You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

7
Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan-Modyul 1,Week 1 & 2
MGA DAHILAN, PARAAN AT EPEKTO NG KOLONYALISMO AT
IMPERYALISMO NG MGA KANLURANIN SA UNANG YUGTO
(IKA-16 SIGLO AT IKA-17 SIGLO) PAGDATING NILA SA
SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA

Name of Learner: ___________________________


Grade & Section: ___________________________
Name of School: ___________________________
Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang
Ikaapat Na Markahan – Modyul 1, Week 1 & 2: Mga Dahilan, Paraan at Epekto ng Kolonyalismo at
Imperyalismo ng mga Kanluranin sa unang yugto (Ika-16 Siglo at ika-17 Siglo) Pagdating Nila sa Silangan
at Timog-Silangang Asya
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa
anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin
ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari
ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang
walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Gumawa at Sumulat ng Modyul

Manunulat: Monina R. Antiquina, EMD

Tagasuri: Nelson S. Lasagas

Tagaguhit: Chris Raymund M. Bermudo

Tagalapat:

Tagapamahala:
Virgilio P. Batan, Jr. – Schools Division Superintendent
Lourma I. Poculan – Asst. Schools Division Superintendent
Amelinda D. Montero- Chief, CID
Nur N. Hussien, DM – Chief, SGOD
Monina R. Antiquina,EMD – Education Program Supervisor AP
Ronillo S. Yarag, EdD – EPS – LRMDS
Leo Martinno O. Alejo – PDO II – LRMDS

Printed in the Philippines by


Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools Division
Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City
Zamboanga del Norte, 7100
Telefax: (065) 212-6986 and (065) 212-5818
E-mail Address: dipolog.city@deped.gov.ph
Alamin
MELC: Nasusuri ang mga dahilan, paraan at epekto ng Kolonyalismo at
Imperyalismo ng mga Kanluranin sa Unang Yugto (Ika-16 Siglo at Ika-17 Siglo)
pagdating nila sa Silangan at Timog-Silangang Asya

Pagkatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. Naibibigay ang kahulugan ng Kolonyalismo at Imperyalismo
2. Natutukoy ang mga dahilan,paraang ginamit ng mga Kanluranin sa pagpapatupad ng
kolonyalismo at imperyalismo sa Silangang Asya at Timog-Silangang Asya
3. Nailalarawan ang mga epekto ng kolonyalismo at imperyalismo sa Silangang Asya at
Timog-Silangang Asya

Balikan
Napakaraming kontribusyon ng Silangan at Timog- Silangang Asya sa Kulturang Asyano.
Balikan natin ang mga ito sa pamamagitan ng pagsagot sa Gawain.

Gawain A. MAAALALA KO PA KAYA?


Isulat sa loob ng talahanayan (chart) ang mga kontribusyon kung saan ang mga ito
nabibilang.

Mangkok na putik Ragas Baraha


Sanskrit Borobudur ng Java, Indonesia
Mahabharata at Ramayana Mosque Judo
Shakuntala Tambourin Tale of Alibata and
Panchatantra Plauta the 40 Thieves
Stupa Kabaddi Gusaba
Taj Mahal Chess Karate
Adventure of Sinbad Missafa
Angkor Wat ng Cambodia Mizmar
Ribat Harpa

MGA NAGING KONTRIBUSYON NG TIMOG SILANGANG ASYA SA KULTURANG ASYANO


Musika ,Sayaw at
Panitikan Arkitektura Palakasan
Sining

1
Aralin Mga Dahilan, Paraan at Epekto ng Unang Yugto ng
Kolonyalismo at Imperyalismo ng mga Kanluranin sa
1 Silangan at Timog-Silangang Asya

Tuklasin
Ang Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangang Asya at Timog-Silangang Asya ay nagdudulot ng
pagpapahalaga at pagtugon ng mga Asyano sa mga pagbabago ng pag-unlad at makabagong panahon.
Bukod dito, masusuri din ang mga dahilan, paraan at epekto ng kolonyalismo at imperyalismo sa
unang yugto noong ika-16 na siglo at ika-17 siglo pagdating ng kanluranin dito sa mga rehiyong ito
ng Asya.

Gawain B. ALAM KO YAN!


