WRL0004.tmp
WRL0004.tmp
Department of Education
Region I
Alaminos City Division
Alaminos City Pangasinan
ARALIN
Quarter 1
Baitang:_________________________________________________ Puntos:___________________________
GAWAIN 1
Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
GAWAIN 2
Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Lagyan ng masayang mukha kung ang pangungusap ay
tama at malungkot kung mali.
1. ___________ Ang Pilipinas ay napapalibutan ng tubig kaya naman nagging madali sa mga sinaunang
tao na pumasok sa bansa.
2. ___________ Narating ng mga Espanyol ang Pilipinas dahil sa paghahanap ng mga taga Europa sa
Spice Island o Moluccas Island upang makakuha ng mga pampalasa.
3. ___________ Sinakop ng mga dayuhan ang bansa ngunit wala naman silang impluwensyang na ibahagi
sa Pilipinas.
4. ___________ Napadali ang kalakalan sa mga kalapit na bansa tulad ng Tsina, Hapon, India at Arabo.
5. ___________ Ito ay nagging sentro ng pamamahagi ng produkto mula sa Timog-Silangang Asya at ng
mundo dahil daanan ito ng mga sasakyang pandagat.
GAWAIN 3
Panuto: Sa isang piraso ng short coupon, iguhit ang mapa ng Pilipinas at isulat ang mga anyong tubig na
nakapalibot dito.
5 ARALIN PANLIPUNAN 5
Pinagmulan ng Pilipinas Batay sa Plate
Tectonic Theory, Pangrelihiyon at Mitolohiya.
Karagdagang kaalaman: https://www.youtube.com/watch?v=EzGbLwrotQ0
Matapos pag-aralan ang aralin na ito, ikaw ay inaasahang matukoy ang
pinagmulan ng Pilipinas batay sa Plate Tectonic Theory, maipaliwanag ang
iba’t ibang kaalaman tungkol sa pagkabuo ng Pilipinas batay sa Plate
Tectonic Theory, mitolohiya at relihiyon. Maipaliwanag ang pagkakaiba ng
iba’t ibang teorya tungkol sa pinagmulan ng Pilipinas, matukoy ang
ginawang pag-aaral sa Teoryang Tectonic Plate.
Dahil sa naging palaisipan sa mga Sinaunang/Katutubong Pilipino ang
pinagmulan ng Pilipinas, nagkaroon ng pag-aaral ang iba’t ibang Siyentista
upang mabigyan ng liwanag ang tunay na pinagmulan ng mga kapuluan sa
Pilipinas. Ang teyorya ay isang paliwanag tungkol sa isang penomena o
pangyayari na itinuturing bilang tama o tumpak na maaaring gamitin bilang prinsipyo ng paliwanag o
prediksyon. Ayon sa teorya, ang paggalaw ng kalupaan ng daigdig libong taon na ang nakalipas ay tinatawag na
tectonic plate. Ang crust ay nahahati sa malalaki at makakapal na tipak ng lupa kung tawagin ay tectonic plate.
1. Teoryang Continental Drift ni Alfred Wegener.
Ayon sa teyoryang ito ang ating mundo ay binubuo ng isang malaking masa ng
lupa na tinatawag na Pangaea, dahan dahang nahati ang isang masa ng lupa sa
dalawa ang Laurasia sa Hilagang hating globo at Gondwanaland sa Timog
hating globo.Mula sa continente ng Laurasia ang pinaniniwalaang pinagmulan
ng Pilipinas. Ang Pilipinas ay parte ng masa ng lupa na unti-unting nahati at
nagkahiwa-hiwalay hanggang sa marating ang kasalukuyang anyo ng mga lupain sa daigdig. Ito ay ang
teorya, mitolohiya, at relihiyon
Ang mitolohiya ay mga sali-salimuot na kwento na ang layunin aymaipaliwanag ang sagisag ng mahahalagang
balangkas ng buhay. Ayon sa mitolohiya, may tatlong higanteng naglaban-laban gamit ang mga bato at mga
dakot ng lupa. Sa paniniwala ng mga Badjao, nilikha daw ng kanilang diyos na si Melu ang Pilipinas mula sa
kanyang libag. Ayon naman sa paniniwala ng mga Manobo, ang daigdig ay mula sa kuko ng kanilang diyos.
