You are on page 1of 3

UNIT 1 – Mayamang Nakalipas ng mga Pilipino

Aralin 1: Pag-aaral ng Kasaysayan

VOCABULARY WORDS:

1. Arkeologo -tawag sa mga taong nag-aaral tungkol sa sinaunang kultura


sa tulong ng mga nahukay na labi ng mga gamit ng tao.
2. Artifacts - bagay na nilikha, ginamit at pinagyaman ng tao ng nakalipas
na panahon
3. Antropologo -tawag sa taong nag-aaral tungkol sa mga tao, pag –uugali
ng mga tao at ng lipunan
4. Paleontologo- isang siyentipiko na gumagamit ng mga nalabing fossil
upang pag-aralan ang buhay noong sinaunang panahon.
5. Fossil -mga nanatili o natinggal na mga labi ng hayop, halaman at iba
pang organism mula sa malayong nakaraan.

 Ang salitang kasaysayan o history sa Ingles ay nagmula sa salitang


Greek na historia na nangangahulugang “impormasyon sa pagsasaliksik.

 Herodotus – tinaguriang “Ama ng Kasaysayan” dahil sa kanyang pagtala


ng kasaysayan na naganap noon sa Greece.

 Nag-ugat ang salitang kasaysayan sa mga salitang salaysay at saysay.

 Salayasay sapagkat ang kasaysayan ay isang uri ng kwento ng mga


kaganapan at saysay naman na ngangahulugan ng pagkakaroon ng
halaga.

 Ang kasaysayan ay itinuturing na rin bilang isang agham (science) na


siyang naglalarawan sa mga makabuluhang pangyayaring naganap
noon.

 Mga Sangay ng Agham na may Kaugnayan sa Kasaysayan.


 Arkeolohiya (Archeology)
-Pag aaral ng mga labi o artifacts ng mga sinaunang tao.
-Naibibigay ang uri ng pamumuhay mayroon ang mga sinaunang tao
batay sa artifacts na kanilang naiwan.
-Malimit walang dokumentong makapagsasabi at makapaglalarawan
tungkol sa pamumuhay ng mga ninuno natin.

 Antropolohiya (Anthropology)
- Mahalaga ring pag aralan ang kultura, kaugalian, at mga gawi ng tao.
 Sa pag-aaral ng kasaysayan, tinutukoy ng mga antropologo ang mga
pagbabagong naganap sa buhay ng tao hanggang pagkabuo ng
kanyang sariling kulktura

 Palentolohiya
- Nakatuon sa mga sinaunang buhay sa mundo.
- Ang mga labi ng mga sinaunang hayop at halaman na kung tawagin ay
fossil ay nagbibigay rin ng malaking tulong sa mga paleontologo kung
anong uri ng mga hayop ang nabuhay sa ibabaw ng mundo milyong
taon na ang nakalipas bago pa man lumitaw ang tao

 Heograpiya (Geography)
- Pinag-aaralan nito ang katangiang pisikal ng mundo.
- Iba’t ibang anyong lupa, tubig, topograpiya, lokasyon, klima at mga likas
na yaman na makukuha sa bansa.
- Malaking impluwensya ang heograpiya sa pagkakaroon ng iba’t ibang
kasaysayan, kultura, tradisyon ang isang lugar o bansa.

 Mga Batayan ng Kasaysayan

Primarya

-Tumutukoy ito sa mga orihinal na dokumento at salaysay ng mga tunay na saksi

-Kasama rin dito ang mga labi ng sinaunanghalaman, mga buto, kagamitang
bato, kasangkapan , sandata,talambuhay, at mga kuwentong-bayan o
kwentong minana ng ilang salinlahi (Oral traditon)

Sekundarya

-Tumutukoy ito sa mga salaysay ng mga hindi tuwirang nakasaksi. Karaniwang


nakabatay ito sa mga primaryang batayan.

 Kahalagahan ng Pag-Aaral ng Kasaysayan


- Malinang ang iba't ibang kasaysayan
- Magkaroon ng dagdag na kaalaman
- Maging instrumento sa pagkakaisa at pagtutulungan ng tao.
- Maipahayag ang mga magaganapsa darating na panahon
- Matutuhan ang mga aral ng nakalipas

GENERALIZATION
1. Ano ang kahulugan ng kasaysayan?
2. Ano ang kahalagahan ng bawat sangay ng agham na may kaugnayan sa
kasaysayan?
3. Ano-ano ang mga uri ng batayan ng kasaysayan ? Paano masusuri ang
kasaysayan sa papamagitan ng mga ito ?
4. Mahalaga bang malaman natin ito? Bakit ?

Michael J. Cabrtera. Pilipinas: Pinagpalang Bayang Sinilangan.

You might also like