Panuto: Sa pamamagitan ng Concept Map, ano –anu kaya ang mga dahilan ng pananakop ng mga
kanluranin at nagtatag pa ng mga kolonya nito sa Silangang Asya at Timog-Silangang Asya? Maaaring
magdagdag pa ng mga bilog kung marami ang mga nalalamang dahilan.

Mga dahilan
ng
pananakop
ng mga
Kanluranin

Pamprosesong Tanong: Isulat sa kwaderno ang kasagutan mo sa tanong:


1. Bakit mo nasabi na ang mga ito ang dahilan ng mga kanluranin sa pananakop dito sa
Silangan at Timog-Silangang Asya? Patunayan mo ang iyong mga kasagutan.

2
Suriin

MGA DAHILAN, PARAAN AT EPEKTO NG KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGAN AT


TIMOG-SILANGANG ASYA

Ang KOLONYALISMO ay tumutukoy sa pagtatamo ng mga lupain upang matugunan ang


layuning pang-komersyal at panrelihiyon ng isang bansa. Ang kolonisasyon ng mga Kanluranin ay
nagmula sa mga bansang Europeo na gustong ipalaganap ang kanilang pananampalataya,
makatuklas ng iba pang ruta patungo sa Silangan upang simulan ang pagtatag ng mga kumpanyang
pangkalakalan, at kilalanin sila bilang isang makapangyarihang bansa. Ang IMPERYALISMO naman
ay tumutukoy sa patakaran ng isang makapangyarihang bansa na palawakin ang kanilang
kapangyarihan sa pamamagitan ng pagsakop o pagkontrol sa pangkabuhayan at pampulitikang
kaayusan ng isa o iba’t ibang bansa.

UNANG RUTA NG KALAKALAN SA UNANG YUGTO NG KOLONYALISMO

https://tinyurl.com/Ruta-ng-Unang-Kolonyalismo

3
https://tinyurl.com/Ruta-ng-Unang-Kolonyalismo

SILANGANG ASYA

Sa loob ng mahabang panahon ay mayroon nang ugnayan ang Silangang Asya sa mga bansang
Kanluranin dahil sa mga sinaunang rutang pangkalakalan. Bunga nito, nabatid ng mga Kanluranin
ang karangyaan ng mga bansa sa Silangang Asya. Bagamat maraming naghangad na ito ay masakop,
hindi gaanong naapektuhan ang Silangang Asya ng Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin dahil
na rin sa matatag na pamahalaan ng mga bansa dito.

Isa ang bansang Portugal sa mga Kanluraning bansa na naghangad na magkaroon ng kolonya sa
Silangang Asya partikular sa China. Nakuha ng Portugal ang mga daungan ng Macao sa China at
Formosa (Taiwan). Ngunit hindi nagtagal ay nilisan din ng Portugal ang mga nabanggit na himpilan.
Sa Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin, maraming bansa ang nag-unahan na masakop
ang bansang China.

TIMOG SILANGANG ASYA

Kung ang Silangang Asya ay hindi gaanong naapektuhan, iba naman ang naging kapalaran ng
mga bansa sa Timog Silangang Asya noong Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin. Karamihan
ng mga daungan sa rehiyong ito ay napasakamay ng mga Kanluranin. Ang mataas na paghahangad
na makontrol ang kalakalan ng mga pampalasa at pagkuha ng ginto ang siyang nagtulak sa kanila na
sakupin ang Timog Silangang Asya.

Nauna ang mga bansang Portugal at Spain sa pananakop ng mga lupain. Nang lumaya ang
Netherlands mula sa pananakop ng Spain, nagtayo rin ito ng mga kolonya sa Timog Silangang Asya.
Hindi nagtagal ay sumunod din ang mga bansa ng England at France.

Ang sumusunod ay bansa sa Timog Silangang Asya na sinakop noong Unang Yugto ng
Imperyalismong Kanluranin.
PILIPINAS
Sumakop: ESPAÑA Mga lugar na sinakop: Halos kabuuan ng Luzon at Visayas at ilang bahagi ng
Mindanao. DAHILAN: Mayaman ang Pilipinas sa ginto, May mahusay na daungan tulad ng Maynila.
4
PARAAN NG PANANAKOP: Unang dumaong sa isla ng Homonhon
si Ferdinand Magellan, isang Portuges na naglayag para sa Hari
ng España noong Marso 16, 1521. Nabigo siyang masakop ang
Pilipinas dahil namatay siya ng mga tauhan ni Lapu Lapu sa
Labanan sa Mactan. Nagpadala ang Hari ng Espanya ng iba pang
paglalakbay na ang layunin ay masakop ang Pilipinas.

