You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VI-Western Visayas
SCHOOLS DIVISION OF PASSI CITY
Passi City, Iloilo

LEARNING ACTIVITY SHEETS


IN ARALING PANLIPUNAN 7
IKAAPAT NA MARKAHAN- WEEK 1

DAHILAN, PARAAN, AT EPEKTO NG KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO NG


MGA KANLURANIN SA UNANG YUGTO (IKA-16 AT IKA-17 SIGLO) PAGDATING NILA SA
SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda (Kasanayan sa Pagkatuto)


Nasusuri ang dahilan, paraan, at epekto ng kolonyalismo at imperyalismo ng mga
kanluranin sa unang yugto (ika-16 at ika-17 siglo) pagdating nila sa silangan at
timog-silangang asya . (Week 1)

II. Panimula
Napakalaking epekto ang nagawa ng daang taon ng kolonyalismo at imperyalismo sa mga
bansang nasa Silangan at Timog-Silangang Asya. Ang kalakhang pamamaraan na ginamit noon ay
ang relihiyon at ang paghahati-hati upang masakop ang mga naturang bansa para sa kanilang mga
rekurso at dagdag na lakas paggawa. Ang naging epekto nito ay makikita sa pamumuhay at kultura
ng mga bansa, halimbawa na lamang ng Katolisismo sa Pilipinas na bunga ng pagsakop ng Espanya.
Sa araling ito, matutunghayan mo at mauunawaan ang dahilan, paraan, at epekto ng kolonyalismo at
imperyalismo ng mga kanluranin sa unang yugto (ika-16 at ika-17 siglo) pagdating nila sa Silangan at
Timog-Silangang Asya

KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA

Sa loob ng mahabang panahon ay mayroon nang ugnayan ang silangang asya sa


mga bansang kanluranin dahil sa mga sinaunang rutang pangkalakalan. Bunga nito, nabatid ng
mga kanluranin ang karangyaan ng mga bansa sa silangang asya. Bagama’t maraming
naghangad na ito ay masakop, hindi gaanong naapektuhan ang Silangang Asya ng unang
yugto ng imperyalismong kanluranin dahil na rin sa matatag na pamahalaan ng mga bansa
dito.

Isa ang bansang Portugal sa mga kanluraning bansa na naghangad na magkaroon ng


kolonya sa Silangang Asya partikular sa China. Nakuha ng Portugal ang mga daungan ng
Macao sa China at Formosa (Taiwan). Hindi nagtagal ay nilisan din ng Portugal ang mga
nabanggit na himpilan.

CHINA SA PANAHON NG IMPERYALISMO


Sa panahon ng pamamahala ng mga Manchu sa China tuluyang dumagsa ang mga kanluranin
sa China. Ang kanilang layuning makipagkalakalan sa Tsino ay nauwi sa pagkakaroon ng agresibong
hakbang upang maging makapangyarihan sa China. Napanatili man ng Manchu ang Kalayaan ng
imperyo, naging biktima ito ng imperyalismo ng mga knaluranin.
PAMAMAHALA NG DINASTIYANG QING
Pagkaraang bumagsak ang imperyalismong Ming noong 1644, muling napasailalim ang
mga Tsino sa banyagang pamamahala, ang dinastiyang Qing. Pinamunuan ng mga Manchu ang
China mula 1644 hanggang 1912. Ito ang kahuli-hulihang dinastiyang namahala sa Bansa.
ANG MGA EUROPEO SA CHINA
Naging aktibo ang mga misyonerong Jesuit sa China noong ika-17 siglo, nagkaroon sila ng
matataas na posisyon sa loon ng imperyo, tulad na lamang ng paring Italian na si Matteo Ricci na
naging tagapayo ni Emperador Wanli ng dinastiyang Ming noong 1601. Siya ay kaunaunahang
Europeong inanyayahang makapasok sa Forbidden City-Ang palasyo ng mga emperador ng China
mula sa panahon ng Ming hanggang Qing.
Nagkaroon ng malaking epekto sa China ang usaping pangkalakalan ngg Europe. Noong ika-18
siglo. Patuloy na dumagsa ang mga europeong mangangalakal sa imperyo. Dahil sa superior na
pagtingin ng mga Tsino sa kanilang sarili at sa lahat ng bagay na may kaugnayan sa kanila, naging
mahigpit ang mga patakarang pangkalakalang itinakda ng mga opisyal na Tsino sa mga panahong
Ito. Ito ay tinawag na Sistemang Canton
DAGDAG KAALAMAN
KOWTOW- hango sa mga salitang Chinese na Kou o “pagkatok” at tou o “ulo”. Ito ay isang
gawain sa silangang Asya ng pagbibigay ng matinding paggalang na isinasagawa sa pamamagitan ng
pagyukod o pagluhod hanggang sa dumikit ang noo sa lupa.
Ang SISTEMANG CANTON ay isang disenyo ng kalakalan na pinairal mula ika-17 hanggang 19 siglo
sa pagitan ng mga Tsino at banyagang mangangalakal, lalo na ang British, na nakikipagkalakalan sa
canton (ngayon ay Guangzhou) sa Hilagang tsina. Sa sistemang ito, lahat ng banyagang
pangangalakal sa Tsina ay limitado sa Canton, habang ang mga mangangalakal sa Tsina ay isinailalim
sa hanay ng mga patakaran at alituntunin ang pamahalaang Tsina.
EXTRATERRITORIALITY tumutukoy sa kaayusan kung saan ang mga akusadong dayuhan ay
lilitisin sa kanilang sariling korte (konsulado) at hindi sa korte ng bansang kanilang kinaroroonan.
Ang SPHERE OF INFLUENCE ay tumutukoy sa isang lugar kung saan ang dayuhang bansa ay may
mga espesyal na karapatang pangkomersiyo, tulad ng pagtatayo ng mga daungan, daang-bakal,
pabrika.
Ang KASUNDUANG SHIMONOSEKI ng 1895 ang nagbigay daan sapag-angkin ng Japan sa
Formosa (Taiwan) at Liadong Peninsula mula sa China.
Ang CONVENTION OF TIANJIN ay isang kasunduan sa pagitan ng Meiji Japan at Qing China na
nilagdaaan noong Abril 18, 1885. Alinsunod dito, kapwa ang japan at China ay ipinagbabawal ang
magpadala ng knailang tropa sa Korea nang walang pahintulot ng kabilang kampo

