You are on page 1of 7

HINDI IPINAGBIBILI

Sangay ng Paaralang Lungsod ng Koronadal


Lungsod ng Koronadal

Pangalan : ______________________________________________
Baitang o Antas : ______________________________________________
Seksiyon : ______________________________________________
Petsa : ______________________________________________
Kuwarter/Linggo : Ikatlong Kuwarter / Unang Linggo

Araling Panlipunan 7
Panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya

Tiyak na Layunin

Kapwa may kaniya-kaniyang malaking bahagi sa kasaysayan ng daigdig ang mga


Kanluranin at mga taga-Silangan, ngunit sa pagkakataong ito ay magbabalik-tanaw tayo
kung paano nga ba nagkaroon ng interest ang mga Kanluranin sa Asya at tuluyang
nakibahagi sa kasaysayan nito lalo na sa Timog at Kanlurang Asya kung saan sumesentro
ang ating aralin.

Sa araling ito, dapat mong maunawaan ang sagot kung paano nakamit ang
transpormasyon at paano ito nakaimpluwensiya sa Timog at Kanlurang Asya. Partikular
na ating susuriin ay ang mga dahilan, paraan at epekto ng kolonyalismo at imperyalismo
ng mga Kanluranin sa unang yugto (ika-16 at ika-17 siglo) pagdating nila sa Timog at
Kanlurang Asya.

MELC:

 Nasusuri ang mga dahilan, paraan at epekto ng kolonyalismo at imperyalismo ng


mga Kanluranin bansa sa Timog at Kanlurang Asya sa unang yugto (ika-16 at ika-
17 siglo) pagdating nila sa Timog at Kanlurang Asya. AP7TKA-IIIA-1.1

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang ikaw ay:


1. Naiisa-isa ang mga dahilan at paraan ng kolonyalismo at imperyalismo ng mga
Kanluran sa unang yugto (ika -16 at ika - 17 siglo) pagdating nila sa Timog at
Kanlurang Asya.

2. Natatalakay ang mga dahilan at paraan ng ng kolonyalismo at imperyalismo ng mga


Kanluran sa unang yugto (ika -16 at ika -17 siglo) pagdating nila sa Timog at
Kanlurang Asya.

Gawaing Pampagkatutong Papel sa Araling Panlipunan 7 1


HINDI IPINAGBIBILI

Sangay ng Paaralang Lungsod ng Koronadal


Lungsod ng Koronadal

Pangkalahatang Panuto

Ang Learning Activity Sheet na ito ay ginawa bilang sagot sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong mabigyan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anomang marka o
sulat ang anomang bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
gawain sa pagkatuto.

2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat gawain.

3. Maging tapat sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga


kasagutan.

4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

5. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagpadaloy kung tapos nang
sagutin ang lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang iyong guro o tagapagpadaloy. Maaari ka ring humingi ng
tulong sa iyong magulang o taga pag-alaga, o sinomang mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami na sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na pang-unawa. Kaya mo ito!

Gawaing Pampagkatutong Papel sa Araling Panlipunan 7 2


HINDI IPINAGBIBILI

Sangay ng Paaralang Lungsod ng Koronadal


Lungsod ng Koronadal

Gawain:

Gawain 1: Pag-isipan mo
Panuto: Suriin at bigyan ng sariling interpretasyon ang ipinakikita ng cartoon na
iyong nakikita. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.