RUTA ng PAGLALAKBAY NI MAGELLAN

https://tinyurl.com/88849e7c
https://tinyurl.com/3nvm92uz

PARAAN NG PANANAKOP: Ang paglalakbay na pinamunuan ni Miguel Lopez de Legazpi ang


nagtagumpay na masakop ang bansa sa pamamagitan ng pakikipagkasundo sa mga lokal na pinuno
at paggamit ng dahas. Itinayo ang unang pamayanang Espanyol sa Cebu
noong Abril 27, 1565 mula dito ay sinakop din ang iba pang lupain tulad
ng Maynila na itinuturing na isa sa pinakamagandang daungan at sentro
ng kalakalan sa Asya.

https://tinyurl.com/Miguel-Lopez-de-Legaspi

PARAAN NG PANANAKOP: Nakatulong din sa pananakop ng España ang pagpapalaganap ng


relihiyong Kristiyanismo. Natuklasan din ng mga Español ang karangyaan ng Pilipinas sa ginto lalo
na sa mga lugar ng Ilocos, Camarines, Cebu at Butuan sa Mindanao.

Si Ferdinand Magellan ay narating niya ang Silangan gamit ang rutang paKanluran. at ditto
napatunayan sa kanyang paglalakbay na bilog ang mundo.

Ano ang kahalagahan ng paglalakbay ni Ferdinand Magellan?


Ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo – ang relihiyong ipinalaganap ng mga Español ang
pinakamahalagang kontribusyon sa naging paglalakbay ni Ferdinand Magellan. Isa ito sa mga paraan
na ginamit ng mga Espanyol sa pananakop sa Pilipinas. Nakatulong ang mga misyonero na
mapalaganap ang Kristiyanismo pagkatapos maisakatuparan ang patakarang reduccion (ito ay
naglalayon na mailipat ang mga katutubo na naninirahan sa malalayong lugar upang matiyak ang
kanilang kapangyarihan sa kolonya, gayundin ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo). Nasakop ng
relihiyon ang pag-iisip at damdamin ng mga Pilipino kung kaya’t mas madali silang napasunod ng
mga Español.

Ang Mindanao hindi tulad ng Luzon at Visayas, ilang bahagi lamang ng Mindanao ang nasakop ng
mga Espanyol dahil sa matagumpay na pakikipaglaban ng mga Muslim.

5
Ang SANDUGUAN ay isa pang paraan ng mga Espanyol sa pananakop.Ito ay ang pakikipagkaibigan
sa mga lokal na pinuno na pormal niyang ginagawa sa pamamagitan ng Sanduguan. Iniinom ng lokal
na pinuno at pinunong Espanyol ang alak na hinaluan ng kani-kanilang dugo. Sa ibang lugar naman
ay ginagamitan nila ng puwersa o dahas upang masakop ang lupain.

MGA PATAKARANG IPINATUPAD NG MGA ESPANYOL SA PILIPINAS

A. PANGKABUHAYAN

1. Ang Tributo - sa patakarang ito, pinagbabayad ng buwis ng mga Espanyol ang mga
katutubo. Ilan sa maaaring ipambayad ay ginto, mga produkto at mga ari – arian.
Dahil sa pag – aabuso sa pangongolekta, maraming katutubo ang naghirap at
nawalan ng kabuhayan.

2. Ang Polo y servicio - sa ilalim ng patakarang ito ay sapilitang pinagtatrabaho ang mga
kalalakihang edad 16 hanggang 60. Pinagawa sila ng tulay, kalsada, simbahan, gusaling
pampamahalaan atbp. Marami sa kanila ang nahiwalay sa pamilya at namatay sa hirap.

https://tinyurl.com/Polo-Y-Servicious

3. Monopolyo- kinokontrol ng mga Espanyol ang kalakalan. Hinawakan nila ang pagbebenta ng
mga produktong mabili sa Europa tulad ng tabako. Kumita sila ng malaki sa Kalakalang Galyon.
Maraming pamilya ang nagutom dahil sa hindi sila nakapagtanim ng kanilang makakain. May
ilang pamilyang Pilipino ang kumita sa Kalakalang Galyon ito ay ang tinatawag na ilustrado.

