You are on page 1of 6

Department of Education

MALIGAYA HIGH SCHOOL


SAN MIGUEL BULACAN
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN (7)

ASIGNATURA: ARALING PANLIPUNAN PETSA/ORAS: MARSO 04, 2019/1:45:-2:45 n.u


ANTAS: BAITANG-7(ASYA)

I. LAYUNIN
Matapos ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan:
1. Nasusuri ang pag-usbong ng nasyonalismo sa Indonesia, Burma, Indochina at
Pilipinas; at
2. Naipapaliwanag ang pagkaunawa sa pagkamit ng kalayaan;
3. Nabibigyang halaga ang papel ng nasyonalismo sa pagbuo ng mga bansa sa Timog-
Silangang Asya.

II. NILALAMAN
PAKSA: Nasyonalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya (Silangang Asya)
KAGAMITAN: black board, chalk, panturong biswal, laptop
SANGGUNIAN: LM. Pp. 359

III. PAMAMARAAN
1. Panimulang Gawain
 Pagdarasal
 Pagbati ng guro
 Pagtatala ng liban
 Balitaan
 Balik-aral
Paano umusbong ang nasyonalismo sa indonsesia at burma?

2. Paglinang ng Aralin
a. Mga Gawain (aktibiti)
 Gawain 5: Pagsulat ng Sanaysay pp. 360
3. Pagtatalakay
b. Pagsusuri (analisis)
 Ano ang mga naging dahilan ng pag-usbong ng Nasyonalismo sa Pilipinas?
 Nasakop ng espanyol ang Pilipinas sa loob ng 333 taon.
 Nagkaroon ng patakarang pangkabuhayan pampolitika, at
pangkultura na nakaapekto sa pamumuhay ng mga Pilipino.
 Marami ang naghirap dahil sa hindi makatarungang pagpataw ng:
 Buwis
 Pagkamkam ng mga ari-arian at mga produktong Pilipino
 Binago ang kulturang pilipino( ipinalaganap ang
kristiyanismo)
 Nagkaroon ng racial dicrimination( pagitan ng espanyol at
mga pilipino na tinawag na Indio ngmga manankop)
 Inalis ang karapatan at kalayaan na pamunuan ang kanilang
sariling bansa.
 Pinagmalupitan ng mga espanyol at pinasunod sa sa
kanilang sariling kautusan.
 Nagkaroon ng pag-aalsa sa pagitang 16- hanggang sa unang bahagi
ng 19 na siglo ngunit nabigo( dahilan na mas malakas ang armas ng
espanyol at walang damdaming makabansa o pagkakaisa laban sa
mga mananakop, at ang pagtataksil ng ilang pilipino.)
 Anong pagbabago ang naganap sa pagpasok ng ika-19 na siglo?
 Sa pagpasok nito nagkaroon ng malaking pagbabago sa ekonomiya
at lipunan.
 Nabuksan sa pandaigdigang kalakalan ang Pilipinas.
 Nakapasok ang produktong kanluranin.
 Naging tanyag ang produktong kanluranin tulad ng:
 Asukal
 Kopra
 Tabako atbp.
 Dahil dito umunlad ang kalakalan.
 Umusbong ang gitnang uri o middle class ( mga mayayamang
Pilipino, mestisong tsino, at espanyol)
 Ang mga grupong ito ay tinawag na ilustrado mula sa salitang latin
na ang ibig sabihin ay “naliwanagan” sila rin ang unang nagpamalas
at nagpasimula ng nasyonalismo sa Pilipinas.
 Itinatag nila ang kilusang propaganda at ipinagpatuloy ng mga
katipunero na nagpasimula ng katipunan.

4. Paglinang sa kabihasnan( formative assessment)


Gawain 8: Ang aking Panata pahina 362

5. Paghahalaw (abstraction)
c. Paglalahat
- Paano pinasimulan ng mga Pilipino ang kanilang damdaming nasyonalismo?
d. Pagpapahalaga
- Paano nila ipinakita ang pagbabagong ganap sa kanilang bansa?