Pagbasa ng teksto
Nagsimula ang ugnayan ng Europeo at Asyano sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan
bago nagsimula ang pananakop ng Europa sa daigdig. May tatlong pangunahing rutang
pangkalakalan sa Asya. Una, ang Hilagang Ruta, na nagsisimula sa China at tatawid sa
lungsod ng Samarkada at Bokhara. Pangalawa, ang Gitnang ruta, na papunta sa baybayin
ng Syria at dadaan sa Golpo ng Persia, at ang panghuli ay ang Timog ruta na maglalayag
mula sa India babagtasin ang karagatang India hanggang sa makarating ng Egypt sa
pamamagitan ng Red Sea. Tanging ang mga Italyanong mangangalakal ang pinayagan na
makadaan at makipag-ugnayan sa mga mangangalakal sa Asya. Ang mga sumusunod ay
mga dahilan ng pagpunta ng mga Kanluranin sa Asya. Mga Krusada Ang Krusada ay
isang kilusan na inilunsad ng simbahan at ng mga Kristiyanong hari upang mabawi
ang banal na lugar, ang Jerusalem sa Israel. Ang Paglalakbay ni Marco Polo, isang
Italyanong adbenturerong mangangalakal na taga-Venice. Noong 1295 bumalik siya sa
Italy at doon inilimbag niya ang aklat na “The Travels of Marco Polo” (1477). Inilahad niya
rito ang kanyang mga nakita sa bawat kabihasnan sa Asya lalo na sa China na inilarawan
ang karangyaan at kayamanan nito. Ang Renaissance na naganap sa Italya noong 1350.
Isa itong kilusang pilosopikal na makasining at dito binigyang-diin ang pagbabalik-interes
sa mga kaalamang klasikal sa Greece at Rome. Pagbagsak ng Constantinople. Ang
Constantinople ay nagsilbing rutang pangkalakalan mula Europa patungong India, China
at ibang bahagi ng Silangan ay napasakamay ng mga Turkong Muslim noong 1453. Ang
Merkantilismo ay isang sistemang pang-ekonomiya na lumaganap sa Europe na
naghahangad ng pagkakaroon ng maraming ginto at pilak bilang tanda ng kayamanan at
kapangyarihan ng bansa. Ang naging epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog
at Kanlurang Asya: Una, Nagpatayo ng mga tulay, riles ng tren, kalsada ang mga
mananakop upang maging mabilis ang pagdadala at pagluluwas ng mga
produkto.Ikalawa, Ilan sa mga Asyano ay naging mangangalakal o middleman ng mga
produkto kaya sila ay umunlad din sa kanilang mga pamumuhay at nanatiling mga
tagapagtaguyod ng mga batas na magpapatibay sa kolonisasyon.Ikatlo, Ang edukasyon ay

Gawaing Pampagkatutong Papel sa Araling Panlipunan 7 3


HINDI IPINAGBIBILI

Sangay ng Paaralang Lungsod ng Koronadal


Lungsod ng Koronadal

naging instrumento para payapain ang mga Asyanong naghahangad ng pagbabago sa


dahilang ang mga nakapag-aral ay nagdala ng bagong mga ideolohiya tungo sa pagbabago
sa kanilang mga bansa. Ito ang ginamit nila para makalaya sa kamay ng mga mananakop.
Ikaapat, Malaki ang naitulong ng nasyonalismo sa pagkamit ng kalayaan ng mga bansa
sa Timog at Kanlurang Asya.

Pamamaraan

Gawain 2: Epekto o Dahilan?

Panuto: Isulat sa nakalaang patlang ang letrang E kung ito ay epekto ng paggalugad at
letrang DP kung ito naman ay dahilan o paraan ng paggalugad ng mga Kanluranin.

______1. renaissance
______2. paghanap ng mga rekado o spices
______3. nagkaroon ng malaking impluwensiya sa kultura, ekonomiya at politika sa mga
nasakop na lupain sa Asya
______4. krusada
______5. paglakbay ni Marco Polo
______6. dumanas ng matinding paghihirap, kagutuman, at pang-aabuso
______7. paglaganap ng Kristyanismo
______8. merkantilismo
______9. pagbagsak ng Constantinople
______10. napukaw ang damdamin ng mga Asyano
Gawain 3: Tambalan
Panuto: Pagtambalin ang Hanay A at B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang.

HANAY A HANAY B
1. Panahon kung kalian nagsimula ang paggalugad ng mga A. merkantilismo
Kanluranin sa Asya
2. Ito ay paraan ng pagkontrol sa pangkabuhayan at
pampolitika sa ibang mga bansa. B. ika- 16 na siglo
3. Isang prinsipyong pang-ekonomiya kung saan ang
batayan ng kayamanan ng bansa ay ang dami ng ginto at C. imperyalismo
pilak.
4. Anumang transaksiyon sa pagitan ng dalawang tao o ng
mga bansa na kabilang sa isang pamilihan. D. nasyonalismo

5. Damdaming napukaw sa puso ng mga Asyano sa E. kalakalan


panahon ng pananakop ng mga Kanluranin.

Gawaing Pampagkatutong Papel sa Araling Panlipunan 7 4


HINDI IPINAGBIBILI

Sangay ng Paaralang Lungsod ng Koronadal


Lungsod ng Koronadal

Mga Pamprosesong Tanong


1. Ano-ano ang mga dahilan na nagbunsod sa mga Kanluranin na lalong maghangad ng
kolonya sa Timog at Kanlurang Asya?
2. Sa iyong palagay, nakabuti ba sa mga bansa sa Asya ang mga dahilang ito sa
pananakop ng mga Kanluranin?