Sa paniniwalang panrelihiyon, nilikha ng isang makapangyarihang Diyos ng buong sanlibutan kasama na ang
bansang Pilipinas.
Ang Pisikal na Heograpiya ng Asya
Napakaimportante ang pag-unawa sa pisikal na kapaligiran ng Asya. Ang kapaligiran ay may napakalaking
impluwensiya sa pamumuhay at paghubog ng Kabihasnang Asyano. Ang mga kaganapan sa kasaysayan at
pagbabagong kultural ay maaaring hatid at epekto ng kapaligirang ginagalawan ng tao.
Ang Asya ay tahanan ng iba’t ibang uri ng anyong lupa at nagkaroon ito ng malaking ugnayan sa
paghubog ng iba’t ibang Kabihasnang Asyano.
Ang idinidikta ng Katangiang Pisikal ng lugar kung saan naninirahan ang mga Sinaunang Asyano ang
humubog sa kanilang pamumuhay.
5 ARALIN PANLIPUNAN 5
Paraan Ng Pamumuhay Ng Mga Sinaunang Pilipino Sa
Panahong Pre-Kolonyal
Pangalan: ________________________________________Petsa________Baitang: __________Puntos: _____
Most Essential Competencies: Naipaliliwanag ang pinagmulan ng Pilipinas batay sa a. Teorya (Plate
Tectonic Theory) b. Mito c. Relihiyon
GAWAIN 1
Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ang Teoryang tumutukoy sa pagtaas ng lebel ng tubig sa karagatan?
a. Tulay na Lupa b. Bulkanismo c. Continental Drift d. Tectonic Plate
2. Teoryang tumutukoy sa natambak navolcanic material material nang sumabog ang mga bulkan sa ilalim ng karagatan?
a. Tulay na Lupa b. Bulkanismo. c.Continental Drift d. Tectonic Plate
3. Karagatang nakapagitan sa Pilipinas at iba pang bahagi ng Asya?
a. Karagatang Pasipiko b. Atlantic Ocean c. West Philippine Sea d. Indian Ocean
4. Siyentistang naghain ng Teoryang Bulkanismo
a. Alfred Wegener b. Thomas Edison c. Albert Einstein d. Bailey Wills
5. Teoryang tumutukoy sa mga tipak ng lupa sa ilalim ng katubigan na nakakabit sa mga kontinente?
a. Continental Shelf b. Bulkanismo c. Plate Tectonic d. Tulay na Lupa
GAWAIN 2
Panuto: Hanapin ang mga salitang may KAUGNAYAN sa pinagmulan ng pagkakabuo ng Pilipinas. Isulat ang sagot sa sagutang papel
1.
______________________________________
2.
______________________________________
3.
______________________________________
4.
______________________________________
5.
______________________________________
PERFORMANCE TASK
Panuto: Gamit ang iyong sariling imahinasyon gumawa ng iyong sariling Mitolohiya ukol sa pinagmulan ng Pilipinas.
Maari itong gawing patula, o gawan ng isang kanta o kaya naman ay magrecord ng video upang ikwento ang iyong nilikhang
mitolohiya.
Rubrik sa paggaawa ng Mitolohiya
5
ang paglalahad
Kabuuan
ARALIN PANLIPUNAN 5
Pinagmulan ng Pagkakabuo ng Pilipinas batay sa
Teorya, Mitolohiya, at Relihiyon
PINAGMULAN NG PILIPINAS AYON SA TEYORYA
Ang teyorya ay siyentipikong paliwanag na wala pang matinding pagtibay
Ang Teoryang Austronesyano ay nagpapaliwanag kung sino ang unang tao na nakarating at nanirahan sa Plipinas. Ayon
kay Peter Bellwood, taong 5000 BC nang unang umalis mula Timog Tsina ang mga Austronesyano. Dumaan sila sa
Taiwan bago bumaba sa Pilipinas at kumalat sa lahat ng direksyon. Naging batayan ni Peter Bellwood sa kaniyang teorya
ang pagkakatulad ng wikang gamit ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya at sa Pasipiko.
