You are on page 1of 5

FIRST CITY PROVIDENTIAL COLLEGE

Brgy. Narra Francisco Homes City of San Jose del Monte Bulacan

Banghay Aralin
Araling Panlipunan 7

I. Layunin
Pagkatapos ng 60-minutong pag-aaral walumpung bahagdan (80%) sa kabuuang bilang ng mga mag-
aaral ay inaasahang maabot ang pitumpung bahagdang antas (70%) ng pag-unawa at makapagpapamalas ng
kakayahang:

A. Masuri ang kasalukuyang kalagayang ekolohikal at mga suliraning pangkapaligiran sa Asya


B. Makalikha ng isang poster-slogan na maghahayag ng pangangailangan ng pagpapanatii ng wastong
timbang na kalagayan ng ekolihiya ng iyong rehiyon.
C. Maipahayag ang kahalagahan ng pangangalaga sa ecological balance sa Asya
II. Kalahatang paksa
Malaking ideya: Suliranin sa Asya
Paksa: Mga Suliraning Pangkapaligiran sa Asy
Paglilipat ng tungkulin :
Ninanais kong malaman ng mga mag aaral ang mga ibat-ibang suliranin sa Asya, matutunan kung
paano ang tamang pangangalaga ng ating kalikasan at likas na yaman, mapahalagahan ang ating kapaligiran at
ating pamayanan, at malinang ang pagiging makabayan sa ating lupang sinilangan. Kaya’t bilang isang
makabayang FCPCian marapat lamang na maisagawa ng bawat isa kung paano makakatulong sa mga hamon ng
kontinenteng Asya at ng ating inang bayan.
Mahalagang tanong

 Paanon mo maipapakita ang malasakit sa ating kalikasan.


Mga kagamitan
 Power point presentation tungkol sa mga ibat-ibang suliranin na nararanasan sa ibat-ibang bansa sa
Asya.
 T.V
 laptop
 Video presentation na nagpapakita ng mga ibat-ibang kalamidad sa Asya
 Mga ibat-ibang larawan ng mga ibat-ibang aktibidad na nagpapakita ng
 Gagamit ng matrix

Sanggunian
 Teksbuk
 Padayon, Kasaysayan ng Asya ( batayan at sanayang aklat sa araling panlipunan)
Ronaldo B. Mactal, PhD
 https://www.britannica.com
 http://www.history.com
 https://web.cn.edu
III. Pamamaraan (Unang Araw)
A. Panimulang Gawain
1 Pambungad na pagbati
1.1 Pagpapaalala sa mga alituntunin na dapat sundin sa loob ng bahay-aralan
(pamantayan ng wastong pag-uugali at disiplina sa bahay-aralan)
1.2 Pagtsitsek ng mga sumusunod
- atendans
- kaayusan ng mga upuan at kalinisan sa loob ng silid aralan
B. Mga aktibidad sa pagpapayaman ng pagkatuto
1 Pagbabahagi ng balita
1.1Heograpiya/ pagbabasa ng mapa
1.2 Pangkalahatang impormasyon

C. Pagganyak
- Ang guro ay magpapakita ng mga larawan na nagpapakita ng ibat-ibang mga suliranin kinakaharap ng ating
daigdig.

D. Artikulasyon ng layunin at Hangad


Ang tao ay likas na matalino. Mahilig magtanong, mahilig tumuklas ng mga bagay na
makapagpapadali ng kanyang mga ginagawa. Kung kaya’t hindi na kataka-taka na sa panahon
natin ngayon ay napakabilis na ng lahat ng bagay, mula sa pagkain, trasportasyon at
komunikasyon. Ito ay dahil sa taglay na talino ng tao sa pagtuklas ng mga ito. Ngunit dahil sa
mabilis na pagbabago, hindi na natin namalayan na ang ating kapaligiran na tayo ay nakakasira sa
likas na yaman at tirahan ng ibat-ibang mga hayop, at nakakaapekto rin sa ating mga tao na siyang
nakikinabang din sa ating likas na yaman. Bilang isang makabayang FCPCian, marapat lamang na
magkaroon tayo ng malalim na pagkaunawa sa kung papano natin mapapanatili at
mapapangalagaan ang kapaligiran tungo sa magandang kinabukasan sa ating inang bansa at ang
kontinenteng Asya.

Pagkatapos ng araling ito ay umunawaan ng mga mag-aaral na dapat magkaroon tayo sa kaalaman
sa pangangalaga ng ating likas na yaman at ating kapaligiran.
E. Kaalaman
Deforestation - Paghahawan sa kagubatan sa pamamagitan ng pagputol ng mga puno
Polusyon – tumutukoy sa pagdumi o kontaminasyon ng hangin, tubig, at lupain bunga ng labis na paggamit
at pagtatapon ng mga bagay na nakalalason sa kapaligiran
Global warming – Tumutukoy sa pagtaas ng temperature ng kalupaan at karagatan ng daigdig.

F. Paglalahad ng Bagong Aralin


G. Pamaraan ng Pagtuturo:
1. Pagsuri ng Diagram
 Ang mga mag-aaral sususrian ang mga diagram na kung saan nagpapakita masamang epekto ng
Deforestation sa ating mga kagubatan.

 Batay sa pagsusuri ng Tropical Institute of Panama noong 2007, mahigit 70% ng kagubatan sa Timog-
silangang Asya ang naglaho na.

