You are on page 1of 5

ARALING PANLIPUNAN 7

IKAAPAT NA MARKAHAN-WEEK 6
ANG BAHAGING GINAGAMPANAN NG NASYONALISMO SA PAGBIBIGAY WAKAS
SA IMPERYALISMO SA SILANGAN AT TIMOG- SILANGANG ASYA

Most Essential Learning Competency: Napahahalagahan ang bahaging ginampanan ng


nasyonalismo sa pagbibigay wakas sa imperyalismo sa Silangan at Timog-Silangan Asya
Paksa: Hakbang sa Paglaya ng Silangan at Timog-Silangang Asya

I. MGA LAYUNIN Sa loob ng 60 minuto na talakayan, ang mga mag-aaral ay


inaasahang:
A. Pamantayang Naipaliliwanag ang kahulugan ng Nasyonalismo, at mga hakbang
Pangkaalaman tungo sa paglaya ng Silangan at Timog-Silangang Asya;
B. Pamantayan sa Nakaguguhit at nakagagawa ng paskil o poster na nagpapakita ng
Pagganap damdaming nasyonalismo;
C. Pamantayan sa Napahahalagahan at naipapakita ang damdaming nasyonalismo sa
Padamdam pamamagitan ng pag-awit.
II. PAKSANG ARALIN /
Hakbang sa Paglaya ng Silangan at Timog-Silangang Asya
NILALAMAN
A. Integrasyon sa Ibang Music, Arts, English
Disiplina
B. Sanggunian Batayang Aklat “ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba” pp.
364-376
https://depedtambayan.net/wp-content/uploads/2022/05/AP7-Q4-
MOD6.pdf
C. Kagamitang Panturo Laptop, visual aid, pictures, TV o LCD Projector
D. Estratehiya Indibidwal na Gawain/Pangkatang Gawain
E. Asal Pagkamalikhain, Katapatan sa sariling bansa, Huwag maging sakim
III. PAMAMARAAN
A. Paghahanda ▪ Pagsasaayos ng silid-aralan
▪ Panalangin
▪ Pagbati
▪ Pagtala ng lumiban sa klase
▪ Pagtatakda ng mga Pamantayan sa klase
B. Balik-aral Noong nakaraang lingo, ating tinalakay ang dahilan, paraan, at
epekto ng kolonyalismo ng mga Kanluranin.
1. Ano ang kolonyalismo?
2. Magbigay ng mga bansang Kanluranin.
C. Pagganyak (Mood ▪ Pamamaraan
Setting/Motivation) Panuto: Iayos ang mga pinaghalong letra upang makabuo ng isang
salita na tumutugon sa inilalarawan ng pangungusap.

K L A N A A Y A (Sagot: KALAYAAN)
1. Ibang katawagan sa kasarinlan.
N S A Y A L S M I O N O (Sagot: NASYONALISMO)
2. Pagmamahal at katapatan sa sariling bayan o bansa.
K N L U A I N R A N (Sagot: KANLURANIN)
3. Ang mga nanakop sa mga bansa sa Asya.
S Y A A (Sagot: ASYA)
4. Pinakamalaking kontinente.
D M K A A S Y O R E (Sagot: DEMOKRASYA)
5. Kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay ng mga tao.
I S K O M O N M U (Sagot: KOMUNISMO)
6. Ideolohiyang naghahangad ng isang lipunang pantay-pantay ang
lahat ng tao, walang mayaman o mahirap, may kapangyarihan o
tagasunod.
M A N G D I G A D A I G P A N I G D (Sagot: DIGMAANG
PANDAIGDIG)
7. Malawakang digmaan na kinasangkutan ng maraming bansa sa
buong mundo na nagdulot ng malawakang pagbabago.
D. Paghahabi sa Layunin 1. Ano-ano ang mga nabuong salita?
ng Aralin 2. Sa iyong palagay, ano ang magiging paksa ng ating aralin?
E. Pagpapalalim (Lesson Proper)
Ipaalala sa mga estudyante na makinig nang Mabuti dahil magkakaroon ng maikling pasusulit
pagkatapos ng aralin. (Law of Readiness by Edward Thorndike)

Nasyonalismo – damdaming makabayan na maipakikita sa matinding pagmamahal at


pagpapahalaga sa Inang-bayan.
➢ Defensive nationalism – mapagtanggol na nasyonalismo (Pilipinas)
➢ Aggressive nationalism – mapusok na nasyonalismo (Hapon)

HAKBANG SA PAGLAYA NG SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG-ASYA


(Pangkalahatang Ideya)

Dahilan ng pag-usbong ng damdaming nasyonalismo:


- Pananakop
- Paniniil
Unang Digmaang Pandaigdig
- nagbago ang balance of power (nakilala ang Japan dahil pinalakas nito ang kaniyang hukbong
militar)
- racial equality o pantay na pagtingin sa lahi na hindi pinansin ng mga Kanluranin
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
- lumakas ang nasyonalismo sa Timog-Silangang Asya
- napabilis ang paglaya kaya maraming mga bansa sa Timog-Silangang Asya ang nagsarili
pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Ideolohiya:
- Komunismo dahilan ng transpormasyon sa Silangan
- Demokrasya at Timog-Silangang Asya

Paglaya ng mga Bansa sa Silangang Asya

Paglaya ng China
- Sikat ang mga produktong China sa Europa kaya hinangad ng taga Europa na masakop ang China
- Natalo ang China sa Digmaang Opyo dahilan ng pagkakaroon Sphere of Influence ng mga bansang
Europeo sa teritoryo ng China.