Isa pang teorya na may pagkakahawig sa teorya ni Peter Bellwood ay ang teorya ni Wilhelm Solheim II na “Nusantao
Theory”. Ayon sa kanya, nauna ng kumalat ang mga Austronesyano sa katimugang bahagi ng Pilipinas. Ang
pakikipagkalakalan ang pangunahing dahilan ng kanilang pagpapalawak ng teritoryo. Ang teorya naman ng Core
Population kung saan sinasabi ni Felipe Landa Jocano na nagmula sila sa Timog-silangang Asya batay sa pagkakatulad ng
mga labi ng Tabon Man, isang Homo sapiens sapiens, at iba pa. Ngunit ayon sa pag-aaral may mas nauna pang nanirahan
dito at ito ay ang Callao Man.
Sa Teorya ng Wave Migration sinasabi naman ni Henry Otley Beyer na dumating sa bansa ang pangkat-pangkat na mga
tao mula sa iba’t ibang bahagi ng Asya. Naglakad sila mula sa Borneo gamit ang tulay na lupa na nagdurugtong sa
Pilipinas at sa Asya. Sinasabing ilan sa mga ninuno ng mga Pilipino ay nagmula sa Timog-silangang Asya at
pinaniniwalaang naglakbay sila hanggang makarating sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. Sa pamamagitan ng paglalakbay
at paglalayag kaya sila nakarating dito. Ilan sa mga ito ay ang mga Negrito na tinawag nilang Pygmy o maliliit na tao.
Matatagpuan sila sa bahagi ng Luzon, Panay at ilang pulo sa Mindanao. Kabilang sa kanila ang mga Aeta o Ita. Ayon sa
pag-aaral ang sumunod na
dumating sa bansa ay ang
mga Indones na nagmula din
sa Timog-silangang Asya.
Kung ihahambing sila sa
Negrito mas makabago ang
kanilang kalinangan dahil
marunong silang pumana,
mangisda, magkaingin at
magluto ng pagkain.
Pinaniniwalaang ang gumawa ng Hagdan-hagdang Palayan ng Banawe ay ang mga Indones. Ang mga ninuno sa Visayas,
Bicol, Pampanga, Pangasinan at Banawe ay sinasabing ang mga Malay na tawag sa mga pangkat etnikong
Austronesyano.
May narining siyang katok na nagmula sa loob ng kawayan. May tinig siyang narinig! “Palayain mo ako, oh,
makapangyarihang hari ng mga ibon!” ang hinaing. “Tuktukin ng iyong tuka ang kawayang kinapapalooban ko. Hindi ako
makahinga. Naisip ng ibon na baka ito ay patibong. Maya-maya’y may butiking gumapang na paitaas sa kawayan.
Palibhasa’y gutom, ito’y tinuka ngunit hindi nahuli. Buong lakas na tinuktok uli ng ibon ang kawayan. Nabiyak ang
kawayan. Isang makisig na lalaki at babaeng lumabas na tinawag na sina Malakas at Maganda. Sina Malakas at Maganda
ay dinala sa pulong luntian. Dito sa Pilipinas namuhay ang mag-asawang Malakas at Maganda ang ama’t inang
pinagmulan ng mga lahing kayumanggi.
Ang relihiyong Kristiyano at Islam ay ipinaliwanag sa Banal na Kasulatan na nilikha ng Diyos o Allah ang unang lalaki
na si Adan at sa unang babae na si Eba. Sila ang pinagmulan ng lahat ng lahi sa mundo.
5 ARALIN PANLIPUNAN 5
Pinagmulan ng Pagkakabuo ng Pilipinas batay sa
Teorya, Mitolohiya, at Relihiyon
Pangalan: ________________________________________Petsa________Baitang: __________Puntos: _____
Most Essential Competencies: Natatalakay ang pinagmulan ng unang pangkat ng tao sa Pilipinas a. Teorya
(Austronesyano) b. Mito (Luzon, Visayas, Mindanao) c. Relihiyon
GAWAIN 1
Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
GAWAIN 2
Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Tukuyin kung ito ay paniniwalang TEYORYA, MITOLOHIYA o
RELIHIYON.
GAWAIN 3
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kuwaderno.
REPLEKSYON
Para sa mga mag-aaral
1. Ano ang aking natutunan sa araling ito?
Ang aking natutunay ay_____________________________________________________.
