You are on page 1of 16

Department of Education

Region IX, Zamboanga Peninsula


Division of Zamboanga City

STRATEGIC INTERVENTION MATERIAL

PANAHON NG KOLONYALISMO
AT IMPERYALISMO SA
TIMOG AT KANLURANG ASYA

ARALING PANLIPUNAN (GRADE 7)


Ikatlong Markahan

Isinulat ni: Iginuhit nina:


Vivian Lampayan-Casaba Rubie M. Paytoni
Don Pablo Lorenzo Memorial High School Zamboanga Central
School August 25, 2018 Aljafar R. Hussin
Sinubong Elementary School
Pamantayang Pangnilalaman

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagbabago, pag-unlad at


pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal at Makabagong
Panahon ( Ika-16 hanggang 20 siglo).

Pamantayan sa Pagkatuto
Napapahalagahan ang pagtugon ng mga Asyano sa mga hamon ng pagbabago, pag –unlad at pagpatulo
*K to 12 Araling Panlipunan Gabay Pangkurilulum Mayo 2016

Layunin
Nasusuri ang mga dahilan, paraan, at epekto ng kolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya.
Naiuugnay ang mga pangyayaring nagaganap tungo sa pagpasok ng mga Kanluranin.
Naitataya ang mga epekto ng kolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya.
Talaan ng mga Nilalaman

Gabay . . . . . . . . . . 1

Gawain 1 . . . . . . . . . . 4

Gawain 2 . . . . . . . . . . 5

Gawain 3 . . . . . . . . . . 6

Pagtataya 1 . . . . . . . . . 7

Pagtataya 2 . . . . . . . . . 8

Pagpapayamang Gawain . . . . . . . 9

Pagninilay . . . . . . . . . 10

Mga Sanggunian . . . . . . . . 11

Mga Kasagutan . . . . . . . . 12
GABAY

Pagsusuri sa Teksto

Malaking pagbabago ang naganap sa Asya nang dumating


ang mga Kanluranin simula noong 1600. Ito ang panahon ng pa-
nunuklas at paggalugad. Sa panahong ito, nagkaroon ng
pagnanais ang mga Europeo na marating ang iba’t ibang panig ng
daigdig. Ngunit, dumating ang panahon na ang ruta ng kalakalan
na nag-uugnay sa mga mangangalakal na Asyano at Europeo ay
sinakop ng naghaharing Turkong Ottoman. Nang sinakop ito ng
mga Turkong Ottoman, tanging ang mga Italyanong mangangalakal
ang pinayagan na makadaan at makipag-ugnayan sa mga
mangangalakal na Asyano. Bunsod nito ay ang mga dahilan na
naghikayat sa mga kanluranin na magtungo sa Asya katulad ng
mga Krusada.

Ang mga dahilan ng pagtungo ng mga Kanluranin sa Asya ay


ang mga sumusunod:

1. Ang Paglalakbay ni Marco Polo

Si Marco Polo ay isang


Italyanong adbenturerong manganga-
lakal na taga – Venice. Siya ay na-
ninirahan sa China ng halos na 11 na
taon sa panahon ni Kublai Khan at
nagsilbing tagapayo nito. Noong 1295,
bumalik siya sa Italy at doon inilimbag
niya ang aklat na “The Travels of
Marco Polo (1477)”, inilahad niya rito
Paglalakbay ni Marco Polo
ang mga nakita niyang magagandang
kabihasnan sa mga bansa sa Asya lalo
na sa China na inilarawan ang karang -
yaan at kayamanan nito.

1
2. Ang Renaissance o “Muling Pagsilang “

Noong unang panahon ang


Simbahang Kristiyano ang may malakas
na impluwensiya sa tao. Nakasentro ang
buhay ng tao sa relihiyon. Ngunit nang
ang simbahan lalo na ang pinuno nito,
Panahon ng Renaissance
mula Papa, Obispo, at kaparian ay nasangkot sa imoral na gawain,
pagpapayaman, at pagmamalupit sa mga taong hindi karelihiyon,
nagsimulang magkaroon ng pagbabago sa pananaw at saloobin ang
mga tao hinggil sa katarungan, sariling kaunlaran, at politika.

