You are on page 1of 8

Grade 8 – Araling

Panlipunan
Unang Marka, Ikatlong linggo – Modyul 3
SY 2020 – 2021

Teacher: RAIHANA G. MACARAMBON


Contact #: 0950-488-0083
Topic: Ang Mga Yugto ng Pag-unlad ng Kultura sa Panahong Prehistoriko

Aralin Ang Mga Yugto ng Pag-unlad ng Kultura sa Panahong


Prehistoriko
3

I. Pangkalahatang Panuto:

Ito ang magiging gabay mo sa paggamit ng modyul na ito:

1. Basahin at unawain nang mabuti ang bawat bahagi ng modyul at sundin ang
direksiyon o panuto habang binabasa ang mga materyales.
2. Sagutin ang lahat ng mga katanungan.
3. Maglaan ng sapat na oras sa pagsagot ng mga katanungan.
4. Gawing kasiya-siya ang bawat panahon sa paggamit ng modyul.

II. Paunang Salita:


Ang modyul na ito ay nakatuon sa pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig. Ang mga
kaalaman at mga gawain sa modyul na ito ay makatutulong upang mas lalo mo pang maunawaan ang
kasaysayan ng daigdig na siyang tema ng pag-aaral sa Araling Panlipunan sa ika-walong baitang.

Ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong
pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahan na;

a. Nasusuri ang yugto ng pag-unlad ng kultura sa panahong prehistoriko


b. Nakapaloob din sa modyul na ito ang mga araling: Panahon ng Lumang bato, bagong bato at
panahon ng metal.

III. Mga Inaasahang Matututunan:

Nakakuha ang mga antropolohista ng mga impormasyon tungkol sa pamumuhay ng


mga unang tao sa pamamagitan ng kanilang mga labí tulad ng bungo, buto, at mga
kasangkapang nahukay sa iba’t ibang panig ng mundo. Buhat sa mga iyan nalaman ang
kanilang mga gawain at pamamaraan ng pamumuhay sa siyang bumubuo ng kanilang
kultura. Sa paglipas ng panahon, natutuhan ng mga unang tao na paghusayin ang kanilang
mga kagamitan upang lalong maging epektibo ang mga ito sa araw-araw na
pakikipagsapalaran. Dahil diyan, umunlad din ang kanilang kabihasnan at kultura hanggang sa
malinang ang kasalukuyang kabihasnan sa iba’t ibang kapuluan ng daigdig.

Panahon ng Bato
Sa mahabang panahong nagdaan, nakalinang ng sibilisasyon ang mga sinaunang
tao. Sila ay namuhay bilang grupo ng sampu hanggang 30 katao. Pawang pangangaso at
pangingisda ang kanilang ikinabubuhay at karamihan ay mga yungib ang kanilang silungan o
panahanan.

Panahong Paleolitiko
Tinatayang nagtagal ang Panahong Paleolitiko mula noong 2,500,000 B.C hanggang
10,000 BC. Sa panahong ito nabuhay ang mga Proconsul, Australophitecus, Homo Habilis,
Homo Erectus tulad ng Taong Java, Taong Peking, at Homo Sapiens tulad ng Taong
Neanderthal at Taong Cro-Magnon.
Sa panahong ito, nakatira ang unang tao sa yungib upang pangalagaan ang sarili sa
malamig na panahon. Katatapos pa lamang ng panahon ng pagyeyelo at maaring
kasalukuyan pang nagyeyelo sa ibang bahagi ng daigdig at walang permanenteng tirahan
ang mga tao sa panahong ito. Pagala-gala sila sa paghahanap ng pagkain. Namimitas sila ng
mga bungangkahoy, nanghuhuli ng mga hayop sa lupa at mga isda sa tubig sa
pamamagitan ng mga kamay lamang. Kung minsan naman, gumagamit sila ng batong
panghampas o pambato at sanga ng kahoy upang maging madali ang panhuli. Sa panahon
ding ito natuklasan ang gamit ng apoy. Maaring sa hindi sinasadyang pagkakataon,
tinamaan ng kidlat ang isang puno. Nasunog ito at nagbigay ng init sa paligid. Maganda ang
epekto ng init sa panahon ng taglamig.

Tinatawag ding “Panahon ng Lumang Bato” (Old Stone Age) ang Panahong
Paleolitiko.

