You are on page 1of 4

Aralin 3: Pinagmulan ng Pilipinas at ng mga Pilipino

Pinagmulan ng Pilipinas

TALASALITAAN:

siyentipiko– taong ito ay maaaring maging isang dalubhasa sa isa o higit pang sangay
ng agham.

kontinente – pinakamalaking masa ng lupa sa ibabaw ng daigdig

teorya - masusing pananaliksik sa isang bagay o pangyayari

tipak– malakíng piraso ng solidong bagay na natapyas mula sa isang higit na malakíng
bagay; bahaging nahiwalay o natanggal

heolihiya– isang agham pangmundo na sumasaklaw sa pagaaral ng mundo, ng mga


bato kung saan gawa ito, at ang mga proseso ng kanilang pagbabago

Pinagmulan ng Pilipinas

 Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa rin tiyak ng mga siyentipiko kung paano


nabuo ang kapuluan ng Pilinas.
 May mga nagsasabing ito ay bahagi ng isang napakalaking kontinente o di
kaya’y nabuo sa pagsabog ng mga bulkan at paglindol.
 Mayroon din nagsasabi na ang ating bansa ay bunga ng pag-aaway ng langit
at karagatan.
 Maaari nating uriin ang mga ito sa dalawang bahagi: Alamat at Agham.

Ayon sa Alamat

Alamat

 Isang uri ng kwento patungkol sa pinagmulan ng bagay.


 Maaaring mula pa ito sa ating mga ninuno at patuloy na nagpasalinsalin
hanggang sa ngayon sa pamamagitan ng pagsasalaysay o pagkukwento nito.

Ilan sa mga kilalang alamat na pinagmulan ng ating bansa.

 Alamat ng Langit, Karagatan, at Dambuhalang Ibon


- Sinasabi na sa alamat na ito ang Pilipinas ay mula sa tipak ng ulap na ibinato
ni Langit kay Karagatan dahil sa masamang sinabi ng Dambuhalang Ibon.
 Alamat nina Luz-Vi-Minda
- Ang alamat na ito ay nagsasabi na ang tatlong malalaking pulo ( Luzon,
Visayas, Mindanao) ay mula sa katawan ng tatlong prinsesa na nalunod sa
kanilang pagtakas mula sa malupit na madrasta.

 Alamat ng Dalawang Higante


- Nabuo ang mga kapuluan ng Pilipinas dahilan sa pag-aaway ng dalawang
higante na nagpalitan ng paghagis ng malalaking bato sa isa’t isa .

Ayon sa Agham

- Maraming teorya na ang nailahad tungkol sa pinagmulan ng Pilipinas.


- Nagbigay ng kani-kaniyang mga paliwanag ang mga siyentipiko at
historyador tungkol sa ginawang imbestigasyon at pagkalap ng iba’t ibang
datos o impormasyon.

Teorya ng Continental drift

 Ang teoryang ito ay ginawa ni Alfred Wegener, isang German na dalubhasa sa


heolihiya noong 1912.

 Ayon sa kanya, may isang napakalaking kontinente noon na ang tawag ay


Pangaea.

 Dahil sa patuloy na paggalaw ng lupa na resulta ng paglindol at pagsabog ng


bulkan, naanod ang kontinente at nahati ito sa dalawa.

 - Laurasia at Gondwanaland. Nagpatuloy ang paggalaw ng lupa kaya’t nahati


uli ang mga dambuhalang kontinente sa pitong kontinente natin sa
kasalukuyan.

Teoryang Asyatiko

 Ipinaliliwanag ng teoryang ito na ang Pilipinas ay hindi bahagi ng continental


shelf ng Asya.

 Napataas lamang ang mga kapuluan ng Pilipinas dahil sa proseso ng


diyaptopismo (diastrophism) o pagtiklop ng lupain. May dalawang proseso nito
- Unfolding at Unthrust Faulting.