6
https://tinyurl.com/Monopolyo-sa-Tabako

B.PAMPULITIKA

Sentralisadong Pamamahala - napasailalim sa pamumuno ng mga Espanyol ang halos kabuuan


ng bansa. Itinalaga ng Hari ng Spain bilang kanilang kinatawan sa Pilipinas ang Gobernador –
Heneral. Siya ang pinakamataas na pinunong Espanyol sa Pilipinas. Nawala sa kamay ng mga
katutubo ang karapatang pamunuan ang kanilang sariling lupain. Pinayagang silang maglingkod
sa pamahalaan subalit sa pinakamababang posisyon.

Ang Simbahang Katoliko - dahil sa impluwensiya sa taong – bayan, naging makapangyarihan din
ang mga Espanyol na pari at kura- paroko noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol.

SENTRALISADONG PAMAHALAAN ay binubuo ng Gobernador – Heneral, Alcalde Mayor /


Corregidor, Gobernadorcillo at Cabeza de Barangay.

C.PANGKULTURA

Pagpapalaganap ng Kristiyanismo - niyakap ng mga katutubo ang Kristiyanismo. Pinapatay ang


mga pinuno ng mga katutubong relihiyon. Dahil dito, maraming katutubo ang naging
Kristiyanismo at mas madaling napasunod ng mga Espanyol ang mga katutubo.

Wika at mga Pagdiriwang - natuto ang mga katutubo ng wikang Espanyol. Idinaos din
ang mga taunang pagdiriwang tulad ng pista ng bayan, Santacruzan, Araw ng mga
Patay, Pasko. Kadalasan, ang mga pagdiriwang ay may kaugnayan sa Kristiyanismo.
Lalong nagpakulay sa kultura ng mga katutubo ang mga nabanggit na pagdiriwang.

7
https://tinyurl.com/Unang-Misa

SUMAKOP: PORTUGAL, NETHERLANDS AT ENGLAND

MGA LUGAR NA SINAKOP: Ternate sa Moluccas – nasakop ng Portugal ang Amboina at


Tidore sa Moluccas – may panahon na inagaw ng Netherlands ang lugar mula sa
Portugal. Panandaliang lamang nakuha ng England ang Moluccas subalit bumalik
din sa Netherland.

Ang Batavia (Jakarta) – ay sakop din ng Netherlands

DAHILAN NG PAGSAKOP: Mayaman sa mga pampalasa, mga sentro ng kalakalan at


maayos na daungan

8
INDONESIA

PARAAN NG PANANAKOP: Dahil sa paghahangad sa mga pampalasa, narating ng Portugal ang Ternate
sa Moluccas noong 1511. Nagtayo sila ng himpilan ng kalakalan dito at nagsimulang palaganapin ang
relihiyong Kristiyanismo. Pinaalis ng mga Dutch ang mga Portuges noong 1655 at sinakop ang mga
isla ng Amboina at Tidore sa Moluccas gamit ang mas malakas na puwersang pandigma. Upang
mapanatili ang kanilang kapangyarihan, nakipag- alyansa ang mga Dutch sa mga lokal na pinuno ng
Indonesia.

Isang pang paraan ng pananakop ay ang paggamit din nila ng DIVIDE AND RULE POLICY upang
mapasunod at masakop ang mga nabanggit na isla. Dahil dito nagkaroon ng monopolyo sa kalakalan
ng mga pampalasa ang mga Dutch. Lalo pang napatatag ng Netherlands ang monopolyo noong itinatag
nito ang Dutch East India Company. Pansamantalang nakuha ng England ang Moluccas dahil sa
epekto ng Napoleonic Wars subalit naibalik din ito sa mga Dutch matapos ang digmaan.

Ang Netherlands ay dating sakop ng mga Español . Nang lumaya ito, nagsimula siyang nagpalakas ng
kagamitan sa paglalakbay sa dagat at sa pakikidigma. Dutch
ang tawag sa mga naninirahan dito. Mga Pampalasa at mataas
na paghahangad at pangangailangan ng mga Kanluranin sa
mga pampalasa na makukuha sa Asya tulad ng cloves, nutmeg
at mace ang layunin ng mga Dutch sa pananakop. Halos kasing
halaga ng ginto ang mga pampalasa na ito sa pamilihan ng mga
bansang Europeo (Kanluranin).

