You are on page 1of 7

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV- A CALABARZON
Mataas na Paaralan ng Lungsod ng Lipa

Masusing Banghay - Aralin sa Araling Panlipunan G7

I. Layunin

1. Natutukoy ang mga pagbabagong naganap sa pamumuhay ng mga sinaunang tao;


2. Nailalarawan ang paraan ng pamumuhay ng mga tao sa panahong prehistoriko; at
3. Napahahalagahan ang mga ambag ng mga sinaunang tao sa pag–unlad ng ating
pamumuhay.

II. Nilalaman

A. Paksa: Yugto ng Pag-unlad ng mga Sinaunang Tao


B. Sanggunian: “Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba” ni Rosemarie C.
Blanco.,et.al. pahina 110-111
C. Kagamitan: Envelope, Larawan, T.V, Laptop, Powerpoint Presentation at Sipi ng
aralin.

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagsasaayos ng Silid-aralan
4. Pagtatala ng liban
5. Balitaan
6. Pagbabalik - aral

Gawain ng Guro Gawain ng Mag- aaral

Bago natin talakayin ang susunod na paksa


ay balikan natin ang ating tinalakay noong
nakaraang araw.

Tungkol saan ang paksa natin noong


nakaraang araw? Ang paksa po nating tinalakay noong
nkaraang araw ay tungkol po sa
konsepto ng kabihasnan.

Tama! Ano nga muli ang kabihasnan at


sibilisasyon? Ang kabihasnan po ay tumutukoy sa
pamumuhay na nakasanayan habang
ang sibilisasyon naman po ay
masalimuot na pamumuhay sa lungsod.
Magaling! Mayroon tayong Mga Salik sa
Pagbuo ng Kabihasnan. Anu-ano nga muli ang
mga ito? Ang mga salik po sa pagbuo ng
kabihasnan ay ang pagkakaroon ng
organisado at sentralisadong
pamahalaan, masalimuot na relihiyon,
espesyalisasyon sa gawaing pang-
ekonomiya at uring panglipunan, mataas
na antas ng kaalaman sa teknolohiya,
sining, arkitektura at sistema ng
pagsusulat.
6. Pagganyak

Hahatiin ko ang klase sa dalawang


grupo. Bawat grupo ay bibigyan ko ng isang
envelope na naglalaman ng mga larawan na
may kinalaman sa ating paksang tatalakayin
ngayong araw. Isasaayos ninyo ang mga
larawan ayon sa pagkakasunod-sunod nito
kung ano ang naunang nangyari hanggang
sa kasalukuyan. Ngunit hindi nyo lamang ito
basta pagsusunod sunurin. Hahawakan
ninyo ito sa unahan base sa inyong tangkad.
Ang maliit na miyembro ang may hawak ng
unang pangyayari hanggang pataas. Ang
mauunang grupo ay makakatanggap ng
karagdagang puntos.

Mga Larawan:

Ano ang napansin ninyo sa mga larawan?


Batay po sa mga larawan, napansin ko
po na ito ay ang sunod-sunod na
pangyayari mula noong unang panahon
hanggang sa kasalukuyan kung saan
makikita natin ang mga pagbabagong
Tama! Tunghayan naman natin sa susunod naganap sa ating pamumuhay.
na gawain ang mga pangyayaring naganap
noong sinaunang panahon.

B. Paglinang ng Aralin

1. Gawain

Ngayon ay hahatiin ko ang klase sa apat na


pangkat. Bawat pangkat ay bibigyan ko ng
envelope kalakip ang task card kung saan
nakasulat ang inyong gagawin, ang sipi ng
paksa at ang pamantayan sa pagmamarka.
Mayroon lamang kayong walong (8) minuto
upang isagawa ang gawain at tatlong (3) minuto
naman para sa presentasyon. Kung wala na
kayong tanong ay maaari na ninyong simulan
ang gawain.

Pangkat I

Task Card 1

Bumuo ng isang maikling dula na


nagpapakita ng pamumuhay ng mga
sinaunang tao noong Panahong
Paleolitiko.

Pangkat II

Task Card 1

Bumuo ng isang maikling dula na


nagpapakita ng pamumuhay ng mga
sinaunang tao noong Panahong
Mesolitiko.

Pangkat III

Task Card 1

Bumuo ng isang maikling dula na


nagpapakita ng pamumuhay ng mga
sinaunang tao noong Panahong
Neolitiko.

Pangkat IV

Task Card 1

Bumuo ng isang maikling dula na


nagpapakita ng pamumuhay ng mga
sinaunang tao noong Panahong Metal.

