You are on page 1of 10

ARALING PANLIPUNAN 5

ARALIN 1. PAG-AARAL NG KASAYSAYAN

Kasaysayan
- nagmula sa salitang Greek na “historia” na nangangahulugang “impormasyon sa pananaliksik”

- nag-ugat sa salitang salaysay ( sapagkat ito ay isang uri ng pagkukwento ng mga kaganapan)at

saysay ( ibig sabihin ay pagkakaroon ng halaga)

Kahulugan: - ito ay pag-aaral o pagsasalaysay ng nakaraan upang magkaroon ng saysay sa kasalukuyan at


maging sa hinaharap

- ito ay itinuturing din na isang agham (science) na siyang naglalarawan sa mga makabuluhang
pangyayari na naganap noon.

Herodotus - tinaguriang “Ama ng Kasaysayan” dahil sa pagkalathala niya ng kasaysayang ng digmaan na


naganap noon sa Greece,

Mga Sangay ng Agham na may Kaugnayan sa Kasaysayan

1. Arkeolohiya (Archeology) - pag-aaral ng mga labi o artifacts ng mga sinaunag tao.

2. Antropolohiya (Anthropology) - pag-aaral sa kaugalian, kultura at mga gawi ng tao.

3. Paleontolohiya (Paleontology) – pag-aaral sa sinaunang buhay ng tao gamit ang labi ng sinaunang hayop o

halaman na kung tawagin ay fossils.

4. Heograpiya (Geography) - pag-aaral sa katangiang pisikal ng mundo. (topograpiya, anyong lupa, anyong tubig,

lokasyon, klima at ,mga likas na yaman ng isang bansa.

Mga Batayan ng Kasaysayan

1. Primarya – tumutukoy sa orihinal na dokumento at salaysay ng mga tunay na nakasaksi.

- kasama na din ditto ang mga labi ng sinaunang halaman, mga buto, kagamitang bato,

kasangkapan, sandata, talambuhay at mga kwentong-bayan o mga kwentong minana ng ilang

salinlahi.

2. Sekundarya - tumutukoy sa mga salaysay ng mga hindi tuwirang nakasaksi. Nakabatay ito sa mga primaryang

batayan ng kasaysayan.
Kahalagahan ng Pag-aaral ng Kasaysayan

1. Magkakarron ng dagdag kaalaman.

2. Maging instrument sa pagkakaisa at pagtutulungan ng tao.

3. Maipahayag ang mga magaganap sa darating na panahon.

4. Malinang ang iba’t-ibang kasanayan.

5. Matutuhan ang mga aral ng nakalipas.

ARALIN 2: ANG KINALALAGYAN NG AKING BANSANG PILIPINAS (Batay sa Heograpiya) H

K S

B: Taiwan
H: Pulo ng Y’ami
AT: Bashi Channel

B: Cambodia B: Guam
Thailand
H: Pusan Point
Vietnam
AT: Philippine Sea
H: Kalayaan Group of Islands
Pacific Ocean
AT: West Philippine Sea
South China Sea

B: Indonesia
Malaysia
Borneo
H: Pulo ng Saluag
AT: Mindanao Sea
Sulu Sea
Celebes Sea
Mga Batayang Heograpikal

Ika-9 na siglo BC (Bago ipanganak si Kristo) – nagsimula ang pag-aaral ng tao sa heograpiya ng mundo

Batayan: isang mapa na nahukay mula sa Babylon (Iraq) sa Middle East

kagamitan: globo at mapa

Mga element na siyang nagbibigay ng malaking tulong sa bawat mag-aaral o mananaliksik

a. pamagat o titulo - sinasabi nito ang uri ng ginagamit na mapa o globo

b. pananda o legend - ipinapaliwanag nito ang mga simbolong makikita sa mapa o globo

c. iskala o scale - ibinibigay nito ang distansya at sukat ng mga lugar sa mapa o globo at sa aktuwal na sukat nito

d. direksiyon o compass rose – tinutukoy nito ang mga direksiyon at ang panandang direksiyon ng hilaga

e. mga guhit na pahalang at patayo – nagbibigay ng impormasyon tungkol sa tiyak na lokasyon ng isang lugar.

Mga Linya sa Globo at Mapa

2 natatanging guhit sa mapa at globo ---

1. meridian (longhitude) - mga guhit patayo mula sa hilaga patunong timog

2. parallel (latitude) – mga guhit na pahalang na bumabagtas mula kanluran patunong silangan

**ang mga guhit meridian ay binubuo ng mga likhang-isip na guhit na Prime Meridian at International Dateline

frigid
Arctic Circle 66.5 ⁰ hilaga
temperate
Tropic of Cancer 23.5 ⁰ hilaga
torrid
EQUATOR 0 ⁰ hilaga/timog
torrid
Tropic of Capricorn 23.5 ⁰ timog
temperate
Antartic Circle 66.5 ⁰ timog
frigid

Nahahati ang mundo sa 5 sonang pangklima batay sa lokasyon ng latitude nito.