3 Uri ng Nasyonalismo
1. Nasyonalismong tradisyunal – pinangunahan ng samahang Boxers
- layunin na paalisin ang mga Kanluranin at impluwensya nito
2. Demokratiko – pinangunahan ni Dr. Sun Yat Sen at Chiang Kai Shek
3. Komunismo – pinangunahan ni Mao Zedong
- nabahala ang Japan na baka maapektuhan ang interes nito sa China kung kaya’t sunod sunod ang
ginawang pakikidigma at pananakop nito (Manchurian incident - Rape of Nanking - Ikalawang
Digmaang Pandaigdig.
- Natalo ang Japan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig
- nagpatuloy ang kaguluhan sa China sa pagitan ng komunista ni Mao Zedong at nasyonalista ni
Chiang Kai Shek ngunit natalo ang nasyonalista kinalaunan
- tumakas ang mga nasyonalista at pumunta sa isla ng Formosa na ngayon ay tinawag na Taiwan

Paglaya at Pagkakahati ng Korea


- nasakop ng Hapon ang Korea at ginawang base militar at itinaguyod ang kanilang kabihasnan.
- natalo ang Hapon sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig kaya’t napatalsik sila
- may dalawang ideolohiyang nag-uumpugan, ang komunismo na niyakap ng Hilagang Korea at
sinuportahan ng Unyong Sobyet at demokrasya na niyakap ng Timog Korea na sinuportahan ng
Amerika
- Noong 1948, pinasinayaan ang bagong republika na sinuportahan ng Amerika na pinamunuan ni
Syngman Rhee ngunit kaagad namang ipinahayag ng North Korea ang Democratic People’s
Republic of Korea na sinuportahan ng Soviet Union na pinamunuan ni Kim Il Sung. Mula noon,
nahati ang Korea sa pamamagitan ng 38th parallel.
Paglaya ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya

Paglaya ng Indonesia
- Nakamit ng Indonesia ang kalayaan nito noong Agosto 17, 1945 sa pamumuno ni Achmed
Sukarno sa pamamagitan ng rebolusyon laban sa mga Olandes.
- Pinamunuan ni Sukarno ang Indonesia sa loob ng 23 taon.
- Pinasimulan niya ang pamamahalang guided democracy (limited democracy) base sa Pancasila-
5 patnubay na prinsipyo: paniniwala sa Dios, nasyonalismo, pagkakawanggawa, katarungang
panlipunan at demokrasyang gagabayan ng karunungan.
- Tinanggap at ipinagbunyi ng mga tao at ginawa siyang pangulong panghabambuhay noong 1963
subalit ang lubos niyang kapangyarihan ang naging dahilan ng pang aabuso niya sa kapangyarihan.

Paglaya ng Pilipinas
- Nakamit ang Kalayaan noon Hunyo 12, 1898 sa pamumuno ni Heneral Emilio Aguinaldo.
- Nakipagsabwatan ang mga Amerikano sa Pilipino upang matalo ang mga Espanol
- Nagpalabas ang Amerikan ng patakarang Benevolent Assimilation at lumagda sa Treaty of Paris
na nagpapahayag ng paglilipat ng pamamahala ng Pilipinas sa Amerikano mula sa mga Espanol.
- Sumiklab ang Digmaang Pilipino-Amerikano
- Sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig
- Nilusob tayo at nasakop sa loob ng 5 taon.
- Natalo ang Hapon sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig kung kaya’t binalikan tayo ng mga
Amerikano at ibinigay ang ating kalayaan noong Hulyo 04,1946.

▪ Pagsusuri (Analysis)
Ang mga mag-aaral ay tatanungin sa mga sumusunod na katanungan:
1. Ano ang ipinagkaiba ng demokratiko at komunismo?
2. Anong parehong katangian ang taglay ng bawat namumuno ng isang bansa?
3. Sa mga nabanggit na mga ideolohiya, saan kayo mas pabor? Bakit?
4. Sa tingin ninyo, mahalaga parin ba ang ideolohiya kahit nakamit na ang Kalayaan sa
kasalukuyan? Bakit?
▪ Paglalahat (Generalization)
Ang mga mag-aaral ay tatanungin sa mga sumusunod na katanungan:
1. Ano ang ibig sabihin ng nasyonalismo gamit ang sarili mong salita?
2. Anu-ano ang mga ideolohiya na nabanggit?
3. Paano lumaya ang China? Korea? Vietnam? Pilipinas?
F. Paglinang sa Pamprosesong Tanong:
Kaisipan 1. Ano ang nakita ninyo sa larawan?
2. Ano ang ipinapahiwatig ng larawang ito?