IV. PAGTATAYA
Enumerasyon: isulat sa ¼ sheet paper ang sagot.
1. Ilang taon nasakop ng mga espanyol ang Pilipinas?
2. Anong relihiyon ang ipinalaganap ng mga espanyol sa Pilipinas?
3. Sa anong siglo pumasok ang pagbabagong pang lipunan at ekonomiya sa bansang
Pilipinas?
4. Sila ay grupong tinatawag na ilustrado na mula sa salitang latin na ilustre.ano ang ibig
sabihin ng ilustre?
5. Anong kilusan ang itinatag ng mga ilustrado na ipinagpatuloy naman ng mga
katipunero?
Sagot:
333 taon, kristiyanismo, ika-19 na siglo, naliwanagan , kilusang propaganda.

V. TAKDANG ARALIN
1. Paano naging malaya ang bansang china?
2. Basahin ang pangkalahatang ideya at gumawa ng time line ayon sa iyong pagkakaunawa
sa teksto?
LM *Asya pp.368-369

Inihanda ni: Tinunghayan ni:

RENZ ELISEO M. HERNANDEZ NESTOR A. GUIMBAOLIBOT


GURO I PANG-ULONG GURO VI/OFFICER-IN-CHARGE
Department of Education
MALIGAYA HIGH SCHOOL
SAN MIGUEL BULACAN
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN (7)

ASIGNATURA: ARALING PANLIPUNAN PETSA/ORAS: MARSO 05, 2019/10:45-11:45 n.h


ANTAS: BAITANG-7(ASYA)

I. LAYUNIN
Matapos ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan:
1. Nasusuri ang mga hakbang tungo sa paglaya ng Silangan at Timog-Silanagan Asya
(China); at
2. Naipapaliwanag ang pagkaunawa sa pagkamit ng kalayaan;
3. Nabibigyang halaga na pangalagaan ang kalayaan.

II. NILALAMAN
PAKSA: Nasyonalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya (Aralin 3: Hakbang Tungo sa
Paglaya ng Silangan At Timog Silangang Asya)
KAGAMITAN: black board, chalk, panturong biswal, laptop
SANGGUNIAN: LM. Pp. 364

III. PAMAMARAAN
1. Panimulang Gawain
 Pagdarasal
 Pagbati ng guro
 Pagtatala ng liban
 Balitaan
 Balik-aral
Anong mga pagababgo ang naganap sa bansang Pilipinas sa pagpasok ng ika-19 na siglo?

2. Paglinang ng Aralin
a. Mga Gawain (aktibiti)
 Gawain 1: Halu- ayos-Laya!
3. Pagtatalakay
b. Pagsusuri (analisis)
 Anong (mga) bansa ang nanakop sa China?
 Mga bansang Europeo ( France at England)
 Ano- anong pamaraan ang kanilang ginamit upang lumaya?
 Ito ay sa pamamagitan ng tatlong uri ng Nasyonalismo:
 Nasyonalismong tradisyonal an ang layunin ang paalisin ang
kanluranin na pinagunahan ng samahang rebelyong boxers.
 Nasyonalismo na may impluwensiya ng kanluran na ang
layunin ay maging republika ang China na yakap ang
Ideolohiyang demokratiko na pinangunahan ni Sun Yat Sen
at Chiang Kai Shek
 Nasyonalismong may impluwensya ng komunismo na
pinangunahan ni Mao Zedong.
 Ano- anong Ideolohiya ang mga nabanggit?

 Demokratiko o Demokrasya :Uri ng pamamahala na kung


saan ang kapangyaraihan ay nasa kamay ng mga tao.
 Komunismo: ideolohiyang nagsasaad na walang uri ang mga
tao sa lipunan at pantay pantay ang lahat.
 Pinagmalupitan ng mga espanyol at pinasunod sa sa
kanilang sariling kautusan.

4. Paglinang sa kabihasnan( formative assessment)


Gumawa ng repleksiyon patungkol sa Aralin 2 patungkol sa iyong mga natutuhan.