3. Ang Pagbagsak ng Constantinople

Ang Constantinople ay ang Asyanong


teritoryo na pinakamalapit sa kontinente ng
Europe. Ito ang nagsilbing rutang pangkala-
kalan mula Europe patungong India, China,
at iba pang bahagi ng Silangan na na-
pasakamay ng mga Turkong Muslim noong
1453.
Mapa ng Constantinople

4. Ang Merkantilismo

Ito ay isang prinsipyong pang-


ekonomiya na kung saan ang dami ng ginto
at pilak ay batayan ng kayamanan at
kapangyarihan ng isang bansa. Nanguna
sa paggalugad ng mga lupain sa Asya ang
Mga Ginto at
bansang Portugal, at Spain noong ika-16
Pilak na siglo.

5. Mataas na Pangangailangan sa mga Spice Island”.


Pampalasa (Spices) na Sangkap para
sa
Pagkain

Ang pagtaas ng mga presyo ng mga


rekado ang nagtulak sa mga Europeo na
marating ang Moluccas na tinaguriang “The

2
Mga Hilaw na Pampalasa

3
Mga Epekto ng Pananakop ng Kanluranin sa Timog at
Kanlurang Asya

1. Ang mga karanasan ng mga Asyano mula sa pananakop ng


mga Kanluranin ay nagbigay-daan sa pag-unlad ng kanilang
damdamin.

2. Nagkaroon ito ng malaking impluwensiya sa kultura,


ekonomiya, at politika ng mga nasakop na lupain sa
Asya.

3. Dumanas ng malubhang paghihirap, kagutuman,


pang-aabuso, at pagkawala ng karapatan at kalayaan ang
mga Asyano dulot ng mga patakaran ng mga Kanluraning
nakasakop sa kanilang lupain.

4. Malaking naitulong ang nasyonalismo sa pagkamit ng


kalayaan ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya.

Mga Epekto ng Kolonyalismo

Tala ng Mag-aaral
Panuto: Punan ng tsek ( I ) ang angkop na kahon Pagkatapos basahin ang pahayag;

Hindi ko pa rin naintindihan ang leksiyon (pag-aralang muli ang gabay sa pahina 1)

Naintindihan ko na ang leksiyon (ipagpatuloy ang kasunod na gawain)

Para sa akin, ang leksiyong ito ay:

Madali Mahirap

Para sa leksiyong ito, gusto kong mag-aral ng:

Mag-isa May kasama May kagrupo

4
Gawain 1

Panuto: Lagyan ng tsek ( I ) sa patlang na nakalaan kung ito ay


tumutukoy sa mga dahilan ng pananakop ng mga
Kanluranin at ekis (X) naman kung hindi.

1. Ang mga Krusada

2. Ang Renaissance

3. Si Marco Polo ang unang nakarating sa


Netherlands.

4. Ang pananakop ng ibang bansa ay tinatawag


na merkantilismo.

5. Ang pagbagsak ng Constantinople

6. Pagkontrol ng mga Tsino ng rutang pangkalakalan


mula Europa

7. Nagsimula ang ugnayan ng Asyano at


Amerikano sa pamamagitan ng palitan ng
kalakal.

8. Nahimok ang mga muslim na sumanib sa mga


Kanluranin.

9. Nagkaroon ng pagkakaisa ang mga Europeo sa


pananakop.

10. Pagkakaroon ng pantay na karapatan

5
Gawain 2

Panuto: Isulat sa nakalaang patlang ang titik ng tamang sagot.

A kung ang una at ikalawang pahayag ay tama


B kung ang unang pahayag ay tama at
ang ikalawang pahayag ay mali
C kung ang unang pahayag ay mali at
ang ikalawa ay tama
D kung ang una at ikalawang pahayag ay mali

1. A. Nagkaroon ng malaking impluwensiya ang


mga Kanluranin sa kultura, ekonomiya, at
politika sa mga nasakop na lupain sa Asya.
B. Ang mga Asyano ay nasiyahan sa pananakop.

2. A. Ang mga Asyano ay dumanas ng


malubhang paghihirap, kagutuman at pang –
aabuso.
B. Nawalan ng karapatan at kalayaan ang mga
Asyano dulot ng mga patakarang pinairal ng mga
Kanluranin.

3. A. Ang “muling pagsilang” ay tinawag na


mahalagang transisyon mula midyibal tungo sa
makabagong panahon.
B. Ang kalakalan sa pamamagitan ng Europa at Asya
ay nagsimula noon pang sinaunang panahon.

