You are on page 1of 9

Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan 7

Pamantayang Pangnilalaman (Content Standard)


Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagbabago, pag-unlad
at pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon (ika-16
hanggang ika-20 siglo)
Pamantayan ng Pagganap (Performance Standard)
Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa ng kritikal na pagsusuri sa pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy
sa Timog at Kanlurang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon (ika-16 hanggang ika-20 siglo)

Mga Kasanayan sa Pagkakatuto (Learning Competencies)


MELC * Nasusuri ang mga salik, pangyayari at kahalagahan ng nasyonalismo sa pagbuo ng mga bansa
sa Silangan at Timog –Silangang Asya
Code: AP7KIS-IVc-1.6
I. LAYUNIN (Objective): Sa pagtatapos ng araling ito. Inaasahan na:

1. Naipaliliwanag ang kahulugan ng nasyonalismo

2. Nasusri ang mga dahilan sa paggising ng damdaming nasyonalismo sa Timog at Kanlurang Asya

3. Nakalilikha ng iba’t ibang interpretasyon na nagpapakita ng damdaming makabayan

II.
A. NILALAMAN (Content)
Nasyonalismo sa Asya; Pag-usbong ng Nasyonalismo sa Timog at Kanlurang Asya
B. SANGGUNIAN (References)

1. Araling Panlipunan MELC-Quarter 3

2. Asya: Pagkakaisa sa Kabila ng Pagkakaiba


Pahina 222-230

C. KAGAMITANG PANTURO Yeso at Pisara, PPT, Smart TV

https://www.youtube.com/watch?v=oI7eym3Qv2g

III. PAMAMARAAN (Procedure)


A.Panimulang Gawain
Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin (Reviewing previous lesson or
presenting the new lesson)

Ang guro ay babasahin ang mga paalaala sa silid aralan:


*Palagiang suotin ang face mask
*Huwag mahihiya, ang silid aralan ay ligtas na lugar
*Kapag tinawag ni guro, tumayo at sagutin ang tanong ni guro
*Kapag may gusto sabihin o tanong, itaas ang kamay at hintayin tawagin ng guro
para masabi ang gustong sabihin o itanong
*Palagiang ipakita at ipamalas ang kabaitan at paggalang sa mga kaklase na
nagbabahagi sa klase.
*Gawin ang lahat ng makakaya, magsuportahan at maging masaya sa loob ng silid aralan.
Balik-aral
A. Epekto ng Koloyalismo at Imperyalismo: Tukuyin Mo
Panuto: Tukuyin ang epekto ng kolonyalismo. Ilahad kung ito ay alin sa mga sumusunod na aspeto
EKONOMIYA POLITIKA SOSYO-KULTURAL

1. Ang India ang nagging tagapagtustos ng mga hilaw na materyales at pamilihan ng produktong
kanluranin.
2. Maraming katutubo ang yumakap sa Kristiyanismo
3. Nagkaroon ng fixed border o takdang hangganan ang teritoryo ng bawat bansa
4. Nailipat sa Europa ang kayamanan ng Asya na dapat pakinabangan ng mga Asyano
5. Ang kaugalian ay nahaluan

B. Pagganyak

Pansinin ang nasa larawan?

Ano ang inyong napapansin?

Ang pananakop ng mga Ingles sa India ang nagbigay daan upang magising ang diwa ng nasyonalismo
rito. May iba’t-iba mang wika at relihiyon ang mga Indian, sila naman ay kumilos at nagkaisa upang
umulad at makabuo ng isang malayang bansa.

Si Mohanda Gandhi ang nangunang lider nasyonalista. Siya ang nagpakita ng mapayapang paraan sa
paghingi ng kalayaan.

C. Panlinang na Gawain

Pangkatang Gawain
Group 1- Gagawa ng tula tungkol sa suttee o sati
Group 2- Lilikha ng history tableau o hindi kumikilos na paglalarawan ng rebelyong sepoy
Group 3- Guguhit ng paglalarawan ng Amitsar Massacre
Group 4- Gagawa ng skit ng paglalarawan sa Civil Disobedience
Group 5- Magsasagawa ng pantomime ng Sistemang mandato
Group 6- Gagawa ng editorial cartooning ng Zionism
Gabay na tanong:
1. Ang inyong ibinahagi ba ay isang dahilan sa pag-usbong ng nasyonalismo sa Timog at Kanlurang Asya?
2. Paano ito nakatulong sa pagbuo ng nasyonalismo?
3. Sang-ayon ba kayo sa ginawa nila? Pangatwiranan

D. Paglalahat

Nakabuti ba o hindi sa pamumuhay ng mga tao sa Timog at Kanlurang Asya ang pagpapakita ng damdaming
nasyonalismo? Pangatwiranan

E. Paglalapat

Bilang mamamayan, sa paanong paraan mo ipapahayag ang pagmamahal mo sa ating bayan?