Nais ko pang matutunan ang ________________________________________________.
5
Pirma ng Magulang
ARALIN PANLIPUNAN 5
Paraan Ng Pamumuhay Ng Mga Sinaunang Pilipino Sa
Panahong Pre-Kolonyal
Isang malaking kayaman ng ating bansa ang balikan natin ang kasaysayan kung paano namuhay ang
ating mga ninuno bago paman dumating ang mga dayuhan o tinatawag na pre-kolonyal. Mayaman sila sa
kultura at ito ay napatunayan sa kanilang uri ng pamumuhay. Nahati sa iba’t-ibang yugto ang panahong pre-
kolonyal. Tinawag ang mga yugtong ito ng kasaysayan bilang Panahon ng Bato na nahahati sa Panahong
Paleolitiko o Lumang Bato at Panahong Neolitiko o Bagong Bato at Panahon ng Metal. Ibinatay ang
katawagan ng panahong pre-kolonyal sa mga uri ng gamit na natuklasan ng mga tao. Natutunan ng mga
sinaunang Pilipino ang paggamit ng mga kasangkapang yari bato.
Naninirahan sila sa mga yungib at gumamit ng mga tinapyas na batong magaspang bilang kasangkapan ang mga
tao noong Panahon ng Paleolitiko o Panahon ng Lumang Bato (500 000-6000 B. C. E.). Nabuhay sila sa
pangangaso at pangangalap ng pagkain. Pinaniniwalaang sa panahong ito nabuhay ang mga Taong Tabon. Isa
pang patunay ng mga dalubhasa ay ang mga natagpuang buto ng malalaking hayop tulad ng baboy- ramo at usa
(nabuhay may 4000-8000 taong nakalilipas) sa Guri Cave (Tabon Complex sa Palawan), at kung ihahambing ng
mga antropologo ay higit na mahusay mangaso ang mga sinaunang tao sa naturang yungib kaysa Taong Tabon.
Nagsimulang paunlarin ang kanilang pamumuhay ayon sa kanilang pangangailangan at hamon sa kapaligiran
noong Panahong Neolitiko o Panahon ng Bagong Bato (6000-500 B.E.C.). Dahil sa kakulangan ng pagkain
sa kanilang paligid, nilisan ng mga sinaunang tao ang mga yungib at hinasa at pinakinis nila ang dating
magaspang na mga kasangkapang bato. Nagsimula silang nanirahan sa tabi ng mga dagat at ilog.
Nagsimula na silang magsaka at mag-alaga ng hayop. Gumamit sila ng irigasyon sa pagsasaka ng palay, taro,
nipa, at iba pa. Ang pagkakaroon ng tiyak na mapagkukunan ng pagkain ng mga sinaunang tao sa pamamagitan
ng pangingisda at pagsasaka ang dahilan ng pagiging sedentaryo o permanente ng kanilang paninirahan.
Natuto ring gumawa ng mga banga at palayok ang mga sinaunang Pilipino sa panahong ito. Ginamit nila itong
imbakan ng mga sobrang pagkain at sisidlan ng mga buto ng kanilang mga yumao.
Dahil sa pag-usbong ng kanilang uri ng pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino, nagkaroon sila ng mga
espesyalisasyon sa paggawa, tulad ng pagsasaka, pangingisda, at pangangaso, gayun din ng paghahabi, paggawa
ng bangka, at pagpapalayok.
Sa pagdaan ng panahon ay natuklasan ng ating mga ninuno ang paggamit ng metal. Tinatawag ang panahong ito
na Panahon ng Metal. Nahati ito sa dalawa: ang Maagang Panahon ng Metal at ang Maunlad na Panahon ng
Metal. Samantala, pinaniniwalaan ng mga antropologo na ang mga bronse ay buhat sa mga mangangalakal ng
Timog –silangang Asya na nakipagkalakalan sa mga sinaunang Pilipino. Nahukay rin ang ilang palamuti tulad
ng ling- ling –o at ilang yari sa jade. Noong maunlad na Panahon ng Metal, higit na napaghusay ng mga
sinaunang Pilipino ang kanilang mga kasangkapang metal. Patunay rito ang mga nahukay na talim ng sibat,
kampit, gulok, kutsilyo, at iba pang sandata sa Kalanay, Masbate at Novaliches, Quezon City.
