You are on page 1of 2

KASAYSAYAN NG BIRHEN NG FATIMA

Ating alamin ang mga kasaysayan ng Mahal na Birhen ng Fatima.

Ika -13 ng Mayo 1917

Sa isang mabundok na nayon ng Cova da Iria malapit sa Fatima, Portugal, nagpakita


ang Mahal na Birhen sa tatlong batang pastol, si Lucia Santos at ang magkapatid
nyang pinsan sina Jacinta at Francisco Marto ang 6 na beses mula ika-13 ng Mayo
hanggang ika-13 ng Oktobre 1917.

Nagkaroon ng nakasisilaw na liwanag at lumitaw ang larawan, sa ibabaw ng Oak tree,


ng pinakamagandang babaeng noon lamang nakita ng tatlong bata. Ayon pa kay
Lucia, ang babae ay nakasuot ng puting damit na maliwanag pa sa sikat ng araw at
ang sinag ng liwanag ay higit pa sa kristal ang kislap. Sinabi ng Mahal na Birhen sa
tatlong bata na huwag matakot.

Anim na beses nagpakita ang Mahal na Birhen sa tatlong bata at ito ay tuwing ika-13
araw ng bawat buwan. Sa ikalawang aparisyon, noong Hunyo 13, 1917 ipinakita ng
Mahal na Birhen ang imahe ng busilak niyang puso na may mga tusok bilang simbolo
ng mga kasalanan ng sangkatauhan.At sinabi niya sa tatlong bata na siya ang
Immaculate Heart of Mary at ugaliing magdasal ng rosaryo. Itinuro rin ng Mahal na
Birhen sa tatlong bata na sa pagitan ng mga rosaryo ay dasalin ang “O, Hesus ko,
patawarin Mo kami sa aming mga sala, iligtas kami sa apoy ng impiyerno lalo na
yaong mga nangangailangan ng Iyong awa.”

At noong Oktubre 13, 1917, sa harap ng libu-libong tao, muling naganap ang
pagpapakita,ang huling aparisyon kung saan ang araw ay nag-anyong parang apoy na
umiikot at mahuhulog sa lupa.  Ang pinakahuling aparisyon na ito ay itinuturing na
nakakamangha at tinawag na “Himala ng Araw,” At sinabi niyang siya ang Mahal na
Birhen ng Sto. Rosario. Matapos nito’y hiniling sa mga tao na magdasal ng rosaryo
para sa pagbabalik-loob ng Russia na noon ay isang bansang komunista.

Sinasabing nang magpakita ang Mahal na Birhen kina Lucia, Francisco at Jacinta ay
may inihayag na tatlong lihim.

Ang mensahe ng Fatima ay ang kahalagahan ng pagdarasal ng Banal na Rosaryo


araw-araw, pagbabayad kasalanan at pagpapakabanal upang makamit ang kapayapaan
at pagtatapos ng digmaan.  Naganap ang apararisyon ng panahon nasa matinding
sigalot at karahasan ang Europa dulot ng Unang Pandigmaang Daigdig.
Ipinagkatiwala ng Mahal na Ina sa tatlong bata ang mga propesiya at pangitain na
tinagurian “Ang Tatlong Lihim ng Fatima”.  Ang dalawa ay inihayag sa publiko,
ngunit ang pangatlo ay isinulat ni Lucia.

Noong 1940, sinimulan na ni Lucia ang paglalathala ng kanyang mga alaala sa tatlong
lihim na ibinahagi sa kanila ni Maria. Ang mga mensahe ni Maria sa mga bata ay
nabatid na noong una ngunit ang tatlong lihim ay sa susunod na lamang ihahayag.
Ang una sa dalawang lihim ay ang tungkol sa impiyerno at kawalan ng
pananampalataya at digmaan. Ang ikatlong lihim ng Fatima ay hindi pa inihahayag
hanggang sa ngayon. Ngunit bago namatay si Sister Lucia (nagmadre siya sa
Kongregasyon ng mga Sisters of Dorothy) sinabi niya sa kalihim ng Congregation for
the Doctrine of the Faith na wala nang lihim na hindi pa inihayag.

You might also like