? Mga Katanungan
Salamin Ng Aking Sarili sa Lipunang Aking Ginagalawan!
Paano nagbago ang iyong pananaw bilang isang mag-aaral ng malaman mo ang
pagpupunyaging ipinakita ng mga Pilipino, mga Indian, at mga Arabo sa panahon ng
kolonyalismo at imperyalismo? Magbigay ng isang impluwensya ng mga Kanluranin na sa
kasalukuyan ay makikita pa rin sa inyong lipunan.
Isulat mo sa ibaba ang lahat ng iyong mga iniisip at saloobin upang maging gabay sa
pagsukat ng iyong mga kaalaman at pagganap sa mga gawaing iyong naisakatuparan.
Gawin mo rin itong pamantayan tungo sa pagpapaunlad ng iyong sarili.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Pagtatapos

Tatlong (3) kosepto na natutuhan ko mula sa aralin:


1.________________________________________________________________________________
2.________________________________________________________________________________
3.________________________________________________________________________________

Dalawang (2) mahahalagang bagay na ayaw kong makalimutan mula sa aralin:


1.________________________________________________________________________________
2.________________________________________________________________________________
Isa (1) Gawain na gusto kong subukan mula sa aking natutuhan sa aralin:
1.________________________________________________________________________________

Gawaing Pampagkatutong Papel sa Araling Panlipunan 7 5


HINDI IPINAGBIBILI

Sangay ng Paaralang Lungsod ng Koronadal


Lungsod ng Koronadal

Susi sa Pagwawasto

10. Epekto
9. Dahilan
8. Dahilan
7. Epekto
6. Epekto
5. Dahilan
4. Dahilan D 5.
3. Epekto E 4.
2. Dahilan A 3.
1. Dahilan C 2.
B 1.
Dahilan Tamabalan
Epekto o
Gawain 2:
Gawain 1:

Sanggunian

Blando, R.C. et. al. (2014). ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, Araling
Panlipunan – Modyul Para sa Mag-aaral, Unang Edisyon, Pasig City:
Eduresources Publishing, Inc. Pahina 196 -199; 208; 296 - 297.

Ease Modyul Araling Panlipunan III

Mateo, G.E.C.et. al. (2008). Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan, Batayang Aklat sa


Araling Panlipunan II, Quezon: Vibal Publishing House. pahina 269 – 276.

Gawaing Pampagkatutong Papel sa Araling Panlipunan 7 6


HINDI IPINAGBIBILI

Sangay ng Paaralang Lungsod ng Koronadal


Lungsod ng Koronadal

Pabatid - Liham

Ang Gawaing Pampagkatutong Papel (GPP) na ito ay nilinang ng Kagawaran


ng Edukasyon, Sangay ng Paaralang Lungsod ng Koronadal na may
pangunahing layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong
normal. Ang nilalaman ng GPP na ito ay batay sa Most Essential Learning
Competencies (MELC) ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na
kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral ng Dibisyon ng Koronadal simula
sa taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa
paglimbag ng GPP na ito. Malugod naming hinihimok ang pagbibigay ng puna,
komento at rekomendasyon.

Mga Tagapaglinang ng Gawaing Pampagkatutong Papel

Manunulat : Mark Anthony M. Ocampo


Tagawasto : Kathy A. Garcia at Jewel P. Depacto
Tagalapat : Rolex H. Lotilla
Tagasuri : Evelyn C. Frusa, PhD. and
Antonio V. Amparado Jr., PhD.
Tagapamahala : Crispin A. Soliven Jr., CESE - SDS
Levi B. Butihen – ASDS
Prima A. Roullo – CID Chief
Antonio V. Amparado Jr., PhD. – EPS-Araling Panlipunan
Evelyn C. Frusa PhD – EPS-LRMDS

Para sa mga katanungan o puna sumulat o tumawag sa:


Kagawaran ng Edukasyon– Sangay ng Paaralang Lungsod ng Koronadal
Learning Resource Management System (LRMS)
Corner Rizal Street- Jaycee Avenue, Brgy. Zone IV, Lungsod ng Koronadal
Telepono Blg.: (083) 877-5362

Gawaing Pampagkatutong Papel sa Araling Panlipunan 7 7

You might also like