You are on page 1of 11

1

ARALING PANLIPUNAN 7- IKATLONG KWARTER

Pangalan: ______________________________________________________________
Pangkat: _______Guro: _________________________________________________

Aralin
Aralin
imperyalismo ng mga
3 Kanluranin sa Timog at
Kanlurang Asya sa unang
yugto (ika-16 at ika-17 siglo).
2Epekto ng kolonyalismo at
Most Essential Learning Competency
Nasusuri ang mga dahilan, paraan at epekto ng kolonyalismo at imperyalismo
ng mga Kanluranin sa unang yugto (ika-16 at ika-17 siglo) pagdating nila sa Timog at
Kanlurang Asya.

Ang modyul na ito ay ginawa upang maipaliwanag ang mga naging epekto ng
kolonyalismo at imperyalismo ng mga Kanluranin sa Timog at Kanlurang Asya sa
unang yugto (ika-16 at ika-17 siglo). Layunin din ng modyul na ito na masuri ang mga
transpormasyon na naganap sa mga pamayanan at estado sa Timog at Kanlurang
Asya sa pagpasok ng mga kaisipang Kanluranin partikular sa larangan ng
pamamahala, kabuhayan, teknolohiya, lipunan, paniniwala, pagpapahalaga, at
kultura.
Pagkatapos basahin ang modyul na ito inaasahang:
1. Naipapaliwag ang mga naging epekto ng kolonyalismo at imperyalismo ng mga
kanluranin sa Timog at Kanlurang Asya sa Unang Yugto (ika-16 at ika-17
siglo).
2. Nasusuri ang mga transpormasyong naganap sa mga pamayanan at estado ng
Timog at Kanlurang Asya.
3. Napapahalagahan ang mga naging karanasan ng mga taga Timog at Kanlurang
Asya sa unang yugto ng kolonyalismo at imperyalismong kanluranin at kung
paano ito nakaapekto sa kanilang pamumuhay.

Napag-aralan natin sa nakaraang aralin ang mga dahilan at paraan na ginamit


ng mga kanluranin sa kanilang unang yugto (ika-16 hanggang ika-17) ng
imperyalismo at kolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya. Bago tayo magpatuloy
sa susunod na paksa maaaring sagutin muna ang unang pagsubok para sa
linggong ito.

AP 7 - Qtr 3 -Week 2
2
ARALING PANLIPUNAN 7- IKATLONG KWARTER
Panuto: Basahing mabuti ang pangungusap. Suriin kung ito ay TAMA o MALI.
_____1. Nagdulot ng maraming pagbabago sa pamumuhay ng mga Asyano ang
pananakop ng mga Kanluranin sa Timog at Kanlurang Asya.
_____2. Pinanatili ng mga Kanluranin ang pamamahala ng mga katutubo sa kanilang
nasasakupan.
_____3. Lahat ng mga transpormasyong naganap sa Timog at Kanlurang Asya sa
panahon ng pananakop ng mga Kanluranin ay nakapagpabuti sa kanilang
pamumuhay.
_____4. Isa sa pinakamagandang epekto ng kolonyalismo at imperyalismong
Kanluranin ay ang pagkakatatag ng mga kilusang nasyonalismo. _____5. Sa
panahong ito, maraming katutubo ang yumakap sa Kristiyanismo.

Panuto: Balikan natin ang ilan sa mga dahilan na nagbunsod sa mga Kanluranin
upang magtungo sa Asya. Tukuyin ang dahilang ipinahihiwatig ng bawat larawan na
makikita sa loob ng kahon. Isulat ang letra ng wastong sagot.
a. Pagbagsak ng

1. 2.

3.

5.
4.
Constantinople
b. Renaissance
c. Krusada
d. Paglalakbay ni Marco Polo e. Merkantelisno