Naganap sa panahon ng Metal ang pagsisimula ng paghahabi sa pamamagitan ng backloom tulad ng ginagawa
ng mga pangkat sa Bontoc, Ifugao at ilang bahagi ng Mindanao.
Nagsimulang umunlad ang pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino. Nagkaroon ng antas o nahati ang mga
mamayan sa iba’t-ibang pangkat na may iba’t-ibang katangian, tungkuling ginagampanan, at pribiliheyong
tinatamasa sa pamayanang kinabibilangan. Nahahati sa tatlong antas tao sa lipunan noon. Ang Maginoo sa mga
Tagalog o Datu sa mga Bisaya ang pinakamataas na uri ng pangkat. Maaaring maging datu ang kasapi ng
barangay kung siya ay matalino, matapang at nakapagmana ng kayamanan. Pangalawang uri ng tao sa lipunan
ang mga Maharlika at Timawa. Ang mga maharlika ay tumutulong sa datu sa pagtatanggol at pagpapanatili ng
kapayapaan sa barangay. Ilan sa kanila ay mga mahuhusay na mandirigma na tinatawag na Bagani. Ang mga
Timawa naman ay mga malalayang at mga lumayang tao mula sa pagkakaalipin. Sila ay may karapatan sa
kanilang ani nang hindi nagbabayad ng tributo sa datu. Pinakamababang uri ng tao sa lipunan ang mga Alipin
sa Tagalog o Oripun sa Bisaya. Sila ang karaniwang pambayad sa mga nagawang krimen. Naninilbihan sila sa
datu at nagbibigay ng taunang tributo o buwis. Ang pamayanan o barangay na pinamumunuan ng datu ang
nagpapatupad ng mga batas. May dalawang uri ng batas na umiiral sa barangay. Ang batas na nakasulat at hindi
nakasulat. Saklaw ng batas na nakasulat ang usapin tungkol sa diborsyo, krimen, pagkakaroon ng ari- arian at
iba pa. Natatamasa ng mga kababaihan ang pantay na karapatan sa mga kalalakihan. Ipinapaalam sa buong
pamayanan ang mga batas na ito sa isang pagtitipon sa pamamagitan ng umalohokan o tagapagbalita.
5 ARALIN PANLIPUNAN 5
Pangalan: ________________________________________Petsa________Baitang: __________Puntos: _____
Most Essential Competencies: Nasusuri ang paraan ng pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino sa panahong
Pre-kolonyal. AP5PLP-If- 6
GAWAIN 1
Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Sa anong panahon natutunan ng mga sinaunang tao ang paggamit ng mga tinapyas na batong
magaspang?
a. Panahong Neolitiko c. Panahong Paleolitiko
b. Maagang Panahon ng Metal d Maunlad na Panahon ng Metal
2. Alin sa ibaba ang natutunan ng mga sinaunang Pilipino noong Panahon ng Bagong Bato?
a. tumira sa mga yungib c. magsaka at mag-alaga nga hayop
b. mangaso at mangangalap ng pagkain d. gumamit ng mga tinapyas na bato na magaspang
3. Ang mga sumusunod na kasangkapang metal ang mas higit na napaghusay ng sa pamumuhay ng mga
sinaunang Pilipino maliban sa isa. Ano ito?
a. sibat b. kampit c. kutsilyo d. pinggan
4. Ano ang tawag sa pinakamataas na antas ng tao sa lipunang Tagalog at Bisaya?
a. Aliping b. timawa c. maginoo o datu d. manggagawa
5. Sila ang kinikilalang mga mahuhusay na mandirigma mula sa pangkat ng mga maharlika?
a. Bagani b. bayani c. pulis d. sundalo
GAWAIN 2
Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Umunlad ang pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino nang matuto ang mga ito sa_________.
a. pamamangka at paglalayag c. pagpalipat-lipat ng mga tirahan
b. paggamit ng magaspang na bato d. pagtatanim at pagpapaunlad ng pagsasaka
2. Ang pagkakaroon ng tiyak na mapagkukunan ng pagkain ng mga sinaunang tao sa pamamagitan ng
pangingisda at pagsasaka ay dahilan ng __________.