 Nagmula ang Paleolitiko sa mga katagang “paleos” o matanda at “lithos” o


bato
 Pinakamahabang yugto sa kasaysayan ng sangkatauhan
 Maiuugat sa pagsisimula ng paggamit ng kasangkapang bato ng mga
hominid
 Unang gumamit ng apoy at nangaso ang mga sinaunang tao

Lower Paleolithic Period

 Nagwakas dakong 120,000 taon na ang nakararaan Pinakamaagang pananatili


ng tao sa daigdig
 Hindi pa lumilikha ng mga kasangkapan
 Ang Homo habilis ay nangangahulugang able man o handy man dahil sila ang
unang species ng hominid na marunong gumawa ng kagamitang bato
 Sinundan ng mga Homo erectus nang higit na may kakayahan sa paggawa ng
kagamitang bato

Middle Paleolithic Period

 Dakong 120,000 – 40,000 taon ang nakararaan


 Paglitaw ng makabagong tao noong 100,000 taon ang nakalilipas
 Umusbong ang pagiging artistiko ng mga tao sa pagpipinta sa katawan at pagguhit
sa bato Nabuhay ang taong Neanderthal na natuklasan sa Germany ang mga
labi

Upper Paleolithic Period

 Dakong 40,000 – 8,500 taon ang nakararaan


 Nagkaroon na ng mga unang pamayanan sa anyong mga campsite na kadalasang
matatagpuan sa mga lambak
 Ang mga Taong Neanderthal ay nawala sa panahong ito at napalitan ng mga
Taong Cro-Magnon
 Lumitaw ang mga komplikadong pagpapangkat sa lipunan.

Mga Homo Sapiens


Ang pinakahuling species ng ebolusyon ng tao ay ang Homo sapiens
Neanderthalensis (circa 200,000 - 30,000 taon BP). Higit na malaki ang utak ng Homo
sapiens kung ihahambing sa mga naunang species kaya nangangahulugan higit ang
kanilang kakayahan sa pamumuhay at paggawa ng kagamitan. May mga patunay na may
kaalaman ang Neanderthal sa paglilibing samantalang ang Cro-Magnon ay lumikha ng
sining ng pagpipinta sa kuweba.
Taong Neanderthal Taong Cro-Magnon

Panahong Mesolitiko
“Gitna” ang ibig sabihin ng salitang meso sa Griyego. Kaya’t ito ang Gitnang
Panahon ng Bato. Dito nagsama-sama ang mga gawain sa panahong paleolitiko habang unti-
unting pumapasok ang tao sa Panahon ng Neolitiko.

Tinatayang nagsimula noong 10,000 BC hanggang 7,000 BC ang Panahong


Mesolitiko. Ipinanukala ni Sir John Marshall, isang antropolohista, ang teorya ng “paghamon at
pagtugon” upang matugunan ang mabilis na pagbabagong naganap sa kapaligiran (hamon) ng
mga tao na natugunan nila sa pamamagitan ng pagbabago ng mga kaugalian at mga gawaing kilos
(tugon). Nakahandang tumanggap ang ibang pangkat ng pagbabago samantalang namuhay sa
kasukalan ang ibang nanatili sa lumang kaalaman. Tumagal lamang ng 3000 taon sa
Mesopotemia at kaunting panahon lamang sa Europa ang Panahon ng Mesolitiko. Pinakamalubhang
suliranin ng tao sa panahong ito ang panustos na pagkain. Pinakasolusyon dito ang pagiging
prodyuser ng tao kaysa umasa sa likas na. Subalit sa nagbabagong klima, mahirap na hamon ito.

Rebolusyong Neolitiko
Nahubog ang Panahong Neolitiko sa pamamagitan ng pag-aalaga ng hayop na kinakain
at ng pagtuklas sa pagtatanim. Ang pagtatanim o pagsasaka ang pinakamahalagang
kontribusyon ng panahong ito. Natuklasan marahil ng tao ang pagtatanim nang minsan, sa
paghahanap ng tao ng bungangkahoy na noon ay paunti na nang paunti, nakakita siya ng isang
uri ng bunga na may maraming buto. Nagsimula rin sa panahong ito ang pagpapalayok. Natutunan
ng taong gumawa ng mga bagay na yari sa putik tulad ng laryo (bricks) na pinatitigas sa init ng
araw gaya ng sa India, o kaya ay pinatitigas sa pugon, gaya ng sa Mesopotamia. Ginagamit ang
laryo sa paggawa ng bahay.

Sa Panahong Neolitiko, malaki ang naging pagbabago sa kasangkapan ng tao.


Pinakinis ang dating magagaspang na bato at ginawang iba’t ibang hugis at laki ayon sa kanilang
gamit: pamutol ng kahoy, gamit sa pagsasaka, panghiwa, pang-ahit, pamutol ng buhok, pamatay
ng hayop, armas, at marami pang iba.

