You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Schools Division Office – Quezon City
DOÑA ROSARIO HIGH SCHOOL
P. Urduja St., Doña Rosario Subd., Brgy. Nova Proper, Novaliches, Quezon City
5th District, Quezon City, Metro Manila

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 7

Petsa at Oras: May 9, 2022 Petsa at Oras: May 9-13, 2022


Ikalawang ARAW: Ma (Synchronous Ikalawang ARAW: HUWEBES AT
Activity) BIYERNES(Synchronous Activity)
(MODULAR DIGITAL CLASS) (ONLINE CLASS)

8-9 am- LEEUWENHOOK


11:20 - 12:20 PM - Bohr 9- 10 - EDISON (ASSYNCHRONOUS

10 - 11 AM - JOULE ( SYNCHRONOUS)

12:20- 1:20 - HESEMBERG (ASSYNC)

9-10 AM- EDISON

Markahan: Ika-apat na Markahan


Week: 1

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Ang mag-aaral ay napapahalagahan ang pagtugon ng mga Asyano sa mga hamon ng
pagbabago, pag- unlad at pagpapatuloy ng Silangan at Timog- Silangang Asya sa Transisyonal
at Makabagong Panahon (ika-16 hanggang ika-20 Siglo).
B. Pamantayan sa Pagganap
Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa nang kritikal na pagsusuri sa pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy
ng Silangan at Timog Silangang Asya sa Transisyoal at Makabagong Panahon (ika-16 hanggang ika-20
Siglo)

C. Kasanayan sa Pagkatuto
Nasusuri ang mga dahilan, paraan at epekto ng kolonyalismo at imperyalismo ng mga
Kanluranin sa unang yugto (ika-16 at ika-17 siglo) pagdating nila sa Silangan at Timog-
Silangang Asya. (MELC 1)
D. Tiyak na Layunin

1. Natutukoy ang pagkakatulad at pagkakaiba ng pakikitungo ng mga Tsino at Hapones sa


pagharap sa mga kanluranin sa pamamagitan ng Venn Diagram.

2. Naiprepresenta ang mga pag-unlad ng Japan sa larangan ng edukasyon, ekonomiya, at


sandatahang lakas.

3. Nakapagbabagi ng sariling ideya kung paano papaunlarin ang sariling bansa sa iba’t ibang
larangan.

II. NILALAMAN

A. Paksa: Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Japan

B. Sanggunian:
Araling Panlipunan Learning Module Pahina 331-332
Araling Panlipunan Curriculum Guide
Ikaapat na Markahan – Modyul 6: Nasyonalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya
https://www.youtube.com/watch?v=fRkrOthwcpE

C. Kagamitang Panturo: Desktop, Google Meet, Google Forms, Canva,

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati
2. Panalangin
3. Kumustahan
4. Pagpapaliwanag ng layunin

B.Pagganyak: Bidyo

Ang Bayan ko (My Country)


Pamprosesong tanong:

1. Ano ang ipinahihiwatig ng kanta?

2. Ano ang nais ng mga Pilipino sa pakikipaglaban?

3. Mahalaga ba ang kalayaan? Bakit?

4. Mahal niyo ba ang inyung bansa?

5. Ano ang gagawin niyo kapag may mga mananakop?

C. Paglalahad

Mga pamprosesong tanong:


para sa iyo, ano ang pagmamahal?
Sino-sino ang maaari mong bigyan ng pagmamahal?
Mahalaga ba ang pagmamahal?
D. Paglalahat

Panuto: Base sa ating talakayan noong nakaraang Linggo at ngayon, mag lista ng mga bagay na
pagkakatulad at pagkakaiba ng pakikitungo ng mga Tsino at Hapones sa pagharap sa mga
kanluranin sa pamamagitan ng Venn Diagram. Mag lista ng dalawa hanggang apat.

CHINA JAPAN
PAGKAKATULAD

1. 1.
1.
2.

2. 2.

E.Paglalapat
Bilang isang mag-aaral , paano niyo papaunlarin ang sarili nating bansa?

IV. PAGTATAYA ( QUIZZI)

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Anong panahon ang pinamunuan ni Emperador Mutsuhito?

A. Meiji Restoration B. Dinastiyang Qing C .Rebelyong Boxer D. Rebelyong Taiping

2. Ang mga sumusunod ay impluwensya mula sa mga kanluranin maliban sa isa.

A . edukasyon B. agrikultura C. ekonomiya D. sandatahang lakas

3. Sa anong bansa tinularan ng mga Hapones ang pagkakaroon ng isang sentralisadong pamahalaan. A .England
B. United States C. Germany D. China

4. Ang pagkakaroon ng sistema ng edukasyon ay natutuhan ng Japan mula sa bansang .

A. United States B.England C .Germany D. China

5.Sa anong paraan natuto ang mga Hapones ng makabagong kaalaman sa pamamahala, kalakalan, at
pakikipagdigma?
A. nakiglaban sa kanluranin B. nanakop ng ibang lupain C.nakipagkaibigan sa kanluranind.
D. nagpadala ng mga iskolar sa Europe

V. KASUNDUAN
Magsagawa ng saliksik patungkol sa “Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Indonesia”

1. Ano ang mga dahilan ng pag-usbong ng nasyonalismo sa Indonesia?


2. Paano ipinamalas ng mga Indones ang damdaming nasyonalismo?
3. Makatarungan ba ang pagkamit ng rebolusyon upang makamit ang kalayaan? Pangatwiran.

Ipinasa ni: Binigyang-pansin ni:

Marvin Pame Ms. Jinky Claveria


Practice Teacher Teacher III-Cooperating Teacher

Inaprubahan ni:

Novez S. Leal
HT VI – A.P Department

You might also like