Ang Divide and


Rule Policy ay ang isang paraan ng pananakop ng mga
Dutch kung saan ay pinag- aaway-away ng mananakop
ang mga lokal na pinuno o mga naninirahan sa isang lugar
upang mas madali niya itong masakop. Sa ibang lugar,
ginagamit naman ng mga mananakop ang isang tribo
upang masakop ang ibang tribo.

Ang Moluccas na tinatawag ding Maluku- kilala bilang SPICE ISLAND. Ito ang lupain na nais marating
ng mga Kanluranin upang makontrol nila ang kalakalan ng mga pampalasa. Sa kasalukuyan, ito ay
bahagi ng bansang Indonesia. Ang Dutch East India Company ay itinatag na pamahalaan ng
Netherlands noong 1602 upang pag-isahin ang mga kompanya na nagpapadala ng paglalayag sa
Asya. Pinahintulutan ang Dutch East India Company na magkaroon ng sariling hukbo na nagtatanggol
laban sa mga pirata, magtayo ng daungan sa mga lupaing nasasakop at makipagkasundo sa mga lokal
9
na pinuno ng mga bansa sa Asya. Binigyan din ito ng karapatan ng pamahalaan ng Netherlands na
manakop ng mga lupain. Kontrol ng Dutch East India Company ang spice trade sa Timog Silangang
Asya na nagpayaman sa bansang Netherlands.

Hindi tulad ng mga Espanyol, sinakop lamang ng mga Dutch ang mga sentro ng kalakalan ng mga
Indones noong 1511. Ito ang naging pangunahing patakaran ng mga Dutch sa pamumuno ng Dutch
East India Company sa pananakop dahil mas malaki ang kanilang kikitain at maiiwasan pa nila ang
pakikidigma sa mga katutubong pinuno. Subalit, kung kinakailangan, gumagamit din sila ng puwersa
o dahas upang masakop ang isang lupain. Bunga nito, pangunahing naapektuhan ang kabuhayan ng
mga katutubong Indones. Lumiit ang kanilang kita at marami ang naghihirap dahil hindi na sila ang
direktang pakikipagkalakalan sa mga dayuhan. Sa kabila ng pagkontrol sa kabuhayan, hindi naman
lubusang naimpluwensiyahan ng mga Dutch ang kultura ng mga Indones.

MALAYSIA

Tulad ng Pilipinas, maraming bansa rin ang sumakop sa Malaysia. Ito ay ang Portugal, Netherlands
at England. Pangunahing layunin din ng mga nanakop na bansa ang pagkontrol sa mga sentro ng
kalakalan. Bukod sa kalakalan, sinubukan din ng mga Portuges na palaganapin ang Kristiyanismo sa
mga daungan na kanilang nasakop subalit hindi sila nagtagumpay dahil sa malakas na impluwensya
ng Islam sa rehiyon. Samantala, hindi gaanong naimpluwensiyahan ng mga bansang Netherlands at
England ang kultura ng Malaysia. Maraming katutubo ang naghirap dahil sa pagkontrol ng mga
nabanggit na bansa sa mga sentro ng kalakalan sa Malaysia.

Gawain
Gawain C. NATUTUNAN KO ANG MGA ITO!
Panuto: Pagkatapos basahin ang mga konsepto tungkol sa paksang pinag-aaralan, ikaw
ay handa na upang sagutin ang mga sumusunod na Gawain upang malaman na ikaw
ay may natutunan.
Mga Tanong:
1. Ayon sa sariling pagkakaunawa, ano ang pagkakaiba ng Kolonyalismo at
Imperyalismo?
Sagot:_______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________.

Gawain D. MAPA-NAKOP
Panuto: 1. Pag-aralang mabuti ang mapa sa Unang Ruta ng Kalakalan sa unang yugto
ng kolonyalismo at imperyalismo. Anu ano ang mga narating na lugar ng TRADERS
ROUTE? Isulat ang sagot sa Flowchart. Gawin ang pagsagot sa kuwaderno.

FLOWCHART

10
2. Pag-aralan ang naging ruta ng mga Portuges sa kanilang paglalakbay kung sila ay nagmula
sa Lisbon, Portugal, anu ano ang mga lugar na narating nila bago marating ang Goa at
Calcutta sa India? Isulat ang mga sagot sa Flowchart at gawin ito sa kuwaderno.

FLOWCHART

Lisbon,
Portugal

Goa at Cacutta,
India

Gawain E. KUMPLETUHIN KO ITO!