Lalo pang pinag-ibayo sa panahong ito ang pag-aalaga ng hayop na nasimulan noong
Panahong Mesolitiko. Sa kalaunan, ginamit na nila itong sasakyan o tagahila ng behikulo katulad
ng paragos at karwahe. Kabayo, baka at aso ang mga hayop na ginagamit para rito. Nabago rin
ang mga tirahan sa panahong ito. Bagamat nagsimula ang pagkakaroon ng permanenteng
tirahan noong Panahong Mesolitiko, higit pa itong nalinang noong Panahong Neolitiko. Dahil ito sa
pag-unlad ng pagsasaka, at pag-imbento ng asarol at iba pang gamit sa bukid. Kailangang tumira
ang tao sa isang lugar habang hinihintay niyang tumubo at maani ang kanyang pananim. Habang
wala pa ang tag-ani, gumagawa naman siya ng mga palayok at iba pang gamit na yari sa putik.
Natuto siyang maghabi ng banig, basket at tela dahil mahirap umasa sa mga balat ng hayop upang
gawing damit.
Noong una, para lamang sa pansariling konsumo at sa mga kaanak ang produksyon. Hindi
nagtagal, nakapag-iimbak ng maraming bagay ang tao sa sariling gamit. Dito nagsimula ang
pagpapalitan ng produkto o ang sistemang barter. Dinadala ang sobrang produkto sa lugar ng
palitan. Kung may kailangan ang tao, pumupunta lamang siya rito upang makipagpalit ng
produkto. Nagsimula rito ang konsepto ng palengke. Hindi nagtagal, naging mahirap na ang
pakikipagpalitan ng produkto kaya umisip ng paraan ang tao upang maging maayos ang sistema ng
palitan. Dito naimbento ang sistema ng palitan gaya ng sa Mesopotamia kung saan buto ng cacao
ang unang ginamit na papalit produkto.

ARALIN 2: PANAHON NG METAL

Panahon ng Metal

Ginto ang kauna-unahang natuklasang uri ng metal. Nakukuha lamang ito sa gilid ng ilog
Tigris at sinasala dahil nakahalo sa buhangin. Subalit hindi nagkaroon ng panahon ng ginto dahil
hindi naman kapakipakinabang ito sa tao. Malambot ang ginto at hindi maaaring gawing
kasangkapan o armas. Tanso (copper) ang sumunod na natuklasan ng tao. Matigas ito kaysa ginto at
nahuhulma ito sa iba’t ibang hugis na nais ng tao.

Panahon ng Tanso

N a g i n g m a b i l i s a n g p a g - u n l a d n g t a o d a h i l sa tanso. Subalit patuloy


pa rin ang paggamit sa kagamitang yari sa bato. Nagsimulang gamitin ang tanso noong 4000 BC
sa mga lugar sa Asia at 2000BC sa Europe at 1500 BC naman sa Egypt. Tinawag na Panahon ng
Tanso ang mga nabanggit na taon. Nalinang nang mabuti ang paggawa at pagpapanday ng mga
kagamitang yari sa tanso.

Panahon ng Bronse

Naging malawakan na noon ang


paggamit ng bronse nang matuklasan
ang panibagong paraan ng
pagpapatigas dito. Natutuhan ng tao na
paghaluin ang tanso at lata (tin) upang
makagawa ng higit na matigas na
bagay. Tinawag ang kombinasyong ito na
bronse o pulang tanso. Iba’t ibang
kagamitan at armas ang nagagawa mula
sa tanso tulad ng espada, palakol, kutsilyo, punyal, martilyo, pana, at sibat.Lumaganap
ang paggamit ng bronse noong 2000 BC. Sa panahong ito natutong makipagkalakalan
ang mga tao sa mga karatig-pook. Ang pag-unlad ng palengke at kalakalan ang nagbigay
daan sa pag-usbong ng mga bayan at lungsod. Nagkaroon din ng mga ekspertong
artisano na may kani-kanilang kaalaman. Nagtayo ng kani-kaniyang samahan ang mga ito
batay sa produkto na kanilang ginagawa tulad ng mga gumagawa ng sandalyas. Ang mga
samahang ito ang nagsilbing tagasuri sa kalidad ng mga produktong nalilikha ng bawat kasapi.

