose at
ang iskala o pinaliit na
sukat ng lugar. Ang globo
at mapa ay mayroong mga
imahinasyong guhit. Ang
tawag sa mga guhit na ito
ay grid. Ang mga guhit
mula hilaga patungo ng
timog ay mga longhitud
(longitude). Ang tawag sa
gitnang guhit nito ay Prime
Meridian. Ang mga guhit
naman mula kanluran
patungo sa silangan ay
mga guhit latitud (latitude).
Ang tawag sa gitnang
guhit nito ay ekwador
(equator).

Kinalalagyang ng Pilipinas
sa mundo gamit ang mapa
batay sa tiyak na lokasyon
o absolute location
(longhitud at latitud)
Ang tiyak na lokasyon o
absolute location ay ang
pagtukoy ng kinalalagyan
ng isang lugar gamit ang
latitud at longhitud kung
kaya’t mahalagang alam
mo ang mga guhit na ito.
Ang Pilipinas ay makikita
sa hilagang silangang
bahagi ng mapa. Ang tiyak
na lokasyon ng Pilipinas
batay sa longhitud at
latitud ay 4°23’ hanggang
21°25’ Hilagang latitud at
116°hanggang 127°
Silangang longhitud. Ito
ang gitnang bahagi ayon
sa mapa.

Relatibong Lokasyon ang


tawag sa pagtukoy sa
isang lokasyon gamit ang
pagkilala at paggamit sa
mga karatig o katabing
lupain o katubigan. Ang
compass rose ay
nagtuturo ng mga
lokasyon. Natutukoy ang
relatibong lokasyon ng
Pilipinas sa pamamagitan
ng pangunahin at
pangalawang direksyon.

Ang mga pangunahing


direksyon ay ang Hilaga,
Silangan, Kanluran at
Timog. Ang mga
pangalawang direksyon ay
ang Hilagang-Silangan
(HS), Timog-Silangan
(TS), Timog-Kanluran (TK)
at Hilagang-Kanluran (HK).

May dalawang uri ng


relatibong lokasyon:
a. Insular- ang sistema ng
pagtukoy sa isang lugar sa
pamamagitan ng pag-alam
sa nakapalibot na anyong
tubig dito.
Mga anyong-tubig na
nakapaligid sa Pilipinas
Hilaga: Bashi Channel
Timog: Dagat Celebes
Silangan: Karagatang
Pasipiko
Kanluran: Dagat Timog
Tsina

b. Bisinal (Vicinal)- ang


sistema ng pagtukoy sa
isang lugar sa
pamamagitan ng pag-alam
sa mga karatig bansa o
mga anyong-lupang
nakapaligid dito.
Mga anyong-lupa o bansa
na nakapaligid sa Pilipinas
Hilaga: Taiwan
Timog: Indonesia
Silangan: Guam
Kanluran: Vietnam

Ano ang kinalaman ng


lokasyon ng Pilipinas sa
kasaysayan nito? Ang
estratehikong lokasyon ng
Pilipinas ay may malaking
kinalaman sa paghubog ng
kasaysayan. Ito ang mga
dahilan:
1. Napadali ang migrasyon
ng mga katutubo at iba
pang pangkat na mula
Timog-Silangang Asya na
pinaniniwalang unang
nanirahan sa Pilipinas.
2. Naitatag ang kalakalan
sa mga kalapit bansa tulad
ng Tsina, India, Hapon at
mga bansang Arabo.
3. Sentro ito ng
pamamahagi ng iba’t ibang
produkto mula sa Timog-
Silangang Asya at ng
mundo dahil daanan ang
Pilipinas ng mga
sasakyang pandagat ng
iba’t ibang bansa.
4. Narating ng mga
Espanyol ang bansa dahil
sa paghahanap ng mga
Europeo sa islang
tinatawag na Spice Islands
o Moluccas para kumuha
ng mga rekado at
pampalasa.
5. Sinakop ng mga
Espanyol (Espanya) ang
bansa at pinakilala ang
relihiyong Kristiyanismo na
sinundan ng mga
Amerikano (Estados
Unidos) na nagtaguyod ng
pampublikong paaralan,
pagtuturo ng wikang Ingles
at nagtayo ng mga base
militar. Ang mga Hapones
(Hapon) naman ang
nagpasigla sa panitikang
Pilipino.
6. Sa iba’t ibang dayuhan
na sumakop at
nakipagkalakalan sa ating
bansa, naimpluwesyahan
nito ang ekonomiko,
edukasyon, relihiyon,
pulitikal at iba pang sosyo-
kultural na pamumuhay ng
mga Pilipino.
F. Paglinang sa Panuto: A. Ibigay ang mga
Kabihasaan anyong-tubig na
(Tungo sa Formative nakapalibot sa Pilipinas.
Assessment) 1. Hilaga: _____________
2. Timog: _____________
3. Kanluran: ___________
4. Silangan: ___________
Panuto: B. Ibigay ang mga
bansang nakapaligid sa
Pilipinas.
1. Hilaga: _____________
2. Timog: _____________
3. Kanluran: ___________
4. Silangan: ___________
G. Paglalapat ng Aralin sa Paano nag-aambag ang
pang-araw-araw na buhay lokasyon sa pagkakaiba-
iba ng kultura sa Pilipinas?
H. Paglalahat ng Aralin Ano ang mga katangian ng
Pilipinas na nag-uugnay sa
kasaysayan ng lokasyon?
I. Pagtataya ng Aralin Panuto: Isulat ang salitang
Tama kung ang
pangungusap ay
nagsasaad ng
katotohanan at Mali
naman kung hindi.
________1. Natutukoy ang
relatibong lokasyon sa
pamamagitan ng mga
anyong-lupa at anyong-
tubig na nakapalibot sa
isang lugar.
________2. Isang
halimbawa ng
pangunahing direksyon
ang Timog-Kanluran.
________3. Nasa Hilaga
ng Pilipinas ang bansang
Indonesia.
________4. Ang tiyak na
lokasyon ng Pilipinas
batay sa longhitud at
latitud ay 4°23’ hanggang
21°25’ Hilagang latitud at
116°hanggang 127°
Silangang longhitud.
________5. Karagatang
Pasipiko ang makikita sa
Silangan ng Pilipinas.
J. Karagdagang
Gawain para sa
takdang-aralin at
remediation
V.Takdang Aralin Panuto: Sumulat ng
maikling sanaysay.
Paksa: Estratehikong
Lokasyon ng Pilipinas,
Nakatulong sa Paghubog
ng ating Kasaysayan
A.

B.

C.

You might also like