Panuto: Sa pamamagitan ng DATA RETRIEVAL CHART, isulat ang mga kasagutan sa mga
hinihiling. Isulat ang sagot sa kwaderno.

DATA RETRIEVAL CHART

Mga Dahilan, Paraan at Epekto ng mga Kanluranin sa Unang yugto ng Kolonyalismo at


Imperyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya

Mananakop na
Mga bansang Dahilan ng Paraan ng Epekto ng
Bansa
nasakop pagsakop Pagsakop Pananakop
1. Espanya
2. Portugal
3. Netherlands

Pagyamanin
Gawain F. ANO ANG PAGKAKAIBA? Gawin ang pagsagot sa kuwaderno: 1. Tanong:
Ano ang pagkakaiba ng pananakop ng mga Espanyol at mga Dutch?

Espanya Dutch

Pagkakaiba
ng
pananakop

11
2.Alin sa iyong palagay ang mas mabuting paraan ng pananakop sa pagitan ng Espanya at
Netherlands? Patunayan ang iyong sagot?
Sagot:
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_____________________________________.
3. Kung ikaw ay nabubuhay sa panahon na iyon at ikaw ang TAGAPAYO sa 2 bansa, ano ang
maipapayo mo sa Espanya? Ano ang maipapayo sa Netherlands?

Sagot:
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________

4. Magkaiba ba ang maipapayo sa dalawang bansa? Bakit?g


Sagot:
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________

Isaisip
1. Ang Kolonyalismo ay ay tumutukoy sa pagtatamo ng mga lupain upang matugunan ang
layuning pang-komersyal at panrelihiyon ng isang bansa.
2. Ang Imperyalismo ay tumutukoy sa patakaran ng isang makapangyarihang bansa na
palawakin ang kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagsakop o pagkontrol sa
pangkabuhayan at pampulitikang kaayusan ng isa o iba’t ibang bansa.
3. Ang mga Kanluranin ay gumamit ng mga paraan ng kanilang pananakop tulad ng ,,
paggamit ng dahas, pagpapalaganap ng kristiyanismo at ang divide and rule policy.
4. Ang pinakamahalagang naganap sa paglalakbay ni Ferdinand Magellan ay matagumpay
na pagpapalaganap ng Kristiyanismo at ang pagpapatunay na ang mundo ay bilog.
5. Maraming ipinatupad ang Espanyol sa pananakop nila sa Pilipinas, nandiyan yong
pagpapatupad nila ng mga patakaran na labis na nagdudulot ng paghihirap sa mga
Pilipino noon tulad ng tributo, polo y servicios at monopoly sa tabako.
6. Sa pulitika, ipinatupad ang sentralisadong pamamahala kung saan ang Gobernador-
Heneral ang pinakamataas na pinuno bilang kinatawan ng hari ng Espanya.
7. Sa kultura, pinaka makulay ang impluwensya ng mga Espanyol sa larangang ito,
nandiyan ang pagpapalaganap ng kristiyanismo, ang pagdalo ng mga misa, pista,
santacruzan, araw ng mga patay at ang pinakamahabang pagdiriwang ng pasko.
8. Ang bansang Indonesia ay nasakop ng Netherlands dahil sa yaman nito sa mga
pampalasa na higit na mahal kaysa ginto sa Europa noon.
9. Ang mga Dutch ay sinasakop lamang ang mga sentro ng kalakalan dahil mas malaki ang
kikitain niya rito at maiiwasan pa nila ang pakikidigma sa mga katutubo.
10. Sinakop ng Portugal ang Malaysia at sinubukang ipalaganap ang kristiyanismo subalit
nabigo sila dahil sa malakas na impluwensya ng relihiyong Islam sa lugar.

Pagtataya
A. PAGTUTUKOY: : Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Piliin sa loob
ng kahon ang tamang kasagutan na hinihiling sa bawat bilang. Gawin ang
pagsagot sa hiwalay na sagutang papel.

