You are on page 1of 13

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XII-SOCCSKSARGEN
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF COTABATO

ARALING PANLIPUNAN 8
IKATLONG BAHAGI
(Self-Instructional Material)
Ideolohiya ng Malayang Demokrasya,
Sosyalismo at Komunismo

Manunulat:

MERSHIELA LOU N. PAG-ONG


Teacher I

GIL MANALO HIGH SCHOOL


Address: Email Address: Cotabato.division@deped.gov.ph
Cotabato Provincial Capitol Compound
Telefax No.: (064) 577-7017
Amas, Kidapawan City Website: www.depedcotabatodivision.com
9400
Title Ang Pagbagsak ng
Dalawang Bandila
Card

Kasanayan
Nasusuri ang iba’t ibang ideolohiya (ideolohiya ng
malayang demokrasya, sosyalismo, at komunismo)
sa mga malawakang kilusang nasyonalista
(AP7TKA –IIIf-1.14)

Layunin
Naiisa-isa ang iba’t ibang ideolihiya sa Timog at
Kanlurang Asya

Naipaliliwanag ang kaugnayan ng iba’t ibang


ideolohiya sa mga malawakang Kilusang
Nasyonalista sa Timog at Kanlurang Asya

Nakapipili ng Ideolohiyang yayakapin

araw na
Bilang ng 2
nakalaan: 1
Panimula

Ang bahaging ito ng iyong aralin, ay


magsisilbing gabay mo upang malinang pa ang
iyong kaalaman sa iba’t ibang Ideolohiya at sa
mga , Malawakang Kilusang Nasyonalista sa
Timog at Kanlurang Asya.

Sa iyong pagpapatuloy, unawain mong


mabuti ang kahulugan ng Malayang
Demokrasya, Komunismo, at Sosyalismo na
magiging laman at paksa ng araling ito.
Gamitin mo ang mga impormasyon na iyong
makukuha upang mailahad mo ang kaugnayan
ng iba’t ibang ideolohiya sa mga malawakang
Kilusang Nasyonalista sa Timog at Kanlurang
Asya upang mapagbasak ang mga British and
Ottoman.

At sa pagtatapos na araling ito, ikaw ay


inaasahan na maisagawa ang pagpili ng
Ideolohiyang yayakapin.

2
Gabay Kard

Ang Ideolohiya ay isang sistema o


lipunan ng mga ideya o kaisipan na naglalayong
maipaliwanag tungkol sa daigdig at pagbabago
nito. Ang salitang ito ay ipinakilala ni Destutt de
Tracy.

Nagmula sa salitang “demoskratus” na ibig


sabihin ay pamamahala ng mga tao. Ito ay isang
uri ng ideolohiya na pinamamahalaan ng
sangkatauhan

Pinangunahan nina Bal Gangadhar Tilak,


Mohandas Gandhi, at Muhammad Ali Jinnah ang
pagkamit ng demokrasya laban sa mga British
bunsod ng mabagal na pagkakaloob ng hinihinging
pagbabago sa India at Pakistan.

Naging matagumpay din ang pagkamit ng


kasarinlan ng bansang Sri Lanka sa pamumuno ni
Don Stephen Senanayake, maging ang Nepal na
naging inspirasyon ang Pilipinas sa pagsasagawa
ng mapayang Rebolusyon sa Great Britain.

3
Gabay Kard

Ito ay nagsasaad na walang uri ang mga


tao sa lipunan, pantay – pantay ang lahat,
walang mayaman at walang mahirap
manggagawa ang mangingibabaw sa isang
bansa

Ang Holocaust o pagpatay sa milyon-


milyong Hudyo sa ilalim ng pamumuno ni
Adolf Hitler ang nag-udyok sa mga Hudyo
upang magsagawa ng isang kilusan.

Matapos ang mahaba at madugong


labanan sa pagitan ng mga Hudyo at Arabo,
nakamit ng Israel ang kalayaan bilang nasyon
noong Mayo 14, 1948 at hinirang si David Ben-
Gurion bilang unang Punong Ministro.

Dahil sa hindi maayos na pamumuno at


kapabayaan ng mga Ottoman, sumibol ang mga
kilusang makabayan at sumiklab ang
nasyonalistang pag-aalsa sa Baghdad, Iraq.

4
Gabay Kard

Ito ay ideolohiya tungkol sa katangian at


kalagayan ng lipunan at pagpapahalaga sa
pagkakapantay – pantay, pagtutulungan at
pagunlad. Ang pamamahala ay nasa kamay ng
isang grupo ng tao.

Dahil sa kalupitan at labis na paniningil ng


buwis, naghangad ng kasarinlan ang mga Arab
mula sa Turk. Nagsanib-puwersa Muhammad
Ibn Saud at Muhammad Ibn Abd-al-Wahhab
upang makapagtatag ng alyansang politikal.

Ang modernong Kaharian ng Saudi


Arabia ay likha ni Haring Abdul Aziz ibn Saud.
Walang demokrasya sa bansa at kontrolado
ang pamahalaan ng isang pamilya ng mga
Saud.

5
Aktibidad ng Kard 1
MAParaan Ka!

Panuto: Suriin ang mapa at isulat sa loob ng kahon na nasa ilalim


ng bansang tinutukoy ang Ideolohiyang umiiral.

Mapa ng Kanlurang Asya

5.

1.

Mapa ng Timog Asya

3.

2.

4. 6
Aktibidad ng Kard 2
Buuin Mo Ako!

