You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN
MAGSAYSAY NATIONAL HIGH SCHOOL
MAGSAYSAY, DINALUPIHAN, BATAAN

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 7


Panuto: Sagutin ang sumusunod na pangungusap. Piliin ang titik nang tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel.
1. Alin sa mga pangungusap ang nagsasabi ng epekto ng kolonyalismo at imperyalismong kanluranin sa ekonomiya
ng mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya noong ika-16 hanggang ika-17 na siglo?
A. nagpagawa ng mga simbahan para maipalaganap ang Katolisismo
B. nagpalabas ng mga tuntunin upang mapasunod ang mga katutubong Asyano
C. nagpagawa ng mga kalsada at riles ng tren upang mapabilis ang pakikipagkalakalan
D. nagtalaga ng mga taga ibang bansa ng kinatawan upang pamunuan ang nasakop na bansa
2. Alin sa sumusunod ang naging masamang epekto ng kolonyalismo sa Asya?
A. pag-unlad ng ekonomiya
B. pagkamulat sa kanluraning panimula
C. pagkakaroon ng mga kaalyadong bansa
D. pakikinabang ng mga kanluranin sa mga yamang likas
3. Ang panahon ng kolonyalismo ng mga Europeo ay nagdulot ng iba’t-ibang epekto sa mga bansang Asyano. Alin sa
sumusunod ang hindi epekto ng pananakop ng mga kanluranin sa mga bansang Asyano?
A. paghahalo ng mga lahi dahil sa mga naganap na kasalang katutubo at dayuhan
B. pangunahing gampanin ng mga bansang Asyano ang tagatanggap ng mga produktong kanluranin
C. naturuan ang lahat ng Asyanong pamahalaan ang kanilang mga sarili sa panahon ng pananakop ng mgakanluranin
D. ang pag-unlad sa sistema ng transportasyon at komunikasyon na nagdulot nang mabilis na pagluwas ng kalakal sa
pandaigdigang kalakal
4. Alin sa sumusunod ang naging tungkulin ng mga Asyano sa mga mananakop?
A. tagabili ng kanilang produkto
B. tagapagutos sa mga mananakop
C. tagapagtustos ng yaring produkto
D. tagapagtanggol sa mga mananakop
5. Ang pagdating ng iba’t ibang mananakop sa Silangan at Timog-SilangangAsya ay nagdulot ng maraming
pagbabago sa pamumuhay ng mga Asyano. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagbabago sa aspektong politikal
ng mga nasakop na bansa
A. pagpapatayo ng mga imprastraktura
B. pagbabago sa paniniwala at relihiyon
C. pagtataguyod ng makabagong sistema ng edukasyon
D. pagkawala ng karapatang pamunuan ang sariling bansa
6. Ito ay nangangahulugang dominasyon ng isang makapangyarihang nasyon- estado sa aspetong politika,
pangkabuhayan at kultural na pamumuhay ng isang mahina at maliit na nasyon-estado upang maging pandaigdigang
makapangyarihan.
A. Imperyalismo B. koloniyalismo C. merkantilismo D. sosyalismo
7. Ang patakarang ito ay ipinatupad ng mga kanluranin sa mga katutubo na kung saan sapilitan silang pinagbabayad
ng buwis.
A. Encomienda B. monopolyo C. polo y servicio D. tributo
8. Ito ay isang paraan ng pananakop kung saan ay pinag-aaway-away ng mga mananakop ang mga lokal na pinuno o
mga naninirahan sa isang lugar.
A. divide and Rule policy B. imperyalismo C. koloniyalismo D. merkantilismo
9. Pinakamataas na kinatawan ng Hari ng Espanya sa Pilipinas para pamunuan ito
A. alkalde mayor B. cabeza de barangay C. Gobernadorcillo D. gobernador heneral
10.Ang sentralisadong pamahalaan ay patakaran na ipinatupad ng mga Espanyol na nakapaloob sa:
A. pampolitika
B. pangkultura
C. pangrelihiyon
D. pangkabuhayan

