You are on page 1of 3

OLIVE GROVE SCHOOL

52 Sampaguita St. San Pedro 9 Subd, Bagbag, Novaliches Quezon City


olivegroveschool_qc@yahoo.com / 89365623

QUARTER: THIRD QUARTER SUBJECT: ARALING PANLIPUNAN


DATE: FEBRUARY 14- 18, 2022 GRADE/LEVEL: GRADE 7

LEARNING PLAN
CONTENT / TOPIC: Ang Pagwawakas ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya

CONTENT STANDARDS: Ang mag -aaral ay naipamamalas ng mag- aaral ang pag -unawa sa pagbabago,
pag-unlad at pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal at
Makabagong Panahon (ika-16 hanggang ika -20 siglo)

PERFORMANCE STANDARDS: Ang mag -aaral ay nakapagsasagawa ng kritikal na pagsusuri sa pagbabago, pag-
unlad at pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal at Makabagong
Panahon (ika -16 hanggang ika-20 siglo)

LEARNING COMPETENCIES:  Nasusuri ang karanasan at bahaging ginampanan ng mga kababaihan tungo sa
pagkakapantay -pantay, pagkakataong pang –ekonomiya at karapatang
pampolitika
 Napahahalagahan ang bahaging ginampanan ng nasyonalismo sa pagbibigay
wakas sa imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya

LEARNING OUTCOME: Sa pagtatapos ng aralin, inaasahan na ang mga mag- aaral ay:

 Masuri ang karanasan at bahaging ginampanan ng mga kababaihan tungo sa


pagkakapantay -pantay, pagkakataong pang –ekonomiya at karapatang
pampolitika
 Mapahalagahan ang bahaging ginampanan ng nasyonalismo sa pagbibigay
wakas sa imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya

MATERIALS/ APPLICATIONS: -Power Point presentation

-Laptop

REFERENCES: Quipper Study Guide

TIME ALLOTMENT: 50 minuto/ 3 araw

LESSON OUTLINE:
During the lesson, the students will……

1. Introduction / Review

Bilang rebyu, ang mga mag- aaral ay sasagutin ang mga sumusunod na tanong sa ibaba.

Gabay na Tanong:

1. Ano ang mga ideolohiya na may kinalaman sa lipunan?


2. Ano ang Kapitalismo?
3. Sa iyong palagay, nakabubuti o nakasasama ba sa isang bansa ang pagkakaroon ng
ideolohiya?
4. aral, paano ka naapektuhan ng mga ideolohiya?
5. Sa kasalukuyan, paano hinuhubog ng ideolohiya ang mga patakaran at gawi ng isang
bansa?

2. Motivations
Ang guro ay magtatanong sa mga mag- aaral kung ano ang kahalagahan ng kalayaan? Bakit
maraming nagsasakripisyo ng buhay para matamo ito? Ang bawat mag- aaral ay kinakailangana na
sagutin ang tanong at magbigay ng kanilang ideya at saloobin sa usapin ng kalayaan.

3. Instruction/ Delivery

Gamit ang tulong biswal at mga larawan, ang guro ay magtatalakay patungkol sa pagwawakas ng
imperyalismo at kolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya. Ang mga mag- aaral ay malayang makilahok
at makisali sa talakayan.

4. Practice /Drills (Formative assessment)

Susubukin ang naintindihan ng mga mag- aaral gamit ang open- ended questions o ang mga gabay na tanong.

Gabay na tanong:

1. Bakit mahalaga ang deklarasyon ng kalayaan?


2. Bilang mag-aaral, ano ang maaari mong gawin para sa iyong bansa para mapanatili
itong malaya?
3. Paano mo maisasabuhay ang mga aral ng nasyonalismo?

5. Enrichment: (Additional activities, Analysis, Reflection)

PT#1: Slogan

Gumawa ng isang slogan na nagsusulong ng nasyonalismo. Ilagay ito sa short bond paper o
maaaring anong uri ng digital platform. Ipasa sa google classroom.

Pamantayan sa Pagmamarka:
Nilalaman 10
Pagkamalikhain 10
Orihinal 10

6. Assessment / Evaluation

Quiz: Pagwawakas ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Timog at Kanlurang Asya (Quipper)

Prepared by: Ella Kate B. Altar Date Submitted: February 11, 2022

Comments/ Feedback
Checked by:

MARITES R. BRIONES

You might also like