12
Kolonyalismo Netherlands Divide and Rule
Imperyalismo Polo y servicios Ferdinand Magellan
Sandugua Tabako Sanduguan Indonesia
Tributo Kristiyanismo Masjid o Mosque

___________1. Ang pakikipag kasunduan ng mga dayuhang mananakop sa mga


katutubong pinuno sa pamamagitan ng pag –inom ng pinaghalong
dugo nila.
____________2. Pinag-aaway ng mga mananakop ang mga katutubong pinuno upang mas
madali nilang masakop ang mga lugar.
__________3. Mula 16-60 edad ng mga katutubong lalaking Pilipino na sapilitang pagtatrabaho
ng mga iba't ibang gusali.
__________4. Ang isa sa pinakamahalagang ambag ng paglalakbay ni Ferdinand Magellan.
__________5. Ang produktong pinagkakakitaan ng mga Espanyol at ginawang monopolyo sa
larangan ng agrikultura.
__________6. Ang pananakop ng mga lupain upang makunan ang pangangailangang pang-
komersyal at mapalawak ang pananampalataya.
__________7. Sapilitang pangongolekta ng buwis ng mga Espanyol at hindi lamang salapi ang
maaring pambayad kundi pati rin mga produkto, ari-arian at pati na rin mga
ginto.
___________8. Patakaran ng isang makapangyarihang bansa na palawakin ang kanilang
kapangyarihan sa pamamagitan ng pagsakop o pagkontrol sa pangkabuhayan at
pampolitika ng kaayusan ng isa o iba’t ibang bansa.
___________9. Taglay ng bansang ito ang may pinakamayamang lupin ng pampalasa kung kayat
naging tampulan ng pananakop ng mga kanluranin.
___________10. Ang tawag sa kanyang mga mamamayan ay mga Dutch.

B. PAGHAHAMBING: Panuto: Hanapin sa Hanay B ang mga hinihiling sa


Hanay A. Isulat lamang ang tamang titik. Gawin ito sa hiwalay na sagutang papel.

A B

__________11. Mga produkto at ari-arian ay A. polo y servicios


maaaring pambayad B. Moluccas
__________12. 16-60 sapilitang pagtatrabaho C. Tributo
__________13. Pagkontrol sa kalakalan D. Netherlands
__________14. Spice Island E. Monopolyo
__________15. Dutch ang mga tao ditto F. mosque
G. Gobernador-Heneral

Karagdagang Gawain
Gawain G. PAGSULAT NG LIHAM: Panuto: Kunwaring ikaw ay gagawa ng sulat sa iyong
kaibigan tungkol sa naging reaksyon ng Asyano sa pananakop ng mga Kanluranin, ano ang laman ng
sulat mo?

13
Mahal Kong Kaibigan___________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
____________________.
Sumasaiyo,
_________________________

Susi ng Pagwawasto

BALIKAN kanluranin
Mga Naging Kontribusyon ng Timog Silangang ang kulturang
Asya sa Kulturang Asyano Ipalaganap
Panitikan Arkitektura Musika,sining Palakasan ang teritoryo Goa at Calcutta, India
at Sayaw Mapalawak of Good Hope – Zenzibar –
Sanskrit Stupa Ragas Kabaddi pampalasa Senegambia (Africa) – Cape
Mahabharata Taj Mahal Tambourin Chess pulo ng Lisbon, Portugal –
at Ramayana Angkor Wat Plauta Baraha Marating ang PORTUGES
Shakuntala ng Cambodia Missifa Judo RUTA NG MGA
Panchatantra Borobudur Gusala Karate
ang kristiyanismo
– Europa
Adventure of ng Java, Mizmar Palaganapin Constantinople (Asia Minor)
Sinbad Indonesia Harpa at mga ginto India – Persia –
Tale of Masjid o tulad ng mineral
Mosque
– Moluccas (Indonesia) –
Alabata and
the 40 Ribat
likas na yaman Persia – Samarkand – China
Thieves Mayaman sa (Asia Minor) – Baghdad –
Pananakop: Europa- Constantinople
Mga Dahilan ng TRADERS ROUTE:
UNANG
YAN!
Gawain D. MAPA-NAKOP
Gawain B. ALAM KO

PAGTATAYA: A. Pagtukoy B. PAGHAHAMBING


1. Sanduguan 11. C
2. Divide and Rule 12. A
3. Polo y Servicios 13. E
4. Kristiyanismo 14. B
5. Tabako 15. D
6. Kolonyalismo
7. Tributo
8. Imperyalismo
9. Indonesia
10.Netherlands

Sanggunian:
1. file:///C:/Users/DEPED-CDO/Downloads/ap-161126004222.pdf
2. https://tinyurl.com/3dxrexm5

14

You might also like