Pamilyar ba kayo sa awiting “Bayan Ko”? Kailan Ninyo huli itong


narinig o kinanta? Halina at ating sabayan ang awiting ito.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang iyong naging damdamin matapos kantahin ito?
2. Ano ang mensahe ng awiting ito?
3. Para sa iyo, gaano kahalaga ang kalayaan? Bakit?
G. Paglapat ng Aralin sa Pang araw-araw na Buhay
Malaya ka ba? Totoo nga bang malaya na tayo?
Performance Task: Pangkatang Gawain
Panuto: Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Bawat grupo ay gagawa ng paskil o poster kung paano mo
naipapakita ang pagmamahal sa bayan bilang isang mag-aaral. Maging malikhain sa paggawa. Huwag
ilimit ang imahinasyon sa apat na sulok ng silid-aralan. Pumili ng isang lider sa bawat pangkat upang
magpaliwanag tungkol sa poster na ginawa.
IV. PAGTATAYA Panuto: Kumuha ng ¼ piraso ng papel at sagutin ang sumusunod na
(Evaluation) katanungan. Babasahin lamang ang tanong ng dalawang beses. (10
points)
1. Magbigay ng isang ideolohiya.
2. Magbigay ng isang bansa sa Silangang Asya.
3. Magbigay ng isang bansa sa Timog-Silangang Asya.
4-5. Ano ang kahulugan ng nasyonalismo.

Batayan sa pagtataya (Rubric)


Malinaw na pagpapahayag ng ideya at may kumpletong
impormasyon, (2 puntos)
Hindi masyadong malinaw ang pagpapahayag ng ideya. (1 puntos)
V. TAKDANG-ARALIN
Panuto: 1. Gumawa ng maikling tula (tatlong saknong) na may temang nasyonalismo o pagmamahal sa
bayan.
2. (Essay) Sagutin ang tanong na ito. Gaano kahalaga ang katapatan at pagmamahal sa sariling bayan o
bansa?
Isulat ang inyung mga sagot sa isang buong papel at ito ay ipasa sa byernes. Ang pinakamalaking
puntos. (Indibidwal na gawain)

Rubrics sa Pagsulat o Paggawa ng Tula: (15 points)


5 4 3 2
Malalim at Makabuluhan ang May ilang bahagi ang tula Mababaw ang mensahe
makabuluhan ang mensahe ng tula. ang di makabuluhan. ng tula.
mensahe ng tula.
May kaugnayan ang May kaugnayan May ilang bahagi ang tula Marami sa bahagi ng
tula sa konseptong ang tula sa ang walang kaugnayan sa tula ang walang
ibinigay ng guro. konseptong konseptong ibinigay ng kaugnayan sa
ibinigay ng guro. guro. konseptong ibinigay ng
guro.
Nabigyang buhay ag Nabigyang buhay Di gaanong nabigyang Nabigyang buhay ang
tula sa malikhaing ang tula sa buhay ang tula sa tula sa pinakasimpleng
paraan. magandang paraan. malikhaing paraan. paraan.

Pamantayan sa Pagsulat ng Sanaysay (15 points)


Pamantayan 5 4 3 2
Nilalaman Angkop ang mga Malinaw ang pag- May kaunting Hindi malinaw at
ideyang uugnay ng mga kulang sa walang
ipinahayag at ideya at hindi pagpapaliwanag kaugnayan ang
malinaw ang pag- maligoy. at hindi sapat ang mga ideya.
uugnay ng ideya ideyang inilahad Maligoy.
tungo sa teksto. upang makabuo
Hindi maligoy. ng hinuha.
Organisasyon Malinaw at Maiksi subalit Kulang ang mga Paligoy-ligoy sa
mahusay ang malaman ideyang inilahad. paglalahad ng
paglalahad ng ideya
ideya
Mekaniks Wasto ang Wasto ang Wasto ang Maraming
paggamit ng mga pagbaybay ng paggamit ng mga kamalian sa
bantas at mga salita. bantas ngunit paggamit ng
pagbaybay ng Walang mal isa may kamalian sa bantas, at
mga salita. gramatika aspetong pagbabaybay ng
Walang mal isa panggramatika mga salita.
gramatika.

Legend:
Levels of Understanding using Anderson/Krathwol’s Revised Taxonomy
Blue – means REMEMBERING
Green – means UNDERSTANDING
Purple – means APPLYING
Pink – means ANALYZING
Orange – means EVALUATING
Red – means CREATING

Prepared by:
MA. SHIENA S. QUIJDA
Teacher Applicant

You might also like