Ang pag-uuri ng klima sa mundo ay batay sa pinakamataas at pinakamababang temperature na nararamdaman at


ang kabuuang distribusyon ng pag-ulan.

Frigid zone - tuyo ngunit napakalamig na klima

Temperate – tagsibol, taglagas, taglamig, at tag-init

Torrid zone - napakainit na panahon

Tropical -- nararanasan sa mga lugar sa pagitan ng mga tropiko, ekwador kasama na ang Pilipinas
Ang Lokasyon ng Pilipinas sa Mundo

Batay sa linyang latitude at longhitude – 4⁰ 23‘ H hanggang 21⁰ 23’ H latitude at 116⁰ S hanggang 127⁰ S longhitude.
Ito ay tinatawag na absolute o tiyak na lokasyon ng isang bansa.

- ang Pilipinas ay matatagpuan sa Timog Silangang Asya

2 uri ng direksiyon

1. pangunahin direksiyon – hilaga, timog, kanluran, silangan

2. pangalawang direksiyon – hilagang-silangan, hilagang kanluran, timog-silangan, timog-kanluran

**ginagamit ang mga ito upang matukoy ang relatibong lokasyon ng isang bansa.

Mga batas na nagpapakita at kasaysayan ng pagtukoy sa Teritoryo ng Pilipinas

a. Treaty of Paris - noong 1898 sa pagitan ng Espanya at Amerika

b. US-UK Treaty – nagbalik sa mga Turtle at Mangsee Islands sa ating teritoryo

c. PD 1596 – na siyang umaangkin sa Kalayaan Group of Islands o mas kilala sa Spratlys

d. PD 1599 – na siyang nagtatalaga sa Exclusive Economic Zones.

e. RA 3046 at RA 5446 – na siyang tumutukoy sa baseline ng teritoryo ng ating bansa

Benham Rise – isa sa silangang bahagi ng Pilipinas


(ipinangalan kay Andrew Benham) isang Amerikanong nakadiskubre sa nasabing lugar

3 Paraan ng Pagtukoy ng Lokasyon ng Pilipinas

1. Absolute - 4⁰ 23‘ H hanggang 21⁰ 23’ H latitude at 116⁰ S hanggang 127⁰ S longhitude

2. Vicinal – tumutukoy sa karatig-bansa ng Pilipinas

3. Insular o Maritime – kapag inalam ang mga bahagi ng tubig na nakapalibot sa bansa

Klima at Panahon

Ang klima ng Pilipinas ay tropikal at maritima. Tropikal sapagkat tayo ay malapit sa ekwador at maritima dahil ang

ating bansa ay napapalibutan ng malalaking bahagi ng tubig.

Elemento ng klima --- temperature, kahalumigmigan (humidity) at dami ng ulan (precipitation)

2 Uri ng Panahon ng Pilipinas – tag-ulan at tag-araw


May 4 na uri ng klima ang Pilipinas

1. Unang Uri
2. Ikalawang Uri
3. Ikatlong Uri
4. Ikaapat na Uri

Mga Bagyo

Mga Babala

Mga Hangin
ARALIN 3. PINAGMULAN NG PILIPINAS AT NG MGA PILIPINO

Mga Pinagmulan ng Pilipinas

1. Ayon sa Alamat

Ang alamat ay
- isang uri ng kwento tungkol sa pinagmulan ng isang bagay.

- Ito ay maaring nagmula pa sa ating mga ninuno at patuloy na nagpapasalin-salin hanggang sa


nagyon sa pamamagitan ng pagsasalaysay o pagkukwento nito.

- Ito ay mga kwnetong walang batayan at pawing haka-haka lamang.

Mga Alamat na Pinagmula ng Pilipinas

a. Alamat ng Langit, Karagatan, at Dambuhalang Ibon

- Sinasabi ng alamat na ito na ang Pilipinas ay mula sa mga tipak ng ulap na ibinato ni Langit Kay
Karagatan dahil sa mga masasamang sinabi ng Dambuhalang Ibon.

b. Alamat nina Luz-Vi-Minda

- Ang alamat na ito ay nagsasabi na ang tatlong malalaking pulo (Luzon, Visayas at Mindanao) ay
mula sa mga katawan ng tatlong prinsesa na nalunod sa kanilang pagtakas sa kanilang malupit
na madrasta.

c. Alamat ng Dalawang Higante

- Nabuo ang mga kapuluan ng Pilipinas dahilan sa pag-aaway ng dalawang higante na nagpalitan
ng paghagis ng malalaking bato sa isat-isa.