5. Paghahalaw (abstraction)
c. Paglalahat
- Anong mga paraan ang ginawa ng bansang China upang sila ay maging malaya?
d. Pagpapahalaga
- Paano nila pinahhalagan ang kanilang pagmamahal sa kanilang bansa?

IV. PAGTATAYA
Enumerasyon: isulat sa ¼ sheet paper ang sagot.
1. 1-2 anong mga bansang europeo ang nanakop sa bansang China?
2. *
3. Ito ay ideolohiyang nagsasaad na walang uri ang mga tao sa lipunan?
4. Ito ay ideolohiya na kung saan ang kapangyarihan ay nasa kamay ng mga tao?
5. Isang lugar ng bansa kung saan ito ay kontrolado ang pamahalaan at politika ng
makapangyarihan bansa
Sagot:
France at England, komunismo, demokratiko o demokrasya, sphere of influence.

V. TAKDANG ARALIN
1. Paano nakamit ng Indonesia ang kanilang kalayaan?
2. Paano naging malaya at nahati ang bansang Korea?
LM *Asya pp.370

Inihanda ni: Tinunghayan ni:

RENZ ELISEO M. HERNANDEZ NESTOR A. GUIMBAOLIBOT


GURO I PANG-ULONG GURO VI/OFFICER-IN-CHARGE
Department of Education
MALIGAYA HIGH SCHOOL
SAN MIGUEL BULACAN
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN (7)

ASIGNATURA: ARALING PANLIPUNAN PETSA/ORAS: MARSO 08, 2019/10:45-11:45 n.h


ANTAS: BAITANG-7(ASYA)

I. LAYUNIN
Matapos ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan:
1. Nasusuri ang mga hakbang tungo sa paglaya ng Silangan at Timog-Silanagan Asya
(indonesia at korea); at
2. Naipapaliwanag ang pagkaunawa sa pagkamit ng kalayaan;
3. Nabibigyang halaga na pangalagaan ang kalayaan.

II. NILALAMAN
PAKSA: Nasyonalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya (Aralin 3: Hakbang Tungo sa
Paglaya ng Silangan At Timog Silangang Asya)
KAGAMITAN: black board, chalk, panturong biswal, laptop
SANGGUNIAN: LM. Pp. 364

III. PAMAMARAAN
1. Panimulang Gawain
 Pagdarasal
 Pagbati ng guro
 Pagtatala ng liban
 Balitaan
 Balik-aral
Ano anong mga salik ang nagpalaya sa bansang China?

2. Paglinang ng Aralin
a. Mga Gawain (aktibiti)
 Gawain: gumawa ng isang tula na may patungkol sa kalayaan.
3. Pagtatalakay
b. Pagsusuri (analisis)
 Anong (mga) bansa ang nanakop sa indonesia?
 Dutch at Japan
 Ano- anong pamaraan o ginawang pagkilos ng mga tiga-indonesia ang
kanilang ginawa upang makamit nila ang kalayaaan?
 Ito ay sa pamamagitan ng pagtatatag ng kilusan:
 Nasyonalista na may layuning makamit ang ganap na
kalayaan:
Nationalist Movement Nagtatag Layunin

Mga priyayi, uri ng mga nkapag-


Budi Utomo (1908) Itaguyod ang pagsasaayos ng kalagayan ng
aral at umangat sa lipunan dahil
Gloriuos Endeavor mga katutubo sa Indonesia
sa natamong edukasyon