Rubrics para sa Role Play


3 2 1
Mahusay ang Hindi gaanong
Mahusay ang pagganap sa mahusay ang
pagganap sa bawat katauhan pagganap sa
Katauhan bawat katauhan ngunit hindi bawat katauhan
at maayos ang gaanong maayos at hindi maayos
presentasyon ang ang
presentasyon presentasyon
Mahusay ang Hindi nakitahan
Mahusay ang kabuuang ng kahusayan
kabuuang presentasyon ang
Presentasyon presentasyon at ngunit hindi presentasyon at
akma ang tema akma ang tema hindi din akma
sa paksa sa paksa ang tema sa
paksa
Naunawaan Hindi gaanong
Hindi naunawaan
nang lubos ng naunawaan ng
Pagkaunawa sa ng mga mag –
mga mag – aaral mga mag – aaral
Presentasyon aaral ang
ang ang
presentasyon
presentasyon presentasyon
Kabuuan

2. Pagsusuri
Pangkat I

a. Paano namuhay ang mga sinaunang tao


noong Panahong Paleolitiko?
Ang mga sinaunang tao noong
Panahong Paleolitiko ay umaasa lamang
sa kung anong biyaya mayroon ang mga
puno at halaman sa kapaligiran na
makapupuno sa kanilang pang araw-
araw na pamumuhay at pagkatapos ay
lilipat sa ibang lugar kapag naubos na
ang mga ito.
Ang salitang Paleolitiko ay nagmula sa
dalawang salitang griyego na “Palaios” (luma)
at Lithos (bato).

b. Ano ang tawag sa ganitong


pamumuhay?

Ang tawag po sa ganitong


pamumuhay ay Nomadikong
Ang Nomadiko ay nangangahulugang pamumuhay.
walang permanenteng tirahan.

c. Ano ang pinakamahalagang ambag ng


mga sinaunang tao noong Panahong
Paleolitiko?

Ang pinakamahalagang ambag ng


mga sinaunang tao noong Panahong
Mahusay! Apoy din ang ginamit nila laban Paleolitiko ay ang Apoy.
sa mababangis na hayop at pampainit sa
kanilang katawan sa tuwing malamig ang
panahon.

Pangkat II

a. Anu-ano ang mga kasanayan na


naipamalas ng mga sinaunang tao
noong Panahong Mesolitiko?

Ang mga kasanayan pong


naipamalas ng mga sinaunang tao noong
Panahong Mesolitiko ay ang
pagpapaamo ng mga hayop at ang
paggawa ng damit yari sa balat ng mga
Ang salitang mesolitiko ay nagmula sa hayop bilang proteksiyon sa kanilang
dalawang salitang griyego na ibigsabihin ay katawan.
( mesos "gitna"; lithos "bato").

b. Sa inyong palagay, bakit tinawag itong


Panahong Mesolitiko?

Tinawag po itong Panahong


Mesolitiko dahil ang panahon pong ito
ang naging transisyon sa Panahong
Neolitiko.
Pangkat III

a. Bakit tinawag ang Panahong Neolitiko


na Rebolusyong Neolithic?

Ang Neolitiko ay nagmula sa dalawang Tinawag pong Rebolusyong Neolithic


salitang griyego na “naios” (bago) at “lithos” ang Panahong Neolitiko dahil sa
(bato). panahong ito naganap ang malawakang
pagtatanim.
b. Anu-ano ang mga kasanayang
ipinamalas ng mga sinaunang tao noong
Panahong Neolitiko?

Noong Panahong Neolitiko ay natutong


magtanim at mag-alaga ng hayop ang
mga sinaunang tao. Ito ang naging
dahilan upang sila ay manatili sa mga
agrikultural na lugar upang mabanatayan
Pangkat IV ang kanilang mga pananim at alagang
hayop. Sa panahong din ito nagsimula
a. Ano ang naganap noong panahong Metal ang pagbuo ng pamayanan at
na sinabing nakapagpalawak sa pagkakaroon ng hanapbuhay tulad ng
pamumuhay ng mga sinaunang tao? pangingisda at pagsasaka.

Naganap po sa Panahong ito ang


paggamit ng mga kasagkapang yari sa
metal na paglaon ay napalitan ng tanso.
Ngunit dahil sa salat sa mapagkukunan
ng tanso ay napalitan naman ito ng bakal
na ginagamit naman natin ngayon sa
kasalukuyan.