2. Ayon sa Agham

- Ito ang mga teoryang binigay ng mga siyentipiko mula sa pinagmulan ng Pilipinas.

- Karamihan sa pinagbatayan ng mga eksperto ay mga lumang bato, labi ng mga sinaunang hayop
at halaman na may libong taon o iba ay milyong taon na ang nakalipas.

- Ang mga heologo ang karaniwang nagsasagawa ng pag-aaral at nagpapaliwanag kung paano
nabuo an gating bansa.
Mga Teorya:

1. Teorya ng Continental Drift

- ginawa ni Alfred Wegener, isang German na dalubhasa sa heolohiya noong 1912

- may isang napakalaking kontinente noon na ang tawag ay Pangea. Dahil sa paggalaw ng lupa na
resulta na rin ng paglindol at pagsabog ng mga bulkan, naanod at nahati ito sa dalawa - Laurasia at
Gondwanaland. Nagpatuloy ang paggalaw ng lupa kayat nahating muli ito sa pitong kontinente.

- Sa kasalukuyan pinaniniwalaan na ang Pilipinas ay bahagi ng dambuhalang kontinenteng ito

2. Teoryang Asyatiko

- Ipinaliawanag ng kontinenteng ito na ang Pilipinas ay hindi bahagi ng continental shelf ng Asya.

- Napataas lamang ang mga kalupaan dahil sa proseso ng diyastropismo o pagtiklop ng lupain.
- 2 proseso ng diyastropismo – Unfolding at Upthrust Faulting na siyang nagbigay daansa
pagkabuo ng kapuluan ng Pilipinas

- Nagmula kay Dr. Leopoldo Faustino ang konseptong ito

3. Teoryang Bulkanismo

- Kilala rin bilang teoryang Pasipiko

- Nagsimula sa pananaliksi ni Dr. Bailey Willis

- Sinasabing nagmula o nabuo ang lupain ng Pilipinas sa pamamagitan ng sabay sabay na


pagputok ng bulkan sa gawing Silangan ng Asya sa ilalim ng kagaratang Pasific

4. Teorya ng Tulay na Lupa

- Nagmula kay Prof. Henry Otley Beyer

- Pinakakontrobersiyal na konsepto ng teorya sa lahat


- Ayon dito ang Pilipinas ay nakaugnay o nakadugtong sa kapuluan ng Asya dahil sa mga tulay na
lupa may 1.8 milyong taon na ang nakakaraan noong Panahon ng Yelo.

- Limang Tulay na nagdudugtong sa Pilipinas sa ibat ibang bahagi ng Timog-Silangang Asya


1. Batanes hanggang Taiwan
2. Palawan hanggang Borneo
3. Sulu hanggang Borneo
4. Mindanao hanggang Celebes
5. Mindanao hanggang New Guinea

- Sinalungat ito ng isang German na si Fritjof Voss noong 1976


- Sinasabing kailanman ay hindi lumitaw ang mga tulay na lupa na ito.
PINAGMULAN NG LAHING PILIPINO

Ayon sa Alamat at ang Bibliya

1. Ang sinaunang tao ay nagmula sa kawayan. Kung saan andoon ang isang lalaki at babae na si Malakas at si Maganda.

2. Nalungkot si Bathala kung kaya’t gumawa siya ng tao mula sa putik o luwad. Inilagay niya ito sa hurno (oven) at
binigyan niya ito ng hininga ng buhay.Na kung saan 3 beses siyang nagluto sa hurno una ay nasunog (maiitim na tao),
pangalawa ay hilaw (Mapuputing tao ) at pangatlo ay di masyadong matagal o di masyadong mabilis (kayumanggi)

Antas ng Sinaunang Tao ayon sa Teorya ng Ebolusyon ni Charles Darwin

Charles Darwin - nagmungkahi ng Teorya ng Ebolusyon

sa kanyang aklat na “The Origin of Species by Means of Natural Selection”

Homonisasyon - nagmula sa salitang Latin na “homo” –nangangahulugang tao

- Ito ay ang proseso ng pagiging tao.

HOMINID - Tinaguriang Ape-like Man

o Maliit ang utak nito at naglalakad sila gamit ang paa at kamay

o Halimbawa nito ay ang mga Australopithecus na nakuhay sa Silangang Africa at India.

HOMO HABILIS - Tinaguriang Handy Man dahil sa kakayahan nitong humawak ng mga kagamitan

- Ang mga labi ng unang tao ay nahukay sa Kenya at Tanzania

HOMO ERECTUS - - tinaguriang Upright Man dahil marunong ng tumayo at lumakad

o Marunong silang gumamit ng apoy bilang proteksiyon sa mga mababangis na hayop,


proteksiyon sa lamig at para sa pagluluto ng pagkain.