AP 7 - Qtr 3 -Week 2
3
ARALING PANLIPUNAN 7- IKATLONG KWARTER

Mga epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya


(Ika-16 Hanggang Ika-17 Siglo)
Maraming pagbabago sa pamumuhay ng mga Asyano ang naidulot ng
pananakop ng mga Kanluranin sa Timog at Kanlurang Asya. Ang mga pangyayaring
ito ay naging dahilan ng pagbabago sa pamumuhay ng mga katutubong Asyano sa
iba’t-ibang aspekto mula nang sila ay tuluyang pamahalaan ng mga Kanluranin.
Ang Indian at mga Arabe ay lubhang naapektuhan. Pinakinabangan nang husto ang
mga likas na yaman at mga hilaw na sangkap bunga nang nagaganap na
Rebolusyong Industriyal na nagdulot ng pagdagsa ng mga kapitalista sa mga
kolonya. Ang mahabang panahon ng pananakop ng mga imperyong Europeo sa Asya
ay naging daan sa pagkakaroon ng mga pamilihang paglalagyan ng mga produktong
galing sa mga bansang mananakop at pagkukunan ng mga hilaw na materyal na
kailangan ng mga bansang mananakop sa pagbuo ng kanilang mga produkto.
Nasanay ang mga Asyano sa paggamit ng mga produktong dayuhan kaya minabuti
ng mga bansang mananakop na maglagay na rin ng mga pabrikang bubuo ng mga
hilaw na materyal na galing sa mga kolonya. Ang natural na kapaligiran ng mga
bansang Asyano ay unti-unting naubos at pinagkakitaan ng mga dayuhan. Malaking
kita at pakinabang ang naibigay ng mga pamilihan sa antas ng ekonomiya ng mga
Europeong bansa ngunit nanatiling nakatali ang ekonomiya ng mga kolonya rito.
Nagpatayo ng mga tulay, riles ng tren, at kalsada ang mga mananakop upang
mabilis ang pagpapadala at pagluluwas ng mga produkto.
Dahil dito ay isinilang ang mga Asyanong naging mangangalakal o middlemen
ng mga produkto. Sila ay umunlad sa pamumuhay at nanatiling mga tagapagtaguyod
ng mga batas na nagpatibay sa kolonisasyon Nabigyan din sila ng mga pwesto sa
pamahalaan at ekonomiya kaya naging mahirap ang mga ginawang pag-aalsa ng ilang
mga patriotikong Asyano sa dahilang sila’y hindi sumusuporta sa mga nasabing
kilusan. Nais nilang manatili ang sistemang pinatatakbo ng mga dayuhan, direkta
man o hindi sa pamamagitan nila. Sila ngayon ang nagsamantala hanggang sa

AP 7 - Qtr 3 -Week 2
4
ARALING PANLIPUNAN 7- IKATLONG KWARTER maging
mayaman at makapangyarihan sa bansa. Inayos nila ang kalusugan ng mamamayan
kaya nagtayo ng mga ospital para magamot ang mga maysakit at mabigyang lunas
ang mga sakit na laganap bago dumating ang mga mananankop. Sa pagdating ng
mga Kanluranin ang kalagayan ng mga katutubo ay hiwahiwalay na estado na iba-iba
ang namumuno. Nagtatag ang mga mananakop ng isang sentralisadong pamahalaan,
ngunit ang matataas na posisyon ay para lamang sa mga Kanluranin at ang
mbababang posisyon ay sa katutubo. Naalis sa kolonya na pamahalaanan ang
sariling bansa. Ipinakilala ng mga Kanluranin ang kaisipan na nagbigay ng hindi
pagkakasundo ng mga Asyano sa pamamahala. Nagkaroon ng paghahati-hati ng
rehiyon sa mga Kanluraning bansa at nagkaroon ng fixed border o takdang
hangganan ang teritoryo ng bawat bansa.
Maging ang mga paniniwala, pilosopiya at pananampalataya ng mga Asyano ay
pinalitan ng mga dayuhan kaya naging mabuti itong behikulo sa kanilang matagal na
pananakop. Nagkaroon ng paghahalo ng lahi ng mga katutubo at mga Kanluranin
para makuha ang katapatan ng kolonya. Pinanghimasukan ang tradisyon ng mga
katutubo. Ang mga kaugalian ay nahaluan tulad sa mga pagkain at istilo ng
pamumuhay ay ginaya.
Ang edukasyon ay naging instrumento rin para payapain ang mga Asyanong
naghahangad ng pagbabago sa dahilang ang mga nakapag-aral ay nagdala ng bagong
mga ideolohiya tungo sa pagbabago sa kanilang mga bansa. Ito ang ginamit nila para
makalaya sa kamay ng mga mananakop. Nang matuto nilang ipaglaban ang kanilang
mga karapatan at nagising ang damdamin para sa pagmamahal sa bayan, reporma
ang kanilang sigaw, ang iba naman na mas nakararami ay nagresulta sa pagtatatag
ng nasyon-estado sa pamamagitan ng pagbubuo ng mga Saligang-Batas o paglago ng
dating bayan na pinanatili ang dating kalingan bago pa dumating ang mga dayuhang
mananakop. Ang liberal na mga kaisipan ay nakatulong sa pagpukaw ng damdaming
makabayan o nasyonalismo sa mga bansang Asyano. Ito ang naging simula ng
pagbubuo pa ng mga kilusang nasyonalismo na naglalayong magpalaya ng mga
bansang Asyano sa kamay ng mga dayuhan.