a. pagtira nila sa mga yungib c. pagiging pagala-pagala nila
b. pagkakaroon nila ng maraming ginto d. pagkakaroon nila ng permanenteng tirahan
3. Ang sumusunod ay mga maaaring paraan para maging isang datu maliban sa isa. Alin ito?
a. pumasa sa pagsusulit ng datu c. anak o galing sa angkan ng mga datu
b. nakapangasawa ng isang anak ng datu d. matapang, matalino at nagmana ng mga
kayamanan
4. Ang salitang barangay ay hango sa salitang balanghai o balangay na tumutukoy sa ______.
a. sasakyang panlupa c. sasakyang pandagat
b. sasakyang panhimpapawid d. wala sa nabanggit
5. Paano magpasya ang datu kung nagbibigay ng hatol sa mga nagkakasalang kasapi ng barangay?
a. pinapatay agad c. tumatawag sa diyos
b. kumukuha ng tagahatol d. isinasailalim sa mga pagsubok
GAWAIN 3
Panuto: Isulat ang A. kung ang pangungusap ay nagsasaad ng wastong kaisipan at B kung
hindi. Isulat ito sa salitang papel.
1. __B__Ang mga kababaihan noon ay may mga karapatan sa lipunan.
2. __A__Ang Panahong Neolitiko ay tinatawag din na Panahon ng Bagong Bato.
3. __B_Naging maganda ang buhay ng mga alipin dahil sila ang pinakamataas na uri ng tao sa lipunan
noon.
4. __A_Napayaman ang kulturang Pilipino dahil sa pakikipag-ugnayan sa mga dayuhan.
5. __A__Nagkaroon ng espesyalisasyon sa paggawa noon dahil sa pag-usbong ng kanilang uri
ng pamumuhay.
5
uriin
II ARALIN PANLIPUNAN 5
KABUHAYAn ngQ1
mGA SiAS5
NAUNAng Pilipino
Ang mga sinaunang pamayanan ay kadalasang nasa mga baybayin, kapatagan at kabundukan.
PAgsASAKA
May dalawang paraan ng pagsasaka ang mga sinaunang Pilipino. Ito ay ang pagkakaingin at
pagpapatubig sa kapatagan. Ang pagkakaingin ay ang pagpuputol at pagsusunog ng mga puno at
damo upang mapagtamnan. Sa paraang pagpapatubig gumagamit ang mga magsasaka ng patubig o
irigasyon. Binubungkal muna ang lupa sa pamamagitan ng araro bago ito tatamnan. Ang karaniwang
inaani ng mga magsasaka ay palay, mais, kamote, gabi, ube o kaya’y sari saring gulay.
Ang mga naninirahan sa kapatagan ay naging abala sa barter o pakikipagpalitan ng mga kalakal gaya ng
porselana na mula sa Tsina, mga produktong metal, asin at hinabing tela. Ipinapalit ito ng mga tao sa
kapatagan sa mga tao na naninirahan sa mga kabundukan.
PAngingisdA
Maraming pamayanan ang Pilipinas ang makikita sa mga baybayin. Mayroon ding mga
pamayanan na naitatag malapit sa ilog, lawa, look at dagat. Ang ganitong mga lugar ay pinili ng ating
mga ninuno dahil sa malapit ito sa kanilang kabuhaya o pinagkukunan ng pagkain at mainam na lugar din
para sa madaling transportasyon.
Sa pangingisda, sila ay gumagamit ng sibat, lambat, salakab at buslo. Bukod sa pangingisda, paninisid ng
perlas, panghuhuli ng iba pang lamang dagat, pakikipagkalakalan o pagdadala ng kalakal sa iba pang
pamayanan.
PANGANGAso
Panghuhuli ng maiilap na hayop tulad ng usa, baboy-ramo, at iba pang mga hayop sa kagubatan
gamit lamang ang kanilang pana at sibat.
PAGPApANDAY
Ang mga sinaunang Pilipino ay mahusay sa pagpapanday. Ito rin ang isa sa naging hanapbuhay
nila. Sa kanilang pagpapanday, ginamit nila ang bakal, asero, at bronse sa paggawa ng gulok, sibat, pana,
balisong.