- Halimbawa nito ang mga nahukay sa Tsina, Indonesia at maging sa Cagayan Valley sa Pilipinas

Sapientasyon – ito ang proseso ng pagiging modern ng tao sa pamamagitan ng paggamit ng kanyang isipo.

HOMO SAPIENS – tinaguriang Wise Man dahil sa marunong nang mag-isip

o Nakatira sila sa organisadong pamayanan, marunong maghabi ng kanilang mga damit,


nagsasaka, nangangaso at marunong silang maglibing ng mga patay.
o Nahukay ang mga labi nito sa Germany, France, at Tabon Cave sa Palawan.
Yungib ng Tabon sa Palawan – dito nahukay ang labi ng sinaunang tao sa Pilipinas noong Mayo 28,1962 .

Dr. Robert Fox – Amerikanong antropologo na nakahukay sa labi ng sinaunang tao.

Dr. Armand Mijares – ng UP Diliman ang pinuno ng nakahukay ng mga buto sa yungib ng Callao sa Cagayan na kalaunan
Ay buto pala ng baboy at usa ang mga ito.

Phil Piper – isang Australyano na zooarcheologist na nagsabing may kasama din na buto ng tao ang nahukay sa Callao
Cave.

Callao Right MT3 – taguri sa buto sa paa na nahukay na may 67000 taon na ang nakaraan at mas matanda kaysa labi ng
Homo Sapiens.

TEORYA NG PANGKATANG MIGRASYON NI H.OTELY BEYER

1. NEGRITO – sila ang unang pangkat ng tao na dumating sa pamamagitan ng tulay na lupa bansa noong panahon ng
yelo o Pleistocene

- Sila ay dumaan sa mga tulay na lupa ng Sulu at Palawan at nagmula sa Papua New Guinea

- Sila ay pandak, maitim, makapal ang labi at kulot ang buhok

- Ang kanilang kasuotan ay bahag na gawa sa dahon, balat ng kahoy o di kaya ay balat ng hayop

- Ang kanilang pamumuhay ay pangangaso at pangingisda gamit ang sibat at pana

2. INDONES - tinawag na unang mandaragat

- Nakarating sila sa bansa sa pamamagitan ng Bangka 5000 taon na ang nakalipas

- Nagmula sa Timog-Silangang Asya at sinasabing ninuno ng lahing Mongoloid o taong madidilaw ang
balat

2 Yugto ng Migrasyon ng mga Indones

 Unang Yugto – matatangkad, balingkinitan ang pangangatawan at mapuputi ang balat


 Ikalawang yugto – malalaki ang pangangatawan, maiitim ang balat at makakapal ang labi

- Mas maunlad ang kanilang pamumuhay kesa Negrito . Mayroon silang permanenteng tirahan at mas
makukulay nag kanilang kasuotan.

- Gumagamit sila ng tatu sa kanilang katawan at nagnganganga

- Gumagamit sila ng pana, kutsilyo, mga sumpit bilang sandata.

- Ang kanilang pamumuhay ay pangangaso, pangingisda at sinaunang pagsasaka na kung tawagin ay


kaingin

- Aso ang kanilang paboritong alagang hayop


3. Malay – dumating sila sa Pilipinas gamit ang sasakyang pandagat na kung tawagin ay balanghay o balanghai.

3 Yugto ng migrasyon ng mga Malay

1. Head-Hunting Malays
– tawag sa unang yugto na nagtungo sa bansa sa pagitan ng 200 BC at 100 AD

- sila ang ninuno ng Bontoc, Ilongot at Tingguian na kilala sa pamumugot ng ulo

2. Aphabet-using Malays
- ikalawang yugto ng migrasyon ng Malay na dumating sa pagitan ng 100 AD - 1300 siglo

- Ang mga Bisaya, Tagalog at Ilokano ang sinasabing nagmula sa lahing ito

3. Muslim Malays
- ikatlong pangkat na nagtungo sa Pilipinas noong 1300 – 1500 siglo.

- Ninuno sila ng mga Pilipinong Muslim sa Mindanao at Sulu

Prof. Felipe Landa Jocano – siya ang sumalungat sa teorya ni Beyer

 May gawa ng Core Population Theory

Paraan ng Pagdating ng Tao sa Bansa at Pagkakarron ng Kultura nito :

1. Germinal Period – Panahon ng Pagsibol

2. Formative Period – Panahon ng Pagbuo

3. Incipient Period – Panahon ng Pagsisimula

4. Emergent Period – Panahon ng Pag-unlad

You might also like