Panahon ng Bakal
Natuklasan ang bakal ng mga Hittite, isang pangkat ng Indo-Europeo na nakatira sa
Gitnang Silangan noong 1500 BC. Natutuhan nilang magtunaw at magpanday ng bakal.
Noong hindi pa sila gaanong marunong magmina ng bakal, lubhang mahalaga para sa
kanila ito ng limang beses kaysa ginto at walong ulit kaysa pilak. Matagal nilang pinanatiling
lihim ang pagtutunaw at pagpapanday ng bakal. Dahil dito, umunlad ang kabihasnan ng
mga Hittite at madalas silang manalo sa mga digmaan. Subalit sa katagalan, natuklasan din
ang kanilang lihim at lumaganap na ang paggamit ng bakal sa iba pang kaharian. Ito marahil
ang dahilan kung bakit humina ang kaharian ng Hittite.
IV. BUOD

Sa paglipas ng panahon, natutuhan ng mga unang tao na paghusayin ang kanilang mga
kagamitan upang lalong maging epektibo ang mga ito sa araw-araw na
pakikipagsapalaran. Dahil diyan, umunlad din ang kanilang kabihasnan at kultura hanggang sa
malinang ang kasalukuyang kabihasnan sa iba’t ibang kapuluan ng daigdig.
Sa Panahon ng Bato nagsimula ang paglinang ng sibilisasyon sa mga sinaunang tao.

Sa Panahong Paleolitiko nabuhay ang mga Proconsul, Australophitecus, Homo Habilis,


Homo Erectus tulad ng Taong Java, Taong Peking, at Homo Sapiens tulad ng Taong Neanderthal at
Taong Cro-Magnon.
Ang Panahong Mesolitiko “ang tinatawag na Gitnang Panahon ng Bato. Dito
nagsama-sama ang mga gawain sa panahong paleolitiko habang unti-unting pumapasok ang tao
sa Panahon ng Neolitiko.
Nahubog ang Panahong Neolitiko sa pamamagitan ng pag-aalaga ng hayop na kinakain
at ng pagtuklas sa pagtatanim. Ang pagtatanim o pagsasaka ang pinakamahalagang
kontribusyon ng panahong ito.
Sa Panahon ng Metal unang natuklasan ang ginto na nakukuha lamang sa gilid ng ilog
Tigris at sinasala dahil nakahalo sa buhangin.
Naging mabilis ang pag-unlad ng tao sa Panahon ng Tanso. Subalit patuloy pa rin ang
paggamit sa kagamitang yari sa bato.
Sa Panahon ng Bronse natuklasan ang panibagong paraan ng pagpapatigas dito.
Natutuhan ng tao na paghaluin ang tanso at lata (tin) upang makagawa ng higit na matigas na
bagay. Tinawag ang kombinasyong ito na bronse o pulang tanso.
Natuklasan ng mga Hittite, isang pangkat ng Indo-Europeo na nakatira sa Gitnang Silangan
noong 1500 BC. Sa Panahon ng Bakal natutuhan nilang magtunaw at magpanday ng bakal.
Ang ating kaalaman sa mga yugto ng pag-unlad ng kultura sa Panahong Prehistoriko ay
makatutulong sa atin upang lalo nating mapalalim ang ating pag-unawa sa pangyayari sa ating
kasalukuyang panahon.

SANGGUNIAN:

Blando, Rosemarie C., Michael Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu, Edna L. De
Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C. Manalo and Kalenna Lorene
S. Asis. Kasaysayan ng Daigdig. Philippines: Department of Education, 2014.
Vivar, Teofista L., Priscilla H. Rillo, Zenaida M. De Leon and Nieva J. Discipulo. Kasaysayan ng
Daigdig. Quezon City: SD Publications, Inc., 2000.
TALAAN NG TRABAHO SA ARALING PANLIPUNAN 8

Pangalan: _________________________ Section: __________________ Score: _________

Gawain 1: PANGWAKAS NA PAGSUSULIT:

Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot sa mga
pagpipilian. Isulat ang letra sa patlang.

______1. Kailan nagsimula ang Panahong Mesolitiko?


A. 7,000 BC
B. 8,000 BC
C. 9,000 BC
D. 10,000 BC

______2. Ano ang salitang Greek na nangangahulugan na “bago” sa Panahong


Neolitiko?
A. Neos
B. Bios
C. Paleos
D. Zeus

______3. Ano ang tawag sa naganap sa panahong ito ng Rebolusyong Neolitiko?


A. Sistematikong paghahayupan
B. Sistematikong pagtatanim
C. Sistematikong pangingisda
D. Sistematikong pangangaso

_______ 4. Ano ang isang pamayanang Neolitikong matatagpuan sa kapatagan ng Konya


ng gitnang Anatolia (Turkey ngayon)?
A. Catal Village
B. Anatolia Village
C. Baghdad
D. Catal Huyuk