III. MGA GAWAIN


GAWAIN 1: PAGPUPUNO SA TSART

KANLURANING DAHILAN PARAAN NG EPEKTO NG


BANSA NA NG PANANAKOP PANANAKOP
NAKASAKOP PANANAKOP
1. SILANGANG
ASYA
GAWAIN 2: Kumpletuhin Mo!
Panuto: Kumpletuhin ang mga sumusunod na Pangungusap
1. Ang mga dahilan ng mga kanluranin kung bakit sinakop nila ang Silangang Asya
_______________.
2. Isa sa mga paraan ng mga kanluranin kung bakit tuluyang nasakop ang Silangang asya ay -
___________.
GAWAIN 3: GAWAING PAGGANAP
PERFORMANCE TASK– PAGGAWA NG TULA (100 puntos)
AKO AY ISANG MAKATA
Panuto: Ang silangang Asya ay nakaranas ng pananakop sa kamay ng mga kanluranin. At marami
ang naging mabuti at masamang epekto nito sa buhay ng mga taga Silangang Asya. Sa
pamamagitan ng tula, sumulat ng iyong opinion tungkol sa mga epekto ng pananakop.

RUBRICS SA PAGMAMARKA NG GAWAIN

PAMANTAYAN INDIKADOR PUNTOS NATATAMONG


PUNTOS
NILALAMAN  Nagpapakita at naipapaliwanag
nang maayos ang ugnayan ng 40
lahat ng konsepto sa paggawa ng
tula
KAANGKUPAN NG  Maliwanag at angkop ang
KONSEPTO mensahe sa paglalarawan ng 20
konsepto
PAGKAMAPANLIKHA  Orihinal ang idiya sa paggawa ng 20
(ORIGINALITY) poster
KABUUANG  Malinis at maayos ang kabuuang 10
PRESENTASYON presentasyon
PAGKAMALIKHAIN  Gumagamit ng tamang
(CREATIVITY) kombinasyon at kulay upang
maipahayag ang nilalaman,
konsepto, at mensahe. 10
KABUUAN 100

IV. SUMMATIVE TEST


GAWAIN 3: PAGSULAT NG SANAYSAY

PANUTO: Sumulat ng sanaysay batay sa mga sumusunod na katanungan.


1. Sa iyong palagay ano ang isa sa mga pinakamahigit na dahilan ng mga kanluranin kung bakit
tuluyang sinakop ang silangang Asya? Ipaliwanmag ang iyong kasagutan.
2. Timbanging maigi, mabuti ba o masama ang epekto ng pananakop? Bakit?
3. Sa kasalukuyang panahon, may nangyayari bang kolonyalismo at imperyalismo? Magbigay ng
halimbawa.

You might also like