You are on page 1of 5

JOSE MARIA COLLEGE

Philippine-Japan Friendship Highway, Sasa, Davao City


INTEGRATED BASIC EDUCATION DEPARTMENT
JUNIOR HIGH SCHOOL
SY 2019 – 2020

BANGHAY ARALIN

Asignatura/Baitang: Araling Panlipunan 7 Petsa: Agosto 19,28, 2019 Linggo: Ikaapat na


Linggo
Paksa: Relihiyon at Pilosopiyang Asyano Yunit. 2 Aralin bilang: 9
Sanggunian: Samson, Ma. Carmelita B., Antonio, E., Dallo, E., Imperial, C., Soriano, C.
KAYAMANAN 7 Araling Asyano, Rex Bookstore. 2017.
Mga kagamitan: concept map, powerpoint, video

I. Kasanayan sa Pagkatuto

Napapahalagahan ang mga kaisipang Asyano, pilosopiya at relihiyon na nagbigay-daan sa paghubog ng


sinaunang kabihasnang sa Asya at sa pagbuo ng pagkakilanlang Asyano AP7KSA-IIa-j-1

Nakakabuo ng mga kongklusyon hinggil sa kalagayan, pamumuhay at development ng mga sinaunang


pamayanan AP7KSA-IIa-1.2

Layunin:
1. Maipapaliwanag ang mga relihiyon na nagmula saAsya;
2. Mapaghahambing ang mga relihiyon na nagmula sa Asya.
3. Mabibigyang halaga ang ginagmpanan ng relihiyon sa pamumuhay ng mga Asyano.

II. Panimula: D. Balik Aral


A. Dalangin
B. Pagbasa sa layunin (Paksa) ( Magpapakita ang guro ng mga larawan na
C. (Dril) tumutukoy sa paraan ng pananampalataya ng
mga Asyano at mula dito ay mahihinuha ng mga
Hanapin ang 5 salita na may kinalaman sa mag-aaral ang ibat’ ibang uri ng relihiyon na
salitang “RELIHIYON AT PILOSOPIYA” lumaganap sa Asya.)

mono

poly

Sagot:
- Brahma
- Karma
- Monghe

ASSURED, CONSISTENT, AND QUALITY EDUCATION


III. Pagpapaunlad sa Aralin:
A. PAGGANYAK (Activity/Motivation)
Isulat ang mga tanong at sagot sa isang bahagi ng papel.

1. Sa pamamagitan ng _______________ nahuhugasan ang ating orihinal na kasalanan at napapakilala


sa atin ang muling pagkasilang na ispirituwal.
2. _______________ ay ang tawag sa paniniwala sa relihiyon ng mga Muslim. Ang ibig sabihin nito ay
pagbigay ng sarili sa kagustuhan ng Diyos.
3. Ang isang Kristiyano ay nagdedeklara ng kanyang paniniwala kay_______________ at sumusunod
sa pangaral ng Diyos.
4. _______________ ang tawag sa isang Muslim na lider ng kanilang relihiyon.
5. Dapat mong ___________________ ang paniniwala ng ibang tao kahit na ito’y naiiba sa mga
paniniwala mo.
6. Karamihan ng kristiyano ay naniniwala sa konsepto ng _______________. Ang ibig sabihin nito ay
ang Diyos ay may tatlong pagkatao: ang Diyos Ama, ang Diyos na Anak, at ang Diyos
na Espiritu Santo.
7. Sa Islam, ang kanilang Diyos ay nagngangalang _______________.
8. Ang isang makabuluhang pag-uusap ay patungo sa pagkakaunawaan at _______________.
9. _______________ maaaring mangyari kung hindi binibigyan ng pagkakataon ang mga taong
magpahayag at maisagawa ang kanilang mga paniniwala.
10. Si _______________ ang panguhaning propeta ng Islam.

B. PAGSUSURI (Analysis)
Pangkatang Gawain: “CUBE OF KNOWLEDGE”

Hahatiin ng guro ang klase sa siyam (9) na pangkat na may 4 hanggang 5 miyembro.
Susuriin ng mga mag-aaral ang mga relihiyon na lumaganap sa Asya, ang mga
tagapagtatag, mga batayang turo, aral at paniniwala nito.

Sa pagmamarka, gagamit ang guro ng rubriks na may batayang nakalaman. Ito ay ang mga
sumusunod:

NILALAMAN - - - - - - - - - - - - - - - 5 pts.
ORGANISASYON - - - - - - - - - - - - 5 pts.
PRESENTASYON - - - - - - - - - - - - 5 pts.
PARTISIPASYON - - - - - - - - - - - - 5 pts.
KABUUAN - - - - - - - - - - - - - - - - 20 pts.

ASSURED, CONSISTENT, AND QUALITY EDUCATION


Mga Gabay na Katanungan

1. Bakit nagkakaiba-iba ang mga relihiyon at paniniwala ng mga tao sa Asya?


2. Paano nakakaimpluwensa ang relihiyon sa buhay at pamumuhay ng mga Asyano?
3. Sa kasalukuyang panahon, ano ang kahalagahan ng relihiyon sa iyong buhay? Bakit?

