You are on page 1of 51

MGA YUGTO NG PAG

UNLAD NG KULTURA NG MGA


UNANG TAO
Paano nabuhay ang mga tao
sa Panahong Paleolitiko?
Mesolitiko? Neolitiko? Metal?
– Tinatayang 500,000 taon na ang nakaraan
nang unang gumamit ng mga bagay bagay ang
tao sa kanyang pagsusumikap na mabuhay.

– Malalaman ang kanilang mga gawain sa


pamamagitan ng pagbibigay pansin sa mga
bagay na nakapaligid sa kanilang mga labi.
– Nakuha ang impormasyon tungkol sa
pamumuhay ng mga unang tao sa
pamamagitan ng kanilang labi tulad ng
mga bungo, buto at mga kasangkapang
kanilang naiwan.
PANAHON NG BATO
Panahon ng Bato
• Paleolitiko o Panahon ng
Lumang Bato
• Panahong Mesolitiko
• Neolitiko o Panahon ng
Bagong Bato
Panahon ng Bato
Panahon ng Lumang Bato
(PALEOLITIKO)
Paleolitiko- sa panahong ito nabuhay
ang Proconsul Australopithecus,
Homo habilis, Homo Erectus at Homo
sapiens
KATANGIAN NG PAG UNLAD
PALEOLITIKO
• Pagala-gala ang mga tao sa paghahanap ng
pagkain at walang permanenteng tirahan.
Sa yungib sila tumitira upang maging
ligtas sa lamig ng panahon.
• Pangangaso at pangingisda ang
ikinabubuhay ng mga tao, gamit ang
kanilang mga kamay.
• Gumagamit din sila ng mga tapyas ng bato
bilang sandata at kasangkapan sa
pangangaso at pangingisda.
• Natuklasan din nila ang paggamit ng apoy
bilang pagpapainit ng katawan, panakot sa
mababangis na hayop at panluto ng
pagkain.
• Tumagal mula higit dalawang milyong
taon hanggang 8,000 B.C ang panahong
ito.( Mababa, Gitna at Mataas na
Paleolitiko) Sa Asya ang pinakamatandang
halimbawa ng Mababang Paleolitiko ay
natagpuan sa Kwebang Zoukoudian
(Choukoutien) na malapit sa Beijing,
Tsina.Upang makagawa ng isang
kasangkapang bato, pinupukpok lamang
nila ito.
• Kapag nabasag ang bato maari na itong
gamitin na pantapyas ,basta’t may talim
ang mga ito. Tinatawag nila itong flaked
stone stool o tinapyas na kasangkapang
bato. Karaniwang mga hand axe at
chopper tool ang kanilang ginagamit.Sa
timog-kanlurang Asya ,GitnangAsya at
Tsina at naging laganap ang teknolohiya
ng Gitnang Paleolitiko.
FLAKED STONE
• Natutunan din nila ang pag-ukit, paglilok,
at pagpinta. Ito ay ginamit nila sa pagguhit
ng dingding ng kweba at paggawa ng talim
ng sibat, kutsilyo at iba pang kagamitan
yari sa bato. Sa relihiyon ang mga taong
Neanderthal na naipamalas sa pag-aalay
ng sakripisyo, pagkain at mga palamuti sa
patay.
• Sa Tsina, hinihinala ng mga antropologo
na maaaring unang patunay ang ritwal ang
hematite. Ginagamit na pangkulay sa mga
labi ng namatay.Ang paglilibing sa mga
namatay kasama ang kanilang
kasangkapan ay isa nang indikasyon na
may paniniwala na sa kabilang buhay ang
mga taong Neanderthal.
MESOLITIKO
Nangangahulugang Gitnang Panahon
ng Bato. Batay sa salitang Griyegong
meso, na ang ibig sabihin, gitna.
Panahon ng pagproprodyus.
KATANGIAN NG PAG UNLAD
MESOLITIKO
· Suliranin ang panustos na pagkain
dulot ng mga pagbabago sa
klima.Nakaranas ang Africa ng tagtuyot
dahil sa matinding init ng panahon.
· Nagsimulang mag-alaga ang tao
ng mga hayop tulad ng aso.
· Natutong gumawa at gumamit ng
mga kasangkapang kahoy ang mga tao
tulad ng palakol adze at gouge.
· Nalinang ang pagkakarpintero at
pag-iimbento ng mga bagay na gawa sa
kahoy tulad ng paragos (sleigh) ang
kauna-unahang sasakyang naimbento
ng tao.
Panahon ng Bagong Bato
(NEOLITIKO)
Nagsimula ang panahin ng bagong
bato o Panahong Neolitiko noong 8,000
B.C. Lumaganap sa maraming bahagi ng
mundo ang produksyon ng pagkain
KATANGIAN NG PAG UNLAD
NEOLITIKO

· Nagsimulang magtanim at magsaka ang


mga tao.Bunga nito,naging permanente ang
paninirahan ng mga tao.
· Nagsimula ang pagpapalayok. Natutuhan
ang paggawa ng mga bagay na gawa sa putik
tulad ng bricks na ginagamit sa paggawa ng
bahay.
· Natutuhang pakinisin ang mga
magaspang na bato at ginawang ibat-ibang
hugis at laki ayon sa kanilang gamit.
· Natutuhang gamitin ang mga
inaalagaang hayop tulad ng kabayo, baka at
asno bilang sasakyan o tagahila ng paragos
at karwahe.
· Nagsimula ang konsepto ng
palengke kung saan higit na
maayos ang sistema ng palitan ng
mga produkto ng mga tao.
PANAHONG METAL
Panahon ng Metal
Panahon ng Tanso
Panahon ng Bronse
Panahon ng Bakal
Panahon ng Tanso
KATANGIAN NG PAG UNLAD
PANAHON NG TANSO

· Tanso ang kauna-unahang


natuklasang uri ng metal na nakuhang
nakahalo sa buhangin sa gilid ng ilog
Tigris.
· Higit na matigas ang tanso kaysa
ginto at nahuhulma sa iba`t-ibang
hugis na nais ng tao
· Nalinang nangmabuti ang paggawa
at pagpapanday ng mga kagamitang
gawa sa tanso.

· Unang ginamit ang tanso sa mga


lugar sa Asia, Europe at Egypt.
PAGPAPANDAY
Panahon ng Bronse
KATANGIAN NG PAG UNLAD
PANAHON NG BRONSE

· Natutuhan ng tao na paghaluin ang tanso at


lata (tin) upang makagawa ng higit na matigas na
bagay-ang bronse o pulang tanso. Ginamit ito sa
paggawa ng mga armas tulad ng espada, palakol,
kutsilyo, martilyo, punyal, pana, at sibat.

· Natutong makipagkalakalan ang mga tao sa


mag karatig pook.
PANAHON NG BAKAL
KATANGIAN NG PAG UNLAD
PANAHON NG BAKAL

· Natuklasan ng mga Hettite ang


pagtunaw at pagpanday ng Bakal. Inilihim
nila ang kaalaman ng pagtunaw at
pagpapanday ng bakal kung kaya umunlad
ang kanilang kabihasnan at madalas ang
pagwawagi sa mga digmaan.
• Ang paggamit ng bakal ang
naghatid sa kabihasnan mula sa
sinauna,gitna hanggang sa modernong
panahon.
• Lumaganap sa buong Africa, Asia
at Europe ang paggamit ng bakal.
ARALING
PANLIPUNAN
(REPORT)
BY:
Jess Aguilon
Loreilyn Catapang
Ronnel Catapang

You might also like