You are on page 1of 19

ARALIN 2

ANG MGA SINAUNANG TAO


•Batay sa makaagham na pag-aaral ng
pinagmulan ng tao, nakita ang mga ninuno ng
tao may 2.5 milyong taon na ang nakalilipas.
•Sila ang homo species (homo na
nangangahulugang tao) nagtagumpay makiayon
sa kanilang kapaligiran at nagawang harapin
ang mga hamon ng sitwasyon noong sinaunang
panahon.
•May tatlong pangkat ng homo species
na nabuhay sa daigdig at naging mga
ninuno ng mga kasalukuyang tao.
Teorya ng Ebolusyon ng Tao mula sa pagiging ape
hanggang sa paglitaw ng mga homo sapiens.
•Pagkaraang lumitaw ang mga homo
species partikular ang homo habilis noong
dakong 2.5 milyong taon ang nakararaan,
nagsimula na rin ang panahong
paleolitiko, ang unang yugto sa pag-unlad
ng kultura ng mga sinaunang tao.
MGA TANYAG NA PREHISTORIKONG TAO
• Ang homo sapiens ang pinakahuling species na ebolusyon
ng tao, ang homo sapiens neanderthalensis (circa 200000 -
30000 ce).
• Higit na malaki ang utak ng homo sapiens kung ihahambing
sa mga naunang species kaya nangangahulugan higit ang
kanilang kakayahan sa pamumuhay at paggawa ng
kagamitan.
• May mga patunay na may kaalaman ang neanderthal sa
paglilibing samantalang ang cro-magnon ay lumikha ng
sining ng pagpipinta sa kuweba.
•Sa loob ng maraming libong taon, namuhay ang
mga prehistorikong tao sa pangangaso at
pangangalap ng pagkain.
•Dakong 12000 taon nang matutuhan ng mga
sinaunang tao ang pagtatanim.
•Tuluyan ding umunlad ang kanilang mga
kasangkapan sa paggamit ng mas makinis na bato.
•Ito ang nagpasimula sa panahong neolitiko.
•Nagkaroon ng malaking pagbabago sa
pamumuhay ng mga sinaunang tao nang
matutuhan nila ang paggamit ng mga
kasangkapan at sandatang yari sa metal.
•Naganap ito dakong 4000 bce.
•Inilalarawan sa susunod na diyagram –
ang panahon ng metal.
PERFORMANCE TASK #2: ANO NGAYON
CHART
1. Sinasabing pinagmulan ng tao
2. Pinapalagay na pinakamalapit na kaanak ng tao ayon sa
mga siyentista
3. Tinatayang ninuno ng makabagong tao na may
kakayahang tumayo nang tuwid
4. Pinakatanyag na australopithecus afarensis na natuklasan
ang mga labi noong 1974.
5-7. Tatlong pangkat ng homo species
8-10. Tatlong yugto sa pag-unlad ng kultura ng mga
sinaunang tao.

You might also like