Makamit ang kalayaan mula sa mga


Indies Social Democratic Mga Indonesian na Taga-sunod
Kanluranin sa pamamagitan ng paglulunsad
Association (1914) ng Marxismo
ng mga protesta noong 1926-1927
Hadji Samanhudi. Nagtaguyod ng
Maprotektahan ang interes ng mga
Sarekat Islam (1911) paniniwalang ang pagiging
Indonesian laban sa mga mangangalakal na
(Islamic Association) “Muslim” ay nangangahulugang
tsino lalo na sa industriya ng batik
pagiging “katutubo”
Muhammadiya-Ahmad Dahlan,
isang iskolar na Arab
Muhammadiyah and Itaguyod ang Edukasyon at serbisyong
Muhammadiyah att hasjim asjari,
Nadhlatul Ulama panlipunan sa Indonesia
pangulo ng isang paaralang
Muslim (Nahadlatul Ulama)
Perserikitan Nasional Makamit ang kalayaan mula sa mga Dutch
Indonesia (1927) Sukarno, ang naging unang upang matigil na ang paghihirap at
(Indonesian National pangulo ng Indonesia pagmamamalupit na dinaranas ng mga
Party) Indonesian
 Kailan nnakamit ng Indonesia ang kanilang kalayaan?
 Nakamit ng Indonesia ang kalayaan noong Agosto 17, 1945 sa
pamumuno ni Sukarno.

 Ano Ideolohiya ang nabanggit?

 Demokratiko o Demokrasya :Uri ng pamamahala na kung


saan ang kapangyaraihan ay nasa kamay ng mga tao.
 Anong bansa ang nanakop sa Korea?
 Sila ay sinakop ng bansang Hapones at Manchu
 Bakit sila tinaguriang Hermit Kingdom?
 Ang kanilang karanasan sa ilalim ng panananakop ang naging
dahilan upang isara ng koorea ang kanilang bansa mula sa
impluwensya ng mga dayuhan. Bunga nito, tinawag ang Korea
bilang “Hermit Kingdom.”
 Kailan nagsimulang umusbong ang nasyonalismo sa Korea?
 Maituturing na simulain ng nasyonalismo sa Korea ang pagsasara
nito sa mga dayuhan dahil hangarin nitong ma.protektahan ang
kulutura at bansa mula sa impluwensiya ng mga dayuhan.
 Sino ang namuno sa Korea sa ika-19 na siglo na sinsabing pinakamahusay sa
panahong ito?
 Haring Gojong- naging hari sa edad na 13. Dahil sa siya ay bata pa,
pansamantalang namuno ang kaniyang ama na sii Li ha-eung. Kilala
rin si li Ha-Eung bilang Daewongun na nangangahulugan ng the
Great Cour.
 Naging emeperador ng imperyong daehan si gojong noong 1897
 Ang pagkahati ng North Korea (hilaga) at South Korea (Timog):
o Nahati ang Korea pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Isang kapitalistang demokrasya ang Timog (south) Korea na
sinuportahan ng U.S at nanatiling Komunistang estado ang Hilaga
(north) Korea na sinuportahn naman ng Unyong Soviet USSR

4. Paglinang sa kabihasnan( formative assessment)


Pag ugnayin ang dalawang bansa (korea at Indonesia) sa kanilang pamamaraan ng
kanilang paglaya.

5. Paghahalaw (abstraction)
c. Paglalahat
- Anong mga paraan ang ginawa ng bansang Indonesia at Korea upang makamit
nila ang kanilang kasarinlan?
d. Pagpapahalaga
- Anong pagbabago ang ginawa ng dalawang bansa upang mapanatili nila ang
kapayapaan sa kanilang bansa?

IV. PAGTATAYA
Enumerasyon: isulat sa ¼ sheet paper ang sagot.
1. Siya ang unang naging pangulo o namuno sa bansang Indonesia?
2. Ang Korea ay tanyag sa taguri na ______?
3. Siya ay naging hari ng Korea sa edad lamang na 13?
4. Anong bansa ang sumuporta sa timog Korea?
5. Anong bansa ang sumakop sa bansang Korea?
Sagot:
Sukarno, Hermit Kingdom, haring Gojong, U.S, Japan

V. TAKDANG ARALIN
1. Paano nakamit ng Burma ang kanilang kalayaan?
2. Anong mga ideolohiya ang lumaganap sa bansang Burma?
LM *Asya pp.371

Inihanda ni: Tinunghayan ni:

RENZ ELISEO M. HERNANDEZ NESTOR A. GUIMBAOLIBOT


GURO I PANG-ULONG GURO VI/OFFICER-IN-CHARGE

You might also like