3. Pahahalaw

Pamprosesong Tanong:

a. Anu-ano ang mga yugto ng pag-unlad


ng mga sinaunang tao?
Ang mga yugto po ng pag-unlad ng
mga sinaunang tao noong unang
panahon ay ang Panahong Paleolitiko,
Panahong Mesolitiko, Panahong
Neolitiko at Panahong Metal.

b. Batay sa mga kaalamang inyong


nalaman sa bawat yugto ng pag-unlad
ng mga sinaunang tao, paano mo
paghahambingin ang bawat isa? Ang Panahong Paleolitiko ay ang
panahon kung saan walang
permanenteng tirahan ang mga tao.
Nakasalalay sa kapaligiran ang kanilang
pamumuhay. Tinawag itong Nomadikong
pamumuhay dahil hindi nananatili ang
mga sinaunang tao sa iisang lugar kundi
lumilipat sila sa ibang lugar kapag hindi
na kayang suportahan ng kapaligiran ang
kanilang pangangailangan sa ara-araw
na pamumuhay. Sa panahon ding ito
natuklasan ang paggamit ng apoy. Ang
Panahong Mesolitiko naman ay ang
naging transisyon sa Panahong Neolitiko.
Sa panahong ito natutong magpaamo ng
hayop ang mga tao at gumawa ng damit
na yari sa balat ng mga hayop upang
proteksiyon sa kanilang katawan.
Pagdating naman sa Panahong Neolitiko
ay natuto ang mga sinaunang tao na
magtanim at mag-alaga ng hayop na
katulong nila sa pagtatanim. Tinawag
ang panahong ito na Rebolusyong
Neolithic dahil sa panahong ito naganap
ang malawakang pagtatanim. Sa
panahon ring ito nagsimulang mabuo ang
pamayanan at ang pagkakaroon ng
hanapbuhay tulad ng pangingisda at
pagsasaka na naging daan upang mabuo
ang pundasyon ng isang kabihasnan.
Ang huling yugto ng pag-unlad ng mga
sinaunang tao ay ang Panahong Metal.
Ang panahong ito ay nabuo sa
magkakaibang lugar sa asya at hindi ito
naganap ng sabay-sabay. Sa panahong
ito ay napalitan ang mga kasangkapang
yari sa bato ng metal at paglaon ay
napalitan ng tanso. Ngunit dahil salat sa
pagkukunan ng tanso ay napalitan
naman ito ng bakal na patuloy parin
nating ginagamit hanggang sa
kasalukuyan.
Mahusay! Tunay na masasabi nating
masalimuot ang naging pamumuhay ng mga
sinaunang tao noong unang panahon. Dumaan
sila sa iba’t ibang pagsubok na naging daan
upang makatuklas sila ng ibang bagay at
kasanayan upang patuloy na mabuhay.

4. Paglalapat

a. Bilang isang mag-aaral at kabataan sa


ating lipunan, paano mo maipapakita
ang iyong pagpapahalaga sa mga
bagay at kasanayan na naiambag sa
atin ng mga sinaunang tao noong unang
panahon? (Maaaring magkaiba-iba ang sagot ng
mag-aaral)

IV. Pagtataya

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Isulat sa patlang ang wastong sagot.

__________1. Pinakamahalagang ambag ng mga sinaunang tao noong Panahong


Paleolitiko.

__________2.Ito ay itinawag sa ikatlong yugto ng pag-unlad ng mga sinaunang tao dahil


sa naganap na malawakang patatanim sa panahong ito.
__________3.Ang panahong ito ay nabuo sa magkakaibang lugar sa Asya at hindi ito
naganap ng sabay-sabay.
__________4.Sa panahong ito natuto ang mga sinaunang tao na magtanim at mag-alaga
ng hayop. Sa panahon ring ito nagsimula ang pagkakaroon ng iba’t-ibang
hanapbuhay tulad ng pagsasaka at pagtatanim.
__________5.Ang panahong ito ang naging transisyon sa Panahong Neolitiko.

Sagot:

1. Apoy
2. Rebolusyong Neolithic
3. Panahong Metal
4. Panahong Neolitiko
5. Panahong Mesolitiko

V. Takdang Aralin

Panuto: Punan ang tsart sa ibaba ng wastong sagot. Gawin ito sa isang malinis na papel.

Yugto ng Pag-unlad ng mga Nalinang na mga kasanayan Mahahalagang Ambag


Sinaunang Tao

Inihanda ni :

Mariz B. Camilan
Gurong Nagsasanay

Inihanda kay:

Ms. Cherry-May F. Bragais


Gurong Tagapagsanay

You might also like