4. A. Ang Renaissance ay salitang Pranses na ang ibig


sabihin ay kapangyarihan.
B. Ang kolonyalismo ang nagpasigla ng kalakalan sa
pagitan ng Europa at Asya.

5. A. Ang Krusada ay isang kilusang inilunsad


ng simbahan at ng mga Kristiyanong hari.
B. Ang Constantinople ay ang Asyanong teritoryo na
pinakamalapit sa kontinente ng Europe.

5
Gawain 3

Panuto: Punan ng angkop na impormasyon ang talahanayan


tungkol sa mga dahilan at epekto ng pananakop
ng mga Kanluranin sa Timog at Kanlurang Asya.

Dahilan Epekto

6
Pagtataya 1

Panuto: Isulat sa nakalaang patlang ang letrang E kung ito ay


epekto ng paggalugad at letrang DP kung ito naman ay
dahilan o paraan ng paggalugad ng mga Kanluranin.

1. Renaissance
2. Paghanap ng mga rekado o spices
3. Nagkaroon ng malaking impluwensiya sa kultura,
ekonomiya at politika sa mga nasakop na lupain
sa Asya
4. Krusada
5. Paglakbay ni Marco Polo
6. Dumanas ng matinding paghihirap, kagutuman, at
pang-aabuso
7. Paglaganap ng Kristyanismo
8. Merkantilismo
9. Pagbagsak ng Constantinople
10. Napukaw ang damdamin ng mga Asyano
sa damdamin para sa bayan.

7
Pagtataya 2
Panuto: Pagtambalin ang Hanay A at B. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa patlang.

Hanay A Hanay B
1. Panahon kung kalian nagsimula ang
paggalugad ng mga Kanluranin sa
Asya. A. Kalakalan

2. Ito ay paraan ng pagkontrol sa


pangkabuhayan at pampolitika sa B. Merkantilismo
ibang mga bansa.

3. Isang prinsipyong pang- C. Nasyonalismo


ekonomiya kung saan ang
batayan ng kayamanan ng bansa
ay ang dami ng ginto at pilak D. Ika- 16 na siglo

4. Anumang transaksiyon sa pagitan


ng dalawang tao o ng mga E. Imperyalismo
bansa na kabilang sa isang
pamilihan

5. Damdaming napukaw sa puso ng


mga Asyano sa panahon ng
pananakop ng mga Kanluranin.

Gaano karami ang natutuhan ko?


Lagyan ng tsek ang angkop na kahon.

Wala Kaunti Marami


(Kung wala at kaunti, pag-aralan muli ang gabay na nasa pahina 1)

8
Pagpapayamang Gawain

Alam Mo Ba?

Ang Kolonyalismo ay nagmula sa salitang Latin na Colonus


na ang ibig sabihin ay magsasaka. Ito ay isang patakaran ng
isang bansa na namamahala ng mga sinakop upang magamit
ng likas na yaman para sa sariling interes.

9
Pagninilay

Ano ang aking natutuhan sa araling ito?

Ano pa ang gusto kong matutuhan sa araling ito?

1
Mga Sanggunian

Blando, R.C. et. al. (2014). ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng


Pagkakaiba, Araling Panlipunan – Modyul Para sa
Mag-aaral, Unang Edisyon, Pasig City: Eduresources
Publishing, Inc. Pahina 196 -199; 208; 296 - 297.

Mateo, G.E.C.et. al. (2008). Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan,


Batayang Aklat sa Araling Panlipunan II, Quezon: Vibal
Publishing House. pahina 269 – 276.

1
Mga Kasagutan
Gawain 1
Gawain 3
1. / 6. X
Dahilan/ Paraan: Krusada,
2. / 7. X Paglalakbay ni MarcoPo-
3. X 8. X lo,Renaissance, Pagbagsak
ng Constantinople,
4. X 9. X Merkantilismo, paghanap ng
5. / 10. X mga hilaw na sangkap,
paglaganap ng Kristi-
yanismo, pananakop.
Gawain 2 Epekto: Malubhang
1. B paghihirap, kagutuman, pang-
aabuso, pagkawala ng
2. A
karapatan at kalayaan,
3. A Nasyonalismo
4. D
5. A

Pagtataya 1 Pagtataya 2
1. DP 1. D
2. DP 2. E
3. E 3. B
4. DP 4. A
5. DP 5. C
6. E
7. DP
8. DP
9. D
P
10.
1

You might also like