________ 5. Ano ang itinuturing na kauna-unahang natuklasang uri ng metal?


A. Ginto
B. Pilak
C. Tanso
D. Bronse

______ 6. Ano ang simulang ginamit noong 4000 BC sa mga lugar sa Asia at 2000BC
sa Europe at 1500 BC naman sa Egypt?
A. Ginto
B. Pilak
C. Bronse
D. Tanso

______ 7. Ano ang tawag sa paghaluin ang tanso at lata (tin) upang makagawa ng higit
na matigas na bagay?
A. Pulang tanso
B. Pulang bato
C. Pulang araw
D. Pulang buwan

______8. Ano ang natutuhan ng mga tao na gawin sa mga karatig-pook sa panahong bronse?
A. Makipagkuwentuhan
B. Magsaka
C. Makipagkalakalan
D. Magluto
_____9. Sino ang pangkat ng Indo-Europeo na nakatira sa Gitnang Silangan noong 1500
BC na nakatuklas sa bakal?
A. Sumerian
B. Babylonian
C. Assyrian
D. Hittite

_____ 10. Ilang beses kahalaga sa ginto ang bakal noong hindi pa gaanong
marunong magmina nito ang mga tao?
A. Tatlo
B. Apat
C. Limang
D. Anim

______11. Ano ang ibang tawag ng PanahongPaleolitiko?


A. Panahon ng Biak na Bato
B. Panahon ng Lumang Bato
C. Panahon ng Ordinaryong Bato
D. Panahon ng Makabagong Bato

______ 12. Anong kataga ang pinagmulan ng Paleolitiko na nangangahulugan na matanda


at lithos o bato?
A. Neos
B. Luma
C. Old
D. Paleos

______13. Ano ang ugat sa pagsimula ng paggamit ng kasangkapang bato sa Panahon


ng Paleolitiko?
A. Hominid
B. Humanoid
C. Polaroid
D. Taong Neandertal

______14. Maliban sa pangangaso, ang ang unang ginamit ng mga sinaunang tao sa
Panahong Paleolitiko?
A. Bakal
B. Tanso
C. Apoy
D. Tubig

_______15. Ano ang ibang tawag ng Homo habilis ng nangangahulugang able man dahil
sila ang unang species ng hominid na marunong gumawa ng kagamitang bato?
A. Homo Erectus
B. Giant Man
C. Handy Man
D. Rational Man

_______16. Ano ang sumunod sa Homo habilis na may higit na kakayahan sa


paggawa ng kagamitang bato?
A. Homo habilis
B. Taong Neandertal
C. Taong Cro-Magnon
D. Homo erectus

_______17. Saan natuklasan ang labi ng taong Neanderthal?


A. Germany
B. Italy
C. France
D. Spain

________ 18. Ano ang unang pamayanan na kadalasang matatagpuan sa mga lambak?
A. Dumpsite
B.Campsite
C.Treehouse
D. Village
Gawain 2: Yugto, Tukuyin Mo.

Basahin at unawain ang mga katangian/kondisyon na nasa unang kolum ng


talahanayan. Tukuyin sa ikalawang kolum kung anong yugto ng sinaunang panahon ang
inilalahad ng mga katangian/kondisyon na nakasulat sa unang kolum.

Yugto ng Sinaunang Panahon


(Piliin ang sagot)
Lower Paleolithic,
KATANGIAN/KONDISYON Middle Paleolithic,
Upper Paleolithic,
Panahong Mesolithic o
Neolithic

1. Ang pagtatanim o pagsasaka


ang pinakamahalagang kontribusyon ng panahong ito.

2. Umusbong ang pagiging artistiko ng mga tao sa


pagpipinta sa katawan at pagguhit sa bato.

3. Pinakamaagang pananatili ng tao sa daigdig.

4. Nagkaroon na ng mga unang pamayanan sa


anyong mga campsite na kadalasang
matatagpuan sa mga lambak.

5. Pinakamalubhang suliranin ng tao sa panahong ito


ang panustos na pagkain.

Gawain 3: Katangian Ko, Ibigay Mo

Punan ang ikalawang kolum ng mga katangian o mahahalagang kaganapan sa mga


yugto ng Panahon ng Metal. Sagutin ang tanong sa ibaba.

Panahong ng Metal Katangian/Mahalagang Kaganapan

Panahong ng Tanso

Panahon ng Bronse

Panaho ng Bakal

Gawain 4: Pag-isipan Mo!

Mula sa iyong nalaman ukol sa mga sinaunag tao, ano sa iyong palagay ang anyo,
katangian at pamumuhay ng ating mga ninunong Pilipino? Ilahad ang iyong sagot sa
pamamagitan ng pagguhit sa isang bonpaper.

You might also like