PAGHAHABI
Napaunlad din ng mga sinaunang Pilipino ang paghahabi. Yari sa kapok, seda, bulak at hibla ng
pinya ang hinahabi nilang tela. Ang kanilang hinahabi ay karaniwang pinapalit o binabarter sa ibang
paninda.
5 ARALIN PANLIPUNAN 5
Pangalan: _____________________________________Petsa________Baitang: __________Puntos: _____
MELC:Nasusuri ang pang-ekonomikong pamumuhay ng mga Pilipino sa panahong pre-kolonyal A. Panloob At panlabas na
kalakalan b. Uri ng kabuhayan (pagsasaka, pangingisda, panghihiram/pangungutang, pangangaso, slash and burn,
pangangayaw, pagpapanday, paghahabi atbp)
GAWAIN 1
Gamitin ang imahinasyon at isipin kung paano mailalarawan ang
pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino . Iguhit sa isang coupon bond ang
sariling paglalarawan sa sinaunang lipunan ng mga Pilipino.
Kulayan ang sariling paglalarawan sa sinaunang lipunan.
Matapos ang binigay na panahon sa pagguhit at pagkulay, ipaliwanag ang ginawang paglalarawan
sa limang o higit pang pangungusap.
GAWAIN 2
Panuto: Piliin ang angkop na salita sa loob ng kahon upang mabuo ang diwa ng bawat pangungusap.
1. May dalawang paraan ng pagsasaka ang mga sinaunang Pilipino. Ito ay ang
at pagpapatubog sa kapatagan.
2. Maraming mga ilog, lawa, at dagat ang ating bansa kaya ang
ay isa ring pangunahing hanapbuhay ng mga sinaunang Pilipino.
3. Sa panghuhuli ng maiilap na hayop tulad ng usa, baboy-ramo, at iba pang
mga hayop sa kagubatan gamit lamang ang kanilang .
4. Bukod sa pangingisda, paninisid ng at panghuhui ng iba
pang laman dagat ang isa sa hanapbuhay ng mga sinaunang Pilipino.
5. Ang mga sinaunang Pilipinong naninirahan sa kapatagan ay nagging abala
sa o pakikipagpalitan ng mga kalakal.
GAWAIN 3
Ang Hundred Islands ay isa sa pinakamagandang dagat sa ating lugar dito sa Alaminos City,
Pangasinan, bilang isang magaaral paano ka makakatulong sa pagpapanatili ng ganda nito? Isulat ang
iyong kasagutan sa ibabang guhit.
5 ARALIN PANLIPUNAN 5
Ang Sosyo-Kultural at Pamumuhay ng mga Pilipino
* Nasusuri ang sosyo-kultural at politikal na pamumuhay ng mga Pilipino a. sosyo-kultural (e.g. pagsamba (animismo, anituismo, at
iba pang ritwal, pagbabatok/pagbabatik , paglilibing (mummification primary/ secondary burial practices), paggawa ng bangka e.
pagpapalamuti (kasuotan, alahas, tattoo, pusad/ halop) f. pagdaraos ng pagdiriwang b. politikal (e.g. namumuno, pagbabatas at
paglilitis)
Masusuri ang pagkakapareho at pagkakaiba ng kagawiang panlipunan ng mga Pilipino sa kasalukuyan at makabuo ng konklusyon tungkol sa
kontribusyon ng sinaunang kabihasnan sa paka- buo ng lipunan at pagkakilanlang Pilipino. Halimbawa Pananamit at Palamuti Kaugalian sa
Pagpapangalan Kaugalian sa paglilibing Paniniwala sa mga Espiritu at Diyos sa Kalikasan Paglaganap ng Islam sa Pilipinas Sistema ng Pagsulat at
Edukasyon Musika at Sayaw Panitikan at Sining Panahanan ng Sinaunang Pilipino Estruktura at Estilo ng mga Pilipino.
A. Pananamit at Palamuti
• Kanggan- ito ay ang pangitaas na kasuotan ng mga lalaki.
• Bahag- ito ay ang pang–ibabang kasuotan ng mga lalaki.
• Putong- ito ay tela na nakabalut sa kanilang ulo. Pulang putong ito ay tanda na ang taong nagsusuot nito ay nakapaslang nang isang
tao, samantalang ang burdadong putong naman ay may pitong tao na ang napaslang.