C. PAGHAHALAW (Abstraction)
Pangunahing konsepto ng aralin:

Mga Gabay na Katanungan:

1. Ano-ano ang mga relihiyon na umusbong sa Timog at Kanlurang Asya?

PAMPROSESONG TANONG:

Sa inyong palagay, mahalaga ban a panatilihin


natin ang mga paniniwala at mga gawi sa
relihiyong ating kinabibilangan?

Opo, dahil dito po natin maipapakita ang


kahalagahan g pananampalataya at pagbabalik
loob sa Diyos. Ito rin po ang nagsisilbing paalala
sa aitn na nabubuhay tayo sa mundo dahil sa
dakilang lumikha.

Anu-ano nga muli ang mga relihiyon sa Asya?

Ito po ay ang Hinduismo, Buddhismo, Jainismo,


Sikhismo, Judaismo, Kristiyanismo, Islam,
Zoroastriyanismo at Shintoismo.

ASSURED, CONSISTENT, AND QUALITY EDUCATION


D. PAGPAPAHALAGA (Values Integration)

(JMC Core Values- Application of Learning.)

Ang pagdiskubre sa mga sinaunang kagamitan ay nagbibigay katuturan sa kasalukuyang paggamit at


pagpapahalaga sa dulot ng makabagong teknolohiya upang mas mapabilis ang pamumuhay ng tao.

Sa Egypt, India, Tsina at Ehipto ang mga ilog na pinagkunan ng kabuhayan ng mga tao. Patunay ito na
iningatan at nagawa ng mga tao na magkaroon ng sistema ng lipunan na nagbigay-daan sa pag-unlad ng
sibilisasyon.

E. PAGGAMIT (Application)

Gawain: Isulat sa kwaderno ang sagot.

PANUTO : Basahin at unawain ang mga impormasyon, lathalain at sulat. Kinakailangan mo ring
basahin ang Batayang Aklat ( Arain 16 : Mga Relihiyon sa Timog at Kanlurang Asya pp 218-228 at
Aralin 17 : Mga Relihiyon at Pilosopiya sa Silangan, Hilaga at Timog Silangang Asya pp 232-244 )
upang higit na mapayaman ang kaalaman sa pagtupad ng mga gawain sa bahaging ito. Punan ang
kasunod na Retrieval Chart at sagutin ang kasunod na Pamprosesong MgaTanong.

IV. PAGTATAYA (Evaluation):

Basahing mabuti ang mga pahayag. Piliin ang tinutukoy ng bawat bilang. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.

1. Ang itinuturing na pinakamatandang relihiyon sa mundo.


a. Zoroastrianismo b. Islam c. Hinduismo
2. Ito ang relihiyong naniniwala na ang daigdig ay labanan ng dalawang pwersa: ang mabuti
at masama.
a. Zoroastrianismo b. Islam c. Hinduismo
3. Nangangahulugang “Kaliwanagan.”
a. Hesukristo b. Buddha c. Allah
4. Ang pangunahing relihiyon ngayon sa mundo.
a. Buddhismo b. Islam c. Kristiyanismo
5. Ang nagtatag ng relihiyong Jainismo.
a. Allah b. Gautama Buddha c. Rsabha
6. Ang mga tagasunod ng Judaismo ay tinatawag na
a. Muslim b. Kristiyano c. Hudyo
7. Ito ang banal na aklat ng Judaismo.
a. Bibliya b. Torah c. Koran

ASSURED, CONSISTENT, AND QUALITY EDUCATION


8. Ano ang relihiyong lumaganap sa bansang Japan?
a. Shintoismo b. Buddhismo c. Kristiyanismo
9. Ang relihiyong ito ang ikalawa sa pinakamalaki sa mundo.
a. Buddhismo b. Islam c. Kristiyanismo
10. Sino ang nagtatag ng relihiyong Sikhismo?
a. Zoroastro b. Guru Nanak c. Buddha

MGA SUSI SA PAGWAWASTO:


1. C
2. A
3. B
4. D
5. C
6. C
7. B
8. A
9. B
10. B

V. TAKDANG ARALIN (Assignment):


Isulat sa kuwaderno ang sagot.

Ano ang iyong pakiramdam sa mga taong


nabibilang sa mga relihiyong naiiba sa iyo?
Kung mayroon kang kapangyarihang pigilin
ang kanilang mga gawain, pipigilan mo ba
sila sa pagpapahayag ng kanilang paniniwala
at pagsasagawa ng kanilang mga seremonya
ayon sa kanilang relihiyon? Alam mo ba na
ang malayang pagganap at pagtatamasa ng
maka-relihiyong pananampalataya ay
karapatan ng lahat?

Inihanda ni: Iniwasto ni:

BB JENNIE E. PISIG, LPT G. BRYAN T. ALBERTO, LPT


Guro Araling Panlipunan Punong – Guro- Preschool- Junior High School

REMARKS:

ADVANCED

ON TIME

LATE

ASSURED, CONSISTENT, AND QUALITY EDUCATION

You might also like