Panuto: Piliin mula sa mga kahon ang angkop na salita sa bawat


patlang upang mabuo ang talata.

asya British mo
demokr sosyalis

Komunis nasyona Ottoman


m o lista

Sa Timog at Kanlurang Asya, higit na naging malaki ang


impluwensya ng demokrasya sa mga kilusang ____________.
Ang India at Pakistan ay ilan lamang sa mga bansa sa Timog
Asya na pinairal ang ideolohiyang _______________ at
matagumpay na nakamit ang kalayaan mula sa mga
____________. Nang dahil sa hindi maayos na pamamalakad ng
mga ___________, umiral ang ideolohiyang ____________ at
sinikap ng mga bansa sa Kanlurang Asya tulad ng Irag na
palaganapin ang nasyonalismo.

7
Aktibidad ng Kard 3
Paniniwala Ko, Pupusuan Ko

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga Katangian ng bawat


Ideolohiyang napag-aralan mo. Pagkatapos, iguhit ang puso sa loob
ng kahon kung alin ang napili mong ideolohiya.

Demokrasya Komunismo

Nasa kamay ng mga tao ang


kapangyarihan sa pamahalaan Walang pag-uuri-uri sa
lipunan

Naghahalal ng pinunong gusto nila


Ang produksyon at mga
ang mga mamamayan
produkto ay pag-aari ng
estado
Tinutugunan ng pamahalaan ang
kagustuhan ng nakararaming
mamamayan Mawawala ang estado at
papalit ang diktadurya

Sosyalismo

Ang pamamalakad ay nasa kamay ng


isang grupo ng tao

Nasa kontrol ng iisang grupo ang


pagmamay-ari at pangangasiwa ng lupain

Ang mga industriya at lahat ng mga kailangan


sa kalagyan ng mamamayan ay nasa kamay
ng pamahalaan.
8
Pagyayaman
ng Kard

Panuto: Ayusin ang mga titik upang mabuo ang tamang salita sa
bawat pangungusap at isulat ito sa nakalaang kahon.

Ang ideolohiyang k e d o m a s r y a ang ginamit ng India


na isinulong nila ang nayonalismo laban sa nga British.

Ang bansang Saudi Arabia naman ay naimpluwensyahan


ng deolohiyang m o l a s i s o y s .

Ang Iraq naman ay naimpluwensayhan ng ideolohiyang


o s o m k u n i s m.

Ang i d o l h i o a y e ay sistema ng mga kaisipan na


naglalayong magpaliwanag tungkol sa daigdig at pagbabago
nito.

Umusbong ang o m s i l a n o y s a n sa Timog at Kanlurang


Asya bunsod ng reaksyon ng mga Asyano na mapabuti ang
kanilang kalagayan mula sa British at Ottoman.

9
Pagtatasa Kard

Panuto: Bilugan ang titik ng wastong sagot para sa mga sumusunod na


pahayag.

1. Aling ideolohiya ang nakabatay sa mamamayan ang makilahok sa


pamamahala at pumili ng kanilang kinatawan sa pamamagitan ng halalan.
A. Demokrasya B. Komunismo
C. Sosyalismo D. Nasyonalismo
2. Ang ideolohiyang ito ay may katangian na kinokontrol ng isang grupo ng tao
ang pagmamay-ari sa pangangasiwa ng lupa, kapital,at mekanismo ng
produkyon.
A. Demokrasya B. Komunismo
C. Sosyalismo D. Nasyonalismo
3. Bakit umusbong ang kilusang nasyonalista sa bansang India sa Timog
Asya?
A. Ninais ng mga taga-India na wakasan ang paghahari ng mga

British ng komokontrol sa kanila.


B. Nais na India na mamuno at maghari sa buong mundo.
C. Dahil sa mahigpit na utos ni Mohandas Gandhi.
D. Dahil takot
4. Paano nakaapekto angang India sa mga
paglaganap Ottoman.Nasyonalismo sa Timog
ng Kilusang
Asya sa Kanlurang bahagi ng Asya
A. Mababait ang mga Britis at Ottoman sa kanila.
B. Sinakop ng mga taga-Kanlurang Asya ang Timog Asya.
C. Hindi ipinalaganap ng mga Asyano sa Kanlurang Asya ang

nasyonalismo.
D. Sumibol ang kilusang nasyonalismo sa Kanlurang Asya dahil

gusto ding wakasan ng mga Asya sa bahaging ito ang


5. Kung ikaw ay nasa bansang magulo at ninanais ng nakararami na
yakapin ang ideolohiyang Malayang Demokrasya, susunod ka bang
pamumuno ng mga Ottoman.
yakapin ito?
A. Oo, dahil ang demokrasya ay nagpapahiwatig ng “Kamay na Bakal.”

sa pamumuno.
B. Oo, sapagkat ang demokrasya ay nagpapakita ng pagkakapantay-
pantay ng bawat isa.
C. Hindi, dahil mas gugulo lamang ang bansa kapag ito ang pinairal. 10
D. Hindi, dahil walang pagkakapantay-pantay na pinaiiral ang sistemang

ito.
Susi sa Pagwawasto

Gawain 1 Gawain 2
1. Demokrasya 1. nasyonalista
2. Sosyalismo 2. demokrasya
3. Demokrasya 3. british
4. Demokrasya 4. ottoman
5. Komunismo 5. Komunismo

Gawain 3 Pagyayaman
1. demokrasya
Ang sagot ay
2. sosyalismo
maaaring
3. komunismo
magkakaiba
4. ideolohiya
5. nasyonalismo

Gawain 5
1. A
2. C
3. A
4. D
5. B

11
Sanggunian

ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, pp. 243 -


250

https://www.slideshare.net/jmpalero/ap-7-lesson-no-21-mga
-ideolohiya-na-lumaganap-sa-kanlurang-at-timog-asya

https://www.slideshare.net/ssusercdfe4f/modyul-18-mga-ide
olohiyang-laganap

www.google.com (para sa mga larawan)

12

You might also like