IV. Pagtataya

1.Ito ay tumutukoy sa damdaming makabayan na naipapakita sa


matinding pagmamahal at pagpapahalaga sa bayan.
A. Neokolonyalismo
B. Nasyonalismo
C. Imperyalismo
D.Kolonyalismo
2.Alin sa mga bansag ito ang nagpakita ng halimbawang
defensive nationalism?
A.Japan
B.China
C. Pilipinas
D. Saudi Arabia
3.Alin sa mga sumusunod ang maituturing na pangunahing
manipestasyon ng nasyonalismo?
A. Pagtataksil
B. Pagkakaisa
C. Pagsasawalang kibo
D. Pagsasawalang bahala
4. Alin sa mga sumusunod ang kaganapan na hindi epekto ng pag-usbong ngnasyonalismo sa Timog Asya
A. Pagsiklab ng Rebelyong Sepoy
B. Zionism
C. Pagbabawal sa Suttee o Sati
D. Pangunguna ni Gandhi sa layuning matamo ang kalayaan ng India
5 Alin sa mga sumusunod ang bansa na nagpakita ng
halimbawa ng aggressive nationalism?
A. Japan
B Pakistan
C. Pilipinas
D. Saudi Arabia

V. Takdang Aralin

Reaksiyon Mo, Kailangan ko!


Sumulat ng isang maikling sanaysay sa pahayag ni Mahatma Gandhi. “Mas malakas ang puwersa ng
walang karahasang lumalaban, Malaya sa poot at walang armas na kailangan”
Inihanda ni Binigyang-pansin: Tinunghayan ni:

Emmanuel P dela Cruz Paciencia F. Miranda Marina DC Carreon


Master Teacher I Master Teacher II Head Teacher VI
HAKBANG SA PAGLAYA NG SILANGAN ASYA

Paglaya ng China

Dahil sa kasikatan ng produktong Tsino sa Europa, hinangad ng mga Europeo na makipagkalakalan sa


China na kalaunan ay naging dahilan ng paghahangad na makontrol ang lupain nito. Ang pagkatalo ng
China sa Dalawang Digmaang Opyo ay nagging daan ng hindi makatwirang kasunduan at pagkakaroon
ng Sphere of Influence ng mga bansang Europeo sa teritoryo ng China.
Tatlong Uri ng Nasyonalismo ang umusbong:
• UNA, Nasyonalismong tradisyunal na ang layunin ay paalisin ang mga kanluranin at ang
impluwensya nito na pinangunahan ng Samahang Boxer.
• IKALAWA, Nasyonalismong may impluwensya ng kanluran na ang layunin ay maging republika ang
China yakap ang ideolohiyang demokratiko na pinangunahan ni Dr. Sun Yat-Sen at Chiang Kai-Shek.
• IKATLO, Nasyonalismong may impluwensya ng komunismo na pinangunahan ni Mao Zedong.

Paglaya at Pagkahati ng Korea


Unti-unting nasakop ng Japan ang Korea na ginawang base-militar at pilit na itinaguyod ang kanilang
kabishanan. Bunsod nito, maraming ginawang pagtatangka ang Korea upang mapatalsik ang mga
Hapones. Napabilis ito pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig kung saan natalo ang mga
Hapones.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2 (Discussing new


concepts and practicing new skills #2)

Sa pagpapatuloy ng aralin dumako na tayo sa mga hakbang sa paglaya ng mga bansa sa Timog-
Silangang Asya.

Paglaya ng Indonesia

Nakamit ng Indonesia ang kalayaan nito noong Agosto 17,1945 sa pamumuno ni Achmed Sukarno sa
pamamagitan ng rebolusyon laban sa mga Olandes. Pinamunuan ni Sukarno ang Indonesia sa loob ng
23 taon. Pinasimulan niya ang pamamahalang guided democracy (limited democracy) base sa
Pancasila- 5 patnubay na prinsipyo: paniniwala sa Dios, nasyonalismo, pagkakawanggawa,
katarungang panlipunan at demokrasyang gagabayan ng karunungan.

Paglaya ng Burma

Nakamit ng Burma ang Kalayaan noong Enero 4, 1948 sa pamumuno ni U Nu bilang punong Ministro
ng Republika ng Burma na kalaunan ay nilipat kay Heneral Ne Win na isang diktador militar. Bilang
pinuno ng mga hukbong armado, pinairal niya ang ideolohiyang Myanmar Way to Socialism kung saan
kinukumpiska ng pamahalaan ang anumang negosyo at pangkalakalan, bangko at mga pribadong ari-
arian. Ito ang dahilan kaya nawalan ng hanap-buhay ang mga dayuhan.