AP 7 - Qtr 3 -Week 2
5
ARALING PANLIPUNAN 7- IKATLONG KWARTER

Gawain A: Alin Ka Mo?


Panuto: Suriin ang mga epekto ng kolonyalismo at imperyalismong Kanluranin.
Isulat ang E - kung Ekonomiya, P - kung Pulitika, at S/K - kung Sosyo Kultural na
epekto ang mga pahayag sa ibaba.
____ 1. Ang India ang naging tagapagtustos ng mga hilaw na materyales at
pamilihan ng produktong Kanluranin.
____ 2. Maraming katutubo ang yumakap sa Kristiyanismo.
_____3. Nagkaroon ng fixed border o takdang hangganan ang teritoryo ng bawat bansa.
_____4. Sumulpot ang mga kolonyal na lungsod.
_____5. Nagkaroon ng paghahalo ng lahi ng mga Kanluranin at katutubo upang
mapanatili ang katapatan ng kolonya.
_____6. Pag-unlad ng sistema ng transportasyon at komunikasyon. _____7.
Nawalan ng karapatan ang mga Asyano na pamahalaan ang sariling bansa gamit
ang sariling sistema.
_____8. Nailipat sa Europa ang mga kayamanan ng Asya na dapat pinakinabangan ng
mga Asyano.
_____ 9. Nagtayo ng mga irigasyon, ospital, paaralan, at simbahan. _____10.
Nagkaroon ng makabagong kaisipan at ideya na magamit sa pagpapatakbo ng
pamahalaan, ekonomiya at iba pang aspeto ng buhay. Gawain B: Plus o Minus!
Panuto: Pagkatapos masuri ang epekto ng kolonyalismo at imperyalismo na naganap
sa Timog at Kanluarang Asya, tayain ang mga epektong ito. Lagyan ng (+) plus sign
kung mabuting epekto at (-) minus sign kung di - mabuting epekto ng kolonyalismo at
imperyalismo. Ipaliwanag ang iyong sagot.
TIMOG ASYA KANLURANG ASYA
Mabuti Di-Mabuti Paliwanag Mabuti Di-Mabuti Paliwanag

Pamahalaan
Kabuhayan

Teknolohiya
Edukasyon
Sining at
Kultura

AP 7 - Qtr 3 -Week 2
6
ARALING PANLIPUNAN 7- IKATLONG KWARTER
Malawak ang epekto ng imperyalismo at kolonyalimso sa Timog at Kanlurang Asya.
Kabilang dito ang mga sumusunod:
• Ang Asya naging kuhanan ng mga hilaw na materyales at pamilihan ng
produktong Kanluranin.
• Umusbong ang mga kolonyal na lungsod.
• Nagkaroon ng lahing mestizo dahil sa pag-aasawa ng mga Kanluranin at
katutubo.
• Umunlad ang sistema ng transportasyon at komunikasyon upang mapabilis ang
pagluwas ng mga produkto sa pandaigdigang pamilihan.
• Nawalan ng karapatan ang mga Asyano na pamahalaan ang sarili.
• Maraming katutubo ang yumakap sa Kristiyanismo.
• Nahati-hati ang relihiyon sa mga Kanluraning bansa at nagkaroon ng fixed
border o takdang hangganan ang teritoryo ng bawat bansa.

Binabati kita! Natapos mo na ang mga pangunahing bahagi at gawain sa modyul na


ito. Upang tuluyan mong mailathala ang iyong mga natutuhan. Punan ang graphic
organizer ng mga angkop nakasagutan.