 Sinasabi ng mga prosesong ito ang nagbigay-daan sa pagkabuo ng kapuluan


ng Pilipinas .
 Ang pagkakaroon ng bundok sa at iba pang mataas na lugar ay isang
halimbawa ng nagkaroon ng pagtiklop ng lupain. Sinasabing mula kay Dr.
Leopoldo Fautino ang konseptong ito.

Teoryang Bulkanismo

 Kilala sa tawag na teoryang Pasipiko na siyang nagmula sa pananaliksik ni Dr.


Bailey Willis.
 Sinasabing nagmula o nabuo ang lupain ng Pilipinas sa pamamagitan ng
sabay-sabay na pagputok ng bulkan sa gawing Silangan ng Asya sa ilalim ng
karagatang Pacific.
 Tinatayang naganap ito ay may 200 milyong taon na ang nakalipas.
 Sa paglabas ng mga magma, may mga batong nagkahiwa-hiwalay at ang ilan
ay nagkadikit-dikit.
 Sa pangyayaring ito, nabuo ang mga malalaki at maliliit na pulo sa paligid,
kasama ang Pilipinas.
 Maraming mga bansa ang binubo ng mga pulo na ipinapalagay na naganap
sa parehong proseso ng bulkanismo
 Tinatawag ng mga siyentipiko ang lugar na ito bilang Pacific Ring of Fire dahil sa
pagkakaroon ng mga bulkan sa rehiyong ito at madalas makaranas ng lindol.
 Ilan sa mga bansang ito ay Tawian, Japan, Pilipinas, Indonesia, New Zealand,
kanlurang bahagi ng Hilaga at Timog Amerika, at silangang bahagi ng Russia.
 Ang rehiyong nabanggit ay may higit 200 na aktibong bulkan kung saan 22 rito
ay matatagpuan sa Pilipinas.
 Dahil din sa pagsabog ng mga bulkan, nakararanas din ng paglindol sa
rehiyong ito na siyang dahilan ng pagkakaroon ng mababaw at malalim na
bahagi ng karagatan.
Teorya ng Tulay na Lupa

 Ang pinakakontrobersyal na teorya sa lahat ay ang konseptong nagmula sa


isang Amerikanong arkeologo na mula sa Unibersidad ng Pilipinas na si Prof.
Henry Otley Beyer.
 Ayon sa kanya, ang Pilipinas ay nakaugnay o nakadugtong sa kalupaan ng
Asya dahil sa tulay na lupa na may 1.8 milyong taon na ang nakalipas o noong
Panahon ng Yelo.
 Naging batayan ni Prof Beyer ang pagkakahalintulad ng mga hayop at
halaman na matatagpuan sa mga bansang nasa paligid ng Pilipinas.
 Sinasabing may limang tulay na lupa na nagdurugtong sa Pilipinas sa iba’t ibang
bahagi ng Timog-Silangang Asya.

Batanes Palawan Sulu Mindanao Mindanao


hanggang hanggang hanggang hanggang
Hanggang New
Taiwan Borneo Celebes
Borneo Guinea

 Nawala lamang ang mga tulay na lupa nang dumating ang panahon na
matunaw ang makapal na yelong bumalot sa hilagang bahagi ng Asya at
tumaas ang tubig sa karagatan.
 Pawang mga matataas na bahagi lamang ng lupa ang natira at siyang bumuo
sa kasalukuyang pulo mga pulo ng Pilipinas.
 Ang teoryang ito ay sinalungat ng isang siyentipikong German na
nagngangalang Fritjof Voss noong 1976.
 Hanggang sa kasalukuyan, maraming siyentipiko ang nagsasabi batay sa
kanilang pag-aaral na kailoan man ay hindi naganap ang paglitaw ng mga
“tulay na lupa” na sinasabing dating nagdurugtong sa pagitan ng Pilipinas at
ibang bahagi ng Asya.

You might also like