Address: Magsaysay, Dinalupihan, Bataan


Telephone No: 613-21-36
Email Address: magsaysaynhs.306604@gmail.com
B.Panuto: Sagutin ang mga sumusunod. Isulat ang salitang TAMA kungang pangungusap ay tama at
MALI kung ito ay mali. Gawin ito sa iyongsagutang papel.
11. Hindi gaanong naapektuhan ang Silangang Asya ng unang yugto ngimperyalismong kanluranin dahil sa malakas
nitong pamahalaan.
12. Ang isang nagpahirap sa mga katutubo noon ay ang patakarang tributona kung saan ay sapilitang pinagbabayad
ang mga katutubo ng buwis.
13. Ang mga katutubo ay hindi kailanman natuto ng salitang Kastila.
14. Nagkaroon ng tinatawag na monopolyo sa panahon ng kolonyalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya para
makontrol ng mga mananakop ang kalakalan.
15. Mababa ang paghahangad at pangangailangan ng mga kanluranin sa mga pampalasang makukuha sa Asya.
16. Ang bansang Portugal ang sumakop sa bansang Pilipinas.
17. Sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol sa bansang Pilipinas ay nasakop nilang buo ang Mindanao.
18. Nagpatupad pa rin ang mga mananakop sa mga bansang kanilang sinakop ng mga patakaran na lalong
nagpahirap sa mga tao. Ang Polo y servicio ay ang sapilitang pagtatrabaho sa mga kalalakihan na may edad 16
hanggang 60.
19. Ang Netherlands ay nagtatag ng isang kumpanya na tinatawag na Dutch East India Company na layuning pag-
awayin ang mga kumpanya na nagpapadala ng paglalayag sa Asya.
20. Sa unang yugto ng imperyalismong kanluranin ay nakuha ng Portugal ang daungan ng Macao sa China at
Formosa (Taiwan).
C.Naalala mo pa ba ang mga mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas? Nalaman mo ba
ang kahalagahan ng pagiging malayang Pilipino? Naisabuhay mo ba ang mga karunungang ito? Kung
gayon, sa ibaba ay may inilagay akong mga pangalan ng mga bayani ng ating bansa. Lagyan mo ng titik
A ang bayaning gumamit ng dahas sa pakikipagdigma para sa ating kalayaan at B naman kung siya ay
gumamit ng mapayapang paraan. Isulat sa iyong papel ang iyong kasagutan.
21. Andres Bonifacio 2 6. Jose Rizal
22. Marcelo H. Del Pilar 2 7. Gregorio Del Pilar
23. Francisco Balagtas 28. Graciano Lopez Jaena
24. Lapu-Lapu 29. Apolinario Mabini
25. Antonio Luna 30. Emilio Jacinto
D. PUNAN NG TAMANG SALITA ANG NAWAWALANG LIRIKO SA KANTA NG BAYAN KO.( 2 PUNTOS KADA
ISA) 31-50
Ang bayan kong 31.__________ 36.___________ mang may layang lumipad
32. _________ ng ginto’t bulaklak Kulungin mo at 37.____________________
Pag-ibig na sa kanyang 33.________ 38. _____________ pa kayang sakdal-dilag
Nag-alay ng ganda’t 34.__________ Ang ‘di magnasang makaalpas
At sa kanyang yumi at ganda Pilipinas kong 39._____________________
35._________ ay nahalina Pugad ng luha at dalita
Bayan ko, binihag ka Aking adhika
Nasadlak sa dusa Makita kang sakdal 40._________________

Prepared by:

MARYGRACE N. SANTOS Submitted to:


Teacher III
ROWENA C. CALIMBAS
Head Teacher III-APAN

Approved:

MARLENE G. LULU
School Principal I

You might also like