POLITIKA

EKONOMIYA EPEKTO NG IMPERYALISMO AT


KOLONYALISMO

EDUKASYON PANINIWALA
AP 7 - Qtr 3 -Week 2
7
ARALING PANLIPUNAN 7- IKATLONG KWARTER

Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot.
____1. Alin sa mga pahayag ang naglalarawan ng naging epekto ng kolonisassyon sa
mga rehiyon ng Asya?
A. Natutunan ng mga Asyano ang manakop ng ibang lupain.
B. Natutong magtiis ang mga Asyano alang-alang sa kapayapaan.
C. Naging mapagbigay ang mga Asyano sa naisin ng mga dayuhang bansa.
D. Naging masidhi ang pagkakaroon ng damdaming nasyonalismo ng mga
Asyano upang ibangon ang kaunlaran ng bansa.
_____2. Sa ilalim ng Ingles, nagkaroon ng mga pagbabago sa India na hindi
katanggap- tanggap sa mga Indian. Alin ang isang pagbabagong hindi matanggap ng
mga Indian?
A. Pagpapahusay ng mga transportasyon at komunikasyon.
B. Paglilipat ng mga sentro ng gawaing pangkabuhayan sa mga baybaying-
dagat.
C. Pagkakaroon ng racial discrimination sa pagbibigay ng posisyon sa
pamahalaan.
D. Pagpapalaganap ng isang sistema ng edukasyon na ayon sa
pamantayang Ingles.
_____3. Alin sa mga pahayag ang naglalarawan ng masamang epekto ng kolonyalismo
sa rehiyong Asya?
A. Pag-unlad ng kalakalan
B. Pagkamulat sa Kanluraning panimula
C. Pagkakaroon ng mga kaalyadong bansa
D. Paggalugad at pakikinabang ng mga Kanluranin sa mga yamang likas
_____4. Alin sa mga pangungusap ang maituturing na magandang dulot ng
pananakop ng mga Ingles sa pangangalaga ng karapatang pantao ng mga Hindu lalo
na ang mga kababaihan?
A. Pag-unlad ng komunikasyon at transportasyon sa India.
B. Pagkakaroon ng pagkakataong makapag-aral ang mga mamamayan ng India.
C. Pagbabawal sa ilang matandang kaugaliang Hindu tulad ng “sati” at “female
infanticide”.
D. Pagbabawal sa matatandang kaugaliang tulad ng “foot binding”,
“concubinage” at “fixed marriage”.
AP 7 - Qtr 3 -Week 2
8
ARALING PANLIPUNAN 7- IKATLONG KWARTER
_____5. Ang panahon ng Kolonyalismo ng mga Kanluranin ay nagdulot ng iba’t ibang
epekto sa mga bansang Asyano. Alin sa mga pahayag ang hindi epekto ng
pananakop ng mga Kanluranin sa mga bansang Asyano?
A. Nagkaroon ng paghahalo ng mga lahi dahil sa mga naganap na kasalang
katutubo at dayuhan.
B. Pangunahing gampanin ng mga bansang Asyano ang tagatanggap ng
mga produktong Kanluranin.
C. Naturuan ang lahat ng Asyanong pamahalaan ang kanilang mga sarili
sa panahon ng pananakop ng mga Kanluranin.
D. Nagkaroon ng pag-unlad sa sistema ng transportasyon at komunikasyon
na nagdulot nang mabilis pagluwas ng kalakal sa pandaigdigang
pamilihan.
Para sa Bilang 6-10.
Tukuyin ang mga epekto ng kolonyalismo at imperyalismong kanluranin sa Asya.
Isulat ang:
A. kung aspektong pang-ekonomiya C. kung aspektong pang-edukasyon
B. kung aspektong pampolitika D. kung aspektong panlipunan

____6.Nagtatag ng maayos at sentralisadong pamahalaan.


____7.Ang mga kaugalian at paniniwla ay nahaluan.
____8. Ang istilo ng pamumuhay ay iginaya sa mga Kanluranin.
____9. Isinilang ang mga Asyanong mangangalakal o “middle man”. ____10.
Ipinairal ang wikang Kanluranin bilang wikang gagamitin sa mga paaralan.

Isaisip Natin! Pagkatapos mong pag-aralan ang mga epekto ng Kolonyalismo at


Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya (Ika-16 Hanggang Ika-17 Siglo). Anu-ano
ang mga karanasan ng mga taga - Timog at Kanlurang Asya ang may pagkakatulad sa
karanasan nating mga Pilipino sa panahon ng pananakop ng mga Kanluranin. Paano
hinarap ng mga Asyano ang mga karanasan na ito at paano ito nakatulong sa
kasalukuyang pamumuhay ng mga Asyano partikular na tayong mga Pilipino? Itala
ang iyong kasagutan sa loob ng kahon.

AP 7 - Qtr 3 -Week 2
ARALING PANLIPUNAN 7- IKATLONG KWARTER 9

You might also like