• Baro- ay ang pang-ibabang kasuotan ng mga kababaihan.
• Saya- ay ang pangibabang kasuotan ng mga kababaihan.
• Patadyong- pang-ibabang kasuotan ng mga kababaihan sa Bisaya.
• Tapis- ito ay karaniwang din nilang isinusuot sa baywang.
• Pomaras- isang alahas na hugis rosas.
• Ganbanes- isang uri ng gintong pulseras na isinusuot sa braso at binti.
• Hikaw- isinusuot ng mga kababaihan ang kalalakihang Bisaya.
• Ginto- inilalagay din ito sa kanilang ngipin.
• Pintados- ang tawag ng mga Espanyol sa mga Filipinong may tato sa katawan.
B. Kaugaliang sa Pagpapangalan
Karaniwang noong unang panahon ang mga ina ang nagbibigay ng pangalan sa kanilang mga anak.
Maliuag- nangangahulugang “mahirap na pagluluwal ng sanggol”.Wala silang apelyido noon. Ang mga magulang ay tinatawag sa
pangalan ng kanilang panganay na anak. Ama ni Maliuag at Ina ni Maliuag. Nakikita rin ang kaibahan ng pangalang sa lalaki at babae sa
pamamagitan ng pagdugtong ng katagang “in” sa pangalan. Ilog sa lalaki at Iloguin sa babae.
C. Kaugalian sa Paglilibing
Inihahanda ng mga sinaunang tyao ang kanilang yumao para sa kabialng buhay sa pamamagitan ng paglilinis, paglalangis, at pagbibihis ng
magagarang kasuotan sa bangkay. Pinabaunan nila ang mga yumao ng mga kasangkapan tulad ng seramika at mga palamuti upang may
magamit ito sa kabilang buhay.
PAGSASALIN NG KULTURA
A. Musika at Sayaw
May mga kaalaman ang mga sinaunang Filipino sa paggamit ng instrumento at sa paglikha ng musika.
Instrumento:
• Gangsa- isang uri ng tansong gong na ginagamit p[arin ng mga katutubong taga-Cordillera
• Kaleleng- ito ay gamit ng mga taga Bontok na pinatutunog gamit ang ilong.
• Tambuli- gamit ng mga tagalog na yari sa sungay ng kalabaw
Sayaw at Awit:
• Dallot- isang mahabang berso na binibigkas ng paawit-awit ng panghaharana ng mga sinaunang Ilocano.
• Ayeg-Klu- awit din ng Igorot sa panghaharana sa iniirog.
• Tinikling- isang sayaw na hango sa galaw ng isang ibong tikling.
• Pagdiwata- isang sayaw ng pasasalamat sa magandang ani.
II
5 ARALIN PANLIPUNAN 5
Pangalan: _____________________________________Petsa________Baitang: __________Puntos: _____
GAWAIN 1
Panuto: Pag-aralang mabuti ang mga katanungan. Ang titik na nasa simula ang magbibigay ng klu sa tamang sagot.
GAWAIN 2
Panuto: Tama o Mali. Isulat ang T kung tama ang ipinapahayag sa pangungusap. Kung mali isulat at salitang M sa patlang sa iyong
kuwaderno.
GAWAIN 3
II
5 ARALIN PANLIPUNAN 5
Paglaganap ng Relihiyong Islam
*Natatalakay ang paglaganap at katuruan ng Islam sa Pilipinas.
Ang Islam ay ang relihiyon ng mga Muslim.
Pamana ito ng mga Arabe sa ating bansa. Ito
ay isang uri ng paniniwalang monoteismo na
nangangahulugang “pananampalataya sa
isang Diyos”. Ang salitang Islam ay
nangangahulugang “pagsuko sa kagustuhan
ng diyos na si Allah.” Muslim ang tawag sa
mga sumasampalataya sa Islam.
Nakipagkalakalan sa China noong panahon ng
Dinastiyang Sung ang mga unang Arabe na
nakarating sa ating bansa. Sumunod ang mga
misyonerong Muslim mula sa Malacca, Jahore
at Borneo na dumating sa Pilipinas dala ang
Islam. Sa araling ito, inaaasahang natatalakay
ang paglaganap ng relihiyong Islam sa ibang
bahagi ng bansa