Masamang Epekto ng Deforestation


1. Magiging madalas ang mga sakunang tulad ng pagguho ng lupa at matinding
pagbaha sa mabababang lugar.
2. Makararanas ng gutom at kahirapan ang mga taong nakasalalay ang pagkain,
panggatong, at kabuhayan sa kagubatan
3. Umiinit ang temperature ng daigdig dahil limitado na ang mga punong
sumisipsip ng carbon dioxide sa hangin.
4. Mawawalan ng tirahan ang halos 70% ng species sa daigdig. Magdudulot ito
ng extinction o paglaho ng species. Higit na tataas ang bilang ng endangered
species

 (Ang guro ay magpapakita ng ibat-ibang larawan ng mga ibat-ibang uri ng ayaw na makikita sa ating
kagubatan.)
2. Pagsuri sa bidyo
1. Ano ang tema ng video na inyong napanood?
2. Ano ang mensahe ang nais iparating ng video sa mga manonood?

3. Paglalahat (Ikalawang Araw)


 Ano-ano kaya ang maari nating maging solusyon sa mga suliranin ng ating kapaligiran?
4. Pagsasanay
Panuto: magtawag ng dalawa o hanggang tatlong mag-aaral upang sagutan ang tanong.

Pasalita: Magbigay ng mga lugar na malaki ang nagiging pagbabago sa pulusyon sa kanilang kapaligiran.
Pasulat: Sagutan ang pagsasanay sa aklat na Padayon, Kasaysayan ng Asya pahina 201

IV. PANTIYAK NA PAGSUBOK


Panuto: Piliin at isulat ang TITIK ng tamang sagot
1. Si Ralph ay nakatira sa may malapit na estero na kung saan ang mga tao ay walang humpay sa pagtatapon
ng ibat-ibang basura na siyang nagpapabara sa daluyan ng tubig at nagiging sanhi ng pagbaha sa kanilang
lugar. Anong suliranin ang kanilang nararanasan.
a. Polusyon c. Global Warming
b. Deforestation d. Paglaki ng Populasyon
2. Sir Heart ay nagmula sa lugar na kung saan ay lubhang pabago-bago ang panahon, kaya madalas itong
magkasakit. Anong suliranin ang nararanasan nito?
a. Polusyon c. Global Warming
b. Deforestation d. Paglaki ng Polusyon
3. Ang mga tao sa barangay na kung saan ay nakatira si Aeron ay nagulantang ng may matagpuan silang
isang napakalaking sa sawa na nakita nila sa kulungan ng kanilang alagang hayop. Ang sabi ng kanilang
punong barangay ay kaya daw sila napapadpad doon ay dahil nasira ang kanilang likas na tirahan. Anong
suliranin kaya ang kanilang kinakaharap.
a. Polusyon c. Global Warming
b. Deforestation d. Paglaki ng Polusyon
4. Nagkaroon ng malawakang pag-ulan noong mga nakaraang araw. Nag sanhi nito ang pagkakaroon ng
Landslide sa mga kabundukan. Anong suliraning pangkapaligiran ang kanilang hinaharap?
a. Polusyon c. Global Warming
b. Deforestation d. Paglaki ng Polusyon
5. Ang isang parte sa bansang Australia ay nakakaranas ngayon ng lubhang pag-init ng panahon dahil
nakitang butas sa kanilang ozone layer na pumipigil sa direktang pag tama ng init sa ating kalupaan.
Anong suliraning pang kapaligiran ang kanilang nararanasan?
a. Polusyon c. Global Warming
b. Deforestation d. wala sa nabanggit

1. Pagwawasto sa Pagtiyak na pagsubok


2. Pagkuha ng Bilang ng mga puntos

3. Anim na Aspeto ng Pang-unawa


Paliwanag: Paano natin mapapangalagaan ang ating kapaligiran?
Pagpapakahulugan: Ipaliwanag ang kung gaano kahalaga ang pangangalaga sa ating kapaligiran
Paggamit: Ano ang maari mong maiambag sa ating kapaligaran upang mapangalagaan an gating kapaligiran.
Perspektibo: Makikiayon ka ba sa mabilis na pagbabago ng iyong kapaligiran at panahon?
Empatiya: Kung ikaw ang magiging pangulo sa kasalukuyan, paano mo mahihikayat ang iyong mga
nasasakupan para mapangalagaan ang likas na yaman at kapaligiran
Sariling kaalaman: Bukod sa mga suluraning kinakaharap ng ating mundo ngayon, ano pa sa tingin moa ng iba
pang suliranin na madalas kinakaharap ng ating kalikasan.

4. Gumawa ng EAR

Pangkatang Gawain base sa M.I. (GEA)

Ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng pangkatang gawain nakung saan ay nagpapahayag ng pangangalaga sa
ating ecological balance sa ating mundo sa pamamagitan ng mga sumusunod:
Paggawa ng tula
Maiksing Jingle
Tableau
Maiksing dula-dulaan

4 3 2 1
Nilalaman
Presentasyon
Partisipasyon
Pagkamalikhai
5. n

Presentasyon ng pangkatang Gawain


6. Beripikasyon sa pagtamo ng layunin
IV. Takdang aralin
Magbigay ng isang partikular na suliraning pangkapaligiran na kinahaharap ngayon sa Pilipinas?
Ilagay ang detalye nito sa inyong kuwaderno.

Inihanda ni:
ROLANDO L. ARNAIZ JR.

Iniwasto ni;
NENITA B. BALLESCAS
Araling Panlipunan Coordinator

Inaprubahan:
SHERILL F. ECHANIS
Principal

Noted by:
ECHEL SIMON-ANTERO Ph.D
Vice President for Academic Affairs

You might also like