Paglaya ng Pilipinas

Nakamit ng Pilipinas ang kalayaan noong Hunyo 12, 1898 sa pamumuno ni Heneral Emilio Aguinaldo.
Nakipagsabwatan ang mga Amerikano sa Pilipino upang matalo ang mga Espanyol sa Digmaang
Espanyol-Amerikano. Inakala ng pamunuan ni Aguinaldo na aalis na ang mga Amerikano sa Pilipinas
at ipauubaya na ang pamumuno sa Pilipino kaya’t idineklara ang Kalayaan at nagtatag ng isang
Demokratikong Pamahalaan.
Subalit nanatili ang mga Amerikano sa Pilipinas, Nagkaroon ng Benevolent Assimilation o
paglilipat ng kapangyarihan ng mga Espanya sa Amerika. Sa pamamagitan ng Treaty of Paris
nagkaroon ng kasunduan ang Espanya sa Amerika at ibinenta ang Pilipinas sa halagang 20,000,000 US
Dollar. Lubus na tinutulan ng mga Pilipino ito kaya nagkaroon ng Digmaang Pilipino-Amerikano,
natalo ang mga Pilipino. Ang pagtatapos Ikalawang digmaang pandaigdig ang naging daan para
tuluyang makalaya ang Pilipinas mula sa mga mananakop.
F. Paglinang sa kabihasnan (Developing mastery (Leads to Formative assessment)

Paano ipinakita ng mga bansa sa Silangan at Timog-Silangan Asya ang pagmamahal sa bansa?
Magbigay ng patunay sa iyong sagot.

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay (Finding practical applications on concepts


and skills in daily living)

Para mailapat ang aralin sa pag araw araw na buhay, ang mga mag aaral ay sasagot sa mga
ilang katanungan:

1. Para sa iyo, Bakit mahalaga ang Kalayaan?

2. Ano ang gagawin mo kung may dayuhang nais sumakop sa ating bansa?

H. Paglalahat ng aralin (Making generalizations and abstractions about the lesson)

Sa kabuuan, muling susubukin ng guro ang kaalaman na nakuha ng mga mag-aaral sa


diskusyon:

Para sa paglalahat, punan ang hinihinging impormasyon sa talahanayan.

Bansa Pamamaraan na ginamit sa Ideolohiyang Niyakap


(Silangang-Asya) Paglaya

China Pakikipaglaban Demokratiko, Komunismo

Korea

Bansa Pamamarang ginamit sa paglaya Ideolohiyang Niyakap


(Timog-Silangang Asya
Burma (Myanmar)

Indonesia

Pilipinas

PAGPAPAHALAGA: Isang mahalagang pamana ng ating mga ninuno ang


pagpapahalaga sa dignidad upang matutong manindigan sa Karapatan para sa
Kalayaan. Ito ay itinuturo sa inyong asignatura na Edukasyon sa Pagpapakatao na
kaakibat ng mabuting pagpapasya ang isipin hindi lamang ang sarili kundi ang
ikabubuti ng nakakarami.

I. Pagtataya ng aralin (Evaluating Learning)

PANUTO: Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Ito ay isang Sistema o lipon ng ideya o kaisipan na naglalayong magpaliwanag tungkol sa daigdig at
pagbabago nito. Ang mga halimbawa nito ay demokrasiya, kapitalismo, monarkiya, totalitaryanismo,
autoritaryanismo, soyalismo, at komunismo.
a. Heograpiya
b. Ideolohiya
c. Topograpiya
d. Wala sa nabanggit
2. Malawakang digmaan na kinasangkutan ng maraming bansa sa buong mundo na nagdulot ng
malawakang pagbabago.
a. Digmaang Pandaigdig
b. Cold War
c. Digmaang Sibil
d. Lahat ng nabanggit
3. Pagpapalwak ng kapangyarihan at teritoryo sa pamamagitan ng pananakop ng hindi lang isa kundi
maraming teritoryo o bansa.
a. Kapitalismo
b. Komunismo
c. Nasyonalismo
d. Imperyalismo
4. Pananakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang bansa upang makontrol at magamit ang likas
na yaman nito para sa pansariling interes. Bunga nito ay karaniwang naabuso at napagsasamantalahan
ang bansa at mamamayan na nasakop.
a. Totalitaryanismo
b. Sosyalismo
c. Kolonyalismo
d. Komunismo
5. Pagkakaunawaan ng dalawang magkasalungat na panig pang matigil na ang kanilang sigalot o ‘di
pagkakaunawaan, nagkakaroon ng usapan o kompromiso ang magkabilang panig.
a. Kasunduan
b. Pagpupulong
c. Eleksyon
d. Wala sa nabanggit

J. Karagdagang Gawain para sa takdang-aralin (Additional activities for application or


remediation)

PERFORMANCE TASK

Ngayong panahon ng pandemic,sa paanong paraan mo maipapakita ang iyong nasyonalismo sa ating
republika? Maaaring gumawa ng tula, awit, o poster-slogan at i-video ang iyong sarili. Ang video ay
hindi hihigit sa 2 minuto.
Rubriks
Nilalaman 5
Pagkamalikhain 10
Kaugnayan sa Paksa 5
Malinis at Maayos 5
TOTAL 25

You might also like